<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

C&♥21-25



C&♥21

Been In Lovee






Hindi ko alam kung anong iniisip ni Sir Chase. Gusto kong malaman kasi napaka misteryoso ng ngiti niya habang nag da-drive. Madilim na nang nakarating kami sa isang malaking bahay kung saan naghihintay doon si Mr. Lim at yung dalawang kasambahay na may hawak sa files.

"Told you, Chase. Pwede ko naman 'tong ihatid sa inyo." Sabi ni Mr. Lim habang tumitingin sakin.
"It's okay Mr. Lim." Sabi ni Sir Chase habang kinukuha yung files.
"I emailed the revised version at heto nga pala yung CD sa presentation." Sabay abot ulit kay Sir Chase. "Dinner tayo sa loob?"
"No... no... It's okay Mr Lim."
Tapos ay tumingin si Mr. Lim sakin at ngumisi. "Sige... Naistorbo ko tuloy kayo." Tumawa si Mr. Lim.

Tumawa rin si Sir Chase.

Naistorbo? Anong ibig sabihin ni Mr. Lim? Nakita ko ang dalawang kasambahay nina Mr. Lim na tinitignang mabuti si Sir Chase. Si Sir Chase naman ay patuloy sa pagtawa at para bang di niya nakikita yung dalawa. Alam niya kaya kung gaano ka attracted yung halos lahat ng babae sa kanya? Sa Mooon Cafe pa lang nalaman ko na eh. Sa opisina sobra pa nga! Hanggang dito sa Mactan ay nakukuha niya parin ang loob ng mga babae.

Umalis na rin kami pagkatapos nung tawanan nila. Back to the city lights reflected in his eyes while we're inside his car. Ang gwapo gwapo niya talaga kahit side view. Seryoso ang mga mata niya sa daanan at bigla niyang napansin ang pagtitig ko. Lumingon siya saglit at tumingin ulit sa daanan habang ngumingisi.

Namula ako, buti at nakatingin lang siya sa daanan.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya habang humalakhak.

Lalo ulit akong namula at ngayon, sa kasamaang palad, nakita niya na. I looked away.

"Wala po naman... I'm just wondering." Kinagat ko ang labi ko dahil... english na naman!
His lips curled, "Wondering about what?"
Buti ay di siya naweirduhan... Actually sir Chase, wondering kung ilang babae na ang pinaiyak mo, hay! Nadadala na talaga ako sa gwapo niyang mukha at misteryoso niyang character. noong una ko nakilala si Yuan, sobrang nagwapuhan ako sa kanya at akala ko noon ay wala ng mas gu-gwapo sa tamang kasingkitan ng mata (na parang artista sa korea o di kaya ay japan) at kabaitan niya. Pero ngayon, hindi naman pala... May mas humigit pa. Sa iksi ng panahon, nahigitan niya ang opinion ko kay Yuan.

"Kung nainlove ka na ba.." Sabi ko habang tinitignan ang reaksyon niya.

He ran his fingers through his hair. Nanlaki ang mga mata niya at ngumisi pa lalo.

"Alam mo bang masyado kang straightforward makapagtanong?" Sabay tawa niya.
"P-Po? Sorry.." Sabi ko.
"Don't be... I'm actually surprised that you're interested." Umaliwalas ang mukha niya at tinigil ang sasakyan sa traffic, nasa Marcelo Fernan bridge na kami noon. Ang ganda talaga ng Cebu... lalo na pag gabi at katabi mo 'tong lalaking katabi ko sa loob ng sasakyan.

Lumingon siya sakin ng nakangisi parin, "Yes, Eliana, I've been in love..." Tumingin siya sa daanan ulit kahit di pa umaandar ang unahang sasakyan at bumulong, "Once, maybe. If you're talking about being in love before ---..."

Ano yun? Hindi ko talaga narinig ang huling sinabi kasi sobrang hina ng boses niya. Pero narinig ko yun 'Once, maybe.'

"Oh? P-Pero bakit di ka pa nagkakagirlfriend?" Tanong ko.
Parang nasaktan siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nasaktan o nahihirapang sumagot. "Kasi hindi pwede." Ngumiti siya nang lumingon ulit sakin.

Napalunok ako sa narinig ko. Paanong hindi pwede? Tulad kaya ng relasyon namin ni Yuan? OMG!

"Ba't naman di pwede?" I'm pretty sure I'm crossing some line here. I shouldn't ask this question pero di ko mapigilan ang bunganga ko.
"Because I was seventeen when I felt it and it was stupid." Mukha siyang naiirita habang sinasabi niya yun kaya tinigil ko ang pang-iinterview ko.

Some juicy news, huh? :-X



"Do you cook?" Tanong niya nang umandar ulit ang sasakyan.
Uminit ang pisngi ko at, "Hindi. Sorry."
"Hmmm. Where do you wanna go for dinner?"

D-D-D-D-Dinner? D-Dinner? Really? Mag didinner kami pagkatapos ko siyang inisin (dahil sa pagtatanong ko).

"Uh... Wa'g na po sir... Sa condo na lang ako magdidinner."
"You're back to your usual tone, Eliana. Pagkatapos mong malaman ang ilan sa mga sekreto ko ay babalik ka ulit sa pagiging madistansya sakin?"

Napanganga ako sa sinabi niya.

"You don't cook. Anong kakainin mo sa condo ni Celine? Canned goods? no! We're having dinner." Sabi niya at ilang sandali ay itinigil ang sasakyan sa isang mall.

Ayala Terraces ang nakita ko. Hindi ko maalala kung napadpad na ba ako dito sa halos dalawang buwan kong pananatili dito sa Cebu.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Sir Chase doon sa sinabi niya sakin kanina. Ang alam ko lang ay mukhang gusto niyang tratuhin ko siyang normal... hindi yung boss ko... yung normal... na kaibigan. I just hope I'm right!

Pagkalabas niya pa lang sa sasakyan niya naramdaman ko na ang mga babaeng napapatingin at nagbubulung-bulungan sa parking lot.

Dinner number 2 with Chase Martin R Castillo. Brace yourself, Eli, spotlight na naman kasi kasama mo si Mr. Perfect!

Tinanong niya ako kung saan ko gustong kumain, sinabi ko na lang na sa Gerry's Grill kasi yun ang una kong nakita. Tumango naman siya at agad kong ni-check ang wallet ko bago pumasok.




"Anong gusto mo?" Tanong niya sabay tingin sakin galing sa menu.
"Kahit ano..." Ngumiti ako.

Tumango siya at umorder na nang dumating ang waiter. I can actually see four tables of girls looking at Sir Chase! Pati na rin yung isang babaeng may kasamang boyfriend niya yata ay nakatingin sa kanya. Tumingin ako kay Sir Chase at nakitang sakin nakatitig ang mga mata nito. OMG!

"Uhm... Sanay ka na ba na maraming tumitingin sayo?" Tanong ko.
Tumingin siya sa paligid at ngumisi, "I don't know what you're talking about."
Umirap ako sa kawalan. Pa humble effect pa eh mukha ngang yung mga babae dito sa Cebu mas open sa pagtitig sa kanya kesa sa mga babae doon sa Maynila na pasimpleng sumusulyap-sulyap sa pinsan kong si Bench kung nasa labas kami.
"Ikaw nga diyan ang tinitignan ng mga lalaki. Di mo ba napapansin? Kanina sa labas tapos ngayon?" May sinulyapan siyang grupo ng mga koreanong lalaking nakatingin sakin.

Napalunok ako.

"See?" Tumawa siya. "I don't see anything wrong with your clothes. Your cleavage isn't showing either. Pero maiksi ang skirt mo." Ngumuso siya para pigilang ngumiti. "And your beautiful face too. But we can't do anything about that."
Tumawa ako sa ka-cutan niya kaya as naging komportable ako ngayon kesa sa last time kaming nag dinner. Uminit din ang pisngi ko. Kahiya naman.

"Uhm... Sabi mo sakin hindi pupwede maging kayo nung babaeng gusto mo noon diba?"
Agad siyang tumingin sa malayo at nagseryoso.
"Ba't di mo ipinaglaban?" Tanong ko.
Ngumiti siya, "Ipinaglaban ko siya pero ayaw niya." He winked.
HUH? Ibig sabihin di siya mahal ng babaeng gusto niya? Sino ba ang babaeng nahihibang na hindi magmamahal kay Sir Chase?
"Gusto mo ba talagang ipagpatuloy ang pinag uusapan natin?" Tumawa siya. "It's ancient!"
"Curious lang naman ako kasi..." Ako naman ngayon ang nasaktan sa iniisip ko.

Hindi ako pinaglaban ni Yuan pero si Sir Chase pinaglalaban ang mga gusto niya.

Tumango siya at ngumiti, "By the way. This coming Friday, anniversary ng CPI. We'll be working on it starting tomorrow. Set the foods and drinks para sa party. I trust your expensive taste." Kumindat ulit siya.

EXPENSIVE TASTE? Oh my! Hindio pwede 'to.

"Expensive? nako wa'g na! Cheap yung mga gusto ko. Buti pa si Mary na lang o magpapatulong ako kay Mary at kay Celine." Mabilis ko itong sinabi.
Tumawa ulit siya, "Nope. Ikaw ang gagawa nito. I'll help you. Don't worry."



C&♥22
Holding Hands





Nag CR ako pagkatapos naming kumain. Habang tinitignan ko ang repleksyon ko sa salamin di ko maiwasang kiligin sa nangyayari ngayon. Si Sir Chase ay nasa labas naghihintay sakin habang nag C-CR ako! Parang boyfriend lang! Tumindig ang balahibo ko. My God! Mali yung iniisip ko no! Ugh! Dapat alisin ko yan sa isip ko!

May biglang pumasok na magandang babae at tumingin na din sa repleksyon niya sa salamin.

"Uh... girlfriend ka ba ni Chase Martin?" Nabigla ako nang tinanong niya sakin yun.

Tumingin pa ako sa gilid at likuran kahit alam kong walang tao dun. Nagbaka sakali akong di ako yung tinatanong niya.

"Ako?" Sabay turo ko sa sarili ko.
Umirap siya at tumango.
"H-Hindi ah!" Sabi ko agad dahil sa bigla sa tanong niya.
"I know him. Classmates kami nung high school. He doesn't do girlfriends. Kung ganun?" Tinignan niya ako at nilapitan. "Do you do that?" Tumaas ang kilay niya.

That? What's that?

"Ang alin? ano?" Tanong ko.
"Oh don't act like you're innocent! Alam kong mahilig siya sa flings pero wala pang nakakakita sa kanyang lumabas kasama ang kahit sino sa ka fling niya. he's usually with his friends... At ngayon, someone texted me that he's with a girl... finally! And you're telling me now that you don't do that with him?"

Namula ako. Hindi ko alam kung bakit pero uminit nang uminit ang pisngi ko.

"Oh! Silence means yes, I suppose?" ngumisi siya. "He's gonna leave you soon. Sa bagay, maraming nagkakandarapa sa kanya at mayaman siya, it's impossible for him to stick to one." Umalis siya pagkatapos niyang sinabi yun.

Malakas ang pintig ng puso ko pagkalabas ko. Nakatingin lang si Chase sa basong iniinom at nang naaninaw na ako ay tumitig na lang sakin hanggang sa nakarating ako sa table namin. Lahat ng babae nakatingin na sa kanya... o saming dalawa. Hinanap ko yung babaeng nakipag-usap sakin sa CR pero di ko nakita.

"you okay?" Tanong niya. "Namumutla ka."
"Yep. I'm okay." kinagat ko ulit ang labi ko.

Tinignan niya ako ng maigi.
"Shall we go?" Aniya.

Tumango ako at mas lalo lang tumitig at seryosong may narinig pa akong (hindi ako sigurado) tumili o humiyaw sa paglalahad ng kamay ni Sir Chase sakin.

Mahirap tanggihan at ayaw ko ring tanggihan, linagay ko ang kamay ko sa kamay niya at napangiti siya.

"You sure you're okay?" Tanong niya.

Now everyone's staring.

"Yep. Uh... Yung bayad nga pala?" Sabi ko papalabas kami ng Gerry's Grill.
He sighed, "You really think I'm going to let you pay anything? No! So don't think about it."
"P-Pero pangalawang ulit na yun. Dapat ako na yung magbayad..." Sabi ko.
"Sinong nagturo sayo niyan?" Tumawa siya. "Hindi naman kami mahirap at kaya kong bayaran kahit ano ang gusto mo." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya tumingin ako kung saan siya nakatingin.

Mas grupo ng mga lalaking nakatingin sakin sa labas ng isa pang restaurant sa Ayala terraces.

"Dapat ganun. Di mo naman kasi ako ano eh... girlfriend." Sabi ko.
Tumawa siya, "Hindi pa..."

Napatingin ako sa kanya pero tumingin lang siya ng diretso. Nakangiti. Ano ang ibig sabihin ni Sir Chase? OMG!

Hinatid niya ako sa Riala. Grabe. Halos ma heart attack ako dahil sa daming babaeng nakatingin saming dalawa kanina.

"Thanks, Sir Chase!" Ngumiti ako.
Nagkasalubong ang kilay niya.
"I mean... Chase!" Sabi ko.
Ngumiti siya. Ngiting nagpapatibok ng malakas at mabilis sa puso ko.
"Good night, Eli." Aniya.
"Good night, Chase!"

Kumaway ako nang umalis na ang sasakyan niya at agad nang pumasok sa loob ng condo.

"AHHHH! Eliana!!!!" Salubong na sigaw sakin ni Celine.
"Ano?"

Niyakap niya ako habang patalon-talon siya sa tuwa.

"I knew it! you're with him right?" Tanong niya. Ay? Excited? Bakit? Anong meron?
"With sir Chase? oo."
"AHHHH!" Talon-talon ulit siya sabay yakap. "OMYGOD! I should call tita! OMYGOD!" Sabay dial niya sa cellphone niya.
"Bakit?"

Tumigil siya.

"HINDI SIYA KUMAKAIN SA LABAS KASAMA ANG ISANG BABAE, TWICE! NEVER! EVER!"
"What?" Ano naman ngayon?
"Can't you see? My god!"
"Galing kami kina Mr. Lim at kinuha ang files tapos-"
"Maraming kasambahay si Mr. Lim, Eliana! Dapat yata ako yung magmulat sayo sa katotohanan eh! Maraming kasambahay si Mr. Lim, sige tanungin mo ako kung bakit di nalang niya pinadala ang files na yun sa kasambahay niya papuntang CPI?"
"Bakit?" Confused talaga ako.
"Ugh! KASI NGA! Kasi nga sinabi ni Chase na wa'g na! Kasi isasama ka niya! Kasi mag didinner kayo! Gets ko na rin ngayon bakit ka niya sinama pa kina Mr. Lim para makapagdinner kayo kasi yung kamanhiran mo umiiral at kailangan mo talagang mamulat sa katotohanan that Chase Martin is madly in f-ckin love with you."

Wow! That was disturbing!

"No! No! No! Mabait si Sir Chase! yun lang yun." Sabi ko.
Umirap siya at tumawa na lang tapos pumasok sa kwarto niya habang nilalagay ang cellphone sa tenga niya.

Susunod na sana ako sa kwarto niya pero nakita ko si Luke sa loob kaya pinigilan ko ang sarili ko. WHAT? Makatulog na nga lang. Nahihilo na ako sa mga tao eh... masyadong confusing.

Hindi ako makatulog sa gabing yun dahil sa mga nangyari at dahil na rin sa sinabi ni Celine. Kaya sinamantala ko ito para gumawa ng isa na namang module para sa school...

*Kkkkrrriiing!*

Nabigla ako sa tunog ng cellphone ko kahit sa kalagitnaan ng gabi.

Denise calling...

"Hello?" Sagot ko.
"Hi, Eli!" humalakhak si Denise.
"O? bakit?"
"Wala lang... i miss you... mwaaah!"
"Huh?"
"What are you doing? Gabing-gabi na ah?"
"Wala... doing the modules."
May weird akong nararamdaman sa tono niya pero binalewala ko na lang. Guni-guni ko lang siguro.
"You?" Tanong ko.
"Wala. Just checking on you. Sana di ka na nag-iisip kay Yuan." Tumawa siya.
"Huh?" Ngayong sinabi niya napaisip tuloy ako kay Yuan. "Bakit?"

Natigil ako sa pagta-type sa laptop ko.

"Kasi naman! Dapat naka move on kana sa kanya! Para ano pa yung paglayu mo at pag de-delete mo ng FB?" Napabuntong hininga siya.

Ngayong sinabi niya yun na realize kong I feel better... Hindi ko na masyadong iniisip si Yuan. At kung iniisip ko siya... palagi yung... dahil kay Sir Chase... Napapaisip ako dahil walang ibang lalaki akong mapagkukumparahan sa kanya kundi si Yuan. Ibang-iba silang dalawa.

Napangiti ako at di ko alam kung bakit. Pero eto ang sigurado ko, hindi ako ngumingiti dahil kay Yuan. :) :) :)


C&♥23
It's Mine







Sa sumunod na araw mas lalo kaming naging busy sa opisina. Si Mary ang nag aasikaso sa mga reports ng opisina at paminsan-minsan ay tinutulungan ako sa pag-oorganize ng party. May organizer naman ng party pero kailangan paring i-follow-up ang lahat.

Hindi ko alam na malaking event pala ang anniversary ng CPI. Eto kasing anniversary ngayon ay 50th year anniv. Kaya ayan at busyng-busy ang mga tao. Pati si Sir Chase ay palaging may meeting. Pinapapasok niya ako sa board meeting niya habang inaasikaso ko yung party sa loob.

"Eliana..." He frowned.

Nakita niya kasing nakatitig na naman ako sa kanya imbes na tumingin sa laptop ko para asikasuhin yung party.

"S-Sorry." Namula ako sa nangyari.
Tumawa siya at tinoon ang pansin sa nagsasalitang board member.

Kung may sobrang busy man dito, si Sir Chase na iyon. Buti dalawa kaming secretary niya! Dami niyang ginagawa, pagkatapos ng meeting ay may ginawa naman siyang files at pinirmahang papers para sa funds. May isang opening pa ng CPI sa Davao na pinagkakaabalahan din niya. Ang alam ko, meron din daw sa Manila, kaya lang dito sa Cebu yung center office ng Pharmaceutical company nila. Siguro kaya nandoon ang ate niya sa Manila.

"Ch-Chase?" Napatingin ako sa kanya habang papatapos na ako sa lahat ng inaasikaso sa party.
"Hmmm?" Tumingin siya sakin.
"Y-Yung ate mo, nakauwi na ba galing Maynila?"
"Oo.. Kahapon." Tumingin ulit siya sa computer na.

Mag-aalas singko na pero mukha malayo parin siya sa ginagawa niya. Bukas na ang party kaya mag o-overtime siguro siya.

Kung mag-oovertime siya anong gagawin ko?

*Knock-knock!*

Pumasok si Marc sa opisina at biglang-bigla siya nang nakita niya ako sa couch.

"Nandito ka pala, Eliana. Akala ko umuwi ka na eh. Chase!" Tumingin siya kay Chase tapos pabalik sakin.
"Grabe yung trabaho ngayon ano?" Sabi niya sakin. "Buti walang trabaho bukas."

Umupo siya sa tabi ko.

"Ikaw, Eliana? Marami ka bang trabaho?" Tanong niya.
"Uh... Yep. Inasikaso ko yung party." Sabi ko.
"Naku! Sigurado ako bukas maraming pupunta dito dahil diyan. Puro pa bigatin!" Sabi niya.
"Oo nga eh. Kinakabahan na nga ako, sana maging okay ang lahat." Sabi ko.
"Eliana..." Biglang interruption ni Sir Chase.
"B-Bakit, Chase?" Kinagat ko agad ang labi ko.

Nakita kong nalaglag ang panga ni Marc nang narinig akong tawagin siyang 'Chase' lang.

"You should go... It's your off." Aniya.
"P-Pero di ka pa natatapos."
"Di mo namang kailangang maghintay dito." Aniya ng seryoso.
"Pero okay lang naman. Wala naman akong gagawin." Pagkasabi ko agad nun narealize kong di pa pala natatapos ang module 2 ko! Pwede ko yung gawin ngayon habang hinihintay siya.
He frowned again, "Eliana... sige na."
Tapos may naisip ako. "Wait lang, Chase." Laglag ulit ang panga ni Marc nang marinig yun.

Umalis ako ng office. Narealize ko kasing 5PM na at mukhang matatagalan pa si Sir Chase sa overtime niya kaya bibilhan ko siya ng pagkain at coffee narin sa starbucks. Hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil panigurado'y ipapadala niya na naman yung wallet niya sakin.

"Huy! Uwi na tayo!" Sabi ni Celine, kaholding hands si Luke.

Uminit ang pisngi ko, naalala ko kasi yung holding hands namin ni Sir Chase.

"Si.. Si... Chase kasi di pa uuwi."
Tumaas ang kilay nila ni Luke at nagkatinginan, "'Chhhhhase?" Idiniin niya ang pagkakasabi nun. Tumawa silang dalawa. "Yun naman pala ba't ka nandito? Edi samahan mo si CHHHASE!" Aniya.
Errr, kahiya naman 'to. Dapat kasi Sir Chase na lang. Kainis si Sir Chase! "Bibili ako ng dinner niya."
Tumango si Celine at nag-offer na tumulong sa pagbili ng dinner ni Sir Chase.

Nakabili din kami after one hour. Si Luke yung tumulong kung ano ang bibilhin at saan. Pork chops sa Roma Mia at coffee sa Coffee Bean and Tea Leaf.

"Uwi ka ng maaga! Yayain mo si Chase umuwi ng maaga kasi mamimili kami ni Luke ng damit ngayon! Tulungan mo akong mamili pagdating sa bahay. OH WAIT! May damit ka ba para bukas?" Sabi ni Celine.

Ngayong iniisip ko, nung nag impake ako noon may maraming nilagay si Denise na dress at sapatos. Ni hindi ko pa nga nakikita yun lahat eh. At seryoso nga palang kailangan ko nang mamili ng damit dito kasi pabalik-balik na lang yata yung soot ko. HAHA!

"Meron naman. La akong perang pambili kaya yung luma na lang."
"OMG! Don't worry! Marami akong bibilhin. Yung di ko mapili, pwede mong hiramin."

Tumango ako at dumiretso na sa opisina ni Sir Chase dala-dala ang pagkain sa kabilang kamay, coffee naman sa kabila. Uminit ang pisngi ko nang naisip kong ibibigay ko 'to ngayon sa kanya.

Pero nang pumasok ako sa loob, nandoon parin si Marc at... tentenenen! si Brittany! At heto pa? May pagkaing nakalatag sa table niya. MARAMI! As in parang nag pa cater kung sino man ang nagbigay nun.

Tumingin sila sakin at agad kong tinago sa likuran ko ang pagkaing binili.

"Gutom kaba, Eliana? Don't worry! dami namang pagkain dito galing sakin." Inemphasize ni Brittany yung last two words na sinabi niya 'galing sakin'.

Lalong uminit ang pisngi ko nang di maalis ang titig ni Sir Chase sa tinatago ko sa likuran ko. This was a bad idea after all! I should just get my laptop and go! GRRRR! Pinapaalis niya na ako kanina, sana umalis na nga lang ako! Di niya ako pinabili ng pagkain, yun naman siguro, alam niya sigurong bibigyan siya ni Brittany or something. Grr! Di ko alam kung bakit ako naiinis! Naiinis ako dahil naiinis ako! Naiinis ako kasi ang tanga ko!

"Oh! Bumili ka ng pagkain? Bakit? Mag-oovertime ka din?" Tumaas ang kilay ni Brittany at tinignan narin yung dala ko.
"Nope... gutom lang ako." Ngumiti ako sa kahihiyan.
"Wow! Roma Mia! May coffee pa!" Sinabi pa ni Marc.

Ugh! Oh God! Kahiya talaga. Tumayo si Chase at ngumiti. God! Wala na sigurong mas pupula sa pisngi ko. Naglakad ako papuntang laptop ko at kinuha ito kahit may dala-dala ng pagkain.

"Is this for me, Eli?" Kinuha ni Sir Chase ang pagkain at coffee sa kamay ko.

Napatingin ako kay Brittany na halos umusok na yung ilong sa inis at kay Marc na nanlaki ang mata at nakangisi.

"N-No, sir..."
He frowned. Dunno why. Is it cuz I called him 'sir' again or cuz I lied?
"Pero gusto ko 'to. And I need coffee." Ngumisi siya at lumapit sa tenga ko at binulong... "And I know it's mine."

Hindi ko maintindihan kung bakit parang nahihilo ako at gusto ko na lang tuluyang mahimatay nung sinabi niya yun. Ngumiti pa siya at nagsimulang kumabog ang dibdib ko.

"Su-Sure! Alis na ako! Uhmm. Bye... Bye Ma'am Brittany, Marc... and... Chase." Agad kong sinarado ang pintuan, kinuha ang bag ko at tumakbo papuntang elevator sa kaba ko.



C&♥24
Food and Dresses









Dumating ako ng condo at wala parin si Celine. Siguro natagalan sila ni Luke sa pamimili. Habang hinihintay sila ay tinapos ko na lang ang Module 2... Nasa summary part na ako ng Module 2 nang di ko namalayang nakatulog na pala ako. Dulot na rin siguro ng bigat ng trabaho sa opisina kaya mabilis akong nakatulog.

Alas nwebe ng umaga nang nagising ako. Tinapos ko na lang yung Module 2 bago umalis sa kwarto kung saan bumungad sakin si Luke, Celine at Sir Chase na umiinom ng kape sa bar ng kitchen.

Nakita ko yung ngisi ni Sir Chase habang nilalagay ang mga daliri ko sa mga mata ko. May muta bah? Ugh! Kahiya 'to! Sa bahay halos paliguan lang ako nina manang. Tapos ngayon ang dumi-dumi ng pakiramdam ko. Sa harap pa talaga ni Sir Chase huh? At di pa ako nagsusuklay!

"Good morning, Eliana!" Sigaw ni Celine sakin sabay abot ng kape. "Saan ka nagdinner kagabi?" Tumaas ang kilay niya.

Hindi ako sumagot. Napatunganga lang ako sa kapeng binigay niya.

"SEE?" Sabi niya kay Luke at Sir Chase.

Nakita kong sumimangot si Sir Chase.

"No trace of food in the kitchen! Hindi marunong mag luto!"
"Uhmm! no! Lumabas ako para kumain." Sabi ko sabay lunok. Di makatingin sa kahit kaninong mga mata.
"Not a good liar." Buntong-hininga ni Sir Chase.

Napatingin agad ako sa seryoso niyang mukha. Tumayo siya at uminit ang pisngi ko nang nakita kong kumukuha siya ng pagkain sa double-door ref ni Celine.

O MY GOD - Yun ang nasa bibig ni Celine pero di niya yun sinabi ng malakas. Si Luke naman ay halos mailabas sa ilong yung kapeng iniinom niya sa nakita niyang concern na si Sir Chase.

Nilagay niya ang pagkain sa microwave at tumingin sakin.

"Kaya ka siguro payat dahil di ka naman kumakain." Malamig na sinabi niya sakin.
"Kagabi lang naman ako di kumain." I lied again.
Umiling siya at tumingin ulit sa microwave.
Napatingin naman ako kay Celine kung saan ngiting-ngiting kabulungan si Luke.
"Thoughtful ka talaga Chase ano? Akala ko pa naman finally binibigyan mo na ang HR mo ng pangkabuhayan showcase yun naman pala-"
"Oh shut up, Celine!" Sabi ni Sir Chase.

Pangkabuhayan showcase? Ano yun? Lumapit ako sa ref para kumuha ng tubig at nang makapagtoothbrush na rin ako para di na masyadong kahiya-hiya. Na windang ako nang nakita kong punung-puno ito ng pagkain. Fresh milk, juice, pasta, pizza, eggs, cakes, fruits, meat, etc! Kelan pa 'to naging punung-puno? Ang alam ko puro KFC lang yung nasa loob nito at mga hard liqiuor, pero ngayon?

Napalingon ako kay Chase at nakitang nakalapag na ang pagkain ko sa bar.

"Come here." Sabi niya.

My god I don't understand why I'm blushing too much! I've never ever blushed this much! Hindi pa nag tu-twentyfour hours di ko na nabibilang ang blush ko.

Lumapit ako at binigay niya sakin ang spoon and fork.

"Kumain ka ng marami." Ngumiti siya. "Sa susunod na wala kang dinner, sabihin mo lang kay Celine." Sabay tingin niya kay Celine.
Nanlaki ang mata ni Celine at... "Why me? Mag exchange kaya kayo ng number ng maalagaan mong mabuti!" Humagalpak ng tawa si Celine pero agad pinutol ito kaya halos mabilaukan siya.

Ngumuso si Sir Chase na parang tatawa din... Kumakain naman ako ng marahan. Gusto kong kumain ng parang baboy kaso kahiya si Sir Chase. Gutom na gutom pa naman ako.

"May number ka kay Mary diba? Ba't si Eliana wala? Secretary mo rin siya ah!?" Sabi ni Celine.

May kinuha si Sir Chase sa wallet niya at binigay niya sakin ang kanyang calling card. Tumatawa si Celine na para bang di siya makarecover sa nangyari. Habang ako naman ay hiyang-hiya parin. Kinuha ko ang calling card at nilagay agad yung number ni Sir Chase sa cellphone ko.

Pagkatapos nun ay nagsimula na kaming mamili ng damit niya. Tatlo ang binili niya galing sa mga mamahaling shops.

"Grabe! Halos maubos ang pera ko." Aniya.
"Paano ba naman kasi, di makapili." Sabi ni Luke.

3PM kasi kami pinapapunta sa CPI na large hall, kahit na 5pm pa ang party, kaya maaga kaming namili ng susuotin niya.

"Wait lang... Meron din akong mga damit. Kunin ko lang." Sabi ko pagkatapos kong kumain.

Naramdaman kong tinignan ako ni Chase nung naglakad ako papuntang kwarto.

Nahihiya naman akong manghiram kay Celine. Brand new pa naman lahat ng iyon. Parehong tapered yung style ng mga binili niya, kulay pula, light yellow at black.

Nasurpresa ako nang nakita kong marami pala talagang pinadala si Denise. Pitong formal short dress ang namataan ko at tatlong long dress. Ba't niya ba ito nilagay sa maleta ko? Kaya naman pala mabigat yun at tingin ko'y sobrang kaonti lang ng damit para sa trabho eh yun naman pala puno 'to ng pormal na damit. May mga sapatos pang di ko rin na susuot, yung itim, silver at grey. (Aside sa mga flats na dala ko).

Nilapag ko lahat ng yun sa harap ni Celine at Luke. Inusisa ni Celine ang mga damit nang biglang nalaglag ang panga niya at pinaypayan ang sarili.

"CHRISTIAN LOUBOUTIN!" Inusisa niya ang itim kong sapatos na para bang may hinahanap siya. "TUNAY! DI PEKE! THIS ONE IS THE LATEST! MY GOD!"

HUH? Napatingin din si Luke sa mga tags.

"Paano mo nalalaman kung peke at hindi?" Nagtaka si Luke pero hindi siya pinansin ni Celine.

Ngayon ay tinignan nila ang mga dress ko. Tumingin ako kay Sir Chase na seryoso tinitignan lang si Celine at Luke na para bang may hinihintay.

"Burberry? Anne Klein? MARC JACOBS? VALENTINO?" Akala ko hihimatayin sa Celine nung binanggit niya ang Valentino.
"B-Bakit?" Tanong ko sobrang kaba ang dumapo sakin.
"Are you a fckin millionaire?" Tanong niyang ikinabigla ko.

Hindi ako nakapagsalita. Oh my god! Alam niya na!? Oh gosh! Anong gagawin ko?! At sa harap pa ni Luke at Chase? Dali! Eli! Hanap ka ng rason!

"Saan mo to nakuha? Auction? Sinong nagbigay? Ukay-ukay?" Tanong ni Celine nang di parin ako nakapagsalita.
"Uhmm. Oo. May nag bigay niyan. Remember nung sinabi ko sayong pinagtabuyan ako ng pamilya ng ex ko? Kasi di nila matanggap na mahirap lang kami at uhmm... ganun... Bago nangyari yun, binilhan niya ako ng mga ganito kahit di ko naman alam na mamahalin pala." Sabi ko pero ang totoo sinisisi ko si Mommy, si Bench at si Denise. Mga pahamak! Hindi ko alam na kailangang millionaryo ka para magkaroon ng ganito!

Napatingin ako kay Chase na seryoso parin ang mukha.

"Ohhh! So your ex is the millionaire." Napaisip si Celine at tumango sabay tingin sa iba pang damit at tumataas ang kilay.

Tumawa si Luke at tumingin kay Sir Chase. "Not really a bad competition for your billionaire admirer. Hmmm?"

Sinong admirer ko na billionaire? Sino yun? Si Bench? LOL!

Umiling si Sir Chase at... "Luke, we have to go." Sabi niya.
"Yeah!" Tumingin si Luke sa wrist watch niya.
"Bye, Celine... Bye, Eli. See you later." Aniya.

Hinalikan ni Luke si Celine at umalis na rin, "Good luck sa pamimili ng damit!"

"Bye Luke! Uhm.. Thanks Chase!" Nagtitigan kami at nag ngitian hanggang sa sinarado niya ang pinto.

Narealize kong halos di pala ako humihinga nung nandito si Sir Chase kaya hayan at hinuhuli ko ang sarili kong hininga.

"Nung nineteen pa ako, di naman ako ganyan ka dense tulad mo." Banggit ni Celine nang nakatingin parin sa mga damit.
"Huh?" Sabi ko.




C&♥25
Welcome to the Party





Kinakabahan ako lalo na sa mga sinasabi ni Celine sakin habang minimake upan niya ako kanina...

"Light make up lang kasi sobrang ganda mo na." Aniya. "Malaglag yung brip ni Chase niyan!" Tumatawa pa.

Walang hiya talaga! Alam kong nirereto nila si Sir Chase sakin pero wa'g na lang sana kasi baka ayaw nung tao. Mayaman yun tsaka (ang alam nila) mahirap lang ako. Nakakahiya. Tingin ko napakatayog na bundok ni Sir Chase, lalo na kasi CEO siya ng kompanyang pinapasukan ko, pero ako? Di pa nakagraduate ng college. Lumayas pa ng bahay para matakasan ang lovelife kong buhol-buhol. Kung ako namomroblema sa lovelife ko, si Sir Chase naman ay abala sa pagpapalago ng kompanya at pagbibigay ng trabaho sa mga tao. Tingin ko tuloy mababaw akong tao. Pag-ibig lang pinoproblema ko.

Pinili ko (ni Celine) ang Valentino na dress. Navy blue at tapered. Mahilig talaga siya sa tapered. Siya naman ay naka itim na dress at tapered din.

Nagsimulang dumagsa ang mga tao. Nakita kong pumasok si Mr. Lim at ngayong mejo maaga pa ay pamilyar na ang mukha niya sakin.

"Eliana... Jimenez." Bumati siya sakin at ngumiti din ang asawa niya.

Tumango lang ako. Kinabahan ako pero buti na lang at agad silang pumasok nang di na nagsasalita sakin.

Engrandeng-engrande ang lahat! Bigatin nga lahat ng nandun. Pili lang yung mga taga CPI. Wala yung mga taga marketing except syempre kay Brittany na ngiting-ngiti habang bumabati ang mga bisita.

"Hoy Eliana!" Sumilaw ang mata niya sakin. "Tigil-tigilan mo nga ang pagpapacute mo diyan!" Sabi niya at tinulak ako sa posisyon ko.
"Di naman ako nagpapacute ah? Ngingiti naman talaga kung babati ng bisita." Sabi ko nang nakasimangot pero di niya na ako tinignan pang muli.

Nakatoon lang ang pansin niya sa isang Black na Expedition kung saan unang lumabas si Sir Chase. Napanganga ako nang nakita ko siya.

All black suit at pulang necktie. Sumunod si Madame (na naka glittering gold all over) at yung papa ni Chase na naka all black din. Sa sumunod na sasakyan, isang itim na Audi ay lumabas naman yung isang babae na may dalang tatlong taong gulang na bata at yung papa nung bata yata?

"Welcome, Madame!" Ngiting-ngiti sa pag welcome si Brittany sa royal family.
Ngumiti din ako lalo na nung nagkatagpo ang tingin namin ni Sir Chase.

I looked away but I know he's still staring. Sa puntong ito, narealize ko kung gaano ako kainsecure. Tignan mo naman yung kumpletong pamilya niya, masaya, maayos at walang problema. Ako? Anak ni Andrew Jimenez at mag isa dito, tumatakbo dahil sa pag-ibig. Stupid girl! I shouldn't have left Manila! Mababaw na rason pala yun! Pwede namang magpatuloy sa pag-aaral at tumulong sa kompanya. Second time in my life naging saludo ako sa pinsan kong si Bench! Pinili niyang maging CEO kesa sa mag bulakbol at mambabae. Pinili niyang magseryoso kesa sa mag soul searching tulad ng ginagawa ko ngayon.

"You okay?" Tanong ni Sir Chase nang sina Luke naman ang papasok at binabati ni Brittany.

Nasa harapan ko pala silang lahat. Si Madame ay kausap si Mr. Lim. Nakatingin si Sir Chase sakin habang abala sa bata yung kasama nilang... aha! Ate niya siguro yun! Ngayong tinignan kong mabuti yung babae, sobrang laking resemblance! Ang ganda nung ate niya! Sobrang ganda magkakacrush na yata ako!

"Yep! Sorry." Sabi ko.
"By the way, this is my sister." Aniya.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagnganga ni Brittany pero di ko na yun pinansin sa kaba ko. Nihead-to-foot ako ng ate ni Sir Chase at tumaas pa ang kilay niya.

May binulong ang mama ni Sir Chase sa ate niya at naglahad ito ng kamay.

"Fiona Castillo."
Nininerbyos ako nang nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya, "E-Eliana Jimenez."

God malalaking tao! All my life, I've been with my dad, mom, tito, Bench, Brent, etc... But I never felt so low... so... insecure...

"You are his secretary?" Tanong ng ate ni Chase.
"Opo." Sabi ko.
"You're young... Hmm... Taga san ka?" Pero bago pa ako sumagot.
"Drop it, Fiona." Ani Chase.

Buti rin at tumakbo yung bata sa loob (sinusundan nung yaya) sinundan niya. Bakit kaya? Hindi naman sa gusto kong tanungin niya ako pero siguro mejo maarte yung ate ni Sir Chase kaya ganun na lang ang pagpigil ni Sir Chase sa pagtatanong sakin.

"I'm sorry." Sabi ni Sir Chase nang nakatitig sakin.
"Para saan?" Tanong ko.

Iniwan na si sir Chase ni Madame at nung papa niya. Pumasok na sila sa loob at siya na lang ang nakaabang sa labas.

"Eliana!" Sigaw ni Brittany kahit di naman talaga kailangang sumigaw. "Dito ka na nga! Ito naman yung work mo diba?" Sabay turo niya sa kinatatayuan niya.

Pagtingin ko kay Chase may dalawang babae na sa likuran niya na bumubungisngis at para bang kinikilig.

"Uh.. Sir may naghahanap sayo, nasa likuran mo." Sabi ko sabay punta sa kinatatayuan ni Brittany.

Tumingin siya sa likod at tumingin ulit sakin para ipakita ang pangungunot ng noo niya.

Buti at dumating din si Celine kasama si Luke kaya mejo nag back-off din si Brittany sa pang iirap sakin. Pero talagang lumapit si Sir Chase at iniwan yung dalawang fans niya.

"Ohmy!" May narinig ako sa tabi kong nagsabi nun. Si Mary pala! Di ko siya namalayan.

Dumapo ang kamay niya sa bibig niya habang perfect O yung lips nito at nakatingin sa papasok. Who the heck?

I froze. Di ko alam kung tatakbo ba ako at yakapin sila o tatakbo papalayo ngayong pareho silang nakangising dalawa.

Diretso ang lakad ni Bench sakin habang sumusunod si Denise sa kanyang pinipigilan ang tawa.

"Nice to meet you..." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

DAFUQ? Napatingin ako sa kanilang lahat at nakitang napanganga si Celine, Mary, yung dalawang babae sa likuran ni Sir Chase, yung ibang babae (matanda o bata) na nakakita sa ka preskohang ginawa ng walang hiyang pinsan ko.

YEAH RIGHT! We should pretend that we don't know each other.

"You are so beautiful. I wonder where ya get your genes?" Ngumiti siya.

Ang sarap sapakin. Pero bago pa ako manapak ay may humila na sa kamay ko. Inalis ni Sir Chase ang kamay ko sa kamay ni Bench at hinila niya ako sa likuran niya na para bang kailangan kong magtago.

An amused grin on Bench's face flashed.

"Sorry. The boyfriend?"
"No!" Sabi ni Brittany na kanina pa pala tahimik.

Di tumingin si Bench sa kay Brittany. Titigan lang talaga ni Bench at Sir Chase yung nangyari.

"Chase Martin Castillo, man!" Sarcastic na sinabi ni Bench habang naglalahad ng kamay. "Didn't mean to... take something important from you?" Nakataas ang kilay niya at sa gilid ay nakangisi si Denise habang kinikindatan ako. "Benjamin..."

PATAY! Wa'g Jimenez please?!

Buti at di niya dinugtungan. Umaliwalas ang mukha ng kanina pa nakasimangot na si sir Chase at kinamayan si Bench.

"Right!" Napabuntong hininga si Sir Chase. "Welcome!" at ngumiti.
"And this is Denise, my wife." Kumindat siya sakin at nakita kong sumimangot si Denise.
"Nice meeting you." Tumango si Sir Chase kay Denise.

Si Denise naman ay tumingin sakin at tingin ulit kay Sir Chase at biglang nag "Oh, okay!" Mukhang nahimasmasan.

Ngumiti siya, her usual evil smile pag may bagong ibu-bully.

"Let's go, Bench! I'm thirsty! Di ko talaga alam kung bakit tayo ang pinadala ni tito para mag attend dito, pero dapat may isang magpasalamat diyan na tayo yung narito instead of her... dad. Well... Lika na." Sabi ni Denise.

Wow! Nagpaparinig!? Salamat D ah? Di mo sinabi saking pupunta pala kayo dito muntik na akong nahimatay sa kaba! GRRR! Well, now I can remember her weird phone call.

Umalis silang dalawa pero tinititigan ako ni Bench with his evil smile habang hinihila siya ni Denise.

Biglang nag-ingay yung mga babae sa paligid na para bang shock na shock. Pinalibutan ako ni Celine at Mary para paulanan ako ng tanong tungkol sa nangyari. Umalis naman si Sir Chase sa tabi ko.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText