<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 21-25


Stage 21.
Don't worry, Denise






Di daw magpapaloko kay Bench pero nagpapahatid naman!

Ingrata din ang isang 'to. Pero di kasing ingrata ng iba. Pagkahatid... agad...

"Bye. Salamat!"

Hindi na hinayaang buksan ni Bench ang pintuan para sa kanya. Parang nagmamadaling umalis sa sasakyan ni Bench. Ako naman ang nasa likuran.

"W-Wait!" Pipigilan sana ni Bench pero di ko hinayaan.

Sinundot ko siya bago pa siya makapagsalita.

"Hayaan mo na nga lang yun." Sabi ko. ::) ::) ::) ::) ::)

Tumaas naman ang isang kilay niya at tuluyan ng pumasok si Jenny sa loob.

"You're weird. Akala ko ba gusto mong i-pursue ko siya."
"I can't believe na nasa likuran ako this time!" Sabi ko binalewala ang sinabi niya.

Nag-aalburoto ako pero agad nag punta sa front seat.

"Saglit lang naman yun eh!" Sabi ni Bench. Tumatawa. "Tsaka! Ano bang plano mo at nakipag-usap ka talaga sa kanya!?"
"And I can't believe na alam mo na kung saan ang bahay nina Jenny." Umalis na kami at tumingala ako sa laki ng bahay nina Jenny, binalewala ang tanong niya. :-\
"Lagi kang nag ch-change topic." Sabi niya ngumingisi. Kitang kita yung dimples niya. ???
"Well... I just want to know some things..." Hehe... Ngumisi din ako.
"Things like what?"
"Like... kung gusto mo siya. Sabi niya ayaw niya sayo... pero... I don't think so... Actions speak louder than words.^-^

Tumawa lang siya.

"Saludo na talaga ako sayo! Playboy of the Year!" Tahimik parin siya.

Natahimik narin ako at tumingin lang sa daanan.

"Seryoso ka na ba kay Jenny?" Seryosong tanong ko.

Tinignan niya rin ako ng seryoso.

"Ba't mo natanong?" Tanong niya.
"Tinanong kita, sagutin mo ako... ba't mo ako sinasagot ng tanong din?" Umirap ako.
"Eto naman oh! Masyadong high blood!" Tawa niya. "Eh ano naman ngayon kung seryoso ako?" Tumaas ang isang kilay niya.
"Edi masaya!" Tumawa ako! "Seryoso na si Benjamin Jimenez! YES!"

Hahaha! umiling siya. Totoong masaya pero narealize kong kung magseryoso siya, mawawalan ako ng Bench... Ang Bench ni Denise... Alam niyo yun? Wala ng maghahatid sakin pauwi. Siguro pati pagsama sa shopping, wala na. Hindi naman pwedeng isama namin si Jenny. Tsaka yung pag gi-gym, wala na akong kasama. Sa bar, si Eliana na lang ang kasama ko. At maari pa siyang mawala sakin kasi baka may boyfriend na yun. So... ako na lang mag-isa. :o :o :o :o :o

Kaya ko namang mag-isa. Lonely pero kayang-kaya parin... Napabuntong hininga ako habang tumitingin sa labas. Nagtatraffic ang mga sasakyan.

Somehow, thinking about it... makes me feel sad... I don't know which part is sad, being lonely or not having Bench around.

"Akala ko ba masaya ka." Sabi niya bigla.

Seryoso ang mukha. Traffic.

"Ba't parang byernesanto?"
Sinimangutan ko siya, "Huh? I'm just thinking..." Sabi ko.
"Thinking about what?"

Natahimik ako.

Nagkatinginan kami... We can't be together, anyway. And I don't love him, anyway. I don't even like this playboy.

"Thinking about how you'll be sad and lonely without me?" Sabi niya, seryoso padin ang ekspresyon.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung paano niya nalaman ang laman ng isipan ko.

"Hindi no! Iniisip ko lang yung nalalapit na finals natin. Mags-study na ako mamaya." Sabi ko. "Ewww! Wa'g ka masyadong assuming." Sinapak ko na.
Tumawa na siya, "Of course you're Denise Gozon. Hindi mo yun aaminin!"
"Ang feeling mo! Ang feeling-feeling mo!"

Hinarurot niya ang sasakyan! 100kmph ulit! :-X :-X :-X

"Kainis ka, bwisit!" Napamura talaga ako pagkarating sa bahay at agad tinanggal ang seatbelt. :-X :-X :-X
"Don't worry, Denise..." Sabi niya pagkalabas ko ng sasakyan. "I'll never be far from you, kahit na ilang beses mo akong utusan." Kumindat siya at humarurot paalis.

Isa lang sa mga salita niyang panama talaga sakin. I hate how he can see through me... Tapos... minsan di ko siya mabasa. Hindi pala minsan... halos sa lahat ng oras... di ko siya mabasa.



Stage 22.
Yes... He brought some





"Good morning!" Sabi ko kay Eliana.

Kakagising niya pa lang. Ako naman ay nag co-coffee sa labas ng bahay nila sa hacienda. Dito siya lumaki. Dito ako palaging nagbabakasyon noon para makipaglaro, makipagchikahan at kung anu-ano pa. Pero di tulad noon, hindi na siya gaanong interesado dito. Feeling ko na bobored siya.

Semestral break na. Top parin ako sa klase. Of course diba? Gozon-family of lawyers, magpapahuli pa ba ako?

Humikab siya at umupo sa tabi ko.

"Haay! Hindi na ako makapaghintay bumalik ng school." Sabi niya.
"Whut? Dalawang araw pa lang tayo dito..."

Palibhasa ilang taon siyang nanirahaan dito. Umiling ako.

"Buti pa si Bench... Saan na kaya yun ngayon?"
"Ewan ko. Hayaan mo na ang isang yun." Sabi ko.

Huling gabi ko sa syudad, nag bar hop kami ni Bench. Susunod lang daw siya dito kasi may aasikasuhin pa siya. Hmmm.

"Eliana, tapatin mo nga ako..." Sabi ko habang nilapag ang kape sa mesa. "Are you dating someone?"

Nanlaki ang mata niya.

"H-Hindi ah!"

Tinitigan niya ako.

"O-Oo." Inamin din niya. "H-Hindi ko alam." Napabuntong-hininga siya.
"Sino?"
"Shhh! Papagalitan ako ni Daddy." Tumingin siya sa paligid.
"Wala naman ang Daddy mo eh!"
"Kahit na!!!" Sabi niya.
"Parang bata 'to. Sige na. Spill it-"

Sa malayo, kitang-kita ko ang pagbubukas ng gate nila.

"Si Daddy ba yun?" Tumayo talaga siya.
"Nope... It's just Bench." Sabi ko at nagpatuloy sa pangungulit sa kanya.

Nakatayo siya at inabangan talaga si Bench.

Uminom pa ako ng kape habang tumitingin sa malayo.

"Sana nagdala siya ng dvds, tulad ng utos ko sa kanya."

"Yes... He brought some dvds..." Sabi ni Eliana, masaya. "And someone!"

Tapos tumakbo na para salubungin ang kakalabas lang na si Bench... at si Jenny.

"So... dito mags-stay si Jenny?" Napalunok ako at ngumiti kay Jenny habang pinapaupo siya ng yaya nina Eliana sa long table nila.

Kakain kami ng breakfast.

"H-Hindi naman ako magtatagal. Bukas, uuwi agad ako." Ngumiti siya.

Para namang pinapaalis ko siya sa tono niya.

"D-Di! Okay nga yun eh! Diba di na kami ma bo-bored ni Eliana dito!" Sabi ko.

Tumingin si Eliana sakin. Ang sama makatingin. Di ako plastik no! Wala lang akong masabi. LOL

Ipinakita ni Bench ang mga dala niyang dvds.

"I brought some dvds-"
"Nakikita ko nga." Hindi ko na siya pinatapos.
"Bad morning ba dito?" Lumapit siya sakin. ;)
"Hindi." Pinandilatan ko na.

Si Jenny naman, napaghahalata na yatang inis ako sa presensya niya kaya ngumiti-ngiti ako sa kanya. ::) ::) ::)

"Okay then, let's eat!?" Alok ni Bench.
"Okay! Kain na tayo! yey!" Sabi ko. ;D ;D ;D

Napatingin silang lahat sakin. Nagsimula na lang akong kumain.

"Stop your creepy smiles na, D. Alam kong plastic yan kaya wa'g mo ng ipakita kasi masyadong halata." Bulong ni Eliana.

"Its not plastic." Bulong ko. "Ang tawag dun ay social graces. Dapat ngumiti kahit di naman talaga nakakangiti."

Tumawa si Eliana sa hapag kainan! Mas lalong naging awkward dahil kaming dalawa lang yung nagsasalita habang si Jenny at Bench ay tahimik.

Para tuloyng nawawalan ng gana si Jenny at naiilang. Kasalanan ko ba kung di ko siya masali sa usapan namin ni Eliana.

Maraming guestrooms sa resthouse nina Eliana. May sarili akong room sa tabi ng pagkalaking room niya... Ang tabi naman ng room ko ay kay Bench. Pinatuloy niya si Jenny sa isa pang guestroom.

"Ba't di mo na lang pinatuloy sa kwarto mo?" Tanong ko nang binisita niya ako sa kwarto.

Kakaligo ko lang kaya sinusuklay ko ang buhok ko.

"She's not the type of girl, Denise." Sabi niya nang nakangiti at nakatitig sakin.

Nasa harapan ako ng malaking mirror at tumayo siya sa likuran ko.

"Ba't mo nga pala siya sinama ngayon? Dito pa? Para ano?" Tanong ko.
"Hindi pa kasi siya nakakasakay ng kabayo eh... Hehe.. Kaya sabi ko, marami kaming kabayo... Ayun, sumama."

Katahimikan.

"Are you mad?:)

Tinignan ko siya sa repleksyon ng aking salamin.

"Hindi." Tumayo ako at inayos ang mga damit na nakakalat sa kama. "I just hope na di puro love story o di kaya namay anime ang dala mong dvds."


Stage 23.
Yes... its natural






Tawa nang tawa si Bench at Jenny habang sumasakya dahan dahan sa kabayo.

Umirap na lang ako sa kawalan habang tinitignan sila.

"Puntahan natin?" Nakangisi si Eliana habang nanonood sa kanila.
"Ikaw nalang." Sabi ko.

Tinignan niya ako.

"What's wrong with you, D? Akala ko ba gusto mo 'to, ba't parang galit ka?" Aniya.
"Huh? Wala! eh ikaw? Kala ko ba ayaw mong magkalapit yang dalawa kasi masasaktan yung isa? Ngayon parang gusto mo na?"
"Nakikita ko kasing mukhang di naman siya paglalaruan ni Bench eh."

Hindi na talaga nakayanan ni Eli ang kati sa paa niya. Tumakbo siya papunta kina Bench at hayun nakitawa na rin! Sumakay pa ng kabayo!

"Lika dito!" Sigaw niya sakin!

Ngumiti na lang ako, plastik ulit.

Si Bench at Jenny natigilan para tignan akong sumasandal sa dingding ng resthouse nila.

Ayan! Ako tuloy yung na bored! Ang sakit sa pride sa tuwing naiisip kong pumunta sa kanila. Ang sarap matulog na lang. >:( >:( >:(

"Lika dito, Denise!" Niyaya pa ako ng manyak.

Tseh! Gusto mo yan kasi nakahawak ka sa kamay at minsan sa baywang ni Jenny! Mag enjoy kayong tatlo jan! Sana mahulog si Jenny sa putikan! >:( >:( >:(

Kinuha ko ang iPhone ko. Tatawagan ko na talaga sina Nina para makibalita kung nasaan sila ngayong sembreak. Mas malilibang pa siguro ako kung tatawagan ko siya.

Pagkatalikod ko para tawagan si Nina, iniwan din ni Bench si Jenny para puntahan ako at yayaing sumakay na kabayo. :o

"AHHHH! Jenny!"

Pag lingon ko... Pinatay ko agad yung tawag at tumakbo sa kanila. OH MY GOSH! Joke lang yun nagkatotoo! Nahulog si Jenny sa kabayo!

"Bench kasi iniwan mo!" Sabi ni Eliana na agad inalalayan ang kawawang si Jenny.

"I'm sorry... I'm sorry!"

Dumugo ang tuhod ni Jenny!

"Okay lang! hehehe!" Tumawa pa siya ng awkward. "Poor talaga ako sa balance kaya ganito. Walang kasalanan si Bench."

Binuhat naman agad ng inyong prinsipe si Cinderella patungong bahay... Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Jenny sa nangyari! Si Bench ay seryosong nilapag si Jenny sa couch at agad kumuha ng first aid kit.

"Bench, ako na niyan-" Sabi ng caretaker ng rest house nilang si Manang Rosa.
"Di na, Manang-" Sabat ni Bench.
"Oo nga Bench, si Manang Rosa na niyan... Baka bo-" Siniko ako ni Eliana bago pa matapos ang pagsasalita ko.

Nakatingin kasi si Bench ng seryoso sakin.

What? :o ??? ???

Tapos ginamot niya na ang sugat ni Jenny.

BAKA KASI BOSOHAN MO! Duh! You manyak!

Umiling na lang ako habang nagmomoment yung dalawa.

"Ayyy..."
"Bakit? Mahapdi?" Tanong ni Bench.

Pumula ulit ang pisngi ni Jenny sa pangalawang pagkakataon.

Of course mahapdi! Sino satin ang nagkasugat tapos nilagyan ng alcohol na hindi mahapdi?! DUH, BENCH! :D :D :D

Kainis talaga! Bwisit na bwisit ako buong araw! Sana mag umaga na ulit! HAHA! Pati sa hapagkainan habang kumakain kami ng dinner, badtrip parin ako.

Katabi sila ni Bench, ako naman ang katabi ni Eliana. Nasa harap ko si Bench...

"Try this Jenny! Sarap magluto ng cook namin dito! Buti nga di ako tumaba eh." Sabi ni Eliana.

Tinanggap ni Bench ang bowl ng isang putahe. Ako namannakatingin lang... observing sa lahat ng mga kilos ng Cinderella niyo. Matagal na kaming magkaibigan ni Bench, dahil sa kanya, marunong akong kumilatis ng tao. Itong sang 'to, alam kong totoo siya pero kainis dahil sa sobrang totoo. Di tulad ng mga ex ni Bench na puro crazy at OA.

Si Bench pa talaga yung naglagay ng pagkain sa plato ni Jenny ah! Nakakawalang gana tuloy.

"So... Jenny... Nagkaboyfriend ka na ba?" Tanong ng nakangiting si Eliana.

Nailang naman agad si Jenny. Ako kanina pa inom nang inom ng tubig. Walang gana talaga.

"Hi-Hindi pa." Ngiting nahihiya.
"Ow? Sa ganda mo niyan, wala pa?"
"Its natural, Eli... Ikaw wala pang boyfriend sa ganda mong yan." Sabat ko. ::) ::) ::)

Tinaas ko agad ang kilay ko at tinignan si Eliana. Si Eliana naman ay nakatingin sakin at ngumingiting plastik! Ayan! Sige! Tanong ka pa baka banatan kita diyan at malaman nilang may ka fling ka na! ;D ;D ;D >:D

Pinandilatan niya ako.

"Yes... its natural. Tulad mo din, Denise... Maganda pero hanggang ngayon wala pang manliligaw." Evil smile sabi ni Bench.

Parang nainis ako dun ah! Kasi ako na talaga! Ako na ang nasa world record. Alam kong maganda ako. I mean, hindi naman siguro ako sisikat kung pangit na friend ako nina Bench diba? Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam kong may mukha akong pwedeng mag model... pero bakieeeet? Bakeeeet wala pang nanliligaw ni isa? Kahit secret admirer lang! PLEAAASE?

LOL! Tulad ng sinabi ko, di ko kailangan ng boyfriend. Gusto ko lang ng manliligaw para ibasted ko, pero hanggang ngayon wala paring naglalakas loob.

"Haaay! Busog na busog ako." Sabi ni Bench.

Tapos na ring kumain si Jenny. Ako naman, parang wala pang nagagalaw sa pagkain ko.

"Tara! Pili na tayo ng movies para sa movie marathon!?" Anyaya niya kay Jenny.

Excited naman silang dalawa. Si Eliana, eto at dalawang plato na ang nauubos.

"Sige, pili kayo! Yung maganda ah!?" Sabi ni Eliana.

Tumayo si Jenny at Bench.

"Denise, parang walang gana 'to. Kumain ka na diyan!" Ngising-ngisi pa ang prinsipe ninyong kanina pa ako binabara.

Umalis agad para di ko masabuyan ng tubig! Sarap kutusan ng prinsipe niyo. Sorry talaga pero nakakainis siya! >:( >:( >:(




Stage 24.
Oo nga naman, Denise




Kung akala ng lahat ay birhen pa ang lips ko, nagkakamali kayo. Nilapa na ito noon ni Bench. Prom night, 4th year higschool kami. Yung school nila kasi pag prom kailangan mag dala ng date, pwedeng classmate pwedeng taga ibang school. Ako yung dinala niya dahil gusto niyang lubayan na siya ni Janice Villanueva na noon ay patay na patay sa kanya.

Hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao para mapahiya ang Queen B noon na si Janice. Nagwalk-out sa party si Janice. Kung akala niyo ay cheap ako at nagpagamit lang sa kanya, nagkakamali ulit kayo... Ang modus ng mokong ay ang pagdala sakin sa prom upang pagselosin ng husto si Janice... eh yun naman pala, may plan B siya! Hinalikan niya ako sa gitna ng dancefloor. Buti walang nakakitang teachers.

Isang linggo akong nagmukmok. Kahit na ganito ako, may pagkacheesy din naman ako. Pakiramdam ko na rape ako ni Bench nun! Lam niyo naman yun eh, ang kiss na sinasabi ko ay hindi wholesome kiss, yung talagang parang nilalapa ka. Hinawakan pa talaga ang batok ko para sabayan siya. Pagkatapos nun, ngiting-ngiti lang siya na parang masaya! Ako, jusko mariya! Inis na inis ako! Gusto ko siyang suntukin pero di ko magawa! Nagkulong ako at nag iiyak sa kwarto ko pagkatapos nun. Araw araw pa siyang nagpapadala ng maraming regalo. Walang alam ang mga magulang namin. Pero nakarecover na rin ako dun.

Binabalikan ko ang alaalang ito dahil pagkatapos naming kumain, naabutan namin ni Eliana si Bench at Jenny na nagkwentuhan habang hinahawakan ni Jenny ang frame na picture naming dalawa ni Bench sa promnight niyang yun.

Umiling na lang ako habang tawa sila nang tawa.

"Sige na, let's watch a movie." Anyaya ni Bench pagkakita sa pag-irap ko.

Umupo ako sa couch, katabi ko si Eliana. Tapos si Bench at Jenny sa kabila. Wholesome, walang physical contact kay Bench at Jenny.

"Mabuti naman di puro anime yung dala niyo..." Sabay tingin ko sa mga dvd na dala nila.

Buti at pabulong yun at di ko nasaktan ang damdamin ni Jenny.

"Ako ang pipili!" Sabi ni Eliana.

Agad siyang nakapili.

"This Means War." Sabi niya.

Wala pang nakapanood samin nun.

Maganda yung movie. Nakakatawa at hindi lang lovestory, may action pa! Pasalamat talaga ako at si Eli ang pumili baka yung A Walk to Remember pa yung mapili nitong si Jenny, antukin lang ako.

Siniko ako ni Eliana pagkatapos ng mahigit isang oras na panonood.

Tinignan ko siya tapos nginuso niya si Bench at Jenny sakin.

TADAAAAH! Si Jenny, nakasandal sa shoulders ni Bench! Tulog!

"Oh come on.::) ::) ::)

Tinitigan ako ni Eliana na may halong pagtataka.

"Napaghahalataan na kita ha..." Bulong niya.
"What do you mean?" Hindi ko binulong. Duh!

Si Bench pinapatahimik kami. Hindi gumagalaw nang di ma istorbo ang pagtulog ni Cinderella.

"What? Kanina pa tayo nanonood dito ng movie, surround sound tapos papatahimikin mo yung soft voice ko. No way, Bench." Sabi ko.

Hamalakhak si Bench, trying not to disturb Cinderella.

Napatingin ulit ako kay Eliana. Ngumingiting tahimik na nakayingin sakin.

"What?" Tanong ko.
"You know what, Bench?Buti pa ihatid niyong dalawa si Jenny sa kwarto para makatulog siya ng maayos." Evil grin ni Eliana.
"Ano? Why us? Why me? Kaya niya na yan! I'm enjoying here-"
"Sige na! Baka di na yan bumalik si Bench dito pag di ka kasama. Baka may mangyari." Kumindat si Eliana.
"So?::) ::) ::)

Ayun at tinulak na ako ni Eli kaya napatayo ako.

"Sige na, pretty please?"
"Oo nga naman, Denise... Bigat nito eh, ikaw bumuhat sa mga paa niya." Humalakhak si Bench.
"Tseh!"

Nasa mga bisig na naman ni Bench si Jenny ngayon.

"Okay whatever!;D ;D ;D

Kaya sinamahan ko siya sa kwarto ni Jenny.



Stage 25.
Your first kiss... was me...





Nilapag niyang dahan-dahan si Jenny sa kama. Tulog na tulog ang inyong Cinderella.

Hinaplos ni Bench ang mukha niya, inayos ang buhok at linagyan ng kumot.

"Tapos na ba?" Tanong ko kahit di pa siya natatapos magmuni-muni at tumingin-tingin kay Jenny.

"What's your problem, Denise?" Agad niya akong hinila palabas ng kwarto ni Jenny at dun kinausap.
"Wala naman... bakit?"
"Why are you acting this way?"

Natawa ako ng bahagya. "Di ka pa nasasanay? Ganito naman talaga ako ah?"

Hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"Ganito ka na talaga? Alam kong maarte ka at minsan may pagkakontrabida, pero hindi kasing lala nito." Aniya.

Nakangiti pa ang damuho. Hindi ko naman alam kung bakit! May dumi ba ako sa mukha? Hiyang-hiya tuloy ako habang tinititigan niya.

"Ganito na talaga ako, nuka ba!"

Tinalikuran ko siya pero biglang... BANG!

Hinila niya ako at napahumapay sa dingding.

"Aray, ano ba!>:( >:( >:(

His face was so close to me. Ganito kami kalapit nung hinalikan niya ako noon. Kitang-kita ang matangos niyang ilong, maningning niyang mga mata, malalim na dimples, at ngiting nakakapanindig-balahibo. :-[ :-[ :-[

"I know you remembered something... today..." Sabi niya.

Naaasiwa ako dahil amoy na amoy ko ang hininga niya dahil sa lapit ng aming mukha. Nakalagay ang kanyang magkabilang kamay sa dingding, para bang binibilanggo ako dito.

Sumimangot ako at tinignan siya ng diretso at ilang segundo lang ay napatingin ulit sa kawalan.

"Anong sinasabi mo diyan!" Sabi ko! >:( >:( >:(

Kainis! Feeling!





"Your first kiss... was me..."

Tinulak ko na agad!

"Stop reminding me! Tono mo parang na devirginize mo ako. Tseh!"
"See? Namumula ang pisngi mo! Kanina pa yan ha!" Tumawa siya.
"Like ewww? Kung namumula man ito ay dahil yun sa galit ako."
"Kita mo na! Galit ka pala! Ba't ka galit?"

Natahimik ako at di ulit makatingin sa kanyang mukha. Matagal na kaming magkaibigan nitong si Bench, nangyayari ito paminsan-minsan, yung binabara niya ako, pero hindi kasing lala nito. Para bang pinapaamin niya ako sa kasalanang di ko ginawa.

"Just tell me to stop and I will..." Seryoso.



 :-[ :-[ :-[






Nag walk-out ang mokong! Alam niyo yun? Seseryoso tapos mag wowalk-out. Pag-upo ko sa tabi ni Eliana, siya tawa nang tawa habang nanonood ng movie na parang walang nangyari.

Weird Benjamin Jimenez... 

But wait... Kung seryoso yung sinabi niya sakin, ibig sabihin lang nun ay di siya talagang seryoso kay Jenny... Ginagawa niya lang ito dahil inutos ko. Pero... nakakalito parin siya.

Kanina ko pa siya tinititigan tapos biglang... tinitigan niya rin ako! Nakangiti! Bwiset, napatingin talaga ako sa TV at natawa na rin kahit na iyakan na pala yung scene.

"Ba't ka tumatawa?" Tanong ni Eliana.
"Ahhh, wala... may naalala lang ako.:-[ :-[ :-[

Hay nakukrung-krung na yata ako. Linsyak na Bench sobrang misteryoso, pati ako nalilito.

Kung akala niyong di ko siya, ni katiting, nagugustuhan... nagkakamali kayo... Syempre, aminado akong super gwapo at sagad sa buto ang kakisigan niya pero bago ko pa yun maisip, tinitigilan ko na.

He is damn... attractive... super duper hot... Pero alam niyong lahat na off-limits siya. He's a manwhore playboy at ako... ako ang dahilan kung bakit iyon nangyari.

And it was because I chose to save him... from his own feelings.


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText