<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

C&♥56-60


C&♥56
Indecisions






Napag desisyunan ni Chase na maglu-lunch kaming dalawa sa araw na yun kasama si Ophelia. Marami siyang inasikaso sa CPI-Manila kaya nagkahiwalay din kami pagkatapos mag breakfast. Half past 11 nang tinawagan niya ako para sunduin at sabay kaming pumunta sa restaurant kung saan naghihintay na si Ophelia.

"Mauna ka na, Chase. M-May ginagawa pa ako."

Natahimik siya. Kinagat ko ang labi ko...

"No, baby. Sabay tayo-"
"Chase, please. I need to pull myself together. Mauna ka na." Sabi ko.
He sighed, "Pumunta ka. Promise me?"
"I promise."

Binaba ko agad ang cellphone ko. Iniisip ko na siguro tama si Chase, I should trust him... Pero si Ophelia naman kasi yung hindi ko pinagkakatiwalaan eh. Paano ko kukumbinsihin si Chase na may masamang binabalak si Ophelia nang di nagmumukhang sinisiraan ko siya?

"Oh my gosh!" Sigaw ko sa sasakyan nang narelaize kong 1pm na pala.

Lumabas ako at nagmadaling pumunta sa restaurant. Nandoon na si Chase at Ophelia na nag uusap at nagtatawanan. Agad bumaliktad ang sikmura ko. Hindi ko alam kung bakit pero kailangan kong umayos... I need to act better.

"Eliana," Tumayo si Chase nang nakita ako.

Inayos niya ang upuan ko at pinaupo sa tabi niya. Nakita ko ang ngisi at pagtaas ng isang kilay ni Ophelia.

"What took you so long?" Tanong ni Chase nang nakasimangot.
"S-Sorry, may inasikaso lang ako." I lied.
Tumango si Chase, "Let's order?" Sabi niya kay Ophelia.
"Sige! Ginugutom na ako eh." Sabay kuha ni Ophelia sa menu.

Naku! Hiyang-hiya naman ako sa kanila. Natagalan pa kasi ako sa pag mumuni-muni kaya ayan at delayed ang lunch namin. Busy pa naman itong si Chase. Tinignan ko sila na parehong nakadungaw sa menu.

"Garlic Roast Chicken." Sabi ni Chase sa waiter.
"Hmmm... Shrimp Scampi." Sabi ni Ophelia.
"What's yours?" Tanong ni Chase sakin.

Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko natignan man lang yung menu...

"Uh... Uh... Kahit ano. Garlic roast chicken na rin."

Sumulyap ako kay Ophelia na nakangisi parin sakin.

"Indecisions? How young are you?"
"N-Nineteen." Sabi ko.
"Kaya pala." Aniya.
"Uh... Eliana, I forgot to introduce, this is Ophelia... Ophelia, Eliana, my fiancee."

Nakita kong mejo sumimangot saglit ang mukha ni Ophelia bago sumagot kay Chase.

"Yes, we've met Chase. Sa school. Remember, Eliana? Nung pinuntahan mo ako sa office?"
Parang binuhusan at pinuno ang ulo ko ng mainit at kumukulong tubig sa binanggit niya.

Of course naaalala ko kung paano niya ako binlackmail kay Chase at nung pinicturan niya kami ni Yuan!

"That same day nakita ko rin siyang hinalikan yung isang college stud-"
"Ophelia!" Sabi ni Chase para pigilan si Ophelia sa pagsasalita.
"Sorry..." Tapos uminom siya ng tubig.
"By the way, Chase... do you remember nung college ka..." At simula dun, hindi na ako nakinig.

Puno ng memories nila ang pinag usapan sa hapag kainan hanggang sa dumating ang pagkain. Tawanan sila nang tawanan sa isang alaalang nakakatawa para sa kanila na hindi ko naman ma gets.

WOW! I shouldn't be here, really.

Tapos biglang pumulipit ang mukha ni Ophelia.

"Ophelia?" Sabi ni Chase.

Tinignan kong mabuti si Ophelia. Nakahawak siya sa kanyang tiyan habang yumuyuko at mukhang nasasaktan. Una akong tumayo kay Chase para tulungan siya pero nang hawakan ko siya, binaleawala niya ang kamay ko. Nang nakita iyon ni Chase, tumayo si Chase at lumapit sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang pinulupot ang kamay niya sa leeg ni Chase. Walang nagawa si Chase kundi kargahin si Ophelia sa braso niya.

"Sakit ng tiyan ko!" Ungol ni Ophelia habang pumupilit sa sakit.
"Its her ulcer, Eli. Let's go!"

Agad kaming lumabas ni Chase sa restaurant para pumunta sa sasakyan niya. Nilapag niya si Ophelia sa front seat ng sasakyan kaya doon ako sa likuran umupo. Nagmadali din si Chase sa pagdrive. Nakasunod lang yung sasakyan namin dahil nakita nilang emergency.

Nang nakarating kami ng ospital, sa Emergency Room diniretso si Ophelia. Agad siyang pinainom ng mga gamot at na dextrose. Halata sa mukha ni Chase ang pag-aalala. Ako rin ay nag-aalala at kinakabahan dahil ako ang dahilan kung bakit nangyari ito kay Ophelia. Matagal akong dumating kaya naman inatake siya ng ulcer.

"Chase, tingin ko kailangan niyang kumain." Yun lang ang tanging naisip ko.

Nagpapanic na rin ako. Wala akong naiisip kundi ako ang may kasalanan. Kailangan niya ng pagkain diba? I need to buy some food!

"T-Teka lang." Aalis na sana ako pero hinila ako pabalik ni Chase.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pag iyak. Guiltyng-guilty ako at pakiramdam ko galit si Chase sakin dahil sa ginawa ko.

"Eliana... Calm down. May pagkain dito, hayaan mo na lang muna yung mga doctor. She'll be okay, aryt?"

Tumingin si Chase sa relo niya.

"Let's go..." Tapos hinawakan niya ang kamay ko patungo sa room kung saan dinala si Ophelia.

Kalmado na si Ophelia nang pumasok kami sa room. Tama si Chase, may pagkain dito. Nakita ko ang pagkain sa gilid niya pero hindi naman siya kumakain. Nakatingin lang siya ng diretso kay Chase.

"Ophelia, I'm sorry." Sabi ko.
Sumulyap si Ophelia sakin, "Its okay..." Ngumiti siya sakin.
"Sorry talaga." Sabi ko ulit.
She ignored me, "Chase... pwede ba tayong mag usap?"

Tinignan ko si Chase. Wala naman siyang reaksyon sa sinabi ni Ophelia.

"Sure... What is it?" Sabi ni Chase.
"I mean... alone."

Kinabahan ako pero alam kong wala akong magagawa kundi hayaan sila.

"But..." Sumulyap si Chase sakin. "I only have 30 minutes, Ophelia. Uuwi na ako ng Cebu kasi may aasikasuhin pa ako." Sabi ni Chase.
"Oh... Okay. I'm sorry. Never mind-"
"Di, Chase... You can spend that 30 minutes with her. I can go." Sabi ko.
Nanlaki ang mata ni Chase nang tinignan niya ako at naramdaman ko na mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko, "You don't have to." Bulong niya sakin.
Umiling ako, "Just call kung makauwi ka na ng Cebu. I'll just... I'll just probably go somewhere." Pinilit kong ngumiti. "And eat... Ginugutom din kasi ako kaya okay lang..."
"Baby, no. You wait for me outside." Aniya.
"No, Chase... Really. Tumawag ka na lang kung nasa Cebu ka na. Its okay."

Tinignan ko si Ophelia tapos ang malungkot na mukha ni Chase bago ako tumalikod at umalis.





C&♥57
Third Parties





"Dito lang." Sabi ko sa driver nang nakarating kami sa isang park malapit sa KFC na fastfood.

Namiss kong kumain dito. Nawala ang gutom ko dahil iniisip ko kung anong maaring pag usapan ni Chase at Ophelia na kailangang wala ako.

"Tatawag lang ako kung uuwi na ako. Umuwi na lang muna kayo." Utos ko sa guard at sa driver kahit na as usual ay hindi aalis yung bodyguard.

Isang oras akong tumunganga sa harap ng pagkaing inorder ko.

"Eli..." Naaninaw ko ang isang pamilyar na mukha sa gilid ng mga mata ko.

Tulala kasi ako. Lumingon ako sa tumawag at nakitang nakatayo si Yuan doon. Malungkot ang mga mata niya at mejo magulo ang buhok.

"Y-Yuan?" Nabigla ako.

Hindi ko inasahang magkikita kami dito ngayon. Hindi ko pa siya nakikita mula nung nag walk-out sila ng family niya sa party.

"Uh..." Tumingin siya sa labas at mukhang di alam ang gagawin.
"Kanina ka pa ba?" Tanong ko nang nakita siyang tuliro.
He sighed, "I'm sorry. I just can't help it. I saw your car outside." He sighed again.

Nasa labas pa yung sasakyan namin? Seriously? Mula yata nang pumunta ako ng Cebu, di na ako sinusunod ng mga iyon.

"Hindi ko inakalang ikaw lang mag isa pero nagbakasakali ako. A-Akala ko kasama mo si..." Hindi niya ito tinapos.
Umiling ako, "Ako lang. May inasikaso kasi siya." Pinilit kong ngumiti.
"M-May problema ka ba?" Tanong niya nang nakita ang ngiti ko.
"Wala naman." Sabi ko.

Na realize ko agad na dumadami ang tao sa loob kaya kinuha ko yung mga pagkain.

"Tulungan na kita." At kinuha ang drinks ko.
"S-Salamat." Sabi ko.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong niya.
"Mejo. Uh... Gusto kong umupo sa park kasi dumadami na ang tao dito."

Tumango siya at sinundan ako palabas ng KFC. Nilapag ko ang pagkain sa isang bench at umupo sa isang swing habang kinukuha ang drinks kay Yuan.

"Salamat." Sabi ko sabay inom sa coke.

Hindi na masarap kasi isang oras na ang nakalipas nang binili ko 'to. By now, siguro on the way na si Chase sa Cebu. Ano kayang pinag-usapan nila? Or worse... baka naman hindi pa siya umalis? Iniisip ko pa lang sumasakit na ang dibdib ko. Iniisip ko pa lang naiiyak na ako.

Suminghap ako at pinigilan ang luha. Saka ko naalala na kasama ko pa pala si Yuan.

"You okay, Eli?" Tanong niya at umupo na rin sa kabilang swing.
"Yep. Sorry, Yuan. A-Ano, may lakad ka ba? Baka ma late ka o gabihin ka na..." Sabi ko.

In truth, I really want to be alone right now.

Iniisip ko yung tawanan ni Chase at Ophelia kanina. It made me so insecure. Marami na silang pinagdaanan. Though, I know Chase wanted me to get along with her pero alam kong hindi ko magawa. Its impossible. I couldn't. I'm trying to be mature but there are some things that I couldn't do... yet. Naiinis ako kay Chase... Sana hindi siya pumayag sa gusto ni Ophelia na mag-usap silang dalawa, sana hindi na lang kami nag meet ni Ophelia at sana tigilan niya na ang pakikipagkaibigan kay Ophelia... pero di ko yun masabi sa kanya. I don't want him to think I'm immature.

"Eliana, are you okay?" Pinunasan ni Yuan ang mga luha sa mata ko. "Sinaktan ka ba niya?"

Nang narinig ko ang boses niya na realize ko kung gaano kasakit yung nararamdaman ko. Pero nang nakita ko ulit ang mukha ni Yuan, malungkot at di alam ang gagawin, na realize kong mas nasasaktan ko siya. In this world, you can't go after the one you love without hurting anyone. I know that. But right now, I realized another truth... In this world, you can't love without getting hurt.

"Iniwan ka ba niya?" He asked bitterly.
"No! Chase won't do that to me!" Sabi ko na kinukumbinsi ang sarili na totoo ang sinabi ko.

Though, either way, hindi totoo yun. He's leaving right now. Uuwi siya ng Cebu. Or like what I said, he could also be leaving me now, coz she's going with her first love.

"Ba't ka umiiyak kung ganun?" Tanong ni Yuan.

Unti-unti siyang lumalapit sakin. Tinatahan niya ako pero mas lalo lang akong umiiyak.

Hindi ko na maalala kung kailan ako umiyak ng ganito katagal. Papalubog na ang araw nang tumigil ako sa paghikbi."

"Eliana, I told you... I told you. Tayo ang dapat na mag katuluyan. We were meant to be. Nobody can love you like me."
"Yuan, wala we're okay. Umuwi na sa Cebu si Chase. We're okay. I'm just..." Tumulo ulit ang mga luha ko.
"Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya iiwan diba? He wouldn't let you cry here with me." Aniya.
"Yuan, kung mahal mo ang isang tao, iiyak ka talaga, sa ayaw at gusto mo."
"Hindi mo kailangang umiyak kung di ka niya sasaktan."

Natahimik ako. Walang alam si Yuan tungkol kay Ophelia. Paano na lang kung malaman niya ang tungkol kay Ophelia? Sigurado akong lalaban siya lalo kay Chase at ayaw kong mangyari yun.

"Bakit ka nasasaktan? May iba ba siya?"

Nanlaki ang mga mata ko at lumunok para makapagsalita pero bago ako makapagsalita, tumayo na siya at...

"I KNEW IT! Hindi ka dapat nag titiwala sa kanya!" Umupo siya sa harap ng swing ko at niyakap ako.
"Yuan, w-wala."
"No, Eli... Kilala kita. Alam kong nagsisinungaling ka." Aniya habang niyayakap parin ako.

Bahagya ko siyang tinulak pero di niya yun napansin.

"No, Yuan, really... We're fine. I'm fine. Naiiyak lang ako kasi umalis na siya. Yun lang. Walang th-third party." Sabi ko.
"Eli... don't-"

"ELIANA!" Nabigla kami ni Yuan at pareho kaming napatayo nang narinig ang boses sa likuran.

Gabi na. Ilaw ng posteng malapit samin ang nagpapakinang sa mga mata ni Chase. His jaw clenched. Nagka goosebumps ako nang nakita ko ang galit sa mga mata niya nang tinignan niya si Yuan.

Bakit siya nandito? Hindi pa ba siya bumalik ng Cebu? O baka naman... Lumandas ulit ang mga luha sa mata ko... baka naman, narealize niyang si Ophelia ang gusto niyang makasama kaya hindi siya umalis para sabihin sakin yun.




C&♥58
Nobody Will Marry






"How dare you!" Sinugod ni Yuan si Chase at sinuntok.

"YUAN!" Sigaw ko at agad pumagitna sa kanilang dalawa. "Tama na."

Tumayo si Chase at inayos ang kanyang sarili. Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang ekspresyon ng mukha niya. Mukha siyang malungkot at guilty at the same time. Bakit siya guilty? Di kaya totoong iiwan niya na ako para kay Ophelia? Hindi kaya na gi-guilty siya dahil napagdesisyunan niyang kay Ophelia siya sasama gayung niyaya niya na akong magpakasal.

"SINAKTAN MO SIYA!" Yuan spat.
"Oo." Sabi ni Chase.

OH MY GOD! NO! Tama yung hinala ko!

"You assh0le!" Sinuntok ulit ni Yuan si Chase.

Hindi lumaban si Chase kaya nasuntok siya sa kapilang panga.

"YUAN, tama na, please!" Hinila ko si Yuan palayo sa kay Chase.
"Eliana! Sinaktan ka niya! At umamin pa talaga siya! Walang hiya!"
"Yuan, tama na... please."
"You ruined my proposal for nothing?" Sabi ni Yuan kay Chase.

Tumayo ulit si Chase at tinignan ng diretso si Yuan.

"No, I didn't." Sabi ni Chase.
"Kung ganun, ano itong nangyayari sa inyo?" Sigaw ni Yuan.
"Its none of your business, Yuan! She's my fiancee. She's gonna be my wife soon." Hinila ako ni Chase sa gilid niya.
"Tingin mo dahil fiancee mo siya pwede mo na siyang saktan kahit kailan mo gusto, ha? Ganun ba yun?" Sigaw ni Yuan kay Chase.
Nanlaki ang mga mata ni Chase at tinignan ako. Again, with fear, guilt, and sadness in his eyes.

Niyakap niya ako. Napaiyak ako sa higpit ng yakap niya. He's desperate. Halos marinig ko na ang malakas na pintig ng mga puso niya habang niyayakap niya ako.

"How dare you!" Sigaw ulit ni Yuan. "Eliana, please, wa'g ka ng magpakatanga! He doesn't deserve you!" Sigaw ni Yuan.
"I'm sorry, baby." Napaiyak ako lalo sa bulong ni Chase. "I'm so sorry." Aniya.
"Eliana!" Tawag ni Yuan.
"Yuan, just please leave us alone.-" Sabi ni Chase.
"No! Sayo? Sayo? I don't trust you!" Sigaw ni Yuan.
"I'm in love with her." Sabi ni Chase.

Natahimik si Yuan. Napabitiw ako sa yakap ni Chase. Tinignan ko siyang mabuti at kumikinang parin ang kanyang mga mata habang seryosong tinitignan si Yuan.

"Nothing will keep me away from her, Yuan. Kahit anong paraan para ilayo siya sakin ng kahit sino ay walang saysay dahil gagawin ko ang lahat wa'g lang siyang umalis sa tabi ko." Sabi ni Chase.

Hinila niya ang baywang ko kaya mas malapit na ako sa kanya ngayon.

"Sumama man siya sayo ngayon, mahalin ka man niya ngayon, guguluhin ko kayo, mahalin niya lang ulit ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Chase. It was really disturbing and warm at the same time. Mabuti na lang at mahal ko siya. Hindi ako mahihirapan sa pagpili. Hindi niya ako guguluhin kung sasama ako kay Yuan dahil in the first place hindi yun mangyayari. Kay Chase ako sasama. Then what will happen if I don't love him anymore? Then I'll go with Yuan? Of course that's really impossible! Pero nag flash sa utak ko ang mga mangyayari... all his desperate moves to get to me will surely succeed. Who would reject him? Kahit na sinong babaeng hagapin niya ay siguradong maiinlove sa kanya.

I squeezed his hand. Napatingin si Chase sakin at sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Yuan, please, leave us." Sabi ko kay Yuan.
"Eliana-"
"Please, Yuan." Sabi ko.

Umiling si Yuan at tinalikuran kaming dalawa ni Chase. Ngayon, mag isa na lang kami ni Chase sa park. Tinitigan niya ako, di ako makatingin sa mga mata niya. Hindi ko na naaalala ang galit ko kanina. Yung galit ko sa kanila ni Ophelia ay nawawala na. Siguro dahil iyon sa sinabi niya kay Yuan.

"N-Natakot ba kita?" He lifted my chin.

Hinuli niya ang titig ko at nang nahuli niya ito...

"I'm sorry. I know. Masyadong selfish at immature yung sinabi ko kay Yuan but I'm desperate, baby." Kumunot ang noo niya.
"I've been immature and selfish, too." Sabi ko.

Binuksan niya ang bibig niya para magsalita at sinarado niya naman agad nang nakita akong umiling.

"Si Yuan." Napalunok ako. "Sana iniwasan ko siya, di sana siya nasali sa gulo nating dalawa."
Siya naman ang umiling habang nagsasalita ako, "No. Ako yung may kasalanan. You're right." Yumuko siya. "Sinisiraan ka ni Ophelia to get to me." Napabuntong-hininga siya at yinakap ako.
Tinulak ko siya dahil nacurious ako sa sinabi niya, "What do you mean?" Tanong ko.
"Sinabi niya saking hindi ako magiging masaya sa piling mo."

Kumunot ang noo ko.

"Sinabi niya saking immature ka pa. Sinabi niyang mahal mo pa si Yuan. That you're flawed... that I'm just being reckless and impulsive with my decision."
Napasinghap ako sa sinabi niya.
"She's asked me to marry her, baby." Aniya.

Nabigla yata lahat ng nerves sa katawan ko kaya di ako makapagsalita. Ilang sandali pa bago siya nagsalita ulit.

"May offer siya ulit sa abroad. Sabi niya, kung pumayag akong pakasalan ko siya, hindi siya aalis, mananatili siya dito. That this time, she'll choose me."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I'm trembling and out of breath.

Mahina ang boses ko nang tinanong ko siya, "Who did you choose?"

For the first time in what felt like eternity, I saw him smile. Pinilit niyang ngumuso pero hindi niya magawa dahil talagang nangingiti na siya. Sumimangot ako.

"It wasn't a hard decision. Dahil alam ko, in the first place, hindi ko na kailangang mamili. That offer wasn't an offer at all. Its you all the way. Till the end."

Hindi ko alam kung bakit parang binuhusan ang puso ko ng mainit na tubig. Parang may kung ano namang bukol sa lalamunan ko. Hindi ako makalunok ng maayos at di rin makahinga ng maayos. Napaiyak na lang ako. Pinunasan niya ang luha ko...

"I'm selfish and flawed, baby. I have an obsession, you see. And that obsession is you..."

Niyakap ko siya ng walang pag aalinlangan. i don't care how selfish and flawed he is... for me, he's perfect.

"I'm sorry kung sinubukan kong i-work out kayong dalawa ni Ophelia. I just want you to see na magkaibigan lang talaga kami. And now that she's offered me that sick proposal again at siniraan ka niya sa harap ko, I don't think we'll ever be friends again."

Hinalikan niya ako. Wala akong pakealam kung nasa public park kami. Gusto ko rin siyang halikan.

"I love you so much, Chase. I don't care how flawed and selfish you are." Sa wakas at nasabi ko ito. "I'm immature, flawed, and selfish, too. But I want to grow up with you."

Hinaplos niya ang labi ko at hinawakan ang singsing sa kamay ko.

"Of course, baby. And nobody will marry you in this lifetime but me."

Hinalikan niya ang kamay ko. I've never been this sure in my life...



C&♥59
Yes





"Bakit ka nga pala nandito? I mean, diba uuwi ka na ng Cebu? Diba may aasikasuhin ka sa kompanya mo?" Tanong ko habang sumasakay kami sa sasakyan niya.
Ngumuso siya sa pagpipigil ng ngiti, "Hindi ako tumuloy." Aniya.
Kumunot ang noo ko, "Bakit?"
"Tinatanong pa ba talaga yan?"

Nakakunot parin ang noo ko pero humalakhak na siya.

"I need the most important woman in my life back." Hinalikan niya ang noo ko.

Lahat ng nangyayari simula nung nakilala ko si Chase ay parang panaginip lang. Ang bilis ng mga pangyayari pero alam kong talagang seryoso ako. Pursigido ako sa aming dalawa.

Dumiretso kami sa bahay dahil yun ang gusto ni Chase na mangyari. Nang nakarating naman kami agad akong kinabahan sa nakita ko sa gate. Naroon ang sasakyan ni Yuan. Pumunta siya dito sa bahay? Siguro ay sinabi niya kay Daddy na nag away kami ni Chase o pinaiyak niya ako? Lagot!

Napatingin ako kay Chase. Hinigpitan niya pa lalo ang hawak sa kamay ko nang papasok na kami sa bahay.

Tama nga ang hinala ko. Seryosong nag uusap si Daddy, Mommy at Yuan sa living room nang dumating kami.

Tumayo si Yuan nang nakita ang pagpasok namin sa bahay. Ganun parin ang mukha niya. Magulo parin ang buhok niya. Tinignan ko ang seryosong mukha ni daddy at worried na mukha ni mommy.

"Excuse me, sir. Alis na po ako." Sabi niya kay daddy.
"Yuan, ba't ka nandito?" Sabi ko agad bago pa siya umalis.
"Sinabi ko lang sa daddy mo na sinasaktan ka niya-"
"Yuan. Please!" Sabi ko.

Hindi ako makapaniwala. Somehow, inisip ko na gagawin niya ito pero hindi parin ako makapaniwala. Hindi ko alam na ganito pala siya ka 'childish' para gawin 'to. Relasyon namin ito ni Chase kaya wala siyang karapatang manghimasok. At alam kong ganun din ang sasabihin ko kay daddy at mommy kung manghihimasok din sila samin ni Chase. Alam ko, concerned lang sila, syempre, pero hindi naman pwedeng pag may kaonting away kami ni Chase ay manghihimasok na sila.

"Chase." Sabi ni Dad habang pinagmamasdan ko si Yuan na umaalis.

I know he's bitter. Alam kong nasaktan ko siya pero tama na. Kung mahal niya talaga ako hahayaan niya ako kay Chase. Disappointed ako. I know he's desperate.

Sumulyap pa si daddy sakin bago siya nagsalita ulit.

"Eliana, may problema ba kayong dalawa?"

Naramdaman ko ang pag higpit pa lalo ng hawak ni Chase sa kamay ko.

"Wala po." Sabi ko.

Ilang sandali pa ulit bago nagsalita si daddy. Tinitigan niya muna ako na para bang ini-x-ray.

"Eliana, can I talk to Chase, alone?"

Tumayo si mommy para kunin sana yung kamay ko at dalhin kung saan malayo kina daddy at Chase pero di ako gumalaw. I told you... I will fight for this. Sa mukha ni Daddy may disappointment na akong nakikita. Not for me, but for Chase. Na para bang sinasabi niya na pinagkatiwalaan niya si Chase at nagkamali siya.

"Dad, pwede namang dito lang ako." Sabi ko.
"No, I need to talk to him alone." Sabi ni daddy, halatang galit na.
"Dad, anong sinabi sayo ni Yuan?"
Tinitigan ako ni dad, suminghap siya, "Kahit kailan, Eli. Hindi ko hinayaang masaktan ka ng kahit nino. Hindi pwedeng saktan ka na lang ng basta-basta ng lalaking mahal mo!"

There it is! Is overprotective side. The reason why I'm locked up almost all my life!

Hindi na pwede ito. Sinabi niya ng free na ako. At kahit di niya sinabi yun, its time for me to be free.

"Eliana, just go. I can handle this." Sabi ni Chase.

Di ako sumulyap sa kanya. Diretso ang tingin ko kay daddy.

"Dad! Wala kang magagawa! Noon pa, nasasaktan na ako ni Yuan diba? Kaya kahit anong gawin mo, pag magmamahal ako, masasaktan talaga ako! At ngayong nagmamahal ako kay Chase, wala akong pakealam kung masaktan man ako dahil mahal ko siya. its all worth it!" Sigaw ko habang umiiyak.
"Eliana!" Sigaw ni daddy.
"Sir... I'm sorry." Napabuntong-hininga si Chase. "Nasaktan ko siya. I was stubborn and reckless. But I love her so much and nothing will keep me away from her. Kahit na anong sabihin nung ex niya. Siraan niya man kami sa isa't-isa. I will still stay."

Tumingin si daddy kay Chase at pabalik sakin.

Niyakap ko si Chase. Lumapit naman si mommy kay daddy at may binulong si mommy sa kanya.

"Dad, tama na. Dahil sa ginagawa niyo nasasaktan ako lalo. Kayo na yata ang nananakit sakin." Sabi ko.

Nanlaki ang mata ni daddy. Nakita ko siyang umiyak habang tinatahan ni mommy. Naglahad siya ng kamay sa akin. Ilang sandali pa bago ko tinanggap ito at niyakap din siya.

"I guess I have to give you up to someone else, then." Bulong niya sakin.

"Sir, I promise you, I'll take care of her." Dinig ko si Chase na nagsalita sa harapan namin.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Dad.

"You better." Sabi ni daddy.

Ngumisi si Chase at naglahad ng kamay sakin. Tinignan naming tatlo ni mommy at daddy ang kamay niya. Bago ko nilagay ang kamay ko sa kamay niya...

"May I have the honor to ask for your daughter's hand in marraige, Mr Jimenez?"

Nilagay ko ang kamay ko sa kamay ni Chase at kasabay nun ang pagsinghap ni daddy at, "Yes."



C&♥60
Then He Kissed Me






Nagpasya kami ni Chase na sa Cebu ikasal. Umuwi siya ng Cebu kinaumagahan habang nanatili naman ako sa Maynila dahil yun ang gusto ni daddy. Hiling niya raw yun ngayong pumayag siya sa amin ni Chase. Pinagbigyan ko na rin siya kahit na mami-miss ko ng bongga si Chase.

Papaalis na sana ako sa airport pagkatapos kong ihatid si Chase nang bigla kong nakita si Ophelia na papaalis na rin dala ang mga maleta niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako.

"Ophelia, aalis ka na pala." Sabi ko.

Sinadya kong lumapit sa kanya nang sa ganun ay magkaroon din kaming dalawa ng closure. Hindi na naman ako natatakot sa kanya dahil tapos na sila ni Chase. Assured na assured na ako kay Chase na kahit anong panira niya sa relasyon namin ni Chase ay di niya na kami mapaghihiwalay.

"Yep, happy?" Tumaas ang kilay niya.

Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng nangyari ay kaya niya paring magtaray.

"The only reason why we broke up that time was because I chased my dreams." Mas seryosong sinabi niya.

Tumigil siya sa harapan ko at tinignan ang board kung saan may nakalagay na iba't-ibang mga flights, domestic at international.

"Kung hindi sana ako umalis, sana ay kami pa." Aniya.
"Oo. At buti na rin at umalis ka dahil ngayon kami na."

Nakita ko ang pagbigat ng paghinga niya habang tinitignan ako. Kulang na lang ay may umusok na sa tenga niya sa inis niya.

"Sayo siya ngayon, Eliana." Aniya.
"Sakin siya habang buhay." Pinakita ko ang singsing ko.

Naiinis ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya sumusuko. Tumawa siya ng napakalakas.

"Immature." Bulong niya sa kanyang sarili habang ngumingisi.
"Sino satin ang immature? Gayung pinagpipilitan mo ang sarili mo sa kanya kahit na alam mong wala kang pag-asa." Umiling na lang ako at tinalikuran siya.

Marami pa akong gusto sabihin sa kanya. I can't believe na ganun ang first love ni Chase. True! Marami siyang natapos, successful siya, pero bakit pakiramdam ko mas immature pa siya sakin? Ganun ba talaga dapat kung mahal mo ang isang tao, nagiging immature ka? Narealize ko yung sinabi ni Chase nang nadatnan niya kami ni Yuan sa parke, 'Guguluhin ko kayo, mahalin niya lang ulit ako'. Marami pala talaga silang pagkakatulad ni Chase.

"Sa oras na malaman kong sinasaktan mo si Chase o nagkakagulo kayo dito, babalik ako, Eliana. At sisiguraduhin kong sakin siya babalik."

Napalingon ako kay Ophelia. Tumalikod na rin siya at naglakad palayo sakin. Galing sa puso yung pagkakabanta niya. Nakakatakot. Though, I'm sure di yun mangyayari dahil mahal ako ni Chase at mahal ko rin siya, sobra.

Nagpasya kami ni Chase na magpakasal sa unang araw na nakilala ko siya sa Cebu, yung nasa airport ako kaya next year pa yun mangyayari.

As of now, bongga ang pre-nuptial photoshoot namin. Si Marcus dapat ang photographer na kukunin namin pero nagpunta daw siya ng abroad. Nag promise naman siya na siya ang pupunta sa kasal. For now, yung nakakabata niyang mga kapatid ang mag pho-photoshoot samin, si Alphonse at Jeremy Adams.

Si Alphonse ay mas matanda sakin ng apat na taon, si Jeremy naman ay kasing edad ko.

"Wala pa ba?" Tanong ni Alphonse sa isang organizer ng kasal.

Umiling ang organizer at tumingin sakin.

"On his way." Sabi ko.

Busy si Chase sa trabaho kaya na late siya ngayon. Actually, hindi siya late, kaya lang mainit ang ulo nitong si Alphonse.

"Hey, wala pa ba siya?" Inulit pa ng kapatid niyang si Jeremy sakin.
"Malapit na." Sabi ko.

Ngumisi siya at sumulyap sa kapatid niya.

"Maybe we should rehearse, Alphonse?" Tanong nang nakangisi niyang kapatid.
"Good idea!"

Nabigla naman ako sa biglang pag-aliwalas ng mukha ng galit niyang kapatid.

"Okay, so let's pretend that I'm the husband." Mas lalong ngumisi si Jeremy habang tinitignan ako.
"Okay, closer bro!"

Hinawakan ni Jeremy ang baywang ko at tinuro ang camera.

"Look at the camera." Sabi niya.

Naiilang ako dahil masyado siyang malapit sakin at di ako sigurado kung tama itong ginagawa namin. Naka sunny dress ako dito sa isang burol. Dito ko nagustuhang ishoot ang pre-nup namin.

May biglang umubo sa likuran namin. T'was Chase! He clenched his jaw. Agad umalis sa tabi ko ang kanina'y nakahawak sa baywang kong si Jeremy.

"Chase, uh, these are Marcus' brothers. Jeremy and Alphonse."
Tumango si Chase at ngumiti.

Nakipagkamayan siya sa kanila at tumingin sakin.

"Shall we start?" Tanong ni Chase nang nakanguso sa pagpipigil ng ngiti.

Instantly, the boys got intimidated. Hindi ko alam kung bakit pero di sila makatingin kay Chase. Tumango lang sila habang inaayos ang mga equipments.

"Y-yung assistant m-mo, Jeremy, call her." Sabay turo ni Alphonse sa babaeng dala nila kanina.


Hinarap ako ni Chase at nilapit ang bibig niya sa tenga ko...

"There will be people... boys, specifically, who'll try to take you away from me. Kasi bata ka pa. Kasi maganda ka. Kasi inosente ka. And especially when I'm not around, Eli." He lifted my chin.

Diretso ang tingin niya sakin. Tagos sa puso... At simula ngayon narealize ko na talagang wala na akong ibang mamahalin kundi siya. Kahit na anong busy niya man at kahit sino pa mang gwapong lalaki ang pupunta sakin, hindi ako matetempt dahil siya lang.

Hinawakan niya ang baywang ko at unti-unti niyang iginapang ang kamay niya sa likuran ko. It sent me shivers down my spine.

"But every inch of you is mine, baby." Bulong niya sa tenga ko.

Napalunok ako.

Tumingin siya sa kanina pang nakatitig na mga photographer. Napatalon ang dalawa habang nakatitig samin. Ibinaling ulit ni Chase ang titig niya sakin. Now, I remember, of course... the first time I met him, I was so intimidated. Tingin ko kahit sino naman siguro ay ganun. Hanggang ngayon, nakaka-intimidate parin siya.

Uminit ang pisngi ko. Ngumisi siya nang nakita ang pamumula ko.

"Too many hearts were broken for us, Eli. Wa'g na nating dagdagan." Sumulyap siya sa boys at binalik niya ulit sakin. "I should mark you mine, then. Para wala ng maligaw at mainlove sayo. At kung meron man, simula palang, susuko na sila."


My heart won't stop beating loud and fast.

Then he kissed me.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText