<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Chapter 19 I'm Falling For My Boyfriend


Chapter 19 I'm Falling For My Boyfriend



Jini Punzalan: JR tama na nga!


Dalawang araw na ang nakalipas. Hindi ko napansin na malapit na pala matapos ang sem na to! WOW naman. :)) And I'm happier than ever. I'm happier than last sem. EWAN ko din. Siguro dahil sa kay... NYE... Hindi naman siguro. :(
"School's Show-off? Ano yun?"
"Palibhasa wala ka namang club na sinalihan kaya wala kang alam eh!"
Nakuuuu. Nagtatanong na nga lang ako tapos ganyan ang isasagot ng mokong na to? GRRR...
"Eh ano nga kasi yun eh?"
"Magpapasikatan ang mga club sa school naten. Pagkatapos neto, may victory party. :D Ang saya!"
"HUH? Eh panu magiging masaya yun? Eh, wala na man akong club!"
"Manood ka na lang! Kasalanan mo yan."
HMMMMF. Umalis sya para asikasuhin ang stage para sa Camera Club. Busy ang lahat. Andito lang ako sa harapan ng stage, nanonood sa kanilang mag decorate. Si JR naman, grabe kung makautos. Mabuti na lang hindi ako sumali sa Camera Club. HAAAY. :)

"Hey Jini. Wala kang club diba? Bakit di mo na lang tulungan si JR sa Club namin?" Lumingon ako, si Tanya pala.
"Ha? O-osige." Umalis si Tanya, may dala-dala pang malaking box, lalagyan ata ng decorations.

Good idea, lumapit ako kay Jr. TEEEKA! Oo nga pala, ayoko nga! Baka mambu-bully na naman sya. CHEH!
"Jini!? Better get outta here because we are busy!" ABAH. Si Hayley pala.
"HM? Uh, hindi naman ikaw ang hinahanap ko eh, si JR." Tinarayan ko na rin.
"Can't you see? WE are busy!" She rolled her eyes tapos umalis. ::) DUH? Okay fine! Busy na nga kayo kung busy. TSSK. Di na nga ako mangungulit. Teka? Ano ba ang-

"Jini!" Lumingon ako at hinanap ang tumawag sakin.
Si Kenjie pala yun. "Uy Kenj!" Tiningnan ko ang paligid. Mukhang matatapos na pala sila. "Bakit ka andito?"
Tinignan ko ulit ang paligid at nakita ko si JR at Hayley na nagkukulitan. EHEM. "Mamaya na pala ang----" GAAA. Nagkukulitan silang dalawa. NAKAKAINIS. "---Ang fashion show nyo! May damit ka na ba?"
Nagsasalita ako pero parang wala ako sa isip. Kasi naman si JR at Hayley eh. TSSS. Tumitingin ako ngayon sa kanilang dalawa. Akala siguro ni Kenjie na sa kanya ako tumitingin, sa likuran nya pala.
"AH. Oo! Kinakabahan na nga ako eh..---"
DAMNIT! Talaga namang. Tumingin si JR sakin, pero parang wala lang. Nagpatuloy parin sya sa pakikipagkulitan sa Hayleyng yun. GRRRR...
"Jini?" Lumingon si Kenjie sa likuran. At, okay, nakita nya kung ano ang tunay kong tinitingnan. At dahil sa inis ko, hinwakan ko yung kamay ni Kenjie at hinila ko sya patungong cafeteria.
Nabigla ata sya. Bahala sya. Nung nakarating na kami sa cafeteria, pumili na kaagad ako ng upuan at table at ilinagay ko ang mukha ko sa table. GRRR...
"Jini? Nagseselos ka?" Tumingin ako kay Kenjie.
"HA? Nagseselos? Bakit naman ako magseselos eh close naman talaga si Hayley at JR!" Tumawa sya ng bahagya.
"Ako, nagseselos ako!"
Umayos ako sa pag-upo. "Ano?"
"Nagseselos ako..." Yumuko sya. "Noon kasi, ikaw etong todo-todo ang pagseselos sa mga babaeng nakapaligid sakin. At ngayon, nihindi mo na ako makausap ng maayos. May iba ka na ngang mahal!"
MAHALLLL!? OHINDI! Ayoko ng ganito.
"Pero Jini, kailangan mong malaman na mahal pa rin kita hanggang ngayon. At mas MAHAL na kita ngayon kesa sa noon. Pero, since may boyfriend ka na at nakikita kong mahal mo sya, wala na akong magagawa. Pero kung makita kitang umiiyak dahil sa kanya, baka bawiin kita."
"NAKS. Bawiin? Ano ako laruan? Tsaka, ano ka ba! Masyado kang seryoso." Hindi ko naman kasi mahal yung taong yun eh.
"Jini, totoo ang sinasabi ko."
Tumingin sya sa likuran ko. "Andyan na sya."
Lumingon naman ako. TAKTE. Hanggang dito sa cafeteria kasa-kasama nya si Hayley at hanggang dito nagkukulitan parin ang dalawa. GRRR... MOMENT NILA YUN! OKAY so be calm. Kung makaasta ako parang TOTOONG girlfriend nya ako.
"Puntahan mo na sya. Kung hindi ka aalis sa table natin, ibig sabihin pinipili mo ako. Kung aalis ka naman, sya."
WAAAH. Kenj wag ka naman magdrama ngayon! Kitamz na may kalampungan yung boyfriend ko eh. Tsaka, ang PRIDE KO BEIIIBEH.

Hindi ko alam kung anong gagawin ako. TUMAYO AKO.
Tumingala si Kenjie sakin. At umupo ulit.
Huminga ako ng malalim. So what if hindi ako pupunta kay JR pero aalis ako dito noh?
"Hindi ka makapagdecide?"
"HUH? UHM."
"Nalilito ka ba?"
"UHM."
Tumayo ulit ako at... OKAY, since andyan naman sina JR sa likuran ko (kung saan may exit na malapit), may exit din naman kasi se kanan ko at may exit din sa harapan. Why don't I just exit sa kanan? Para hindi masyadong malayo? HEHE. Okay yeah. I've decided.
Lumingon ako sa kanan. Nagmukha akong robot, at dahan-dahang umalis. Mukhang napalingon si Kenjie sakin ah. HEHE. wala akong pinipili. UNFAIR ba? HMM
Biglang may humawak sa braso ko at ang sakit.
"Ginugutom ako. Halika na!" Si JR! Lumingo ako sa upuan ni Kenjie. AT, wala na sya doon. Asan sya? Nakahawak sya sa kamay ni JR na nakahawak naman sa braso ko.
"EH?!"
"Pare, bitiwan mo sya!"
"Bakit? sino ka ba?" Umaamba ng suntok si JR. AYAN na naman tayo. Lagi na lang ganito. Pinigilan ko sya syempre.
"JR tama na nga! Kenj, sige, mauna na kami." Basagulero talaga! Hinila-hila ko si JR papalayo kay Kenjie. Lumilingon-lingon pa sya kay Kenjie. GRRR... Isip-bata talaga.
"Jini!" Tumigil ako sa pag lalakad.
"Sabihin mo sa boyfriend mo na hindi ako titigil. Tsaka ganyan ba ang boyfriend na gusto mo?"
"ANOOOONG SINABI MO?" Hinila ko ulit si JR... GRRR. BASAGULERO. Umalis na kami.

---


Hayley Anderson: She knows that?

HMMF. He fetched Jini pala. :( And they are heading off this way.
"Umupo ka!" Habang tinuro ni JR yung upuan beside me.
"Hi Jini!" Ngumiti si Jini kay King.
"Hello!" Mukhang naiilang ata si Jini ah.
"UH. Pumunta ka mamaya ah!"
"Ano? Sa fashion show nyo ba? UH, pinapauwi kasi ako ng maaga ni Tiya eh."
"Akin na ang cellphone mo."
"Bakit?"
"Tatawagan ko sya."
"HUH?"
"Sasabihin ko sa kanya na gagabihin ka."
"Wa'g na!"
"Akin na sabi eh!" Ewan ko kung nagkukulitan ba tong dalawang to o ano.
"UHHH. You have met her parents?" Tinanong ko si JR pero si Jini ang lumingon.
"Wala na akong parents."
"I see." Yumuko ako. "Grabe it seems like the two of you are really close!"
Ngumiti si JR. "Syempre naman."
"So, Jini alam mo ba kung ano ang paboritong pagkain ni JR?" Parang nalilito si Jini sa tanong ko ah.
"HUH? AHHHH... UHMMM..."
"What? You don't know?"
"HUH? Ah eh." Tumingin si Jini kay JR.
"His favorite food is pasta, Jini." Pinilit ni Jining ngumiti.

"Do you know whats his favorite sport?" Nagtanong ulit ako to test her.
At ngayon, ang sama na ng tingin nya sakin.
"Hayley, tama na!" Sinaway ako ni King.
"Why? What's the matter?!" Napailing sya.
"UHM??" Gustong magsalita ni Jini pero mukhang iniisip pa nya ng mabuti. Si JR naman, nakatingin lang sakin, walang expression ang mukha.

"How can you like each other kung hindi nyo pa talagang kilala ang isa't-isa? Have you seen Joshua play any sport? Or what is his hobby?" Tinaas ko ang isang kilay ko.
Tumayo si Jini. Mukhang nahahalata nya na kino-corner ko sya.
"alam mo kasi Hayley... Sorry ah, alam kong ayaw mo ako para kay JR." :) Ngumiti sya.
Aalis na sana sya pero... "Jini, hindi mo pa nga ako nasagot sa paboritong sport ni Joshua. Ano?" Tinitigan ako ni Joshua.
"Hindi ka man lang ba mag-gi-guess kung ano?"
Lumingon si Jini sakin at... "Surfing?"
Nabigla ako. Napalingon ako kay Joshua. Umalis si Jini, lumingon din si Joshua sa kanya at mukhang nagtataka at nabigla din.

"She knows that?" Nagtaka ako. at mukhang nagtataka din si JR ah.

Tumayo si King. Susundan nya ata si Jini eh.
Pero mas mabilis kumilos si JR kaya mas nauna sya. >:( What's happening here?


---

Joshua Rian Te: ASAR ka ah!


Panu nya nalaman na mahilig ako mag surf? Asan ba sya? Hinahanap ko sya ngayon sa labas ng cafeteria. I think the things are getting complicated. :(
Lumingon ako sa soccerfield. Andun sya, nakaupo sa grass kaya linapitan ko.

"SURFING? Sinong nagsabi sayo nun?" Lumingon sya at nabigla ata.
"Ba't ka nakasimangot dyan? Nainis ka ba kay Hayley?"
Hindi parin sya nagsalita. Umupo ako sa tabi nya. Tiningnan nya ako na parang sinasabing 'ba't ka andito? wala ako sa mood'. TSK.

"Ano? Pumunta ka mamaya ah!" >:( Nakasimangot parin.
"Bakit ba kasi ayaw mo kay Hayley?"
"HUH?"
"KAYO NA LANG KAYA DALAWA ANG MAG IBIGAN!"
Nabigla ako dun. 'IBIGAN'? Ang sagwa pakinggan. :D

Tumawa ako. "HAHAHA... Ano ka ba? Ayoko nga, bakit ko pipilitin ang sarili ko sa kanya."
"Nandadaya na tayo sa kanya."
"HUH-"
"Alam mo namang hindi to totoo diba?"
"Oo! Alam ko!" Tumingin sya sakin.
"Nakakainis kasi umarteng girlfriend mo eh."
"Bakit? Madali lang naman yun ah!"
"Wala naman kasi akong alam sayo. sigurado ako, malalaman at malalaman din ni Hayley ang tungkol sating dalawa. GRRR..."
Linagay ko ang index finger ko sa noo nya. "Malalaman nya lang yun kapag may sasabihan ka!" Pumikit pikit ang kanyang mata habang binibigkas ko ang mga salita.
"Bakit ba kasi... GRRR..." Sinandal nya ang kanyang baba sa kanyang tuhod at pinaglaruan ang mga damo.
"Ni hindi pa nga kita nakitang naglaro ng soccer. Tsaka, guess ko lang yung surfing."
"GUESS? Hahaha. Imposible, ano ka? Imposibleng maging guess ang surfing, mas maniniwala siguro ako kung basketball ang sinabi mo! Nag research ka tungkol sakin no?"
"Ano? Ano ka hilo?! Hindi ah." Tumigil sya sandali sa paglalaro sa mga damo.
"Basta, mamaya, manood ka sa fashion show ah! Ang gwapo ko mamaya."
Tiningnan nya ako ng parang nandidiri. "Ano? Ha? Wag si Kenjie ang panoorin mo mamaya! AKO! HA?"
"Ba't ko naman panonoorin si Kenjie?"
"Gusto mo pa sya diba?" Halata naman eh, kanina nga--
"Panu mo naman nasabi?"
"EH, nakita ko kayo kaninang nagHOLDING HANDS eh."
"Ano? Wag ka ngang asar. Nagmamadali kasi ako kanina kasi nakita ko kayo ni Hayleyng nagkukulitan eh." She bit her lower lip na para bang may nasabi syang dapat hindi nya sinabi... HAHAHA. Nagseselos sya samin ni Hayley? HAHAHA. >:D
"HA? Ano ulit? Nagseslos ka no?" I pinched her nose.
"Hi-hindi ah." Hindi sya makatingin sa mga mata ko.
"Kung ganun? May gusto ka sakin?" Lumapit ako ng konti sa kanya.
"Hi-Hi-Hindi." Linapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Pumikit ako. HEHE. Hahalikan ko sya? Aasarin ko lang.

Pagdilat ko, nakita ko syang tinaas ang kanyang kilay at itinapon sa mukha ko ang DAMONG nakuha nya sa paglalaro sa damuhan.
*PWE*

Tumayo sya at tumakbo papalayo sakin habang tinatanggal ko ang damo sa mukha, buhok at damit ko. ASAR talaga ang babaeng to. Mukhang hindi ko na ata sya mabibilog ngayon ah. Hinanap ko sya, at nakita ko syang nakatao malayo saking at :P =P naglahad pa sya ng mga nakakainis na mukha at behlat. PUCHHHA. Nakakainis.
"NYENYENYENYE... PANGIIIIT ANG BOOOYFRIEND KO.... NYENYE." Grabe, she is catching every passerby's attention. Nakakahiya, hindi nya man lang naisip na masyado akong sikat para ganituhin. TSAKA, kung hindi lang natatakot ang mga taga Communications sakin eh di matagal na syang na bugbog sa mga intriga. KALOKOHAN. Tumayo ako at hinabol sya.

Pero, ang layu-layo nya na talaga eh. Tinawagan ko na lang sya..."HELLO?"
"NYENYENYE. BEHLAAAT!"
"ASAR ka ah! Pag maabutan kita, patay ka sakin."
"BLEEEEEEEEEEEEEEEEH. :P"
"Di bale na nga, marami pa akong gagawin. Tutulo yung laway mo pag makita mo ako mamaya sa fashionshow. Sakin ka lang tumingin ah. Kung titingnan mo si King, o si Kenjie papatayin kita!"
"BLLEEEEHH! :P " Parang bata.
"Di ako pupunta mamaya baka patayin mo ako. HAHAHA"
"Bahala ka. GRRRR... >:( "
Binabaan ko sya ng telepono. HAAAY. Marami pa akong gagawin. Napangiti ako. Yung babaeng yun talaga. NAKAKAINIS KAHIT KELAN. >:D


---


Jini Punzalan: ayoko sabi!


5pm na ah, kanina lang natapos ang last class ko, ba't andito pa ako? TSSSK. Obligasyon ko ba talagang manood ng fashion show nung walang hiya kong boyfriend? TEKA. Bakit ba ayaw kong manood? Naiinis kasi ako kanina eh. Ba't naman ako maiinis? Kasi si Hayley. SI HAYLEY? Teka, nagseselos ako? DAMNIT. Okay.
Tumayo ako, nakaupo kasi ako sa isng bench sa likuran nung place kung saan magaganap ang fashion show nila eh.

Manonood ako! Kasi! Ang ibig sabihin kapag hindi ako manonood ay....GUSTO KO SI JR. Akala nya ha! Sige, manonood ako.

Alam ko na! Pupunta muna ako sa dressing room!!! HAHAHA. Oo.
Kaya pumunta ako sa back stage!

Habang tumitingin-tingin ako sa paligid.
"Jini!" Paglingon ko, si Tanya pala.
"Huh?"
"Hindi ka ba sinabihan na bawal dito ang mga hindi taga CC?"
"Huh? Ah ganun ba?"
Biglang sumulpot si King. Nakabihis na silang dalawa ah. Kung ganun...
"Hayaan mo na lang sya Tanya."
Tumingin si Tanya kay King at umalis.

"King! Salamat ah! Nakakahiya na talaga ako lagi na lang akong nagdudulot ng hindi magandang bagay sayo!"
"Okay lang yun! Ano? Malamit ng magsimula ang fashionshow ah. Pumunta ka na dun sa harap ng stage!"
Tumango ako. Tumango rin si King.

"Sige! Goodluck!" Umalis na ako.

Habang ako'y papalapit na ng papalapit sa nasabing stage kung saan gaganapin ang fashion show ng Camera Club, nadatnan ko ang napakaraming tao na pumipila.

Hindi ako makapag-isip. Tinitingnan ko na lang ang mga upuan na may mga taong nakaupo na rin.

"Excuse me miss, pumila ka naman ng maayos!"
"Oo nga! Oo nga!" Lumingon ako, ang daming babae. Sandamukal na babae at lalaki at bading ang tumambad sa pagmumukha ko. Pare-pareho ang expresyon nila. EH WALA NAMAN TALAGA AKONG PLANONG MANOOD EH! HUHUHU. >:(

Napilitan akong pumila.

"Jini! Halika na!" Lumingon ako sa tabi ko, si Patrick pala - isa sa mga kampon ni JR.
"HUH? Hindi ka ba kasali sa fashion show?"
"Kasali, pero sinabi kasi sakin ni JR na mas mabagal ka pang kumilos sa pagong, kaya pinapunta nya kami dito para hanapin ka."
"Ano? Bakit ba kayo pumapayag na utos-utosan lang nung mokong na yun?"
"Haaay, eh sa gusto namin eh, tsaka, lider namin sya. Sige na!"

Linabas ni Patrick ang RADIO/CELPON nya.
"Hello--hello. Natagpuan ko na sya. Dadalhin ko na sya doon. ROGER.."
May sumagot naman na..."COPY." Ano ba yun? Nakakalaglag panga yung ginagawa nito ah. EH?
"Ano yun?"
"Pinaalam ko lang kina Anton na nakita na kita para hindi na sila maghanap."
"EH?" Naman oh. Ang sagwa naman nun! Ang baduy. HAHAHA.

Tinulak nya ako papasok ng venue.
"HOOOY Ano ba yan? Ang daya-daya!" Sumigaw ang isang bading.
"Tumahimik ka nga!" Sumigaw si Patrick at tumakbo, nagmamadali ata sya. Mukhang magsisimula na ang fashion show ah.

Umupo ako sa natatanging upuan na nakita kong malapit sakin. Wala atang umuupo sa upuan na to dahil nasa gilid at hindi mo masyadong makikita ang mga model. Lumingon ako sa left side ko at...
"Jini!"
"Christina! Mikee?" Andun din pala ang dalawang ito!
"Buti na lang at andito kayo! Akala ko ako lang mag-isa ang manonood!"
"Jini! Miss na miss na kita! OOI! Sabi ni Kenjie, kayo na raw ni JR Te? Totoo ba yun?"
"O-Oo!"
"Naku! Ganun ba?! Hindi mo sinasabi sakin."
"Christina kasiii.... eh," Pinaglaruan ko ang kamay ko habang nag-iisip ng isasagot.
"O sya sige! Dahil hindi tayo masyadong nagkikita! HMMM. Hindi ko inakalang magiging kayo nun! Diba nga he is famous because, UHM, soccer player? Tapos diba, basagulero yun!?"
"Huh? Oo eh, hehehe."
"Talaga? Hindi ka ba nya sinasaktan o?"
"Hindi naman."
"Nakuuu Jini! Anong feeling ng magka boyfriend ng tulad nya?"
"Huh? Yun ba? Yung sikat? EH! Naranasan ko naman kasi yun sa kay Kenjie eh."
"Pero iba kasi pag yung JR na ang naging boyfriend mo diba?" Ang lakas ng pagkakasabi ni Mikee.

Lumingon ang mga tao sakin.
"HUH? SHHHHH!"

"Diba sya yung girlfriend ni Kenjie? Bakit JR yung panag-uusapan nila?"
"Hindi---sya na yung girlfriend ni Te..."

Yumuko ako. Ayan na nbaman, nagsisimula ng magtsismisan ang mga tao tungkol sakin. Natapos lang yung pag-uusap nila nung sinabing magsisimula na raw talaga ang fashion show!

Umayos na ako sa pag-upo, settled na ang lahat. Off na yung lights.

Nagsimula na!

Naisip ko lang, mas mukhang showdown to ng mga artista kesa sa fashion show ah!? Bakit kaya!? Ang dami kasing taong naghihiyawan sa tuwing lalabas ang mga model. Mapa lalake, mapa babae. Grabe, natetense na tuloy ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Tumitindig ang mga balahibo ko at kulang na lang magnosebleed ako. Maging si Mikee at Christina eh nakikihiyaw din. Ang galing! Ang gaganda ng mga modelo. Teka, kailangan kong isipin... sino nga ba yug mga kilala ko sa CC?

Lumabas si Anton, Patrick at iba pa....

Unti-unti ng naglalabasan ang mga kilala ko. Unti-unti na ring dumagsa ang mga tao sa likuran patungo sa front. May ibang nakatungtong na talaga sa kanilang upuan at may hawak-hawak na digital camera, cellphone at maging video camera para lang makunana ang mga modelong gusto nila. Mas dumami na rin ang mga naghihiyawan. Tumayo na ang mga nasa unahan ko. Tumayo na rin si Mikee at Christina dahil hindi na nila makita.

Napatayo na rin ako. :)

Bawat modelong lumalabas, chini-cheer nila sa pangalan.

Unang lumabas si Tanya.

Si Kenjie.

Ang lakas talaga nya sa audience.

"Kenjie-Kenjie-Kenjie."

Napangiti ako, gusto nya kasing maging modelo simula pa nung high school kami. Bagay naman sa kanya ang pangarap na yun dahil gwapo naman sya at may ibubuga.

Hindi pa umalis si Tanya at Kenjie sa stage.

Lumaba si King, sya lang mag isa.

Ang lakas ng dating nya, siguro dahil matalino, cute at mabait sya. Alam siguro yun ng lahat.

Lumabas si Hayley.

Look, namimilipit na sa sakit ang tiyan ko dahil na te-tense na ako sa paglabas ni JR! Bakit ang tagal nya! Of course, dahil sya ang president. TAKTE. Bakit ganito? Yinugyog na ni Christina ang buong katawan ko para lang matauhan.
"Jini-Jini! Ang gwapo na ex moooo!"

Parang soprano ang boses nya.

Lumingon yung babae sa unahan at parang may sinasabi sa katabi nya.

"JINI!!!!" Hinila ako ni Mikee at Christina.
Sumingit kami dahil nga sumingit na rin ang ibang mga estudyante para lang humarap. Habang nag po-pose-pose pa sina Hayley at King. Lumabas si JR.

Masyado na talagang maraming tao at parang hihimatayin na ako sa sikip ng tinatayuan namin. Ang daming babae, siniko pa ako nung katabi kong WARSHOCK kay JR. Ang sakit tuloy ng BOOBS ko. MEHHHN, napahawak ako sa BOOBS ko habang yinugyog ulit ni Christina ang left shoulders ko habang binibigkas in soprano tone ang mga salitang..."PERO JINI MAS GWAPO ANG BOYFRIEND MOOOO!"

Ang daming lumingon sakin, pero ganun pa man, patuloy sa paghiyaw ang mga tao. Pagkatapos ng fashion show na to mukhang magkaka breast cancer ako. :'(

"JR! JR! JR! JOSHUA JOSHUA JOSHUA!"

Tumingala ako sa stage na malapit na pala sakin.

Si Joshua - este - JR ang yabang-yabang ng mga pose nya. Parang SUPERSTAR na lumabas sa TV at dinudumog ng sangkaterbang fans nya.

Strike 2 sa BOOBS ko, at meron pang tinutulak ako papalayo sa stage at meron pang sumisingit sa gitna namin ni Christina. Left-right-left-right akong pinagtutulakan ng kahit sino. Pero nakatingala parin ako at nakanganga dahil sa YABANG na ipinapakita ng Presidente ng Camera Club.

Bigla syang tumigil sa FRONT at GITNA ng stage at nag bow.

Lalong naghiyawan ang mga tao... Ni hindi ko na marinig ang sinasabi ng speaker eh. Napa takip ako ng tenga habang nakatingala parin sa stage na may nakakasilaw na lights.

Biglang tumingin si JR sakin.

He touched his lips and theeeennnn, tinuro nya ako.

"EHH?"

Tumigil sa hiyawan ang mga taong nakikita ako at lumingon sakin. Yung mga hindi naman nakakita, eh hindi ma gets ang ginawa ni JR.

FLYING KISS? SAKIN? WAHAHA. JOKE!?

He bit his lower lip pa. Nagpapacute! Lalong lumakas ang pintig ng puso ko... NYAHAHAHA. >:D Tumataba ang puso ko. NOOO!


Natapos na ang fashion show. Unti-unti ng nag-uuwian ang lahat. Nasa labas ako ng dressing room. May mga babaeng dumaan sa harapan ko at narinig kong..."Ang swerte naman nung girlfriend ni JR Te ano?"
"Diba yung GF nya ngayon ay yung EX ni Kenjie?"
"HUH? Oo nga! Naku! Basura."
"Sinong basura? Si JR?"
"Hindi! Yung girlfriend nya!"

Nagtawanan sila! :( >:( Pupuntahan ko na sana pero may humawak ng kamay ko.

"Sasama ka sa victory party namin!"
Talagang declaration sentence.
Lumingon ako at nakita si JR na may dalang bag na naka lagay sa left shoulders nya.

"EH? Bakit? Victory?"

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at napaupo ako sa sahig. Narinig ko ang tiyan kong nag sasabing 'WE ARE HUNGRY'.

"TSK. Kami ang nanalo sa Show-off! Kita mo naman ang tao dun. Dinagsa kami. Kaya, victory party!"
"HUH? Ayoko! No trespassing ako dyan!" Tumingin ako sa sahig.

Umupo na rin sya para makita ang mukha ko, kung saan ko naman tinatago dahil na hihiya ako sa kanya.

He pinched my nose.
"ANO BAHHH Ayoko sabi eh!"
Nabigla sya, nasigawan ko kasi, ginugutom na nga yung tao, iniinis pa! GRRR...

Mas nabigla ako kasi tahimik at hindi sya umimik habang nakaupo sa harapan ko at tinitingnan ang mukha ko.
Unti-unti ko syang tiningnan at pumikit ako kaagad dahil NAHIHIYA AKO.

Ngumiti sya ng NGITING DEMONYO.
"Ang gwapo ko no?"

Naalala ko tuloy ang award winning kong 'ANG PANGIT NG BOYFRIEND KO.' Sa post 17.2. HUHU. >:(

Hinawakan nya angchin ko at hinaharap nya sa mukha nya. Pero kahit nakaharap na, ang mga mata ko, nasa sahig parin.
NAHIHIYA NA AKO TALAGA.

"Tingnan mo naman ako oh!" Sinabi nya yun na parang nanlalambing at napakalamig ng boses nya.

LORD! PLEASE HELP ME! I DON'T KNOW WHAT TO DO.

"Oi! Lahat ng tao naghihiyawan dahil gusto nila akong makita, tapos ikaw..."

YABANG MO!

"Tingnan mo naman si Joshua Rian Te, parang awa mo na."

Parang gusto ko nang umiyak dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. At parang gusto ko na syang yakapin at sabihing 'tama na please? kasi mukhang inlab na ako sayo.' OH MY.

Sinabit nya ang buhok ko sa tenga ko. Mukhang pulang pula na ang ilong ko. NANGINGINIG ANG BUONG KATAWAN KO.

"Tingnan mo naman ako Jini oh. Ikaw lang ang gusto kong makakita sakin." Ang lamig ng boses.

Hindi ko na kaya. TALAGANG TININGNAN KO SYA. TINGIN NG NAIINIS PARA HINDI MAHALATA :D NA INLOVE NA AKO SA KANYA!

"HAY sa wakas. tumingin din ang babaeng gusto kong tumingin sakin."
"JR naman eh, ayokong sumama!" Ginalaw ko ang mga paa ko at mukha ko at nagpakita ng expresyon ng batang hindi binilhan ng BARBIE DOLL.

"JR naman eh, ayokong sumama!" Sinabi nya ulit ang sinabi ko at ginagaya pa ang boses ko.
"Naiinis na ako."
"Naiinis na ako!" Unulit nya ulit.

GRRR... Linagay ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko.

"Hindi mo man lang ba naisip na ako ang laging masusunod dito?" Malambing parin ang boses nya.
"eh sa ayoko. ayoko sabi."

Ano ba tong ginagawa namin?
Pinilit nyang tanggalin ang kamay ko na nakadikit sa mukha ko at natatakpan ang mata ko.

"TEKA nga! Ikaw yung gusto kong makakita sakin pero bakit ayaw mong tumingin?!"
"O AYAN!" Tinanggal ko ang kamay ko at ipinakita sa kanya na tumitingin ako sa kanya at bahagya akong umiwas sa mga mata nya.

'JR! Tama na nga. Para kang bata! JOKE LANG NAMAN TO EH! Bakit kailangan may ganyan pa?' Akala ko na bigkas ko yun, pero hindi noh! Sana lang may lakas ng loob akong bigkasin yun! GRRR...

GOSH! Hindi ko na alam kung alin ang totoo dito at alin ang hindi. Kung bakit ba kasi ako pumasok sa ganitong klaseng problema eh!?! Ayan tuloy, mukhang natututunan ko na syang mahalin. At mukhang hindi na plastic ang mga ginagawa ko. PAPAANO NA TOOO? >:(

"Halika na! KAKAIN NA TAYO! I-lilibre kita!"

Tumayo na kaming dalawa. Panu na to? Hindi ko carry ang maging OUT-OF-PLACE again. >.< VICTORY PARTY.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText