<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Sign 11-15


SIGN 11~
Summer: its number 18






"UGGGHHHHH~!" Kung pwedeng punitin ang kumot ko, kanina pato nagkagutay-gutay.

Okay, what will I do? Nag-away kami ni Lex, kahapon. At wala akong kahit ni katiting na planong mag sorry sa kanya. OVER MY DEAD AND DECAYING BODY. That guy almossst called me a b1tch. Sinabi pa niyang nagpapa-as if akong may problema para lang makaakit ng lalaki. How good is that? Ibig sabihin, iniisip niyang peke yung mga sinabi ko sakanyang problema ko way back home? Ibig niya bang sabihin na sinabi ko lang sa kanya ang mga iyon dahil gusto kong maakit siya sa 'kawawang' side ko?

"This is... damn!"

Lalabas na ako ngayon. Di tulad kahapon na buong araw akong nagkulong. Anong gagawin ko ngayon? Ang kapal ng mukha kong tumitira dito ng libre. Pero mas makapal ang mukha niya dahil sa mga sinabi niya sa akin. Hinding-hindi ko talaga siya papatawarin. Kahit medyo nakokonsensya ako sa mga sinabi ko kahapon sa kanya, di ko parin palalampasin ang sinabi niya saking nagkukunwari ako. Wala akong pakealam sa kanya.

First time kong masabihan ng 'nagkukunwari' daw ako. At... para makaakit pa ng lalaki ha? Grabe, nakakainsulto yun sakin.

*397 messages received*

Ngayon ko lang nacharge ulit ang phone ko simula nung pinatay ko `to sa tawag ni Kevin.

Maraming text messages si Kevin. May text din si Dave. Lahat din ng friends ko dun eh tinitext na ako tungkol sa summer classes. Tinatanong nila ako kung bakit wala ako sa first day ng klase nila. Mga ungas, syempre... bumagsak ako. Natanggap ko rin ang mga death threats ni Lauren. Sabi niya sisirain niya raw ang image ko.

Lauren:
Summer, where are you? Aren't you enrolling for summer classes?
O baka naman nahiya ka na sa pagsira sa relasyon namin ni Kevin?
Kung nasaan ka man ngayon, sana namatay ka na sa pagsisisi sa ginawa mo.
I'll make sure you won't have a face anymore in our school.


30 messages na ganito ang laman. Isang message lang ang natanggap ko galing kay mama. Tig dadalawa naman sa dalawa kong pinsan. Yung ibang message galing sa di ko kilala.

Tinapon ko ang cellphone ko malapit sa unan ko. Lalabas ako ngayon at... maghahanap ng trabaho? Di na pwede, titigil na ako sa paghahanap. Bahala na si Lex diyan. Mukha niya.

Kinuha ko ang digital camera. I'll take pictures of me before I get outta here. Baka bukas, bumalik na ako sa syudad sayang naman.

Syempre. Wala akong kilala dito at ayaw kong mang-abala ng ibang turista. Nasa harap na ako ng sea shore. Ayan, para makita nilang maganda ang dagat at maputi ang sand dito. Humanap ako ng bato o kahit anong pwedeng paglapagan ng digital camera at makapicture ako kahit timer lang.

5... 4... takbo. 3... 2... pose. 1... 8)

Limang beses kong inulit `to sa iba-ibang pose. 8)

At sa pang anim?

POSE.

"Ano bang ginagawa mo?" Kinuha ni Lex ang camera.

Di ko na naitsura ang pose ko.

"Sige na. Pose ka na... Ako na ang mag ti-take ng picture."

Tumayo lang ako. No smile. No pose.

"1... 2... 3... smile!!!"

Binaba niya ang camera pagkatapos niyang i-click.

"Ba't di ka ngumiti?" Sabay tingin niya sa kuha ko sa camera.

Oh shet.

Linapitan ko siya at binawi ang camera sa kanya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.
"Don't talk to me like nothing happened." Nag walk-out ako at sinundan niya naman ako.

"Alam ko, I'm sorry. I didn't mean to..."

Tumigil ako sa paglalakad para harapin siya.

"Yeah, right. Saan mo nga pala ako gustong magtrabaho? Para makapagsimula na ako at maibigay ko na sayo ang buong sweldo ko." Tanong ko.

He smiled. May pa smile-smile pa siyang nalalaman eh hindi ko siya patatawarin. Promise. I said, OVER MY DEAD AND DECAYING BODY. Di ko siya patatawarin kahit na mejo nakokonsensya ako sa sinabi kong pawang katotohanan naman.

Ngiting-ngiti parin siya. Ako naman, para paring byernes-santo ang mukha.

"Pinapatawad mo na ba ako?"

I know this is awkward. Humihingi na nga ako ng trabaho sa kanya ako pa ang hindi nagpapatawad. Pero I don't care.

"Honestly? Hindi. At ikaw na ang bahala kung tatanggapin mo ko sa trabaho o hindi. No hard feelings kung hindi."
"Tatanggapin lang kita kung papatawarin mo ako." Sabi niya habang ipinapakita ang mga matang nagbabanta at nang ba-blackmail.














:(" title="Angry" class="smiley" border="0">




















"Uhm ganun ba?" I smiled fakely. "May pera pa naman ako, pauwi. Maybe I'll pack my things up..."

Tinalikuran ko siya.

Pag talikod ko, grabe. Nanggigil ako't nagngingitngit sa inis. Isipin niyo, smile lang siya nang smile na parang walang sinabi kahapon? Binlackmail pa ako? Makaalis nga dito... nakakabwusit pa dahil may isang sign na naman siyang nakuha.

Nang nakapasok na ako sa kwarto, tinitigan ko ang notebook ko.

"So its number 18! He took a picture of me." I sighed.

I really really need to get out here. I GET DAMNED EVERYTIME HE IS AROUND AND HE'S COMPLETING THE SIGNS. LOL. ang OA ko, tatlo pa lang. Pero, basta, di ko siya patatawarin kaya aalis na lang ako.




SIGN 12~
Summer: This is not happening!





*tok-tok-tok-tok*

Liniligpit ko ang mga gamit ko nang may kumatok.

"Sino yannnnn?" Sigaw ko. Nanggagalaiti ako sa bawat bigkas ko ng titik.

*tok-tok-tok-tok*

"Bwusittt. Nag-iimpake ako."

Huminga ako ng malalim at lumapit sa pintuan. Kung sino man `tong nasa labas ng pintuan, kukutusan ko talaga `to.

"ANO?" Sigaw ko habang nakikita si Lex na nakatayo sa harap ng pintuan.

Mukha niya ay nagsusumamo at may dala-dala pang sangkatutak na white rose.

"Ano?" Huminahon ako kahit di ko naman talaga gustong huminahon.

It's just that, he is calming.

"Summer, I'm... sorry." Huminga siya ng malalim.

Kahit na guiltyng-guilty na ako. Grabe parin ang tulak sakin ng pride kong mas matayog pa sa mga tala sa langit.

Pilit kong inaalala ang mga masasakit na mga salitang sinabi niya sakin. Ang pinakaunang pagkakataong sinabihan ako ng ganun ng isang lalaki.

"Oh yeah? You're sorry."

Tumingin siya sa loob. He spotted my stroller. Nakita niya rin ata ang mga nagkalat kong damit.

Kaya agad kong kinuha ang mga roses na dala niya. At hinampas ko sa mukha niya. Ang ibang mga roses eh nagkalat na sa sahig at nasira na. Nagkalat ang mga petals sa sahig.

Sinarado ko ang pinto at sumandal na lang ako sa pintuan. Napabuntong-hininga ulit ako.

"OMG. OMG! Hinampas ko yung roses sa kanya!"

Nailagay kong palad ko sa noo ko.

"Shett. Sheeet. Sorry."

Binuksan ko ulit ang pintuan para sana habulin siya kung saan man siya nagpunta at humingi ng dispensa, kaya lang nakita ko siyang nakatayo parin doon sa kinatatayuan niya kanina.

Napanganga ako't, "Oh my God!"

Nakita kong may dugong umaagos galing sa noo niya. Nakatayo lang siya tulad ng ginawa niya kanina habang ang mga roses naman ay nakakalat parin sa sahig.

"Oh my God. This is not happening!" Sabi ko habang di parin makapaniwala sa mga dugong nakita ko galing sa noo niya't nasa pisngi nya at nagka-stain narin pati ang soot niya.

Nagdadalawang isip pa ako sa gagawin ko. Pero narealize kong ako ang may mali.

"Pumasok ka muna."

Hinawakan ko ang braso niya para sana hilahin siya sa loob ng kwarto ko pero tinitigan niya ang mga kamay kong naka hawak sa kanya.

"S-Sorry.... Uh, pumasok ka muna."

Binitawan ko ang braso niya. Tinulak ko siya papasok ng kwarto. This is not happening. Gush!

Kumuha ako ng first aid box. At syempre, ginamot ko na agad ang sugat niya. Grabe, pinagpawisan ako sa paggamot sa sugat niya. Bukod sa nakakaintimidate siya, nahihirapan din ako sa pag-alala sa mga atraso niya.

"Sorry."
"You're not forgiven."

OMG. He turned the tables.

"Hey, this is unfair." Sabi ko habang tinitigan ko ang mga damit kong nakakalat.
"Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng Physical Injury?"

Sa mukha niya ngayon, natatakot akong seryoso siya.

"I'm still... minor-" Syet, kaka-18 ko lang pala.

Tumaas ang kilay niya.

"Makukulong ka."

Oh my... My life at its worst.

Gusto ko sana siyang sigawan ng 'sige, ipakulong mo ko.'. Kaya lang, I can't afford to lose my life again here.

Napabuntong-hininga ako at pilit pinaypayan ang sarili sa kamay ko.

"Okay, now, I'm sorry. And... what?"

Tinitigan niya ang mga damit ko, "Are you trying to run away?"

"NO~!" Agad kong sinabi. "Babayaran kita."

Nakataas parin ang kilay niya sa mga damit ko. Kaya linapitan ko ang mga damit at binalik sa closet.

"See, I'll work here. And pay you. Promise." Sabi ko.

Tumango siya at tumayo. Pinilit ko ring ngumiti sa kanya.

"Your smile is fake."

BWUSIT. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

"Okay, if you don't want me to be fake. Can I not be friend with you?" Sabi ko.

Yung mukha niya ngayon parang may halong pagtataka at pagkatuwa? Para kasing natatawa siya.

"Coz... totoo yung sinabi ko noon, talaga."
"Okay. You are damned with my presence."

Tumango ako habang nakatayo siya sa pintuan. Papalabas na siya.

"Sure. Pero di ako makakasigurong kahit di tayo friends, eh, wala yung presence ko."



SIGN 13~
Summer: Okaaay.




"Buti sana kung sa restaurant na lang ako nagtrabaho. May nalalaman naman ako sa culinary, bakit dito pa?" Bulong ko habang liniligpit ang mga unan.

Housekeeping? Geeez, ampanget ng trabaho ko. Minsan boring. Kasi naiilang ang manager naming utusan ako dahil sa koneksyon ko kay Lex. Lagi ko ngang pinapaalala na galit si Lex sa akin kaya pwede niya akong alilain, kaya lang madalang talaga ang utos niya.

Sumandal ako sa sangkaterbang unan at kumot sa loob ng laundry room.

Two weeks na ako dito pero parang ang tagal-tagal ko na. I sighed. Ang boring naman. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko nang narinig ko itong nagri-ring.

"He-Hello?"
"Summer."

Shucks. It's Kevin.

"Kevin, bakit?"
"Asan ka ba? Bakit laging out of coverage ang phone mo? Di ka na nagpapakita at di mo pa nirereplyan ang text ko."
"Uh." Lagi kong pinapatay ang phone ko, ngayon ko lang ginising ulit dahil boring ang trabaho ko. "Kasi... I'm out of the town. Basta... I'm on a vacation." Sabi ko.
"Asan ka?"
"Sa... uhm. Basta."
"Asan ka, pupuntahan kita. Boracay ba?" Tanong niya na parang desperado na talaga.

Hindi ako nagsalita.

"Summer, wala si Dave dito. Di siya nagsummer classes. Magkasama ba kayo?"

Syempre, artista na yun. Nung huli kaming nag-usap eh sinabi niya sa aking baka titigil muna siya o baka lumipat siya ng paaralan.

"Huh? Hindi..."
"Kailangan kitang makausap."
"Nag-uusap naman tayo ah?"
"Hindi ganito... gusto kong malaman kung may nararamdaman ka pa sa akin..."

Natahimik ako.

"Kevin... I'm restarting my life." Sabi ko. "Aayusin ko muna ang sarili ko..." Napabuntong-hininga ako.
"Alam ko... Kaya nga gusto kitang makita dahil gusto kitang tulungan. Isa ako sa dahilan kung bakit ganito ang nangyari. Sorry. I'm sorry because I still love you."

Mga limang segundo akong hindi huminga at naramdaman kong hindi rin huminga si Kevin. And yes, I still love him too. Kaya lang, di tama ang panahon ngayon.

"I love you too, Kev."



























Binaba ko ang cellphone ko.

"Hah! Kita niyo na, Sir..."

Nabigla ako nang nakita ko si Lex at yung receptionist. Narinig nila ang pinag-usapan namin ni Kevin?

"Di siya nagtatrabaho ng maayos, nagtetelebabad lang!" Sabi ni Kate. "Kanina ko pa siya napapansing dungaw nang dungaw sa cellphone niya."
"Ganun ba?" Sabi ni Lex.

Nakatitig lang siya sa akin habang mukhang kinakampihan ang Kate na yun.

"Alam mo bang bawal ang cellphone sa trabaho?" Tanong niya.

Promise, magwo-walk out ako dahil galit tong si Lex sa akin kaya may 99 out of 100 possibility na mag-aaway kami dito.

"Ay. Di ko alam eh." Sabi ko kay Lex.
"Pwes, ngayong alam mo na, ineng... itabi mo na yang mamahaling celpon mo. Nagpapasikat pa kasi... may patelebabad-telebabad ka pa at 'I love you too'..."

Bago ko sila nalagpasan, hinila ko ang iilang strands sa buhok ng Kate na yun. Grabe, gigil na gigil na talaga ako sa kanya. Pasalamat siyang mejo di ako warfreak ngayong araw na `to.

"Aray. Abaaa!"
"Summer!" Sigaw ni Lex.

Nasa hallway na ako nang tumigil ako sa paglalakad dahil sa pagtawag ni Lex.

"Ayusin mo ang trabaho mo, maraming darating na bisita ngayon."

Tinalikuran ko siya pagkatapos kong marinig ang sinabi niya.

"Okaaay."
"Tsaka...-" Lumingon ulit ako kay Lex.

Lumapit siya sa akin.

"Akin na yung cellphone mo. Baka masira ulit ang buhay mo dahil sa love na yan~" He chuckled.

Matatawa kaya ako o ma iinis? O matutuwa? Ewan. Kahit ano man yung nararamdaman ko, gusto ko paring ipakitang hindi ko gusto ang kahit ano kaya pinandilatan ko siya pagkatapos kong ibigay ang cellphone ko.

Agad tumakbo si Kate sa kanyang area dahil dumami ang dumating.

"Andyan na pala ang mga bisita eh... Mag linis ka na ng kwarto..." Sabi ni Lex.

Natigilan ako at tiningnang mabuti ang mga bisita. Lumingon ulit si Lex sa akin nang naramdaman niyang di ako kumibo.

"Dave~?"

Nakita kong nakatingin si Dave sa akin at mukhang nabigla sa nakita niya.


SIGN 14~
Summer: Yun yun eh.





Nakatitig ako sa kanya habang pinipilit kong ngumiti at batiin sana siya. Plano ko ring kumaway kung mapansin kong nakita niya ako.

Huli ko siyang nakita nung break-up namin. Galit siya sakin non, at ganun din ako sa kanya. Pero sabi niyang okay na daw siya noong nagti-text ulit kami. Hindi nga lang siya dumalo sa debut ko dahil busy siya. Last usap naman namin through texting eh sinabi niyang baka lumipat siya ng school.

Napapanis na ang smile ko nang nakita kong papunta sila malapit sa akin.

"Summer..." Tinawag ako ni Lex pero ayaw ko paring lubayan si Dave.

Linagpasan ako ni Dave kasama ang ibang bisita at yung ka loveteam niyang si Lindsay.

"Dave!" Tinawag ko siya.

Lumingon naman siya, pero hindi nakangiti.

"Hi!" Sabi niya.
"Hello!" Panay ang ngiti ko ulit. Ano yun? Di niya ba ako nakilala? Sa bagay, humaba ang buhok ko. "Uh, kamusta?"

Tumigil siya at mukhang dito lang banda ang room niya. Ang mga kasama niya naman ay patuloy parin sa paglalakad.

"Ah. Okay lang. Ba't ka nga pala nandito?" Tanong niya.
"Ahhh, kasi-"

Tumingin siya sa likuran ko. Kaya napatingin din ako. Si Lex pala yung tiningnan niya. Nakatayo lang kasi ang kumag at nakikinig sa usapan.

"Ahhh, siya nga pala si Lex. May-ari ng resort na `to." Sabi ko.

Tumango si Dave. Hanggang ngayon, hindi pa siya ngumingiti.

"Uh, ganun ba?" Sumulyap siya kay Dave. "Tuloy muna ako, Summer ah?" Tinalikuran niya ako.

He's sooo different. Noon, kapag nakikita niya ako, parang naeexcite siya. Ngayon, parang ang cold na niya. Sa bagay, hindi na kami. Pero kahit noong hindi pa kami, lagi niya naman akong binabati pag nagkikita kami. Sooo weird.

"Is that one of your EXes?" Tanong ni Lex galing sa likuran.

Napabuntong-hininga ako. I remembered Dave shouting at me. Bakit lagi mong kasama si Kevin? I'm busy, but I still find ways to be with you and yet you're always with him! I HATE YOU! I don't know you anymore.

My palm landed on my face. Nakikita kong nagsho-shoot sina Dave sa malayo. Tapos na ang trabaho ko at gumagabi na. I want to talk for him even for a lil while. Syempre, gusto ko siyang kamustahin.

Kaya lang mukhang matatagalan pa itong shooting nila. Mag-iisang oras na silang take nang take sa isang scene lang. Lagi kasing nagkakamali si Dave.

"Mukhang nagtatampo pa siya sayo..."

Lex can be sometimes, no he's always, annoying. Umupo siya sa tabi ko.

"...mukhang mahal ka pa niya." Dagdag niya.

Tiningnan ko siya.

"Baliw ka ba?"
"Lalaki ako, kaya alam ko kung anong magiging reaction ko kung makita ko ang ex kong mahal ko pa."

Pinandilatan ko si Lex, "Nga pala... Ba't ka andito?" I did tell him that I didn't like him around me.
"I don't know." Nagkibit-balikat siya habang ngumingiti.

I really really really don't know why I don't want him around! Natatakot ako na parang naiinis.

"Ba't ba ayaw mo sakin? Parang kumukulo ang dugo mo pag andyan ako? Wala naman akong ginagawang masama ah?"
"Yun yun eh. Wala kang ginagawang masama. Pacute ka nang pacute at lagi kang mabait." Sabi ko ng wala sa sarili.

"CUUUUTTTT ULEEEET!!!!" Sigaw ng director nina Dave. "Dave, why can't you get this right? Pagod ka ba? The kissing scene should be the next thing..."

Tumayo ako para tingnang mabuti ang nangyayari sa set nila. Tiningnan ako ni Dave sa malayo.

Oh my goodness. Nararamdaman kong mahal pa niya ako.




SIGN 15~
Summer: pupuntahan ko na lang muna siya






"Summer, kasi... this is the first time I saw you since our break-up." Sabi ni Dave habang naglalakad kaming dalawa sa sea shore. "Mejo... di naman sa, mahal parin talaga kita... " He sighed.
"Uh... Oo, naiintindihan kita..." I sighed too, pero habang bumubuntong-hininga ako, nakikita ko si Lex sa malayo at mukhang sinsadyang mag sight-seeing malapit sa amin.

Binalewala ko na lang si Lex.

"I'm sorry." Sabi niya.

Tumigil kami sa paglalakad.

"I've been blaming you for our break-up. Kahit alam kong may kasalanan talaga ako."
Hindi ko alam kung paano ako rereact, kaya tumango na lang ako.
"I denied you in front of the TV, pinahiya kita-" He paused.
"Dave, tama na. Let's just forget about it so we can be friends again." Sabi ko.

Tumango siya.

"So, kamusta na? And uh, bakit ka nga ba andito? Di ka ba nagsummer class?" Tanong niya.
"I failed all my subjects last sem so... Tsaka, ayaw ko kasing sumunod kina ate at kuya sa abroad. Kaya pumayag na lang ako na dito i 'rehab'." I chuckled.
Tumango si Dave, "Kelan ka naman babalik?"
"Uh, babalik? Hindi ko pa alam eh. Sabi kasi ni Mama na baka talagang dito muna ako, babalik lang daw ako pag marealize ko ng kailangan ko na magseryoso."

He stared at me for a while.

"Kamusta na kayo ni Kevin?" Tanong niya.
"So, you heard that?" I sighed. Umabot pa talaga sa kanya ang balita tungkol sa amin ni Kevin doon sa bar.
"Oo. Nagbreak sila ni Lauren, hindi ba?" Di ako nagreact. "Mahal mo pa ba si Kevin?"
"Honestly, hindi naman talaga nawala yung pagmamahal ko kay Kevin. He's my first love. Don't get me wrong, I loved you Dave-"
"Alam ko, Summer." He smiled. "I felt it... Kaya lang, di ko matanggap na si Kevin pa ang naging ganyan mo ka mahal na kahit ilang taon na ang nakalipas eh hindi mo parin siya makalimutan. Di ko alam pero-"

Close kami ni Kevin since high school. At alam kong kahit noon, mainit na talaga ang dugo ni Dave kay Kevin, at ganun din si Kevin sa kanya. Hindi sila magkasundo kaya normal lang ang sinasabi niya ngayon. Noong nalaman din naman kasi ni Kevin na kami na ni Dave eh di niya rin nagustuhan.

"... Hindi naman kami eh. Tsaka, pagbumalik ako dun, I'm not sure if I can give him another chance."
"Huh? Akala ko ba, mahal mo siya?"
"Oo. Yun yung nararamdaman ko ngayon. Pero I want to restart my life already. Ayoko ng magloko. I don't want to engage my self in a relationship again, baka masira ko ulit ang buhay ko. Gusto ko ng magseryoso."
"Awww." He stared again.
"Bakit?"
"Mukhang nagmature ka na at magmamature ka pa." He smiled.
"Sawa na ako sa skipping-classes dramas at pumasok ng lasing. Tsaka, di na muna siguro ako magboboyfriend." I laughed. "Nga pala, seryoso na ba talagang lilipat ka?"
"Oo. Kailangan eh, dahil sa trabaho."

Tumango ako.

"Ilang araw nga pala kayo dito?" Tanong ko.
"Aalis na siguro kami bukas o sa makalawa. Maiksing scenes lang kasi yung kailangang i-shoot dito..."

"DAVE!!!" Sigaw ng kasama niya.

Binalewala niya.

"O, Dave... tinatawag ka na. Baka maghahapunan na kayo." Sabi ko.
"Oo nga. Naghapunan ka na ba?"
"Hindi pa eh."
"Sumabay ka na lang samin?!"
"Huh? Wa'g na, nakakahiya naman. TSaka, baka tanungin lang nila kung sino ako."
"Hindi okay lang, Summer."

Lumingon ako sa kinatatayuan ni Lex at nakita ko siyang nakatayo parin doon. It's past 9:00pm, hindi pa ako naghahapunan. Ginugutom na ako. Pero pakiramdam ko di tamang sumama ako kay Dave, baka maging komplikado pa ang sitwasyon para kay Dave.

"Ahhh." Dave sighed. "Hinihintay ka ba niya?" Sabay tingin kay Lex.
"Huh? Di naman..." Tumingin din ako kay Lex. And he's looking this way.
"Mukhang swerte ka dito ah. Bait ng boss mo." Sabi ni Dave. "Hinihintay ka."
"Uhhh." Now that he mentioned it. Mukhang may feeling akong hinihintay nga ako ng kumag na ito. "Sige, pupuntahan ko na lang muna siya ah, Dave."
"MMMMkay! See you around, then! At hihintayin ko ang pagbabalik mo sa school."

Umalis na siya at pinuntahan ko si Lex.

Ang lalaking ito talaga. Ano kayang nasa isip niya? He's the most dangerous person for me right now. I need to avoid guys and yet he keeps on stalking me. At di lang yan, kinukuha pa niya yung mga signs. Tinatarayan ko na nga pero ayaw parin akong lubayan.




Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText