<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

U-arcs


U-arcs



U1.shoot






Ang ganda ng umaga ko. Ang sarap ng tulog. Siguro maganda yung panaginip kong di ko naman maalala. Ang gaan ng pakiramdam ko habang tinatahak ko ang daan patungong library. Napaaga nga ako sa school ngayon, may gana kasi akong mag aral. Maingay naman si Carlo masyado sa bahay kaya dito na lang ako mag-aaral.

Sarap pa nang pakiramdam ko nun, nang biglang may sumira.

Lumingon ako sa mga basketball players na nakajersey. Maingay pa sila nung di pa nila ako nakita. Tawa nang tawa. Pero nang nakita na ako, tumigil silang lahat at isa isang tumingin sakin. Mga lalaki talaga, di marunong tumingin ng di nahahalata. Tapos, nagbulung-bulungan sila.

Lumingon ako sa kabila. May nakita akong grupo ng mga babaeng napatingin sa akin at biglang nagbulung-bulungan.

Nakita ko sina Ashley at Tasha, yung mga kaibigan ni Lia na may gusto kay Brent at kaibigan din ni Ara. Nakatingin lang sila sakin na para bang may hindi ako nalalaman.

Ite-text ko na sana sina Emily at Jason nang...

"Max!"
"Uy Chad!"

Kita ko agad ang ngiti niya. Napansin ko ang pagbabago. Noon, sa tuwing nakikita ko siya, kabang kaba ako at parang di makahinga. Ngayon, ay parang isang Jason ulit. Wala lang. Kaibigan. Walang malisya.

"Aga mo yata ngayon?"
"Oo nga eh.-"

May dumaang may dalang masyadong malaking camera, reflector at iba pa.

"Nagsimula na daw si Sir Ramon, bilis na kasi." Sabi nung isang nakatutok sa iPhone niya.

Normal lang yun dito sa campus. Halos lahat ng estudyante may baong mga malalaking DSLR na camera. Pero bakit parang na weirdohan ako nun.

"Anong meron, ba't parang may media? HAHA!" Tumawa pa ako nang may nakitang isang lalaking may dalang malaking case...  make up case? :o

"May shoot ang Preview magazine dito, diba sinabi ni Brent sayo?"
"Bakit? Ano bang pakealam ni Brent sa mga shoot?"
"Kinuha kasing model si Kitchie, tapos nirecommend siya ni Kitchie na mag model. Ayun, silang dalawa ang..."

Bumulagta sakin sa soccer field si Brent na naka itim, Dark Lord... at si Kitchie na naka puti, White Angel.

"...model. Gagawin kasi nilang tourist attraction ang isa sa mga hacienda nila kaya tamang-tama din to na promotion. Yung second set of pictures kasi i-shoshoot sa hacienda. And malaking catch din kasi si Brent sa Preview eh, you know, he's famous.The governor's son."
"Onga eh! Yung line na yan? Parang mas nakakadagdag ng angas sa kanya. Di naman bagay."

Nakita kong pumwesto na sila sa isang malanding posisyon.

"Galit ka ba sa kanya?"
"Ako? Di noh! Nang iinis kasi siya sakin, kaya hayun. hehe." Sabay lunok. :'(

Actually pinilit ko lang sumagot kahit ang sarap ng mag walk out. Si Chad kasi, masyadong kagalang galang.

"Alis na ako, Chad. May gagawin pa...:-X

Di ko na hinintay na pumayag siya. Agad na akong umalis.

Walang hiyang Brent na yan! Kagabi lang eh may pa flirt-flirt pa siya sakin meron pala siyang pasabog kinaumagahan! Nagag0 na naman ako ng walang hiyang yun! Naiisip ko tuloy ang theme ng shoot nila. Devil na nainlove sa angel!?

Kung sinabi ko sa kanya kagabi na mahal ko siya, sa tingin niyo kaya di siya sisipot dito? Hindi ko alam.

At bakit ko naman sasabihing mahal ko siya? Sisipot din siya dito kasi di naman siya seryoso. Kung sana ay di niya tinuloy ang shoot na `to, mas pinaniwalaan ko sana siya sa mga pinagsasabi niya. Dahil ginawa niya `to, mas lalo na lang tuloy akong di maniniwala sa kanya. Sana nag isip ka, Brent! Maling mali `tong ginawa mo!

Porke si Kitchie sika't, dun din siya? For promotion? Wala naman siyang makukuha sakin eh! Di naman kasi ako sikat! Walang makukuhang promotion galing sakin.

Ang bitter ng iniisip ko.

"Miss Maxine..."
"Huh?"

Kinausap ako ng isang libririan assistant.

"Baka po mapunit ang libro. Dahan-dahan lang sa pag turn ng page."
"Ahh.. hehehe! S-Sorry."

Lanya! Pulang pula ako. Di ko na tiningnan kung sinong nakatingin. Linagay ko na lang ang libro sa mukha ko at naghintay sa next class.


U2.Stop annoying







Nakasalubong ko si Brent pagkatapos ng klase ko. Pagkakita ko pa lang sa mukha niya, tinalikuran ko na agad.

"Hey!"

Di ko pinansin.

"Where are you going, my love?"

"My love ka dyan! Tseh! Tabi ka nga."

Hinarangan niya kasi ako sa daanan.

"Sungiiiiiiiiit talaga!" Sabay akbay sakin ng nakangiti. "Kinikilig talaga ako pag nagsusungot ka. Lalo ka pang gumaganda, paano mo ginagawa yun?"
"Ikaw Brent, nakakainis ka talaga!" Sabay hampas ko sa dibdib niya ng librong dala ko.
"Ano?;D
"Anong 'ano'? >:(

Grabe! Manhid ka ba? Nakangiti pa talaga siya.

"'tol..." May tumawag sa kanya.

Napalingon kaming dalawa. Mga teammates niya sa basketball. Tatakas na sana ako pero nang tumingin sila sakin... agad silang...

"Mamaya na lang... sige..." Tapos ang bilis nawala!

Inakbayan niya ulit ako at nagsimulang maglakad.

"It's for our future...???

Napatingin ako sa kanya kasama ang "Huh?"-face.

"Its for our future. Kailangan kong ipromote ang negosyo natin para mas marami tayong pera at nang di na tayo mahirapan pa. You know, and I also want a son named after me."
"Tseh! Tumahimik ka nga dyan! Future mong mukha mo! Si Kitchie, yown! Sigurado may future kayo! Galing mo talagang manloko! Kay bago-bago mo pa nga akong niloko, tapos mag eexpect kang maniniwala ako sayo sa nangyayari ngayon?"
"That's why I'm telling you its for our future."

Napailing na lang ako. Nagmumukha na siyang tanga sa ginagawa niya.

"By the way, sama ka sa shoot namin sa Hacienda huh?"
"At ba't ako sasama?"
"At bakit di ka sasama? You jealous?"
"Hindi no!"
"Kung di ka sasama, then you are..."
"Parang bata..." Pinandilatan ko. :P
"Do I have to bribe you to make you come with me?"

Di ako umimik. >:(

"Well, okay, then kasama si Chad."

Di na kailangan Brent. :-[ :-[ :-[

"So? Di ako parin ako sasama!"

Katahimikan.

"Just come with me. After that I'll stop annoying you."

 :-\ :-\ :-\ :( :'(


"Akala mo talaga naniniwala ako sayo no?"
"Alam kong di ka naniniwala sakin." Nagseryoso siya. "I just wish every time you reject me, your doubts are lessened."






U3. I love him, too




Sumama ako.

"Max, sino pa ang kasama niyo ni Brent dun?" Tanong ni mama.
"Ah yung ibang friends po namin. Pati na rin sina Emily at Jason."
"Okay!"

Yun lang naman ang tanong nina mama at papa sakin.

Hindi ko alam kung ba't sumama pa ako dito kay Brent. Napatingin ako sa kanya habang nag d-drive. Kami lang dalawa sa sasakyan niya. Dalawang oras yung layo galing sa city papunta sa hacienda nila.

"Saan nga pala si Kitchie sumakay?" Tanong ko.
"Sumama siya sa mga photographers."

Katahimikan.

"Kung sinabi ba niyang dito siya sasama, siya ang isasama mo?"

Ngumisi siya at tumingin sakin.

"Nevermind."

"Hindi, syempre."

Nagtanong pa ako, eh alam ko namang hindi ako maniniwala sa kung anong isasagot niya.

"Sigurado ka bang titigilan mo na ako pagkatapos neto?"
"Oo." Sabi niya. "Ba't ba atat kang tigilan na kita. Galit ka ba sakin? Bakit parang diring-diri ka sakin?" Tanong niyang bigla.
"Kasi... playboy ka! May nakapagsabi na ba sayo nun? Nananakit ka ng babae."
"Bakit? Sabihin mo nga, Max.. Kung nananakit ako ng babae, nasaktan na ba kita?"
"Wow! Hindi ako makapaniwala! Parehong pareho kayo ng tanong ni Kitchie sakin!"
"Wa'g kangang change topic."
"Naku! Magkadugtong talaga kayo ng bituka ni Kitchie! Bagay na bagay!" Sabi ko na mukhang kinainis niya. "Hindi mo pa ako nasasaktan. Kasi... di mo naman ako kayang saktan. Kasi-"
"Kasi mahal kita. Can you believe me even just for today?"

Wala akong masabi. Kasi sa totoo lang, gusto ko din siya. Mahal ko rin siya. Pero parang may ayaw sumunod sa sistema ko. Parang nangingibabaw ang pride at takot ko. Pride, kasi pag sinabi kong mahal ko siya masasama ako sa koleksyon niyang mga babae. Takot, baka sa huli, totoong isa ako sa koleksyon niyang mga babae. Hindi ko talaga alam. Paano ko sasabihin 'to sa kanya?

Tahimik kaming dalawa sa loob ng 30 minutes hanggang sa nakatulog na ako...

Nagising ako. Ang una kong napansin ay ang bango ng sinasandalan ko ng ulo...

"Brent?" Sabi ko habang hinaplos ko ang mga mata ko para mas luminaw ang paningin.

Confirmed! Itinigil niya ang sasakyan sa isang daan malapit sa dagat at ilinagay niya ang ulo ko sa dibdib niya.

"Ba't mo itinigil ang sasakyan?"

Ngimiti siya. Halatang marami siyang iniisip at bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Malapit na rin naman tayo eh. Itinigil ko lang kasi ayokong tumuloy. Ayoko munang pumunta dun."

Tumingin ako sa relo ko. Isang oras na kaming late!
 :o
"Ano ba yang pinagsasabi mo! Paano na yung shoot niyo! Tayo na!"

Tahimik lang siya at ang tagal nagsalita.

"Brent!"
"Hindi mo ba talaga naappreciate ang mga ganitong moment?"

Na aappreciate. Sa totoo nga lang gusto ko dito muna tayo. :(

Hindi ako nagsalita at lumabas na lang bigla sa sasakyan niya.

"Maxine?!"
"Oh sige! Dito na nga lang muna tayo!" Sabi ko habang tumatakbo palayo sa kalsada at pumunta malapit sa dagat.

Sumunod din siya.

Kung ano man yung plano niya ngayon, ayaw ko yung mangyari. Natatatakot akong mawala siya. Mahal ko siya pero paano ko sasabihin sa kanya? Totoo kaya yung mga sinasabi niya sakin?

Binasa ko siya sa tubig ng dagat! Nakakatawa siya! Nabigla at parang di makapaniwala na ginawa ko yun sa kanya! Binasa niya rin ako! Pero di ko na pinuruhan kasi ano na lang ang sasabihin nila dun kung dumating kaming dalawa na basang basa. Ayoko namang magpalit ng damit.

"Tama na, Brent! Hahaha!" Tumakbo ako papalayo sa kanya.

Umupo ako sa buhangin, nakaharap sa dagat.

Narinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko lalong lalo na nang nakita ko siyang tinanggal ang t-shirt at umupo sa likuran ko.

"I love you, Max."

Hindi ako makagalaw. Bigla niya akong yinakap galing sa likuran.

Halos matunaw ako sa sinabi niya at sa yakap niya. Ganito pala ang nagagawa ng taong mahal mo. Ganito ang pakiramdam. Ibang klase. Parang kaya kong ibalewala ang pride ko para lang masabi din sa kanya ang gusto niyang marinig - ang totoo kong nararamdaman.

Yinakap niya ako ng mahigpit.

"I'm surprised. Di mo pa ako sinasampal." Sabi niya sabay halakhak ng konti.

Sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin. Gawin ang gustong gawin... kasi mahal din kita.

Mahigpit ang yakap niya sakin at linagay niya ang mukha niya sa balikat ko.

"Please don't slap me yet. Even just for this moment." Sabi niya.

Hindi ako makagalaw at naninigas na. Ito ang first time na may ganito ka lapit sakin. Except dun sa mga part na hinalikan niya ako - mabilis yun at parang nakakainis kasi manakawan ng halik. Pero ngayon, ayokong umastang gusto ko ang ginagawa niya, but I don't want to push him away either. I love him, too.

Lalong humigpit ang yakap niya.

Parang naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. May kung ano sa yakap niya na di ko maipaliwanag.

"I'll never let you go, keep that in mind."

Ano ba ang nagustuhan ni Brent sakin? Bakit mahal niya ako? Bakit noon pa siya ganito?

*Krrriiiing*

"Brent, yung phone mo."

Di siya umimik.

"Brent... sagutin mo."
"Don't" Sabi niya nang kinuha ko.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa phone niya.

*Kriiiing!!!*


Ni-click ko yung phone.

"Hello, Brent? Where are you? Why are you not replying or even answering our calls? Hello?"

Hindi siya umimik.

"Kitchie..." Sabi ko.
"Who's this? And where's Brent?"
"Si Maxine 'to. Pasensya na natagalan kami. Kasalanan ko. Matagal kasi akong nagising kaya natagalan kami."
"Magkasama kayo?"
"Oo. Papunta na kami. Malapit na."
"Asan siya?"
"Bumili lang ng pagkain, kasi ginugutom."
"Okay! Hurry up! Sabihin mo sa kanya na bilisan niyo na."

Binaba ko na agad.

"I don't want to go. Let's just stay here, please?"






U4.Meet Thunder




Nakarating din kami sa hacienda. Pinilit ko siyang pumunta para makapag shoot. Kung kami talaga ang para sa isa't-isa, pumunta man siya o hindi, kami parin ang magkakatuluyan diba?

Hindi ako makapaniwalang iniisip ko yun. Magkakatuluyan? Pero bahala na. Kung hindi totoo yung mga sinabi niya, edi masktan na ako kung masaktan! Bahala na!

"Sa'n ba kayo galing?! Get dressed na!" Sabi ni Kitchie.

Sinalubong niya agad si Brent. Ilinayo niya sakin para makapagbihis para sa shoot nila. Si Kitchie naka gown. Ang ganda niya talaga! Bagay sila ni Brent. Nagmukha tuluy'ng sila dalawa yung mag mamay-ari nitong hacienda sa hinaharap.

Maganda yung hacienda! Sobra! Ang daming kabayo. Nakita ko nga yung mga teammates ni Brent doon na nakasakay na sa mga kabayo.

"Max!!!" Narinig ko ang boses ni Emily. Mukhang natataranta.

Iyon pala, nakasakay sa isang kabayo kasama si Jason.

"OH my! Oh myy!" Sabi niya habang papalapit ang kabayo sakin.

Si Jason naman, natatawa na sa reaksyon ni Emily.

"Ibaba mo nga ako dito! Ahhh!"
"Mamaya na.. Relax ka nga lang! Haha!"
"Errr. Uh... Max... Kala ko di ka kasama? Nagkasabay kayo ni Brent?" Tanong niya ng wala sa sarili.
"Oo eh. Nakumbinsi niya ako."


Tumigil sa paglalakad yung kabayo kaya huminahon din si Emily.

"Akala kasi namin di ka kasama. Tinanong kasi ni Emily si Kitchie kanina, di ka raw naman inimbitahan... sabi niya." Sabi ni Jason.
"Hindi nga ako makapaniwala eh.. na alam mo yun... di ka naimbitahan. Kasi halos lahat ng kaibigan ni Brent nandito. Pero wala si Ara tsaka yung mga kaibigan niya."
"Uh. Uhm... di ko rin naman alam na makakasama pala ako eh."
"Hmmm. That's probably why Kitchie looked so upset kanina after niya tinawagan si Brent. Baka sinabi ni Brent na magkasama kayo."
"Ako yung nakasagot sa phone ni Brent."
"Huh?" Nagkatinginan sila sabay, "Why?"
"Uhhh, may binili lang siya." Sabi ko.

Umiling si Emily. Yung palagi niyang ginagawa sa tuwing may nararamdaman siyang di ko sinasabi.

"Hey, Max!" Biglang dumating si Chad.

Bumaba siya sa kabayo na parang propesyonal na kung maka asta. Sina Emily at Jason naman, biglang umalis.

"Chad!" Ngumiti ako.
"I'm so glad you came." Ngiting-ngiti siya sabay yakap sakin. "You came with Brent?"
"Oo eh."

Hinawakan niya ang kamay ko. Nailang ako sa nangyayari. Napatingin tuloy ako sa paligid. Baka kasi makita ni Brent. Pero wala naman siya. Agad ng nagpunta sa rest house para makapag bihis. Dala-dala niya ang bag ko.

"Come with me?" Sabay tapik sa kabayo.
"Wa'g na, takot ako sa kabayo."

Kahit ang totoo, naka ilang beses na ako ng sakay sa kabayo sa iba't ibang pasyalan at parke. Hindi ako takot.

"Come on, Max!" Ngumiti siya. "Andito naman ako."
"Wa'g na, talaga Chad. Okay lang ako dito." Kalahating-tawa na yung pagkakasabi ko.

Ayoko kasing magmukhang seryoso sa ginagawa kong rejection sa kanya. Hindi ako sanay nito. Maaring kay Brent, sanay ako, pero sa kanya hindi.

"Sige na... pleaaase?" Sinalida niya ang ngiti at puppy eyes na isa sa pinakamabentang mukha niya sa mga tao.

Kaso, hindi tumalab sakin. Pero ganun pa man... ayaw ko ring tanggihan siya ulit.

Sumakay ako. Nasa unahan niya ako habang pinapalakad niya yung kabayo.

"Kala ko ba takot ka?"

Hindi na lang ako sumagot. Takot ako... oo. Hindi sa kabayo kundi sa reaksyon ni Brent.

Naisip ko rin... Si Brent na mahal ko, lagi kong ni-rereject. Samantalang si Chad na crush lang, halos di ko ma atim. Bakit kaya? Pero naaawa din ako kay Chad, nagawa kong iwan siya sa ere nung umamin siya sakin, nakaya niya paring maging mabait sa akin.

Nakita ko yung field at yung lugar kung saan sina Brent ay mag pho-photoshoot.

"Grabe! Parang dyosa si Kitchie!" Sabi ko habang tinitingnan at manghang-mangha kay Kitchie na literal na mukhang dyosa.

At si Brent naman, ano pa ba ang inaasahan niyo? Syempre parang diyos lang. Kay gandang lalaki talaga ng mokong! Naiinis ako sa tuwing naaamin ko sa sarili ko ang pagiging maganda lalaki niya. Napapangiti nga ako ngayon. Sa tuwing tumitingin siya sakin at iniisip ko ang kagwapuhan niya, pakiramdam ko nababasa niya ang iniisip ko kaya mas lalong nakakainis.

Bigla siyang napatingin sa amin ni Chad. Nasa gilid kami at di na lumapit pa. Baka kasi maka istorbo kami sa shoot.

Nanunusok ang mga titig niya. Nakita ko siyang hinawakan ang phone niya at may ni-text. Napa tingin tuloy ako sa phone ko.

Sakin siya nag text!

Brent:
Di ka ba marunong sumakay ng kabayo mag isa?

Max: (reply)
Hindi masyado. Y?

Brent:
May picture ka sa bahay niyo na sumakay ng kabayo. Bata ka pa nun. Tapos madami. Meron ding high school na. May nakita pa nga akong nag e-equestrian ka.

Max:
You stalker! Paano mo nakita yung photo album namin? Itinago ko yun!

Tiningnan ko siya habang nakatitig sakin. May tinawag na isang lalaki na mukhang nag t-trabaho sa hacienda. Busy pa ang mga tao sa pag mimake up kay Kitchie. Siya naman, text nang text.

Brent:
My point is, you don't have to be with Chad. Get off!

Pagka tanggap ko sa message na yun, agad pumunta yung lalaki sakin na may dalang itim na kabayo.

"Miss Maxine?"

Nung una, di ako makapaniwala. Kilala niya ako?

"Ho?" Sabi ko.
"Uh.. Maari p-po ba kayong bumaba. Ito kasing si Thunder..."

Bumaba akong bigla. Pati si Chad ay nabigla sa ginawa kong pagbaba.

"Thunder?"
"Yung kabayo." Sabi niya. "Ipanapasakyan ni Brent yung kabayo niya sa iyo."

Brent's porsche is Lightning and his horse... Thunder.

Hinaplos ko ang mukha ni Thunder... okay naman siya. Mabait. Sumakay ako. Pagkakita ko kay Brent nang nakasakay na ako kay Thunder. Ngumisi siya at kinindatan ako.

Nagsimula ang nakakapigil-hiningang photoshoot. Napaalis ako dun dahil masyadong masakit ang nakita at narinig kong puri sa kanila.

"Bagay na bagay!"
"Mukhang future Mrs Cruz aaah?"

Good bye world! Sana kaya kong itago pati sa sarili ko. :-\ :-[ :-X :'(






U5.future wife






Namasyal ako kung saan-saan. Mag-isa. Nahihiya din kasi akong bumalik kasi iniwan ko si Chad dun. Ang sama ko talaga! Kawawa yung tao. Nakokonsensya tuloy ako.

Pero kanina pa ako dito nakasakay sa kabayo. Nakikita kong bukod sa mga barkada ni Brent ay parang may tatlong care takers pang nakabantay sakin sa malayo. Alam ko... Si Brent na naman. Wala naman akong problema dun eh. Linapitan ko ang isa na nagtangka pang umiwas sakin.

"Manong..."
"P-Po?"
"Teka lang po. May itatanong lang. Hanggang saan po ba yung lupain ng mga Cruz?"

Tiningnan naming dalawa ang malawak na lupain.

"Hanggang sa maabot ng mga mata niyo." Sagot niya.

Nakita ko ang mga bundok sa malayo at mga kakahoyan.

"Ahhh."
"Bakit po?"
"Wala lang. Lawak po pala ng lupain nila."
"Oo. Hindi lang ito. Meron din silang lupain sa Albay at sa Davao."
"Ah." Tumango ako.

Umalis din naman ako at patuloy na namangha sa lupain nila. Haciendero ang mokong.

Kung ihahambing ko sa aming pamilya na wala namang malalawak na lupain... talagang walang makukuha si Brent sakin. Eww. Ba't ko ba yun naisip?

Biglang kumalam ang sikmura ko. LOL! Gutom yata ang mga worms ko sa tiyan. Sa bagay. Ilang oras din yung byahe namin. Hindi naman kami kumain. Pagkarating dito agad silang nag shoot.

Makapunta nga sa rest house nina Brent. Nakita ko din kasi yung mga friends niya ay nagpunta na dun.

Tinapik ko ang kabayo na si Thunder na bigla na lang kumabig. Naalala ko nung high school na sinubukan kong pumasok sa equestrian team sa dati kong school. Ganun parin naman. Kaya pa. Mabait din tong si Thunder, eh. Hindi nakakakaba.

Malayo pa lang, nakita ko si Brent. Nakaabang sa akin sa pintuan ng rest house. Naka pang photoshoot get-up pa kasama ang cow boy hat. Nakangisi. Napalingon ako sa field... yung mga assistant photographers na lang ang natira. Nag lilinis at nagliligpit ng mga gamit.

Pinatigil ko si Thunder sa harapan niya. Agad akong bumaba at hinaplos ang mukha ng kabayo.

"How many times do I have to fall in love with you?" Sabi niya.

Sinimangutan ko siya.

"Ewan ko na nga sayo..." Sabi ko.
"Kuya, please..." Sabay bigay sa caretaker ng lubid ni Thunder. "Good job, Thunder." Sabi niya sa kabayo.

Napangiti ako. Sa puntong ito, naramdaman ko ang pagkatunaw ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero... oo... mahal ko siya. Hindi ko alam kung paano ko ipapakita sa kanya.

"Lets eat!" Sabay hawak sa kamay ko papasok sa rest house na pagkalaki-laki.
"Brent..." Sabay tanggal ko sa kamay niya.
"Okaaay." Ngumisi siya.

Pagdating namin sa dining area. Nandun na ang lahat ng friends ni Brent atsaka ang mga photographers, kumakain. Si Kitchie ang nag aasikaso sa kanila.

"San ka ba galing, Brent? Yung future wife mo na yung nag asikaso sa food."

Aray! Future wife. Agad akong umalis sa tabi niya at nakitabi kay Emily.

"Kain ka, Max." Ngiti ni Chad sakin.

Nang nilingon ko si Brent eh nag uusap na sila ni Kitchie at yung isang yaya nila dito sa rest house. Seryosong usapan. Naalala ko tuloy yung sinabi... Siguro nga talagang mas bagay si Kitchie na Cruz kesa sakin.

"Chill... Di pa yan magpapakasal." Bulong ni Emily sakin nang napansin ako ng dalawa.

Nawalan ako ng gana. Kumain parin ako. Busy si Brent sa pag asikaso. Hinayaan ko na lang. Wala rin naman akong magagawa.

Pagkatapos dun ay ni-check ko yung tutulugan namin.

Tatlong palapag ang malaking rest house nila. Sa 2nd floor kami matutulog. Nang pumasok ako sa isang malaking kwarto na may limang king size bed at mga double deck, narealize kong wala doon ang bag ko.

"Emily... Ba't wala ang bag ko dito?"
"Hindi ko alam. Siguro di ka dito matutulog?"

"Max." Tinawag ako ni Chad.

Pinuntahan ko agad. Alam niya yata kung saan.

"I'm gonna have to sleep beside your room." Sabay turo sa isang room na may pink na wind chimes sa labas. "That's Ara's room. Dun ka yata ipapatulog ni Brent-"
"Max..." Si Kitchie. "Nag text kasi si Ara. Tutal naman daw wala siya, dun ka raw sa kwarto niya matutulog."
"Ahh. Okay..."
"Dun ako ipapatulog sa isang guestroom ni Tita eh. Pati din si Chad. Yung mga players nasa 3rd floor." Sabi ni Kitchie.
"Ah ganun bah."

Sayang naman, gusto kong kasama si Emily. Nakakahiya naman kung mag rerequest akong kasama kami eh di naman ako yung may ari or guest man lang.

"Sige, iche-check ko lang ang room ko."

Agad akong pumunta sa all-pink na room ni Ara at sinarado ang pinto. May shower dito. Naisip kong maligo at magpalit ng damit nang may narinig akong gumalaw sa kurtina!

Walang hiya! Si Brent! Tapos halos matanggal ko na yung soot ko! Sisigawan ko sana pero natatakot akong malaman nila na nandito siya sa kwarto ko.

"Anoooong ginagawa mo dito?" Mahinahon ang boses ko pero galit.
"Its my room, too." Ngumisi siya.
"Anong room? Kay Ara 'to!"
"Were twins so..." Tiningnan niya ako kasama ang ngisi niyang abot tenga.
"Sinungaling!"
"HAHA! Easy ka lang... Inaayos ko lang naman yung higaan mo eh." Sabay puppy eyes.
"Umalis ka nga dito! Ma issue pa tayo dito ng kung anu-ano!" Tinulak ko siya papalabas.
"Opooo! Eto na po... Paalis na po..."

Tumayo pa siya sa pintuan habang tinititigan ako.

"Walang kissing scene na mangyayari. Wa'g ka ng mag expect." Sabi ko.

Humalakhak siya ng konti. Pero nariyan na naman yung mukha niya na kanina ko pa napapansin. Yung mukha niyang di ko kaya tanggihan. Yung mukha niyang ipinakita dun sa beach. Malungkot pero nakangiti.

"May gusto ka bang sabihin sakin?" Tanong niya.
"W-Wala naman. Bakit?"
Umiling siya at kinurot ang pisngi ko. "Bilisan mo na..." Ngumiti. Kumindat. Umalis.

Anong ibig niyang sabihin?

Natigilan tuloy ako... Habang nakatingin ako sa kawalan, napansin ko ang isang picture frame. Mga bata pa sila... Ang nasa gitna, si Ara. Si Brent yung kasama at sa kabila ay si Chad. Close na close pala talaga silang tatlo simula pagkabata. Naisip ko tuloy kung kasali ba si Chloe sa kanila.

Alam kaya ni Chad ang nararamdaman ko para kay Brent? Hindi, siguro! Hindi nga alam ni Brent... si Chad pa kaya.







Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText