25th
25th~
Summer: You mean, noon?
Nakatunganga siya halos buong araw hanggang sa nakarating kami pabalik sa Sortee.
"Narealize mo na ba na hindi ako, kundi si Kyla ang mahal mo?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako.
"I can't remember." Sabi niya.
Halatang disappointed siya sa ginawa niya at nalulungkot.
"I know." Sabi ko.
Napabuntong-hininga siya.
"We're leaving tomorrow morning, right?" Sabi ko.
Tumango siya.
"Before we leave... mamayang gabi... may ipapakita akong box sayo. sana makatulong yun..." Sabi ko.
Tumango siya ulit.
"Itigil mo na muna ang boat." Sabi ko nang nakitang papalapit na kami sa Sortee. "I wanna swim again."
Nakita ko ulit ang pagkadismaya sa mukha niya dahil ipinaalala ko sa kanya ang nangyari.
"I'm her opposite." Sabi ko.
Wala siyang imik at itinigil ang speed boat. Agad akong lumangoy ulit at may nakita pa akong si Nemo ulit!
Nabigla ako nang kahit sumisid ako, naaninaw ko ang mukha niya sa ilalim ng dagat. Akala ko hihilahin niya ulit ako pero nabigla ako nang ngumiti siya!
Napaahon kaming dalawa. Mukhang nakita niya ang pagkabigla ko kaya tumawa siya!
"This is a new feeling." Sabi niya habang tumatawa.
"Oo!" Tumawa na rin ako. Di ko maintindihan. Humihinga pa ako ng malalim at umaambang sisisid ulit. "Kasi di pa tayo nag swimming together."
Magkasabay kaming sumisid ng nakangiti!
May tinuro siyang malaking blue na starfish. Pag lingon ko ulit sa kanya. Ang lapit na ng mukha niya sakin.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako. Oo, sa ilalim ng dagat, hinalikan niya ako. Hindi ko halos maigalaw ang pisngi ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Kaya niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako hanggang sa nakaahon kami. Hinahalikan niya parin ako.
Gusto kong umiyak... Sa saya. Di ko alam kung bakit niya ako hinalikan. Gusto kong isipin na dahil mahal niya ako at naaalala niya na ako.
Sana di na 'to matapos.
Pero imposible.
Awkward nung nakarating na kami sa Sortee. Walang imikan pati sa pag dinner namin.
"Mag bonfire tayo tonight." Sabi niya.
Tinignan ko lang siya.
"Not your kind of thing, I know. But I don't really like seeing you drinking inside bars." sabi niya at ngumiti.
"Whatever you say." Sabi ko. "Kunin ko lang ang box na sinasabi ko."
"Mmkay. I'll wait for you near my bon fire." Kumindat siya.
Umalis na ako. Nakangiti. I swear sana di na 'to matapos. Sana di ko na maalalang di niya ako naaalala. Pwede just for tonight? Haay! Pero hindi eh. Kasi kukunin ko nga yung box of memories niya sa kwarto diba.
Kaya ang whole point ng pagbalik namin sa Sortee ay ang kanyang memories.
"So ano ba talaga ang status niyo?" Usisa ni Kate nang dumaan ako sa Frontdesk.
"Strangers... obvious bah?"
Pinandilatan niya ako. Akala niya siguro sarcasm yun. Pero yun ang totoo!
"Close your eyes." Sabi ko kay Lex pagkarating ko sa bon fire na ginawa niya.
May nilapag pa talaga siyang mga barbeque at Heineken sa harapan.
"Bakit?" Tanong niya, nakatingin sa box na dala ko.
"Just close it." Tinakpan ko ang mga mata niya. "I want you to feel them, with your eyes closed."
He closed his eyes. Binuksan ko ang box. Ang una niyang nahawakan ay ang heart-shaped na Ferrero container.
"Sa tingin mo, ano yan?" Tanong ko.
"Uh... heart-shaped...some sort of... chocolate box? Ferrero?" Sabi niya.
"Yep!"
Sana ganun niya ako kabilis din nakilala. :(
"Binigay mo sakin yan noon sa school." Sabi ko.
"What's the occassion?" Tanong niya.
"Wala." Sabi ko.
Tumango siya at nahawakan ang balloon na wala ng hangin.
"What's this?" Sabi niya. "Balloon?"
"TAMA! Galing mo ah?!"
Tumawa siya, nakapikit parin ang mga mata.
"Binigay mo rin yan sakin sa school."
Tumango siya.
"I think I'm crazy bout you." Sabi niya.
Natigilan ako.
"You mean, noon?"
Tumango siya at hinawakan naman ngayon ang papel na may lamang 24 signs of Summer.
"Open your eyes." Sabi ko.
Tinignan niya ang hinawakan. Gusto kong umiyak nang binasa niya ito.
"The 24 Signs of Summer."
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;