<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 16-20


Stage 16.
Okay! Deal!






Akala ko talaga isasagawa na ni Bench ang mga plano ko sa sumunod na mga araw. Pero di naman pala... Ngayong araw na 'to, limang beses ko siyang nakitang may kasamang iba-ibang babae.

Napailing na lang ako nang nakita ko siyang tinitilian ng mga babae. Ewan ko kung saan siya papunta.

"Bench again... but alone." Sabi ni Eliana habang nginunguso si Bench.

Agad kong niligpit ang nakalatag na gamit ko sa cafeteria. Hinila ko si Eliana.

Alam niyo kasi, gumagana na naman ang above average kong utak. Nakita kong papunta si Jenny kanina sa lockerroom. At ngayon, si Bench at mapapadaan doon.

Sinundan namin si Bench.

"Wh-What are you doing-"
"Shhhh?" Napa-tiptoe na rin si Eliana habang sinusundan namin si Bench.

Ang sasama pa ng tingin ng mga nakakita samin. Buti na lang at pagkarating namin malapit sa lockerroom wala na masyadong tao.

"Oppps!"

Nagtago kami ni Eli. OMG! Nagkabanggaan na naman ang dalawa! Si Jenny at Bench! As innn!

"Hindi ko na talaga kailangang mag plot ng scenes ah?" Nakangisi ako habang nag e-eavesdrop at sumisilip.

"Ikaw na naman..." Sabi ni Bench.
"Sorry. Hi-Hindi ko naman sinasadya."
"It's okay... basta ba di mo ako binubuhusan ng kung anu-ano." Ngumisi si Bench sa kanya.

And in return, binigyan lang siya ng nagtatakang mukha ni Jenny.

Aalis na sana si Jenny nang...

"Kilala mo ako, right?" Maangas na tanong ni Bench.

Kapal muks! Pero yes! May right siya! Enough said...

"O-Oo." Nahihiyang sagot ni Jenny.
"Bakit?"
"Tinatanong pa ba yan? Of course everyone knows you. Benjamin Jimenez. Daming nagkakandarapa sayo."
"HAHA." His evil laugh. "Bakit?"
"Kasi nga diba... gwapo... magaling dumiskarte... at iba pa." Umiling si Jenny. Para bang galit.
"So sinasabi mong gwapo ako?"

Natigilan si Jenny.

Tinigilan ko din ang pagsilip ko. Sumandal na lang ako sa wall na pinagtataguan namin ni Eliana.

"No. No... Bench.. Jenny is a good girl." Bulong ni Eliana na nagtatago kasama ko.

Masama na ang mga tingin niya sakin. Sigurado akong alam niyang inutusan ko si Bench. Pero di ko naman siya inutusan diba? Tsaka... di naman sinasadya ang pagakakataong ito? Diba?

"Oo." Sabi ni Jenny na may galit sa boses. "Pero kung ako ang mga babaeng nagkakandarapa sayo, di ako magpapaloko. Kasi alam kong wala silang patutunguhan. Paiinlabin mo lang sila at iiwan. Mga tanga na kasi ang mga babae ngayon eh... Pumapatol pa sayo."

Umalis agad siya pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon.

Hinila ako ni Eliana papunta sa nakatungangang Bench!

"HAHA! Sabi ko na nga ba eh! Di magpapaloko si Jenny sayo... kaya stop it couz! Nakahanap karin ng katapat mo!" Tawa nang tawa si Eliana habang si Bench naman ay mukhang duguan ang puso.

Nakatunganga parin siya sa kinatatayuan niya.

"Huh? What are you talking about? Ni hindi ko pa nga siya pinopormahan eh." Pasikat niya. 8)

Tumaas ang kilay ko. HAHA! Sabi na nga ba. Maapakan ni Jenny ang pride ni Bench.

"Oh yeah? Sige nga Bench! Show me what you got!"

Tinitigan niya ako ng seryoso. >:(

"Uy! you two, stop it na! I know! I know, Bench... Kaya mo na nga kahit sino. Just not Jenny. Please?" Nagmakaawa pa si Eliana.

"Admit it, Bench. Hindi mo kayang paibigin si Jenny." Evil grin.

Mas lalong tumalim ang mga tingin niya sakin. Tapos ngumiti...

Nawala na lang bigla ang momentum nang may narinig kaming tili kung saan!

"Ano yun?" Eliana said.

Napalabas kami ng building. May nakita kaming ilang mga lalaki na may hawak-hawak na tig-iisang letters. W-I-L-L Y-O-U B-E M-Y D-A-T-E? Ang nakahawak ng question mark ay si Yuan Tan. Isa sa mga popular gwapong filipino-chinese sa school.

At yung inalok niya? Si Tanika Uytingco. Isa sa mga hukbo ko dito.

"Congratulations! Woooo! Tanika!!" Sigaw ko nang tanggapin ni Tanika ang mga roses galing kay Yuan.

"This early?" Sabi ni Bench.

Early kasi February pa ang Yearly Ball ng school namin. Tulad ng sister school nitong Affaires, may Yearly Ball din ang school namin. August pa lang ngayon at yinaya na ni Yuan Tan na maging date si Tanika sa Yearly Ball naming sa February pa.

"Of course, baka maunahan." Sabi ko.

Paglingon ko kay Bench, narealize kong kaming dalawa na lang pala... ???

"Where's Eliana?" Tanong ko.
"She left."
"What? Why?"

Nagkibit-balikat si Bench.

Tapos tinignan ko ulit ang proposal ng... I should say... hindi gaanong happy-looking na si Yuan Tan. Umo-o si Tanika pero parang byernes santo lang ang mukha nitong si Yuan. Hmmm. I knew it. This isn't voluntary. It's tradition... Chinese people.

"You should prepare a surprise for Jenny, Bench. Yung mas sweet nito." Sabi ko.

"Why are you so into... Jenny?" Tanong niya.

Ngumisi lang ako.

"Para maiba naman."
"Huh?" Umiling siya. "Okay... If I get what you want... anong kapalit?"
"Then I'll stop talking about Jenny. Tapos pwede mo na din siyang tigilan.^-^
"Okay. Deal!"
"Deal!"

YES!!! So... gagapang na si Bench sa hirap kay Jenny! Eto na ang exciting! HAHA.


Stage 17.
This is a nice movie.






Kung akala niyo ay pinalagpas ko yung scene ni Eliana, nagkakamali kayo. Pinabantayan ko siya sa mga galamay ko. Alam niyo namang matagal na akong naweweirduhan sa kilos niya.

Kinakabahan tuloy ako, alam niyo naman ang sitwasyon niya diba?

"Hey Denise!" Naaninaw ko ang maaliwalas na pagmumukha ni Bench.

Dahil preoccupied ako sa pagpapastalk kay Eliana nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na namamalayan ang development sa mga pinaggagagawa nitong si Bench.

"Hello!" Ngumiti ako pagkatapos kong isarado ang librong binabasa sa library.

"Kukunin ka ba ng driver niyo mamaya?" Tanong niya.
"Siguro... Bakit????

Nagkasundo kasi kami kahapon na siya ang maghahatid sakin ngayon kaya siguro nagtatanong. Lagi namang ready yung driver naming kunin ako, kaso lang, minsan tinatanggihan ko kasi hinahatid ako nI Bench.

"Can't take you home later."
"Why?"
"Kasi pupuntahan ko si Brent. Makikipag-inuman."

Yung pinsan niya na namang patay na patay sa isang babae. Ang alam ko, last birthday nun, naghanda ng bonggang proposal doon sa kinababaliwang babae. Then it turned out na iba yung nagpunta sa place. Another girl. Kaya nabigo... Ayan tuloy!

"Okay. That problem again..." Sabi ko.
"Yep!" Tumango siya at umalis na agad.

Hmmm. Akala mo Bench, huh? I can see through you.

Sinundan ko siya. Parang stalker lang huh? Hindi ako makapaniwalang sa gazebo na halos wala ng tao ko siya makikita.

Wait?! Akala ko ba pupunta siya kay Brent? Nandito ba si Brent?

Sabi na nga ba.

"This is a nice movie." Sabay abot niya sa isang flashdisk sa naghihintay na si JENNY!

Yes! Muntik na talaga akong mapasigaw sa di malamang kadahilanan! I can't believe this!!!

Sa laptop ni Jenny, nanood sila ng isang romantic movie! Wala namang kahit anong gesture na nagsasabing sila na. Nakaupo lang sila dun, sharing earphones and watching that stupid movie. Freakin korny!!!

Napatakip talaga ako sa nakanganga kong bibig. Hindi ako makapaniwala. Alam kong ginusto ko 'to. Pero may kung ano saaking nabigo.

Ba't nagsinungaling si Bench sakin? Pupunta daw siya kay Brent diba? Ngayon, nandito siya? WTH?

Alam niyang magugustuhan ko kung magkakaigihan na sila ni Jenny, kaya dapat sinabi niya sakin 'to imbis na ilihim diba?

Ano ang maaring dahilan niya para ilihim sakin ang bagay na 'to? Wala akong maisip eh.

Umalis ako doon dala ang maraming tanong sa aking sarili.

2 weeks since our deal. Not as fast as other girls pero nagawa niyang kunin ang loob ni Jenny.

O... baka naman... si Jenny ang nakakuha sa loob niya?






Stage 18.
I'm trying to protect her





Sa sobrang inis ko, nalimutan kong ako yung nag utos sa kanya para igirlfriend si Jenny. Nakalimutan ko rin yung mga impormasyon ko sa kay Eliana.

"Hello-"

Sinapak sapak ko na si Bench nang nakita ko siya the next day. >:(

"A-Anong problema mo?!" Hindi niya na nakayanang pigilan ang pagtawa.

Naka ekis pa yung braso niya para panangga sa mga sapak ko.

"Walang hiya ka! Walang hiya ka!>:( :P

Tawang-tawa siya sa reaksyon ko. Ganito talaga kami. Minsan nga sinusuntok ko na eh.

"May pa Brent-Brent ka pang nalalaman! Yun naman pala, si Jenny ang pinagkaabalahan mo!" Sinapak ko ulit!

"Ohhhh! Cool ka lang!" Tawa. "Akala ko ba yun ang gusto mo? Nagseselos ka na?"
"Selos? Mukha mo! Ang akin lang eh ba't di mo sinabi saking si Jenny pala yung pinagkaabalahan mo? Ba't kailangan mo pang magsinungaling!?"

Tumawa siya ng tumawa. Grabe! Anong nakakatuwa dun?

"Hindi ako nagsinungaling! You can ask Brent. Talagang pinuntahan ko siya after naming manood ni Jenny ng movie..."
"Ba't di mo sinabi sakin?"
"You didn't ask me..."

Nagkibit balikat siya.

Huminahon naman ako dun sa sinabi niya.

"Stalker ka na pala ngayon?"
Sinapak ko ulit. "Tigilan mo ako ha!"
"Oooy, easy... easy..."
"As punishment, sasamahan mo ako mamaya sa pagsho-shopping, gagawin kitang alalay."

Every month may isang araw akong 'shopping day'. Pinag-iipunan ko yan ah at dinagdagan lang ni mommy at daddy. Kailangan ko talagang pag-ipunan kasi ang mamahal ng taste ko. Pag pupunta ako sa Forever21, yung nagugustuhan ko usually yung mga pinakamahal. Kaya hayan at kailangan kong mag ipon ng pera para diyan. Noon, si Ara Cruz ang sinasama ko, ngayon busy na siya dahil sa boyfriend niya.

"Weh? As punishment? Eh buwan buwan mo akong ginagawang alalay kahit wala akong kasalanan-"
Sinapak ko na ulit.
"Bayolente nito masyado oh. Sasama naman ako... Tama na." Humahalakhak parin ang baliw.


Dahil di na ako makapaghintay ng Sabado para mamili, pagkatapos ng school, dumiretso na agad kami ni Bench sa Ayala. Namili na agad ako.

Nagpapasalamat ako at walang sawa talaga ang mokong sa pagsama sakin tuwing nagsho-shopping ako. Baon na baon siya ng mga shopping bags at kung anu-ano pa.

"Convenient." Ngumisi ako habang binigay sa kanya ang mukhang pangsampung bag galing Mango.

Ngumiti naman siya. Aminado akong gwapo ang mokong. Walang plastikan dito ah? Kanina pa yan kinukulit ng mga tindera at may nagpaparamdam nang mga babae diyan habang namimili kami pero parang may kakaiba sa kanya.

"Kamusta na nga pala kayo ni Jenny?" Tanong ko. ::)
"Okay lang..." Wala siya sa sarili sumagot.

Tumitingin sa mga damit.

"Wala parin bang development? Almost three weeks na ah? Antagal naman yata." Sabi ko.
"I told you, she's not the type of girl na usual kong dinidate."
"Pero may development naman? I mean, nagugustuhan ka na niya?"
Nagkibit-balikat siya, "Ewan ko. I mean... It doesn't really matter to me."

Hindi ko matikom ang mga bibig ko pagkasabi niya nun. Ngumisi na lang ako. Siya hanggang ngayon, wala sa sarili kung makapagsalita.

"Na-iinlove ka na yata sa kanya eh!" Sabi ko.
"Its not hard to like her. She's simple, pretty, jolly at mabait." Tinignan niya ako. Seryoso.

Hindi ko na lang kinulit ulit. Mukhang seryoso na yata ang prinsipe niyo ah!? Then... good for him diba! Ano siya ngayon? Utang niya pa sakin ang lahat kung ganun nga diba?

Pero teka, 3 weeks na silang magkasama lagi pero walang rumors na kumalat. Hmmm...

May tinitigan akong damit! Sayang, huli ko na 'to nakita. Ayan tuloy nakabili ako ng iba kanina. Ganda pa naman nito! Di hamak na mas maganda kesa sa ibang pinamili ko.

"We'll take it." Sabi ni Bench sa tinderang nakaabang.

Kinuha niya sakin ang damit.

"Huh?"

Binabayaran niya na.

"Kung gusto mo pati buong mall bilhin natin eh." Ngumisi siya.

Umangal ako. Gusto ko yung damit pero ayaw kong parang nagkakautang ako sa kanya kahit na mukhang ilang milyon na talaga ang utang ko sa kanya. Ganyan talaga si Bench. Swerte ang mga naging girlfriend niyang materialistic dahil sa mga regalong binibigay niya. Pero walang makakatalo sa mga binibigay niya sakin.

"Peace offering." Kumindat siya. "Kumain na tayo?"

Tumango naman ako sabay nag, "Thanks!"

"Uhmm, kanina ko pa 'to iniisip. Sa halos 3 weeks na pagdidiskarte mo kay Jenny, napansin kong wala pang tsismis tungkol sayo. Dapat sana, ngayon, hot topic na kayo lalo na sa school... hmmm. Bakit kaya."
"I'm trying to protect her, Denise... Ayokong bigla na lang siyang pag-usapan. She's a very private person, you know."

Now... no doubt. Your prince is in love... with Cinderella...






Stage 19.
Ang Bench na single






"So today... Bench is most probably out there with Jenny?" Tanong ni Eliana sakin habang umiinom ng frappe.

Pa sway-sway pa ang bag niyang Balenciaga habang naglalakad kami sa school. Kasama namin ang mga friends kong sina Nina at Abby.

"Oo."

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga nalaman ko tungkol kay Bench. Syempre, di ko hinayaang marinig ako nina Nina at Abby, baka ipagkalat pa ng mga ingrata.

"Hindi pwede yun! Hindi pwede! Ayoko!" Sabi niya.

Tumigil siya sa paglalakad.

"Ba't worried ka? Dahil kay J? Eh..." Tumingin ako kay Nina at Abby na parehong nagchichikahan tungkol siguro sa mga boyfriend nila. "Eh hindi ka nga sigurado kung si J yung maiinlove sa kanya. Baka nga... si B pa eh!"
"Guguho na siguro ang mundo kung mainlove pa yun."
"It happened before... it may happen again." Sabi ko at nagkibit balikat.

Umiling si Eliana tapos...

"Alis na ako... Have papers to do-"
"Wait! Wait lang!:o
"Byeee!" Umalis na agad siya.

"Hi!" Bigla namang dumating si Tanika. ???

Wait a minute... May na se-sense yata ako. Hindi ako top one sa klase para wala lang. Hindi ako genius, pero street smart ako. ;)

"Congrats nga pala ah!" Nagtilian sina Nina at Abby.

Blooming ang lola niyong si Tanika. Di pa yata nakamove on sa proposal ng date ni Yuan. DATE pa lang yan ah? Di na makamove-on, ano pa kaya kung pagiging girlfriend na? After how many weeks, ngayon lang nagpakita eh. Artista na agad. Napanood kasi sa Youtube yung proposal kaya nahihiya dawng lumabas at magpakita sa publiko. Ingrata! Akala mo naman sikat na? Ikaw yung babae sa Youtube... yun lang ang alam ng mga tao... Hindi nila alam ang pangalan mo kaya wag masyadong feeling!

Ang bitter ko talaga. Nyahaha! ;D >:D

Pero... Yehes naman! May nasesense ako...

"Kelan magiging kayo?" Tanong ko kay Tanika. ^-^

Di pa nga natatapos sa chika niyang kay dami-dami, inistorbo ko na agad.

"H-Hindi ko pa alam."
"Baka naman may ibang babae yang si Yuan." Sabi ko. >:D
"Denise naman, ang bitter nito!" Sabi ni Nina. "Wa'g namang ganyan. Kung may iba man si Yuan... ba't si Tanika ang yinaya niyang makadate?"
"Well... you can never tell. Baka naman taga ibang school ang gusto ni Yuan kaya di niya mayaya. O baka naman... hindi chinese?"

Tama. Yun ang duda ko. Umalis si Eliana pag propose ni Yuan Tan kay Tanika. At sigurado akong umalis siya ngayon dahil nakita niyang papalapit si Tanika. Siguro malikot ang pag-iisip ko pero wala namang masama kung pagdudahan ko yun diba?

"Huh? Imposible naman yata." Umiling si Abby.

Saming tatlo, ako lang ang walang lovelife.

"Ang bitter nito. Magkalovelife ka na kasi!" Sabi ni Tanika.
"I don't need a man." Sabi ko. "Kaya ko namang mabuhay ng walang lovelife, ieenjoy ko muna 'to. Kasi alam kong pag magkakalovelife na ako, mamomroblema lang ako sa walang katuturang mga bagay."

Sumimangot talaga silang tatlo. Alam kong panira talaga ako ng moment lalo na paglovelife.

"Palibhasa yung mga kilala mong lalaki halos players lahat kaya di kita masisisi. Yung pinakaclose mo pa ang sobrang heartbreaker!" Sabi ni Abby.
"Bakit, Abby? Kung liligawan ka ni Bench ngayon, hindi mo ba iiwan yang ka fling mo?"

Natahimik si Abby.

"See? Hindi players ang problema... Yung mga kokote talaga ng mga babae. Yun ang problema." Umiling ako.

Tapos biglang sumulpot si Bench. Naglalakad siya galing gate papunta yatang cafeteria. MAG-ISA.

"In speaking of Bench, mag iisang buwan na wala parin siyang girlfriend. Bakit? Nasaktan ba siya sa kanila ni Barbie?"

Halos matawa ako. NASAKTAN? BARBIE?

Para siyang lumulutang habang naglalakad. Itim na v-neck ang soot. Binigay ko yan sa kanya noon. Mas lalo siyang hot kung yan ang susuotin niya.

"Ang Bench na single... ay mas lalong attractive. Alam mo yun? Lonely boy na kay gwapo." Sabi ni Nina.
"Yeah right..."

Kung alam niyo lang... May babae siyang kinahuhumalingan. Jenny. Next mission? Alamin ang mga detalye straight from her mouth! Bring it on!





Stage 20.
So... you're here...






*Krrriing-ting-tong-Krrriiiing*

Bench is calling.

Inayos ko ang glasses kong pa effect lang. HAHA. Binili ko 'to nang nagshopping kami ni Bench. Para mukhang bookworm kuno.

Hindi ko sinagot ang tawag ni Bench. Hahanapin lang ako nun, kung malaman niyang nandito ako... sigurado akong maggagalit yun. HAHA!

Sweet Leaf ang pangalan ng milktea shop kung saan tumatambay si Jenny Agatha Zafra. Nasa next table siya. Seryosong nagbabasa ng comics? Manga? Ewan... Basta yung mga may anime na mukha. Mag-isa.

Ako naman... seryoso din dawng nagbabasa ng Paulo Coehlo. NYAHAHA. Tinigilan ko na kasi inaantok ako. May glasses pa akong peke kaya tumayo ako at nag CR. Pagkatapos... >:D

"Uh... Pwede makipagshare ng table sayo?"

Tumingala si Jenny sakin at tinignan ang mga bakante table.

"Naiinip kasi ako kapag mag-isa lang ako. Ayokong maging lonely." Sabi ko. Halos matawa na ako.

Ang sagwa ko! >:D

Ibinalandra ko ang aklat ni Paulo Coehlo para ma kumbinsi pa siya.

"O-Okay, Denise."

Ngumiti ako. Ngumiti din siya. Nagbasa ako ng aklat for about 5 minutes...

"Haaay! Sakit ng mata ko." Sabi ko.

Tinignan niya ako at balik ulit siya sa pagbabasa.

KSP ako masyado... Tinignan ko ang book cover niya, talagang nagpahalata ako!

"Anime ba yan?" Tanong ko.

Halatang naistorbo ko siya, "Manga." Sabi niya.
"Ahhh... Hilig ako ng mga ganyan nung highschool!" Sabi ko.

Sinarado niya ang aklat at tumingin sakin ng nakangiti. Patay! Mapapasubo yata ako. Pero walang sundalong pupunta sa gyera ng walang armas!

"Talaga? Ano yung binabasa mo?"
"Nung highschool? Marami yun. Nanonood pa nga ako ng anime eh. Gundams... etcetera."
"Talaga? Di nabanggit sakin ni Bench yun ah!"

HUH? BINABANGGIT BA YUN DAPAT? :o

"Gusto ko rin yung Gundam Wing... Gundam Seed! Sobra!"
"Oo nga... Ako rin." Napalunok ako. "Crush ko si Kira.Wikipedia ;)
"Ako din!" Excited siya.
"Nanonood ba kayo ni Bench ng gundam?" Sabi ko bigla...
"Hindi naman... Di yun mahilig eh."
"Ahhh! oo nga." Ngumiti ako.
"Di ko alam na mahilig ka pala dun." Sabi niya sakin. Puppy eyes.

Her innocence kinda reminds me of... someone...

"Oo eh. Watch din kayo ni Bench nun! Para masaya!" Sabi ko.
"Naaah! Ayoko."
"Ba't naman?" Tanong ko with the sarcastic worried face.
"Di niya type yun... Mga girls type nun." Sabi niya habang umaambang magbabasa ulit.
"Huh? Di... Nagbago na yun."
"Nagbago? Di magbabago ang mga tulad niya." Sabi niyang ikinabigla ko.
"Nagbago nga yung pinsan niyang si Brent dahil sa isang babae eh." Sabi ko.
"Well... kung totoo man yun, good for him. Tsaka... oo, siguro magbabago din si Bench..." Tumango siya habang umiinom ng milktea.
"Hmmm. Kung mainlove yun." Sabi ko.

Halos mabilaukan siya sa sinabi ko. :P ::)

"Alam mo feeling ko kasi... naiinlove na siya sayo." Sabi ko. Seryoso. No plastik. Mejo lang. hihihi.
"What? For 1 month? Impossible!" Tumawa siya.
"Oo. Alam mo yun, di nawawalan yun ng girlfriend... Ngayon lang siya nagkaganyan." Seryoso ulit.

Yung mukha niya... skeptical. Tumatawa-tawa pa.

"Whatever it is... I'm sure... gusto niya lang ng ibang challenge. Siguro wala pa siyang naging girlfriend na tulad ko." Umiling siya.
Tumango naman ako. "Ilang taon na kaming magkaibigan ni Bench. We're superclose... kaya alam ko ang halos lahat ng iniisip niya." Sabi ko.
"Halos pa lang... hindi lahat..." Ngumiti siya. "Baka nga ikaw yung gusto niya... di mo lang alam. Di nasali dun sa 'HALOS' lahat ng iniisip niyang alam mo."

Nalito naman ako dun. Lalim ng babaeng 'to. LOL

Nagkibit-balikat ako. "But I know its possible... na inlove siya sayo."

Katahimikan.

"Ang pakiramdam ko... hindi." Aniya. "Pero... sigurado akong walang pag-asa kaming dalawa... coz I hate players..." Seryoso.

Tumaas ang kilay ko dun... Ilang sandali akong tumunganga habang nagbasa ulit si Jenny.

"So... you're here..." Sabi ni Bench.

Nabigla ako at natunton niya. Kinuha pa ang glasses kong peke.

"What's that? nerd look?"

Pinandilatan ko. Tumawa si Bench.

"You stalker." Sabi ko.
"Look who's talking!" Tumawa siya.

Talagang umexit sa eksena 'tong si Jenny! Pero kitang-kita ko ang paghila ni Bench sa mga braso niya.

"I told you I'm gonna fetch you tonight, ayt?"
"You don't have to." Sabi ni Jenny.

Nagtinginan silang dalawa... Napabuntong-hininga si Jenny at...

"Ang kulit mo..." umiling siya at pumayag.




Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText