twentyone-twentyfive
TWENTYONE
Celestine Herrera: Gab! Nukaba!
Text ni Gab sakin na sa cafeteria na lang daw kami magkita. Grabe, kainis, sana man lang sa isang romantic restaurant niya ako dalhin no? LOL. Ayan ka na naman, Celestine! Parang lunch break lang eh gusto mo restaurant agad. Atat masyado eh no?
"Tagal!" Yun na lang ang nasabi ko paglipas ng 12:30 ng tanghali na hindi parin siya dumarating.
Kakayamot. Mukhang namumutla at nanginginig na ako dito. Nalipasan na yata ako ng gutom eh.
Sana pala sumama na lang ako kay Jana.
Pero, napawi ang lahat ng gutom ko nang may tumakip sa mga mata ko galing sa likuran. Alam niyo na siguro kung sino yun no! Syempre, sino pa... edi si Gabriel Isaac Soriano!
Napangiti ako nang hinawakan ko ang kamay niya. Tapos, tumalikod ako habang tinatanggal ito sa mga mata ko. Nakita ko siyang nakangiti. Abot langit ang ngiti niya. Sobrang saya ko naman. Biruin niyo, makikita mo siyang ngiting-ngiti?
"Cel, sorry."
Agad namang nawala ako sa sarili nang nakita ko si Stacey sa likuran niya.
"Tsaka, kasama ko nga pala si Stacey. Wala kasi siyang kasabay mag lunch eh."
"Ahhh."
Late na nga siya, tapos magdadala pa ng bruha. Naku, naku Gabriel ka! Napakadense-dense-dense mo talaga ng sobra-sobra! Akala ko pa naman gusto niyang mapag-isa kaming dalawa.
Pumwesto na silang dalawa sa isang table. Syempre, para ipahiwatig ko sa kay Gab na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya...
"Gab, pwede sa tabing table na lang ako umupo? Kailangan ko kasi ng space eh." Sabay tingin ko kay Stacey.
"Huh? Dito ka na lang Cel! Ba`t ba gusto mong mapag-isa?! Bitter na bitter ka pag kaw lang mag-isa!" Sabi ni Gab with evil smile.
"Hindi na talaga, Gab!" Pinakita ko ang marami kong dala. "See? I need space!"
"Aww. Kung g-gusto niyo, ako na lang sa kabilang table?" Singit ni Stacey.
"Wa`g Stacey! Sige na, hayaan mo na si Celestine. Sanay naman yan eh. hahaha."
Binigyan ko ng masamang tingin si Gab, agad naman itong nag peace-sign sakin. NAKUUUU! Nakakabweset! :(" title="Angry" class="smiley" border="0"> :(" title="Angry" class="smiley" border="0">
Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.
Kaya lang, naisip kong kailangan ko talagang kumain kaya bumili na rin ako ng sariling pagkain. Nakakabanas lang kasi habang nagsisimula akong kumain mag-isa, masyang nagku-kwentuhan at kumakain ang dalawa sa kabilang table. Ang sarap batuhin ng kutsara`t tinidor ang dalawang ito. Lalong lalo na si Stacey! Nag-offer pa kuno siya na siya na lang ang sa kabilang table, alam niya namang di papayag si Gab! Pinapakita yata sakin ang katotohanang siya talaga ang pipiliin ni Gab. Hmp!
"Excuse me, may nakaupo ba dito?" Tanong ng isang lalaking naka navy-blue.
Tinuro pa niya ang isang upuan sa table ko.
"Meron!" Sarcasm.
Ngimiti siya at tinaas ang kilay.
"I mean, tinatanong pa ba yan? May nakaupo ba diyan?" Sabay nguso ko sa upuan. "Kung meron man, dapat nakikita mo na siya diba?"
GET A LIFE! Joke! HAHAHA. Ayan tuloy... naapektuhan na ang social life ko sa pagiging badtrip ko kay Gabriel at Stacey. di bale na nga lang kung matarayan ko `tong navy-blue guy na `to. NAVY BLUE? Closer look - it was the gym guy!
"Ah." Ngumisi siya. "Sorry na! Maling tanong." Nakatingin parin siya sakin at nakatayo. "Ang ibig kong sabihin, eh kung pwede ba akong umupo dito?"
Kinuha ko ang mga gamit ko sa mesa para mailapag na niya ang pagkain niya.
"O!"
Tapos, linantakan ko na ang pagkain ko... este... nag patweetums ako ng konti kasi nakatingin siya sakin.
"Late lunch?"
Tumango ako. Syempre, ayokong magsalita habang may pagkain pa sa bibig ko no. Tweetums.
Late lunch din yata `tong lalaking `to eh. Napatingin ako sa kanya at namangha ako dahil totoo palang gwapo siya at malaanghel talaga ang mukha niya. Tama si Jana!
Kumain na rin siya. Sumulyap ako kay Gab na ngayo`y nakatingin na sakin.
Ngumisi na lang ako at tumingin ulit kay Mr. Navy-Blue guy. ALAM KO! ALAM KO NA! Yung plans, kailangan ng i-apply. Kailangan mag mukha akong haliparot sa mata ni Gab sa lalaking ito para maniwala siyang crush ko nga `to.
"Uh, anong name mo?" Sabi ko habang kumakain si Navy-Blue.
Nakatingin ako sa kaharap ko pero tanaw ko rin ang titig ni Gab gamit ang Peripheral vision ko.
"Uh, I`m Dexter!" Sabay lahad ng kamay.
Nginitian ko ito ng pinaka matamis kong ngiti.
"Uh, Ce-"
"Celestine!"
Nakipagkamayan ako. At aba, kilala ako? heller? Kailangan pa bang kabiglaan yan? Eh nag iskandalo nga kasi ako diba?
"You`re the girl from the gym?"
Tumango ako.
Ngumiti siya.
"Sorry nga pala sa asta ko kanina ah? Badtrip lang kasi ako eh."
Tumango siya habang tiningnan sina Gab. Kaya ngayon, pati ako, napatingin sa kanila.
Bigla ba naman silang tumayo at mukhang aalis na? Iiwan ba nila ako?
"Celestine, akala ko ba gusto mo ng space? Kaya hinayaan kitang mag-isa. Eh ngayon..." Tumingin siya sa nasabing Dexter. "Never mind! Lika na nga!" Sabay kuha niya sa bag kong nananahimik.
Ayan tuloy! Imbes na magstay pa ako dun (na hindi ko naman plano, at paeffect ko lang dapat), napilitan tuloy akong tumayo at habulin si Gab. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Dexter! Salamat sa tulong niya`t nagseselos si Gab ngayon. YUHOOO! Kaya lang, mukhang galit yata eh. Di bale, basta ba nagseselos siya.
"Gab! Nukaba!" Halos itulak ko si Stacey para maunahan lang at maabutan si Gab. "Akin na nga yan!"
Pinilit kong binawi ang bag ko.
"O!" Binigay niya naman.
Pero tinalikuran nila ako ni Stacey at umalis ulit.
HEH! Bahala kayo sa buhay niyo diyan! Magsama kayo mga walang hiya! Joke! Syempre... mission accomplished ang lola niyo. Kaya lang, mukhang naduduwag na naman ako kasi galit si Gab. Nyeee~ Pero okay lang, again, nagseselos kasi siya! HAHAHA!
"ANO?"
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko kasi alam kung kaya ko bang gawin ang hinihingi ni Jana sakin.
"Ang sabi ko, wa`g kang sumama sa kanya ngayon sa pag-uwi niyo!"
Kinuha niya ang cellphone ko at dinilete ang text ni Gab sakin na pupuntahan ko raw siya sa gym pagkatapos ng klase para sabay na kami pag-uwi.
"HAAAH~!" Halos ma iyak ako pagkadelete nito. LOL. Joke only! Hindi no!
"Nukaba! Bakit ba?"
"W-Wala! K-Kasi, you know, baka magalit siya." Errr.
"Asus naman!"
"B-Baka mag-away kami... Baka di ulit ako papansinin nun~"
Naka evil-smirk na si Jana habang nakatingin sakin.
"Alam mo naman diba!? Yung mga plano naten baka di matupad pag nag-away kami!"
"EH, isipin mo nga, Celestine! Pag mag-away kayo, ibig sabihin lang nun eh may gusto na siya sa`yo at nagseselos na siya kasi galit siya sayo. At pa`g di mo naman siya pupuntahan ngayon, ibig sabihin nun, totoong crush mo yung Dexter na yun diba kasi nagalit ka kay Gab sa ginawa niya?"
Genius nga talaga si Jana! Pero pa`g di ba magagalit si Gab sakin, ibig sabihin ba nun eh di niya ako gusto? WHATEVER!
Kaya, sinunod ko ang sinabi ni Jana. Hindi ko sinipot si Gabriel sa gym. Umuwi na akong mag-isa. Tapos, nagkulong sa kwarto. Feeling ko tuloy di ako makakatulog. Papaano ba naman, di man lang nagtext ang mokong! Baka naman sumabay ulit siya kay Stacey at kinalimutan na rin ako? Waa~!
"Cel, si Gab nasa baba. Hinahanap ka!"
Bigla akong napatalon galing sa higaan ko pagkarinig ko kay Mama nun. YESSS~! NOOOO~! Masaya ako kasi mukhang di niya naman pala ginawang malaking bagay ang pag-indian ko sa kanya. Malungkot kasi baka di siya naapektuhan kay Dexter.
Inayos ko ang sarili ko. Grabe, pati ang mukha ko habang pababa ako sa hagdanan eh ginawa ko talagang katakot-takot.
"Cel~!" Nasa sala siya.
Siya lang mag-isa. Si papa at mama kasi, mukhang maagang natulog. At si kuya naman, nasa dorm niya yata.
Ginawa ko pang mas nakakatakot ang mukha ko. Sabay padabog pang umupo sa harapan niya at, "anong ginagawa mo dito?" Tinaas ko pa ang kilay ko.
"Cel naman, sorry na~!" And his smile was still sweet. "Di mo ko sinipot kanina ah? Galit ka pa ba?"
"Sinong kasabay mo pag-uwi kanina?" Aba, Cel! Masyado ka yatang lumilihis sa pinag-uusapan.
"Ako lang! May sumundo na kay Stacey eh."
GOOD! LOL.
Tumahimik ako at tumingin sa TV.
"Sorry na, galit ka pa ba?"
Di ako umimik.
"Talaga bang crush mo yung lalaking yun?"
Tiningnan ko siya.
"Eh ang panget panget nun eh. anong pangalan?"
Tinaas ko ang kilay ko.
"I-I mean, sorry! HEHE. Sorry na kung nasira ko yung diskarte mo kanina. Ikaw naman kasi, pa`g sinabi kong makikipagsabay ako ng lunch sa`yo, eh sasabay ka lang sakin! Hindi yung kani-kanino ka lang sumasabay bigla."
"Eh sino kaya `tong dinala si Stacey? Akala ko ba tayo lang dalawa ang maglu-lunch? Ikaw naman `tong naunang nagsama ng iba eh!"
"O, sorry na nga kasi. Naawa lang naman ako sa kanya kasi walang kasamang kumain. You know, I`m a gentleman."
PWE! HAHAHA. Gag0 talaga si Gab. Nakakatawa tuloy ang usapang `to. Para kaming mag-boyfriend! Uyyy. HAHA
"Kahit na! Kita mo na? Dami mong atraso sakin! Sinama mo si Stacey, sinira mo pa ang diskarte ko!"
"Sorry na kasi eh. Babawi ako. Sorry na!"
Inirapan ko na! Sige na, Celestine! Abusuhin mo, minsan lang yan. HAHAHA. Galing galing talaga ni Jana. Sobrang genius at nakakaloka ang mga plano niya.
"Cel naman o! Sige na! Uh, tsaka... ano nga ba ang pangalan nung crush mo?"
"Dexter."
"Yung Dexter na yun, trust me, hindi ka nun papansinin-"
"ANO?"
"Joke! Ang sabi ko, malabong di ka nun papansinin. Sigurado, next meeting ninyo... papansinin ka din uli nun kaya, marami pang next time."
Nakangiti na naman siya.
"Sorry na. Babawi ako. Gusto mo date pa tayo?"
TING! TINGTINGTINGTINGTING! FOR THE WINNNN! Knock-out! Panalo si PACMAN! hahaha. Sinong mag-aakalang siya pa ang magyayayang magdate kaming dalawa? HOOOO~! This is the best plan ever!
"Sige na! Date tayo kahit kelan mo gusto."
Halos mapangiti ako sa sinabi niya.
"Kung gusto mo, pagkatapos na lang ng upcoming game namin next week eh? Ano?" He poked my face.
Ayoko paring magreact.
"Wala ka bang comment diyan? Halikan kita riyan, kung ayaw mong magcomment!" Tapos evil-smile.
"Eww." Sabi ko.
Ew ka diyan! Of course no, ewww naman talaga. EWWWW.
"Ew ka diyan, ang ganda mo yata pag hinalikan ka ng gwapong tulad ko."
"HEH! alam mo, ikaw Gab? Humihingi ka na nga lang ng tawad tapos nagyayabang ka pa diyan. Ayaw mo yatang patawarin kita?"
"Joke lang naman yun. Nukaba. So, ano! Pupunta ka na sa game namin next week ah?"
"Yoko, kailangan mo pang pagsisihan ang kasalanan mo. As punishment, di kita sisiputin dun."
"HUH? Para lang dun sa nasira mong diskarte sa DEXTER`S LAB na yun?"
Nung Dexter`s lab? Yung Cartoons? HAHAHA. BUANG TALAGA SI GAB.
"Wa`g mo nga siyang bigyan ng mga weirdong pangalan, pwede?"
"Pinaglalaban mo pa."
Aba. Galit talaga ang lolo niyo. HAHAHAHA. Ano ba talagang kinagagalit niya kay Dexter? BAKIT BA? AYAN NA AYAN NA! Naiinlove na talaga `tong unggoy na `to! HAHAHA.
TWENTYTHREE
Celestine Herrera: gusto ko rin namang ganyan ka eh
Dahil masyado na akong excited sa nasabing game nina Gab at sa date namin, minadali ko ang bawat araw na lumipas. At ang pinaka hindi nakakatuwang nangyari ay ang pagkagising ko ng alas-dose sa tanghali! 1pm ang game nina Gab, tapos ganitong oras ng nagising si ako? GRRR, hindi kasi ako nakatulog kagabi kaya eto ako ngayon.
Tumatakbo na naman papuntang gym. Hindi man lang nag text si Gabriel.
Pagkapasok ko, andami ng tao. Si Jana ang sumalubong sakin sootsoot niya ang cheering costume niya. Nagsisimula na ang game at nakikita kong nagshoot ng bola si Gab.
"Hoy! saan ka ba nagsusoot? Ayan tuloy, di mo nakita ang sayaw namin! HMP!" Tapos hinila niya na ako.
"So-Sorry naman. Tinanghali kasi-"
"Dito na tayo."
Agad siyang umupo at binakante ang isang upuang katabi naman ng isang lalaki. At biruin niyo, talagang sinasadya yata ni Jana ang lahat eh. Tinabi niya talaga ako kay Dexter.
Kinindatan ako ni Jana at, "GO GAAAB! ANDITO NA SI CEL! WOOOO"
Napatingin tuloy si Gab samin. Kakahiya tuloy. Ay ewan ko ba.
"Jana naman."
"Tingnan natin kung anong reaction niya," Linapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Mamaya sa date niyo, makikita mo na naman ang pagseselos niya ng bonggang-bongga!" Tumili siya.
Pagtingin ko kay Gab, nakatingin na siya samin at mukhang galit na naman ang ekspresyon. Galit ba talaga o baka naman guni-guni ko lang yan? AHAHAHA.
Napatingin ako sa score, at wow, ang layo ng agwat! Syempre, sina Gabriel ang bida.
Naka shoot ulit si Gab. Napapalakpak tuloy ako.
"GO GABRIELLLL!" Sigaw ko na rin. HEHE
Napatingin ulit siya at binalewala ako. Di man lang nag smile.
"Oy, magkagalit ulit kayo?" Kinakausap ako ni Dexter!
"Uh, hindi naman."
Siniko ako ni Jana.
"Ah, so, ganyan na ba talaga ang normal treatment niya sayo? Cold?" Napatingin tuloy ako kay Dexter.
"Hindi naman. Minsan lang. Galit yata kasi late ako sa game niya." I smiled.
Assuming ka naman Cel.
Napatawa siya ng bahagya, "Ba`t ka naman na late? Game `to ng bestfriend mo ah?"
"Sa sobrang excitement?" I smiled.
Nakatingin na si Jana saming dalawa ngayon.
"Ah, oo nga pala. Si Jana nga pala, kaibigan ko. Jana, si Dexter."
Nagngitian ang dalawa at siniko ulit ako ni Jana. Napatingin ako sa kanya at nginuso si Gab. Grabe, pulangpula na ang mukha nito habang nakatingin sakin at umiinom ng tubig.
OMG! Eto na talaga! Eto na! Mga plano ni Jana sobrang effective ng bonggang-bongga.
At dahil mabilis natapos ang one-sided match nina Gab, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko - oy, wala yan ah! Kinakabahan lang ako.
"Gabriel! Congrats!" Sabi ni Jana tapos nag apir sila.
"Gab," ngiti. "Congrats!"
Siniko ulit ako ni Jana at umalis na siya papunta sa squad nila.
"Uh, bihis lang ako." Sabay tingin sa jersey niyang number eight.
Kay gwapong hayop talaga nitong si Gab. Mas lalong gumugwapo pa`g pawis na pawis at... galit! AHAHAHAHA.
Tinalikuran niya ako kaya sinundan ko siya.
And to my surprise, eto ang mga unang tanong niya sakin...
"Bakit ka late?"
"Uh," Pinilit kong sumabay sa kanya.
HOOO! Sobrang bango niya. AHAHAHAHAHA. Ano ba `to! Ano ba?! Pwede? HAHAHAH
"Kasi, tinanghali ako ng-"
"Nagpaalarm ka sana!"
"Huh? Aww." Kilig. "Sorry."
Sumulyap siya sakin. Di parin ngumingiti. Grabe! AHAHAHAHA. Gwapo niya ng bonggangbongga!
Bakit ba? Di ka ba mananalo kung wala ako? NYEEHEHEHE.
"Sinong kasama mo?"
"K-Kasama?" HAYAN NA!
Tumigil siya sa paglalakad ng nakarating na kami sa pintuan ng lockerroom nila. Maraming tao sa loob, syempre, yung mga teammates niya. Sina Jana naman, nag-aasemble pa dun sa gym.
"Wala naman."
"Katabi mo si Dexter kanina ah? Ngiting-ngiti ka naman?"
GOTCHA!
"Ahehehe. Syempre, sinong di ngingiti sa crush mo diba?"
"Asus, lolokohin ka lang nun. Ako sayo, di ko na yun gagawing crush." Di makatingin.
"Bakit ba? huh?" HAHA. :D" title="" class="smiley" border="0">
"D-Di ka nga kasi papansinin nun no!"
"Eh kita mo ba kami kanina? Kinausap niya ako eh. Pinansin niya ako."
"Hanggang dun na lang yun! Maingay ka siguro, kaya sinaway ka!" Di parin makatingin.
GRRR. Nu ba! Natutuwa na ako ng bonggangbongga! Ba`t di pa rin umaamin ang Gab na `to?
"Alam mo, konti na lang Gabriel, magdududa na ako sayo."
Saka lang siya tumingin.
"Ha?"
"Nagseselos ka ba?"
"S-S-Selos?" Lunok. "Sino?" Inayos ang buhok. "Ako?" Linagay ang dalawang kamay sa bewang. "Kanino? Sa Dexter`s Lab na yun? Asa siya! HAH!" Tumingin sa malayo.
Sorry, di ko mapigilan ang sarili kong matawa. "AHAHAHAHA."
"A-Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Namumula.
"Wala naman. HAHAHAHA."
Nagkasalubong ang mga kilay niya.
"Di totoo yang iniisip mo no! Ba`t ako maiinsecure, hunk ako no!"
"Ayan ka na naman. HAHAHA. Anyway, whatever... gusto ko rin namang ganyan ka eh. HAHAHA."
Lalong namula. "Ang gulo mo! Magbibihis na nga lang ako!" At pumasok na sa lockerroom.
WOHOOO! Gabriel, kahit ilang ulit kang magselos ng ganyan, okay lang kasi ang cute cute cute mo parin. HAHA. Mas lalo ngang cute pag nagseselos. Nakakatuwa talaga. Sheyt. Nahuhumaling na yata ako sa mga reaksyon niya eh. Nakakaloka!
TWENTYFOUR
Celestine Herrera: T-Teka, sandali!
Di pa nagsasalita si Gabriel habang naglalakad kami papalabas ng school. Saan kaya kami pupunta? Tsaka, bakit lalabas kami ng school? Di ba niya dala ang sasakyan niya? Whatever na, basta ang alam ko, kahit saan niya ako dalhin okay lang! Basta kasama ko siya.
"Gab, san ba tayo?" Tanong ko ng di parin siya nagsasalita.
Excited kasi masyado eh.
"Diyan lang, sa labas... Ililibre lang kita ng kwek-kwek." evil-smirk.
"Ha?" Mejo natigilan ako dun ah.
Yung mga iniimagine ko kasi sa mamahaling restaurant tapos candelight dinner. O kung masyado naman kaming bata para ganun, eh pwede ng movie-date tapos kainan sa YellowCab. Kwek-kwek? Masarap yun, pero wala bang... anyway, friendly date nga diba? Ba`t parang romantic yung mga iniisip ko lately?
"Bakit, ayaw mo?" Tumigil siya sa paglalakad. "Kung ayaw mo, uwi na lang tayo?"
"Hindi no! Kahit saan na!"
Tumaas ang kilay niya.
"Huh?" Napatawa siya bigla.
Anong tinatawa-tawa niya diyan? Kala niya ba di ako kumakain ng kwek-kwek? Humanda siya`t magpapabili ako sa kanya ng sampung kwek-kwek! Kala niya siguro makakatipid siya sa ginagawa niya sakin? Nagkakamali siya! Akala niya rin siguro maiinis ako sa kanya kaya ginagawa niya `to, mali siya!
"Ilan sayo?" Tanong ni Gabriel sakin.
"Sampu lang muna." HAHA.
"Ha?"
"B-Bakit?"
"Sampu?"
"O! Bakit? Angal ka? sige na!"
Nagdadalawang isip pa siya ng sinabi niyang, "Sampu sa kanya, isa lang sakin."
HAHAHA. Bahala ka diyan. Di ako nakapag-almusal at nag tanghalian. Pasado alas tres na no! Isasali ko na rin ang dinner ko sa mga kwek-kwek na `to!
"Gab, bilhan mo na rin ako ng sago, tapos coke, para matunaw yung mga bulate sa tiyan ko. HEHE." Nagpa-cute pa ako.
Ano ka ngayon? Diba? Ginagawa ko na siyang ATM, katulong, muchacho, at boyfriend! Joke. Bahala na siya. Kasalanan niya yan.
Ayun siya at binibili ang mga inuming gusto ko.
"Gab, dalawang Coke Sakto ah? HEHE." Umiling na lang siya.
Ako dito, hinihintay ko ang kwek-kwek namin. Tatlo pa lang ang naluluto, kaya kinain ko na yung unang dalawa.
Napasulyap ako kay Gab at nakita kong may kaharutang mga babae agad. Ayan na naman siya, ngiti ng ngiti. Pag ibang babae, ang mura lang ng ngiti niya. Pero sakin, ba`t ang mahal? Kung ngingiti siya, may masamang plano naman.
Bumalik na siya dala ang mga gusto ko.
"Salamat."
Sabay inom sa coke. Nga pala, natapos ko na ang limang kwek-kwek sa isang iglap.
Siya naman, kakasimula niya pa lang sa isa.
"Pang-anim na `to." Sabi ni mamang kwek-kwek.
"Salamat po."
Tapos kain ulit. Nakatingin naman si Gab sakin habang kumakain. Di na ako nagsalita.
"Nukaba? Baka bigla ka na lang mangitlog bukas ah? Sa dami ng nakain mo..."
"Gutom ako eh." Sabi ko habang sinubo ang pang-sampung kwek-kwek.
Dahil tumingin ako kay Gab, nahulog ito sa lupa at di ko na nakain. HUHU.
"Naku! Sayang!" I cried.
"Gutom ka pala? Di ka nag-almusal? Tanghalian?"
Nakatingin parin ako sa nasirang kwek-kwek. HUHU. Poor kwek-kwek...
"Hindi nga sabi eh! Pagkumain pa ako, baka di ko maabutan ang game mo! You know!"
Tapos, bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Galing sa nasirang kwek-kwek, napatingin ako sa kanya. Galit ba siya? Hindi ngumingiti eh.
"Sana pala sinabi mo! Pinakain sana kita ng maayos! Lika na nga! Saan mo gusto?"
Tapos binayaran niya na ang mamang kwek-kwek at hinila ako papasok sa school.
"Saan mo gustong kumain?"
"Kumain?" Ayiee, kinikilig na naman ako, hinahawakan niya ang kamay ko.
Tumigil kami pagkapasok namin sa school. Agad niya namang binitiwan ang kamay ko dahil sa mga epal na tumitingin saming dalawa. Ginagawan ko ba yun ng rason?
"Anong kala mo sakin? Ref? Busog na ako no! Okay na yun!"
"Anong okay? Dapat tamang pagkain ang kinakain mo! Wala ka pang kinakaing tama ngayong araw na `to."
Oyyy, concern ang lolo niyo.
"Okay na yun, Gab." Ayan tuloy, nagui-guilty na yata ako dahil masyado siyang seryoso at halatang sinisisi ang sarili.
Sa bagay, mejo nakakaawa ako nung nahulog yung kwek-kwek kanina.
Kawawang Gab, okay na naman ako eh, busog na. Di niya naman kailangang mag-alala ng ganyan. Baka mahal na talaga ako neto? Heller, Celestine! OA ka masyado. Bestfriends nga diba? Tsss.
"Busog na ako, Gab. hehehe." Bawi ko.
Tumingin siya sa likuran ko. Kaya ako, dahan-dahang tumingin na rin para makita kung ano o sino yung tinitingnan niya. Pero, di pa ako nakakatingin ng maayos, hinila niya na naman ako.
"Alis na tayo dito!"
"T-Teka, sandali!"
Ano bang nangyari sa Gabriel na `to. Bigla na naman akong hinila. Sino ba yung... pinilit kong tinwist ang ulo ko para makita kung sinong andun... TADA!!!!! Sino? Si Dexter! Si Dexter! Si Dexter! SELOS KA GAB? HAHAHAHA. Sige na nga, hilain mo na lang ako dali! HAHA
TWENTYFIVE
Celestine Herrera: Totoo namang mapapasagot niya ako agad eh.
Dahil masyadong mapilit at talagang desidido si Gab sa pagti-treat niya sakin sa labas (o pag layo sakin kay Dexter), sinabi ko na lang sa kanyang sa Mcdo ko gustong kumain.
Kahit na, mejo busog na ako... gutom lang ng konti... omorder parin ako ng pagkarami-rami. Siya pa talaga ang nagvolunteer na umorder. Nakakalungkot tuloy isiping, bumabait na siya sakin at lumalambot naman si ako. HUHU. Whatever! Sa tuwing nawawala ako sa concentration ko sa mga plano, iniisip ko na lang ang prom nung 3rd year high school ko. Masaklap. Masakit. Kaya nagigising ulit ang galit sa puso ko, at nagkakaroon ako ng lakas para sindakin ang Gabriel Soriano na yan.
"O! Eto na. Kala ko ba busog ka na? Ang dami nito!" Angal niya.
Akala ko pa naman mabait na siya. Feeling ko masyado.
"Umaangal ka ba? Bakit mo nga pala ako dinidate o nililibre ngayon? Kasi, sinira mo ang diskarte ko kay Dexter! Tapos, akala mo di ko nakita kaninang linayo mo ko kay Dexter kaya mo ko hinila?"
Di siya makatingin.
"S-Sige na! Kumain na nga tayo!"
Asus. Kita mo na! Ayaw niya talagang makipagtalo pa`g pinag-uusapan na namin si Dexter. HAHA. Buti nga sa kanya.
"Tsaka, Gab."
"Hmmm?" Tumingin siya sakin.
Tumingin ako sa mga french fries.
"Gusto ko nun!" Sabay turo sa poster.
Nagkasalubong ang kilay niya.
"Yung kulot na french fries." Smile.
"Ha? Eh ano bang kaibahan sa kulot na french fries at sa straight na binili ko? Magkasing sarap lang yan-"
I showed him my angry face.
"Kapal talaga ng mukha nito! Pasalamat ka bestfriend kita!" Tapos tumayo at bumalik sa counter para bilhin yung gusto ko.
"Pasalamat ka... mahal, este, bestfriend... din kita." Sabi ko sa sarili ko.
Whatever! Umaangal pa ang mokong. Uubusin natin yang pera mo Gab! Tingnan ko lang ngayon kung makakalimutan mo ang araw na `to. AHAHA. At dahil hindi nga niya `to makakalimutan, maiinlove siya ng todo sakin. At dun na ang katuparan ng matagal ko ng hinihintay na pagdurusa ng Gabriel Soriano na yan.
Iniisip ko pa lang naiinip na ako. Pagmanligaw si Gab sakin, parang training ng Philippine Military ang ipapadama ko sa kanya. Bawal tumingin kahit kanino, sa akin lang. Ipapagapang ko siya sa putikan. Ilulublob sa mainit na tubig. Lalagyan ko ng tinik ang damuhan habang pinapagulong-gulong niya ang kanyang sarili dito-
"Anong nangyari sayo`t namumula ka?"
Nyek! Nasa harapan ko na pala siya dala ang kulot na frenchfries na hinihingi ko.
"Ah? Ha? Ah eh... wala!" Ayan tuloy. Buti di niya nababasa ang isipan ko.
Napabuntong-hininga siya.
"Kumain na nga tayo! Mag aalas-sinko na eh. Di ka pa kumakain ng maayos. Ba`t ba Mcdo ang pinili mo? Marami namang restaurant diyan."
Habang sinasabi niya ang mga yan sakin, feeling ko kumikinang ang kanyang mga mata at mas lalo siyang gumugwapo. Ehem. Sorry pala sa mga inisip ko kanina ah? Wa`g niyo na lang pansinin yung tungkol sa Philippine Military, joke ko lang yun. AHAHA. May ganun? Bumibigay pala agad?
"Kasi... love ko `to!" Ngumiti ako.
"Love mo ko?" Nanlaki mga mata niya.
"LOVE KO `TO, bingi!"
HAHAHA. Gag0! Anong 'Love mo ko?' Ayan tuloy namumula siya habang kumakain.
Ako naman, di na tuloy ako makapagconcentrate sa pagkain kasi dumarami na ang pumapasok na kabalbalan sa utak ko habang tinitingnan ko siya.
Habang kumakain naman kami, napansin kong may pamilyar na mukhang pumasok sa loob ng fastfood.
Umupo siya sa katabing mesa namin ni Gab.
Syempre, makikilala niyo lang kung sino yung nakita ko pagkatapos magsalita ni Gab ng ganito, "Ikaw ba talaga ang may gusto sa kanya, o siya ang may gusto sa`yo?"
"Uy, Dexter!" Binalewala ko ang sinabi ni Gab at pinansing bigla ang walang kamuwangmuwang na si Dexter.
Kasama niya ang dalawang kaibigan niya.
"Uy, kaw pala!" He smiled.
Nginitian ko rin.
"What a coincidence!"
"Oo nga eh. Kanina pa kayo?"
"Cel!" Tinatawag ako ni Gab.
Di ko pinansin at tiningnan ko si Dexter.
"Mejo eh. San ka galing?"
"Bumili lang ng stuffs."
"Cel!"
"Ahhh. That`s great!" Matamis na ngiti ulit.
Ngumiti siya pero sumulyap siya kay Gab.
Ayan tuloy, kinailangan ko ring sumulyap kay Gab.
Lanya, pinaglalaruan niya yung kulot na mga french fries. Andami sa bibig niya.
"HAHAHA. LOKO!" Papansin masyado eh.
"Hehe." pa-cute masyado. "Uwi na tayo?"
"Ha?"
"O! Ipa-take out na lang natin yung iba." Tumayo na talaga siya.
Ayan na naman at desidido ulit na umalis. Kasi nga diba, andyan si Dexter! Yung crush kong si Dexter! HAHAHA
Sumulyap pa ako kay Dexter habang pinapatake-out yun ni Gab. Nakatingin naman siya sakin at, "Mauna na kami ah? Moody ang kasama ko-"
"Lika na!"
Di pa ako pinatapos!
"Sige!" Ngumiti siya at kumaway.
Hinila na naman ako ni Gabriel papalabas ng fastfood.
"Stalker!" Sigaw niya bigla.
"Huy, Gab! Sinong stalker?"
"Eh sino pa. Yung DEXTER`S LAB na yun!"
Tinakpan ko ang bibig niya. Katakot naman o. Baka marinig ng kung sino diyan or what.
"Nu ba! Sinundan tayo nun, sigurado ako!"
"Anong sinundan? Bakit? Bakit Gab? Feeling mo rin ba may gusto na si Dexter sakin?"
WAHAHAHA. SIGE NGA GAB? Speculations, eh?
"Wala no! Manyak kasi yun, alam niyang gusto mo siya kaya feeling niya naman agad ka niyang mapapasagot kung sakali!"
"Eh bakit ba? Totoo namang mapapasagot niya ako agad eh."
Tinitigan niya ako.
Ako naman, agad na guilty sa sinabi.
"Joke! HAHA."
"Hindi mo siya sasagutin, dahil hindi ako papayag."
Labels: Just That
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;