<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Sign 16-20


SIGN 16~
Summer: NOH?






Habang papalapit ako ng papalapit kay Lex, lalo ko siyang naamoy.

"Huh, that scent again." Bulong ko sa sarili ko.

Ang bango niya talaga. Pero habang nakikita ko siyang tumitingin sa malayo at parang nagpapa as-if na hindi niya ako nakitang parating, napagdesisyonan kong lagpasan siya. Nasisilaw din ako sa earing niya, kaya di ko na lang siya tiningnan.
At yun nga, nagawa ko siyang lagpasan ng walang kahirap-hirap. Hindi niya kasi ako pinansin kaya di ko rin siya papansinin.

Pero, sino ba ako para di lumingon kung, "Summer~, kumain ka na ba?", tatanongin niya ako ng ganun?

Tumigil ako at hinarap siya.

"Hindi pa. Bibili na lang ako ng cup noodles or anything. Wala akong ganang mag-heavy meal." Sabi ko.
"Ganun ba?" Natigilan siya at nag-isip.

Tatalikuran ko na sana siya pero, "Saan ka naman bibili?"
"Kung saan meron..."
"Ako rin."

Tumaas ang kilay ko. :o

"...bibili din ako ng cup noodles."

Napasinghap ako, "Saan ka naman bibili?"
"Kung saan meron..."

I sighed.

LEX, ARE YOU JOKING??? Takte. Nakakasakit na siya ng tiyan ah?

Hinayaan ko na siya sa kanyang mga gagawin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Binalak ko ring lumabas sa resort at bumili sa isang sari-sari store sa labas dahil masyadong mahal ang mga bilihin sa kanilang convenient store.

"Saan ka ba bibili?" Tanong niya habang sunod nang sunod sakin.
"Diyan lang..." Sagot ko. "IKaw?"
"Diyan lang din..." He chukled.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Lex, are you trying to irritate me or what?"

Tinalikuran ko ulit siya at naglakad patungong sari-sari store.

"May cup noodles po ba kayo?" Tanong ko.
"Dalawa po~" Sabat ni Lex.

Kumuha naman agad yung batang bantay ng sari-sari store.

"Lex, you are irritating."
"Bakit?"
"Kanina, hinihintay mo ko no? Ngayon, sumunod ka, ginagaya mo pa ang binibili ko, at forget it, I'll pay my own noodles." Nakatunganga ang bata sa harap naming dalawa dala-dala ang cup noodles.
He laughed. "Oo nga! Pay your own noodles, akin naman yung dalawa eh. Bumili ka ng sayo."

Tumawa pa ng bahagya ang bata.

"Bata, bigyan mo nga ng isa si ate, gutom na yata eh."

HARUUUUUUUUJUSKOOO. Napahiya ba ako?

Kinuha ko agad yung noodles, binayaran at nagmadaling umalis. Half running na ako, para di na masundan ni Lex. Pero para akong sinakluban ng langit at lupa nakita kong tumakbo talaga siya para maabutan lang ako.

"LEX! ANO BA? GUSTO MO BA NG AWAY TALAGA?" Sigaw ko sa harapan niya.
"Huh?"
"WHY ARE YOU DOING THIS?" :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Sa inis ko sa gwapong pagmumukha niya, naitapon ko sa kanya ang cup noodles. Syempre, sa dibdib niya lumanding at nahulog na. Walang injured dito dahil di naman destructive ang plastic. Sorry gwapo. Kinakabahan lang kasi ako sa mga pinaggagagawa ko.

"Manyak ka siguro no? Naaning ka sa beauty ko kaya sunod ka ng sunod sa akin no? Wa'g ka ng magkaila! MANYAK NA BOSS! MANYAK! MANYAK!" Sigaw ko sa harapan niya.

Pinagtitinginan na kami ng ibang tao pero wala na akong magagawa dahil masyado na akong napapraning sa Lex na `to.

"Ano wala kang masabi? May gusto ka siguro sakin no? Crush mo ko no? NOH?"
"Oo, crush kita." Pinulot niya ang nahulog na kawawang cup noodles at binigay sakin.











:o














SUSMARYOSEP. Wala yun sa signs diba? Yun ang una kong inisip. Napasinghap ako at parang gusto ko na talagang manakit ng tao.

"Ano? SINUNGALING!" Sabi ko habang kinuha ang binigay niyang cup noodles.
"HAH! Tinawag mo kong manyak, tapos tinanong mo ko kung crush kita, ngayong inamin ko naman, inaakusahan mo akong sinungaling? Ano ba yan, I can call my attorney, LIBELOUS."

NO~ I don't believe you.



SIGN 17~
Summer: Ha. Uh, Okay.




Panay ang punas ko sa mesa ng reception hall kahit maagang maaga pa. Mabuti na yung maaga para maaga ko ring matapos ang trabaho ko. Para naman akong maid dito. Anyway, wala namang nakakakilala sakin. Ah, yeah, si Dave. Nag shooting ata sila kasi ang agang umalis.

I sighed.

That Lex is getting into my nerves. Kung kelan ako nananahimik sa islang ito, saka naman siya sabat ng sabat sa life ko. At ang gagang ako, naniwala naman sa sinabi niya kagabi? No way! Kitang kita mo sa balat ng kumag na yun na chickboy siya noong kapanahunan pa lang niya. May earing and all that. Evil smile, hot body, mysterious effect, mayabang na pananamit, at mabulaklak na dila - walang duda - chickboy nga ito noong highschool at college pa siya. Di ako naniniwalang isa lang ang naging GF niya. Syempre alibi niya yun para paimpress sa kagaya kong binabansagan niyang 'prey'. Oo, ako siguro ang susunod niyang bibiktimahin.

In speaking of the devil, nakita ko siyang kakagising pa lang. Nangalumbaba siya agad sa mesang linilinisan ko at humarap sakin.

"Good morning!" He grinned.
"Tanghali na." Sabi ko.

Errr, ba't ko ba siya kinakausap?

"Nakatulog ka ba sa sinabi ko?"

Natigilan ako sa pagpupunas.

"Ba't naman ako di makakatulog? Di ko naman yun dinibdib." Pinandilatan ko siya.
"Ow..."

Natahimik siya.

"Nga pala, tanggal ka na dito." Sabi niyang bigla.
"Whoaaa! Bakit?"

Siguro dahil di ko pinansin yung sinabi niya kagabi no?

"Sa cafe ka na magtatrabaho."
"Huh?"
"Wa'g na dito, kasi lagi kang nalilipasan ng gutom. Sa Cafe ka na dahil libre ang pagkain dun sa mga nagtatrabaho, di ka na bibili ng cup noodles." Tumayo siya ng maayos. "Tsaka ayokong nalilipasan ka ng gutom, baka pumayat ka lalo, mas mabuti na yung tumaba ka na lang nang tumaba."

Grabe, nagtindigan lahat ng balahibo ko.

"Magsisimula ka na ngayon. Iwan mo na yang basahan diyan at sa Cafe ka na." Dagdag niya.

Umalis siya papuntang Cafe at mukhang magbi-breakfast na.

HAH? Eh inagahan ko nga dito para matapos yung trabaho ko tapos magtatrabaho ulit ako sa cafe? My golly.

Umalis na ako dun at lumipat sa nasabing Cafe. Mukhang alam naman ng manager nila na lilipat ako dun. Nagutom tuloy ako dahil sa mga pagkaing nakita ko.

Nasa loob din pala sina Dave at mukhang kakatapos lang ng taping nila.

"Summer, kumain ka muna dai. Baka malipasan ka ng gutom." Sabi ng manager.
"O-Opo. Thanks!"

Nakakabigla dahil binigyan niya ako ng isang tray na maraming pagkain. Okay, ganito siguro dito sa Cafe kaya binalewala ko lang. Nakita ko ang table ni Lex na siya lang mag-isa ang kumakain at para bang hinihintay pa akong lumapit sa kanya para makapagsimula na siya. Kaya lang, kumaway si Dave sa akin at, "Summer, dito ka na lang. Walang nakaupo dito."
"Okay!"

Linapag ko ang pagkain sa table niya.

"Thanks. Asan yung mga kasama mo?"

Mabuti na `tong ganito, para ma testing ko kung magselos ba ang mokong na yun.

"Ah, nagsho-shooting pa sila. Kay Lindsay naman na part ngayon. Wala ako sa part na yun eh."
Tumango ako at nilantakan na ang pagkain.

Grabe, umaga pa lang pagod na ako dito. Sinulyapan ko si Lex, kumakain naman siya peacefully.

"Kelan nga pala kayo aalis?" Tanong ko.
"Mamaya siguro."
"Ahhhh. Hmmm," Sinulyapan ko si Lex. Wala paring reaction.

Edi wala! As if namang umaasa akong may reaction siya.

"Boss mo yun diba?"
"Ahhh, oo. hehe."
"Nag-away ba kayo o... pinagalitan ka ba niya?"
"Hindi naman... B-bakit?"
"Kapag nakatingin ka sa kanya, tumitingin siya sa malayo o sa pagkain niya. Pag di ka naman nakatingin, nakatingin siya sayo."

ACK~!

"Ahhh. Ha?"

Nagkatinginan kami ni Dave.

"Uh, Dave... paano mo malalamang may gusto ang isang lalaki sa isang babae? I mean, crush." Tanong ko.
"Hmmm, it actually depends on the guy. Depende kung anong klaseng lalaki siya. Bakit?"

Oo nga! Anong klaseng lalaki ba si Lex? Wala naman akong alam eh. Mag i-isang buwan pa ako dito at ganun din ang pagkakikilala ko sa kanya. Pero, kung sinasabi niyang crush niya ako - well, maybe dahil nagandahan siya sa akin? Yes. Siguro ganun lang yun. Sumulyap ulit ako sa table niya pero hindi ko na siya nakita.

"Summer, why?" Tanong ulit ni Dave.
"Ha? Ah.. eh..." I paused then looked around. Nakaalis na si Lex. "Wala lang. Hehe. Uhm, sige Dave, magtatrabaho muna ako."

Tumayo ako at nagsimula ng magtrabaho sa Cafe.

So, what was that again? I don't really know what kind of guy that Lex is. Ba't ko ba siya iniisip? Eh mukhang di nga niya ako iniisip eh. Hanggang sa natapos na ang buong araw, ganun parin ang nasa isipan ko.

Naabutan ko si Lex na nagpapahinga at nakaupo lang sa buhangin habang tumitingin sa malayo - sunset. Tumigil ako sa likuran niya, di ko alam kung magsasalita ba ako o ano. Why am I even here?

"Umalis na ba yung mga nagshooting?" Tanong niyang bigla.
"Uh, mamayang konti." Sagot ko.

Tumango siya at tahimik ulit. Naiinis ako dahil masyado siyang tahimik ngayon.

"Oi, Lex!" Sabi ko.
"Hmmm?" Lumingon siya sakin.
"Nagkabalikan kami ni Dave." Sabi ko. HEHE. Wala lang.
"Di nga?"
"Oo. Kanina. Hmmm." Ngumisi pa ako habang umupo sa tabi niya.

DI MAN LANG SIYA NAINIS OR WHAT? WTH? So what naman diba Summer?

"Kala ko ba inaayos mo ang buhay mo?" Tanong niya, seryoso.
"Oo. Kaya nga... hehe"

Tinitigan niya ako. Tinitigan ko na rin siya. Linapit pa niya ang mukha niya sakin. AYYYIEEE. Ang bango niya at ang gwapo pa. Hahalikan niya ako?

"Summer!"

Natigilan kaming dalawa ng narinig namin si Dave na tinawag ako.

Patay, baka mabuking ako.

"Dave!" Agad akong lumapit kay Dave.

Kakapit sana ako sa braso niya kaya lang biglang naglahad ng kamay si Lex sa kanya. Nag shake hands si Lex at si Dave.

"So you're her boyfriend. Nice meeting you-"
"Huh? Kaibigan lang kami-"

ACK~! Buking nga. Tinitigan ako ni Lex at nag-iba na naman ang ekspresyon ng mukha niya.

"Owww. Sorry." Sabi ni Lex kay Dave. "Excuse me."

Bago umalis si Lex may binulong siya sakin, "Sayang, binalak ko pa namang mabuti kung paano kita aagawin in just 3 minutes." He chuckled after.

ANOOO? ANONG KALA NIYA SAKIN? Ganyan ka dali makuha? 3 minutes? Excuse me. 1 year akong linigawan ni Kevin at Dave!

Huh?


Pataaaaaay! Ang init ng pisngi ko't parang kinikilig ako. He's so unpredictable. OH NOOO! Bakit ganito na lang ako ka apektado? Baka crush ko na rin siya? NOOO! Di ako pwedeng magkagusto sa isang lalaking hindi ko pa gaanong kilala at mas lalong di ako pwedeng magkagusto ng kahit sinong lalaki ngayon.

"Summer? Aalis na nga pala kami."
"Ha. Uh, Okay."

Ha? Anong sinagot ko kay Dave? AHHHH! Wala na ako sarili. That LEX!!!!!!!! Grrr.


SIGN 18~
Summer: Tungkol kay Lex.






Hay. Akala ko tapos na ang trabaho ko, kaya lang kahit ganitong gabi na, naatasan parin akong mamili ng kung anu-anong wala namang koneksyon sa cafe na iyon. Papunta ako sa department store ng resort. Mejo maliwanag ang department store at malaki. Ngayon pa ako makakapasok dito sa halos isang buwan ko dito. Papalapit na ako nang bahagya akong napaatras dahil nakita ko si Lex.

Ba't nga ako aatras? As if may atraso ako sa kanya. Hmmmp. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Easy lang, Summer. Hindi ikaw ang may crush sa kanya, siya ang may crush sayo kaya tama na yang paghuhuramentado mo.

Anong may crush siya sayo? So, naniniwala ka? Loko lang yun, gaga~!

*BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOG!*

"Arayyy!"

Nabungo ako sa isang hindi malamang bagay. PESTE, may malaking salamin pala ang department store na itech? Ang sakit ng ilong ko, parang nabali ata. Shucks! Hinawakan ko't ininda ang sakit. Patay, mamumula ito. HUHU.

Narinig kong may tumawa sa likuran. Lumingon ako para makita na si Rocky the manyak lifeguard ang humahalakhak at parang napahiya ako. Hahayaan ko na lang sana pero...
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Kinwelyohan ni Lex si Rocky.

Nakakaawa na nga ang itsura ni Rocky dahil mukhang napatawa lang naman talaga siya sa itsura ko pero agad naman sineryoso ni Lex.

"So-So-Sorry po."
"Mag-ingat ka sa mga tinatawanan mo ah!" Sabi ni Lex ng hindi parin tinatantanan ang kwelyo ni Rocky.

Kinindatan niya pa ako nang nakita niyang nagkasalubong ang kilay kong tumitingin sa kanila. Napailing ako at pumasok sa loob.

"Wala akong time sa mga pambobola mo, Lex." Bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos kong mamili ng kung anu-ano. Nakita kong nakaabang si Lex sa labas ng department store.

"Kamusta ang ilong mo?" Tanong niya habang tinitingnan akong may dalang sangkatutak na mga pinamili.
"Okay lang." Sabi ko. Cold, as usual.

Kinuha niya ang pinakamalaking supot. Bwusit, nagpapaka gentleman ulit ang kumag.

"Wa'g na." Binawi ko.

Tinangka niyang kunin ang dalawa.

"Wa'g na!" Pasigaw na sabi ko. "Kaya ko na!"
"So? Anong gusto mong mangyari, hahayaan kitang dalhin ang mabibigat na bagay na yan at panoorin na lang?" Tanong niya.
"Edi wa'g mo kong panoorin! Pwede bah?"

Pinilit niyang kinuha ang dalawang supot. At dahil ayaw kong mapunit ang supot, hinayaan ko na lang siyang kunin ito.

Napasinghap ako.

"Okay! Since, nagvolunteer ka, ikaw na ang maghatid niyan sa Cafe at babalik na akong Hotel at matutulog na." Evil talaga. Imagine? Boss ko, pero inuutusan ko?
"Mmmkay. Good night, then." He smiled.

OH GOD! Is he crazy? Ba't ngumingiti pa siya't hindi pa nagrereklamo e kitang kita na na pinagsasamantalahan ko na siya. Balak ba niyang magpa-slave sa akin?

Nagsimula na siyang maglakad patungong cafe. Ako naman, hindi parin makagalaw at naguguluhan parin sa taong iyon. Oh God. I really need to be enlightened!

"Summer!" Napalingon ako kay Manang Alicia nang nakita ko siyang kakapasok lang sa resort at mukhang bibisita.
"Manang!" Sigaw ko, with excitement.
"Si Sir Lex ba yun? Malayo pa lang ako nakikita kong mukhang nagtatalo kayo't binigay mo sa kanya yung mga supot, ano ba yun?"
"Huh?"

BINIGAY? I think t`was 'kinuha'.

"Uh... Wala po yun." Sabi ko nang naglakad kami patungong Accomodation Block. "Ba't po kayo andito?"
"Ah, tinitingnan lang kita. Narinig ko kasi kay Sir na nagpunta daw dito yung ex mong si Dave Ramos. Nakaalis na ba?"
"Opo. Kanina."
"Nagkabalikan ba kayo?" Tanong niya.
"Di naman po."
She sighed. "Hayyy, akala ko pa naman. Bilin talaga kasi ng mama mong hindi ka muna magboboypren at wa'g raw kitang hayaang mapalapit sa kahit sinong lalaki."
"Huh? Eh, wa'g kayong mag-alala, kahit ako mismo, walang plano sa ganyan. Panggulo."

Habang papalapit kami sa Hotel, sumulyap ako kay Lex at parang nagkaproblema siya sa dala-dala niya.

Lilingon din sana si Manang kay Lex, "Manang!" Agad kong kinuha ang atensyon niya.
"Ano?"
"Uh. hehe. May mga itatanong lang sana ako..."

Naku, pag nalaman niyang inutusan ko yung pinakamamahal nilang Sir Lex dito eh baka magrally lang sila sa harapan ko't ako pa ang magiging masama sa harapan nila. At pa'g nalaman nilang nagpauto si Lex sa akin dahil crush daw niya ako, mas lalo akong paaalisin dito dahil kay mama.

"Tungkol saan?"
"Tungkol kay Lex."
"Ha? Bakit? May gusto ka sa kanya? Di ka raw pwedeng magka-"
"Manaaang, di naman po ganun. Pramis, di ako magboboypren. Promise!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko.

I have the 24 signs. Hindi ko pa iyon nakakalimutan. Seryoso ako sa mga yun at susundin ko talaga yun ng walang pag-aalinlangan.

"Sure ka ba?" Nakangisi si Manang ng tanungin niya ito.

Nangangati na rin ang dila ko at parang atat na akong magtanong tungkol sa misteryosong Lex na yun.




SIGN 19~
Summer: Uh-Oh... Uhmm...













Umupo kami ni manang sa sofa sa reception hall. Di rin daw kasi siya magtatagal dahil may gagawin pa siya sa farm.

"Mabait na mabait na mabait si Sir Lex. Paborito ko nga siya eh dahil ang bait-bait niya."

Pagtungtong ko ng highshool, lumipat na si Manang Alicia - siguro kina Lex siya lumipat kaya niya kilala.

"Uh, kasi... manang, Uh... chickboy po ba siya?"

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Manang sa tanong ko.

"Bakit? Linigawan ka ba niya-" Ngumisi siya.
"Hindi po!"
"Bakit?"
"Kasi... ibang klaseng dumiskarte."
"Ah. Ganyang na talaga siya. Mabait at gentleman."

Sabi na nga ba. OA lang talaga kung iniisip kong kakaiba ang treatment niya sa akin.

"Kaya lang naiinis yan pag binabalewala. Ang totoo, mejo may pagka chicboy nga siya. Pero hindi naman yung tipong marami siyang pinapaiyak na mga may gusto sa kanya. Yung nagpapacute lang sa mga babae."

Dinig mo yun, Summer? GAGA! Ganun lang yun, seryoso.

"Naiinis pag binabalewala?"
"Oo. Sanay kasi siyang sa kanya lahat ng atensyon."

Tumango ako.

"Uhhh, puro naman yan puri. Ano bang bad side niya?"

Bahagyang napatawa si Manang.

"Bakit?"
"Wala lang."
"Hmmm, nagkakagusto ka na ba kay Sir?"
"Hindi po! Naiinis nga po ako dun eh. Kaya lang wala akong mapagsabihan ng sama ng loob dito dahil wala naman akong kilala."
"Ano ba yung kinaiinisan mo sa kanya?" Tanong ni Manang.
"Ah. Masyado po siyang makulit at mabait. Nakakainis."
Tumawa si Manang, "hmmm. Ang alam ko, ma-pride si Sir Lex at mejo hindi mejo, talagang ayaw niya ng binabalewala siya."
"Ha? Ma-pride at binabalewala?"
"Oo. Talagang ma-pride siya. Kaya nga lagi namin siyang tinatawag na 'Sir' eh. Baka kasi ma-apakan namin yung pride niya."
"Ah... Huh?"

Pero di ko naman siya tinatawag na sir ah?

"Uh... talaga bang ma pride siya? Nauutusan niyo na man po siya diba? Like yung sinundo ako nung pagdating ko dito?"
"Hindi. Nagvolunteer siya na sunduin ka dahil sa dami ng trabaho ko. Kaya nga mabait siya eh."
"Ganun po ba..."

Eh inutusan ko siya kanina diba? Pumayag naman siya. Di naman mukhang na hurt yung ego or pride. Hmmm.

"Kaya nga isang beses lang siyang nagkagilpren kasi di siya marunong manligaw at dahil ma pride siya. Ayaw niyang inaaming may gusto siya sa isang babae. Mabait nga siya kaya maraming nagkakagusto sa kanya."
"Kung ganun, ang swerte nung ex niya!" Sabi ko.

Mejo naguguluhan parin ako dahil baliktad ang mga sinabi ni Manang sa mga nakikita ko ngayon kay Lex. Ayaw ba talaga niyang umamin sa mga nagugustuhan niyang babae? Bakit umamin siya sakin? Ibig sabihin ba nun eh di totoo yung sinabi ni Lex sa akin? AY EWAN KO.

"Swerte talaga. Kaya lang kahit ang bait-bait ni Sir, yung babae mejo maraming naging boyfriend at may pag ka..." Nag-isip pa ng mabuti si Manang at tiningnan ako. "... kagaya mo."
"Kagaya ko?"
"Oo. Yung gabi na umuuwi sa bahay at kung saan-saan pumupunta."

Ayun naman pala. Siguro naaalala niya yung ex niya sa akin.

"Noon yun nung nag-aaral pa sila. Pero kahit ganoon yung babae, mahal na mahal niya si Sir simula pa noon. Hindi nga lang siya pinapansin ni Sir, pero mahal talaga nung babae."
"Huh? Paano naging sila?"
"Hindi ko nga rin alam eh. Basta ang alam ko, magkaibigan na yung mga magulang ni Sir at ni Ma'am Kyla."

So the ex's name is Kyla.

"Ahhh, ganun po ba. Ba't naman po sila nagkahiwalay?"
"MUkhang may ibang lalaki ata yung si Ma'am Kyla eh. Pero di ako sigurado."

Panay ang pag-iisip at pag-eexplain ni Manang sa akin habang may nakita akong pumasok na napakagandang babae sa hotel. Sa sobrang ganda niya, nandiri na ako sa sarili ko. TOMBOY! haha Dumiretso ang babae sa mga kwarto. witweeew. Pag laki ko, sana ganyan din ako ka ganda at professional ang dating.

"Akala ko po ba mahal niya po si Lex?"
"Ayy ewan ko ba. Tanungin mo na lang si Lex. Ay, wa'g na lang pala... baka magalit yun pag-itanong mo."
"Bakit po, mahal niya pa po ba si girl?" Tanong ko.
"Di ko rin alam kung mahal niya pa rin si Ma'am Kyla, eh anim na taon kaya silang nagsama."

Manang, paano kung sinabi niya saking crush niya ako?

Syempre, Summer. Gaga ka kung itatanong mo yan kay Manang. At gaga ka na dahil iniisip mo pang itanong.

"Excuse me,"

Napalingon si Manang Alicia sa babaeng nagsalita at nagtanong kay Kate sa reception hall.

"Asan si Sir Lex niyo, Kate?" Tanong nung babae.
"Uh... Well." Pinandilatan ni Kate ang babae, pero mukhang cool parin ang magandang babaeng idol ko na. "Ewan ko, wala ba siya sa kwarto?"
"Pumasok na ako eh. Pero wala."
"Uh, tanungin mo yung babaeng yun." Sabay turo sa akin.

Lumingon ang magandang babae sa amin at wala akong masabi, talagang ang ganda niya.

"Summer, asan daw si Sir Lex." Sigaw ni Kate sakin.
"Uh-Oh... Uhmm..." Grabe, speechless ako. Ganda niya.

Pero bago ako makapagsalita, naunahan na ako ni Manang Alicia, "Ma'am Kyla, ikaw po pala yan!"

NAKANANG PALAKA. In speaking of the... dev-angel-devil? IDK.



SIGN 20~
Summer: I dunno.








"Uh, hi-hindi ko alam."

Lumapit si Kate sa akin at... "Nga pala ma'am Kyla, eto nga pala si Summer."

Tumaas ang kilay nung Kyla at mukhang nagtataka kung ba't ako pinapakilala.

"Uh, Ma'am, alaga ko po siya noon." Singit ni Manang.
"Aww. Nice meeting you!"

Naglahad siya ng kamay.

Umalis naman si Kate at halatang na dismaya.

"Nice meeting you too."

Sa mga puntong ito di ko pa alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Manang! Kamusta na po?"

Nagpatuloy sa pag-uusap si Kyla at si Manang Alicia.

"Ahhh, sa farm na po pala kayo?"

Grabe, Out of Place ako dito. Naisipan kong maglakad-lakad na lang muna sa lobby.

"Summer!" Tumindig ang lahat ng balahibo ko nang narinig at naamoy ko si Lex.
"L-Le-Lex!" Hindi ako makatingin sa kanya.

He sighed deeply.

"Nahatid ko na."
"Ba't natagalan ka?"
"Nag-usap pa kami ng manager mo, may day off ka rawng tatlong araw."
"Huh?"
"Oo. Sinabi niya..."

"Lex!"

O. WADAPAK. Ngayon ko lang naalala yung Kyla andito pala.

Wala akong magawa kundi magtaas lang ng kilay habang nakatingin si Lex sa Kyla na iyon.

"Kyla!"

"Ohhh, what a sweet reunion." Bulong ko. :-X ::)

Napatingin si Lex sakin. Narinig niya? Oi, di ko yun sinadya ah! At di ako nagparinig!

Pero bago siya makapagreact sa bulong kong sana sa sarili ko lang, yinakap na siya ni Kyla.

"Lex! I missed you!" Sabi ni Kyla gamit ang isang sweet na boses na tamang-tama lang sa mukha niyang mala anghel.
"Bumyahe ka? Gabi na ah?"

Nagharap ang dalawa.

"Summer, alis na ko ah. Paki sabi kay Sir at Ma'am." Bulong ni Manang sakin.
Tumango ako.

Unti-unti kong linalayo ang sarili ko sa dalawang nagrereunion at nagkakamustahan. Nasulyapan ko namang panay ang titig ni Kate sa kanilang dalawa at napailing na lang ako.

"Uhh, Summer!? Asan ba yun..." Sabay lingon ni Lex sakin.
"Huh?"
"Nga pala Kyl, eto nga pala si Summer."
"Ahh~ Yeah! Pinakilala na siya sakin ni Kate kanina. Alaga siya ni Manang Alicia diba?"
"Oo-"
"Such a beautiful girl, naaalala ko ang sarili ko 5 years ago. Ilang taon ka na ba Summer?" Ngumiti pa siya sakin.
"I'm-"
"18! She's eighteen." Sabat ni Lex.

Tumango si Kyla. :o

"Uh... Excuse me."

Please let me escape.

Umalis na ako at grabe, half-running na ulit ako.

"Summer!" Tinawag pa ako ni Lex. "Wala kang pasok bukas ah! Baka makalimutan mo. Tsaka, tatlong araw yan."

WHATEVER! Pupunta ako bukas at sisiguraduhin ko.

Lumingon ako sa kanila at naabutan kog nagpatuloy sila sa kanilang pag-uusap.

"Oist, Summer!" Tinawag ako ni Kate.
"Whut?"
"Anong pinag-usapan nila?"
"I dunno."
"Naku, yung ingratitang yon. Haliparot yun noon eh, nagbago yon dahil kay Lex." Nakikipag-usap siya sakin habang tinitingnan ang dalawa. "Unfortunately, di siya gusto ni Lex... Pasalamat siya't magkaibigan yung mga magulang nila ni Lex kaya napilitan yon!"

HUH? NAPILITAN? Napatingin ako sa kanilang dalawa ulit.

Kyla was holding Lex's arms.

"Sabihin mo nga... do you think Lex likes you?" Tanong ni Kate sakin ng seryoso.
"No~!"
"Really?"
"Oo!" Nakakunot na ang noo ko pagkatapos kong sagutin ang pagdududa niya.
"Kung ganun ba't ganun siya ka concern at interesado sayo?" Bulong niya. "Ba't parang mas ganyan siya say- NEVER MIND!"

Pinandilatan ako ni Kate.

ANO? CONTINUE!
LOSER!

Ba't nga ba ako curious? Hmmp! Makabalik nga sa kwarto...

"Okay! Kukunan mo ulit ako ng room, tulad ng dati? Ba't di pwedeng sa room mo na lang para tipid?" Kahit malambing ang boses ni Kyla, narinig ko parin ang pagtaas nito. "I mean... okay, pero yung sa tapat lang ng room mo ah?" Huminahon ulit siya.

Tapat ng room ni Lex? Eh room ko yon eh!

EVERYONE IS CONTROLED BY THAT LEX, even his ex-girlfriend. And almost everything in this tiny island. So, gawan niya ng paraan yang pag iinarte ng ex niya kung talagang ayaw niyang umalis ako sa tabi niya.

HAAAA? Ano yooown Summer? Kala ko ba anghel yong Kyla, ba't nag-iinit na ang dugo ko ngayon?

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText