<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Step 1-10


[STEP #1] Bridgette Reah Francisco: SH!T!


Ang ganda talaga ng University of Saint Mary. :D Ang ganda ko rin. >:D .Tinatanaw ko yung Billboard ng Bench. :D WHOA! Ang ganda at ang gwapo ng dalawang model! Parang may kakaibang namumuo sa kanilang dalawa! Para silang LOVERS talaga. :D oh well, JR Te at Jini Punzalan - cover sila ng sikat na magazine ngayon. Dalawang model, na magpapakasal. Graduate sila dito sa USM eh. Kaya ayun, kilala ko sila. :D

Type-type-type…

Humikab ako. Ang sarap dito sa rooftop! Super sarap ng hangin. Ang sagwa naman talaga pag bored noh? Gumagawa o nagta-tayp ng mga bagay na nonsense! Halimbawa na lang ang tina-tayp kong listahan kung paanu gumawa ng Prince! Naku. Ang weird ko. Who would have thought na si Bridgette Reah Francisco ay magsusulat ng ganitong bagay. Dapat nga, ang mga sinusulat ko ay ‘I don’t believe in prince charming and happy endings’. Nyeta! >:D

Sinarado ko ang laptop ko at bumaba na.

“Hi Gette!” Sabi nung girl na nalimutan ko ang pangalan.

Ngumiti ako.

“Gette! Mamaya ah? Sa 1720?” Sabi ni Sam na barkada ko.

Tumango ako. 1720 by the way is a bar.

“Gette! Kitakitz!” Socialan dito, socialan doon. COOL. Yan lagi ang style ko.

Hell yeah I’m a motherf-ckin’ princess! Hindi ako si Cinderella, si Snow White, si Belle, o kung sino pang mga prinsesang pinagnanasaan ng mga bata. Number One Maldita, playgirl and SH!T of course I’m not a SL-T! Marami akong nagging boyfriend kasi sabi nila mahal daw nila ako, ayaw ko naman silang saktan, kaya sinasagot ko. :D loko talaga ako eh, pero… I can’t blame you if ayaw nyo sakin, ganun na kasi talaga ako eh.

Kakabreak lang naming ni Jesse na lumipad ng Paris kahapon. At ngayon… here he comes…

“Gette! Isang lingo ka ng hindi nagti-text ah? Nukaba? Para kang walang boyfriend ah!” That’s Hiro. My one and only boyfriend for the day!

O.O Yeah, for the day. Kasi nga, kahapon lang kami nag break ni Jesse. Yeah! Pinagsabay ko silang dalawa. And hindi naman ako masyadong nagpapakita sa kanila that’s why hindi ako masyadong nahuhuli. Hehe.

“Hiro. Diba sabi ko sayo. Break na tayo?”
“Huh? Anong break?”
“Look, ayoko na! Hindi na kita mahal! Kaya from now on, I’m not your girl anymore!”

Nag walk-out ako. Hindi ko naman hobby ang panggagago. Binigyan ko lang naman sila ng chance para ipakita at iparamdam nila sakin ang pagmamahal nila. Pero, ako naman, eto parin, walang nararamdaman. Sayang din naman kasi yung feelings nila. Iba nga dyan, nahihirapang magpapansin.

“Gette!” Sinusundan pala ako ng pangit na to! ARGH.
“Tama na. Pwede bah?”

Tumakbo ako – patungong rooftop! I catched my breath. Grabe talaga si Hiro, patay na patay sakin. Campus crush pa naman yun tapos ginaganyan ko lang? Eh, ano ba ang gagawin o magagawa ko? Sinagot ko na nga sya para hindi mapahiya sa friends nya, at ngayong ayoko na…wala. AYOKO NA. Buti na lang di nya na ako nasundan.

Dito sa USM, akala ko magiging boring ang boring kong life. At sa ayaw nyo at sa gusto, tatawagin ko paring boring ang life ko kahit aral sa umaga, bar sa gabi ang mga ginagawa ko. Para sa iba, my life is adventurous, but for me, I’m just an ordinary girl.

I’m silly! I can’t understand myself. I want somebody who will stand next to me and tell me that he will always be there. Ayoko ng flings pero pinapasok ko parin dahil EVERYONE EXPECTS ME TO BE THAT GIRL.

I want to live my life~!

“Anong ginagawa ng isang Bridgette Reah Francisco dito?” Nabulabog ang pag-eemote ko sa isang malamyang boses na ng gagaling right next to me.

Sh!t! Tumingin ako, and to my delight. Yung hindi-sikat na skul geek. Kilala ko sya sa mukha, at sa pangalan (nga bah?). ENRICO GONZALES? Lagi kasi syang andjan kung asan ako. Coincidence lang siguro. Pero, damnit! I don’t wanna talk to PAKEN persons like him!

“Sh!t.” Napatayo ako.
“What? Lagi mo yang line ah! Ang sikat-sikat mo pa! Tsaka, bakit ka nasa korning lugar na-“
“Heeeeeeeeeep! Can you please shut your disgusting mouth up?! SH!T! I have no time for people like you!”

Tinulak ko sya at nagwalk-out! EWWWW. I hate geeks. Hmmp. Nakikita ko pa lang ang malalaki nyang glasses at bag, nasusuka na ako. Tsaka, ewan ko rin kung bakit ang pangit ng feeling ko pagnakikita ko sya! EWWW. I hate him. Feeling ko, pagmakikipag-usap ako sa mga taong ganyan, they will bring me down from fame. HMP.

Bridgette Reah Francisco. Kakalipat mo lang dito sa USM pero sikat na sikat na. HAAAY. Sa skul ko noon, di naman ako ganito eh. Dito lang ako nagstart magkaganito. :( And, okay lang, para hindi ako yung fifit-in. SILA!



[STEP #2] Bridgette Reah Francisco: YAAAAAAAAAAAH BOOOOO!


HAAAY. EWWWW... Parang gusto kong maligo or what... TSSSK. Ayoko talaga sa kanila. Feeling ko ang baho ko o ang dumi ko. HEHE. OA masyado. :D Andito ulit ako sa corridor, naglalakad. As usual, kilala na naman ako ng lahat ng tao. :D Ang sarap ng buhay artista. Hehe. Ayunnn.. nakita ko ang bulletin board na pinagkaguluhan. Nakigulo na rin ako.

"Excuse me." WHOA! Taaaaraaay. Kaya, give way ang lahat.

HMMPP... Sa course ko, hindi ako ang naghahari. HEHE. Panu ako maghahari kung barista ako aber? Di naman ako genius o tulad nung Enrico Gonzales na yun! Kung magkapareho kami ng kurso, edi baka sya na ang pinakauna sa tinitingnan kong Dean's List ngayon. Kaso, di eh. Nursing yun si Enrico, at sya ang pinaka MATALINO. AAAHH. Ngayon ko lang naalala, nursing nga sya, pero bakit nya ako kilala? Ganun na ba ka tunog ang pangalan mo Bridgette? HEHE.

"Miss, excuse me, Kanina ka pa jan ah? Bridgette Francisco, di ka naman Dean's Lister ah?" Aba't talaga namang may pangahas pang nagsabi sakin ng ganun.
"EXCUSE ME? Sino ka ba? What the... don't you know me? HUH?" Tinulak ko. Babaeng to oh. sino ba sya sa akala nya. Di ko nga sya kilala eh.
"Bridgette! Tama na yan!" Sabi ng isang mahinhin na boses.

Sino?? Si Sandy. Counterpart ko yan. The Best GoodGirl. Ako naman ang The Best BadGirl. Ang mga taong kagaya nya ang iniiwasan ko. TAMA. Kalahi sya nung Enrico Gonzales na yun. EWWWWWWWWW. NERDS and STUFFS. HAHAHA... YO! GETTOUTTA MAH WAY!

LOL. Umalis na lang ako, pero with poise at tarayyy parin. >:(

"AAAAAAAAAAAAH." Muntik na akong malunod sa bath tub. Nakatulog pala ako habang iniisip ko ang nagyari kanina. GRRR. 5 minutes late na ako sa 1720 ah? Nagbihis ako at umalis sa bahay. Of course, malaya akong nakakalabas pasok sa bahay. Di naman dahil pabaya ang magulang ko, may trust kasi sila sakin eh. :D

"if I can just see you... if I can just hold you...tonight... Thank you!!! Enjoy!" Nagpalakpakan ang mga tao.

Kung akala nyo na ako lang at ang barkada ko ang nagpupunta dito. HINDI. Mali ka. Maging si Sandy na naturingang skul geek, nagpupunta dito. Kumakanta sya, mga tatlong kanta gabi-gabi. Maganda ang boses nya.

"HHHOOOOY! Gette! Nu ba yan!!!! BOOO! Trance Music please?" Sabi ni Sam. Grabe, party girl talaga ang babaeng to. TSSSK.
"Gette! HAHA. Alam mo kanina ka pa tinitingnan nung lalaking yun o?" Tinuro ni Anya ang...-
"Si Rico Gonzales?" Binatukan ako.
"Ano? HAHA. Hindi! Yun oh!" Napatingin ako sa likod ni Rico. Meron ngang nakatingin.

Pero, mas nagfocus ako kay Rico. Anong ginagawa ng NERD na yun sa lugar na to? TSSSk. Maobserbahan nga?

Unti-unti syang lumapit kay Sandy at biglang nagpatugtog ng slow music... Ano yun?

"BOOOOOOOOOOOOOOOO! Ano ba yan? Bakit puro slow?" Sabi ni Sam.

Concentrate ako sa pagobserba sa kanila.

Biglang linagay ni Sandy ang kamay nya sa balikat ni Rico at Si Rico naman sa bewang nya. WOW. HAHAHA. Oh no don't tell me. >:D Kakatuwa.. mga NERD? HAHAHA.

"Hooooy. Tingnan nyo! Mga nerd!! HAHAHA" Tawa ng tawa ang mga kabarkada ko at ang gulo gulo na nila. >:D No comment.
"Hala!" Sabi ni Sam. Napalingon ako sa stage...

"AAAAAAAAAAAAYUUUN! Ayun ang nag request ng korneeeeeeng song na to!!!!" WHAT? Si Hiro, nasa stage. Ano bang nangyayari. Tinuturo nya si Rico at Sandy. Napatigil si Rico at Sandy sa pagsasayaw.
"HAHAHAHA. Tingnan mo nga naman ang mga nerd!!! PUNO NG KAKORNIHAAAN! hahaha."

But... I ACTUALLY... LIKE IT...

:'( waaah. Di bale, di naman nila nababasa ang isip ko.

"YAAAAAAAAAAAH BOOOOO!" NakiBOO na rin ako. TSK.

"ENRICO GONZALES at SANDRA CONCEPCION! Naku namaaaan. Bagay na bagaaay kayong dalawwaaaa. HAHAHA. MGA NEEEEERD." Pinagtawanan sila ng lahat ng tao sa bar.

Tumawa na rin ako. :'(

Napailing ako nung nakita kong binuhusan si Rico ng tubig. Nag walk-out si Sandy at sumunod na rin si Rico. Nahulog at naiwan nya pa ang glasses nya. TSSSK.

Si Hiro talaga! Nakakainis na ah. TSSSK. Napalingon ako sa stage at...

"Bridgette Reah Francisco! Ano bang kasalanan ko sayo ha?"
WAAAAAAAAH. Lahat ng tao nakatingin sakin...

"WOOOOOOH! Humirit na naman si Gette!!! Patay kang bata kaaaa. HAHAHA"

Nagwalk-out ako at kinuha ko ang glasses ni Rico. Langya. Ba't ko pa ba yun kinuha. Ibabalik ko na nga lang yun. Saan kaya sya nagpunta???? Napunta ako dun sa may park malapit sa 1720. At naabutan ko silang dalawa ni Sandy. Mukhang nakakapressure ang eksena. Ewan ko kung bakit pero...nagtago na lang ako sa mga halaman para pakinggan ang pinag-uusupan ng MAG-IROG. Sila na bah? HMMM. Malalaman ko rin yun! Hawak-hawak ko pa ang glasses ni Rico. Isosoli ko to, mayamaya.

"Sandy. I-I-I think..I-I-I..." Sabi ni Rico.

so...meaning, hindi pa sila. I'm sure 'I think I love you' yan! Eto namang si Rico, hindi ma sabi-sabi o! Ako na lang kaya ang magsabi? JOKE.

*SSSSSSSSSSLAAAAAAAAAAAAAAAP*

What the? Bakit ganun? Si Sandy pah?! Hindi ba mahinhin at mabait yun? Papaanong na...-

"Pinahiya mo ako sa harapan nina Hiro! Pinahiya mo ako sa harapan ng maraming tao! Tapos, ganyan? HUH?" Para syang nagiging monster! TSSK. Ibang klase. Kala ko pa naman di sya makabasag-pinggan.
"Perooo-peroo. Sandy... I-I..." Nakuuu. And torpeng to. Palibhasa nerd kaya ganyan, di marunong magsalita pagdating sa LOVE.
"Shut up!" Ayun, humirit na naman. Pagmagsasalita si Sandy, tumatalon ang puso ko dahil kakaiba sya ngayon. HMP? "You what?"
"I like you!" Nasabi rin nya.
"HAH! I'm sorry Enrico." Magwo-walk out na sana si Sandy nung...
"Sandy, please give me a chance!!!" WAAAH. Gustong gusto nya si Sandy. Kulang na lang mag makaawa!


[STEP #3] Bridgette Reah Francisco: I WANNA BE A WITCH?


"Sandy. Parang awa mo na! Kahit isang chance lang!!!" Sabi ni Rico. Basang sisiw ang dating ng NERD na to.

Feeling ko nanginginig sya dahil binuhusan sya ng tubig eh. Plus the situation na nakakanginig din. Mas matindi ata to sa Fundamentals of Nursing eh. HMP.

"HAAAI. Ilang chance pa ba talaga ang kelangan mo?"
"Please?"

Pagkatapos nung 'please?'. Bigla kong naramdaman ang pagbagsak ko sa damuhan. Akala ko pa naman parang bakal ang halaman na sinandalan ko na pwedeng sandalan ng tulad kong kasing bigat lang ng dumi. JOKE. HMMP. Huli na nung nalaman kong nakita ako ni Rico at Sandy.

"Ge-gette?" Pumunta si Sandy sakin at tinulungan akong tumayo.

HMMM. Nagiging good girl ba sya? O talagang good girl sya? O may lahi syang LOBO? Nagtatransform ba sya pag bilog ang buwan? Napatingala ako para hanapin ang buwan... TADAAAAAAAAAH. Bilog na bilog ang buwan. FULL MOON.

"Kanina ka pa ba?"
Nakita kong umayos si Sandy. Si Rico naman, nakaupo parin. DEPRESSED. Basang-basa. Gusto ko tuluyng sampaling tong si Sandy. TSK.

"Ngayon lang. HAAAY. Nagpapahangin lang naman ako dito eh."

Yumuko si Sandy at... "Sige ah? May quiz pa bukas, kaya alis na ako!" Ngumiti sya sakin.

Tumingin sya kay Rico at... "Sige Rico! Kita na lang tayo sa skul!" Ngumiti din sya.

NAKUUUU! Ang babaeng to? May lahi talaga atang LOBO. O baka namang may Multiple-Personality Disorder yun? NGEK. Ehem. Concentrate sa image... Bridgette!

Umalis na si Sandy at lumapit ako kay Rico. Nanginginig sya pero binalewala ko. I don't care anyway.

"Bakit ka andito?" Nakayuko parin.
"Huh? Nakakakita ka parin ba kahit walang glasses?" Hindi ko sinagot ang tanong nya.

Tinapon ko sa kanya ang glasses nya. HAH?! Anong kala ng nerd na to. Nabigla ata sya sa pagkakatapon ko kaya mejo may shock-effect. NAKU. LAMPA. Ano pa bah? HMMM? Bigla syang umiyak.

???

"Ba't ka umiiyak?"
"Nakita mo naman diba?"
"Ang alin?" Yun yun eh. Wala naman akong nakita diba?

Umupo ako para tingnan sya. Ang nipis nung suot nya. At talagang nanginginig na sya.

"Wag ka ng magmaangmaangan! Alam kong nakita mo at narinig yun! Sige na! Pagtawanan mo na ako! Ganun naman talaga dapat diba? Diba?" Umiyak sya. His voice broke. Ewan ko kung dahil ba yun sa umiiyak sya o sa ginaw? Siguro both?

"Ano? HAHAHA. >:D of course----"

Bigla nya akong yinakap.

"What the?...bitiwan mo nga akooo?"
"Gustong gusto ko syang yakapin!!! Pero, bakit kahit chance hindi nya ako mabigyan-bigyan?" Patuloy sya sa paghikbi. NUBANAMANG klaseng lalaki itech.

EWWWWWWWWWW. Hinampas ko na para matuto. Sino bang nagbigay sa kanya ng permisong yakapin ako ng basta-basta. Ang dumi-dumi na naman ng pakiramdam ko. Feeling ko, may mga germs na dumapo. Tsaka, nabasang bahagya ang damit ko. Naramdaman ko yung basa ng damit nya.

"Wag mo nga akong yakapin you Sh!t NERD! Can't you see? I'm Bridgette Francisco? HAH?" Nagwalk-out ako. Langya sya.

Nung akala nya sakin? Teddy bear? Ano ako? heh?!

"SAWANG SAWA NA AKO SA IMAGE KOOOOO!" Sumigaw sya.

Napatigil ako sa paglalakad. Pero, MY PRIDE, nagpatuloy parin ako. Napansin kong nasabi ko na rin yun sa sarili ko... SAWANG SAWA NA AKO SA IMAGE KO. Pero...ayokong biguin ang mga isipan ng iba. Bumalik ako sa bar at...

"Gette, san ka ba galing?" Tanong ni Sam.

Nakita ko ulit si Hiro na nagwa-wala na dahil gusto nya na daw akong makita.

Kinuha ko na yung gamit ko pati yung jacket ko at umalis na...

"Gette! Ang aga pa ah?" Sabi ni Sam.
"sumakit ang tiyan ko eh! Bukas na lang ulit!"

Nagmadali akong umalis sa 1720 at umuwi sa bahay. Kaya lang, pagpasok ko sa bahay...

Si Rico? Umuwi na kaya sya? O baka naman andun pa? Sana binigay ko na lang ang jacket na to! Kasi, giniginaw yun! Teka.. ba't ko ba iniisip yung NERD na yun? YOKO NGA! Ano sya? HUH?

Ilang minutong pagmumuni-muni ang nakalipas. Naisipan kong balikan sya dun sa place. AT ANAK NG HIGANTENG PATING, ang NERD, andun parin. Kulang na lang eh magyelo sya sa nginig at ginaw. Agad kong sinoot sa kanya ang jacket.

"Ano ba sa tingin mo ang iniisip mo?! Huh? Eh umuwi ka na dun at mag study ng lessons mo NERD!"
"Rico!"
"NERD! Rico and Nerd are synonymous!" YEY. HAHAHA. Waging wagi ang sinabi ko.
"Ba't ka bumalik?"
"Huh? Ah eh... napadaan lang ako?"
"Ba't may jacket?"
"Wag ka ngang makulit pwede? LANGYA."

Umiiyak parin ang NERD. HAAAY. Pag-ibig nga naman!! Tsaka, ba't parang pakiramdam ko RESPONSIBILIDAD ko sya? :(

"Umuwi ka na? San ba ang bahay mo?" Sinipa-sipa ko sya.
"Dyan lang."

Malamya parin ang boses nya.

"Ba't ka ba nagtyatyaga dun sa Sandyng yun? NERD naman yun eh. EWWW."
"Madali mo lang yan nasasabi dahil madali mo namang nakukuha ang mga gusto mo eh."
"Yes of course because I'm PRETTY." I crossed my arms.
"Pangit ba ako?"

NGEEEK. HAHAHA.

"Tinatanong pa ba yan???! HAHAHA. >:D " Mejo natural na talaga akong ganito. :)
"Kung ganun?! Panu maging gwapo?"
"HAHAHAHAHA." Muntik ng matanggal ang lungs ko sa kakatawa. "HAHAHA. Edi, bilhin mo ang mukha ni Robi Domingo! HAHAHA."
"AAAAAAAAAAAAAH! Hindi na ba talaga pwedeng mabago ang image kooooo??!?!"
"Alam mo Rico...ang buhay, parang fairytale. Kaso, swerte mo na yun kung ikaw ang prinsipe sa buhay mo! PERO, panu kung palaka ka lang pala? Wala kang magagawa! HAHAHA."

Ayun. Let's read my blog and you'll understand. ESTE. journal sa MS WORD! haha. Ipopost ko din yun sa isang blog account kasi pinapatay na ako ng sermon nung bestfriend ko sa malayo dahil wala na daw syang update sakin. Anyway..

"I wanna be the PRINCE!"
"HAHAHAHAHA. Tapos? Ganun lang ba yun kadali? Panu kung sabihin kong I WANNA BE A WITCH? Hindi yun malayo.. hahaha." Tawa pa rin ako ng tawa. Mala-demonya. HAHA. BRUHA. HAHAHA.
"I want you to be my....."

Princess??? PRINCESS? EWWWWWWWWWW. HAHAHA

"...my fairy god-mother!"


[STEP #4] Bridgette Reah Francisco: Let me produce you!




"WAAAHAHAHAHAHA... What the? Fairy god mother? With black wings and black robe? Ano ako bale?" Tong gagong to.

Naalala ko tuloy yung blog ko. ESTE journal pala. >:(

"Please? Please? Please? Please? Please? Please?..."

*KRIIIIIIIIIIIIING***

Umaga na?! Ang sakit ng ulo ko. Hindi ako nakatulog dahil paulit-ulit na parang sirang plaka ang boses ni Rico sa utak ko. 'Please..please...please...' Paulit-ulit sya sa utak ko na parang nalilimutan ko na kung ano ang kahulugan ng salitang 'Please'. ANAK NG HIGANTENG PALAKA.

Pumasok na ako sa Bio Class ko. HMMM. First time kong pumasok ngayon dahil wala pa naman yung prof namin kahapon eh. ANG SAKIT NG ULO KO. Pag pasok ko---

"Bridgette!" Tumindig yung balahibo ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig.

SI RICO? CLASSMATES KAMI SA BIO? Oh no!

"Gette!" Lumingon ako kay Sam. "Lika dito!" Tinuro ni Sam yung upuan sa tabi nya.
"Yeah!" Pumunta ako dun at umupo.

Kaso. Okay na sana nung linapitan ako ni Rico. GRRR...

"Gette. Yung sinabi ko kagab-"
"Huh? Who are you? EXCUSE ME?" Sinabi ko yun dahil masyadong naweirduhan ang barkada ko.

Tumayo ako at tinulak sya.

"Umalis ka nga sa harapan ko! GROSS! you sh-" Tinalikuran nya ako.

HUHU. Gosh. I'm so mean.

"Wow Gette! Ang galing-galing mo talaga pagdating dyan! HAHA."
"Oo nga! Bagay lang yun sa mga nerd noh!" Sabi ni Sam. Nagtawanan ang barkada ko.

PATAY. AHHHH. Bahala na.


Pagkatapos ng BIO CLASS at lunch. Sina Sam, Anya at iba ko pang barkada ay may pasok. Ako naman, mamaya pa. Kaya sa mga oras na to, nagpupunta ako sa rooftop ng USM. Lam nyo na, para makapag muni-muni at makapagJOURAL ulit. Kaya lang, bago ako makapunta sa rooftop, may narinig akong parang ungol sa loob ng mens CR.

"Ano yun?"

Umuungol. Parang di makapagsalita o ano. Ano ba yun? Sumilip ako. Wala masyadong tao dahil wala masyadong pumupunta sa rooftop eh. Pinasok ko.

Sa first cubicle. NAKEW NAMAN OH! Natatakot ako. Feeling ko lalabas si Voldemort dyan. GRR.. I opened the door. ATTTT..

"IKAW NA NAMAN?" Naku Gette. Anong klaseng reaction yan huh?

Nakita ko na ngang may tape sa bunganga at naka tali ang paa at kamay sa likod eh ganyan pa ang sasabihin ko.

Agad kong tinanggal ang mga tali at tape. Ano ba yaaaan.

"Salamat." Ayan na naman ang malamyang boses nya.
"Sinong gumawa sayo neto?"

Yumuko sya. Sinapak ko na. May payuko-yuko pang nalalaman. Ang lampa-lampa kaya binubully. WOW. Para namang di ko sya binuBULLY! haha.

"Si Hiro."
"Ha? Ba't naman nya gagawin yan?"
"Ba't di mo sya tanungin? O tanungin mo na lang ang sarili mo!"

Sinapak ko ulit.

"Nukaba! Kala mo kung sino ka magsalita. Sige na! Ba't nya ginawa! >:( "
"Kasi, wag na daw kitang lapitan."

Sinapak ko ulit.

"E g@go pala sya eh!" Napaisip ako. Teka nga sandali. Wag akong lapitan ni Rico?! Pero tinawag kong g@go si Hiro? Ang ibig ko lang kasing sabihin eh, parang yun lang, gaganituhin nya na si Rico? NAMAN OH! GRRR...

Napansin kong umiiyak si Rico.

"Hoy! Kadiri ka! Wag ka ngang umiyak dyan! Ilang beses ko bang kelangan makita yang mukha mong kadiring umiiyak ha?"
"Hindi ko mapigilan!" Humikbi sya.
"TSSS. EW." Hahaha. Ano ba naman yaaaan? Naku. Mga ganitong klaseng lalake, kelangan ng psychiatrist. May ganitong lalaki pa pala sa siglong to? Nakakadiri naman oh. Sh!t.

"Wala namang magagawa ang pag-iyak mo eh! Mag bago ka na lang kaya?!"
"Hindi ko nga alam kung papanu?" Humihikbi parin sya.
"Ano? Madali lang yun!"
"Madali lang sayo dahil ganun ka na!!! Tsaka ba't mo ba ako kinakausap? Diba ikaw si BRIDGETTE REAH FRANCISCO. Sikat. SOSYAL. Ano pa ba?" :(

Linapitan ko sya.

"Gusto mong maging kagaya ko? Sikat? Sosyal? At kung anu-ano pa?"

Why don't I produce him?

DIBA? Pero, dapat walang makakaalam.

"Oo! Ilang libong beses ko ba kelangan sabihin yan?"
"HMMMM. Let me produce you!"
"TALAGA?" Nanlaki ang mga mata nya at hinawakan nya ang mga kamay ko.
"EWWW. Get your hands off me!"
"Kung makapandiri ka, para akong may SARS ah."
"Wag ka ngang umangal! Simula ngayon, I'll produce you. Gagawin kitang PRINCE. Pero, dapat walang makakaalam okay?"

Tumango naman sya... parang bata na nabigyan ng kendi. HMP.

PAPANU KO BA SISIMULAN? AHHHH! ALAM KO NA! :)



[STEP #5] Bridgette Reah Francisco: makabalik na ako sa dati


"UNA!!!!" Sabado ngayon. Wala kaming pasok. PATAY. Paninindigan ko na ang pagpoproduce sa NERD na to! Malay nyo, maging artista to at gawin pa akong manager. LOL. Sige na Gette! Ayusin mo na yung shades at hat mo para di ka makilala kung may kakilala ka man. GRR...
"--Gugupitan natin ang buhok mo! Yung maganda! Yung hindi parang lampaso. Yung COOL!" Tumango sya.

Napailing ako nung hinead-to-foot ko sya. GROSS. Anong klaseng pananamit ba yan?

"Sige. Pagkatapos natin sa parlor, bibili tayo ng magagandang damit! OKAY?"
"Okay!!"

Pumunta kami sa parlor.

"Ano ba ang gusto mong hairstyle?" Tanong ko.
"Hindi ko alam. Ikaw na ang bahala."

WOW. Para akong gumagawa ng tao neto. I customize mo lang sya. Maganda sana kung ako na rin ang huhubog ng ilong, lips, mata at lahat na talaga para perfect na! Parang dun sa blog - este journal ko. Pero, kelangan kong magtiis sa pagmumukha ng Enricong eto.

"Okay."

Oo nga pala. May glasses pa sya. Mamaya, bago kami mamimili ng damit, bibili kami ng contacts.

"Hoy!" Binatukan ko.
"Aray ano ba?"
"May pera ka ba dyan?"
"Oo naman!"

HAAAY. Buti na lang. Marami sigurong pera tong mokong na to no? Pero, di halata ah? Yun yun Gette! Kaya mo nga sya ipoproduce para halata nang may PERA sya at COOL. Well... let's just see.

Pinili ko ang haircut na alam kong babagay (sa kanya?) KAHIT KANINO! hehe. Tsaka, pinakulayan ko na rin ang buhok nya. Pagkatapos ng isang dalawang oras sa parlor. NATAPOS RIN.

"Sa wakas!!!" Humikab ako.
"Maganda ba?" Nag pose sya ng mga weird na pose.
"Tumigil ka nga! Ang sagwa mong tingnan!"
"Eto na man! Nagpapaimpress lang naman ako."
"HAHAHA. Cheh!!"

Hinila ko sya dun sa isang sikat na optical clinic. Gusto kong lumuwa sya ng dugo sa price ng contact lens na bibilhin namin. Kaso, hindi eh. BARYA-BARYA lang ata sa kanya ang halaga nun. Eh hindi ko nga ma bayaran yun sa dala kong pera ngayon. HMMMP. Tama ang hinala ko. Ang NERD na to, eh mayaman!

"Rico. Gutom na ako!" TESTING!? hehe
"Ako rin. Kain muna tayo?!"
"Di kaya ng pera ko eh?"
"Asus. Ikaw? Naku.."
"Naubos ko kagabi sa bar, nagpalibre kasi sina Sam." Nagpacute ako sa kanya.
"O sya. Tutal, ikaw naman ang producer ko. Tara!"

Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant. WOW. YAMAN. Akala ko sa jollibee nya ako ililibre o sa mcdo, o kung gusto nyong mahal ng konti sa chowking. Masyado ko talaga syang minamaliit.

Bago kami umupo, nasulyapan ko si Rico at nakita kong...may tinatago palang kagwapuhan ang NERD na to?

Umupo kami at agad binigyan ng menu nung isang waitress. Ngiti ng ngiti ang waitress sa aming dalawa. Actually, ako lang ang nakakapansin dahil panay ang tingin ni Rico sa menu. Bakit kaya? ABAH.

"Bakit?" Hindi yun masyadong mataray huh? WALA TAYO SA SKUL!
"Wala lang po miss. Bagay na bagay po kasi kayong dalawa ng boyfriend mo!"
"Ha??" Napalaki ang mata ko? "Boyfriend ba kamo?"
"Oo. Ay. Bakit miss? Di mo ba sya boyfriend?" Sabi nung waitress.
"Ah. hehehe..."
"Oo! Boyfriend nya ako!" Binigay ni Rico ang menu. Pati na rin ang order namin.

Nakatunganga lang ako dahil di ko alam kung mag wawala ba ako o magwawala na talaga. Umalis na yung waitress, kaya binatukan ko si Rico.

"Ano ba! Feeling ka ah?!"
"Joke lang naman yun! Hayaan mo na! Nagustuhan nya lang siguro yung tandem natin!"
"E sa ayoko ng tandem natin eh."
"Eh bakit? Gusto ko ba? Si Sandy lang naman ang gusto ko eh!"

Sa galit ko. Binatukan ko ulit sya. Syempre. Alam kong si Sandy ang gusto nya, pero para kasing lumalabas na gusto ko sya pero dinideny ko lang. AAAH. Ewan ko ba, dirty minded ba ako masyado?

"Alam ko! Sh1t! Umayos ka nga! Naiinip na tuloy akong matapos na ang pagpoproduce sayo!!!"
"Aray. Wag mo nga akong batukan. Panu ako magmumukhang cool kung binabatukan mo ako?"
"Eh sa skul ka lang naman pwedeng maging cool eh."
"Ibig sabihin ba nun, sa skul mo lang ako di babatukan?"
"ERRR... Syempre, di kita mababatukan dun dahil di naman ako lalapit sayo!"
"Oo nga pala noh?"
"Wag na wag mo yang kakalimutan huh?"
"Oo na." Tinitigan nya ako. Pero binalewala ko na lang kasi, baka nagandahan lang sakin.

"HOOOY! Ano? May dumi ba sa mukha ko?"
"Wala!"
"Eh ba't ka ganyan kung makatitig?"
"Ang ganda mo talaga!"
"A-anong...Oo! Alam ko!" Nakakailang. Sh1t.
"Yung si Bridgette Francisco na bad girl, asan na sya?"
"Huh?" Napailing ako.
"Kasi, ibang Bridgette ang kasama ko ngayon eh!"

Dumating na yung order namin...

"Enjoy your meal, ma'am, sir." Naka ngiti parin yung waitress. EXTRA. Naku... Umalis din.

"Hindi ka pala masama no?"
"EWAAAN ko sayo!" Wala akong masabi. Ayokong umangal kasi pagod na akong makipagtalo.

"Kelan ba tayo matatapos sa pagpoproduce?"
"Bakit? Umuurong ka na ba?" Tanong nya.
"Hindi! Nagtatanong lang naman ako ah, kung kelan tayo matatapos!"
"Siguroooo. Kung mapaibig ko na si Sandy?"
"AHHHH. Okay!!! Sana mapaibig mo na sya."
"Bakit?"
"Batukan kita ngayon! Ano pa ba? Edi syempre, gusto ko nang matapos na ang kalokohang to para makabalik na ako sa dati. TSSS..."

Uminom ako ng juice... Tumitig na naman sya. OH. Bakit ang gwapo nya ngayon? Nanliliit tuloy ako sa sarili ko, feeling ko, ang pangit ko. HUHUHU. Hindi na lang ako nagpahalata. Masisira lang yung image kong badgirl sa kanya. HMP.

Basta. HMMM. alam ko na ang iniisip nyo?! Iibig ako sa NERD na to? Hindi. Hindi ako iibig sa kanya. Sa totoo lang, ayoko talaga sa mga lalaking tulad nya. Mga lampa, NERD, walang dating, hindi cool, at yung lahat sya. Kaso, ipoproduce ko sya - ibig sabihin nun, gagawin ko syang lalakeng gusto ko. Pero, ganun pa man. I BET, HINDI AKO IIBIG SA KANYA. >:D



[STEP #6] Bridgette Reah Francisco: Ba't kayo nakapasok?


"Eto..Eto..Etoo..Eto paaa.." Sabi ko habang kinukuha ang iba't ibang damit na nakikita kong maganda. Tanggap lang sya ng tanggap.

TSSSK. Palibhasa maraming pera. Kaya eto. Andami din nyang dala. Ngayon ko lang din napansin na bagay pala sa kanya lahat ng pinapasuot ko. Bakit kaya? Narealize ko rin na HOT pala sya. Para syang nag ji-gym sa katawan nyang yan.

HMM. Napapaisip tuloy ako - YUN NGA! Kailangan nyang mag gym! Di porket maganda na ang katawan nya, eh, di na sya magji-gym.

"HOY! Rico!"
"Bakit?"
"May alam kang gym?"
"Oo! Bakit?"
"Mag gym ka na lang kaya para gumanda naman yung katawan mo noh!" HEHE. Yun yun eh. Ba't ko sasabihin sa kanyang nagandahan ako sa katawan nya? Anong kala nya sakin? BLEH!

"Huh? Yoko nga!"
"Bakit ba? Lalampa lampa kasi...ba't ayaw mong mag gym?"
"BASTAA!"

Habang naglalakad kami sa loob ng mall. Nakita ko si Sandy kasama ang barkada nyang NERDS din.

"Rico. Si Sandy o! Lapitan mo dali.. Aalis ako." Syempre. Lumayo ako. Sino ba naman ang mag-aakalang si Bridgette eh nakikipag-usap kay Enrico? Kahit na naka Shades and Hat ako, ayoko atang mabuking noh!

Nagtago ako sa likod ng costumers service. Pinanood ko si Rico.

GO RICO! AJA! Kaya mo syang harapin! Ngayong gwapo ka na!! PWEDE NA! SIGEEEE. Sabihin mo sa kanya! Ipamukha mo sa kanya... EHEM. Gette! Masyado ka na yatang nagiging OA sa mga iniisip mo. GRRR... TRUE COLORS ba yan Gette?

"Uhhh," Ayan na!

Himunto sina Sandy sa harap ni Rico.

"Rico? Ikaw ba yan?"

OO! Sya yan gurl! The guy you dumped! HMP.

"Uh... Sandy... kasi..." OH. TORPE talaga. Palibhasa NERD.

AYYY naku.

"Rico? Anong nangyari sayo? Sige! Kita na lang tayo skul ah? Nagmamaldali kasi kami." Umalis na sila.

ARGH. Kasi naman Rico eh. Lumapit ako at binatukan sya.

"Ano ka ba! G@go! Ba't di mo sinabi?"
"Andyan kasi yung mga kaibigan nya eh."
"NAKUUU! Ang sabihin mo, torpe kang talaga. kainis ka naman!"
"Gette!" Yinakap nya ako.

"HEY! Get-off...napaka--"
"Ayaw nya ata sa new look ko eh!"
"Ano ka bahhh! Teka nga! Ba't mo ba ako yinayakap. Kasi naman ikaw... masyado ka kasing LAMPA at TORPE at...ano pa ba? Umayos ka nga! Para kang bading eh."

Kinalas nya ang pagkakayakap nya sakin.

"Ano bang kelangan kong gawin para maging astig ako?"

GETTE! Akala ko pag change ng look, yun na yun...pero, hindi pa pala. Hindi parin sya cool. Bakit ba kasi? Masyado kasi syang malambot eh. HMPF! Mag gym na lang kasi eh. GRRR!

Ano nga ba ang kelangan ng isang nerd para mag mukhang cool? HAAAAAY. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

"UNAAAAAAAAAAA~!"

*TOK-TOK-TOK*

"Makinig ka!" hinampas ko ang blackboard ng ruler na hawak-hawak ko.

Andito kami sa bahay namin. Andito sin si Mama at Papa. Mga usisero talaga... Andito na nga kami sa loob ng kwarto, sumisilip pa sila. Palibhasa mga weird.

"Pag naglalakad ka, wag na wag kang yuyuko!!!"
"YES MA'AM! Uhhh.. ba't di ako yuyuko?"
"Kasi, magmumukha kang hindi-cool."

Di na napigilan, pumasok na si mama at papa.

"Eto na ang merienda!" Sabi ni Mama.
"Salamat poo..."
"Hijo, saan ka ba nakatira? Alam mo bang ikaw ang unang lalaking pinakilala ni Gette samin? Ano, kayo na ba?"
"Uhhh..sa..."
"PAAAAAAAA! Ano ka ba naman! Dahan-dahan ka nga sa pagsasalita mo pwede? GRRR..."
"Bakit ba? Totoo naman ah!" Sabi ni Papa.
"Uh...hijo. Ang ganda ng soot mo ah! Saan-"
"Ma!!! Isa ka pa!"
"Bakit nga pala may blackboard at ruler?"

Inexplain ko sa kanila ang mga ginagawa namin para hindi na sila magtataka. GRRR. Mind you, I have the weirdest mom and dad in the universe.

"AAAAAAAH" Sabay pa sila.
"Oo! Kaya pwede ba? ma, pa, hayaan nyo muna kami. Wala kaming relasyon, okay???"
"WOW! Ang ganda nun daddy ano? Ang Gette natin, parang gagawa ng tao. Sya yung magsasabi kung ano ang susuotin at kung anu-ano pa. WAHAHAHA."

Nagtatawanan si mama at papa habang papalabas ng kwarto. I locked the door. Langya. Kung may paligsahan lang ng mga weird na magulang, di ako mag-aalinlangang isali sila. HMP!

"Gette. Ibang tao ka pala pag andito ka sa bahay nyo?!" Tumayo si Rico at pinuntahan ako malapit sa door.

Kaso, LAMPA eh. Pati yung mat na nasa sahig, ewan ko kung panu sya maglakad basta bigla na lang syang na dulas at sumandal sakin. Syempre, sino ba naman ako para sasandalan eh kita nyo ngang ibang klase yung katawan nya at BABAE naman ako kaya tumilapon kaming dalawa. Nasa taas ko sya.

WAAAAAAAH. I wanna say something. OKAY. Hindi pa kami gumagalaw at nakatitig sya sakin. Di ko sya masapak kasi paralisado ang buong katawan ko...

"GEEEEEEEEEETTE?!?! Baby...? ---OHHHH!" Argh. Pumasok si Mama at Papa at natagpuan nila kami ni Ricong ganito ang itsura.

"Ma? Pa? Ba't kayo nakapasok?"

Nakanganga parin sila habang pinakita ni papa ang keys.

ARGHH!. Lanya.

"O sige... naiistorbo ata namin kayo! BABAYYYY!" Umalis sila, saka kami tumayo ni Rico.

WAAAAAAAH!



[STEP #7] Bridgette Reah Francisco: Di ko kasi sya mahal.


*cough-cough-cough*

Tumayo kaming dalawa at umayos. Langya, buti na lang weirdo ang mga magulang ko. Kung hindi, tyak... grr..

"Ano ka ba! Wag ka ngang lalampalampa!" Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Pasensya na!"
"HEH! Lika na! Ipagpatuloy na natin!"

Kinuha ko ulit yung ruler at...

*TOK-TOK-TOK*

"Eyes on the board!" Tumingin naman sya sa blackboard at umupo sa harap ko.

SAYANG SYA. WAAAH. Ke gwapo-gwapo pero, ganyan ka lampa? Anyway, kaya nga ako andito diba? TSSK. Oo na! Gagawin ko na kasi ang lahat para sumikat at magbago ang imahe ng NERD na to.

"PANGALAWA!" Aray naku. Ang sarap kong batukan. Minsan kasi masyado ko ng inaabuso ang pagiging sunudsunuran nitong NERD na to kaya grabe ako makatingin. "Wag kang magdala ng malaking bag sa skul!!!"

"Ha? Panu ang books?"
"Eh mag locker ka! Ano ba naman to!"
"Pangatlo! Wag na wag kang lilingon sa mga babae!"
"Ano-"
"KAHIT KAY SANDY!"
"HA? Bakit?" Umiling sya.
"Ano ka bah!-"
"Bakit pati si Sandy?" Umangal pa talaga.
"Babae ka ba? Alam ko kung ano ang gusto ng mga babae no, kaya wag ka ng umangal dyan!"
"Pero iba si Sandy..."

Aray naku... iniinsulto ata ako ng NERD na to ah!

"Hoy NERD! Anong iba? Oo, yung mga babae, minsan, gusto nila yung mga pumapansin sa kanila. Pero, dahil alam nya na na mahal mo sya, edi wag mo nang pansinin. Para maguluhan!"

Aray..hindi ko na gets ang sinabi ko. HIGHBLOOD na ata ako eh... Rico...ba B.P. naman oh! NURSING KA DIBA?

"Ano? Hindi ko maintindihan!"
"Ano?? Anong ano? Gusto mo bang magbago ang image mo o magpasagasa sa tren? Huh? Kung gusto mong magbago, pilitin mong sundin ang utos ko."
"Pero, sana naman makatarungan!"
"EWAN ko sayo!..."

Katahimikan.

Kung gusto nyang iproduce ko sya, dapat sundin nya ako. GRRR...

"O sige. Ganito. for TWO WEEKS. Wag mo syang pansinin at ang iba pang babae kapag di ka tinatawag! OKAY?"
"Huh?"
"Pag...umubra, ipagpatuloy mo! PERO pag di ka parin pinansin ng Sandyng NERD na yun, edi, wag mo nang ipagpatuloy! okay?"

Tumango sya. Alam kong napilitan lang sya. So? Ganun nya ba talaga ka mahal ang Sandyng yun. Sa bagay, baka marami silang pagkakatulad. Gaya ng pagka NERD nilang dalawa. Okay.. haha

"PANG-APAT!!!! Ayusin ang postura at paglalakad."
"AHHH.."
"Now... tumayo ka, at maglakad!!!"

Pinalakad ko sya...pabalik-balik... HAAAY. Okay naman yung postura at paglalakad nya. Kulang nga lang sa dating at mejo yumuyuko parin sya! ARGH.

"Okay! Pwede na! UHM. Sa Lunes!!!! Pumorma ka ng maayos. Sundin mo yung mga pinagsasabi ko, okay??!"
"YES MA'AM."

Okay... dito nagtatapos ang lessons natin for today. Nakakapagod. HMPF. Pero, ba't ko nga pala to ginagawa? Anak ng santong kabayo. Ba't nga ba???

According to one of the Steps/Post...its because I feel like he is my responsibility! NGEK. Di sapat na rason. Pero, siguro...siguro...dahil pareho kami... SEEKING FOR CHANGE. :'(

"Gette! Bakit mo nga pala ako tinutulungan?"
"Huh?!? Hinihingi mo diba?"

Sabi ko while typing something on my laptop. Nasa likod ko sya.

"UHHH... Feeling ko kasi responsibilidad kita!"
"Huh? Bakit?"

Anak ng...ba't ko sinabi yun? Concentrate. I closed the laptop and...

"Uh.. wag ka na kasing matanong pwede?!"
"HAAAY. Sana mainlab na si Sandy sakin..."

Napabuntong hininga sya.

"Pero...talaga bang di mo na ako papansinin kapag tapos na ito?"

Ano bang sinasabi nitong NERD na to?

"Huh? Maybe."
"Ba't naman? di ba pwedeng, ano...friends parin tayo?"
"Huh? Ba't naman?"
"Kasi... ikaw lang ata ang tumanggap sakin as friend eh."
"Huh?"
"I mean...sa skul."

Sumandal sya sa likuran ko. Nasa sofa kami sa room ko.

"O...sige...papansinin parin kita. :) " Napangiti ako. Ang NERD na to. Kahit kelan, napakaemosyonal..parang ewan.
"Talaga?"
"Hoy..wag ka ngang O.A! Oo na sabi!"
"YES... Kala ko, di mo na ako papansinin."
"Kala mo naman, magiging kayo ni Sandy? HAHAHA >:D Feeling!" Tumawa ako.

Katahimikan.

"Seryoso ka talaga sa kanya ano?" Tanong ko.

"Bakit? Papano ba maging di-seryoso sa mga ganitong bagay?!"

OO nga naman gette! Tinatanong ka nyan dahil kilalang playgirl ka...



AT...

Nasabi ko na ba na naghahanap ako ng lalaking, magmamahal ng totoo?!?

"Kamusta na kayo ni Hiro?"
"Ha? Wala..hindi na kami."
"Ba't naman?"
"Di ko kasi sya mahal."


Tumahimik ulit.

Yeah. Si Hiro. Nagmamahal ng totoo? MAYBE.

Pero, nakalimutan nyo atang...

Love should exist on my heart too...

Hindi naman kasi pwedeng maghahanap ako ng lalaking magmamahal sakin, at yun na. Kahit anong pilit ko, di ko parin alam kung bakit hanggang ngayon, di ko parin nahahanap ang gusto ko. >.<

Naisip ko tuloy...napaka misteryoso ni Rico.





[STEP #8] Bridgette Reah Francisco: Magkita tayo mamaya....


Lunes ng umaga. Nung tumungtong ako sa skul, agad akong liapitan ni Sam at Anya!

“Gette! Nakita mo yung bagong student? Ang gwapo nyaaaa!!!” sigaw ni Anya.
“Anya! He is not a new student noh! But I've never seen him before!!!”

Kay aga-aga, ang ingay-ingay ng dalawang to. Hindi ko na pinansin dahil baka mamaya utusan nila akong paibigin ang sinsasabi nilang gwapo! Baka gawin pa nilang challenge sakin yun tulad ng ginawa nila samin ni Hiro! GRRR...

Habang nglalakad kami sa corridor, nakita ko si Hirong papalapit samin! Okay! Gette! Be calm! You can handle him!

Yeah! I can handle him! Yun nga. Lahat na lng ng lalakeng kilala ko, kaya kong i-handle. Hindi nila ako kayang gawing alipin! Kaya, they're all boring! Lagi silang under sakin. Hindi sila kumukontra dahil mahal daw nila ako. WAHAHA.. >:D well. Wala na naman akong magagaw-

“Ayun na yung gwapoooo!!!” Narinig ko na lang ang mga bulung-bulungan sa paligid ko.

Huh? Sinong gwapo? Si Hiro bah, papalapit na kasi sya eh.

Kaya lang, nung napatingin ako ulit, nasa gilid llang sina Hiro. At may papalapit samin...

O.O

Si RICO???

“Ri-” ay Oo nga pala! Nakalimutan ko, di ko sya pwedeng tawagin dahil mapagtatawanan ako neto! GRRR...
“Gette? May sinasabi ka?”
“wa-wala...”
“Ahhhh... OMG, ang gwapo nya talaga!!!!”

Natulala ako nung narealize ko na ang gwapo nya talaga ngayon dahil hindi sya nakilala ng mga tao!! Tagumpay! Minus the ka-lampahan! Tagumpay akooooo!!!

Tagumpay na sana! Nung nakita kong lumapit si Hiro sa kanya... >.< oh no!

Hinarang nya ang kanyang paa sa dinaanan ni Rico.

SYEMPRE, nadapa ang NERD at...

“Eto bang sinasabi nyong gwapo??? HAHAHA >:D Si Enrico Gonzales yan! Ang dakilang NERD ng ating eskwelahan!! HAHAHAH...!” Nagtawanan ang mga kasama ni Hiro.

Tahimik lang ang iba... ang iba naman...

“Buti nga sa kanya!”
“Napaka-ambisyoso ng Rico na yan! Akala nya mapapantayan nya si Hiro!! GRRR...”

Gusto kong tulungan sya, kaya lang...ayaw gumalaw ng mga lintik kong paa. HEH. Gette! Gagita ka talaga! Ba't mo sya tutulungan? Di pwede noh! HMMM...

HINDING HINDI.

Lumingon ako sa kanya ulit, kaya lang, nakita ko si Hirong pinagtatawanan parin siya...

“Hi-”
“Hiro... tama na! Kawawa naman si Rico eh!!!”

Tinakpan ko ang bibig ko. Ba't pa kasi ako nag isip na tulungan ang NERD na yun ngayon eh. Buti na lang may sumingit. SALAMAT...uhh...

“Bakit Sandy? Naiinlab ka na ba sa Ricong yan?”

Si Sandy pala ang pumigil! Bakit? Gusto nya na ba si Rico? Nakita nya na ba ang kagwapuhang tinatago ni Rico? Nakita nya na ba ang katawang makatulo-laway ni Rico? HAHA... Nukaba Gette!

“Hi-hindi!!!” Natatakot pala pati si Sandy kay Hiro. Ako lang ata ang di nya natatakot eh!!! GRRR...
“Ganun bahhh? Magsama kayo, mga nerdddd!!! HAHAHAHAHA >:D “ Pinagtatawanan na naman nila sina Sandy.

Ganun naman lagi eh... Pati nga sina Sam...

“si Rico pala yun? Kaya pala lampa...hahahahah..”

Kainis talaga.

“Hiro!” Mahinahon ko syang tinawag. Dahil ayokong magmukhang masyadong highblood.

“Gette?? ipagtatanggol mo ang mga nerd na yan??” Narinig kong nagbulungan si Sam at Anya.
“Huh? Di ah! Tumigil nga kayo dyan!!!”

Tumingin si Hiro sakin, kasabay ng pagtingin ng lahat ng tao na nakakita at nakarinig sa mga nangyari.

It's awkward... but, I feel like it's normal for my image to get everyones attention.

“Gette?” Rico. Langya! Tinawag nya ako??? sana walang nakarinig.

“Anong sabi mo?”

Sinipa ni Hiro si Rico. Nadapa ulit sya at namilipit sa sakit. WAAAH. Grabe na to!!!

“Wag mo ngang tawagin ng ganyan ang girlfriend ko! Close ba kayo?”

Girlfriend? Okay Gette. Di pwedeng i-trigger mo ang galit ng halimaw na yan sa pagsabing.... “Di mo na ako girlfriend, Hiro.”

Ay ang galing!!!!! Gette...sabing di pwede!!!

Nakita kong napatakip-bibig ang lahat ng tao... WAAAH. pinakabig-deal na ba ang break-up namin ni Hiro? HAY.

Nakita kong nanggagalaiti sa galit ang hinayupak na si Hiro. >.<

Pagkatayo ni Rico, nakita kong umaamba ng suntok si Hiro sa kanya.
“HIRO! Tama na yan! Ano ba ang gusto mo??! ha?!”

Isang tanong na di ko na dapat tinanong....

“IKAW!”

AAAAAAAAAH.

Nakita kong tumutol si Rico sa sinabi nya... nakita kong umiling sya.

“Huh?”
“Ano Gette? Di mo kaya? Bubugbugin ko ang Ricong to.”

WAG. Este...anong care ko dapat!

“Bugbugin mo! Wala akong pake...sino ba sya? HUH?”

Gaalit na galitt na talaga si Hiro ah. Di na ako makatingin sa mata nya. Naghahalong galit, inis at sakit ang nakikita ko sa kanya.

Sinuntok nya si Rico. Isang suntok lang pero nadapa agad sya...

DI BA SYA MARUNONG LUMABAN? HA? ARGH.

“Hiro! Magkita tayo mamaya....”

WAAAH. Nagwalk-out ako. Kahit di ko na kayang makipagbalikn kay Hiro o ano, kelangan ko paring sabihin yun para tumigil lang sya sa pambubugbog sa taong pinaghirapan ko para mabuo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



[STEP #9] Bridgette Reah Francisco: Sabihin mo agad!!


"Gette! Are you going to make it up with me?"

Anong klaseng tanong yan? GRRR...

"huh?"
"Gette! Mahal kita. Ikaw ang unang babaeng minahal ko ng ganito. Ano bang naging kasalanan ko? May ibang boyfriend ka ba?"

AHAAAAAAAAAA. OO nga pala! Wala akong ibang boyfriend ngayon. Isang milagro! Ba't nga ba?

"Hiro. Nakakasuka ang pag-uugali mo!" Ba't yun ang sinabi ko?
"Lagi naman akong ganito ah? Sabi mo pa nga noon gusto mo ang mga tulad ko, diba?"

Yinakap nya ako pero tinulak ko sya. Nadapa sya sa lakas ng pagkakatulak ko.

"Bakit ba? Huh??? Makikipagbalikan parin ako sayo! Kahit anong mangyari!!! Liligawan ulit kita!!!"

Anong klaseng lalaki sya? GRRR...

"Bahala ka sa buhay mo! Gawin mo na ang gusto mong gawin!"

Bahala na nga. Para in case na mambu-bully na naman sya kay Rico, may ibablackmail ako. >:D

"Payag na ako."
"Tayo na ulit?" Lumaki ang mata nya.
"Hindi!!! Bibigyan kita ng pagkakataon!!"

Nagwalk-out ako. Ano sya? HMPF.

Ngayon, nakakaramdam ako ng takot. NATATAKOT AKO SA KARMA. Baka makarma ako one of these days!!! ARGH...

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. May Rico pa akong inaatupag. Natapos na ang lahat ng klase ko para ngayong araw. Narealize ko na talagang napakaboring ng life ko. Masyadong redundant ang mga ginagawa ko. Ngayon, andito ako sa 1720. Gabing gabi na pero andito ako, nakikinig sa mga BLABLA ni Hiro. As if naman I care about him. Para lang naman talaga to kay Rico eh.

"Uhmm. Hiro, uuwi na ako huh? Ang sakit ng ulo ko eh." Kahit di naman talaga.
"Huh? Ihahatid na kita!!!!"
"Ano? Di pwede! Lam mo naman diba? Strict si Mama at Papa!!"

Sige Gette! Ang galing mong magsinungaling!

"Huh? Eh... ihahatid na kita, kahit hanggang gate lang!!!"
"Huh? Wag na sabi Hiro!"

Dapat kasi di na lang ako pumayag sa panliligaw nya ulit sakin. GRRR... Yan tuloy, ang kulit.

"Pero, baka-"
"Kaya ko na ang sarili ko. Okay!!!"

Napatunganga sya hanggang sa...

"Hirooo! Pare, lika muna dito!!!" Napalingon sya sa kanyang barkada. >.< May pinagtitripan ata. HMP.

Nagtawanan sila.

"Gette! Ano kaya yun?" Tanong ni Sam.
"Ewan ko... Uhh.. Hiro, sige! Aalis na ako."

Kuymaway na lang ako kina Sam at Anya habang nakita kong pumunta si Hiro sa kanyang barkada.

Naglakad na ako papalabas. At eto na naman ako, naglalakad pauwi sa bahay. Nakita ko si Rico nakaupo sa inuupuan nya nung nakita ko sila ni Sandy.

SI RICO? Ba't sya andito sa ganitong oras ng gabi? Wala na si Sandy dun ah?! Kanina pa natapos ang pagkanta nya!!!

"PSSST. Rico!" Tinawag ko sya habang lumingon-lingon para tingnan kung may nakakita ba sakin o ano.
"GETTE!!" Naku! Ang lakas ng pagkakasigaw ng walang hiyang NERD na to.

"Wag ka ngang sumigaw!!!! Pinipilit ko ngang hinaan ang boses ko tapos, ikaw... TSSS. Ba't andito ka? Di ba nag-aalala ang mga magulang mo? Huh?"
"Hinihintay kita!"

Anak ng tokneneng. Ano daw?

"Huh? Kala ko si S-Sandy ang hi-hinihintay mo?"
"Oo. Nagkita din kami kanina, kaya naisipan kong hintayin ka na rin dahil di naman kasi sya pumayag na ihatid ko."

ABA'T TALAGA NAMANG...hmmm.. so?

"Ba't mo naman ako hinihintay??"
"Gusto kong malaman mo na..."

"Na???!"

"NAAAAAAA..."


Ngiti nyay abot tenga habang papalapit sakin at yayakap ata. >.<

"Sh1t. Can you stop that!!!!!!!" Yung yakap, I mean.
"Hindi ko mapigilan eh! Masaya kasi talaga ako!!!"

So? Ganyan ba talaga sya? Yumayakap kapag masaya?

"Eh..kaya naman pala ang lambot lambot mo eh! Napaka bading ng mga kilos mo!!"
"Di ako bading ah!!"
"Oo na! Ano nga ulit yung sinasabi mo?"
"NA..."
"Na???? Sh1t naman oh! Sabihin mo agad!!"

Yinakap nya parin ako kahit I'm pushing him away. Ba't di ko magawang itulak sya ng malakas? Malakas ba talaga sya? O sadyang nanghihina ako? AHHH. Ehem.. Umayos ka GETTE!

"Pumayag si Sandyng ligawan ko syaaaaaaaaaaaaaaa."

EHEM. Mabuti naman. period. Tagumpay ba? Punctuation mark. Period.


[STEP #10] Bridgette Reah Francisco: Tumigil ka nga!



"Tao pooo? Gette??" Si Rico na yun!!!

Si mama ang nagbukas ng pintuan!! Agad naman akong bumaba para salubungin sya. Sabado ngayon at may usapan kaming magkita! HAAAY.

"Oh! Rico, lika, pasok ka! Manliligaw ka na ba?"
"Huh? H-Hindi po!" Sabay ngiti.

Si Mama talaga! Para akong nabagsakan ng balde sa ulo nyan!

"Ma! Nukaba! Ilang beses ko bang kelangang--"
"HEEEEEEEEEP! Di ako nakikinig. Di ako nakikiniggggg!!!" Sabay takip sa tenga nya at may weirdong sayaw pang ginagawa habang binibigyan siya ni papa ng bulak at magkasabay nilang tinakpan ang kanilang mga tenga sa pamamagitan ng mga bulak na yun!!! WAAAH. >.< :D

"Ma! Pa! Ano ba kayo!!" Tumawa na lang si Rico.
"Di kami nakikinig...lalalala..."

GRRR... Patuloy silang ganun hanggang pumasok na sila sa kitchen.

Napabungtong hininga tuloy ako.

"HAHAHA. Grabe talaga ang mama at papa mo Gette!" Sabi ni Rico.
"Naku naman! Hayaan mo na ang mga isip batang yun! Umakyat na tayo!" Habang tinuro ko ang hagdanan.

Naman oh! Si mama at papa suuupeeeer UNCOOL! Kaya nga ayokong silang ipakilala kina Sam, Anya, Hiro at iba pa...kasi di nila maiisip kung anong parents meron ako. Di naman sa kinakahiya ko sila noh! HMM. Pero, okay na din yun, lagi naman kasi kaming palipat-lipat ng bahay dahil sa kanilang trabaho. DI NAMAN SILA DRUG LORD NO! Baka akalain nyong kaya sila ganyan dahil adeeek sila. HMMM.

Umupo si Rico sa sofa sa kwarto ko at pinaglaruan ang isang napakalaking stuff-toy na binigay sakin nung isang ex ko na taga USM din. :D Inayos ko ang bintana para makalanghap kami ng sariwang hangin.

"Ge-" Lumingon ako kay Rico nung...

*KRRIIIIIIIIINGGGG!*

Agad kong sinagot ang cellphone ko.

"Shhh!" Sabi ko kay Rico.

"Hello Gette? San ka ngayon?"
"Huh? Ehhh..."
"Mall tayo! Palabas na ang Shutter! Nood tayo ng sine!" Sabi ni Anya.
"Huh?"

Nakita kong pinaglaruan ni Rico ang bagong biling original na Louis Vuitton na bag ko.

"Ibaba mo yan!!" Bulong ko.

Nataranta si Rico at binaba nya agad. NAKUU! >:(

"Gette? anong ibaba?" Tanong ni Anya.
"Ahh.. wala. Nagdidiliryo lang ako. :P "
"Ahh..By the way, may napapansin kami ni Sam sayo! Ba't di ka masyadong sumasama samin?"
"Ha? Hindi, kasi..ang sakit-sakit talaga ng ulo ko this past few days eh..kaya yun!!"
"AHH. Okay.. Basta! Bumawi ka next time huh!?"
"Oo! PROMISE!"
"Okay! Bye."

Binaba ko na ang cellphone ko at agad kinuha yung bag ko.

"Wag mo ngang hawakan to! Bagong bili yan no!"
"Hayy.. ang arte mo naman! TSSS." Pinaglaruan nya yung stuff-toy.
"A-arte naman talaga ako eh!" Sabi ko.

WAH. Feeling ko may mga firefly na umaaligid sa mukha nya. Kumikislap-kislap kasi eh. Habang nakasandal sya sa stuff-toy kong kasing cute nya. Ba't ganito? Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko!!! Di maari to. Di pwedeng inlab-

"Di tulad ni Sandy, ang simple lang nya. :) "

TREEEEEEEEEEEEEEEEEEOOOOOOOOOOOOOOOOOT....

"Huh? Wag mo nga akong ikumpara dun! She is nothing but a NERD!" ::)
"Hoy! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!"


Katahimikan.

Bakit ba? OKAY. Gette! BRIDGETTE! Huminahon ka! Tumataas na naman ang blood pressure mo! NURSE???! ---Ay Oo nga pala! Nursing student pala tong mokong na to!

"Kelangan ko ng nurse para kunan ako ng bloodpressure!" Bulong ko.
"Nu ka mo?"
"WALAAA." ::)

"Uhh.. kamusta nga pala ang date nyo ni Sandy?"
"Huh? Next week pa ang date namin!"
"ANO? Kala ko tapos na?"
"Busy kasi sya eh." :(
"Sayang naman. :) Kala ko kayo na." LOL. Sige Gette, gawin mong playground ang tenga nyang NERD na yan.
"Di no! How I wishhh..."

NAKU. anak ng tokneneng. Ang lalaking to talaga. Napaka....ewan.

"Kaya nga ako andito para magpatulong sayooo!!!" Sabi nya.

Oo. Patulong? Ano pa bang magagawa ko? Responsibilidad ko ang NERD na to. Sa ayaw't sa gusto ko, pumapasok at pumapasok pain sya sa buhay ko. Dapat sana puso gimik at party lang inaatupag ko. Ba't ngayon, parang may obligasyon akong buuin ang isang puzzle na kulang? HAAAY. Hirap naman nito.

*TOK-TOK-TOK...*

Ayan na naman ang ruler at blackboard ko.

"Tapos na tayo sa step one! Pero, i-review natin! Step one, change the way you look and dress!"

Tumango sya.

"STEP TWO! Learn to act cool!"

*TOK-TOK-TOK..."

"Etong step two ay isang proseso. Pero, since naloko mo yung mga schoolmates natin nung Monday! OKAY na!"

Tumango lang sya.

"STEP THREE!! Be fit!!! and YUMMY! Mag gym ka!!!"

Napataas ang kilay nya. >:(

"Yeaah yeaaah!"

Walang anagalan to! Ako ang producer, ako ang masusunod! HAHAHAHA. Kaya, nagpunta kami sa alam nyang gym... On the way...

"Gette!"
"HM?"
"Ba't mo ba talaga ako tinutulungan?"
"Ha? W-wag mo nga akong tanungin nyan!"

Kainis! Kelan ba sya titigil sa katatanong nyan?

"Wala lang.. I find it weird."
"Huh? Ikaw ang weird! NERD! HAHA >:D "

Tumingin ako sa mukha nya at nakita kong seryoso sya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko...

"UHH.. Kasi, I think, we have few similarities. :) "

Ngumiti sya... JUSKOOO! This can't be! I'm in love with him?

"Tumigil ka nga!"

Patay, ito na ang kinakatakutan ko!

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText