<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

I-arcs


I1.Nice meeting







"Okay, team! Assemble!" Sigaw ni Coach Paul.

Agad kaming pumwesto sa harapan niya, nakalinya.

"Next week, magkakaroon tayo ng training camp kasama ang basketball team!"

Namuo ulit ang bulong-bulongan sa mga teammates ko. Lahat yata excited, pero wala nang makakatalo sa excitement ni Chloe.

"Another training camp! OMY! Last year was the best! But I know this year`s better!" Sabi niya sa assistant team captain.

Oo nga naman, siguro may training camp din dito last year. High school pa ako nun eh kaya di ko naabutan.

Sa isang beach resort din gaganapin ang training camp. Excited din naman ako, di ko yun maitanggi. Kaya lang sa tuwing tinitingnan ako ni Chloe ay parang kinikilabutan ako. Para kasing may masamang balak siya sa akin. Hay! Okay, alam ko! Alam kong kaya mainit ang ulo niya sa akin dahil bukod sa kanya ay malapit din ako kay Chad. Siguro para maiwasan ang gulo ay hindi na lang muna ako masyadong lalapit kay Chad.

Napatingin ulit ako kay Chloe habang liniligpit ang bolang nakakalat sa court tulad ng ibang freshmen. Nginuso niya si Brent na nasa kabilang panig ng court at mukhang hinihintay ako.

"You`re dismissed now." Ngumisi siya sakin.

Sabi na nga ba! Mas gugustuhin niyang mapunta ako sa hinayupak na Brent na `to kaysa sa crush niyang si Chad! Syempre! Sino bang buang ang gusto maagawan ng crush?

Agad na akong nagmartsa palabas ng court. Pero bago ako nakalabas ay tinawag ako ni Coach.

"Miss Alvarado!"
"Coach!" Pumunta ako sa kanya.
Sumulyap siya kay Brent na nakatingin sa amin at tumingin ulit sa akin. "You`re dating one of my basketball player?"
"Huh? Uh, di po!"
Ngumisi siya. "And it`s Brent Cruz?"
"Hindi po! Hindi po Coach!"
Nagkibit-balikat siya. "It`s okay, Miss Alvarado. Mabait naman yan. Babaero, pero this past few weeks eh wala na akong nakikitang babae na nakapaligid sa kanya."

Pagkatapos nang sinabi niya, naalala ko yung gabing hinatid ako ni Chad at Kitchie sa bahay. Crazy for this Girl. Isa din yun sa mga paborito ko ah. At ano yung kinanta niya para sa akin nung training camp sa high school? Stolen!? Ilang babae kaya ang kinantahan ng lecheng playboy na yun?

Napatingin ako sa kinaroroonan niya, nakatingin siya at nakangiti sa akin. Ano nga ba ang ginagawa niya dito? Pagkatapos ng ilang linggo naming di pagkikita (at kung nagkikita man kami, malayo kami sa isa`t-isa) ay may lakas ng loob pa siyang magpakita sa akin...ng nakangiti?

Hala! Si Kicthie! Nasa likuran niya, papunta ng court at kumakaway sa akin! Patay!

"Coach, bye! Gotta go!" Hindi ko na hinintay na magsalita si Coach Paul at agad na akong kumaripas ng takbo palabas ng court.

Oh no! Oh no! Oh no! :(" title="Angry" border="0" class="smiley" style="vertical-align: bottom; ">

Teka? Ba't ganyan ako makareact? Bahala na nga yung Brent na yan. Oo, okay lang si Brent. Pero si Kitchie! Di pwede! Sigurado akong magugustuhan siya ni Brent at baka paglaruan niya lang yun.

"Tayo na!" Sabi ko kay Brent habang nagpapa as-if na di ko nakita si Kitchie.
"Missed me?" Sabi ni Brent habang tiningnan ang kamay kong hinihila ang kamay niya.
"No way!" Sabi ko at agad binitawan.

"Maxine! Maxine!"

Patay! Si Kitchie, tumatakbo papunta sa amin ni Brent. Oh God! Oh no!

"Whoa. Sino yan?" Tanong ni Brent habang nakangisi at tinitingnan si Kitchie.

Umiling na lang ako. Brent Cruz. Pati yung mga ex-prey niya hindi niya naaalala! Ganyan na ba talaga ka rami ang nabiktima niya!?

"Hi Maxine! Hay! Napagod ako dun ah! Di mo ba ako nakita kanina?" Tanong niya habang humihingal sa harapan namin.

Good timing! Naka shorts lang at t-shirt si Kitchie. Kaunti lang ang saplot niya ngayong araw na `to. Sana nga lang ay may ilang units siya sa Brentology! Grr...

Tiningnan ko si Brent pero nakangiti lang ang mokong sa akin.

"Uh, hindi eh. Saan ka pala papunta?"
"Hmm, pupuntahan sana kita. Alam ko kasing patapos na ang praktis niyo. Alam mo na, baka pwedeng mag kape ulit ta`yo?"

KAPE? TAPOS WITH BRENT?

Napansin ni Kitchie ang lalaking katabi ko. Syempre, sino bang hindi makakapansin sa kagwapuhan ng hinayupak na `to. Kung di siguro `to playboy ay matagal na akong nagpakasal sa kanya, kaso, playboy eh, kaya over my dead and decaying body. Joke lang! Hindi ako magpapakasal kay Brent kahit di siya playboy no! Bahala siya sa buhay niya.

"I'm Brent Cruz." Naglahad ng kamay si Brent kay Kitchie.
"Oh! Brent Cruz... ikaw yung sa birthday ni Chad?" Ngiting-ngiti si Kitchie habang kinamayan ang nalitong si Brent. "I'm Catherine San Juan. Kitchie na lang."
"Birthday ni Chad? Kelan?"
"Uh, 3rd year high school siya nun."
"Ah... yeah!" Sabi ni Brent.

Napairap na lang ako sa kawalan nang halata sa mukha niyang hindi niya naalala ang pinagsasabi ni Kitchie.

"Saan ka nga pala nag-aral nung highschool?"
"Sa Waldorf." Ngumiti si Kitchie.
"Ahh! Totoo palang magaganda ang mga taga dun."
Ngumiti pa lalo si Kitchie. "Thanks! And thanks! Di pa kasi ako nakakapagpasalamat sa`yo nung birthday ni Chad. Nagustuhan ko yung kinanta mo. Crazy for this Girl."
"Ahhh! oo nga pala!" Mas lalo akong napairap nang nahalatang ngayon niya lang talaga naalala ang lahat. Brent Cruz! You playboy! "No problem! That song suits you, anyway."
Ngayon, namumula na ang pisngi ni Kitchie. Oh no! Oh no! Oh no!
"Uhm, Kitchie, di kasi ako pwede ngayon eh. Uuwi na ako. Kung gusto mo si Brent, okay lang sa kanya. Magkape ka`yo." Sabi ko,sarcastically.

Si Brent nakangisi lang sa akin.

Kawawang Kitchie, biktima na naman ng notorious na si Brent Cruz. Pero di ko naman hahayaan yun, ano. Bakit ko nga ba sinabi yun? Hindi maari!Kaibigan ko si Kitchie at mabait siya! Di pwedeng biktimahin na lang siya basta-basta ni Brent Cruz.

"Hindi rin ako pwede, Max eh. May ihahatid pa kasi ako pauwi."
"Aww, ganun ba. Sige next time na lang siguro Max, Brent!"
"Okay, Kitchie."
"Sige, alis na ako, hahanapin ko na lang ang mga kaibigan ko. Bye. Uh, nice meeting you, Brent!"
"Nice meeting you, Kitchie."

Nagngitian ang dalawa. Hindi ko na hinintay na umalis si Kitchie, tinalikuran ko na silang dalawa at umalis mag-isa.

"Hey." Agad naman akong inabutan ni Brent at kinuha ang gym bag ko.
"Ano bang ginagawa mo, akin na nga!"
"Girls shouldn't carry heavy things."
"Shut up, Brent." Kinuha ko ulit pero hinayaan ko na lang nang naramdamang mahigpit ang kapit niya sa bag ko. "Ba't di ka sumama kay Kitchie? Pagkakataon mo na yun!"

I2.Butterflies






"Pagkakataon saan?"
"Diba gusto mo ng mga ganung girls? Ang ganda niya kaya!"
"Are you jealous?"

Natigilan ako sa harap ng locker room nang tinanong niya ako nun.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa`yo na hindi ako kailan man nagselos o magseselos sa mga babae mo." Padabog kong linagay at kinuha ang mga gamit ko sa locker.
"That's good! By now you should have realized that I'm clearly pursuing you, just you."

Habang sinasabi yun ni Brent ay binibigyan ko siya ng nakakadiring ekspresyon. Nakakainis naman talaga.

"Brent, hindi ka parin talaga nahihiya sa akin ano? Mahiya ka nga sa mga sinasabi mo. Alam ko. Kilala kita. Nung highschool pa lang. Kaya kung naghahanap ka ng mabibiktima, siguraduhin mong hindi ka kilala." Umiling ako at sinarado ang locker.
"Hay, Maxine Alvarado. Ano ba talaga ang dapat kong gawin para makita mo ako?"

Naglakad kaming sabay at ayan na naman ang mga tingin ng ibang tao. Nakita ko pa si Lia kung saan na lumiko sa dinadaanan namin at mukhang affected.

"Brent, tigilan mo na nga yan? Nakakasakit ka ng mga tao eh."
"Huh?"
"Kita mo si Lia? Nakita niya tayo, pwede ba! Masasaktan yun dahil sumasama-sama ka sa akin."
"Ilang beses ko ba talagang sasabihin sa'yo na makaibigan lang kami ni Lia?"
"Magkaibigan? Anong klaseng magkaibigan ang naghahalikan at mukhang magsyota. Siguro nga na ano mo na siya eh."
Tumawa siya.
"Tapos hanggang ngayon di ka parin natatapos sa pagsasabing kaibigan mo lang siya?"
"Kasi yun naman ang totoo. We have no commitment!"
"And then? Andito ka sa harapan ko at kung anu-anong pambobola ang sinasabi mo diyan tapos aasahan mong maniniwala ako. Oh my gosh, Brent Cruz. Napakaimpossible mo talaga!"
"Aryt! I understand! Lika na, ihahatid na kita, unless gusto mong magkape muna." Brent and his evil smile.
"Ayoko! Uuwi na ako."
"Then, let's go!"

Pumunta na kami sa Porsche niya.

"Anong ginagawa mo sa mga linggong hindi ka nagpapakita sa akin?" Tanong ko.

Pati ako'y na weirduhan sa tanong ko kaya naunawaan ko ang ngisi niya sa mukha.

"Mmmm, practicing basketball, hitting the gym... thinking about you."
"HA! HA! HA! Okay! Ang boring naman."

Hindi naman ako maniniwala dun. Alam kong sa gitna nun ay ang pakikipagkita sa mga babae tulad nba lang nung Amanda Myers na yun at nagpupupunta sa iba't-ibang motel.

Binuksan niya ang pintuan ng Porsche niya at pumasok ako agad. Pagkasarado nito, bigla kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. para bang may aura sa paligid na nagsasabing nasa teritoryo ako ni Brent Cruz...

Pagkapasok niya sa loob, tiningnan niya ako gamit ang nakaka-pout. Natawa naman ako sa mukha niya, kaya pati siya'y natawa sa tawa ko.

"Wa'g ka ngang pa-cute jan, di tumatalab!" Tumingin ako sa labas.
"Ows? Ayaw mo lang aminin eh." Nakangiti na ulit siya pagtingin ko sa kanya.
"Paborito mo din pala yung Crazy for this Girl at nakantahan mo pa talaga si Kitchie."

Nakangisi parin siya habang nag iistart ng engine.

"Maganda yung kantang yun, meron ba yun dito?" Sabay kuha ko sa iPod niyang nakalatag lang sa harap.
"Sa tuwing binabanggit mo ang mga babaeng nalilink sa akin at dinidiinan mo ang bilang nila, lagi kong nararamdamang nagseselos ka, Maxine."
"Shut up! Gross! Selos? Ikaw? Brent, tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin. Tsaka ano bang sinabi ko? Sinabi ko lang namang gusto ko yung kantang Crazy for this Girl eh?"
"Can we talk about the song I dedicated to you instead?"
"Anong kanta?" 8)

Lagi kong iniisip na ang kantang Stolen noon sa Training Camp ay dinedicate niya sa akin. pero dahil ayaw kong maging assuming, lagi kong tinatanggi yun sa tuwing napag-uusapan na.

"Oh come on! Stolen? Sa training camp!"
"So? Ibig sabihin, ako yung nanakit sa'yo? Are you kidding me? Who can hurt Brent Cruz?"
"You..."
"Ugh! Brent. Tama na. Ayoko na. Akala mo ba di ko alam na marami ka nang kinantahan na babae. Siguro na love at first sight ka kay Kitchie nung birthday ni Chad, ano? Ang ganda niya kasi, ba't di mo siya ligawan?"
"Yep, I'm kinda fascinated with her beauty."
Umirap ako sa kanya kasi nakangisi na naman ang feeling!

Tumigil kami sa traffic light.

"Like I was with you."
"See? At marami pang iba."

Kita niyo na 'tong playboy na 'to? Di na nahiya talaga umamin sa akin kung paano siya natutukso sa panlabas na anyo ng mga babae. Sobrang manyak!

"Yes. But you are different, Max."

Pagod na akong makipagtalo. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa salamin ng sasakyan niya.

"Alam mo, Brent. Gusto kong malaman mo na kahit bigyan ako ng bilyon-bilyon hindi ako maniniwala sa'yo. Tama ka, iba ako sa mga babae mo, dahil hinding hindi mo ako, kahit kailan, mauuto!"

Nakangisi siya habang tinitingnan akong pagod nang makipag away pa sa kanya.

"Playboy ka, I get it! Hindi mo na kailangang ipakita pa yun mismo sa akin at iparamdam."
"Have you ever felt something weird in your stomach when you see someone?"
"Huh?"
"Yung parang nakakakiliti na parang...ewan. Di ko ma explain."
"Butterflies in your stomach? Don't tell me ganyan ang nafifeel mo pagnakikita mo ako? Brent, lumang style na yan. Ilang babae na ba ang sinabihan mo ng ganyan?"
"Wala pa. Ikaw lang. Kasi sa'yo ko lang din 'to naramdaman."

Tiningnan ko ang mukha niya. Kakutya-kutya naman talaga ang sinabi niya kaso ayan na naman ang panirang pagseseryoso nang mukha niya. Yan ang hirap sa mga manloloko at mga sinungaling eh. Hindi mo alam kung alin sa mga sinasabi nila ang hindi totoo at ang malapit sa katotohanan.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText