Fall 75-80
76th fall
Serene Cruz: may Nico ako.
"Bakit? May nangyari ba?"
Tanong ni Crayon habang nakahiga sa kama ko. Nakaupo naman ako malapit sa bintana habang nakatingin sa malayo.
"K-Kasi... uh... wa'g mong sabihin sa kanya ah?"
Nangalumababa siya't, "Bakit ba kasi? Nakakabitin ka naman."
"Nakita ko si Charlotte kanina..."
Hindi nagsalita si Crayon. Halong pagkabigla at pagkabitin ang nakuha niya sa sinabi ko.
"Pero di sila nagkita ni Dae. Nagkataong may pinabili ako kay Dae nung nagkita kami."
Tumango siya at halatang malalim ang iniisip.
"Sabi niya... wala pa dawng closure yung relationship nila ni Dae."
Tahimik parin si Crayon habang hinihintay ang mga sasabihin ko pa.
"Anong nangyari... noon? Noong nasa States ako, Crayon?"
"Huh? Really? Nagkita kayo. Nakabalik na pala siya?"
"Hello, obvious ba? Sagutin mo na nga ang tanong ko!"
"Uhhh, noon? Well, sila ni Dae noon."
"Alam ko. Ano pa?"
"Mahal na mahal siya ni Dae."
"A-"
"First love, kung baga."
I sighed.
"And Charlotte?"
"Mahal niya rin si Dae."
"That`s not true. Sinet-up niya nga ako noon at hindi pa siya interesado sa mga love letters ni Dae..."
"Maybe. That was when Dae`s still courting her. Nang tumigil na si Dae sa panliligaw kay Charlotte... si Charlotte naman ang naghabol kay Dae."
"At kelan naman siya tumigil sa panliligaw?"
"Pag alis mo, the next day."
Natahimik ako.
"Mukhang na guilty siya sa nagawa niya sayo noon. He 'stopped' courting Charlotte."
"Then? Bakit naging sila?"
"Kahit nagstop na siya, I`m not saying na hindi niya na mahal si Charlotte. Mahal niya parin. Kaya nang si Charlotte na ang gumawa ng paraan... siya na ang naghabol... naging sila na nga."
JSHAUHDHTAD
"Ahhh. Whatelse?"
"Hmmm... Yun na. Their relationship was fine."
"Hindi ba sila napagalitan or what? Ang bata-bata pa natin noon."
"Hindi naman."
"Mahal ba talaga ni Charlotte si Dae?"
"Oo. Sa pagkakaalam ko, mahal na talaga ni Charlotte si Dae. Si Charlotte pa nga ang nagsu-surprise kay Dae noon everytime monthsary nila. Tapos, basta... she was kind. Muntik na nga niyang maging close si Sophie. Kung di lang siguro yun umiwas sa amin dahil sa akin, baka close na sila ngayon."
"She's not nice. I mean, she was never nice... Okay... whatever."
Baka nga naman nagbagong buhay.
"Dae and Charlotte were both guilty. Syempre, pag-alis mo sa skul. Matunog noon na na expel ka sa ginawa mo. Ikaw ang masama sa harap ng lahat. Binisita siguro ng konsensya nila." He laughed.
"Na-guilty?"
I stared blankly outside the window.
"Bakit sila nag break?"
"Because... I don't know."
Napatingin ako kay Crayon.
"Bakit?"
"Ang alam ko kasi... aalis si Charlotte, pero their relationship was okay. Kahit na mejo malungkot silang dalawa noon dahil magkakahiwalay nga sila."
"Ahh..." Speechless all the way ah? Yan kasi.
Research pa ng research. Ngayon tuloy, di ko na alam kung anong nararamdaman ko. Nagseselos ba ako? O iniisip ko na talagang mawawala si Dae sa akin soon.
"Pero, they're planning to hold on. I mean, tatanggapin nila yung Long distance relationship. I don't know what hapenned. Parang the day na aalis na si Charlotte, nag break sila."
Tumango ako.
"Nukaba! Wa'g kang mag-alala. Mahal ka ni Dae." He smiled an evil smile.
"H-Ha? Ano naman-"
"Blahblaaah... Seryosong seryoso ka kaninang nakikinig at halatang nasasaktan sa mga sinasabi ko tapos ide-deny mo ngayon? Ang labo mo talaga!"
Hindi na ako nakapagsalita.
"Kelan mo ba kasi yun sasagutin? Pinapatagal mo kasi eh."
"Paano kung... mahal niya pa pala si Charlotte?"
Crayon paused for a while and, "Suntukan na lang kaya kami ni Dae?"
"Crayon naman... wa`g kang ganyan. Baka mamaya liniligawan lang ako ni Dae dahil kaibigan kayo."
"Hindi yan mangyayari. Kung ganun nga, dapat nung highschool pa linigawan ka na niya." He laughed. "Nagsuntukan pa nga kami pag-alis mo noon dahil nainis ako sa kanya. Alam kong wala na talaga akong magagawa kung ganun siya, kaya suntukan na lang?" He laughed again.
Walang kwenta talaga `tong si Crayon. tsk.
*Krrrrriiiiing*
"H-Hello?"
"Serene,"
"Nico! Napatawag ka?"
"Tumawag ako para sabihin sayong wala kaming shoot sa birthday week mo, kaya makakasama ako."
"Ganun ba! Mabuti naman kung ganun!"
Yes! Makakasama ko pa siya bago siya umalis.
"S-Sige... Uh... Kamusta ka na?"
"Okay lang ako." Napangiti ako.
Kahit busyng-busy siya, nararamdaman kong gusto niyang maging libre para makasama ako.
"Ikaw?" Tanong ko, pahabol.
"Okay lang rin." Nabitin ang boses niya. "-Uh. Sige, Serene. Ingat ka ah? Good night."
I glanced at Crayon. Nakatingin lang si Crayon sa phone niya.
"Okay.. Sige. Thanks for calling. Ingat ka rin."
Binaba ko na ang cellphone ko.
"May Nico ka pa pala."
"Kung may Francine at Charlotte si Dae, may Nico ako. Tsaka, isasama ko siya sa Te Beach ah? Hmmp." Sabi ko na parang nagmamalaki.
Pero ang totoo, naiinsecure ako. Dalawang magagandang ex. Dalawang minahal niya. Lalong lalo na sa first love niyang walang closure ang drama. Plus meron pang obsess na ex na parang ayaw sumuko pag di niya mapasagot si Dae. At ako? Isang balikbayang simula kinder ay kilala na siya at simula grade three mahal ko na... may laban ba ako? Mahal niya kaya talaga ako? BITTER ka, Serene! Insecure pa. Grrr...
77th fall
Serene Cruz: Para mas enjoy?
"Nico brought his car." Sabi ko kay Dae habang tinititigan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
Binitawan niya nang napansin niyang nakatingin ako.
"Ang daya mo naman. Bakit ba? Nanliligaw din naman ako sayo ah? Di ba pwedeng sa sasakyan ko?"
"Pwede ba? Tapos? Anong gagawin ko kay Nico?"
He sighed.
"Wala pa siya. Iwan na natin!"
"Hello? One hour advance ka masyado. Excited ka ba?"
Bukas na ang birthday ni Dae. Tatlong araw lang kami sa Te Beach Resort. Bukas ang gig nila pero binigyan kami ng free stay chuchu. Ang bait kasi ng may-ari ng Te Beach Resort.
"D-Dae, can I ride with you?" Tanong ni Francine.
I crossed my arms. Tiningnan ko ang daanan habang hinihintay si Nico. Nasa labas kami ng bahay nina Crayon and I'm also ready.
"Uh, Serene?-"
"Why me?"
"O... Edi sure, Francine."
"Ilalagay ko ang gamit ko sa loob ah?"
"Sige."
Pinandilatan ko ang kawalan dahil sa kaeng-engan ni Francine. Nakuuu. Di pa nga natatapos yung kaba ko kay Charlotte, sasama pa `tong Francine na `to? Oh Jesus.
Lumingon ako sa kanya at naabutan ko siyang masama ang tingin sa akin.
"Ano? Di na ko pwede sa sasakyan mo ah."
"Serene, is it Nico?" Tanong ni Chyna habang nakaturo sa isang magandang sasakyan.
Bagong-bago pa at mukhang wala pang gasgas. Mukhang di pa nga nadadapuan ng langaw. Ohhh, and it's black.
"N-Nico?"
I heard Dae's SARCASTIC sigh.
"Yabang." He whispered.
"Serene, sakin ka ba sasakay?" Tanong ni Nico.
"Oo naman." I smiled. Woooo~! Bonggang bongga. "I bet, ako ang unang babaeng makakasakay diyan?" I was hoping.
"Nope-"
"Ah." Boink.
"Ikaw ang unang taong makakasakay." He smiled.
Tumili si Sophie kahit papalabas pa sa gate nina Crayon.
"Sweet ka, ever, Nico." Sabi ni Sophie.
"Totoo naman kasi." He smiled again.
Excited na me! HAHAHA. Linagay ko ang gamit ko likuran ng sasakyan niya.
Bumaba siya't tinulungan niya ako. Habang inaayos namin ang gamit ko, "Yabang talaga- sus..." I heard Dae said something like that to Grey and Valen.
"Wa'g mo na lang pansinin. Insecure yan." Sabi ko kay Nico nang naramdaman kong umiling siya.
"Hoy Serene, bakit mo inaayos ang gamit mo ha? Eh may isang oras pa namang natitira? Excited ka ata?"
"Wa'g mo na nga lang akong pakealaman."
Nakita kong nasa front seat na si Francine ng sasakyan ni Dae. Naku, kung bastos lang talaga ako sasabihin ko na talagang mas excited pa si Francine sakin. Ayaw kong magparinig.
Nang bumyahe na kami. Syempre, ang bango ng sasakyan ni Nico at para akong batang nakatingin sa tanawin sa labas. Ignorante.
Tahimik kami. Naramdaman kong mabilis ang takbo ng sasakyan ni Nico pero di ka kakabahan dahil mukhang maaliwalas naman ang feeling. Psychological effect ata `to dahil bago ang sasakyan niya.
"Kanina pa nakikipaghabulan si Dae..." He broke the silence.
"H-Huh?"
Ngayon ko lang napansin ah.
"Wa'g mo na lang siyang pansinin." Nakita kong nasa unahan ang sasakyan ni Dae. Mukhang gusto pang unahan ni Nico. "Bagalan mo na lang ang takbo, Nico."
Sabi ko. Tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko. At least diba, mas enjoy ang tanawin sa labas ng sasakyan.
"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Dae paglabas ko sa sasakyan ni Nico.
Kanina pa ata sila naghihintay samin. Nakarating na kami sa Te Beach Resort at kami ni Nico ang huli.
"Wala lang. Para mas enjoy?"
Dae was pissed. LOL. Nyenye...
"Sinama pa kasi... Yabang-" He murmured.
Buti na lang di pa nakalabas si Nico sa sasakyan kaya di niya narinig.
"Francine, kunin na natin yung mga gamit. We'll be in the same room."
Francine rushed.
"H-Hu-" okay... erm. So shocked.
"Dae, di pwede yan. Usapan nating girls for girls... guys... for guys..." Singit ni Crayon.
OMG. I'm so... i dont know. Basta. Ang sama ni Dae. Pinapaselos niya ba ako or whut? I HATE IT. Uwi na ko?
Nagpatuloy si Francine at Dae sa pagkuha ng gamit. Para bang wala na siyang pakealam sa ethics at mga iisipin ng mga tao kung magtatabi sila ng ex niya.
"Walang ganyanan, tabihan ko na rin si Sophie! Tapos, si Serene at si Nico." Crayon smiled.
"Asan ba ang kwarto natin, Crayon?" He glanced at Nico.
Crayon and the band was holding their laugh. HAHAHA.
78th fall
Serene Cruz: I love... Dae... still.
"Ayaw mong pumasok?" Tanong ni Nico habang sinasamahan niya ako sa seashore at pinanonood ng bonfire.
Nakaupo kami sa buhangin. Kanina pa nagsimula sina Dae. Maaring anytime now, tapos na yun kaya useless na rin kung papasok pa kami.
"Ayoko."
"Bakit?"
"Hindi ko kasi feel yung maingay eh." Sabi ko.
It wasn't the perfect reason but I think Nico accepted it. He sighed.
"Ilang gig na ba ang napuntahan mo sa kanila?"
"Uh, dalawa? I don't know, I forgot."
Sabi ko habang isinusulat ang pangalan ko sa buhangin.
"And, di ko naman talaga pinapanood yung gig nila eh. Pumupunta ako sa place, pero di ako nanonood." I smiled.
"Bakit?"
"Wala lang. Ayaw ko ng maingay na music."
"But I think the people love their music."
"Yeah. Kitang-kita naman. Maganda naman yung mga kanta."
Napatingin ako kay Nico.
"Birthday ni Dae ngayon, hindi ba?"
"Oo." Sabi ko.
"Anong ibibigay mo sa kanya?"
"Wala."
"Really?"
"Uh, oo. Uhm... Change topic?" Sabi ko dahil nakikita kong masyado na siyang interesado saming dalawa ni Dae.
Birthday na nga ni Dae ngayon, at di ko pa siya nagigreet. Gabi na't di ko pa rin siya nagigreet. Kasi sunod nang sunod ang Francing yun. Naiinis tuloy ako. Nawawala sa mood at di na nakapagreet. HMP. Si Dae naman, mejo busy kaya mukhang balewala.
"Bakit mo... iniiwasan?" Tanong ni Nico.
Nakita kong seryoso siya sa tanong niya kahit nakangiti siya.
"Uh... Di naman sa ganun." Yumuko ako.
Umihip ang malakas na hangin...
"Uhm..."
Bakit nga ba? Ayaw kong masaktan siya. Ayaw kong pag-usapan si Dae dahil... ewan ko.
"Serene, I think now is the perfect time to tell you that..." He sighed. "...I can be your friend." Nawala ang ngiti sa mukha ni Nico.
What did he said? He can be my friend?
"Suko... na ako..." He uttered.
Speechless.
"Tanggap ko ng mahirap na kalaban si Dae. He is your first love-"
"Huh?"
"-And he will always be your only love." Sabi ni Nico.
I can't say anything. Feeling ko ang sama-sama ko.
"Nico~ sor-..." I bit my lip.
Tinitigan niya ako.
"All I need to do now is to make sure that I'll still be your friend."
Bakit niya pinipili paring maging kaibigan ko? Baka masaktan ko lang siya. Nico~! :'(
"I'm sorry for bringing our simple conversation here. But, I want to ask you one more question... can I?"
"S-Sure."
"May pag-asa ba ako sa'yo?"
OMGOMGOMG. What will I say?
"Nico~"
He's smiling.
"Y-You're a... good guy. You're the best guy I'd ever met."
Tumango siya.
"P-Pero..." OMG. I can't say it. I can't say it. "I love... Dae... still."
Para akong kinuryente nang nakita siyang tumango habang ngumingiti.
"Whoa. Hindi ko naisip na ganito... siya... kasakit." He sighed then smiled.
Tinitigan ko ang mga mata niyang kung saan-saan lang nakatingin. Nico, I'm sorry.
"Sorry ulit, kasi masyado kitang nape-pressure. Ang dami kong kasalanan sa'yo." His tears dropped.
"Nico," I hate myself.
Pinunasan ko ang luha niya pero hinawakan niya ang kamay ko. He laughed.
"I fooled you. Ganun na ba ako ka galing na artista ngayon?" He laughed still but his voice was breaking. And his heart too.
It's like he's letting me see everything about him tonight. Pero binawi niya ang lahat. Ayaw niya atang ma-guilty ako sa sinabi ko. Mahal na mahal niya ako. And I can't help but adore him.
"Shhhh..." I hugged him.
"Serene, sorry. I-I can't help it."
Nico, alam ko. Naranasan ko na yan. I can't help it too.
79th fall
Serene Cruz: You're not my boyfriend.
"Ehe..ehemmm." Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Nico.
Napalingon ako sa gumawa ng ingay at naaninaw ko ang mukha ni Francine na may dala-dala pang isang box na nakabalot sa isang magandang wrapper.
"Sorry. Naistorbo ko ba kayo?" She smiled.
"H-Hindi."
Umihip ulit ang malamig na hangin. Napatayo ako habang yinayakap ang sarili.
"Gusto ko lang sanang magtanong kung nakita niyo ba sina Dae?"
"Ah- Hindi. Bakit? Wala ba sila sa loob?"
"Iniwan ko kasi sila kanina. may kinuha lang ako sandali." She showed the box.
Okay, gift. Gift for Dae.
Nabigla ako nang sinoot ni Nico sakin ang jacket na kanina niya pa dala-dala. Francine threw a weird look.
"Hindi eh."
Tumango siya't, "Sorry ulit." umalis na.
"May regalo pala si Francine kay Dae, magpapatalo ka ba?" Napatingin ako kay Nico at hayan na naman ang kanyang mga ngiti.
"Wala naman akong magagawa eh. Di talaga ako nagready." Sabi ko.
"Bakit?"
"Uh. Wala lang. I don't want Dae to think that he's still special for me."
"Bakit?"
Nagkibit-balikat ako.
"Nagdududa ka ba sa kanya?"
"Syempre, mejo ganun na nga."
"Di ka naman masisisi kasi ilang beses ka na niyang sinaktan."
Tumango ako at pinansin ulit ang jacket na sinoot niya sakin kanina, "Thanks." Sabi ko.
Nakita kong maraming message na ang di ko nababasa sa phone ko. I opened it, puro kay Sophie at Crayon.
"Bumalik na tayo? Nasa restaurant na raw sila't mukhang kanina pa tayo hinahanap."
Pagkapasok namin sa restaurant, agad kong nakita ang mga titig ni Dae sa akin. O sa aming dalawa ni Nico.
"Serene, saan ba kayo galing? Kanina pa kami ginugutom, di kami makaorder dahil wala pa kayo." Sigaw ni Crayon.
"Sorry. nagpahangin lang."
Agad na akong umupo sa upuang nasa harapan ni Dae. Magkatabi sila ni Francine. Umupo na rin si Nico sa tabi ko at harap ni Francine.
"Nagpahangin? Ba't mo kailangan ng jacket kung gusto mong magpahangin?" Nakatitig na naman siya sakin habang sarcastic na naman ang tono at pagmumukha.
"Malamig eh." Ayaw ko ng makipagtalo ah.
Nakakahiya sa mga waiter at waitress dito. Mukhang todo pa naman ang services nila ngayon dahil maraming tao.
"Kung ayaw mo ng malamig, sana pumasok ka na lang doon kanina."
Napasinghap ako't, "H---" binuga ko agad. Di na ako sasagot. Birthday niya ngayon at wala akong regalo. Tapos aawayin ko pa siya? Wa'g na! Di na lang ako gi-greet sa kanya. I swear, di ko yan pagsisisihan. Simula kinder hanggang grade 6, greet ako ng greet sa kanya. Wala man lang akong 'thank you' na narinig. Take note: Kahit kailang birthday niya, walang thank you. At eto isa pa, pang guiness world record na, kahit kailan di pa niya ako nagi-greet sa birthday ko. Grabe, ang kapal ng mukha.
Pagkatapos naming kumain, kahit di naman ako nabusog dahil sa mga tingin ni Dae sakin, bumalik na kami ni Nico sa inupuan naming bonfire kanina.
"Hindi mo pa siya nagi-greet ah?" Nico asked.
"Bahala na." Sabi ko habang gumuguhit ng heart sa buhangin.
Nico sighed, "Di talaga kita mabasa minsan." He smiled.
"Bak-"
"Excuse me, Nico." Napalingon ako sa isang istorbong lalaking sumingit sa isasagot ko sana kay Nico.
Nakatayo lang siya habang nakalagay ang kanyang mga kamay sa bulsa. Siya lang mag-isa at... asan si Francine? OMG. He wants to talk to me? Baka magreet ko siya?
"Pwedeng iwan mo muna kami ni Serene?"
Walang manners!
"Dae, pwede ba?-" Hold your tongue, it's his birthday.
"Uh. Okay lang Serene," Tumayo si Nico. "so... uh, see ya later."
Sumulyap pa si Nico bago tuluyang umalis.
"Bye, Nico? Balik ka agad ah?" I whispered.
Buti di narinig ni Nico.
Kumuha ako ng isang ligaw na coral reef sa katabi ko't padabog na gumuhit ng mga bulaklak sa buhangin.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko habang nakatingin parin sa buhangin.
Suddenly, Dae hugged me.
"It was a little bit unfair, you know." He whispered it on my ears.
Di na ako nakagalaw dahil sa gulat at pangangamba. Pangangamba?!
"H-Huh?" Serene, you need to understand that it's his birthday and you can't punch him or even kick him.
"Hug for Nico? It's not even his birthday."
OMG. OMG. HAPPY BIRTHDAE! Can I hug you back Dae? Are you jealous? At bakit alam niya? Nakita ba niya? O nagsumbong ang bruhang ex?
"Tigilan mo nga yan, Dae? Ano ba. Baka may makakita satin-"
"So, okay lang kung may makakita sainyo ni Nico. Tapos sakin hindi?"
"Uhh.. Dae, stop that. You're not my boyfriend." I said, confused already.
Bigla niyang kinalas ang braso niyang nakapalibot sakin.
"Why? Kayo na ba ni Nico?" Bumigat ang ekspresyon ng mukha niya.
"Uh..." I can't darn look at him.
Why is he acting this way? He's sweet. It's his birthday. Nico and Francine's even around. And... Charlotte is back. I CAN'T. I don't know.
Hey Serene, you need to answer his serious question.
"..." Napasinghap ako at binubuo pa ang mga salitang isasagot ko.
Hindi naman sana mahirap pero, si Dae kasi... Nakakakilig. HAHA
"-Uh, forget it. I'll get jealous." Tumayo siya at parang magwo-walk out.
Parang ayaw niya nang marinig ang sagot ko. OMG. WAIT, Dae.
80th fall
Serene Cruz: Nice... idea.
"Dae~"
WOOOOO? Parang naghiyawan ang buong sistema ko. Lumingon siya sakin with his tired eyes.
Tired? He's tired. Oo nga pala, birthday na birthday niya marami siyang ginawa. Wala pa ang family niya dito tapos sinasaktan ko pa? Ay tama lang naman yun sa kanya no...
"Ano?"
"Nukaba~, may pa walk-out-walk-out ka pang nalalaman diyan." Errr, what else can I say?
Nakatunganga lang siya't naghihintay sa idudugtong ko.
"Sanglibong beses mo na akong tinalikuran mula noon, tapos kahit nanliligaw ka na ngayon... ganun parin?"
"Tumatanggap ka pa pala ng manliligaw kahit may boyfriend ka na?"
Grabe... Para akong sinakluban ng langit at lupa. Narinig pa `to ni Francine na mukhang kanina pa naghahanap kay Dae at natagpuan niya na nga ngayon kasama ang mga salitang iyon.
"Dae," She called him.
Napalingon si Dae sa kanya. Kumaway naman siya agad habang malaki ang ngiti.
"Oyyy, Serene. Kayo na pala ni Nico?" Napatayo ako.
"Hind-"
"Dae, nabuksan mo na ba yung regalo ko?"
"Ah... Hindi pa eh. Kaya nga ako babalik ngayon sa kwarto para buksan yun." He walked away.
Sumabay na rin si Francine kay Dae. Kulang na lang eh kumapit siya sa braso ni Dae.
"Dae!" Sigaw ko.
Hoy Francine! Di pa kami tapos ni Dae! Batuhin kita ng buhangin riyan eh.
Lumingon si Dae sakin at... "Ano? NEXT TIME NA LANG SERENE AH?" He said in a sarcastic tone. "May gagawin pa ako eh."
Nagpatuloy siya sa paglalakad kasama si Francine.
Bwisiiiit talaga. Argh. Kung di ko lang naman kasi siya mahal eh di ko na lang sana... ay nakooo.
"Serene," Tinawag ako ni Francine.
Mukhang naabutan niya pa akong nakasimangot at nabubuang na sa inggit.
"wala ka bang regalo?" She smiled.
Hinawakan niya pa ang braso ni Dae para matigil siya sa paglalakad. Tumigil nga sila sa paglalakad para lang makausap ako ni Dae.
Hindi na ako nagsalita, at agadna akong naglakad patungo sa kanila.
Lalagpasan ko ba sila o sasabay ako sa kanila sa paglalakad? Hahanapin ko si Nico o manonood sa pag-open ni Dae sa regalong bigay ni Francine?
Di ako makapagdecide kaya ginawa ko na lang ang sa tingin kong gusto ko - kahit alam kong mejo di tama.
Linagpasan ko sila't, "Kung sasagutin ko ba siya ngayon, sapat nang regalo yun?"
"H-Huh?"
"S-Serene," Sabi ni Dae.
OHHH, may dating ako. HAHAHA
Lumingon ako para hintayin siyang lumapit sa akin at sundan ako. NYENYE. Behlaaat sayo Francine.
"Wa'g mo na nga akong paasahin."
Nagwalk-out ulit siya't linagpasan ako. BWISIT. Maghahabol ba ulit ako o hahayaan ko siya?
Ay ayoko na talagang magpakatanga.
"Nico~!" Tinawag ko na agad si Nico nang nakita ko siyang pakalat-kalat lang.
Kumaway siya't nakita ko ang ngiti niya.
"Anong pinag-usapan niyo?"
Nakita kong patuloy parin sa paglalakad sina Francine at Dae.
"Wala... Sabi niya kasi, boyfriend daw kita."
"Hmm? Really? Tapos?"
"Tinanong niya ako. Kaya lang masyado akong na shock and all that..." Napasinghap ako. "Shucks. Tapos, nagwalk-out siya't sinabi kong 'sagot ko na lang ang gift ko sa kanya' kaso sinabi niya saking wag ko na raw siyang paasahin. Ugh."
He laughed. Napatingin ako sa kay Nico. I wonder if he's okay now.
"Sorry Nico ah? Masyado talaga akong nag-oopen up sayo eh."
My eyes darted on Crayon and Sophie. Nakita ko silang naghoholding hands kasama sina Valen, Grey, at iba pa.
"Okay lang. Gusto ko nga yan eh." He smiled again.
Napabuntong-hininga ako, "Gosh. Ewan ko na talaga. Ang sarap niya ng sapakin." Overflowing humiliation na `to.
"Hmmmm, pagselosin kaya natin siya?"
"Huh?"
"Feeling ko nagpapahard-to-get siya sayo kasi alam niyang hahabulin at hahabulin mo siya."
Wow. Ang sakit na sapak nun sakin. The truth hurts nga. Hahabulin at hahabulin ko siya.
"Nice... idea." May bulb na umilaw sa utak ko. Ang galing ni Nico.
Labels: Downfall Chronicles
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;