Fall 66-70
66th fall
Serene Cruz: Whatever, Caryon.
Stoooop that Dae!
Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahawakan niya na ang mga braso ko`t kasasabi niya lang na 'BAKA magselos siya.'
"Ah, sinabi mo sana ng mas ma-aga." Sabi ko out of nowhere.
Tinanggal niya ang kamay niya sa mga braso ko.
"Sige, Dae. inaantok na ako. Ikaw na ang bahala sa assignments ko."
"H-Huh? Eh natapos ko na eh."
"I-transfer mo sa one-whole-sheet of paper."
"Grab-" Tinitigan ko siya. "Oo-okay."
Tinalikuran ko siya. My gosh, excited na akong makarating sa kwarto at magsisigaw at magtatalon dun.
Hinawakan niya ang left arm ko, "Sandali..."
"Ano?" Keep acting cool please?
"Matutulog ka na?"
"Oo."
"Bakit, boring ba akong kasama?"
"M-mejo?"
"Eh pinapagawa mo lang kasi ako ng assignment eh."
"Sige na, inaantok na ako."
Kinuha ko ang braso ko sa kamay niya.
"Serene naman, tinutulugan pa ako dito."
"Tse~"
Iniwan ko na siya sa living room at dumiretso na ako sa kwarto. Pagpasok ko sa pintuan, agad kong sinara at sinandalan.
"MY GOOOOOD~,"
"Serene?"
*Tok-tok-tok*
"Ay anak ng palaka..." Binuksan ko ang pintuan dahil sa nerbyos.
"Dito ko na lang `to gagawin." Sabi ni Dae habang dinala lahat ng papel at notebook ko.
"B-Bakit?"
"kasi, at least nakikita kita. Wa`g kang mag-alala wala naman akong gagawin dito. Ita-transfer ko lang yung assignment mo sa papel."
"okay, whatever."
Pumunta na ako sa kama at kinuha ko na ang kumot ko. MATUTULOG NAMAN KAYA AKO?
"Pagkatapos mo dyan, ilagay mo na lang sa mesa tapos umalis ka na at i-lock ang kwarto."
Narinig ko ang buntong hininga niya, "Okay."
Wow, ang galing! HAHAHAH. Ang sarap ng feeling neto. Para akong prinsesa at pinagsisilbihan ng prinsipe ko. Naks! LOL. Ang sama ko talaga.
Sumisilip-silip ako sa kanya paminsan-minsan. Grabe, di nga ako makatulog kaya PRETEND na lang nang PRETEND ang ginagawa ko.
Ilang sandali ang nakalipas, "Serene, tapos na~"
"Hmmm...?" ACTINGGGGG~!
HAHAHA. Bahala na...
"Ilagay mo lang~"
Naramdaman kong lumapit siya sakin.
"~dyan."
"DAE! Isang or-"
"Shhhh!"
Crayon`s inside my room!
"What?" Humina ang boses niya.
"Natutulog."
Parehong mahina ang boses nila. HAHAHA. Feeling ko kinikiliti ako eh.
"Tayo na~!"
"Magpapaalam pa ako."
"Eh natutulog na nga diba?" Bigla na namang bumalik ang malakas na boses ni Crayon.
"Wa`g ka sabing maingay eh."
"Oo na... tayo na... Di pwedeng nasa loob kayo ng isang bahay kahit isang gabi!"
Naramdaman kong tinutulak na ni Crayon si Dae papalabas.
"Lika na!!!"
Saka lang ako tumayo at dumungaw sa bintana nang narinig kong umandar ang sasakyan ni Dae.
"AHHH~! HAHAHAH. Thank you LORD! Sa wakas, si Dae..."
Biglang lumabas si Dae sa sasakyan, "SERENE~!"
Oh my gooolay, nakita niya ba ako? Agad akong nagtago sa tabi ng bintana.
"Asus, may patago-tago ka pa dyan. Kita na kita!" Sigaw niya.
AYYYYY~
"Dae~ Hayaan mo na nga siya. Umuwi ka na nga!" Sigaw ni Crayon kay Dae. "Tsaka, tulog na siya eh. Namamalikmata ka lang ata." Tumawa pa si Crayon.
Agad namang umandar ang sasakyan ni Dae at umalis na...
I sighed in relief.
"Gising ka pa nga!" Biglang sumulpot si Crayon. "Couz, you`re impossible. Sinaktan ka na ni Dae tapos para ka paring krung-krung diyan at inaabangan siya."
Sabi niya habang tinitingnan ang mga assignments na ginawa ni Dae. Bumalik na ako sa kama.
"Ang lakas ng tama mo sa kanya..."
"Whatever, Caryon. Shut up!" Sabi ko.
Ayaw kong aminin kahit kanino, kahit sa sarili kong TALAGANG MAY GUSTO AKO SA KANYA. MAY GUSTO PA AKO SA KANYA.
"Oh well, sino kaya ang mas malakas ang tama sa inyong dalawa?"
What?
"Good night." At sinara na niya ang pintuan.
What?
67th fall
Serene Cruz: Ang bigat ng bag ko...
"Pass your assignments!"
Shucks. I`m sooo late. Kakapasok ko lang ng room. Antagal ko kasing natulog kagabi kaya matagal ring nagising.
Sumulyap si Dae sakin.
"Ang assignment mo?" Tanong ni Nico.
Agad kong kinuha sa bag ko ang assignment ko. Si Dae naman, tahimik lang at pinaglalaruan ang ballpen niya.
"Serene..." Binigay ni Nico sakin ang assignment ko. Parang nagtataka siya, bakit?
"O," Kinuha ko para ipasa na sana dahil masyado ng busy ang lahat sa pagpapasa ng assignment nila.
"Serene... mali ata ang linagay mo?" Sabi ni Nico sakin habang ipinakita ang assignment ko.
"Bakit?" Mali ba ang ginawa ni Dae?
"Kasi..." Tinuro niya ang pangalan kong "Serene C. Tanseco."
"W-Wh-What?"
"Late papers wont be accepted."
Agad kong linagyan ng strikethrough and Tanseco at pinalitan ng Cruz.
Halos tumakbo na nga ako sa harapan para lang maipasa ng mas mabilis sa late papers...
"Potengyni talaga... Ba't ganun ang linagay ni Dae??"
Nagdabog pa ako sa upuan ko para ipakita kay Dae na tutol ako sa sinulat niya.
"Uh, inaantok ako kagabi nung tinapos ko yun eh."
Tumango naman si Nico kahit halatang hindi nagtataka parin kung bakit ganung family name ang nasulat ko sa papel ko.
Napaka babaw na rason ang 'antok'. GRRR. Ayaw ko namang pagalitan si Dae sa harapan ni Nico dahil baka magtaka si Nico at mas lalong magduda. Okay! Bakit masyado kong pinapangalagaan ang damdamin ni Nico?
*DING-DONG-DING*
Pagkatapos ng isang oras...
"Serene, about the Ball..." Sabi ni Nico.
"Oh," Malapit na nga pala yun. Kasi malapit na ang finals.
"May date ka na ba?"
Lumingon si Dae saming dalawa.
"Nukaba... akala ko ba ikaw ang date ko?" Tanong ko kay Nico.
He laughed, "Akala ko kasi may iba kang inimbita."
"Wala noh! Tsaka, sabi ko naman sayo diba?"
Sumulyap si Dae at... "Serene, sa summer nga pala... pupunta kami ng Te Beach Resort. Sumama ka ah?"
Nagkatinginan si Dae at Nico.
"O-O Sige..."
Nagkkatitigan parin ang dalawa. Para bang ilang sandali na lang at mag-aaway ulit sila.
"Dae!" Saka tumingin si Dae sakin. "Nico, baka ma late ka na."
Tumango si Nico at... "Okay, thanks. Ingat ka ah." Umalis na.
Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng gamit. Tinulungan naman ako ni Dae. HEH! Bahala na nga siya.
"Siya na pala ang date mo?"
"Naninigurado lang."
Natigilan siya. YES, DAE! Iniinsulto kita.
"Pag ako ba, di sigurado? Tsaka sino ang date ko?"
Ako naman ang natigilan.
"Si Francine, ayain mo... sigurado."
"Ayoko nga."
"Edi sinong date mo?"
"Wala na nga lang!"
VERY GOOD!
"Alam mo ikaw, ba`t Tanseco yung linagay mo sa assignement ko? Nakita yun ni Nico, tsaka panu kung di niya namalayan yun? Anong sasabihin ng prof?"
"Ano? talaga? Di ko rin namalayan yun eh..." Nagtaka siya.
"EWAN KO SAYO! Wala ka talagang kwenta."
"Ang sama naman nito..."
Tahimik lang siya habang pinapanood akong liniligpit ang mga ballpen kong iba-iba ang kulay.
At nang natapos na ako sa pagliligpit ng gamit.
"Ang bigat ng bag ko..." NAGPAPARINIG.
"Ah, uh... saan ba tayo?" Tanong niya kahit nasa classroom pa kami.
"Tayo? Sasama ka sakin?"
"oo naman!"
"Sa... ewan... cafe?"
Dahan-dahan niyang kinuha ang shoulderbag ko.
"Ako na ang magdadala nito."
HAHAHAHA. EXCELLENT! Nakaka-adik na talaga si Dae.
68th fall
Serene Cruz: May tumawag kasi, importante.
"Paganda ka na ng pagandang talaga..." Sabi ng bading na kaibigan ni kuya Red.
Siya na naman kasi ang nagmake-up sakin. Anggaling niya kasi at ayaw ko namang magpa-parlor dahil hindi ako komportable.
Nakauwi na si Mama at Papa galing States. At tapos na ang finals, at isang oras na lang... magsisimula na ulit ang Seasonal Ball. Syempre, wala akong balita sa magiging date ni Dae. Ako naman, date na si Nico. HMMM, sana pumunta si Dae kahit wala siyang date. Para naman maranasan niya kung anong feeling. Pasalamat nga siya't di ko siya pinaasang siya ang magiging date ko, kahit si Nico naman talaga.
"Sino ba ang date mo?" Tanong ng kasama niyang babae.
"Si Dae parin ba?"
"Hindi." Tumawa si Mama. "Ba't nga ba hindi si Dae ang kinuha mo, Serene? Diba crush mo siya?"
"May ibang date na po yun. Hayaan niyo na nga yung tao."
Tumaas ang kilay ng mga kaibigan ni Kuya.
"Talaga? Ipagpapalit ka niya? May mas gaganda pa ba sayo?"
Nagtawanan silang lahat.
"Di na bale, si Nico Lee naman kasi ang date ko ngayon."
Nanlaki ang mga mata nila.
"N-Nico Lee?"
"Oo."
"Ba't di mo naman sinabi agad!"
"Naku... ang swerte mo! Kaibigan mo pala siya?"
Tumango ako. Pinag-usapan na nila si Nico kasama ang mga nalilink sa kanyang mga teen stars din.
Si Mama naman, umalis ng kwarto. Kaya kaming tatlo na lang ang naiwan.
*KRINNNG*
"Hello?"
"Hello. So, ano, sinipot ka ba ni Nico?"
Si Dae!
"Dae, pwede ba. may isang oras pa bago magsimula at... sisiputin ako ni Nico."
Napatingin ang dalawang kaibigan ni Kuya sakin.
"Nagtatanong lang naman ako eh. K-Kung sakaling di siya makakarating, tawagan mo lang ako ah?"
"O-Okay? tsaka, di naman siya bobo para indianin ako noh!" NAGPAPARINIG.
OO, DAE. BOBO KA!
"B-B-Bobo?"
"O..."
Nag-unahan ang dalawa sa paglapit sa bintana para tingnang mabuti ang nasa labas.
"Ayun na ata ang date mo." Sabi nila.
Sabi ko na nga ba, di niya ako bibiguin! PUAHAHAHA.
"Ayan naaaa, talagang si Nico Lee!!!" Nagtilian sila.
"Basta, tawagan mo lang ako ah. Para makapagbihis na ako."
"H-Huh? Bakit? Di ka pa nakakapagbihis?"
"Ah. oo."
"Bakit?"
"Di na lang siguro ako pupunta kung sisiputin ka ni Nico."
"Ha?" Serene, wa'g kang magpahalata. "Ba't naman? Alam mo, walang date si Francine. Kawawa naman siya." Gosh! Clumsy. Pabigla-bigla na lang ang mga salita ko, hindi ko naman alam kung talagang wala ngang date si Francine. Tsaka, pangcover-up ko lang yun. Gusto kong andun siya.
"Alam kong wala siyang date. Ano namang pakealam ko, basta..." Yes, nakalusot ako. Wala pala talagang date si Francine.
I need power!
"Magbihis ka na nga diyan. Inuutusan kitang pumunta dun!"
"Serene, andito na si Nico." Tinawag ako ni papa.
Nagtilian ulit sila.
Ilinayo ko ang phone ko sa mukha ko. "O-Opo."
"Andyan na pala si Nico?"
"O-Oo."
gosh, ba't parang nagi-guilty ako? At bakit ako magi-guilty?
"Okay. Buti di nga siya bobo."
OMG!
"Dae, listen... pumunta ka!"
Lumabas ang mga kaibigan ni Kuya sa kwarto ko para salubungin si Nico. Si Ney naman ang pumasok sa kwarto.
"Ate, lumabas ka na daw. Ano pa bang hinihintay mo dito?"
Di na ako nakinig sa kanya.
"Wala nga akong date." Sabi niya at mukhang seryoso siya sa desisyon niya.
"Pumunta ka sabi!"
"Nakakawalang-gana."
I sighed. "Ba't ayaw mong sumunod sa gusto kong mangyari?"
"Ano bang gusto mong mangyari?"
"Pumunta ka... pumunta nga ako noon, k-kahit wala akong date."
Pumasok ulit ang mga kaibigan ni kuya at ngayon kasama na nila si Nico.
OMG, I want to talk to Dae. Binaba ko na ang cellphone ko. Naku... mas lalo akong nagi-guilty. Binabaan ko siya ng phone!
"S-Sorry. May tumawag kasi, importante." I smiled.
Nakangiti lang si Nico habang tinitingnan ako.
Tumili silang lahat.
"Naku, bagay na bagay kayo!!!!"
"Let`s go?"
"Nagpaalam ka na ba kay papa?" Akala niyo siguro, ako yung nagsalita. Hindi! T`was Ney's question.
"Oo." Ngumiti ulit si Nico.
"Ahhh, pumayag siya?" May bahid na pagdududa, pang-iinis at sarcasm ang tanong niya.
Nakuuuu, Ney... di porke't binibigyan ka ni Dae ng kendi noon eh siya na ang gusto mo para sakin forever.
"Ah, Nico... pabayaan mo na siya... Lika na."
Sumunod naman sila samin paalis ng kwarto.
I glanced at my phone... and Dae didn't call again. No message too.
69th fall
Serene Cruz: Hindi ko alam.
I typed:
Dae, pumunta ka,
that's an order.
(Clear)
I typed again:
Dae, kailangan mong pumunta.
(Clear)
Gosh! ano bang sasabihin ko? yung di halata. Yung friendly lang talaga.
Pumasok na kami sa sasakyan ni Nico.
"Serene, ingat ka ah!" Sigaw ni mama.
Kumaway naman si Papa at ang mga kaibigan ni Kuya. Kumaway na rin ako. Pag-alis ng sasakyan ni Nico, saka ko ulit tiningnan ang blank message ko sa phone.
"Mas lalo kang gumanda." Nico said.
Napatingin ako sa kanya, "hehe, thanks."
Ang gwapo niya pala ngayon. I mean... limang ulit siyang mas gwapo ngayon.
I typed:
Dae, asan ka na?
Pumikit ako at SEND! Pagkatapos kong nakita ang 'message sent' napabuntong-hininga ako.
"Ang sabi ng papa mo kanina, akala daw nila si Dae parin ang date mo."
"Ah... hehe." I kept my phone.
Tinago ko, pero tatlong beses sa loob ng isang minuto ko siyang chini-check.
"Close pala talaga kayo ni Dae, ano? I mean... close siya sa family niyo."
Tiningnan ko si Nico at bahagyang lumingon din siya sakin.
"Oo. Simula kinder kaming magkaklase eh, at magkaibigan rin yung parents niya at parents ko. Pati nga parents ni Crayon."
Tumango siya. I glanced at my phone, wala parin.
*KRIIIING*
Agad kong kinuha ang phone ko. Patuloy s apagd-drive si Nico.
"Si Crayon." Sabi ko pagkatapos kong mabasa ang pangalan niya.
"Hello?"
"Hello, Nico`s with you?"
"Oo. Why?"
"Wala, akala ko di siya sumipot."
"Bakit?"
"Nagtext kasi si Dae sakin kanina na he changed his mind. Pupunta na daw siya sa ball. Akala ko kaya siya pupunta dahil wala kang date... So... yeah... Lika na..."
Di ko mapigilang ngumiti. Pero ba't di siya nagtext sakin? Nagtampo siguro yun.
"Talaga?"
"Yeah. And... Francine's already here. Kaya impossibleng silang dalawa. Asan na ba kayo."
"Papunta na... bye..."
Binaba ko an ang cellphone ko.
"Yes!"
"hmm? Sino yun?"
Ay... Shooooot.
"Ah, si Crayon. hehe."
Tumango siya. Mabuti na lang at di siya nagtanong kung bakit ako masaya. LOL
Nang nakarating na kami...
"WOWWWWWWW! At last, may date ka na ngayon!" Nagtawanan ang buong banda.
Wala pa si Dae ah? Bahala na nga yun. Ano naman ngtayon kung di siya pupunta?
Nakita ko si Francine at ang ganda-ganda niya ngayon. Super. Marami naman siyang kasama kasi marami siyang kaibigan, kaya lang halata talagang wala siyang date.
Alam niya kayang nanliligaw si Dae sakin? Naabutan niya akong nakatitig sa kanya. I looked away. Ilang sandali, napansin kong papalapit na siya sakin.
"Where's Dae?" She asked.
"Di ko alam."
"He said he's going."
OMG, nagco-communicate pa pala sila? OA.
"You`re going with Nico?"
"Yeah." obviously.
"Akala ko si Dae na ang date mo?"
"Hindi eh."
Kumaway siya sa ibang kaibigan niyang kakarating lang.
"Then who`s his date?"
"wala..." Sabi ko.
"So, sinong sasagutin mo sa kanila? At kelan?"
Lumingon ako sa side. Buti na lang at walang nakikinig. Busy sila sa kani-kanilang mga sarili. Kaming dalawa lang talaga ni Francine ang magkausap. And, hahahaha, alam niyang nanliligaw si Dae sakin.
"Hindi ko alam."
She sighed, "Alam mo bang tinigilan ko ng makipag communicate sa kanya. I'm starting to move on because I thought there's no way for you to reject him. And then, ngayon? Namamangka ka sa dalawang ilog?"
Hindi ko alam kung sarcastic siya ngayon o concern lang siya kay Nico at Dae.
"You should choose."
"H-Huh?"
"Akala mo ba masaya si Nico dahil pinagbigyan mo siyang manligaw sayo kung alam niyang nanliligaw si Dae sayo? Kahit na ilang ulit mo pang sabihing wala ka ng feelings kay Dae, kung totoo man yun, di parin siya makakasiguro dahil ilang taon mo siyang hinintay, Serene." Napatingin siya sa likuran ko. "Well, anyway... I'm just concerned with them. I know them, so... gusto ko lang namang sabihin sayo na hindi ako titigil kay Dae ngayong alam kong mukhang naglalaro ka lang."
I was... speechless.
Umalis na siya nang wala man lang naririnig galing sakin.
"Tse~!" Sigaw ni Sophie kay Francine.
Napatingin ako kay Nico habang kasama ang iba pang classmate at kaibigan niya. Hindi parin nagsisimula ang program.
"Hoy. Wa'g kang magpapaniwala sa Francine na yun..."
But I think she's right. Namamangka sa dalawang... ilog.
And, I need to decide soon? Do I have too?
Sinong pipiliin ko? Si Nico? Si Dae?
Madaling ma inlove kay Nico - syempre.
At mahirap mag move-on kay Dae.
70th fall
Serene Cruz: Nico, I'm sorry-
Nagpaalam si Nico na pupunta sa kanyang kaibigan. Hinayaan ko siya dahil nakikita ko si Sophie na mukhang kating-kati na sa kanyang itatanong sa akin.
"Wala parin ba si Dae?" Tanong ni Sophie sakin.
"Ewan..."
Wala parin siya. Magtatatlong oras na ang nakalipas. Asan ba siya? Nakuuu... pupunta pa kaya siya? Malapit ng matapos ang program, tapos sayawan na... ba't wala pa yung mokong na yun? Talaga bang pupunta siya dito?
Crayon showed me his phone...
"Message niya `to kanina."
Dae: Paparating na ako.
"Hanggang ngayon, wala parin siya. Ano kayang nangyari sa kanya?"
Lumakas ang tibok ng puso ko. Dahil sa sinabi ni Crayon, marami akong naisip. Baka nadisgrasya siya? Baka may nangyaring masama. Nininerbyos na ako.
Agad kong kinuha ang cellphone ko... I dialed his number...
HINDI NIYA SINASAGOT.
"Tawagan mo, Crayon." Sabi ko habang binababa ang phone pagkatapos ng pangatlong ulit kong tawag.
"Kanina pa nga ako tumatawag, di niya sinasagot."
"Ha? Hindi niya rin ako sinasagot."
Akala ko ako lang ang hindi niya sinasagot dahil nagtatampo siya. Pati pala si Crayon. Ano ba talagang nangyari sa kanya?
"Tinawagan ko na rin sa bahay nila, sabi ng maid nila kanina pa daw umalis."
"What?"
OMG. Kinakabahan na talaga ako ng todo-todo. Paano kung may nangyaring masama sa kanya? Maloloka ako ng bonggang bongga.
Ilang sandali ang nakalipas, si Sophie, Crayon at ako na lang ang naiwan sa table namin, sumayaw na sina Chyna at Mina at yung iba pa...
Nakabalik na si Nico, kinuha niya ang kamay ko. Sumunod na lang ako sa kanya. We danced!
*I've known you for so long you are a friend of mine... but is this all we'll ever be?*
Nagflashback sakin ang lahat ng nangyari last Seasonal Ball. Ito mismo ang kantang narinig ko sa taxi na pinatay ng driver dahil di na tumitigil ang luha ko. Pati ang feeling na pinagpalit ako ni Dae, nararamdaman ko na ulit.
Pero ngayon, may halong kaba ang nararamdaman ko. Hindi ako nasasaktan ngayon, kinakabahan lang talaga.
"What`s wrong?" Tanong ni Nico.
"Uh-Uhmmm, wala..."
"Are you worried? Wala pa si Dae."
Ngayon mas lalo kong naririnig ang boses ni Francine. I`m so confused. Hindi ko na rin alam kung ano ang iisipin ko, si Dae, si Nico, si Francine... EWAN!
"Uh, oo."
"Hmmm, did you call him?"
"Oo. Walang sumasagot eh..."
The song was louder now... *But then again when you cry... I'm always at your side...*
Tama nga kayang hinahayaan kong ligawan ako ni Nico? Sasagutin ko ba talaga siya? Sasagutin ko ba si Dae? Sinaktan ako ni Dae, minahal ako ni Nico...
"Nico,"
"Hmmm?"
Nakatitig lang siya sakin. At yun lang ang ginagawa niya habang marami akong iniisip. Tinitingnan niya lang ako. Maaring marami siyang nababasa sakin. At maaaring may alam na siya sa sasabihin ko.
"Nico," I-I don't think I deserve your love...
Pero naunahan na ako ng mga luha ko. He wiped my tears.
He smiled, "Tamang tama ang kantang `to para satin ngayon ah?"
I looked at him.
"Nico, I'm sorry-"
"Shhhh..." He put his index finger on my lips. "Alam ko. Simula pa lang alam ko na..."
WHAAAT?
"H-Huh? N-Ni-"
"Alam ko... Alam ko..." He smiled. "Nag-aalala ka kay Dae. And you still love him..."
"H-Hind..."
Hindi na ako nakapagsalita. Parang gusto kong aminin pero ayaw ko. Baka di niya na ulit ako kaibiganin. We're friends and I'm scared.
"Pero di ako titigil sa panliligaw sayo... Hanggang sa aminin mo sakin ang totoong nararamdaman mo nang walang 'sorry'." Sabi niya.
Mas lalong tumulo ang luha ko. Di siya titigil? Mas mabuti ng tumigil na siya... Ba't kailangan niya pang hintayin ang mga oras na yun?
"Wa'g mong sabihin yun ngayon ah? Sabihin mo yan pag kaya mo na ring aminin sa lahat kung sino ang mahal mo."
MY GOOOOSH! Ba't ganito si Nico? Ang bait niyaaa~
"Ba't ka umiiyak?"
Napalingon ako. And I saw Dae standing on the dancefloor.
Labels: Downfall Chronicles
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;