<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Step 41-50


[STEP #41] Bridgette Reah Francisco: Aaron, tayo na! I'll produce you.


Papunta akong CR pagkatapos ng klase ko, napadaan ako sa corridor kung saan may narinig na naman akong mga di kanaisnais na bagay.
"I'm sorry, pero wala na talaga akong nararamdaman para sayo!"
"How could that be? Tatlong buwan lang naman yun ah?"

Na curious ako sa dalawang pamilyar na boses. It was Rico and Sandy. Come to think of it, ganito din yung nangyari noon ah? Di nga lang sa eskwelahan, pero sa labas ng 1720 yung noon. At di rin si Sandy ang kawawa.

"Ewan ko. Hindi ko alam, basta wala na akong nararamdaman para sayo!"

Totoo naman kaya yun? O para lang sa pride niya?

I looked at them at seryosong nag-iingat na ako para di mabuko sa pakikinig ko.

"IMPOSSIBLE!" Sigaw ni Sandy.

Tumalikod si Rico then Sandy hugged him.
Dahan-dahang kinalas ni Rico ang mga kamay ni Sandy na nakapulupot sa kanya.

"I don't love you anymore. I'm sorry."
"Hindi yan possible! Unless kung may ibang gusto ka na?!"

Hindi umimik si Rico.

"Tama? May iba ka ng gusto? Sino?"
"Sandy, what happened to your feelings for Hiro?"
"Ewan ko." She cried. "Nabigla na lang ako dahil isang araw, hinahanap na kita at na wala na ang nararamdaman ko para sa kanya! How bout you, Rico? Where did your feelings go?"
"Ewan ko din."

Feeling ko nabunutan ako ng tinik! OMG. WAHAHA, Totoo ba yun? Di nga? No, no, he's just covering his pride. Tsaka, ba't parang sumaya ako? Tinaga ko na nga sa diamond na di ko na siya gugustuhin.

"Gette," I heard a voice behind me.
"Oh sh1t."
"Anong ginagawa mo diyan?" It was Aaron.

"Andito pala kayo!" Rico said.

OH NO!

Tumingin ako kay Sandy and she wiped her tears.

"Napadaan lang!" I said.

Aalis na sana ako, ayoko kasing magkaroon pa ng kung anong araw ngayon!

"Talaga, or maybe you heard the whole thing?" Sabi ni Rico.

GEEZ, I remembered everything.

"Whatever." I said.

Ang masaklap pa. Sumunod si Aaron sa pagwo-walk out ko.

"Gette, sinong boyfriend mo ngayon? Malapit na ang Hearts Festival ah?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ano ngayon kung malapit na yung PESTEbal ng mga PUSO? Wala naman akong boyfriend.

Hearts Festival - tradition na sa school ko ang magkaroon ng ganun.

Noong makalayo na kami, I felt relieved. At least wala naman akong narinig na 'malandi' o 'playgirl' sa kanya. Pero, I'm annoyed with Aaron.

"Ano ba? Ilang beses ko ba talagang uulit-ulitin na wa'g kang sunod nang sunod sa akin!" Humarap ako sa kanya.
"S-sorry. Gusto ko lang naman kasing malaman..." Inayos niya ang kanyang malalaking salamin.
"Ano bang pakealam mo?" Sabi ko.
"Uh, may umimbita na ba sayo na taga Medical Department sa party?"
"Ha? anong party?"
"W-wala pa? K-kasi nalaman kong may celebration daw sa Med Department ngayong Heart's Festival. Pero para lang iyon sa mga estudyante nila at sa mga naising date ng estudyante nila. Naisip ko lang na baka may nagyaya na sayo!"
"Wala, at kung meron man, di ako papayag!" Sabi ko.
"A-aaah. K-kasi, para daw yun sa 50th celebration ng Med department."

I looked at him and I wondered.

"So? Ano namang gagawin ko nun? Di naman ako taga Med Department?" I rolled my eyes when I saw him smile.
"Can I borrow your time?" I was shocked when he asked me. "Samahan mo na lang akong magpagupit at bumili ng damit, pwede?"

WHAAA~!? Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?

"Aaron," I saw Rico behind Aaron.

TSSSS.

"R-rico. Ha-Hi!" Sabi ni Aaron.

Friendly siya, pero ba't parang galit si Rico sa kanya? O baka naman his face is just stuck on one expression now?

"Leave her alone!" He said.
"B-bakit? Mabait naman s-siya ah? D-di naman s-siya t-tulad nung sinabi mong malandi?" Sabi ni Aaron.

AARON! Mabuti ka pa! Lika na, lets leave that monster alone!

"Aaron, tayo na! I'll produce you." I said.

We left Rico. At oo, I`ll produce Aaron. FOR TODAY. Just today!?



[STEP #42] Bridgette Reah Francisco: Anong ginagawa mo dito, Rico?


"Bagay pala sakin ang ganito ang buhok!" Sabi ni Aaron habang tinitingnan ang sarili sa salamin ng restaurant na kinainan namin.

Tapos na ang klase ko ngayong araw na to kaya may guts akong samahan siya.

"Tsaka, ayos na kaya tong pinamili natin?"

Why do I have a feeling na alam ni Aaron ang mga nangyayari? I mean, marami na ba talaga siyang pera para agad kaming namili at nagpa new look? Well, maybe.

Binuksan ko ang laptop kong kanina ko pa dala-dala.

"STEP ONE: Change his looks and fashion sense. STEP TWO: Teach him to act cool." Sabi ko. "Nasa step two na tayo!"

Pero in his case, `di naman siya ganun ka lala kay Rico noon na parang lampa.

"Your problem is your stuttering voice." I said.
He smiled.

"STEP THREE: Bring him to the gym. STEP FOUR: Be with cool friends." Sabi ko. "Kailangan mong mag-gym at makipagkaibigan sa mga sikat at cool."

I glanced at my laptop to read the step five... "STEP FIVE: ... Fall... *coughs*, yun lang!"

Pinatay ko ang laptop ko.

GOODNESS, Step five fall in love with him? Those were the five steps to create the perfect prince! Kung di ko magawa ang step five, it won't be complete.

"May five pa diba?" Sabi niya.
"Huh?"
"I glanced on your laptop too."
"Huh? Wala na yun! Typographical error."

He looks so creepy. Mukhang alam niyang may tinatago ako. At mukhang alam niya kung ano. AHHHH.

"Okay. Sino ba ang mga sikat ngayon at saang gym?"
"Ewan, basta I`ll produce you just today! Wala na bukas. Tinatamad na ako."

Tinitigan niya na naman ako.

"Pagkatapos ng 'be with cool friends' yun na ba talaga yun? I think it's hanging!"

I feel so guilty kaya uminom na ako ng tubig at... "Yun na nga kasi yun, aalis na ako. May pasok pa ako." I left without hearing anything from him.

Ang hirap namang mabuhay! Ba't ba kasi ganito ang buhay ko? Para akong may tinatakbuhan! Para din akong may hinahabol pero ewaaaan ko.

Sinara ko ang gate ng padabog. Paglapit ko sa pintuan ng bahay namin, "Sarado?" ARGH, I left the keys. Asan ba si Mama at Papa?

"MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~! PAAAAAAAAAAAAAAAAA~! Ano ba naman `to o! Don`t tell me may emergency field business na naman kayo! ANONG GAGAWIN KOOO? Ma~! Pa~?"

I'm just joking! Ba't naman sila magkakaroon ng field business ngayon ehhhh... "OH NO, Wala ngang tao. SH1T, PUNYETAAAAA!" Sinapak ko ang pintuan.

Pangalawang beses.

PANGATLONG---- May nagbukas ng pintuan.

"Andyan naman pala----****" Nanlaki ang mga mata ko.
"Inubos mo na ata ang badwords sa mundo." Then I saw his smile.

Nanginig ako. I want to run and HIDE.

"Anong ginagawa mo dito, Rico?" My hand landed on my lips.




[STEP #43] Bridgette Reah Francisco: ITAGA NGA NATIN!



"Kung ang mama at papa mo ang hinahanap mo, wala sila. Andito sila kanina pero umalis din. May Emergency Field Business daw sila. Mabuti na lang nga raw at napadaan ako rito kung hindi eh baka di ka makakapasok."

Pumasok ako sa bahay at natutulala parin ako.

"Ba't ka andito?" Nagkasalubong ang mga kilay ko.

Naiinis na naman ako sa kanya at di ko alam ang dahilan. Este, naalala ko nga pala yung mga pinaggagagawa niya this past few days.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko. OO, Tinataboy kita. Umalis ka na dito sa bahay namin!
"Wala naman, napadaan lang ako."

Tumahimik ang paligid. It's awkward. Tumango ako at pagkatapos nun, di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naiinis parin ako sa kanya sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin noong mga nakaraang araw. The 'flirt' & the 'malandi'. ARGH.

"So, ano?" Sabi ko to break the silence.

Nakatayo lang siya sa harapan ko at parang may hinihintay. Parang gusto kong manuntok.

"Akala ko ba ipo-produce mo si Aaron?"
"Yeah! Tapos na, napagod nga ako eh. Ang gwapo pala niya no? Ba't di mo sinabi sa akin? Magkakilala pala kayo."
"Wag mo na nga siyang lapitan!"
"HUH? Bakit? Natatakot kang mag sumbong siya sa akin sa mga pinagsasabi mo?" Aalis na sana ako sa harapan niya dahil kumukulo na naman ang dugo ko, pero hinila niya ang braso ko.

"Kung ano man yung mga sinabi niya, wag kang maniwala!"

I sighed and rolled my eyes. He stopped holding my arms.

"Ba't di mo siya dinala dito? Diba dapat mag-uusap kayo ngayon para sa asta niya?"
"Look Rico, I have no time for producing a prince again to THAT point."

Nagkasalubong ang mga kilay niya.

"At kung ano man yung kinatatakutan mo sa kanya, please lang, wa'g mo na akong idamay!" Sabi ko.
"Hindi ako natatakot sa kanya. Wa'g mo na lang kasi siyang-"
"Ano bang pakealam mo? Tsaka, kung meron mang taong dapat di ko na lalapitan, IKAW NA YUN! He is nice and you are not!"

May pinakita siya sa akin pero di ko na tiningnan. I was looking straight at his eyes because I don't want to lose the absolute momentum of my words.

"Next week pa yan." I peeked at his hand and got the envelop.

O.O

"Medical Department Aquaintance Party on Hearts Festival." Actually, I was shocked dahil sa haba nung title. Hindi ko pa naiisip na ang pagbabasa ko pala nun ay kailangan ng comprehension.

Ibinalik ko sa kanya, "Ano namang pakealam ko diyan?" binalik niya ulit sa akin.
"Invitation yan."
Nakita ko ang pangalan ko at pangalan niya sa harapan. "Huh?"

Slowly I realized that he is asking me to be his date. Nanlaki ang mga mata ko habang pinipilit na sumimangot.

"Ba't di si Sandy ang dalhin mo? Ba't ako?"
"Hindi ko siya makita eh."

Ano `to? Second choice ulit? Hanggang ngayon ba naman? ARGHHHHH. I want to tear him! Hindi ako makapagsalita sa inis at galit na nararamdaman ko na naman ngayon.

"So, sige ah? Be there!" He rushed outside.

OMG. >.< Anong hindi sila nagkita ni Sandy? Eh kanina lang nagkita pa sila! Tsaka, ba't siya mapapadaan dito eh ang layo ng bahay nila samin. Ano baaaaah?
And before I snapped out from my useless thoughts, nakaalis na siya.


"HAHAHAHAHAHAHAHAHA." I laughed out loud.
Sam pouted her lips, "Akala ko ba itataga natin yan sa diamond?"

Umayos si Anya at mukhang na-shock pa siya sa sinabi ko. Isang araw ang nakalipas simula nung yinaya ako ni Rico.

"ITAGA NGA NATIN! May sinabi ba akong papayag akong maging girlfriend niya? PATHETIC."
"Eh ba't parang ang saya-saya mo at mukha kang nanalo sa lotto?" Tanong niya.
"Hindi ako masaya! I'm laughing because I'm losing my mind! HINDI PA AKO NATUTULOG!"
I feel so tired!
Tumawa si Sam.

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Anya habang tumitingin siya sa likuran ko. Napatingin na rin ako sa likod at... nakita ko ang mga taong nakatingin sa akin at sa isang lalaki sa harapan ko.

"Si Bridgette na naman ang linalapitan? Baka new boyfriend niya yan? Pero akala ko ba si Rico?"
"Diba siya ang date ni Rico sa Hearts Festival?"

Humirit na naman ang mga chismosa sa world.

O.O

"Thanks Gette!"

I looked at him again at nakita ko ang imahe ni Aaron.

"Wha~!" I sighed and he smiled.

Naririnig ko ang pangalan ko sa buong cafeteria. Umupo si Aaron sa tabi ko. Sam and Anya was like---"Aaron?"

I guess I have to explain everything. At ang bilis kumalat ng balita huh?




[STEP #44] Bridgette Reah Francisco: Okay lang talaga!



"WHAT~? You produced Rico too?" Bulong nila sakin sa loob ng cafeteria.
"SHH," Wala na si Aaron.

Kaming tatlo na lang ulit.

"JUSKOOO NAMAN. Kaya pala ang guwapo na ni Rico ngayon eh!" Sabi ni Sam.
"Hindi yun! Mas gumwapo siya ngayon!"
"Ikaw din ba ang gumawa nun??" Tanong ni Anya.
"Hindi. Ewan ko kung ano ang nangyari sa kanya."

Sinabi ko na yata ang lahat eh. :'( Wala na akong magagawa, buking na buking na ako.
Bumuntong hininga ako at nakita ko si Sandy, mag-isa. Nakaupo sa susunod na mesa.
Lumapit ako sa kanya.

"Sandy," Nabigla ko ata siya... "Uh, naimbitahan ka na ba sa..."

OO, Tama ang hinala niyo. Wala talaga akong balak na sumama sa hinayupak na Ricong yun kahit next week pa! Ano ba? Baka habang sumasama ako sa kanya eh tatawag-tawagin niya lang akong flirt o di kaya malandi doon. AYOKO.

"sa party nung..."
"Ah? Yun ba? Bakit?" Tanong niya.
"Kasi, kung gusto mong pumunta kasama si Rico ehhh pwede namang... este, pwede bang ikaw na lang ang sumama sa kanya?"

She brushed her hair with her fingers.

"AHHH, yun ba?"

Hindi pa nga ako tapos! Sasabihin ko pang yung hinanda kong alibi na 'hindi ka raw kasi niya nakita kahapon eh!'

"Yun ba? Eh, kasi tinanggihan ko na siya eh. May umimbita na kasi sakin." She looked away.

HA? Eh yung sinabi ni Rico eh di daw niya nakita si Sandy kahapon eh. Alin ba ang totoo? Atsaka, akala ko ba gusto na ni Sandy si Rico, kaya niya palang tanggihan?
Alin ba ang totoo? Yung kay Rico o kay Sandy? Nakuuu, si Rico talaga! Sinasabi ko na nga ba! Panakip butas lang ako, second choice, pantakip ng pride! BUWISIT TALAGA.

Nakakainis isipin. Lalo na pag ganitong wala na talaga akong alam sa mga ginagawa ni Rico at Sandy? Ano ba talaga?

"Okayyy, I need to group you for this assignment!" Sabi ng professor ko.

Kanina pa ako balisa dito sa classroom namin. Iniisip ko lang kung alin sa mga alibi ang totoo. Feeling ko tuloy nagiging detective na ako sa mga iniisip ko. Kailangan ko ng mga ebidensya.

"...then... Alonzo and Francisco..." Sabi ng Prof ko.

Ano daw? I heard my family name.

"Okay! Got that class? I'll get it next meeting! Kailangan makipag cooperate kayo sa partners niyo ah? It's a bit hard kasi... Okay, that's all for today!" Umalis na siya at nagkawatak-watak na ang klase.

"G-gette!"

I'm waiting for somebody to say... "Ako ang partner mo." I looked at him at muntik ko ng maitanong kung sino siya.

Kung hindi ko lang talaga nakikilala ang mga boses niya... "Ikaaaw? Aaron?"

I caught Hiro's attention kaya lumapit siya.

"Aaron, exchange na lang tayo ng partner. Ayaw ni Gette sayo."

VERY GOOD! PLEASE?

"P-pero."

"Hiro. Tayo na! Akala ko ba dinivide na natin ang mga gagawin?" Sabi nung partner ni Hiro.
Then he looked at me.

*Puppy eyes*
*joke*

"Okay lang Hiro, sige na."
"Pero, Gette..."
"Okay lang talaga!" Sabi ko.

Gosh~! For the first time in my entire playgirl life. Ngayon lang ako naguilty. Kasi, si Hiro lagi kong inaasahan kahit na ilang beses ko na siyang sinaktan.

"Okay lang talaga, Hiro. Promise!" I smiled fakely.

Umalis sila kasama ang partner niya. Umalis na din ang iba kasama ang partner nila.

"Ba't ba kailangang may partner? Tsaka, nerd ka naman diba? Kaya mo na yan!"

Goodness. I`m not in the mnood to be disturbed with my cases... Astang detective na talaga.

Nagpunta ako sa CR at malalim parin talaga ang iniisip ko. Of course, masaya ako dahil inimbita ako ni Rico. Pero, makokompleto lang ang kasiyahan ko kapag malaman ko ang totoo at ang tunay na mga dahilan sa mga bagay-bagay.

Umalis ako sa CR ng mas mapayapa sa pagpasok ko. And damn, hulaan niyo kung sino o sinu-sino ang nakita ko paglabas ko!



[STEP #45] Bridgette Reah Francisco: He didn't kiss me!




Nagtago ako sa pintuan ng CR dahil sa labas, nakita kong naghihintay si Aaron di kalayuan sa CR, at may kausap siya. I peeked to see.

"Si Rico?" I whispered.

I listened. Narinig ko ang malakas na lagapak ng likod.

"Wa'g ka ngang lumapit kay Gette!" Rico whispered to Aaron.

Ano `to? What happened to Rico? Magpapakita ba ako dito or what? OMG, pakiramdam ko nangyari na to noon. Kaya lang, si Hiro yung nagsabi nun at si Rico naman yung pinagsabihan.

"HAHAHAHAHAHA." Tumawa si Aaron. "Com`on Enrico Gonzales!"

Sumilip ako at nakita kong nakangisi si Aaron.

"She hates you! Tsaka, bakit ba? Crush ko siya simula nung high school at alam mo yun diba? Kaya lang masyadong maraming nakapaligid na mga lalaki sa kanya!"

WHAAAAAAAAAAAAAT~!? Okay...

"Ano bang balak mo?" Tanong ni Rico habang hinahawakan ang mga kwelyo ni Aaron.
"Wala naman, nakikipagkaibigan lang! Bakit? Ikaw? Anong plano mo?"

Hindi na ako sumilip. Natatakot ako sa mga nangyayari. Ilang sandali ang nakalipas, napag-isipan kong lumabas na to steal the scene.

They both looked at me.

"Aaron, lika na!" Hindi ako makatingin kay Rico. I'm pretending that I didn't hear anything.

We left him alone.

"G-Gette."

Tama kaya yung ginawa ko? Ano ba kasi yung mga ibig sabihin ng mga pinag-usapan nila? tsaka, umamin si Aaron na crush niya ako since high school.

"G-gette..."

"H-Huh?" Wala pa ata ako sa pag-iisip!
"Okay ka lang ba?"
"O-Oo."

Napabuntong hininga si Aaron.

"Mag kaibigan kayo ni Rico?" I asked.
"Uh, magkakilala lang sa high school... why?"
"Wala lang, nag-uusap kayo kanina eh." I smiled fakely.

Tumango siya.

"Galit ka sa kanya?" Tanong niya.
"Paano mo nalaman ang about sa Producing a Prince?" I asked and ignored his question.

"Ah, I overheard it from someone." Sabi niya.
"HAH?"

Anong someone? I mean, sino? Si Rico? Si Sandy?

"Idunno, basta. If you heard our talk kanina, sinabi kong crush na kita simula highschool. Kaya I know a lot about you. And I'll do everything to be updated."
"What are you? A stalker?" I said. YES, I'm accusing him.

"HEHE, Hindi naman sa ganun. I admire you a lot, Gette." His face is getting closer.

TEKA-TEKA-TEKA. Sa mga asta niya simula kanina, nakakalimutan kong NERD siya! Or is he really a nerd????

He is getting really closer as if he is going to kiss me. THEN HE CLOSED HIS EYES. I pushed him away but he held my arms. I CAN'T MOVE.

"So yan ang plano mo?" Nakawala lang ako pagsabi ni Rico nun.

OMG. OMG.

"Sh1t." I don't know how I'll react.

I'm a bit shocked with Aaron.

"I'm sorry, Gette. Na carried away ako sa pagco-confess ko sayo." Sabi ni Aaron habang linalagay ang kamay niya sa kanyang noo.
He looked regretful. I can actually forgive him! No, hindi ko siya gusto. Pero, come on, I'm a playgirl and I know every NORMAL guy's feelings.

"Gette, di ka man lang nanlaban?" Sabi ni Rico habang hinila ako malapit sa kanya. "Diba sabi ko sayo na wag kang lumapit sa kanya?"

I can't react. Nabastos ako sa ginawa ni Aaron. Pero I don't know why I feel like it was nothing for me. I mean, hindi niya naman hinalikan talaga. ARGH. Am I this girl? Ano ba naman ako? I just couldn't react dahil nabigla ako sa mga sinabi niya at sa asta niya.

"I'm sorry! I didn't mean it, Gette." Sabi ni Aaron.
"O-Okay lang." I feel like cheering him up in front of Rico.

"Anong okay?" Rico wiped my lips.

I pushed his hand away.

"He didn't kiss me!" Sabi ko.

I heard my heart beating really fast.

"Aaron, ito ba ang balak mo?"
"I said he didn't kiss me!" Sabi ko ulit.
"Ikaw naman, Gette. Don't stick with him. Masyado ka ng malandi!"

HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~!

Ang sarap-sarap-sarap-sarap niyang sabunutan at lahat lahat na. At sana, suntukin niya na rin ako. Kasi habang tinatawag niya akong malandi I can hear my heart beating louder than his words.

Nag walk-out ako. :'(






[STEP #46] Bridgette Reah Francisco: Heller, anong espesyal?



"Gette, may damit ka na ba para sa Hearts Festival?" Tanong ni Sam.

Pinaalala niya sa akin ang isang bangungot! Bukas na pala iyon. Mag-iisang linggo na kaming hindi nagkikita ni Rico simula nung tinawag niya ulit akong malandi.

"Marami naman akong damit sa bahay." Sabi ko.
"Pero, that's not an ordinary occasion!"
"Duh! Hindi na nga siguro ako sasama."

Oo, tama. Yun nga ang binabalak ko. Para naman matuto yung punyetang yun!

"Ano? eh? That's good!" Anya said.
"Huh?"
"Oo nga naman! Para makalimutan mo na siya. He's such a monster! GOODNESS." Sabi ni Sam.

Napailing ako.

"Yeah, kinalimutan ko na siya."
"HAHAHA~! Don't make me laugh."

Napatingin ako sa likod dahil tumigil sila sa katatawa. I thought it was Rico, pero...

"G-gette," I saw Aaron.

Ilang sandali, Sam and Anya left the two of us. May pasok ang dalawang yun kaya kami lang ni Aaron ang nakaupo sa bench sa harap ng soccerfield.

"Inimbita ka na pala ni Rico?"
"Oo."
"A-akala ko ba galit ka sa kanya?"

I looked at him straight in the eyes.

"Oo."
"Ba't ka pumayag?"
"Pumayag ako, pero di ibig sabihin nun, sasama ako sa kanya!" I rolled my eyes.
"AAHHHH." Tumango siya. "Kung hindi ka sasama sa kanya, ibig sabihin pupunta ka dito sa school sa Hearts Festival?"

I looked at him straight in the eyes again. Ano na naman ba ang ibig niyang sabihin? Nahihiwagaan na talaga ako sa kanya.
Crush niya ako nung highschool? Eh, I guess I'm not that popular in highschool! Tsaka sa college lang ata nagdagsaan ang mga manliligaw ko... Anyway, I just don't get him or the thought.

"I don't know."

May narinig akong footsteps sa likuran ko kaya lumingon ako, OMG, tinatamad na ako sa mga ganitong pangyayari. Andito na naman si Rico.

"O ano? Malandi na naman ako kasi nag-uusap kami ni Aaron?" I rolled my eyes.

Inunahan ko na siya. Bahala na...

"Rico, kung a-andito ka na naman para insultuhin si Gette, umalis ka na lang!"
"May sinabi ba ako?" Tinitigan niya si Aaron.

Nagkatitigan ang dalawa and GODDAMN, I'm trapped in this scene. Nakita ko si Hiro kaya...

"PWEDE BAH! WAG NIYO NGA AKONG ILAGAY SA GITNA NG AWAY NYO. Kung gusto niyo ng away. Diyan na kayo!" Iniwan ko sila and I went straight to Hiro.

Gusto ko lang namang makipag-usap sa kanya. Nag-usap kami, pero di ganun ka taas yung oras namin para sa isa't-isa. Nalaman kong may umimbita sa kanya sa Party ng Medical Department at mukhang magkikita kami buksa. Maaga akong umuwi dahil kailangan ko pang isipin kung sasama ba talaga ako kay Rico bukas o sasama na talaga. LOL

"May tae o!" Narinig ko si Rico.

Napatalon ako dahil akala ko may tae nga sa dinadaanan ko. Nakarating na ako sa bahay at sa garden pa lang [bago makapasok sa bahay] may sumalubong ng GAG0.

"Sh1t..." I said.

Tiningnan ko ang bahay namin.

"Wala na naman ba si Mama at Papa?" Tanong ko.
"Nandiyan naman sila." Nakangisi siya habang tinitingnan akong nakayuko at naghahanap ng tae.

"Ang arte mo!" I looked at him.
"Kung ikaw makaapak ng tae, di ka ba mandidiri?" Sarcastic.
"Hmmm, hindi siguro. Lagi ko nga yang nakikita sa ibang laboratory subjects ko eh."
"AAAAAAAAAH. Oo nga pala, doktor ka nga pala noh? O sige, sayo na ang lahat ng tae sa mundo okay?"

Aalis na sana ako sa harapan niya, pero... "Ba't ka nga pala andito?" Tanong ko.
"Andito ako para ipaalala sayo na bukas na ang party at i-checheck ko kung talagang dadalo ka bukas."
"Dadalo ako bukas, kaya pwede ka ng umalis!"

"Gette... RICOOOO... Halina kayo!" Sigaw ni Mama galing sa loob. "KAKAIN NA TAYO."

Rico smiled.

"Panu ba yan? Kakain na daw tayo, Gette."

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~!

Pinaglaruan ko ang pagkain sa harapan ko. Kaharap ko rin sa mesa si Rico kaya mas lalo akong nawalan ng gana.

"So, Gette, may damit ka na ba para bukas?" Tanong ni Papa.
"H-huh? Ahhhh.."
"Ba't di mo sinabi sa amin ng mas maaga? Dapat sana dinagdagan ko yung pera mo para bumili ka ng damit!" Sabi ni Mama.
"M-marami naman akong damit."

I saw Rico smiling. EVIL SMILE? Kelan pa siya naging EVIL?

"Pero dapat espesyal yun!"
"Heller, anong espesyal? GOODNESS. Masyado naman kayong WEIRD."
"Dapat fairytale like."

Nakita ko si Rico na pinipigilan na ang sarili sa pagtawa.
MY PARENTS ARE DAMN WEIRD. Nakakahiya na!!!






[STEP #47] Bridgette Reah Francisco: Finish your business with each other


"Gette. tapos ka na?" Sigaw ni Rico galing sa labas ng kuwarto ko.
"Sh1t ka naman o! Kita ngang kapapasok ko pa lang sa kwarto ko para magbihis eh, ba't ba atat ka?" Sabi ko.

ARGH. Hindi pa nga kami nakakaalis sa bahay o nakakatungtong sa sasakyan niya eh nag-iinit na ang ulo ko.

Naririnig ko ang pabalik-balik na lakad niya sa labas ng kwarto ko.

"Rico, pwede ba? Nakakabanas ka na!" Sabi ko.
"Sigurado ka bang ayaw mo ng make-up artist o stylist?" Sigaw niya galing sa labas.

I stopped combing my hair to answer him.


"Like duhhh? Ano ba, marunong naman akong mag make-up eh. Tsaka, hindi naman `to importante."

Hindi siya sumagot....

BAHALA SIYA.

HUUUUU. Tinatakot pa ako, hindi parin nagsalita.

Binilisan ko ang pagbibihis at pag-aayos. Ang ganda pala ng venue ah? Sa garden pa ng isang five-star hotel. Kaya pala sobra ang insecurity ng ibang department.

"Tapos na ako!" Sabi ko habang pinagmasdan siyang naka upo.

Nakaitim siya at nakakunot ang noo. Bigla kong naramdaman na nagiging awkward ang moment dahil nakaupo lang siya at nakatitig sa akin.

"We're late." Sabi niya habang nakatitig sakin.

I can't even look at him. Makalipas ang halos isang minutong pagkakatunganga niya sa akin...

"Ano ba, Rico! I know that I'm that beautiful. Ano? Nagbago na ba ang isip mo na gawin akong date? Baka pagkaguluhan ako dun!" Biniro ko siya dahil hilong-hilo na ako sa mga titig niya.

Tumayo siya at lumabas ng bahay. Hinagis-hagis pa niya ang susi ng kanyang kotse.

"Bilis na, Gette~!" Sigaw niya.

For some reason, I felt like he likes me. LOL. DREAM ON.

And now, we are ready to go. Walang tao sa bahay, ewan ko kung saan na naman ang field business ni mama at papa. Nananadya ata ang dalawang yun eh. Kaya pagkatapos ng partyng ito, si Rico na di umano ang bahala sa akin. HUWALANG HIYAAAAAAA~!

"Start na!" Sabi ko habang nakatunganga siya at nakaharap sa manibela.

He started the engine. Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na kami.

And OMG, the hotel was really really nice. Lalong lalo na sa garden na puno ng mga medical students at mga date nila. And everything has started. WE WERE LATE.

"Kasalanan mo `to!" Daing niya.
"Tssss. Ikaw nga yung nakatunganga kanina!"

Then I saw Hiro. He smiled at me kaya kinawayan ko na.

Bigla niya akong hinila.

"T-teka, ano ba?"

Nakaharap ko ang isang mukhang mayaman na lalaking kasing tanda ni papa at babaeng mukhang matalinong kasing tanda naman ni mama.

"this is Gette." Sabi niya.

AND LIKE everyone in the party is congratulating him. To the point na mukhang ma e-etsepwera ang beauty ko.

Umalis na ako dun sa kanila at nagpunta kay Hiro. DUH? Wala naman akong kilala sa Medical Department. But I know that they know me. And everyone is looking at me, lalong lalo na nung naglakad ako sa gitna para lang maabot ang table kung asan si Hiro kasama ang date niya.

"Hiro, at last, may kilala ako." Sabi ko.
Ngumiti siya.
"Kayo na?" Tanong niya.
"Di ah?"
"Huh? Why not? For what reason did I gave you up?"

ZOMG. Hiroshi naman, not now!

"Kidding! Nagtataka lang naman ako. Bakit ang tagal?" He smiled as he glanced at his date chatting with other girls.
I shrugged.

"Oh, he's invited? The nerd?" Nakatingin si Hiro sa likod ko and there I saw Aaron.

WTF? He's invited? Someone invited him?

Kumaway lang si Aaron sa akin habang kasama niya ang kanyang date.

"Now I remember, he's that guy!"

O.O

"Huh? Sino?" Tanong ko habang nakatitig si Hiro kay Aaron.
"Kaya naman pala mukhang pamilyar siya sa akin nung una. Pero hindi ko siya na identify kasi NERDY yung style niya nun."
"What do you mean?"
"Yung school nila noon sa highschool eh katabi lang nung school namin sa high school. He is the top of their class. But he is not a nerd. Tapos, before the 1st sem ended, may dumating daw galing Australia na mas matalino pa sa kanya." Sabi ni Hiro.

Could that be, Rico?

"Gette," Lumingon ako at nakita ko si Rico na nakatitig kay Hiro. "Kanina pa kita hinahanap! Lika na!"
"Hiro, excuse me!" Sabi ko.


Nabitin ako sa explanation ni Hiro. Rico naman kasi eh.

"Pinahiya mo ako." Sabi niya.
"Huh?"
"Ba't ka nawawala bigla?"

Bumalik kami dun sa mga may matatanda. Feeling ko tuloy andito si mama at papa kung saan. Pero wala namang maiingay eh, kaya mukhang wala.

"Mom, I'm sorry to keep you waiting."

My eyes widened and Rico saw through me. Pinaupo niya ako. Andito ako, sitting beside a middle-aged man and woman that he just called... "Mom, si Gette."

Nagwala ako, este sa sarili ko lang.

"Dad," Then I saw that man smiled at me.

HAHAHAHAHAHAHAHAHA~~~~~~~~~~????

"Hello." Ano bang sasabihin ko.

Then I looked at Rico smiling ENDLESSLY na para bang naisahan niya ako o kung ano man ang gusto niyang ipamukha sa akin.

"Nice to meet you, hija!" The mom smiled.

Pagkatapos ay kinuha na lang sila ng kung sinu-sinong mukhang professionals na invited sa party at hanggang sa kami nalang ni Rico ang nasa table.

"Sh1t! Ba't di mo sinabi?? HA?"
"Ang alin?" He smiled and smiled and laughed and whaaaaat?

Someone clapped his hands. It was Aaron.

"Galing mo, Rico! Inunahan mo ako!" Sabi niya.

Nagkasalubong ulit ang mga kilay ni Rico.

"Dahil inunahan kita sa pagtatapat, naisip mong ipakilala siya agad sa mga magulang mo! And you really did that? Your parents are already separated pero na kaya mo silang i-contact just for tonight? AMAZING!"

I can feel the heat rising between the rivals.

"Who could have thought na pati pala sa babae, balak mo akong unahan!"

I don't know if I'll laugh and laugh until I die dahil sa mga narinig ko. WAAA~!
And Hiro was right, he is not a nerd! Kaya pala... kaya pala...

"You are just using her to prove that you will always be better than me, right?"

Nakita ko si Sandy sa likuran ni Aaron. Why are they gathering here?

"She is the girl that you love, right?" Habang tinuturo niya si Sandy. "Oo, talo na ako, you are the winner Rico. Pero don't you know that Bridgette likes you and she is in pain because of you? Bakit mo pa siya dinadamay?"

Feeling ko sumalpok ako kung saan and I'm shocked. Unti-unti kong nalaman na may gusto si Rico sa akin, pero unti-unti ko ring nalaman na para lang yun sa pride niya ang lahat?
WTF?

"She is n---"
"Wait." Tinitigan ko silang tatlo.

The party is still going on and other students think that nothing is really happening like this right now. Everyone is minding their business. Even Rico's motherand father.

Tinitigan ko si Sandy na parang nakalagay sa kanyang mga mata na 'ako ang gusto ni Rico.' Si Aaron na mukhang may gustong patunayan. At si Rico na mukhang...guilty?

"Wait. I am not willing to hear anything. Finish your business with each other, excuse me." Sabi ko habang pinipigilan ang sarili kong sumigaw.

Nag walk-out ako. I am sooo confused with everything.
I don't want to hear Rico's side because I'm scared.




[STEP #48] Bridgette Reah Francisco: SORRY? GAAAAAAAAAH



Naglakad na ako papalayo sa kanila. At wala ni isang pumigil sa akin. Actually, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa CR? Sa reception? O uuwi na ako?

"Gette," I saw Hiro. "Where are you going?"

He saved me again. ;)

"I see. Nag-uusap ba sila ngayon?"

Tumango ako pagkatapos kong sabihin sa kanya ang mga pangyayari kay Aaron at Rico.

"Galit yun kay Rico." Sabi niya as he smiled.
"Huh? Bakit?"
"Galit yun kay Rico dahil talo siya sa school nila noon. At mas lalo siyang nagalit dahil nalaman niya ang tungkol sa inyo ni Rico!"
"Bakit naman?"

I feel so stooopid.

"May gusto siya sayo diba? That's why he pretended to be a nerd! Dahil akala nya hilig mo ang mga nerd."

HWAAAAAAAAAAAAAAAA~!?

"Akala niya, magugustuhan mo siya kapag tulad siya ni Rico noon."

I sighed. Naisip ko tuloy yung 5th step na hinihingi niya sa akin. At kung kanino man ni Aaron yun nalaman, wala na akong pakealam. We all know that he's like a stalker kaya no wonder.

"That guy will do everything just to win. Kahit sa basketball namin noon, he crushed my face with a ball para lang manalo!" Sabi ni Hiro.
"What? he did that?" Tanong ko.
"Yeah. Kaya naman, hindi na nakapagtataka ang mga ginagawa niya ngayon. Wa'g kang mag padala sa kanya."
"Mag padala?"
"Like I said, he will do everything just to win. He's more than a badboy." Sabi niya.
"To win what?"
"To win you!"

Tumayo siya.

"Babawi pa ako sa ginawa niya sakin nung high school!"

Then he raised his wrist. OMG OMG.

"Don't tell me you'll hit him?" Sabi ko.
"Tama! Pero mamaya na. Masyadong maraming tao eh."

Ano na kayang nangyayari sa kanila doon? I wonder.
Ilang sandali ang nakalipas, nakita ko si Rico papunta sa amin.

AALIS AKO. I NEED TO HIDE.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Hiro.

Obviously, nakikita niya ring papunta si Rico sa amin.

"Mag si-CR."
"You can't hide!" Sabi ni Hiro.

Pero... ARGH.

It's too late, Rico is already in front of us.

"Excuse me." Sabi ni Hiro at umalis.

"Saan ka ba nagpupupunta! You're such an irresponsible date!" Sabi niya.

DEMN IT! I can't look at him. Ano na naman bang nangayayari sa sistema ko?

"Kanina iniwan mo ako sa harap ng parents ko. At ngayon... you've been flirting with your ex?"

I can't believe him. He is totally unforgivable.

"FLIRTING?"
"Oo."
"I can't believe you, Rico. Where is your heart? Asan na ang konsensya mo?"

I'm crying a lot now. I can't hold back my tears. I feel like my emotions are bursting out.

"Ganyan ka na ba talaga ngayon? Ganyan na ba talaga ang tingin mo sakin? HOW DARE YOU!"

I think I stunned him. He is just staring at my while I'm crying a lot here. Malayo kami sa party kaya wala masyadong nakakakita.

Suddenly, he hugged me.

O.O


"I-I'm sorry. I just..."
"Punyeta ka!" I pushed him. "Sinabi mo na ang lahat ng pwede mong sabihin pero ganun lang? SORRY? GAAAAAAAAAH"

I'm so damn angry with my self. Yung mga luha ko, ayaw talagang humupa. Kainis, Gette. Ampanget tingnan.
Then he still insisted. He hugged me, still kahit na nagpupumiglas na ako. I know I'm hurting him physically now. Kasi ayoko siyang maramdaman.

He hugged me tightly. TOO TIGHT ACTUALLY.
Para lang di ako makawala.

"I... I just want you to... notice me."




[STEP #49] Bridgette Reah Francisco: Hindi kita maintindihan!



"... notice me."


HUH? Akala mo ah? Nagpupumiglas parin ako. Wala akong pakealam kung masaktan ko siya. Tama lang yun sa kanya.

"Rico, pwede bah? Playgirl, malandi, flirt... ano pa ba ang gusto mong itawag sakin, ha?" Sabi ko.

Pinunasan ko na lang ang mga luha ko kasi wala ng pag-asa na makawala ako sa kanyang yakap. Nawalan na rin ako ng lakas.

"If you... want... to..." Sabi niya ng dahan-dahan kasabay ng mga hikbi ko.

He is whispering me those words.

"flirt. Flirt with me." he continued.

If you want to flirt, flirt with me? WTF?

"If you want to look at someone, look at me."

I'm getting nervous. Ano pa ang mga sasabihin niya?

"If you want to change someone, change me."

I'm speechless.

"And if you want to love someone, love me."

Sa wakas, huminahon na ako. Pero. Pero.... ano ba ang mga pinagsasabi niya? Is he using me? Or what?

Magkaharap na kami ngayon kaya lang di parin ako makatingin sa kanya.

"What are you talking about?" Tanong ko.

Hindi ako bobo pero kailangan kong magmukhang bobo. Tahimik lang siya at di niya pa sinasagot ang tanong ko. What is this? Umaamin na ba siya? HELL NO, ni wala nga akong narinig na 'I love you.'.
Tumulong siya sa pagpunas ng mga luha ko, pero sinapak ko ang kamay niya para matigilan na niya ako.

Tiningnan niya lang ako at pinunasan parin ang mga luha ko. Sinapak ko ulit siya pero di na talaga siya nagpapigil.

"Ano ba? Hindi ka ba nakakaintindi?" Sabi ko.

Linapitan niya pa ako at inayos ang mukha ko. Linagay niya ang mga buhok ko sa likod ng mga tenga ko.
I took one step away from him. Para lang lumayo sa kanya.

At dahil sa mga ginagawa niya at mga ginagawa ko sa kanya, mas lalo akong naiiyak. He is the man I love. At ngayon, mukhang pinagpipilitan niya ang kanyang sarili sa akin pero natatakot na ako. Siguro dahil hindi ko pa alam kung gusto niya ba ako o wala na siyang gusto kay Sandy. O baka naman dahil nga rival sila ni Aaron kaya ngayon ayaw niyang magpatalo.

"Kaya ako umiiyak ngayon eh dahil naiinis ako sayo, sa mga sinabi mo! Hindi dahil nasasaktan ako o kung ano man!" Sabi ko.

Bigla ko kasing naisip yung mga itataga ko sa diamond at lahat ng mga sinabi ko sa kanya at mga sinabi niya sa akin. Yung malandi, play girl, at flirt. Tapos naisip ko pa yung swear ko na wala na siyang pag-asa sa akin. LOL Bakit ko ba `to iniisip? Eh baka binibiro lang ako neto. Baka nga pinapaselos niya lang si Sandy eh.

"Bumalik na tayo sa party! Ba't ba tayo andito?" Sabi ko at tumayo.

Babalik na sana ako kaya lang hinawakan niya ang kamay ko.

"Dito muna tayo." Sabi niya.

Hindi naman siya nakangiti, mas mukha nga siyang galit eh.

"Ha? Eh, panu yung party? Ano na kayang nangyayari dun? Late na nga tayo tapos dito pa tayo tatambay?"
"Dito muna tayo!"

O.O
Ang mga boses niya parang merong kung ano kaya gustong-gusto kong sundin. Parang may 'command'. LOL
WHAAAT? For the first time, naging ganito ako sa isang lalaki! Parang gusto ko na lang siyang sundin. Pero, ayoko. Masyadong unforgivable ang lahat ng ginawa niya at sinabi niya.
Ngayon lang `to, uupo ako. Since he wants me to be his date, kailangan kong sumunod sa kanya.

Malayo ako sa kanya pero lumapit siya at lumayo ulit ako. ^-^

"Alam kong di mo ako gusto!" Sabi niya.
"Buti alam mo!" Sabi ko habang nakatingin sa mga tao sa party. I can't look at him. My hands are also trembling.

"Pero, simula ngayon, kailangan magustuhan mo na ako!"

Napalingon ako sa kanya at seryoso ang mukha niya.

"Simula ngayon, liligawan na kita kaya humanda ka!"





Ang tagal nag sink-in sa utak ko ang mga sinabi niya kaya mejo natagalan nga ako sa pag rereact.

"HAHAHAHA~! Ano ka mo?" Nag tatatawa na lang ako, hindi ko na naman alam kung tumatawa ako dahil maligaya ako o dahil wala na naman ako sa sarili ko. Tumayo ako para bumalik sana sa party at ng mahimasmasan at makahinga naman sa mga pinagsasabi ni Rico. Kaya lang hinila niya ng malakas ang kamay ko at napasandal ako sa bench na inupuan naming dalawa kanina. He locked me in his arms and then he looked at me straight in the eyes. He is leaning closer... and closer.

I don't want to close my eyes because I want to see him. LOL

"Liligawan kita, narinig mo ba yun? Liligawan kita."
"Anong lili-"
Bago ako makapagsalita, hinalikan niya na ako.

"Liligawan kita." Tumayo kaming dalawa at hinila niya ako sa party.

"R-Rico sandali. Hindi kita maintindihan!"
"Liligawan kita sabi, napakasimple lang naman nun ah?"

Nabunutan ako ng tinik nung pinagtitinginan na kami ng mga tao habang namamasyal sa party at habang hinahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

And now, I've never been this conscious about the possible rumors that will spread around the school about me and about him. Nakikita ko na ang mga nakatinging mata at mukhang may di kaayaayang pinag-uusapan tungkol sa amin.





[STEP #50] Bridgette Reah Francisco: Ano? Suko ka na?






Umupo kami sa table namin kanina. His mom smiled at me.

"Enrico, babalik na ako bukas." Sabi ng Papa ni Rico.
"Sure."
"Ako rin." Sabi ng mama niya.
Tumango si Rico. "Don't worry, I'm fine here!"

Tiningnan ko si Rico, and I realized how lonely he is. Kawawa naman siya, walang nag-aalaga sa kanya.
Tiningnan ko ang paligid at nakita ko si Sandy na mukhang nag-aapoy na sa galit at si Aaron na mukhang kanina pa nakatingin sa mga kamay ni Rico na nakahawak sa akin.

Ilang sandali ang nakalipas, nagsi-uwian na ang mga tao.
Pati ang mama at papa ni Rico, mukhang uuwi na rin. Napatingin ako kay Rico nung linapitan niya ang kanyang mama at papa.
Yinakap siya ng kanyang papa at hinalikan siya sa pisngi ng kanyang mama. Nahiya nga ako eh dahil ang mama niya ay nakatingin sa akin.

Nabigla na lang ako nung linapitan ako ng kanyang mama at... "Enjoy the rest of the night!" Then she smiled.

ENJOY THE REST OF THE NIGHT?
Maraming larawan ang pumasok sa isip ko. What the hell is the rest of the night!?
Umalis na sila ng tuluyan. Si Rico naman ay nakaupo lang sa isang upuan sa harap ng mesa. At, ngayon ko lang namalayan na nawala na ang ibang table na andito lang kanina nung may party pa at isang table na lang ang natira. Lumalalim na ang gabi at nakatunganga lang si Rico sa harap nung table.

"Rico, kung hindi ka uuwi. Uuwi na ako!"

Tiningnan niya ako at unti-unti kong nakita ang mga palamuti, pagkain at bulaklak sa harap ng mesa. Naririnig ko ang mga salitang binulong ng kanyang mama kanina 'enjoy the rest of the night'.

"Uhhhh." Darn, I'm speechless. Kasi naman, di naman siya nagsasalita!

Hindi ko naman nakikita sa mga mukha niya na natotorpe na naman siya dahil ibang-iba na ang mga ekspresyon niya ngayon kumpara sa mga ekspresyon niya noon.

"Hindi pa tayo kumakain diba? Kumain na tayo!" Sabi niya.
"Uhhh."

Mukhang alam ko na `to! So, tototohanin niya na yung panliligaw niya? Really? Or is he still thinking about Sandy?

Kumain kami pero wala naman akong gana. Biruin niyo, kami lang dalawa ang andito sa garden sa ilalim ng bilog na buwan? May nakita akong banda. BANDA? Oo, may dalang violin at cello at iba pang classical instruments. Parang gusto kong magsisigaw dito.

"Rico, anong nangyayari?" Tanong ko habang hindi ko na talaga maisubo ang pangalawang subo ko sana ng pagkain.

Nakayuko lang siya at kinuha ang panyo at pinunasan ang kanyang bibig.

"Rico, hindi ito ang oras ng pag-iinarte, ano to?" Tanong ko ulit.

Tinitigan niya ako at kinuha ang kamay ko. Unti-unti kong narinig ang tinugtog ng bandang nakita ko ngayon-ngayon lang. ISINASAYAW NIYA AKO.

"Rico, ano `to?"

"Liniligawan kita!" Sabi niya.
"HA~!? Tapos, ganito?" Sabi ko.

Naapakan ko ang paa niya.

"Hindi ka ba marunong sumayaw?"
"Kung ayaw mong sumayaw dahil di ako marunong edi wag na tayong sumayaw!"
"Nagtatanong lang naman ako eh." Ngumiti siya.

AWWWWW~! At ngayon ayaw ko na namang tumingin sa kanya. Alam niyo naman, di pwedeng ano... hehe... basta hindi pwede!
Unti-unti niyang naramdaman na ayaw kong tumingin sa mga mata niya kaya hinabol niya ang tingin ko. Nainis ako kaya inapakan ko ng malakas ang paa niya.

"ARAAAY!"

Patay, nasobraan ko ata.

"Sorry!" Sabi ko.
Ngumiti siya, "Tumingin ka rin!" at ikinainis ko naman iyon.
Aalis na ulit sana ako pero pinilit niyang ilagay ang mga kamay ko sa leeg niya. So there it goes again, hindi ako makatingin.

"Rico, ano ba talaga ang kailangan mo? Alam mo namang ayaw ko sayo diba? Ba't mo ba pinagpipilitan ang sarili mo?"
"Ewan ko."
"Rico, tigilan na natin to, pwede?"
"Ayoko."
"May gusto na si Sandy sayo! Hindi ka ba masaya? Tsaka, sayang naman yung mga ginawa mo noon. Diba ganito din yung noon? Under the moon in a garden?"

I`m telling him that this moments are just carbon copies of the moments he had with Sandy! LOL.

"Ano ngayon kung mahal na ako ni Sandy?" Tanong niya.
"Eh, okay yun diba?" Hindi parin ako makatingin sa kanya.

Nakatingin lang ako kung saan saan. Ito ang pinakaunang pagkakataon na nagkaganito ako sa harap ng isang lalaki! MY GOSH, ganito siguro ang feeling.

"Okay lang." Sabi niya.

OUCH.

"Okay lang naman, pero hanggang dun na lang yun."

Tumango ako.

"Tumingin ka nga sa mga mata ko!" Sabi niya.

Kinabahan ako.

"Bakit?" Hindi parin ako makatingin. Darn you, Bridgette!
"Tingnan mo nga ako! Bakit di mo ako tinitingnan? Guilty?"
"Anong guilty? Hindi ah!"
"Kapag di ka titingin sa mga mata ko, ibig sabihin may gusto ka sa akin!" Agad akong tumingin sa mga mata niya.

Tinitigan ko siya para `di na niya isiping may gusto ako sa kanya.

"Kung ganun, wala ka ngang gusto sa akin!"

NOOO~! I mean... ehem.

"Ano? Suko ka na?" Sabi ko.
"Ayoko nga."
"Bakit?"
"Mahal kita eh."

ANG KULIT NIYA.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText