14th~
14th~
Summer: I'm not asking you to do this.
"Lex, I'm not asking you to do this." Sabi ko sa kanya.
Tinatawagan niya si Kyla ngayon habang nasa loob kami ng sasakyan. Di siya umimik at nagpatuloy sa pagtawag kay Kyla.
"Kyla." Sabi niya at napabuntong-hininga. "I'll hold the engagement."
Di ko naririnig si Kyla pero matagal-tagal bago nagsalita ulit si Lex.
Pumikit siya, "I know... I know... But I need this. I'm sorry." At pinatay ang tawag.
Napabuntong hininga ulit siya habang hawak ang manibela. Nandito pa kami sa parking space ng resto. Di ako magpapahatid sa kanya kasi kukunin ako nina Aliyah at Nadine dito. Nahihiya din kasi akong magpahatid sa kanya kasi mukhang busy siya.
"I told you... you don't have to do this." Sabi ko.
"It's what I want!"
Natahimik ako. I hope you'll remember me soon. I don't know how far I'll go in pursuing you. Natatakot akong umasa sa wala. Pero kahit takot ako, nandito parin ako, umaasa sa walang kasiguraduhan.
"They're here." Aniya.
Narinig ko ang pag sarado ng pintuan ng sasakyan ni Aliyah.
Sabay kaming lumabas ni Lex. Nanibago naman ang dalawa ng makita kaming magkasama. Di nila alam kung anong ire-react nila. Sinabi ko lang kasi na kasama ko si Lex, di ko na sinabi ang iba pang detalye.
"Uhhmm, sooo..." Bago makapagsalita si Nadine...
"Do you know anything about us?" Desperadong tanong ni Lex sa dalawa.
Sabay silang... "Uhh.." At tumingin sakin.
Awkward at tahimik ang scene. Napailing si Lex.
"Look, Lex, I'm your cousin. I would never lie to you or let anyone lie to you. Summer is my cousin, too. Hinahayaan ko siya dahil alam kong kung ano man yung sabihin niya sayo ay pawang katotohanan lang. If there's someone who can tell you the whole truth, it's her." Sabay tingin sakin.
Tumango si Lex.
"Okay, I understand."
Tumingin si Lex sakin. Hindi nko alam kung ano ang iniisip niya. His expression is very hollow. Para siyang nag ti-take ng exam sa isang subject na wala siyang alam. Naaawa ako sa kanya. Pinipilit ko ang sarili ko sa kanya, eh di niya naman alam kung saan ako ilalagay dahil di niya ako kilala. :(
Tulala ako halos sa lahat ng klase ko. Pero sinigurado ko namang nag-aral ako bago pumasok. Sa tuwing quiz na, kahit tulala ako, nakakasagot at nakakapasa parin ako.
"Pass your papers now." Sabi ni Prof Sebastian ng nakatingin sakin.
Tatlong araw na ang nakalipas simula nung gabing yun, pero ganun parin kami ni Lex. No development at all. :( Pero masaya na rin ako kasi nakakasama ko siya madalas.
Wala na siyang sinabi tungkol sa engagement nila ni Kyla. Kaya lang, kinakabahan parin ako dahil mukha siyang preoccupied nito.
*1 text message*
From Lex!:
Kita tayo mamaya after class, The Academy Hotel room 208. Need to talk to you in a private place.
Kinabahan ako. Bakit kailangan sa private place pa kaming mag-usap?
Reply:
Bakit?
Di na siya nag reply. Hinintay ko ang klase niya, pero binigyan lang kami ng assignment kasi may Urgent meeting daw siya sabi ng assistant.
"Hello, Aliyah?" Tinawagan ko si Aliyah.
"Yep?"
"Wa'g niyo na akong sunduin ngayon ah?"
"Why? You're with Lex?"
"No. But maybe later." Sabi ko ng nakangiti sa phone.
"You sound happy." Sabi niya.
"I don't think I should be, though."
Kasi nga may kung anong kirot sa puso ko. Kinakabahan ako sobra! Natatakot tuloy ako. Is this a sign?
Nagtaxi ako papuntang The Academy Hotel. Yung room 208 ay nasa 20th floor pala. Sobrang kaba ko sa elevator, maging sa paglabas at pagkatok sa pintuan.
Kumatok ako ng kumatok pero walang sumasagot kaya binuksan ko na. Dahan-dahan.
My heart skipped a beat. I opened the lights and too my surprise!!!
GUESS WHAAAAAAAAAAAT!?
Napahawak ako sa puso ko nang naramdamang ito'y nababasag. Basag na 'to, noon pa. But it broke into more and more pieces. Para bang di na ulit to maaayos pang muli!
"summer!" Nabigla si Lex nang makita ako.
He was topless under Kyla. Although hindi sila hubo't hubad, but I know it's getting there!
I went outside, closed the door, ran to the elevator and closed the elevator doors.
Though he tried to chase me, I didn't let him... hoping my heart's doors will also be closed for him after this.
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;