<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Sign 46-50


SIGN 46~
Summer: Bitiwan niyo nga ako.





Hindi niya rin ako tinext ng dalawang araw.

"Ano ba, Aliyah!" Saway ni Nadine habang nagpapark ulit kami at papasok sa school.
"Sorry na... Imamaster ko pa yan..."
"Ilang buwan mo nang mina-master ang pagpapark eh. Malapit na ang Summer, tapos hanggang ngayon, walang pagbabago."
"Tssss." Tiningnan ako ni Aliyah. "Oy, Summer. Tulala ka na naman diyan!"

Napatingin ako sa kanila.

"Diba wala na si Lex sa school? Kaya ka siguro lonely jan no?"
I shook my head.
"Di ko na kasi alam kung anong gagawin ko..."

Nagkatininginan silang dalawa habang sa labas naman ang tingin ko.

"...ayokong masira ulit ang buhay ko."
"Edi... wa`g mong sirain! Gaga." Sabi ni Nadine.
"Oo nga..."
"Alam niyo naman diba? Alam niyong paglovelife na... lagi na lang akong nagkakamali..."

Nagkibit-balikat ang dalawa nang may dumapong papel sa mirror.

"Single mother... nilalandi ang isang teacher..."

May picture pa ng di umano`y BABAE kaso blurred. Pero alam na alam kong ako yung nasa picture! Sino pa ba ang ganun ang ayos at tinatawag na single mother? SHUCKS!

Nagsilabasan kaming tatlo sa sasakyan at binasa ang pamphlet.

"Ikaw `to, Summer ah!" Sinabi pa ni Nadine.
"Patingin!" Kinuha ni Aliyah. "OMG. Ikaw `to... Tsaka... Si Lex yata ang tinutukoy nila..."

Napailing ako.

"Ang sabi pa... kahit na umiiwas si Sir... lumalapit talaga ang malandi..."

Kinuha ko ang papel at umalis sa parking lot. Humanda yung gumawa nito`t babaliin ko ang kuko niya!

Nakikita ko na ang mga tingin at bulung-bulungan ng mga tao. Bwisit.

"Si Summer Romero yata yung tinutukoy eh."
"Oo nga... Wala nang iba..."


Hinanap ko kung saan marami ang pamphlet.

"Oh my God! Sabi na nga ba eh... Ang landi niya talaga~" Kahit mahina ang pagkakasabi nun, kilala ko kung sino yun - si Lauren!

Lumingon ako sa kanya at naabutan kong nagtatawanan sila ng kaibigan niya.

"Summer!" Tawag ni Kevin sabay hila sa braso ko...
"Ano??!"
"Totoo ba `to?"
Napailing ako.

Hindi ko na talaga siya sinagot at sinugod na si Lauren.

"Ikaw ba ang may pakana nito?" Napatayo ang mga kaibigan niya.

Nakita ko rin si Princess na hindi makatingin sakin.

"Bakit? Guilty ka ba? Tsaka... teka nga... ano ngayon kung ako? Wala namang sinabi diyan na ikaw ang pinag-uusapan diba? Ang guilty mo!" Sabi niya.

Sasapakin ko sana pero inawat ako ng mga kaibigan niya.

"Walang hiya ka! Wala kang alam kaya wa`g mo kong biruin ng ganito!"

Nakahawak parin ang dalawang kaibigan niya sa mga braso ko.

"Bitiwan niyo nga ako."

To the rescue naman si Kevin kaya nakawala na rin ako.

"Bakit, Summer? Totoo naman diba? Sino bang umalis dito dahil nakipaghalikan sa boyfriend ng iba---at kaibigan niya pa ha?" She crossed her arms. "Sa bagay... di mo naman siguro ako tinuring na kaibigan no? Kaya siguro madali lang sayo yun?"

Bwusit talaga. Feeling ko pinagpipyestahan na ako.

"Sabi ni Princess... May gusto ka raw kay Sir Lex. Pasalamat ka`t wala na siya dito... Tapos... may nakakita pa sa inyong nakasakay ka sa sportscar niya... Grabe ka naman kung makapanglandi Summer!"

Sobrang distorted na ang ekspresyon ko. Ang sarap niyang sapakin. Sobraaa. Sobraaaa talaga!

Tiningnan ko si Princess at di siya makatingin sakin.

"Siguro may relasyon kayo ni Sir Lex no? Wa`g mo nang ideny! Di naman kasi yun shocking news kasi ganyan ka naman simula`t sapul diba?"

*SLAPPPP*

180 degrees yung slap na yun kaya talagang nadapa si Lauren.


SIGN 47~
Summer: nilalandi ko ang substitute prof namin.







"Summer, tama na!" Awat ni Kevin. "Nasa school tayo."

"Ikaw, bwusit ka! Wa`g kang magsalita na parang alam mo ang lahat huh!" Sabay turo ko kay Lauren na hanggang ngayon ay di pa nakakatayo.

Pinunit ko lahat ng pamphlet na nakita ko. Tinapon ko na rin yun kay Lauren.

"Ano? Masaya ka na... dahil nasira mo na ang pangalan ko?"

Nagwalk-out ako. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Sumunod naman si Kevin sakin.

"Summer-"
"Kev... Tama na muna please..." Sabi ko.

Kaya lang sinundan niya parin ako.

Hinarap niya ako.

"Summer, ano bang tinatago mo? Ano ba ang relasyon mo kay Sir Lex?" Yinugyog niya ang braso ko.

Tahimik lang ako at tinitingnan ko lang si Kevin.

"Sagutin mo ko, Summer. Ano ba talaga ang nangyayari?"
"It`s none of your business." Sabay tingin ko sa kawalan.
"Summer, mahal parin kita... kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari sa`yo! Kung di mo na ako mahal, pwes mahal kita and I care for you!"

Napatingin ulit sa kanya.

I guess... wala na akong kawala. Sinabi ko kay Kevin ang lahat. Lahat lahat... Para matahimik na siya. Iniwan niya na lang ako sa bench na kinauupuan namin pagkatapos kong kinwento ang lahat. Ayun, nawalan ba ako ng kaibigan?

May dumapong pamphlet sa tabi ko, pinunit ko naman...

"Nawalan na nga ng kaibagan, nasira pa ang image ko..." I sighed.


"Miss Arianne Summer Romero, please report to the DSA as soon as possible." Yun ang narinig ko sa buong eskwelahan.

Nagkagoosebumps ulit ako. Bakit na naman ba? Ano na naman ba ang mangyayari?

Ang dami kong naisip na posibilidad at dahilan sa pagpapatawag sa akin.

Ang pinaka ayaw ko nang isipin ay ang ipa-expel ako. Hindi ko na yata kaya yun. Kung ipaexpel ako, may tatanggap bang school sakin? PAANO NA YUN?

*tok-tok-tok*

Kumatok ako sa DSA office at binuksan ang pintuan.

Nakita ko doon si Princess, Lauren at dalawang Discipline Officers ng school namin.

"Pinatawag niyo raw po-"
"Siya po... siya po yung nang iskandalo sa amin kanina." Sabi ni Lauren habang tinuturo ako.

Ano? Napaupo ako sa harap ni Lauren.

"Ano? Anong pinagsasabi mo?"
"Ms. Romero. Bakit mo naman yun ginawa? Nakipagsampalan ka raw..." Sabi ng isang discipline officer.
"P-Po? Hind- I mean..."
"One week na lang at finals na... Nakita ko sa records mong binagsak mo ang lahat ng subjects mo last year... tumigil ka ng isang sem... at ngayon, maayos naman ang standing mo sa klase, except for this incident. Bakit?"

Napasinghap ako... Kung alam niyo lang! GRRRR.... :(" title="Angry" class="smiley" border="0">





"Di mo ba naiisip na pwede naming i-suspend ang final exams po as punishment?" Tanong nung isang opisyal.
"P-Po? Wa`g po."

Napatingin ako kay Princess na hanggang ngayon eh walang kimi sa tabi ni Lauren.

"Kung ganun... ano ba talaga ang nangyari?"
"K-Kasi po... si Lauren!" Tinitigan ko si Lauren. "Pinakalat niya through pamphlets na may anak na daw ako at nilalandi ko ang substitute prof namin."

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Lauren.

"Totoo ba yun?"
"Totoo po. Totoo naman kasi yung mga sinabi ko eh."












SIGN 48~
Summer: di na bumabalik yung tao!




"Anong totoo? Hindi po. Sige nga... anong ibidensya mong may anak ako?"
"I did not say anything like that. Ang ibig kong sabihin ay totoong nakikipaglandian ka sa kay Prof Lex, diba Princess?"

Tumango naman si Princess. Pucha!

"See?"
"Hindi po totoo yun."

Tiningnan ako ng dalawang opisyal.

"Hindi po totoo yun!"

Grabe... Grabe... Kinakabahan na ako.

"Kung hindi yun totoo, eh ano `to?" Sabay abot sa mga opisyal ang lagpas sa limang litrato namin ni Lex.

Yung nasa library... Yung hinabol niya ako with the balloon... and etc. SHET!

"Ano `to?" Sabay abot ng discipline officer sakin.

Bahagyang nakangiti pa si Lauren sakin.

Napapikit ako, "This is a misunderstanding..."
"Kailangan naming ipatawag yung substitute professor na ito..."

"Wa`g na po!"
"Bakit? May tinatago ba kayo?"

Nagkatinginan sina Lauren at Princess.

"O sige! Ano naman ngayon kung may relasyon kami?" Bwusit! Kainis na mga taong `to.

Expel na kung expel! Sira na naman buhay ko. Pucha naman talaga `tong mga taong `to.

"May gusto siya sakin kaya hinabol niya ako... Ganun lang yun... At ano naman ngayon kung ganun nga?"

Tiningnan ako ng dalawang opisyal. Ewan ko ba kung nabigla sila o namangha sila sa sinabi ko.

"Happy now?" Sabay tingin ko kay Lauren at Princess.

Lalong lalo na kay Princess! Siya yata yung naglaglag sa akin dito.

"Ano naman ngayon? Bakit? Siya pa ba ang prof ko? di na diba?"
"Okay... Miss Romero. we`ll have to contact Mr. Santos, come back here this afternoon."
"Sir, wa`g na po!"
"We need to contact him! Para malaman natin kung nagsasabi ka ba ng totoo."

Umismid ako nang lumabas na kami sa office.

"Ano Lauren, Princess? Masaya na kayo?"
"Oo!" Sagot ni Lauren sabay tawa.

Ang peste talaga ng babaeng `to.

"Ano ba talagang problema mo, Lauren? Galit ka parin ba dahil ako ang dahilan ng paghihiwalay niyo ni Kevin?"

Nakangiti parin siya habang nagkikibitbalikat.

"Ikaw naman, Princess? Anong problema mo sakin, huh?"

Di siya umimik.

"Bagay lang yan sa`yo dahil malandi ka..." Sabi ni Lauren.
"Kung bagay `to sakin... Eh ikaw? Bagay lang sa`yo yung nangyari sa`yo noon dahil napaka suwapang mo!"

She slapped me. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">




"Sige pa! Magalit ka pa! Guilty ka lang eh! Ipagpatuloy mo yan, Lauren! Para lalong di ka na balikan ni Kevin... Kung tutuusin, sayong sayo na siya eh... kahit ngayong andito na ako. Pero dahil sa ugali mo, di na bumabalik yung tao!"

Umalis na ko. I didn`t bother to slap her back. Wala na akong time para makipag-away muli sa isang bitter na tulad niya.



SIGN 49~
Summer: He denied me.








Sa labas pa lang ng office, may kakaiba at pamilyar na amoy na akong naaamoy.

Sa labas pa lang, may aura na akong nahahagilap.

"Andito na si Ms Romero..."

Pumasok ako sa DSA office. Nakita ko si Princess, Lauren, TATLONG DISCIPLINE OFFICER, Ang Prof namin sa Philo at syempre... Si Lex.

OMG! Eto ang pinakaunang pagkakataong nagkita kami simula nung nagtalo kami sa restaurant.

Nagkatinginan kami. I looked away. I don`t know if he did too...

"Mr. Santos.. Kilala mo ba si Summer Romero? Estudyante mo siya nung substitute ka diba? Sabi ni Ms Lauren Garcia, may relasyon daw kayo ng estudyante mo... totoo ba ito?"








Kinabahan ako ng sobra-sobra.

Kung sasabihin ni Lex na meron, masisira ako. Kung sasabihin niyang wala... hindi niya naman siguro ako ide-deny... diba?






















"Wala."




DIBAAAA?

"Wala po kaming relasyon." Straight ang tingin niya sa discipline officer.

WHAT?















OKAY! :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

WHAT? :-[ :'( :-\ :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

















Pati yata sina Lauren ay nabigla.

"Ganun naman pala eh..." Sabi ng Prof namin. "Edi walang problema. Simpleng cat fight lang yun ng mga estudyante."

Tumango ang discipline officer.

"Kung ganun, ano `tong mga larawan na ito?" Sabay abot sa mga larawang galing kay Lauren.

"Binigay ko lang po yung balloon para sa pamangkin niya. At nakipagkwentuhan lang ako sa library."

Panay ang titig ko kay Lex kahit di siya makatingin sakin.

"Wala po kaming relasyon. We hardly know each other." Dagdag niya.

Tumango ang tatlong officer.



BAKIT LEX? Anong nangyari? Anong nangyayari? :'(







Natulala ako sa mukha ni Lex. Hindi ko namalayang napaluha ako, agad ko `tong pinunasan habang wala pang nakakahalata.



"Okay, you can now leave... except for Ms. Romero..."

Umalis si Lex nang di man lang tumitingin sa akin.

Umalis na rin ang prof ko, kasama sina Lauren at Princess.

Tulala ako sa kinauupuan ko habang nakakaharap ko ang mga opisyal.

"Are you trying to destroy someone`s name, Miss Romero?" Tumaas ang tono ng boses ng opisyal.

Oo nga! Pinoprotektahan ba ni Lex ang kanyang pangalan kapalit sa akin? Ganun ba yun?
Sa bagay, sino nga ba naman ako para protektahan niya kapalit ang dignidad niya bilang tao?

Ang tanga tanga ko talaga. Syempre... di niya kayang sirain ang pangalan niya para sakin.
Syempre... sino ba ang gagawa ng ganun para sa aking ang selfish-selfish?

Napahagulhol ako sa loob ng office kahit di ko pa sinasagot ang tanong nila.

"You ALMOST brought someone`s name in vain! Do you think that`s good? Masisira ang pangalan ni Mr. Santos kung hinayaan ka naming magsalita kanina without calling his attention!"
"Sir-" Hinihingal ako habang humihikbi.
"What do we do now? Suspend you from the classes? Suspend you from the final exams? Expel you!?"

Hikbi parin ako ng hikbi.



Hindi ko na alam kung bakit ako umiiyak. Dahil ba nadeny ako ni Lex? Dahil ba nasaktan ako sa sinabi niya? Dahil ba natatakot ako sa mga sinasabi ng discipline officers? Bakit kaya? Siguro dahil lahat yata ng pagkakamali ng mga ex ko ay nagawa ng taong pinakamamahal ko - hindi ko pa yun inaasahan.

Natatakot na akong... masira ulit ang buhay ko. And the root cause of this things right now... is LOVE... again...

This is the greatest... and the worst... destruction of my life ever.

And Lex was the greatest... and best... love I have ever found in my entire life.

He cheated. He lied. And still, I`m loving him now.

Pero sobra sobra na yata `to. If I want a peaceful life, I should give up something great. And that is... him.










Hindi ako pumasok sa klase. Kahit next week na ang finals, di ko na ininda yun. Ayokong pumasok dahil kahit sa mismong corridor namin ay marami ng nakikiusisa sa akin, paano kung papasok pa ako sa room.

Nakasalubong ko si Kevin, di niya ako pinansin.

Argh! :(

Tapos, sina Nadine at Aliyah.

"Summer, saan ka pupunta?" Napatingin sila sa bandang likuran ko. "4pm na ah. Diba may pasok ka pa?" Tanong ni Aliyah.

Napatingin din ako sa likuran, I saw Lex`s sports car.

So, he`s still here. Tamang-tama. Lalabas ako sa school na `to. Sana makulong na siya dito at magpakasaya dahil hindi tuluyang nasira ang dignidad niya. That`s not sarcasm, okay? :(

"Di na muna ako papasok. I`ll be fine." Linagpasan ko silang dalawa. "He denied me." Dagdag ko.



SIGN 50~
Summer: I LOVE YOU, LEX ANDREW SANTOOOOOS!







Umalis na ako sa school. Pati yata security guards eh kilala ako dahil panay ang titig nila sa akin. Kulang na lang akusahan nila akong nag-iwan ng bomba sa loob ng school.

Napaupo ako sa isang tagong coffee shop - at talagang sa pinakaside pa nito para walang makapansin. I faced the wall and I stared on my phone.

*KRIIIING!*

Gette`s calling.

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

"He-llo Gette?" Napahikbi ako.
"Summer, are you okay? Nalaman ko kina Aliyah na-"

Narinig niya ang paghikbi ko.

"Gette, di ko na kaya. I give up."
"Shhh. Summer?"
"I give up with Lex! He is one of those guys..."
"Bakit? Anong nangyari?"
"He denied me. Napahiya ako. Nasaktan ako." Sabi ko.

Di ko na narinig ang boses ni Summer. Mukhang hinayaan niya na lang muna akong umiyak.

Ilang sandali, nagsalita siya...

"Summer, tahan na. Umuwi ka na lang muna sa inyo. Pupuntahan kita diyan. Tsaka, the thing about your school... lumipat ka na lang ng school. Okay?"

Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.

"W-Wait... Asan ka ba? Umuwi ka na muna. I promise, I`ll go there. Rico will drive for me."
"Okay, Gette." :'(

Binaba ko na ang phone ko at nag-isip kung uuwi na ba talaga ako.

Kaya lang, naabutan ako ng 6PM sa coffee shop na iyon. Gabi na sa labas at dumarami na rin ang tao dito.

Lumabas na ako sa coffee shop para uuwi na sana. Kaso, wala akong mahanap na taxi dito at kailangan ko pang maglakad papunta sa sakayan ng jeep.

*Krrrriiing!*

Kinilabutan ako nang nakita kong si Lex ang tumatawag. Pinatay ko ang cellphone ko at naglakad patungo sa sakayan ng jeep.

Gabing-gabi na. Busy ang mga taong nakakasalubong ko. Ang sakit na ng mga paa ko. Ang sakit na rin ng puso ko. Feeling ko, eto na yata ang time na pinakanabigo ako.

A yellow lamborghini parked at the jeepney stop. Agad akong nag panic at gusto kong tumakas.

Pero agad naman lumabas yung driver para hilahin ako.

I slapped him. I slapped Lex.

Hindi siya agad nakatingin sakin.

"Okay! I`m sorry. Hindi ako galit sa`yo." Sabi ko habang nararamdaman na naman ang pagpo-produce ng luha ng mga mata ko. "Alam kong... wala naman talaga akong halaga sa`yo. At kasalanan ko kung ba`t pa ako umasa. Just leave me alone. Don`t just pull me when you want to!"



Tinalikuran ko siya pero hindi ako makapagwalk-out dahil hawak parin niya ang braso ko.

"Lex! Tama na. Please." Umiiyak na ako ng todo ngayon.

Umamba siyang pupunasan ang luha ko pero sinapak ko ang kamay niya.

"Ano, Lex? Kaya mo ba ako dineny kanina dahil gusto mo lang makuha ang last sign?"
"NO!" Sabi niyang bigla.

Umiling siya.

"No!"

Tulala siya sa kawalan.

Binawi ko ang kamay ko.

Hinawakan niya naman ang magkabilang braso ko.

"I told you, I will never do anything like that. Hinding-hindi ko ko-kumpletuhin ang signs dahil ayoko sa sign na yun!"
"Then why did you deny me? Para masaktan ako?"
"I denied-"
"Oh yes! Of course, sorry Lex." Iniba ko ang tono ng boses ko. "Sorry. Alam kong masisira naman talaga yung pangalan mo kung hindi mo yun ginawa. Pero... nasaktan ako. I`m sorry."

Nagtangka ulit akong bawiin ang mga braso ko sa pagkakahawak niya pero masyado `tong mahigpit.

"I denied you because I thought it was the best thing I can do for you. Kung inamin ko bang gusto kita, anong mangyayari sayo? Aakusahan kang malandi? Tapos, maeexpel ka? I would never let that happen."

Natigilan ako.



"I told them everything." Tinitigan ko siya.

Nakikita ko sa mga mata niyang pinipigilan niya ang mga luha niya. Naalala kong mejo iyakin siya dahil nung nasa resort pa kami, umiyak siya sa harapan ko.

"Sinabi nila, sinungaling ako... dahil gumagawa ako ng istorya. I-I know, I`m not blaming you. I blame myself for being so stup1d!"


Bigla niya akong hinalikan. Unti-unti ko yatang nakalimutan na nasa kalsada kami, di man sa gitna, may mga tao paring nakakita.

"That`s enough, Summer."


Umiyak parin ako kahit pagkatapos ng halik niya.

He looked so weak right now. And I pretended that I`m strong and firm.


"I love you so much." Sabi niya. "Narinig mo naman siguro ako diba, I love you... I`ve never been this selfish in my life, and it scares me. I love you too much to let go."

Nagtangka ulit siyang punasan ang luha ko pero sinapak ko na naman ang kamay niyang paparating sa pisngi ko.

I would never let him complete the signs.

Though, I`m in love with him too.

"Kahit kailan, di ko pa naramdamang ganito ako ka desperado sa isang babae. Sa isang babae pang katulad mo na ayaw na ayaw ko noon. You stomped on my ego, you are hurting me physically... and emotionally. Kung ibang babae ka, siguro matagal na kitang iniiwas-iwasan. Kaya lang, ano `tong ginagawa ko? Sinasadya ko ang lahat para lang makita ka ulit."

Umiyak pa ako lalo habang pinapakinggan ang eksplenasyon niya.

Para kaming mga gag0 dito sa kalsada, nagdadramahan.

"And now, narealize kong..."

Kinabahan ako. :'(

"Narealize kong... dahil sa pagiging selfish ko, dahil sa pagiging desperado ko... nasasaktan na kita. I`m sorry."

He hugged me. :'(

Pumiglas ako pero wala na akong lakas para makawala sa hipit ng yakap niya.

"Please, tell me you love me!" Sabi niya habang tinitingnan ang lumuluhang mga mata ko.

And for the third time, he tried to wipe away my tears, but I did not let him again.

"Alam ko. I ruined your life. I`m guilty. Alam kong importante sayo ang pag-aaral mo."

Tulala siya habang umiiyak parin ako.




"Do you think you`d be better off without me?" His voice broke.

Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Mahal ko siya. Mahal na mahal-


"I think you`d be better off without me." Yumuko siya at yinakap ulit ako. "Pasensya na kung masyado akong makasarili. Go on with your life now."

Tiningnan niya ako. It was like he was seeing me and looking at me for the last time.

He sighed.

Tinalikuran niya ako. Umiyak ako lalo. Tinalikuran ko na rin siya. Hindi ko kayang makita ang sportscar niyang tumakbo sa kabilang direksyon sa tinatahak ko.

I was crying still... :'(

Tiningnan ko ang paligid, maraming taong walang pakealam. They`re going on with their life without knowing that I`m here... losing my life. Losing Lex.

Habang naglalakad ako, naisipan kong tumingin sa likuran. Wala na ang sportscar niya. Tiningnan ko ang mga tao, wala na rin siya.

"Bakit ko ba siya pinakawalan?" Tanong ko sa sarili ko. "I said because he was ruining my life?"

Ang tanga ko. Paano masisira ang buhay ko? Dahil ba sira ang pangalan ko sa eskwelahan namin? Ganun ba yun?

Hindi naman yung paaralan ang buhay ko eh. And I slowly realized, that Lex was part of my life... He played the biggest part of my life... AT KAPAG WALA SIYA, MAWAWALA NA RIN ANG PINAKAIMPORTANTENG PARTE NG BUHAY KO.




"Para!" Pumara ako ng jeep.

Loka! Ba`t papara ka ng jeep? Taxi dapat. Hinayaan ko ang sarili kong sumakay sa jeep na papunta sa daanang tinahak ng sportscar ni Lex.

"Manong, matagal ba `to?" Tanong ko habang traffic.
"Oo eh. Nagmamadali ka ba hija?"
"Opo."

Lumabas ako sa jeep at pumara ng taxi.

"San ma`am?"
"Uh.. Nakita mo ba yung yellow lamborghini? Yung sportscar na-"
"Ahhh. yung nakapark dun kanina?" Sabay turo sa kinatatayuan namin kanina ni Lex.
"Opo. please? Saan yun pumunta, manong?"

Nag drive naman siya agad.

Binuksan ko ang phone ko. May tumatawag agad. It was Gette! I cancelled her call then I turned to Lex.

"Sh1t~ Patay ang phone niya."

I cancelled another call from Gette.

"Manong saan po ba yun pumunta?"
"Uhh. Dito yung daan niya kanina eh... Sana na traffic yun. Bakit ba hija? Ay ayun-" Tinuro niya ang sportscar ni Lex sa unahan namin.

Nag green ang lights kaya nag GO!

"Manong, bilisan niyo po!" Sabi ko.

I`m getting impatient.

I tried to call Lex again, wala parin.

"Shucks!" Nag red ang light!

Taena! We`re caught up in trafic.

"Hija, maabutan ulit yun ng traffic dun sa kabilang kanto-"
"Okay manong, hahabulin ko na lang po!" Inabot ko na ang lahat ng pera ko sa driver.

Wala na akong pakealam.

Tumakbo ako ng tumakbo. For God`s sake! I felt happy nung mejo natagalan siya dahil sa ibang sasakyan.

"LEEEEEEEEX!" I know, right! I`m stup1d!











Ba`t ko ba tinatawag eh di rin ako maririnig! Takbo ako ng takbo. Hindi ko na nararamdaman ang pag hingal ko o kahit anong pagod sa paa. Tumatakbo ako habang umiiyak.

"LEEEEEEEEEX!" Nasira na talaga ang vocal chords ko.



Nasa gitna na ako ng kalsada.

"LEEEX~!"




Tumigil ako sa pagtakbo.

"LEX~!"

Nakita kong tumigil ang sports car. I was so happy. This is the happiest moment of my life! Sobra!

"Nakita kong lumingon siya sakin."

I gave him the sweetest smile. Kahit na umiiyak ako at di na ako sigurado sa itsura ko, bahala na.

"I LOVE YOU, LEX ANDREW SANTOOOOOS!" Bahala na kung mawalan ako ng boses forever. Ang importante, nasabi ko yun.


His car drifted. Nag u-turn kahit di pwede. Pumunta siya sa kabilang intersection, I watched him as he drifted his car very fast... Ambilis.

He was heading this way. Mali yung ginagawa niya dahil sa one-way ang kalsadang tinatayuan ko.


























ONE-WAY ANG KALSADANG TINATAYUAN KO!



















I turned around... May nakita akong truck... It was, I`m sure, heading towards me. Habang papalapit `to sakin, nakikita ko ang driver nitong natutulog. I WAS TOTALLY DEVASTATED.




Lumingon ako sa sportscar ni Lex, it was gone. And the next second... It was crashing with the ten-wheeler truck that should, in any minute now, kill me.
























"Lex~" My tears flowed.



Ang sportscar niya ay nagmula sa right side ko, binangga ang truck sa harapan ko at tumilapon ang dalawa sa left side ko. THIS HAPPENED ALL BEFORE MY EYES.







Habang tinitingnan ko ang sportscar niyang binabangga ang truck na nasa harapan ko na ng mga oras na yun. AKO DAPAT YUNG NASAGASAAN! BAKIT NIYA BINANGGA!?




Nag slowmotion sa akin ang lahat ng nangyari. I cannot imagine this. I cannot believe this. Can someone wake me up from this nightmare?



Nakanganga lang ako at tulala. Ito ang gabing umiyak ako ng sobrasobra. Ito ang pinakamaraming luha na naiyak ko sa talambuhay ko. Habang nakikita ko ang mga police na dumarating at nagtatraffic. Marami na ring sumasaway sa akin na umalis na sa kinatatayuan ko.

I glanced at the sportscar. It was totally destroyed by the tenwheeler truck.






May mga ambulansyang dumating... naglakad ako patungo sa sportscar at tenwheeler na nagsalpukan. The policemen stopped me.

And I saw blood... from the sportscar.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText