4th
4th~
Summer: this is my last chance!
"Is this your transcript of records, miss..." Tiningnang mabuti nung staff ang records ko. "Miss Romero?"
"Yes, ma`am!"
Ilang sandali pa niyang tinitigan ang records ko. Hula ko, minumura niya na yan ngayon. Ang dami kong bad record. Simula high school. Tapos, dadagdagan pa ng college na transcript of records na puno ng failing marks last year.
"Why do you want to transfer here?"
Nasa Transferies councilor ako. Ni hindi pa nga ako nakakapagtake ng entrance exam eh. Ngayon pa ako magti-take. Balita ko kasi, last day na ng entrance examinations ngayon. Kung alam ko lang na last day ngayon, sana hindi ko nalang inaksaya ang panahon ko kahapon sa pag-inom. Ayan tuloy, bukod sa wala pa akong review, masakit pa ang ulo ko.
Ang laki ng campus nitong eskwelahang ito. Dalawang beses yata ang laki nito sa campus namin. Marami ding estudyante at wala pa akong kilala.
"Sorry, I`m late!" Sabi ko sa proctor.
Nagsimula na kasi ang entrance exam nung ininterview ako kanina. Nakakainis talaga!
Pumasok ako sa loob ng classroom at umupo sa bakanteng upuan.
Mahaba ang exam. Nosebleed. Kaya lang, masyado kong sineryoso. Bawat numero, pinag-iisipan kong mabuti ang sagot. Hindi ako pumapayag na hindi ako buong pusong sang-ayon sa isasagot ko.
Kaya ang resulta...
"Two minutes left!"
I`m still at the number 95 over 275!
Eto na yata ang exam na pinakasineryoso ko sa talambuhay ko. Pero hindi ko naman alam kung talagang seryoso ang sagot ko sa huling 180 items!
"Kamusta ang exam?" Sinundo ako ni Aliyah.
"Ewan ko." Nakasandal ako sa bintana ng sasakyan niya, binibilang ang sasakyang dinadaanan namin.
"Ba`t di mo sinabing may entrance examination ka pala ngayon? Eh di sana, di tayo nagparty!"
"Hindi yun party, Aliyah." I sighed.
Parang hindi ko maatim tawagin ang kahit anong inuman o kainan na party hanggang ngayon. Para kasing, masyadong masaya ang mga party. Hindi ko maisip kung paano ako napupunta sa mga masisiyang party kahit hindi naman talaga ako masaya.
"Okay, then funeral!"
Sumulyap ako kay Aliyah at nakita kong tumawa siya ng bahagya. Sinandal ko ulit ang ulo ko sa bintana.
"Bakit ba kasi di mo na lang sabihin kay Lex ang tungkol sa past niyo?"
"Kung may isang lalaking di mo naman kilalang lumapit sayo at sasabihing mahal mo siya, maniniwala ka ba?"
Ilang sandaling tahimik si Aliyah.
"Then, kung ayaw niyang maniwala. You move on!"
"Move on? How many times do I have to move on?"
"Summer, kailangan mo na lang mag move on. Accept things. Move on. That`s it. That`s the best way. If you are not happy in the place where you are, then move."
"Ayoko!"
I'm resisting change now!
Hindi naman sa talagang ayaw kong mag move on. Naka move-on na ako! Tanggap ko na ngang hindi ako maalala ni Lex. Anong klaseng pag mo-move-on pa ang hinahanap niyo? Ang pagsuko ko?
It`s not like he just lost his memories in a blink of an eye. It`s not like he choose to forget me. Ako yung may kasalanan kung bakit nawala ako sa isipan niya, kaya ako din ang maghahanap ng dahilan para bumalik ako sa isipan niya.
Gabi-gabi, ayoko mang aminin, iniiyak ko ang sarili ko sa pagtulog.
My relations with other people are affected.
Alam kong nakakasama ito sa akin. Kaya lang, kailangan ko munang magluksa ng todo-todo para ihanda ang sarili ko sa lahat ng mangyayari.
"Sum-mer..." Kumatok si mama sa pintuan ng kwarto ko.
"Bukas."
Pumasok siya at umupo sa kama, may dala-dala siyang envelop.
Bigla akong bumangon kasi alam ko kung anong envelope yun.
"Andito na ang result sa exam mo for UDP."
Tumango ako at kinuha ang envelop.
Lord, please! For the life of me!
"I..." May luhang lumandas sa pisngi ko. "failed."
Yinakap ako ni mama, "Okay lang yan! You try again, kay?"
"Ma, this is my last chance!"
"Huh?"
Alam kong hindi na alam ni mama kung anong gagawin niya at anong sasabihin niya sa akin.
Alam niya rin kasi ang buong storya ng pinagdadaanan ko. Pakiramdam ko tuloy mas masakit pa ang nangyayari sakin sa mga namamatayan ng boyfriend.
Bakit pa kasi di niya ako matandaan? Kailangan niya akong matandaan! At kung hindi niya man mabalik yung alaala niya, gusto kong bigyan ko siya ng mga bagong alaala naming dalawa!
"I`ll find a way, promise! You'll take another entrance exam from that school next Saturday, okay?"
Hindi ako makapagsalita.
"For now, you can have fun muna! Go to parties. Go shopping! Wa`g kang magmukmok dito!"
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;