7th~
7th~
Summer: Ok, sure!
"Lex!" Bati ni Kyla kay Lex habang nakatingin samin. "K-Kanina ka pa ba dito?"
"Yeah! Nandito nga rin si Aliyah, Nadine... at si Summer."
"Ohh. So, ano? Lika na?"
"Mamaya na. I just want to finish this." Sabay pakita niya sa papers niya.
"Where's your laptop?"
"Iniwan ko sa car. Inaayos ko lang ang schedule ko. Ayoko kasi ng loaded masyado. Half-time lang."
Half-time lang? Sorry. Nakikinig ako sa usapan nila. Wala naman kasi masaydong tao kaya walang nag-iingay. Kumakain naman kami kaya wala masyadong nagsasalita. Instrumentals lang din ang music dito kaya di masyadong maingay.
"Yeah. I'll have scheds from afternoon til night. Or baka, night nalang?" He sighed. "I can't decide."
"Hmmm, are you sure you want to teach business?" Sabi ni Kyla.
"Why?"
"Wala lang..."
"Hindi ko nga alam eh. Bakit nga ba ako nagturo ng philosophy noon?" He sighed again. "I can't remember."
Mukhang naiinis siya dahil wala siyang matandaan.
"Alam mo ba kung bakit?" Tanong ni Lex kay Kyla.
Nagkatinginan kaming tatlo ni Nadine at Aliyah. Mukhang nakikinig din pala sila sa sinasabi ni Lex.
"Idunno, really. Hmmm, sige na. Choose your schedule. Naiinip na ako eh." Sabi ni Kyla. "Don't force yourself to remember."
Padabog kong nailagay ang kutsara sa pinggan kaya napatingin silang lahat sakin.
"S-Sorry." Uminom ako ng tubig.
"Uh, come on, Lex."
Mukhang hindi siya makapagdesisyon.
"Summer," Uh-oh. "Business student ka diba?" Tanong ni Lex.
"U-Uhm... Oo. My course is under business management." Bakit?
"What subjects do you have for this semester?"
"Uhm.. Hindi ko pa alam eh."
"Oh... I want to handle some of your classes." Ngumisi siya.
Halos di ako makahinga sa sinabi niya. Naramdaman kong ganun din ang naramdaman ng mga pinsan ko. Halos walang makapagsalita sa amin. Pati si Kyla eh halatang nabigla.
"B-Bakit?"
"Para may kilala na ako." Nakangiti parin siya. "I wanna call you during oral recitations and all that. HAHA."
Napahinga ako ng malalim. Nakatingin si Nadine at Aliyah sa akin.
I remembered that night! Yung gabi sa Sortee! Hindi ko makakalimutan yung sinabi niyang, 'You`re young and beautiful. But, I think you should forget me. I`m too mature to engage myself in childish relationships.' SYET!
"Stop that, Lex! That's so unprofessional!" Sabi ni Kyla.
"Hindi, biro lang!" Tumatawa parin siya. "Pero, yeah, I wanna handle your classes."
"For what?" Tanong ko.
Hindi ko palalampasin ito. Nasaktan ako nang inamin ko sa kanyang gusto ko siya at binalewala niya lang ako. Kahit na nawala nga yung alaala niya, masyadong masakit yung sinabi niya sakin nun.
"I thought you'll be teaching Economics?" Tanong ko.
"Uhm... hindi na lang. Gusto kong ihandle ang business management muna." Seryoso ang pagkakasabi niya.
Wala naman akong masabi. Oo nga naman, baka trip niya lang yung business subjects ngayon.
"Don't worry, hindi ko naman dinibdib yung inamin mo sa party."
SHYET! Sinabi niya pa.
"You better not." Sabi ko.
Tama! Hinahamon ko siya ngayon. Hinahamon ko siya sa isang laban!
"Bakit?" He chuckled.
Nagkibit-balikat ako.
Nakatingin na lang silang lahat saming dalawa.
Yes, Lex! Hinahamon kita sa isang laban! At wala ka ng magagawa, lalabanan mo talaga ako.
"Was that a lie?"
"Ang alin?" I raised my brow. I am playing dumb. YUNG ANO, LEX? YUNG GUSTO KITA?
"Yung..." Tinitigan niya ako. "... nevermind."
Tumango ako.
"So, ano? Kitakits na lang!" Ngumiti siya habang tumatayo.
AALIS NA SILA?
Tumayo na rin si Kyla.
"Aliyah, alis na kami. May ipo-process pa akong papers dito eh."
AT KASAMA SI KYLA? Naku! Ang sarap umapila! Kaya lang... wala naman akong karapatan.
"And... Summer, I'll be your prof." He smiled an evil smile.
Tinanggap niya ang hamon ko! Lalaban ka rin Lex? Sa labang ito, dalawa lang ang pwedeng mangyari... maaalala mo ako o mamahalin mo ako!
"Ok, sure!" Nginitian ko na rin siya.
Umalis sila ng walang imik si Kyla. And something is burning inside me. Pakiramdam ko, may pag-asa pa talaga! GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA MAHALIN NIYA ULIT AKO.
Sigurado na ako sa gagawin ko ngayon!
Nang nakuha ko na ang results ng exam at nakita kong nakapasa na ako, siguradong-sigurado na ako. KAYA, LEX, HUMANDA KA! Sa ayaw't sa gusto mo, mamahalin at mamahalin mo ulit ako!
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;