<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

M-arcs



M-arcs




M1.Territorial



"Kawawa naman si Ara." Sabi ni Jason.

Papunta kami sa sasakyan nina Emily. Tatlong araw ng absent si Ara simula nung away nila ni Chloe dun sa court.

Kahapon, laro namin, grabe, tinambakan ang kalaban! Ganadong-ganado si Chloe sa laro!

Hanggang ngayon naman ay di ko parin maialis sa isip ko ang mga nangyari. Coach Paul? Ara?

"Gusto mong sumama kay Maxine, Jason?" Tanong ni Emily sa tonong di ko mawari.
"Hindi naman. Hindi naman ako welcome dun, pero talagang naawa lang ako sa kanya."

Suminghap si Emily at ngumiti nang tumingin sa akin.

"Okay lang naman siguro, kailangan niya ng karamay." Sabi ni Emily.
"H-Hindi na no." Sagot ni Jason.

Pinapapunta kasi ako ni Ara sa bahay nila. Hindi ko naman alam kung paano ako pupunta dun kaya nagpresenta si Emily na ihatid ako.

"Maxine!" Biglang sumulpot si Brent nang papalapit na kami sa sasakyan nila Emily.
"B-Brent?"
"Let's go!"
"Let's go?"

Nagkatinginan kaming tatlo ni Emily at Jason.

"Pinapapunta ka ni Ara sa bahay diba? Ihahatid kita."

Oh! Hindi ko alam na may ganung usapan pala?

"O... Sige, sure!" Sabi ni Emily ng nakangiti.

Napawi ulit ang ngiti niya nang tumingin siya kay Jason at...

"Jason, baka gusto mong sumama, okay lang! Sige na!"
"Uh, hindi na. Salamat."

Tumaas ang kilay ni Brent sa narinig.

"Hindi na..." Sabi ulit ni Jason.

"Aryt! So, we'll leave you here? Uh, tayo na, Max!"
"Thanks, Emily, Jason! Alis na ako ah?"
"Sige, bye! ingat Max!"

Nang nakalayo na kami...

"That was awkward. What's wrong with your friends?"
"Ewan ko..." Nagkibit balikat na lang ako pero ako rin ay nagtataka.

Oh well.

"Kumusta si Ara?"
"Okay lang naman siya. Bored at home. Binibisita din naman siya nina Lia, Ashley at Tasha minsan. Lumabas nga sila last Friday, nag bar hop."
"Ohh. Buti naman. So, ano? Nandun sa bahay niyo sina Lia ngayon?"
"Uh, wala naman."

Naisipan ko naman yung pangyayari bago kami nag training camp.

"Bakit?"
"Wala naman... Paano naman yung case niya dito sa school? Anong gagawin niya? Pano si Coach Paul? Meexpell ba sila?"

Papalapit na kami sa sasakyan niya pero di ko alam bakit stuck-up masyado yung mata niya sa iba. Sa dami ng tanong ko, wala siyang sinagutan kahit isa. Na-curious tuloy ako sa tinitingnan niya.

YUN PALA! Nandun sa unahan si Catherine San Juan kasama ang short-shorts, tube top, wedges, at red lipstick.

Nainis naman ako dun! Marami akong tanong pero binalewala ako. Inunahan ko n ang mokong sa paglalakad papunta sa sasakyan niya.

Oh well, manyak at playboy, what do you expect?

"Teka!"

Binalewala ko na. Ang layo kaya ni Kitchie, tapos parang telescopyo ang mata niya nakatingin at nakita agad.

Dumaan tuloy sa isipan ko ang soot ko ngayon na torn jeans at plain white T-shirt at owl na necklace. Nothing so special.

"Ang bilis mo namang maglakad! Hanep yung Kitchie San Juan ah. Halos ma bali ang ulo nina Raphael at Seb dun sa malayo. Haha!" Sabi niya habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan niya.

"Pansin ko nga eh. Ikaw nga diyan halos lumabas na yung mga mata mo." Inirapan ko siya habang pumapasok sa sasakyan.

He gave me a weird look. Half-smiling. Half-shocked.

Hindi na talaga ako tumingin sa mukha niya at kinuha nalang ang phone at nicheck ang messages.

Umikot siya at umupo na sa driver's seat. Nakatingin sakin, di pa pinapaandar ang sasakyan.

"I think, they're gonna be expelled. Pero hindi ko alam kung may magagawa ba ang parents ko sa sitwasyon nila. But I'm sure Paul's parents will do something about it. Mahirap kasi kung papakealaman pa ng parents ko yan, baka kasi sasabihin na ginagamit ang impluwensya nila. I don't know, the case is still pending."

"Uh-huh! At narinig mo pala ang mga tanong ko. Okay."

Saka niya pinaandar ang sasakyan. Humarurot pa ang mokong.

"Bakit ko naman di maririnig?"

Sumulyap ako sa kanya. Nakangisi siya.

"Syempre, hanep naman talaga si Kitchie-"
"Ah! So you're jealous!?"
"I'm not! Wag masyadong feeling please. At ba't ako magseselos, may gusto ba ko sayo? La naman diba?"
"Chill! Wala nga! Sino bang nagsabing meron!"
"Wala... Errr. Naisipan ko lang kung gaano ka talaga ka manyak. Talagang naaakit ka sa mga legs na nakakasilaw."
"Manyak? Almost all boys are like that. They like girls in shorts, bikinis, etcetera."

Kumidat pa siya sakin.

Suminghap ako.

"But please don't wear those clothes."
"Huh?"

Tumigil sa traffic ng sasakyan.

Tiningnan niya ng soot ko.

"Well if you want to wear those, wala akong magagawa pero I don't want you wearing it in public. Dapat ako lang nakakita sayo. Especially bikinis? Haha! No way! I'd have to kill every single boy who will stare at you."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang bilis niyang sinabi yun na halos di ko maproseso.

Nakatingin lang siya sakin habang nakatunganga at nakatingin din sa kanya.

"Kung hindi mo alam, halos lahat ng lalaki sa skul kilala ka. They're admiring you. Hindi lang dahil maganda at magaling ka sa volleyball, dahil na rin sa legs na ipinapakita mo sa tuwing naglalaro ka. Very tight and short-shorts everytime you play volleyball, it can't be helped..."

Umandar na naman ang sasakyan at humarurot.

"Your point?" Sabi ko pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"My point is, I don't like it. I-I don't like them to see too much of your skin."
"Kala ko ba natutuwa kayo sa tuwing nakakakita ka ng mga sexy?" Pinandilatan ko ulit siya.
"Oo, pero wa'g ikaw. Kahit na alam kong di mo maiiwasan yan, pero when it comes to the girl I love, I'm territorial."

So you love me?

What eveeeeeeeeeeeer! Hindi na lang ako nagsalita. Pero naramdaman ko kung paano ako kinabahan sa bawat minutong lumipas na tahimik kaming dalawa.




M2.family





Narinig ko sa guard dun sa bahay nina Brent na kaalis lang daw ng friends ni Ara.

"Are they around?"
"Opo sir."

Diridiretso ang lakad ni Brent habang ako'y natatagalan pa at namamangha sa laki ng bahay nila, sa magagarang kotse, sa mamahaling gamit, sa malalaking frame. May picture ni Brent (

ang gwapon naman
!), may picture ni Ara (ang ganda din!), at sa kanyang mama at papa. Kilala ko ang papa niya dahil siya kasi ang Governor dito. Sikat siya dahil mabait at mayaman. Marami din kasi silang negosyo at lupain.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko..." Narinig ko ang mahinahong boses ng isang lalaki sa 2nd floor ng bahay nila.

Mukhang nasa balcony. Malawak ang bahay nila at tahimik. Kaya madaling marinig ang mga boses ng nag-uusap.

"Brent!" Sigaw ni Ara. "Maxine!!!" Sabay takbo niya papunta sakin at yakap.

Kinabahan ako dahil kaharap ko ngayon ang mama at papa nila.

Ang ganda ng mama nila. Elegante ang beauty at pormal. Ang papa naman nila ay kalmado.

"Mom, Dad. this is Maxine. Brent's, uhh,-"
"Girlfriend?" Sabi ng mama nila.
"-Ah hindi po."  "Not yet!" Sabay naming sinabi ni Brent 'to.

Napaka-intimidating din ng mama nila. Nakangiti naman pero halatang pinagmamasdan ako ng mabuti.

"Maxine Alvarado?" Tanong ng Papa nila.
"Opo..."
"Kilala ko ang papa mo. Sabi kasi ni Brent sa akin, anak ka raw niya. May business deal kami sa kompanyang pinapasukan niya."
"Oo nga po eh, yun din po ang pinag uusapan ni Brent at ni papa sa bahay."

Natigilan ang papa ni Brent at mas lalong naging intimidating ang mama ni Brent.

"You've been to their house, Brent?"
"Yep."
"Oh... May something." Ngumiti ang mama ni Brent sakin.

Nabigla ako sa sinabi niya. Tumawa din ang papa niya.

Naibsan ng konte ang kaba ko. Feeling ko kasi kanina masyadong seryoso ang pinag-uusapan nila at bigla na lang kaming sumulpot.

"May something nga!" Tumawa din si Ara. "Take note, mom, since high school!"
"Oh! Matagal na pala! Kawawang Brent." Nagtawanan sila.

Ewan ko ba pero pakiramdam ko pulang-pula ako ngayon.

"Tama na nga yan, namumula na tuloy si Maxine!" Lintik, sinabi mo pa, Brent! Nabatukan ko tuloy ng konti. Konti na lang muna kasi baka palayasin ako dito sa bahay nila.

Nagtawanan ulit sila.

"Hija, wa'g mo yang sagutin hanggang di natututo." Sabi ng mommy ni Brent ng seryoso. "His dad is having a hard time  convincing him to get serious."
"Mom, I'm serious. Kaya nga di pa ako nagka girlfriend diba?"

Tumawa na lang ang dad niya.

"Brent, hindi ka nga nag gi-girlfriend, sobra naman ang panchi-chix." Umiling siya.

Tumawa si Ara at ang mama nila.

"By the way, Ara, papunta na ba si Paul?"
"Opo."
"Good. Ask him to stay a little longer. Mag mi-meeting lang kami with my lawyer and his dad's. We have to talk about something. Maybe fix this mess."

Sumimangot si Ara.

"Dad, honestly, I don't want you to fix this. Gusto ko kami naman ang mag aayus ng gusot namin. Tama na yung ginawa ni Brent noon."

Napatingin ako kay Brent. Ngumiti lang siya sakin.

"Aryt. Pero we'll still meet them anyway."

Tumayo ang mama at papa ni Brent. Hindi ako makapaniwalang nandito ako sa harapan ng respetadong Governor at business man. Malakas ang dating.  Ang mama naman nila, elegante, sopistikada, intimidating pero marunong din naman palang mag biro at mabait.

"Maxine, enjoy here! Brent, don't do anything weird, aright?" Sabi ng mom ni Brent sabay haplos sa buhok niya.
"Yes, ma'am!"

Nagpaalam na sila. At ako naman dito ay nakahinga ng malalim. Bakit parang ang lalaking tao nila para sa akin?

"Maxineeee!" Sabay hug ulit ni Ara sakin. "Turuan mo ako gumawa ng cookies?"

Kinindatan ako ni Brent sabay hila sakin ni Ara papuntang kusina.






M3.weirdly




Heto kami ngayon ni Ara sa kitchen nila, gumagawa ng cookies. Si Brent naman, nasa kwarto niya at nagsha-shower lang daw.

Hindi pa naman ako sigurado sa mga ginagaa namin pero buti na lang at nakakatext ko si Emily at natuturuan kami.

"Max, liniligawan ka ba ng twin ko?" Tanong ni Ara habang linalagay ang mga chocochip cookies sa oven.
"Hi-Hindi naman..."
"Ows? Don't tell me alam ng buong skul na nililigawan ka niya, tapos ikaw lang ang hindi?"

Natigilan ako.

May mga tingin pa siyang tulad ng mga mata ni Brent pag iniis ako. Half-smiling din.

"Hindi talaga."
"Hay naku, my brother. Natotorpe siguro yun. Magaling yun pumorma sa babae eh.
"Oo nga. Napansin ko. Masyado siyang maraming girls."
"Alam mo naman, lalaki. Hindi pa nga yun naiinlove eh. Ngayon lang."

The look.

"Pero marami namang umaaligid sa kanya ah? Tsaka, di naman natin ma deny na magaganda naman talaga at halos mga model na."
"Oo. Ganyan talaga pag lalaki. Pero pag sa mahal nila, wala lang yan ang lahat ng ibang babae." Ngumiti siya.

Bakit parang pakiramdam ko dito may binibenta si Ara sa akin at di ako makakalabas sa bahay na to kung di ako bumibili.

Hindi ako makapagsalita.

"Alam mo, kahit ganyan si Brent he's actually a good person."

Alam ko... Nararamdaman ko yan... pero... ewan ko.

"Nung high school pa kami, nakilala ko si Paul."

Coach Paul.

"He was 19 at that time. Coach siya ng basketball team. Hinihintay ko si Brent sa court dahil nagpapractice pa sila. Doon ko siya nakilala."

Whoa! 19... around 24-25 pala si coach Paul ngayon.

"Nagustuhan ko na siya, noon pa lang. Nagustuhan din niya ako."

Sa mga mata ni Ara ngayon, parang nakikita kong mahal na mahal niya talaga si Coach Paul.

"Si Brent, Chad at Chloe lang ang nakakaalam nun. Magkaibigan kasi kami ni Chloe noon. Kaya lang hindi ko alam na may galit pala siya sa akin. Sinabi niya sa school prefect ang relasyon namin ni Paul."

Hindi ko alam kung ano ang mukha ko ngayon pero talagang napanganga ako sa mga sinabi niya.

"I was immature. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinahiya ko si Chloe at inaway. Hindi ko rin madeny sa prefect ang tungkol sa amin ni Paul dahil gusto kong panindigan ang pagmamahal ko sa kanya. I just don't wanna deny him."

:O

"Pero alam ko ding ma ki-kick out siya pag inamin ko. Wala naman kaming ginagawang masama. Pero I was too young to be involved in a relationship back then. Nalaman din ng mama at papa ko. Ayaw nila agad kay Paul. I was grounded. I thought I'll be grounded forever. Pero hindi... Brent saved me."

Paano nasave ni Brent si Ara? Ito pala ang nangyari noon...

"He punched Paul in front of everyone. Binugbog niya. Scandalous, isn't it?"

Maslalo akong namangha.

"Pero mas scandalous parin ang nangyari sa akin. Kaya sinabi niya sa school na hindi totoo yun. Na pinagtatakpan ko lang ang bangayan nilang dalawa sa basketball team. He told everyone that he was bullying Paul. At hindi siya makapaniwalang madadamay ang twin niya sa dito. Sinabi niya sa skul na handa siyang makick-out instead of me."

Tumawa si Ara.

"Galit na galit si Papa sa ginawa niya. Ako naman, hindi ko alam kung magagalit ako o maiiyak. Everyone believed him. Lahat ng rumors about me, na scratch. Si Brent naman ngayon ang pinag uusapan. Hindi lumaban si Paul kaya hayun, napuruhan. Halos idemanda na si Brent ng pamilya ni Paul."

I can't believe it! Pero paanong hindi siya na kick out?

"But of course, sinabi ko sa family ni Paul ang totoo. I risked it all. Bahala na kung magalit sila sa akin at hindi na ako tanggapin sa kanila forever. I just want to save Brent. Si Brent naman, kahit alam niyang ididemanda na siya, at oras oras pang napapagalitan sa bahay, nakangiti parin siyang humaharap sa akin."

AMBAIT!

"In the end, nagresign si Paul at hindi na sila nagdemanda. Na ayos na yata ni papa. Pero nakatatak sa lahat ang ginawa ni Brent kay Paul. Simula noon, binabantayan na siya ng prefect. Konting away lang sa ibang estudyante, pinapatawag na agad ang mga parents namin. Palagi yang napapagalitan coz he was always stubborn. But then again, he risked going to hell just to save me. I love him. Kaya imbis na maging basagulero siya, mga babae na lang ang inaatupag niya. HAHA!"

"Talaga? Hindi ako makapaniwalang ganun pala yung nangyari noon."
"Oo nga eh. Natatakot nga ako at baka ulitin niya yun ngayon o baka may naiisip na naman siyang kalokohan. Thank God dad's at it na. Lagi na lang talaga akong napapasubo. Hay..."
"Magiging okay din yan, Ara don't worry."
"Ma'am, nasa sala na po si sir Paul." Sabi nung yaya nila.
"Oh! Sige... Yaya, paki check nalang din po si Brent..."
"Wa'g na yaya, ako na po." Sabi kong bigla.
"Oh!?" Nandyan na naman ang ngiti ni Ara.

Ewan ko rin kung bakit yun ang sinabi ko. Siguro namangha ako sa kay Brent. :O


M4.They kissed





"Brent?"

Kumatok ako sa pintuan, pero hindi naman pala nakasarado. Naiisip ko tuloy yung mga eksena sa movies. Diba nagsho-shower daw yung haliparot na yun? Baka maabutan ko siyang nakatuwalya lang.

Ano ba kasi ang iniisip ko at nagvolunteer pa akong ako na ang pumunta dito? Siguro gusto kong makausap si Brent na kami lang dalawa. Pero ano namang pag uusapan namin? Sigurado ako kung pupuriin ko siya ngayon sa nagawa niya noon, iinisin lang ako nun at magfe-feeling na inlove na ako sa kanya.

"Brent? Hindi nakasarado ang pinto... Uhmm, labas ka na raw, sabi ni Ara."

"Come in." Sabi niya ng pautos.

Pautos na naman. Order.

"Don't worry, hindi ako nakatuwalya."

Err. Para akong nabagsakan ng bato pagkasabi niya nun. Kakaisip ko nga lang nun eh. Pumasok ako.

Ang laki din ng kwarto niya ah? Parang sa loob ng kwarto may sala pa. Nandun siya sa isang sofa ng sala sa kwarto niya kaharap ang balcony na may puting kurtina. Nakaupo lang siya, nagpapahinga. Nakabihis naman pero basa pa ang buhok.

Tiningnan niya ako papalapit sa sofa niya pero ayaw ko namang umupo. Nakangiti siya at kumindat.

"Ikaw ang unang babaeng nadala ko dito sa bahay namin, at dito sa room ko. Aside, of course, kay mommy, Ara at sa mga maid."
"Hmm, ako pa lang ang una. Sigurado akong may pangalawa... at may mga susunod pa."
"You're just being insecure, Maxine. Kung sasagutin mo ko ngayon, ibig sabihin, ikaw na nga lang talaga." Ngumisi siya.
"Alam mo kung bakit ako nandito? Kasi sinabi sakin ni Ara yung totoong nangyari tungkol sa inyo ni Coach. Pakiramdam ko, ang bait-bait mo talaga. Pero sa tuwing ganito ka? Natatawa na lang ako sa sarili ko."

Katahimikan.

"Why can't you see...?" Seryoso ang mukha niya. "...me?"

Tumayo siya at lumapit sa akin. Kinabahan ako. Narinig ko ang puso ko. Mabilis at malakas ang pintig nito.

Heart? Natatakot ka ba kay Brent? Huh? Anong nangyayari sayo at bumibilis ka.

Ang gwapo at ang bango ng mokong. Kung seryoso lang sana siya palagi eh na-inlove na ako sa kanya. Kaso, di eh... teka? Seryoso ba siya ngayon? Ay ewan!

"Nakikita kita, Brent. Nakikita ko ang mga pambobola mo." Hindi na ako makatingin sa kanya. Papalapit na kasi siya at nagfa-flashback na naman ang mga memories ko nung hinalikan niya ako.

"I doubt that..." Ngumisi siya. "Hindi ka makatingin sa akin ngayon. And you were closing your eyes while we were kissing..."
"So? Hindi ka pala nakapikit nung naghalikan tayo?" Kainis! "Nasiyahan ka siguro nun! Feeling mo naisahan mo na ako!?"

Tumayo ako at hinampas-hampas siya. Nakakainis! I can only imagine! Yung mukha niya habang hinahalikan ako at nakikitang nakapikit ako habang humahalik sa kanya! The nerve! I should have known! Haliparot `to eh!

"Wa-Wait! I was closing my eyes! Naramdaman ko lang na pumikit ka."
"Ha? Shut up, Brent!" Sabay hampas ko parin sa dibdib niya habang nag struggle siyang pigilan ako.
"Okay! It was like this, Max!"

Nauna kong nakita ang pagpikit niya saka ako hinalikan ulit. Hinampas ko siya kanina, pero bakit parang nawalan ako ng lakas para hampasin siya ulit ngayong nakahalik na siya sakin. At bakit di ko rin mapigilang pumikit din tulad noon. At di ko rin mapigilang halikan siya.

Oh no! I am becoming more like Brent Cruz??? Hindi maari `toooo!

Hawak niya ang mga kamay ko. Ngumiti siya pagkatapos ng halik. Mas matagal ito ngayon.

"Oh... my gosh!" Narinig ko ang tawa ni Ara sa pintuan.

ANG GALEEENG! May nakahuli pa! Pulang-pula yata ang pisngi ko ngayon. UGH!

"You two kissed! And I heard its not the first time!? HAHA!"

ANG GALEEENG! Ibig sabihin nun, narinig niya lahat. Kanina pa siya diyan!

"Haha! I wasn't aiming for that, I want her heart."
"Ewww! Brent!"
"I know! HAHA! Wow! I am sooo happy!" Sabay lapit at akbay ni Ara sa akin. "O.M.G.!"

Ang dami niya pang sinabi tungkol samin ni Brent na di ko na nakuha dahil iniisip ko na naman yung nangyari. Haliparot na Brent na yun! Sinasanay ako! Leche!

"Come on Brent! We baked some cookiesss! HAHA! I am so happyyy!"



Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText