<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

N-arcs



N-arcs





N1.Wisdom




Pagkatapos nun, narinig ko hindi daw muna pinapasok si Ara sa school. At wala din si Coach Paul. May substitute coach kami ngayon, babae. Okay lang naman siya. Nakakapressure pa nga eh dahil sa mga sitwasyon. May game kami mamaya. Si Chloe naman, ang pangit makalaro. Siguro dahil na rin yun dun sa nangyari sa kanila ni Chad.

Nandito ako ngayon sa bleachers, nakaupo. Nag re-ready sila mamaya sa game. Hindi ako kinakausap ni Chloe, kahit tingin di niya magawa. Sobrang nainis siguro siya sa akin at sa nangyari. Pero bakit? Kung tutuusin nga, ako dapat ang mainis dahil sa ginawa niyang pambabasa sa akin sa CR.

"Max..."

Tumingala ako at nakita si Chad may dalang Gatorade at binigay sakin.

"Good luck sa game." Umupo siya sa tabi ko.
"Salamat, Chad."

Nataong nasulyapan ko ang court at teammates ko at nakitang nakatingin si Chloe sa amin.

"Manonood ka?"
"Hindi na muna. Sorry."
"Uh, bakit naman? Galit ka parin ba sa kanya? Kay Chloe?"

Hindi siya sumagot.

Naisip ko tuloy na siguro may feelings si Chad kay Chloe kahit papaano. Noon ko pa napapansing abnormally close silang dalawa.

"She lied to me... Sinaktan ka rin niya."
"Uh, wala na yun sakin." Sabi ko with a fake smile.

Ayoko lang namang gawing big deal yung paglo-lock niya sakin dun sa CR at pambabasa. Pero sa totoo lang, shocking yun at naisipan ko na talagang obsessed at hibang na talaga si Chloe para gawin pa iyon. Pero hindi ko parin alam kung ano ang tama, wala kasi ako sa lugar niya. 

Baka naman ganun talaga ang gagawin mo pag mahal mo ang isang tao.
 Hindi nga lang makatao ang ginawa niya.

"She lied to me, sinaktan ka niya at nilaglag niya si Ara... Hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa? Mabait naman siya."

Napabuntong hininga ako. Kung alam mo lang, Chad.

"Siguro nagsinungaling siya dahil ayaw niyang magalit ka sa kanya."
"At bakit niya nilaglag si Ara? Bakit ka niya sinaktan? Hindi niya naman kailangan magsinungaling eh, mas lalo pa tuloy akong nagalit."

Napabuntong hininga na lang ako.

"Max!" Tinawag ako ng isang teammate ko. "Let's go!"
"Yep! Teka lang!"

Tumayo ako.

"Chad, kung ano man yun, sigurado ako you mean so much to her kaya niya nagawang magsinungaling sayo. Sigurado din ako na malungkot siya ngayon dahil di mo na siya panapansin.;)

Wow! I sound like a saint!

Pero sa totoo lang, naiinis din ako sa ginawa ni Chloe eh. Pasalamat siya't kaibigan ko si Chad at mukhang kailangan niya ang words of wisdom ko.

Ngumiti siya at mukhang napawi ang stress sa mukha niya.

Ngumiti na rin ako. :)

"This is why I really like you, Max."

Pagkasabi niya nun naramdaman ko talagang uminit ang pisngi ko. Di ko mawari kung anong ibibigay kong reaksyon. Ngumiti na lang ako.

"I will watch your game... for you."

Tumayo siya.

"Let's go?"

OHHH EMMM GEEEEEEEE! :-[ :D :D :D :D :D :D :D






N2.Asa ka pa



Nanalo kami.

Pero grabe, sobra ang pagod ko. Buti nalang at kahit paano ay tumino na si Chloe. Siguro dahil nanood si Chad.

Kumaway sina Jason at Emily sa malayo. Katabi nila sa bleachers si Chad.

Pupunta na sana ako sa kanila kaso nang nakita kong pumunta si Chloe malapit kay Chad... sinenyasan ko agad si Jason at Emily nasa ibang direksyon na lang nila ako salubungin.Tinuro ko pa sina Chad at Chloe na mukhang nag uusap na.

Mabuti na lang at naintindihan ng dalawa kaya umalis sila agad doon at pumunta satinuro kong lugar.

Nagsisialisan na ang mga tao sa bleachers, hindi ko nakita si... er.... wala... nevermind brain.

"Nice game!" Sabi ni Emily.
"Salamat!"
"Uh," Weird. "Max, kailangan kong umuwi. Kasi, uhhh, tinawagan na ako ni daddy..."
"Oh, sige Ems! Kaw ba..."
"Talaga? Di mo sinabi sakin kanina yan-" Sabi ni Jason.
"Sige, una na ako. Text na lang tayo, Max." Ngumiti siya ng weird na ngiti at nagmadaling umalis na para bang di na narinig si Jason.
"Emily! Hatid na kita!"

Hindi na talaga lumingon si Emily at umalis na ng tuluyan.

Umiling na lang ako.

"Okay lang ba kayo?"
"Ewan ko."

"Max!" Bigla akong tinawag ni Chad kung saan.

Pagkalingon ko, nakita kong iniwan niya si Chloe doon sa bleachers at pumunta sa amin ni Jason.

"Ch-Chad."
"Uuwi ka na? Ihahatid na kita?"
"Hu-Huh? Uh, di, mag bibihis pa ako sa locker room." Sabay tingin ko sa nagbabagang mga mata ni Chloe.
"Ganun ba? Sige hintayin na kita."
"Uh, Chad kasi..." Tiningnan ko si Jason, hayun tulala at mukhang walang marinig. "Sa tingin ko, kailangan niyo na talagang magkabati ni Chloe.Or else papatayin niya ako.
"I'm trying. I just need some time..." Ngumiti siya ng ngiting nakakatunaw na ngiti.

Nakakatunaw sa puso.... :O

Nakita ni Chad si Jason na mukhang binalikan na ng kanyang kalulwa na nasa tabi ko.

"So... uh, may lakad ba kayo?"
"W-Wala." Sabi ko.

Ay mali, wala pa palang kaluluwa si Jason, parang walang narinig eh. :-[

"Pero, uh, may gagawin pa kasi ako." Ngumiti ako. :o

Masakit sakin ang sinabi kong yun lalong lalo na kung iniisip ko ang tunay na DAHILAN.

"Oh, aryt! Sige, maybe I should go. Take care, Max! And.. Jason!" Ngumiti naman si Jason kahit walang kaluluwa.

Pagkaalis ni Chad, binatukan ko na.

"Ano bang problema mo?"
"Kanina kasi habang nanonood kami ni Emily, hindi niya ako kinakausap. Actually, ilang araw niya na akong di kinakausap at umiiwas din siya sakin."
"Talaga? Bakit kaya? Baka..." sinaktan mo. "galit sayo?"
"Bakit naman? Iniisip ko nga kung anong nagawa ko, wala naman..."
"Sige mag-iisip din ako kung ano nga..."

Tahimik kami papuntang locker room.

Asan ba si...

"Kumusta si Ara?"
"Uh, okay lang naman siya... Uh- teka nga!"

Tumigil ako sa paglalakad sa tapat ng locker room.

"Sabihin mo nga sakin, Jason. May gusto ka ba kay Ara?"
"W-Wala... I mean... Crush ko siya..."

Tinignan ko siya ng masamang tingin.

"C-Crush... Maganda siya diba? Lahat naman siguro may crush sa kanya. Well, ang ibang lalaki sayo din."
"Ew, wag mo nga yang isali."
"O sige, I like her. Kasi palaban at... maganda... really pretty."
"Ayaw mo ng mga 'hindi' palaban?" Like Emily?
"Uhh..."
"Do you like Emily?" Wow! Direcho!

Ako kasi, ayaw ko ng paliguyligoy na usapan. ANO DAW? Practice what you preach, Max!

"B-Ba't mo naitanong?"
"So... you don't like her?"
"Hindi ko naman sinabi yun."
"Hay naku, Jason. Siguro kailangan mong i-figure out yan mag isa..."

Umamba akong papasok ng locker room...

"Max!"
"Yep?"
"Thanks! Can I go now!?"

Sa wakas at dinapuan din ng kaluluwa. Ang mga tao talaga ang tagal ma figure-out ng mga nararamdaman nila.

"May pupuntahan lang ako." Ngumiti siya.
"Sure.. :)"
"And by the way, Max..."
"Yezz?"
"Nanood siya kanina..."

O.o

"Huh? Sino?:o

Pero tumakbo na si Jason at kinawayan ako with his evil grin.

Sino? Si... >:(

Pagkatapos kong magbihis, naisipan kong maglakad papuntang sakayan.

Paminsan-minsan, naaalala ko yung nadapa ako dito habang naglalakad papuntang sakayan. Dinala pa nga ako ni 

Brent
 sa ospital nun.

Heh! Tama na nga yang Brent na yan! Napipicture out ko yung mukha niyang nakangiti eh naiinis tuloy ako.

Ba't ko nga ba tinanggihan ang offer ni Chad kanina? Ayan tuloy naglalakad ako ngayon dito. Err... Maxine, don't tell me umaasa kang i-rerescue ka ng mokong na yun? Hindi no! siguro may inaasikasong chix yun!










"Maxine!"

May narinig ako sa kalsada. Sa loob ng sasakyan.










"Brent.." Paglingon ko...

Si Chad pala. Asa ka pa. Yan napapala mo. Umaasa ka naman alam mo namang wala talaga...



"Hatid na kita? O may hinihintay ka?"

Tumingin ako sa paligid. Clear.

"Wala... Sige, sure. :)"




N3.Sarcasm 





Para akong nakakita ng multo ng nakita ko si Brent na nakaharang sa pintuan ng classroom ko. Kakatapos langng klase ko. Nakangisi siya.

Kaso wala ako sa mood simula pa kahapon. Ang sarap tuloy sapakin. Ay hayan! Muntik ko na talagang masapak habang papalabas ako ng room.

"Oy anong nangyari sayo?" Tumawa pa siyang bahagya.

Para bang natutuwa sa weird kong reaksyon.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Sabay irap ko.

Nakangisi parin siya. Namamangha sa pag iinarte ko.

"Sinusundo ka...Isn't it obvious?"
"Tseh! Sunduin mong mukha mo!"

Naglakad lang ako samantalang sunod siya nang sunod.

"Ano ba?"
"Anong ano ba? Ano bang nangyayari sayo? Bakit galit ka? May dalaw ka ba?"

Ayun sinapak ko ng dala kong mga mabibigat na libro.

"Ouch!"

Kinuha niya naman ang mga dala kong libro.

"Ano bah?"

Ayun nag-agawan kami ng mga libro ko.

"Ako ng magdadala."

Umirap na lang ako at hinayaan siya.

"Ba't ka ba-"
"Saan ka ba pumunta kahapon?"

Ayaw ko man yong itanong pero lumabas din sa bibig ko. Sa inis ko kasi di ko na napigilan.

"May inasikaso lang ako sa business ni Dad."

Tumalikod ako para harapin siya at hayun nakangiti. Tama ang hinala ko. Magfe-feeling na naman ang mokong na `to dahil dun sa tanong ko.

"Wa'g ka ngang feeling diyan! Di ako concerned! Tsaka, akin na nga yan! Ano ka, nanliligaw? Tseh!" Kinuha ko ang mga libro.
"Galit ka ba kasi di kita nasundo? Bumabawi naman ako ah? Sorry... Babawi pa ako lalo, pramis. Tsaka...nanliligaw-"
"Hep! Tumahimik ka nga!"

Tinitingnan na kami ng mga tao. May nakita pa ako kaninang nag fi-film saming dalawa habang sinusundan niya ako dito sa corridors.

Naglakad ako palayo ng building at papuntang gate. Linsyak naman `tong si Brent! Ang feeling talaga! Ba't naman ako magagalit dahil hindi niya ako sinundo? Ano ko ba siya? Feeling talaga! Babawi? Bawiin niyang mukha niya!"

Kinuha niya ulit ang libro ko hinila papuntang parking lot. Hawak-hawak niya ang kamay ko.

"Brent, bitiwan mo nga ako."
"Iuuwi kita sa bahay niyo." Sabi niya.
"Bakit ba? Marunong naman akong umuwi mag-isa?"
"Edi sana umuwi ka mag isa kahapon!"

Natigilan ako...

"Ano? Stalker!:o

Paano niya nalamang hinatid ako ni Chad?

"I was about to fetch you! Binalikan kita ng school pagkatapos kong gawin yung business ni Dad. Pero obviously, it was too late..."

Pero kahit na! Sana tinawagan mo ako! Loko ka! Sana sinabi mo sakin!!! Bakit iniwan mo na lang ako sa game!? Ni hindi ka nagpakita! Do you really care?! No one cares if you care... grrr. Ano ba `tong mga naiisip ko! Who cares about Brent Cruz!

"Hey! Max!" Biglang may nagpark na sasakyan sa tapat namin.

Chad!

"Chad." Ngumiti ako ng parang walang nangyari.
"Brent? Haven't seen you around ah?"
"Ah, may inasikaso lang sa business ni dad."
"Ahh, I see. so ano? May pupuntahan ba kayo?"
"Ah hindi, nagkasalubong lang kami. Si Brent may pupuntahan pa yata, ako pauwi na.:-\
"Really? Coincidence! Pauwi na rin ako... Hatid na kita Max!"
 :o
OH MY GOSH! No!!!!!!!!!!!! :-X

"Uh, di, uuwi na ako. Uhm, mag...ta-taxi ako. hehehe.:-[
"Wag na! Come on!" Ngumiti siya ng matamis na ngiti.

Di ko to gusto... pero... ang sitwasyon... plus...

"Sige na, Max..." Dagdag ni Brent.

OKAY FINE! Ganun pala huh:'(

"Aryt! Sige, Bye Brent! Ingat ka!

Sarcasm.
 Sabay pasok sa sasakyan ni Chad.


Brent texted:
Pero ok lang, ang importante, di ka mag isa uuwi. :)

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText