<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

L-arcs



L-arcs




L1.Intergames




Intergames na. Unang game namin, pinaglaro naman ako pero sa tuwing ginagamit ko yung split-step, pinupull out ako ni coach Paul at nagpapa substitute siya.

"GO! GO! GO!"

Halos mapasigaw din ako sa bench habang tinitingnan sila. Painit ng painit ang laban.

"Coach! Ipasok na si Alvarado!" Dinig na dinig ko ang boses ni Jason kahit nasa bleachers lang siya.
"Oo nga!" Pati si Kitchie. "Go Alvarado!"

Sa tingin ko, di na naman siguro ako kailangan. Nakita ko kasing ganado at mukhang galit kung maglaro si Chloe ngayon. Parang ganadong panalunin ang team. Tumitingin tingin pa nga siya sakin gamit ang maarte niya mukha.

"Go! Go! de Silva!"

Marami ding fans si Chloe, magaling kasi siya at maganda. Kaso yung iba ay ayaw sa kanya dahil sa ugali niya.

"Di na kita ipapaglaro, Miss Alvarado."
"Bakit coach?"
"Kaya na nila yan!"

Tumango naman ako. Kalahati pa lang sa oras ng game alam na agad ni Coach kung sinong mananalo ah.

Tiningnan ko ang mga nasa bleachers. Syempre kinawayan ako ni Emily at Jason na magkatabi. Nakukyutan ako sa dalawa. Si Jason mukhang barumbado tapos si Emily ang laki laki ng glasses. At syempre, sa likuran nila ay ang Cruz twins. Kumindat si Brent sakin samantalang si Ara naman ay di napansing nakatingin ako sa kanila.


Whoa! Nandito din pala si Chad. Sa mukha niya, kararating niya lang at umupo siya sa tabi ni Ara.

Lumingon si Chloe sa kanila. Hindi ko alam kung masaya ba siya o nawindang. Basta ang alam ko lang ay nagbago ang takbo ng game. Halos matambakan na sila.

Saka ako pinapasok ni Coach sa laro.

Pagkapasok ko, hindi rin naman ako masyadong naka score kasi mukhang natauhan si Chloe sa nangyari.

"I don't need you here." Sabi niya sakin.

Buti na lang at nakahabol kami. Pinaglaro ako ni Coach hanggang sa huli.

"Mine!" Sigaw ko nang nakita ko ang huling bola na papunta sakin.

"Wrong!"

Nakita ko si Chloe na tumalon sa harap ko at tinulak ako pababa para ma spike ang huling bola.

Nanalo kami pero pumilipit ulit ako sa sakit. Hindi kasi ako naka-landing ng maayos kaya ayan sumakit ulit ang paa ko.

Nagsipuntahan silang lahat sa court. Nanalo kami, masaya ako. Pero ang sakit talaga. At di ko mapigilang magalit kay Chloe. Masakit eh. Pero syempre, nagdedebate parin ang kalooblooban ko, siguro hindi niya ako narinig nung sinabi kong 'Mine!', pero teka, sabi niya 'Wrong!' ah? Tapos tinulak pa talaga ako! Grrr.

"Chloe, this is all your fault!" Biglang sigaw ni Ara pagkatapos kong lapitan ng medics.

Nandoon narin sina Brent, Chad, Jason at Emily.

"I saw you, Chloe!" Sabi ni Ara.
"What are you talking about?" Sabi ni Chloe.
"Tinulak mo siya!"
"Really? Ano ang ebidensya mo, Ara?"
"Only dumbsh1ts would want evidence for that! My God! Tinulak mo siya."
"No I didn't! Why would I? Sinabi kong aking yung bola! Why would Maxine jump when I already told her it was mine?"
"That's not the point. Kailangan mo ba talaga siyang itulak?"

Natahimik si Chloe.

Pinagtitinginan na kasi sila ng mga tao sa paligid. pati ang medics na naglalagay ng ice sa paa ko.

"Are you okay, Max?" Tanong ni Chad.

Nasa tabi ko na agad.

"Uh, oo. Pero mejo masakit pa."
"Okay fine, I'm sorry! Pero di ko talaga sinasadya yun." Sabi ni Chloe. "And its not your business to stick your nose to us, Ara." Tumaas ang kilay ni Chloe nang humarap siya kay Ara.

"Stop it, Ara. Let me handle this." Sabi ni Coach sabay awat kay Ara.

Nakasimangot parin si Ara at pumunta sa akin.

"Max, are you alright?"
"Yup, thanks Ara."
"Di bale. Humanda yang Chloe na yan!"

Gusto ko sana siyang pigilan sa ano mang binabalak niya kaso di ako makagalaw sa sakit at bigla na lang siyang umalis.






L2.Disaster






Linagyan ng bandage ang paa ko. Buti na lang at wala namang masamang nangyari sa araw na yun. Wala namang ginawang masama si Ara. Mabuti na lang. Pero natatakot ako baka may kung anong pinaplano siya.

Okay na naman ang paa ko eh. Sa tingin ko fully healed na siya.

Nag CR ako mag isa. Papasok na ako sa cubicle nang marinig kong may pumasok. Sina Chloe! Bigla-bigla na lang nila akong tinulak papasok sa cubicle at sinarado ang pinto.

"Chloe! Ano ba! Buksan mo to!" Sabay hampas ko sa pintuan.
"Yan ang bagay sayo!" Sabi niya.

Kasama niya ang mga kaibigan niya.

"I told you! Layuan mo si Chad! Eto ang bagay sayo! Kala mo ba natatakot ako sa mga threat ni Ara sakin? Hindi! Mas takot siya sakin kaya wag kang feeling, Maxine!"
"Chloe! Ano ba ang pinagsasabi mo, buksan mo-" Binuhusan ako ng tubig.
"Oh hayan! Jan ka na!"

Umalis na sila at iniwan akong naka lock sa cubicle at basang-basa sa tubig.

Sa oras na 'to, inis na inis ako! Naiyak na nga ako dahil sa inis! Gusto kong sabunutan si Chloe pero ewan ko. Ang mundong ginagalawan ko ay di ulad sa kanila. Kaya nilang gawin yun, pero ako hindi. Bakit may mga ganung klaseng tao? Hindi ko maintindihan.

"Buksan niyo 'to!"

Talagang kinareer ko na ang tumungtong sa inodoro para lang makakuha ng attensyon kahit walang tao sa loob ng CR.

"Oh my gosh!" Kakapasok naman ng grupo nina Ara.

Hindi ko alam kung mag si-CR sila o narinig lang nila ako sa labas.

Agad binuksan ni Ara ang pintuan ng CR. Nakita niya ako, syempre basang-basa at pulang-pula ang mata sa kakaiyak.

"Who did this to you?"
"Sino pa ba, Ara? Edi sina Chloe, malamang!" Sabi ni Lia.

Ngayon ko lang ulit nakita si Lia simula ng kinausap niya ako bago mag camping.

"That b1tch will pay!" Sabi niya sabay kuha ng phone.

Inalalayan naman ako nina Ashley at Tasha kahit parehong bihis na bihis.

"Ihahatid namin siya sa clinic, Ara."
"Yes please. Get some of my clothes in my car." Sabay hagis sa keys niya na nakuha naman ni Lia.

"Hello? Where is Chloe de Silva right now?" Tinalikuran niya kami.

Hinatid naman ako ng dalawa sa clinic para makapagpahinga at magpatuyo. Binigyan nila ako ng maraming tuwalya.

"Here are the clothes, Tash." Sabi ni Lia kay Tasha. Nagmamadali.
"Saan ka pupunta?"
"Don't you wanna see it?" Sabay kindat ni Lia.

Tiningnan nila ako.

"Makakapagbihis ka naman siguro mag isa, diba, Maxine?"
"O-Oo."
"Okay, go!" Umalis silang tatlo.

Inabot pa ako ng siyam-siyam bago makapagbihis dahil pinroseso ko pa ang lahat ng nangyari. OH MY GOD! May masamang mangyayari! For sure! Galit na galit si Ara! At ang lahat ng ito ay dahil sa akin. Dapat nandun ako!


L3.Cat fight!





"Binasa niya si Maxine at kinulong sa CR!"

Naabutan ko si Ara sa gitna ng court. Kaharap niya si Chloe. Nandun si Coach Paul sa likuran ni Chloe samantalang si Chad naman ay nasa likuran ni Ara.

Biglang may yumakap sa akin. A familiar scent.

"Brent!"

Halos maiyak ako sa higpit ng yakap niya.

"Wag mong hayaang makipag away ang kapatid mo kay Chloe! Its not worth it." Sabi ko.

Kumalas siya sa yakap.

"I couldn't stand seeing you being treated like that, Max. Tama ka, ayaw kong makipag away si Ara. Especially with Chloe... But Ara's always been like that... to someone important to her..."

Napatingin ako sa loob ng court.

"...and to me."

Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa loob ng court.

Natigilan ang lahat. Practice lang naman `to dito sa school namin pero marami paring taong nag abang. Siguro dahil parehong sikat si Chloe at Ara.

"Oh really, Ara? May ebidensiya ka ba?"

Galit na galit si Ara at si Chloe naman ay pa-cool lang.

"Ara, stop it." Sabi ni Chad. "Baka nagkakamali ka, bakit naman yun gagawin ni Chloe?"
"Oh yes, of course, because only I have the nerves to do those kind of things, Chad?"

Katahimikan.

"Max!" Nakita ako ni Ara. "Tell them. Sabihin mo sa kanila kung sinong nag lock sayo sa CR at nagbuhos sayo ng tubig."
"Ba't ko naman gagawin yun-"
"Bakit? Kasi you like Chad, Chloe!"

Ngayon, nakita ko na talagang kinabahan si Chloe. Hindi lang kinabahan. Humiliated.

"You like Chad! Alam ko na yan simula pa noon, right Chloe? Or you want to deny that, even? Huh?"
"Binasa ko si Maxine because I like Chad? Come on, Ara! Where's the logic-"
"You think may gusto si Chad kay Maxine... And poor you, confirmed it with Chad's actions. Yes, it is true... It should be true. Chad's always concerned with Maxine. He always cared for her. Cared like he never cared for anyone else. I bet you're actually threatening her here in your team, Chloe."

Di na makahinga si Chloe sa mga sinasabi ni Ara.

"Maxine, sino ang bumuhos ng tubig at nag lock sayo sa CR-"
"Hindi ka ba talaga natatakot sa akin, Ara? Sa maaari kong ibulgar?"

Natigilan si Ara.

"Kung makapagsalita ka, akala mo naman ako na ang may pinaka eskandalosong nagawa dito sa school natin. But don't forget, kahit nabayaran na ng pamilya mo ang eskandalong nagawa mo, may ibang tao paring hindi nakakalimot."
"Chloe, stop it!" Sabi ni Chad. "Ikaw ba talaga ang gumawa nun kay Maxine?"

Disappointed ang mukha ni Chad. Mas lalong kinabahan si Chloe.

"Y-You believe her?"

Ngumiti si Ara. Pagkatapos niyang matigilan sa huling sinabi ni Chloe.

"You pathetic girl. Akala mo talaga sayo siya maniniwala ano? Give it up, Chloe. Your plastic layers have been peeled off. Your true nature has been exposed. Well at least to Chad... Kasi lahat naman kami dito alam na ganyan ka. Si Chad lang ang walang alam, kasi you like, oh! love!, him... You can't bear losing him if he find out your true colors."

*Slap!*

Bakit ako nanonood lang dito? Dahil sa akin, nag aaway ang dalawa!

Pareho kaming tumakbo patungo kay Ara na MUNTIK ng nasampal ni Chloe.

Nasalo ni Chad ang sampal. :-[ :-X


L4.Second Offense





"Chloe, ginawa mo ba talaga iyon?" Tanong ni Chad.

Mangiyak-ngiyak si Chloe. Ayaw sumagot.

"Bakit ko naman gagawin yon?" Mahina ang boses ni Chloe at di pa makatingin kay Chad.

"Liar!" Sigaw ni Ara na ngayon ay nasa likuran na ni Chad.

"Maxine, totoo ba yun?"

Tumingin silang lahat sa akin.

Ayaw kong aminin dahil naaawa ako kay Chloe. Kaso ayaw ko namang magsinungaling at madamay pa si Ara.

"Oo."

Saka bumasag ang bulong-bulungan ng taong nakapaligid.

"That's enough! Magsibalikan na kayo sa pwesto." Sabi ni Coach Paul sa mga usesero.

Lost and angry.

Habang napailing si Chad.

"Chloe, you disappointed me. masama yung ginawa mo, nagsinungaling ka pa..."

Hindi nag alisan ang mga usisero dahil sa mga salita ni Chad. Pero si Chad, nag walk-out. Hindi yata nakaya ang ginawa ni Chloe.

"See? You lost the love of your life... Ha! Ha! Ha!"
"Shut up, Ara! Shut up!" Tumulo ang mga luha ni Chloe.

Naiinis at galit na siya ngayon.

"Tutal nag aminan na rin naman, bakit di mo aminin sa harap ng buong school kung sino ang boyfriend mo, huh?"

Agad hinawakan ni Brent ang kamay ko.

"Tayo na." Sabi niya sakin. "Stop it, Chloe. this is not funny anymore." Sabi niya kay Chloe.

"Yeah, Chloe, its just so boring. Admit it, you're ruined." Sabi ni Ara.

Ayaw parin mag sialisan ng mga usisero. Siguro ay dahil na cu-curious din sila sa sinabi ni Chloe.

"Anong kaguluhan `to?"

May dalawang guard na dumating at nandito rin ang Director ng school, mukhang napadaan lang at nakiusisa narin. Masyado kasing maraming tao dito.

Lumingon ako kay Chloe na ngayon ay center of attention na. Malapit na kasi kaming makaalis sa maraming tao.

"Oh this is great! Saan ka pupunta, Ara Cruz?" Sigaw ni Chloe.

Hindi nakinig si Chloe sa mga guard na umaawat sa kanya. Mukhang desperada na talaga siya sa kanyang mga ginagawa ah.

Hindi na lumingon si Ara.

"And Coach, you're running away too? With Ara?"

Si Coach Paul ay nasa tabi ni Ara at naglalakad palayo.

OH MY!?

Natigilan si Ara at si Coach kaya tumigil kami sa paglalakad ni Brent.

His hands were firmer now.

"Ara, Coach Paul Tan, why don't you admit in front of the crowd, in front of the school, in front of our director, what your relationship is all about?"

Mas lalong nagbulung-bulungan ang mga tao.

"Di ba, hindi pwede? Teacher siya, diba?"
"Bawal ang student-teacher relationship, diba nasa code of conduct natin yun?" Sabi nung isang estudyanteng narinig ko.

Hindi `to maaari! Sigurado akong isa na naman sa kasinungalingan ni Chloe ito.

Napailing ang Director habang nakatingin kay Coach Paul.

"Totoo ba yun, Mr. Tan?" Tanong ng director.

Coach Paul looked away, as if guilty.

Si Ara naman ay nakatayo lang at nakatingin kay Chloe. Galit.

"So this is how you wanna play this game, Chloe?"

Katahimikan.

"Oh no! Don't be so stubborn sis." Narinig ko ang bulong ni Brent kay Ara.

Anong ibig sabihin nito? Totoo?!?!

"You're gonna be expelled. Second offense."



Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText