<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

ninetysix-hundred


NINETYSIX
Celestine Herrera: Gab may group work pa ako eh.






"Uy, si Gab... Hala!" Sabi ni Jana sakin pagkapasok namin ng classroom.

Nandun nga siya sa silyang inuupuan niya noon pa. Okay na pala siya. Maaliwalas ang kanyang mukha.

Noong isang linggo pa siya nakalabas ng ospital, pero ngayon lang siya nakapasok ng school ulit.

Umupo ako sa silyang dati ko ring inuupuan ng biglang may tumabi sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko, oo, kinabahan ako. Sinong hindi kakabahan niyan eh si Gabriel ang tumabi sakin. Hinayupak! Eh ngayon lang ulit kami nagkita pagkatapos ng major major na desisyon ko. Anong ginagawa niya dito sa tabi ko?

"Sabay tayo uwi ah?" Ngumiti siya sakin.


Nga pala! PATAY! Hindi ko pa naiisip o napaplanuhan man lang kung anong magiging reaksyon ko kung ganito. Siguro hindi ko naisip na magiging magkaibigan ulit kami pag katapos ng nangyari, hindi ko naisip na papansinin parin niya pala ako.


Hindi niya ba ako naintindihan?


"Uh kasi, Gab may group work pa ako eh." Sabi ko.


Hindi ko man lang siya tiningnan sa mga mata. Nakakahiya kasi, titig na titig siya sakin.

"Talaga? Edi, hintayin na kita."
"Gagabihin yata eh."
"Hihintayin nga kita."
"Uhm. So sige, ikaw bahala." Sabi ko nang matigil na siya.

Sa whiteboard lang ako nakatingin kahit napapansin kong titig na titig parin siya sakin. Sinisiko na nga ako ni Jana pero

binalewala ko na.

"Bagay sa`yo ang maiksing buhok." Sabi niya.

Tama! Pinutulan ko ang buhok ko. Maiksi na siya ngayon. Kahit kailan, hindi ko naranasang magkabuhok ng maiksi, ngayon lang. At kung naging maiksi man ang buhok ko noong bata pa ako, sigurado ako wala pa akong malay nun. Ginawa ko `to para may maramdaman akong pagbabago. At totoo, epektibo. Nakaramdam ako ng pagbabago, sa sarili ko, sa isipan ko, sa puso ko...


"Salamat."

Buti na lang at dumating na ang professor namin at nagsimula siyang mag lecture.

Dalawa at kalahating oras siyang naglecture at ang pantapos niya ng session namin ay isang pop quiz.

"Pass your papers to the front."

Mejo napaisip ako kung nasagutan kaya ni Gabriel ang ibang tanong. Kasi naman, halos kalahati ng mga tanong ng prof namin ay

galing pa sa mga unang discussions niya.

Sinulyapan ko ang papel niya, puno naman at puro tama pa ang sagot! May sinagot nga siyang nakalimutan ko eh.

Ipinasa ko ang papel ko, kinuha niya naman agad at may isang saglit na nagkadikit ang kamay namin tapos nakita ko siyang ngumiti.

Anong problema ng mokong na `to? Halos matawa nga ako sa ngiti niya pero ayaw kong makita niyang okay lang.

Sunod siya nang sunod sa akin kahit saan man ako magpunta. Hindi ko naman siya kinakausap kasi busy ako at hindi rin naman siya ganun ka matanong.

Tingin nang tingin ang mga kilala namin at mga kaklase. Halos madapa nga sa kakatingin si Stacey kahit kasama niya yung rumored boyfriend niya eh.

Nginuso ni Jana si Gab at tinaasan ako ng kilay. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Gab, sigurado ka bang hihintayin mo ako?" Sa wakas, tinanong ko rin ito nang nag alas syete na ng gabi at papunta na kami

dun sa meeting place ng kagrupo ko.
"Oo naman..." Ngumiti siya.

WEIRDO! Bakit ganito siya?

"Wala ka bang gagawin? Kamusta na ang proposal niyo? Yung grupo niyo? may grupo ka na ba?"
"Ah. Oo, bukas pa naman kami mag memeeting eh. Tsaka nag brainstorming narin kami kaya mejo okay na."

Did I sound concern? GRRR. Bakit kaya yung pagiging concern ko sa kanya eh bigla na lang sumusulpot naturally.

"Ah ganun ba, edi mabuti." Tumigil ako sa harapan ng AVR 1.

Napakamot ako sa ulo.

"Uhm Gab, closed door kasi `tong meeting namin. Grupo lang ang pwede dito..." Sabay tingin ko sa loob at nakita ang naghihintay kong mga kagrupo.

"Okay lang! Maghihintay ako dito." sabay kuha ng silya.

Sa`n ba yun nakasungkit ng silya dito? LOL.

"Uhm... Gab... Look, you don't have to do this."

Umupo siya sa silya.

"Yes, I don't HAVE to do this."
"Kung gusto mo talagang maghintay, pwede namang sa loob na lang ng sasakyan mo o sa labas ng school na lang, sa isang fast food, sa Starbucks or somewhere. Wa`g dito."

Tumingin ako sa paligid at naramdaman ko ang presence ng mga lamok.

"Pwede ka rin dun sa cafeteria... wa`g dito."
"Sige na, okay na ako dito." Ngumiti ulit siya.
"Alam mo kasi, matatagalan kami. This might take two hours..."
"Ang tagal naman! Pero di bali. Sige na..." Ngumiti siya.

NAG REKLAMO BA SIYA DUN? Okay! Fine! Mabuti na rin ang magreklamo siya kasi kung di siya magreklamo, talagang sasapakin ko na siya at maiisipan kong pinagpaplastikan na niya ako.

Agad akong pumasok kasi nawala ang lahat ng pagka concern ko nung nag reklamo siya.

Sinarado ko ang pintuan at nagsimula ng makipagmeeting sa mga kagrupo ko.

Isang oras ang nakalipas, sumakit na ang ulo ko sa mga pinag uusapan namin. Ang hirap naman ng proposal namin. Pinaglaruan ko ang ballpen.

"Cel, wa`g mo sabihing naghihintay si Gab sa`yo?" Sabi nung isang kaklase ko.
"Uh... Oo."
"Naku! Lakas ng tama nun sa`yo no? Kaninang umaga ko pa yun binabantayan at nanibago talaga ako sa inyong dalawa." Sabi ng isa.
"Kayo na ba?"
"Hindi no..."
"Ows? nanliligaw sa`yo?"
"Hindi rin!"
"Eh ano yang tawag niyo sa ganyan? Friends with benefits?" nagtawanan sila.
"Hindi no... Kaibigan lang kami at ewan ko ba dun."

Napangiti ako at naisipang sumilip sa labas para lang makitang wala na siya dun sa silya.

LINTIK NA GAB! Kita niyo? Umalis din?

"Uy ano? Papasukin mo na lang kaya?" Tanong ng isa.
"Ay ewan. Umalis na. Napagod siguro sa kakahintay."
"Naku, Cel! Wa`g mo naman kasi masyadong alipinin yan o paghintayin... tsk tsk. Napapagod din kaming mga lalaki kaya kusa na lang kaming umaalis." Sabi nung lalaki.
"Hindi ko naman siya pinapaghintay o inaalipin eh. Hinahayaan ko lang..."

Tapos nun, nagsimula ulit kaming mag usap tungkol sa proposal. Ewan ko kung bakit mejo galit ako ngayon at uminit ang ulo ko. Dala siguro `to ng inis ko sa pag alis ni Gab.

Sinulyapan ko ang cellphone ko, wala man lang text na galing sa kanya! Di man lang nagpaalam!

"Tapos na tayo sa ngayon!" Sabi ng leader namin.

Dalawang oras at kalahati din namin yun ginawa pero di parin kami natatapos. Kumakalam na ang sikmura ko. HUHU Hindi ko kasi naisip bumili ng pagkain kanina bago nagsimula ang meeting kaya yan tuloy.

Inayos ko ang mga librong dadalhin ko. Ang dami ko pang dalang libro tapos gutom pa ako! Mag tataxi na lang ako pauwi... huhu

"Ako na magdadala."

Biglang kinuha ni Gab ang mga libro kong kung pagpapatung-patungin mo ay lalagpas ulo sa dami.

"G-Gab? Akala ko umalis ka na?" Tanong ko.
"Hindi pa, nandito pa nga ako diba?" Pilospo!
"Nung sumilip ako sa labas kanina, wala ka."

Napangiti siya.

Ewan ko kung bakit uminit ang pisngi ko nung tumingin siya sakin.

"Ah yun bah? Umalis ako, binilhan kita ng pagkain, baka kasi gutom ka pagkatapos ng meeting niyo."

"Uyyy!-Shhhhhh!" Bigla kong napansin na may nakikinig at nakatingin pala saming mga kaklase ko.

Ipinakita ni Gab ang Nitake-out niyang pagkain para sakin. WOW! Gutom ako kaya agad akong naglaway dun sa pagkain.

"Wow? Talaga, Salamat!" Yung pagkain ang kinuha ko at si Gab...siya ang nagdala ng sandamukal kong libro.

Kumain ako sa loob ng sasakyan niya. Hindi niya muna pinaandar kasi kumakain ako.

"Eh ikaw Gab? Kumain ka na ba?"
"Oo eh. Sana nga nagkasabay na lang tayong kumain, kaso ginutom na rin ako at alam kong gutom ka na kaya nagbakasakali akong pwede kong ihatid sa loob ng AVR yung pagkain kaso huli na nung narealize kong hindi pala pwede ang pagkain dun."

Tumango ako.

"Salamat!" Tapos na akong kumain.
"Busog ka na?"
"SOBRA!"

Pinaandar niya na ang sasakyan.





"Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang naghintay ka nga." Sabi ko nang hawakan niya ang manibela at nakita ko ang dami ng kagat ng lamok sa braso niya. Sobrang dami!







"Kung sasabihin kong maghihintay ako, maghihintay ako." Nakatingin siya sa daanan nang sinabi niya yun.



Hindi na ako sumagot. :-[







"At kung sasabihin kong mahal kita, mahal na talaga kita."


NINETYSEVEN
Celestine Herrera: joke lang yun.






Mali kaya `tong ginagawa ko?

Nakapagdesisyon na ako at pinili ko ang sarili ko. Pero ngayong ayan na naman siya, sa tingin niyo okay lang `to?

"Cel, sabay tayo uwi ah?" Sabi ni Gab sabay ngiti.
"O.. Okay." Nginitian ko na rin siya.

Nasa AVR 1 ulit yung meeting ng grupo, tapos ang meeting naman ng grupo nila, nasa AVR 2 na katabi lang ng AVR 1.

Pumasok na ako sa loob ng AVR 1. Pumasok na rin siguro siya sa AVR 2 para makapagmeeting na sa proposal nila.

Matagal nagstart ang meeting kaya lumabas muna ako para tingnan kung nandun ba si Gab, kaya lang wala na siya.

"Hoy, Cel!" Tinawag ako ni Jana. "Ano na?"

Hinila niya ako palayong AVR 1.

"Anong ano na?"
"Si Gab?" Tumingin siya sa paligid. "Don't tell me umuwi na yun?"
"Hindi. Nasa AVR 2 lang. May meeting din sila."

Tumingin siya sa relo.

"Gagabihin ulit kayo? Sabay ba kayo uuwi?"
"Oo."

May kung ano sa ekspresyon ng mukha niya, hindi ko mabasa. Naku naku! Itong si Jana, baka kung anong malisya na namana ang binibigay niya.

"Ano ba, wala lang `to noh!"
"Asus wala!"
"Wala na nga diba? Nakapag desisyon na ako."
"Oo. Tapos? If you love someone set him free, and if he comes back he's really yours. If he doesn't he never was." Sabi ni Jana na nakangiti na.
"You can never own a person. Kung anong desisyon niya, rerespetuhin ko. Kung anong desisyon ko, respetuhin niya."

Wow! Ang tigas ng sinabi ko ah! Pati ako nabigla. Hindi nga lang ako sigurado kung ganun din ba katigas ang puso ko.

"O siya, sige na nga! Alas syete na at mukhang uulan pah! Alis na ako. Ingat kayo ha! Itext mo ako kung may something." Ayan na naman yung evil-look ni Jana.
"Ge na. Go!"

Umalis din naman siya at pagkatapos ay nag simula na ang meeting.

Maaga kaming natapos, 15 minutes nga lang yun eh kasi mejo okay nadaw yung proposal namin. Nag assign na lang yung leader ng

kanya-kanyang trabaho na sa bahay na gagawin.

Nasa labas ako ng AVR 2. After 15 minutes, nilamok na ako ng todo.

Nakakalurkey! Ako na naman ang maghihintay kay Gab! Tiningnan ko ang phone ko, tapos wala namang message na galing sa kanya.

Ayaw ko namang mag text bigla. Grrr.

30 minutes na at naiinip na ako. Wala pang upuan!

Bakit ko nga pala `to ginagawa? Ayoko na nga! Makaalis na nga lang.

Ititext ko na lang siya kapag nakauwi na ako sa bahay, aalis na ako kasi ginugutom na ako at naiinip na. Yun ang totoo. Oo kaya ko pang maghintay, pero sabi ng logic ko, wa`g ng maghintay.

Tinahak ko ang daan palabas ng school pagkatapos biglang umulan. Dali-dali kong kinuha ang payong ko.

Kaya lang sa lakas ng ulan, eh hindi na nakaya. Kailangan ng sumilong.

Sumilong nga ako at hinintay na humupa ang ulan.

Sana pala hinintay ko na si Gab. Grrr. Lumakas lalo ang ulan at may kasamang kulog at kidlat pa ito. Another 30 minutes akong nakatayo sa waiting shed sa labas ng school.

1 hour.

Ang lakas talaga ng ulan.

Tapos na kaya sina Gab? Yun lang ang pabalik-balik sa utak ko. Hindi ko pa naman nakikita ang sasakyan niyang dumadaan eh kaya malamang hindi pa.

May payong kaya si Gab? Naku, kawawa naman kung mauulanan siya. Hmm, may payong naman siguro yung mga kasama niya kaya baka makikisilong siya hanggang sa dumating siya kung saan niya nipark ang sasakyan niya.

*Ting-tititing-tititing-ting-ting*

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nakita ang 27 missed calls, 34 messages. GALING KAY GAB! Tapos ngayon ko lang namalayan `to!

*TING-TITITING-TITITING-TING-TING*

"Cel!"
"Hello, Gab?"
"Asan ka ba!"

Mejo nagalit ako ng bahagya sa pagkakasabi niya nun, para kasing nagagalit siya na basta!

"Pauwi na ako..." Lumakas lalo ang buhos ng ulan. "Nakakainip eh."

Long pause.

Narinig ko rin ang ulan sa background niya.

"Ha? Asan ka na? Nakauwi na o pauwi pa?"
"Pauwi... uhm... malapit na ako sa bahay." Pumikit ako pagkasabi ko nito at kinagat ang labi. "Nakauwi na."

Bakit ako nagsinungaling? Ego?

"Ah. Akala k-ko hihintayin mo ako."

Hintayin ka jan... tsss.

"Umuwi ka na, Gab."

Naguilty naman ako agad! Nakakainis! Ganun ako kabilis ma guilty sa taong sinaktan ako ng todo! NAKAKAINIS! SERYOSO!

NAKAKAINIS!

"A-Asan ka na?"
"Nasa school pa."
"Asan?"
"Nasa tapat ng Humanities building."

Agad kong ginamit ang payong ko at pumasok ng school.

"Uhm... Uh... Sige-"
"Sandali lang!"
"Huh?"

Kahit malakas ang ulan, kinaya ko paring gamitin ang payong ko papunta sa tapat ng building na sinasabi ni Gab. ang building kung nasaan ang AVR 1 at 2.

TAPAT NG HUMANITIES? ???

Nag lowbat ako kaya nawala siya sa linya.

Nakita ko si Gab, basang-basa sa ulan at nagsisikap na sumilong pero sa lakas ng ulan hindi parin sapat ang sinisilungan niya.

Nakita ko ang bigla sa mukha niya nang nakita ako.

Pinayungan ko siya.

"Uwi na tayo."

Long pause.

Nakatunganga siya sa mukha ko. Habang dinidistract ko ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid at sa ulan.

Oo, basang-basa siya at guiltyng-guilty ako, awang-awa ako, kinukurot ang puso ko.

Bigla niya akong yinakap.

"G-Gab?"
"Akala ko umalis ka na! Akala ko iniwan mo ako! Akala ko hindi na talaga ako mahalaga sa`yo!"
"G-Gab..."

Bumitiw siya at hinarap ako.

Hindi ko alam pero...

Sa ngiti niya ngayon. Ngiting pati ang kanyang mata ay makikita mong ngitng-ngiti talaga. Kumikislap siya sa kasiyahan.

Hindi ko alam pero...

Ang pinuhunan ko sa pag tatayo ng matatayog na pader sa paligid ng aking puso ay nawalang halaga. Gumuho ang pader sa ngitiniya. Nawala ang lahat. Na reset ang puso. Nakalimutan ang sakit. Wala na akong pakealam. Mahal ko lang talaga siya.

Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti ako sa sarili ko.

"Umuwi na tayo." Sabi ko.

Kinuha niya ang payong ko at linagay niya ang kamay niya sa kabilang braso ko.

Yinakap niya ako at pinayungan habang papunta kami sa sasakyan niya, at umuwi.

"Salamat!" Humupa ang ulan pagkauwi namin.
"Sabi mo kanina nasa bahay ka na?"
"Uh.. hehe joke lang yun." Sabi ko na parang wala lang.
"Joke?! Hindi magandang joke yun! Nasaktan ako..."

Nagkatinginan kami. Seryoso siya.

Binuksan ko ang pintoan ng sasakyan niya.

"Thanks again, Gab!"
Ngumiti siya. "I love you, Celestine."

I love you, Gab.

But, no.

Kumaway na lang ako at binuksan ang gate. Hindi ko masabi sa kanya... siguro dahil talagang hindi ko dapat sabihin.

NINETYEIGHT
Celestine Herrera: Bawas pogi points yun!!!






"Hindi talaga pumasok si Gab." Sabi ni Jana habang kumakain ng chippy at papunta kami sa last subject namin.

Ano naman kayang nangyari dun? Di kaya nagkasakit ulit yun?

Tinitigan ako ni Jana. Weird look.

"Ano?"
"I can sense something."
"Ano?"
"Worried ka ano?"

Hindi ako sumagot.

Ngiting-ngiti siya at tinukso akong lalo.

"Ano naman kung worried ako? Syempre worried din, kahit papanu kaibigan ko din naman yun. tsss."
"Alam mo, Cel. Kung gusto mo siyang sagutin, edi sagutin mo! Hindi naman siguro yun tatagal ng ganito pag di yun seryoso."
"Bakit? Bakit ko siya sasagutin? Nanliligaw ba? Di naman ah?"
"Sus naman! Alam kong nagpakatanga ka noon, pero wag ka namang maging manhid ngayon!"
"Hindi naman sa ganun. Kasi nga diba, nakapag desisyon na ako. Kailangan kong panindigan yun."
"Hay... O sige na nga, ikaw na ang bahala. Alam ko namang gusto mo parin siya kahit nasaktan ka. La namang masama dun eh."

Nagkibit-balikat ako.

Totoo. Wala ngang masama dun kaso natatakot na ako. Kaya ko naman pala ng wala siya eh at ngayong gusto niyang pumasok ulit sa buhay ko, baka sa susunod na mawala ulit siya, di ko na talaga kakayanin. Ginagawa ko lang ito para ipakita sa sarili ko na kahit anong mangyari, magiging okay din ako.

Sa last subject namin, wala parin si Gab.

Pagkalabas ko ng classroom, nakasalubong ko si Eiji!

"Cel!" Ngumiti siya.
"O, Eiji."

Simula nung naospital si Gab dahil sa nabugbog ni Eiji at Dexter, hindi na kami masyadong nagkikita.

Nagkita kami ni Dexter at nagkausap nung hindi pa bumabalik si Gab at sabi niya makikipagbalikan daw siya kay Krizzy na ex niya. Natuwa naman ako sa desisyon niya. Humingi ulit siya ng tawad sa nagawa niya, at syempre okay na yun sa akin. Kasi siguro naman kung hindi nangyari itong lahat, hindi ko magagawa ang mga importanteng desisyon ko.

"Hindi ka ba ihahatid ni Gab sa bahay niyo?" Tanong niya na para bang alam ng lahat ng tao na si Gab na talaga ang naghahatid sa akin.
"Uh, wala siya ngayon."
"Bakit?"
"Ewan ko, di naman nag text eh."
"Ahh. Pwede bang ako ang maghatid sa`yo ngayon?"
"Syempre naman! Nakakahiya nga eh. Sigurado ka?"
"Oo, sinadya ko talagang hanapin ka ngayon kasi gusto kong makipag usap sa`yo."

Hanggang ngayon, hindi parin ako binalitaan ni Gab kung ano na ang nangyari sa kanya. Naisipan ko ngang pumunta sa kanila mamayang gabi pag uwi ko para malaman kung napanu siya. Hindi naman kasi nag titext yung mokong kaya nagdududa tuloy ako kung may care ba talaga siya sa akin.

"Mag ice cream muna tayo."

Pumasok kami ni Eiji sa isang ice cream shop at nagpalipas oras, nagkwentuhan at kung anu-ano pa.

"Ma mi miss ko talaga `to." Sabi niya.
"Hmm?" Sabay subo ko ng stick-o na nasa ice cream ko.
"Babalik na kaming Ireland next week eh. Aalis na ako ulit."

Nabigla ako sa sinabi niya. All this time, akala ko dito na siya sa Pinas!

"Huh? Ang bilis naman!"
"Oo. Nagbakasyon lang kasi kami ni Mama dito. Kaya nga hindi ako enrolled sa skul niyo kasi sa Ireland talaga ako mag aaral."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I missed Eiji. Noon, close na close kaming dalawa. Parang magkapatid na. Pero simula nung nawala siya, nagbago ang lahat. Ngayon bumalik siya, kahit na magkaibigan parin kami at kilalang kilala ang isa't-isa marami paring nagbago. Gusto ko sanang humabol sa mga nawalang panahon pero aalis na ulit siya.

"Pwede ba tayong lumabas this saturday?" Tanong niya.
"Syempre naman!"
"For the last time while I'm here." Ngumiti siya. "Sana di magalit si Gab."
"Huh? Ba`t naman yun magagalit? Tsk."
"Hindi ko na siya kakalabanin sa puso mo. Alam ko namang siya. I just want to be your best friend..."
"Ano ka ba! Ba`t ba nasali si Gab dito?"
"Sinagot mo na ba siya?"
"Sinagot? Di naman yun nangliligaw."
"Hay naku Cel, I'm starting to think you're already mastering a very useless skill... self-deception. Well, bagay din naman kay Gab ang pahirapan! Pahirapan mo yun ah."

Hindi ulit ako nag comment sa sinabi niya.

*slaps her face*

Sige na! Tama na nga... este... huhu. Sige na nga, totoo. Na fifeel kong nanliligaw si Gab sa akin. Feel ko mahal niya talaga ako pero may something sa akin na dinideny kung ano yung nararamdaman ko.

Hinatid ako ni Eiji sa bahay. Nabigla ako nang nakita si Gab sa labas ng gate namin, nakatayo.

"Gab?" Lumabas ako sa sasakyan.

Seryoso ang mukha niya at kitang-kita ko na galit siya. Kilala ko si Gab, pag ganito ang ekspresyon niya, naiirita yan.

"Gab, pare, hinatid ko lang si Cel." Lumabas din si Eiji sa sasakyan.
"Uh, Eiji, gusto mo pumasok muna sa bahay?" Tanong ko.
"Wa`g na Cel." Ngumiti siya sakin at tumingin ulit kay Gab. "Uuwi na rin naman ako eh."
"Sigurado ka?"
"Oo."
"Sige."

Umalis din naman si Eiji. Pero si Gabriel naroon parin sa tapat ng gate namin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko.
"Oo. Saan ka galing?"
"Huh? Uhm, sa skul, hinatid lang ako ni Eiji dito."
"Kanina pa ako tawag ng tawag, out of coverage area."

Hinanap ko ang phone ko at nakita kong lowbat ito. Pinakita ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok sa bahay namin.

"Gab? Ba`t ka pumapasok sa bahay namin?" Bakit kaya!?
"Nawala lang ako ng isang araw, may ibang kasama ka na agad. Kaya siguro di na ako importante sa`yo kasi nung nawala ako ng ilang linggo iba-iba yung kasama mo." Bulong niya. Narinig ko pero hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Anong sabi mo?"
"Wala! Pumasok na tayo sa bahay niyo! Pag magalit ako ngayon, masisira ang diskarte ko."

Dumiretso siya sa dining area at nakita ko si Nica, si Mama at Papa, at ang kanyang mama at papa na nakaupo sa parihabang dining table namin. Nagtatawanan silang apat at tumigil lang ang usapan nila nang dumating kami.

"Eto na siya." Sabi ni Gab at pinaupo ako sa upuang katabi ng sa kanya.
"Saan ka ba galing Cel? Dapat pala sinundo ka na lang ni Gab. Tapos di ka pa macontact." Sabi ni Papa.
"Huh? uh-"
"Ah kasi po sumama siya sa isa pang manliligaw niya." Sabi ni Gab.

Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Naku naku... Kaya naman pala dumiretso na talaga si Gab sa amin para siguradong seryoso." Sabi ni mama at nagtawanan silang apat.

Nginitian din ako ni Nica at nag thumbs up pa.

"Ano ba `tong ginagawa mo Gab?" Binulong ko kay Gab.
"Di mo ba nakikita? Nanliligaw ako sa`yo! Umaakyat ako ng ligaw kaya sinabi ko sa mama at papa mo." Ngumiti siya sa akin.

Nakita ko sina mama at papa na nakikipagkwentuhan ulit sa mama at papa ni Gab habang kumakain.

"Para malaya na akong makakalabas pasok sa bahay niyo as your boyfriend..."
Tumaas ang kilay ko.
"Kung sakali lang naman. he he he."
"Ahh."

ANG WAIS NA GAB NA `TO!

"Cel, kumain ka na! Ang sarap palang mag luto ni Gabriel! Naku." Sabi ni Mama.

Luto ni Gab?

"Panalong panalo na siya samin ng papa mo!"
"Oo nga naman! Mas mabuti nga sanang sila ang magkatuloyan diba at least alam natin na nasa mabuting kamay ang anak natin."
:o
Sabi ng mama ni Gab.

Nagtawanan ulit silang apat at nagkwentuhan ulit.

Nakita ko sa harap ng table ang luto ni Gab, caldereta at adobo. Dalawa sa mga paborito ko.

Grrrr!

"Kumain ka na..." Tapos linagyan niya ang plato ko ng pagkain.

May pangiti-ngiti pa siyang nalalaman.

"Ano? Susubuan pa kita?" Sabi niya na para bang tatawa na dahil sa pagkakasalubong ng mga kilay ko at masamang tingin ko sa kanya.

Kinuha niya ang kutsara at umambang susubuan ako. Binawi ko agad `to at pinandilatan siya.

In fairness, masarap ang caldereta at adobo niya! Sobra! Sa sobrang sarap eh naubos ko agad yung linagay niya sa plato. Siya naman, nakangiti lang at nakatingin sa akin. Kinikilabutan tuloy ako.

Totoo na ba `tong nangyayari sa akin?

Malamang! Eh talagang umakyat na siya ng ligaw sa bahay niyo at nagdala pa ng pamilya para maipakitang totoo at seryoso siya!

Linsyak! Di talaga ako makapaniwala!

"Ano, Cel?" Nakaupo na kami sa sofa pagkatapos kumain.

Magkatabi kaming dalawa habang si mama at papa nasa dining area parin at nag iinuman ng wine.

"Pwede na ba akong maging boyfriend mo? Mahal na mahal kasi kita eh at hinding hindi na kita pakakawalan."

Tumawa ako ng napakalakas! Hindi ko alam kung bakit basta natawa ako sa sinabi niya. Natuwa ako, hindi ako makapaniwala, at na kornihan ng sobra! HAHAHA!

Bigla ba naman akong hinalikan!

Natahimik tuloy ako at napatingin ako sa paligid.

"Ano ka ba!"

Uminit ang pisngi ko at sinapak ko siya. Siya naman ang tumatawa ngayon.

"Di pa nga nagiging ta`yo, hinahalikan mo na ako! Bawas pogi points yun!!!"

Sinabunutan ko ang tuwang-tuwa na si Gab.

At sa huling sinabi ko, yun ang tanda na tinatanggap ko na ang panliligaw niya. Finally.


NINETYNINE
Celestine Herrera: Follow the red petals.











"Cel, Date naman tayo this Saturday oh?"
"Huh? Saturday..." Natigilan ako. "Hindi pwede, may lakad kami ni Eiji eh."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Gab pagkasabi ko nun.

"Saan kayo pupunta?"
"Uh, sa mall lang naman eh."
"Anong gagawin niyo dun?"
"Uh, kain?"

Nakita kong tumaas ang kilay niya.

"Pasyal?"

He crossed his arms.

"Sine?"
"SINE?"
"Oo? Bakit?"

Masama ang tingin niya sa akin. Masama rin ang tingin ko sa kanya!

Pero wala siyang magagawa. Aalis na si Eiji at gusto kong magkasama kami bago siya umalis. Kahit halatang tutol si Gabriel,

sasama parin ako.

"Ano ba yan? Nanliligaw ba yan sa`yo o ano?" Tanong niya pagdating ng Saturday.

Ang aga-aga nasa bahay na si Gab at ang kulit, tanong nang tanong ng kung anu-ano.

"Hindi..."
"Bakit may pa-date date pa kayong nalalaman?"
"Hello? Di ba pwedeng lumabas ang mga magkaibigan?" Sabi ko.

Nasa tapat na kami ng gate at hinihintay kong dumating si Eiji para kunin ako.

"Pwede ba akong sumama?" Tanong niya.
Napatawa ako sa tanong niya.
"Hindi pwede!"
"Bakit? Kaibigan niyo rin naman ako ah?"
Masama na naman ang tingin ko sa nag pa-puppy eyes na si Gab.

Dumating naman agad si Eiji. Nakangiti siya sa tapat ng gate namin at hinihintay akong lumabas.

"Eiji!" Kumaway ako at kinuha na ang bag ko para umalis.

Sumunod si Gab sa akin.

"Gab, see ya later?" Sabi ko pagkapasok sa sasakyan ni Eiji.
"Don't worry, Gab. I'll take care of her." Sabi ni Eiji pagkasakay niya.
"Siguraduhin mo lang..."

Umalis din naman kami agad ni Eiji.

Tiningnan ko si Gab nung papaalis na kami, akala ko hihintayin niyang mawala kami ng tuluyan sa paningin niya pero nagmadali

siyang pumasok sa bahay nila eh. Napabuntong-hininga ako.

"Hindi mo parin sinasagot?" Tanong ni Eiji sakin.
"Huh?"
"Sagutin mo na yun. Mahal mo diba?"

Hindi ako sumagot. Mahal nga, Eiji. Pero hindi ganun kadali ang lahat.

Namasyal kami ni Eiji. At tulad ng sinabi ko kay Gab, nanood din kami ng sine, kumain, naglaro, at kung anu-ano pa. Eiji is my long time bestfriend now. Masaya ako dahil nakita ko ulit siya sa hinaba-haba ng panahon na hindi kami nagkita.

"Hay! Ang saya ko!" Sabi ni Eiji.
"Ako rin!" Ngiting-ngiti ako habang hawak-hawak ang teddy bear na ibinigay niya sa akin.
"Pero ginugutom na ulit ako. Kain ulit tayo? Dinner?"
"Sige!"

Syempre, pag pagkain, hindi ako tatanggi!

Linagay niya ang kamay niya sa braso ko habang papunta kami sa isang exclusibong restaurant.

Sa may terrace kami pumwesto at kami lang dalawa ang naroon. Gabi na rin kaya kitang-kita ko ang mga bituin sa langit.

"Ang ganda dito!"
"Sobra!"

Dumating ang waiter dala-dala ang leather bound na menu.

Umorder kami agad kasi gutom na rin ako. Pagkaalis ng waiter, hinawakan ni Eiji ang kamay ko na nasa mesa.

"I'm going to miss you." Sabi niya.
"Ako rin." :'(

May narinig akong nag va-violin sa gitna ng restaurant. Pamilyar ang music pero hindi ko matandaan kung anu.

Ilang sandali, naisipan naming tumayo ni Eiji at dumungaw sa labas. Nasa ikalawang palapag kasi kami ng restaurant at ang ganda ng view sa labas.

Tumawa ng marahan si Eiji kahit wala naman kaming pinag uusapan.

"Sigurado ako di ka makakakain ng mabuti." Tiningnan niya ako habang at ngumingiti pa.
"Huh? Ba't naman? Gutom ako kaya mas marami akong kakainin!"

Umiling siya. Ngayon ko lang napansin na may something sa kanya ngayon.

"Oo, kaya nga kakain tayo ngayon diba?"

Humarap namin ang table namin sa loob pero nakatayo parin kami doon.

Para akong may malaking question mark sa mga mata pagkasabi niya nun. Anong ibig nyang sabihin?

"Alam mo, kung sasagutin mo si Gab, sigurado ako wala ng makakapagpalayo pa sa inyong dalawa."
"Uh," Mejo tutol ako sa sinabi niya. Ewan ko ba. Mukhang impossible. "You can't be sure of that."
"Sigurado ako."

May kung ano sa pagkakasabi niya na parang siguradong-sigurado siya at willing siyang makipagpustahan nun kahit kanino.

"That makes me...your only bestfriend forever... because he'll be your man."

Yinakap niya ako ng mahigpit. I embraced him.

May biglang umubo sa paligid kaya napatingin ako sa umubo.

"Ang galing mo rin naman talaga Eiji, ano? Sinasabi ko na nga ba! Diba sabi ko dumiretso ka na! Buti na lang sinundan ko-"
"Gab! Shut up! Okay, chill!?"

Halos matawa si Eiji nang biglang nagsalita si Gab ng walang preno.

"Anong chill?!" Pulang-pula ang pisngi ni Gab habang papalapit sa amin.
"Gab? Ba't nandito ka?"

Napatingin ako sa kagwapuhan niya ngayong gabi. Bakit iba siya ngayon? Kahit mainit ang ulo niya nang nakita ko siyang bigla sa hindi inaasahang lugar, bakit may kung ano sa kanya ngayong gabi? What's the occasion? Bihis na bihis kasi ang mokong.

"B-bihis na bihis ka ah? Uh, are you stalking us?" Tanong ko.

Tumawa ng napakalakas si Eiji habang masama parin ang tingin ni Gab sa kanya.

"Chill! Hindi ko inaagaw si Cel sa`yo. I was embracing her because I'm saying goodbye!"

??

"Cel, umupo ka muna dito."

Umupo din naman ako dun sa table namin. Pinagmasdan ko silang lumayo sakin at parang may pinag usapan.

Sigurado ako! Kanina pa sunod nang sunod si Gab sa amin ni Eiji! Kaya pala may kakaiba akong nafi-feel! Kaya pala hindi niya hinintay na mawala kami sa paningin niya kanina kasi sinundan niya kami! Ang mokong na yun?! Seloso! Napaka paranoid talaga!

Napangiti ako nang naalala ko ang kagwapuhan niya ngayong gabi. At ang gwapong yun, he's drawn to me. :)

Nagtatalo parin sila sa malayo. Gusto ko sanang lumapit kasi natatakot akong mag away ulit ang dalawa o baka magsuntukan dito.

Ilang sandali, umalis si Gab at bumalik si Eiji sa table namin nang naserve na ang pagkain.

A part of me broke when he went out the resto. Parang na disappoint? Bakit?

"Anong sabi ni Gab?" Tanong ko.
"Wala naman."

Ngumiti si Eiji habang umiiling at tumitingin sa pagkain.

"Wala?" I was confused.

There's really something here.

"Kumain na tayo?"

Kumain na rin ako ng tahimik. Kalahati sa utak ko nag-iisip sa nangyari at sa nakakapagtakang sagot ni Eiji at kalahati nito iniisip ang pagkain.

"You still think something can tear Gab and you apart?" Bigla niyang tinanong sakin yun.
"Mejo."

Naisip ko agad ang pinsan kong si Gianna.

"Ano naman kaya ang makakapagpalayo sa inyo?" Tumingin si Eiji sa paligid. "O sino?"
Napabuntong hininga ako. "His ex?"
Ngumiti siya at tumango. "Let's see about that."

Pagkatapos naming kumain, yinaya niya akong umuwi na.

Patingin tingin parin ako sa paligid kasi umaasa akong nandun lang si Gab.

"You think yung ex lang ni Gab ang pwedeng makakasira sa inyo? What if someone comes along. For you. Someone better. Someone who loves you more. And someone, you'll love more."

Tumindig ang balahibo ko pagkasabi ni Eiji nun.

"I can't imagine myself falling in love for someone else."
Tumango siya.
"Si Gab na ang mahal ko, as far as I can remember. And I don't think it'll ever change in time."

Pinaandar niya ang sasakyan pagkatapos kong sabihin yun.

At first, pauwi na talaga yung dinadaanan namin. Pero ilang sandali ang nakalipas, hindi na. Parang papunta kami Somewhere.

Tumigil siya sa harap ng isang mas exklusibong restaurant na overlooking pa ang buong syudad. Pinagbuksan ako ni Eiji ng pintuan.

"Ba't nandito tayo? Tapos na tayong kumain ah?"
Nakangiti siyang nakatingin sa clueless kong mukha.

"Ibang klase talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa mga egoistic at selfish na mga tao." Umiling siya.

I was like, 'huh?'

Kanina pa `tong si Eiji ah? May kung anong hindi ko talaga alam.

May binigay siya sa aking sulat with a heart sticker. Binuksan ko agad.

"Follow the red petals." Ang nakasabi.

Tumingin ako sa stairs at nakita ko ang mga red petals ng roses sa bawat palapag papunta sa loob ng restaurant.

Suddenly, my heart was beating so fast. I know this! But I'm not sure! Ayokong mag assume!

Tumingin ako kay Eiji at linahad niya ang kamay niya sa harap ng stairs.

"Follow your heart." He smiled.



ONEHUNDRED
Celestine Herrera: Sinagot ko na siya!







Tinahak ang ang daanang puno ng rose petals.

Habang naglalakad ako, kinakabahan ako. Sa loob ng restaurant, kandila lang ang ilaw. Hindi ko mabilang kung ilang kandila ang naroon. Bawat table, may tig tatatlong kandila. Scented candles to be exact. May mga bulaklak din sa bawat mesa at sa dinadaanan ko. Madilim pero I can sense a bunch of people around. I'm not sure if I know them, but I can sense them. I can see their shadows.

Alam ko. Hindi na ako pwedeng mag maang maangan! This is Gab's doings! Siya ang may pakana ng lahat ng `to! Kaya bihis na bihis siya kanina at ngayon ko lang nakuha ang ibig sabihin ng narinig kong pinag usapan nina Eiji kanina! I knew it!

Napangiti ako habang ini-enjoy ang bawat kandila.

May nakita akong table sa harap ko. May isang malaking kandila na pinalibutan ng red roses.

Halatang pinagplanuhang mabuti ang lahat.

Sa venue, sa mga bulaklak, sa mga kandila, ang lahat!--pinagplanuhang mabuti.

Naaninaw ko ang mukha ni Gab, as handsome as ever! Nakangiti siya.

Kuminang ang ngiti niya dahil sa mga kandila sa paligid.

Napangiti ako. I really think this is absurd... hahaha ang cheesy. Pero... God! I can't believe this!

Yung nandoon nga kami sa gazebo, akala ko panaginip lang yun! Eh eto pa kaya! This is more than everything!

How could I hate this guy?! I would never be able to hate his red lips, painfully striking smile, tantalizing eyes, his whole being. From the very start, I knew I was meant for him as he was for me. But what did keep us from being together?

May unti-unti akong narinig na music sa paligid. Sigurado ako, someone was playing that music live. Somewhere in this dark room. Pero ayokong tumingin sa paligid, gusto ko lang tumingin sa kanyang mga mata.

Pamilyar ang music. Isang pinoy band ang kumanta nito. Gusto ko nga ang tugtog na `to, pero ngayon mas lalo ko siyang nagustuhan. Pag pinapatugtog ito, lagi kong iniisip na may kasayaw ako habang ipinapatugtog ito, at buong buhay ko, isang tao lang ang gustong makasayaw ko sa tugtog na `to.

Linahad niya ang kamay niya sa harap ko. Ibinigay ko naman ang kamay ko sa kanya.

It was like entrusting my heart, fully, to him.

With no doubts.

With no hesitations.

It was what I was waiting for all my life.

Fearlessly entrusting my new heart to my old love.

*Ikaw na ang may sabi, na akoy mahal mo rin.*

He wrapped his arms around my waist as I wrapped mine around his neck.

"Gotcha!" He winked.

*At sinabi mo, ang pag-ibig moy di mag babago...*

Napangiti ako. Hindi ko kailan man naisip na mangyayari ang sandaling ito. Mas lalo akong napapangiti dahil kaharap ko siya.

"Hindi ko alam gusto mo yung kantang yan." Sabi ko.

*Na ako'y sayo, at ikay akin lamang...*

"Mmmm. Inisip ko yang mabuti. It means something like eternal love."
"Eternal love?" halos matawa ako sa sinabi niya.

Oh Gab! Eternal love! Sana nga!!!

Kasi ako? Ilang years na `to... at kahit kailan hindi nabawasan. Nasaktan man ako, pero wala pa rin! Mahal na mahal kita at bahala na!

"Sorry. Nasaktan kita. Maraming beses na diba? Simula nung una kitang sinayaw? Sorry. I'm so afraid of losing you. Sa tuwing nakikita kita as more than a friend noon, lagi kong pinipigilan ang sarili ko. At nung sinabi mong mahal mo rin ako, I don't want to believe. We were too young to be inlove. At alam kong mas magiging mahirap ang lahat kung imbes na maging magkaibigan lang tayo eh magiging mas higit pa ang turing natin sa isa't-isa. I'm so, so sorry. I left you alone that time. Masyado akong ma pride para maisipan pang ayaw pala kitang mawala. At nung bumalik ako, mas lalo pa kitang nasaktan. I didn't know how can you still stay by my side. I didn't know how you got here. I didn't know how you still ended up dancing with me right now. Kahit na sa simpleng mga pagseselos ko at galit ko naiiwan kita, pero ikaw, kahit ang sakit sakit na, nandyan ka parin. And I want you to stay the same forever. I want you to be beside me forever. Because from now on, I will, too."

May mga luhang nagbabantang bumuhos sa kanyang mata. Pero wala lang yun sa mga luhang bumuhos na sa pisngi ko. Tears of joy. He was holding back his tears. And I wasn't able to hold mine.

"I can't promise you I won't hurt you..."

Nagflashback sa akin ang unang beses na na isayaw ko siya. Nung highschool. Prom night noon at malinaw pa sa akin ang sinabi niyang bumasag sa puso ko. That was my first broken heart from my first love. And here I am again, trying to risk everything, all the new things inside me for that same person. For my first, only, and true love.

Hindi siya dumiretso sa akin. Ang dami niya pang fantasies kung kanikanino noon. He even fell for my cousin and it was heartbreaking.

Hindi ko talaga alam kung bakit may gana pang mag mahal ang puso ko. At hanggang ngayon siya parin, wala ng iba.

Right now, he's here in front of me asking for my heart. He didn't know that my heart had always been with him all this time.

Hindi ko man sabihin sa kanya, pero kahit hindi ko na pinaramdam sa kanyang mahal ko siya this past few weeks, mahal ko parin siya. Siya parin at siya lang ang may kakayahang basagin ang puso ko. At siya lang rin ang makakabuo nito.

Oo, I know my worth. I know that I deserve someone who can't hurt me. Not him. He's telling me that he might hurt me, right?

"But I will never give you up. I will never let you slip away. I will never let you go. Ever. Again."

Yinakap niya ako.

But its up for me to decide who's worth it. It's all up to me.

Kung hindi ako magtitiwala sa kanya ngayon, kanino pa ako magtitiwala?

Kung hindi siya ang mamahalin ko? Sino?

Wala ng iba.

Kasi hindi mo mapipilit ang puso mo kung sino ang gusto mong mahalin niya.

It was inevitable.

We we're friends. Bestfriends. Greatest enemies. Strangers, even. Just That most of the time. But right now, he's asking me to love him. To be even more of Just That.

Alam ko kung anong magiging sagot ko.

Natapos ang kanta. At biglang dumilim. Nawala ang kokonting ilaw galing sa mga kandila. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

No! Don't Gab! I want you to embrace me forever!

Pero bago ko pa yun naisip, umilaw sa buong lugar. Pero hindi parin full lights! The lights were still dim. May mapuputing series lights sa paligid. Kung titingnan mo sa malayo, parang waterfalls ang mga ito.

It also reminded me of the 'stars'. Nung sinabi niya noong si Gianna ang Sun ng buhay niya at ako ang stars. Gianna was there in every bright day, and stars were left on the darkest hours. Sa umaga, may mga stars, pero hindi nakikita dahil masyadong maliwanag ang araw. Hindi din naman ganun ka liwanag ang stars sa gabi, pero tinutupad nila ang mga hiling mo.

I saw Gab kneeling in front of me.

There was a ring!

RING!

SINGSING!

"Will you be my girlfriend?" Ngumiti siya.

His brightest smile ever.

Nakita ko ang mga hindi inaasahang tao sa likod ni Gab.

Jude Torres was holding the letter S.
Cid Lacson was holding the letter A.
Jana Soriano was holding the letter Y.

Stacey Enriquez was holding the letter Y.
Dexter Salvador was holding the letter E.
And Gianna, she was holding the last letter, S.


S-A-Y Y-E-S

Lahat sila ngiting-ngiti sa akin. Ako naman, napanganga.

Tumango ako habang lumalandas ang mga luha sa pisngi ko.

Hindi ko masabi ang 'oo'! Buti na lang at naramdaman niya ang panginginig ng kamay ko.

Sinuot ni Gab ang singsing sa akin.

Kahit na 'Will you be my girlfriend?' ang sinabi niya, feeling ko pakakasalan niya na ako sa ginagawa niya.

Then he hugged me. Everyone was clapping. Nakita ko rin si Eiji sa tabi ni Dexter ng naka palakpak. Nandun din si Krizzy, at iba pang mga kaklase namin!

Ang saya saya ko! Sobrang saya! MASAYANG MASAYA! Hinaplos niya ang pisngi ko.

"I love you so much!" Sabi niya.
"I love you, more!"

Hahalikan na sana ako ni Gab nang....

"Ehe-ehem!" Napatingin kaming lahat sa bumasag sa palakpakan.

Pumapalakpak din siya sa tabi habang kumakain ng apple. Kinuha niya yata sa isang table na mukhang may buffet na mga pagkain. Pinaghandaan talaga yata ni Gabriel ito.

"Bakit hindi ako inimbitahan dito?" Nakangisi si Kuya Sky habang kumakain ng apple.
"Kuya? Kelan ka lang umuwi?"

Si Kuya kasi nasa Med school, at nitong nakaraang linggo hindi siya umuuwi dahil sa tindi ng schedule niya. At ngayon, nandito siya? Hindi ko masisisi kung di siya inimbita ni Gab, kasi naman nung 'namanhikan' si Gab, wala si kuya sa bahay.

"Nung narinig kong nanliligaw daw si Gab."
"Bakit Sky? Di ba pwede?!" Nabigla ako nang biglang sumabat si Gab.

Halatang tense siya. Mas tense pa nung hinarap niya sina mama at papa.

"Sinagot ko na siya!" Sabi ko kay Kuya.

Behlat! :P

"You didn't say yes!" Nakangisi parin siya.

Hinawakan ko ang kamay ni Gab.

"Kuya Sky! Wa`g ka ngang epal!" Sigaw ni Gianna.
"Oo nga! Hayaan mo na nga sila!" Dagdag ni Jana.

Umiling si Kuya habang linalapitan si Gab. Nag high five silang dalawa at tinapik niya ang balikat ni Gab.

"You haven't won yet, Gab."

Ngumiti siya.

"Do you love her?"
"I love her." Buo ang pagkakasabi ni Gab nun.

Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kanyang kamay.

Nagkibit-balikat si kuya Sky, "I guess I have no choice. You take care of her."

Nagtawanan ang lahat at nagpalakpakan muli.

Feeling ko tuloy ikakasal na kami ni Gab sometime soon.

Pero ayoko ng isipin yun, ang importante ngayon. Mahal na namin ang isa't-isa.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText