6th~
6th~
Summer: gusto ko lang ng bagong environment.
"Summer, ba`t ka nandito?" Tanong ni Lex.
Napatayo ako.
"Uh... nagtake ako ng exam eh. Titingnan ko kung... makakapasok ako sa school na `to."
Tumango si Lex, "O sige... goodluck!" Umalis siya.
Sinundan ko siya sa tingin. Ni hindi ko na namalayang nandito parin si Dave sa tabi ko habang tinitingnan ko ang buong detalye ng pag-alis niya sa harapan ko. Pumasok yata siya sa opisina ng presidente ng eskwelahang ito. Naiisip ko tuloy, ang layu-layo niya na sakin ngayon.
He's young and very successful. Responsable na rin siya at mature na, samantalang ako, nag-aaral pa, wala pang landas na gustong tahakin sa buhay, at puro puso lang ang iniisip. Parang ang liit-liit ng tingin ko sa sarili ko...
"Summer, you're spacing out." Sabi ni Dave. "May nangyari ba sa inyong dalawa nung boss mo?"
"Uh... wala." Nagsimula akong maglakad dahil nakita kong kakapark lang ng sasakyan nina Aliyah at Nadine. "Wala."
Lumabas naman ang dalawa. Si Nadine mukhang naninibago sa eskwelahan kaya tingin nang tingin sa mga tao, si Aliyah naman...
"Oh... Lex is here!" Sabi niya nang nakita ang bagong sportscar ni Lex. "Nagkita kayo?"
"Oo." I sighed. "Nagkausap kami."
"And??"
"Wala... of course, wala." Sagot ko.
Umiling si Aliyah. Napansin nila si Dave sa likuran ko.
"Oy Dave! You're studying here?" Tanong ni Nadine.
"Uh, yeah! Kayo?"
"No. Sasamahan lang namin si Summer." Sagot ni Nadine.
"So ano, lunch muna tayo?" Sabi ni Aliyah.
"O sige. Pero, siguro mas mabuti kung dito na tayo maglunch sa school." Sabi ko. "Dave, sama ka sa lunch? Para makapagkwentuhan tayo."
"O sige! Saan niyo gustong maglunch? Maraming cafe dito sa school. Iba-ibang klase."
"That's cool." Sabi ni Nadine.
Pinuntahan namin ang mga sinabing cafe ni Dave. At cool nga ang mga ito. Yung iba, fast-food-type, may mga sweets lang din ang pagkain, may mga coffee shop, may japanese foods, at iba-iba pa.
"Ang dami! At iba-iba pa. Kaso, nakakapagod na." Reklamo ni Nadine.
"Ang ganda nung bar type ah, daming gwapo. Tsaka, maraming tao sa mga cafe niyo ah. Sana ganito din sa school. Hay naku, kaya naman pala mahirap makapasok dito." Sabi ni Aliyah.
"Oo nga eh... hmmm, so ano, Summer? Saan mo gustong pumunta?"
"Napuntahan na ba natin ang lahat dito?"
"Hindi pa eh. Marami pang iba diyan."
"Ahhh. Saan ba yung wala masyadong tao?" Tanong ko.
Nakita kong mejo natigilan siya.
"Ohhh boring!" Sabi ni Aliyah.
"Kakain lang naman eh." Sabi ni Nadine.
"Uhmm... Sa Blue Rose, sa-"
"Blue Rose? Dun na lang." Sabi ko agad.
Hindi naman sa, naiintriga ako sa pangalan ng cafe na yun, pero talagang kumakalam na ang sikmura ko at kailangan ko ng kumain.
Hindi ko naman inakalang talagang nasa liblib na lugar yung sinabing Blue Rose. Mukhang jungle na ang lugar at hindi mo aakalaing may ganitong lugar sa loob ng school.
"Blue Rose? Ang layu naman kaya siguro walang pumupunta masyado dito. Kakain ka na nga lang mali-late ka pa. Tsaka... tunog flowershop din tong cafe na `to ah?" Sabi ni Aliyah.
Nakarating na kami. Kapansin-pansin ang mga puno sa paligid at mga rosas. Nakakapagtaka tuloy kung bakit Blue Rose ang pinangalan sa cafe na `to. Sobrang ganda din ang paligid. May pond at mga bench pa kung saan-saan. At totoo ngang mejo hindi matao dito kumpara sa ibang cafe nila.
Tumunog ang windchime pagkapasok namin.
At kamuntik na akong tumakbo sa nakita ko sa loob - si Lex!
"Lex," Tinawag ni Aliyah ang pinsan niya habang tinuturo samin ang table katabi ng table ni Lex.
Mukhang may ginagawa siya at maraming papel sa table niya.
"Aliyah! Why are you here?"
"Well, uhm, sinamahan ko si Summer." Sabay turo sakin.
Tumingin si Lex sakin at balik ulit kay Aliyah.
"You sure? Baka may pinuntahan kang boyfriend dito?"
"Wala noh! Seriously, I'm with Nadine pa nga eh. We're here to help her."
Tumango si Lex.
"Are you, like, waiting for someone?" Sabay tingin ni Aliyah sa katapat na upuan ni Lex.
"Uhm, yeah! Pupunta daw kasi si Kyla. Sinabi ko nalang sa kanyang nasa Blue Rose ako. How did you find this place?" Tanong ni Lex.
"Uh, si... Dave. Pinili kasi ni Summer yung 'cafe na di matao'."
Tiningnan ako ni Lex kaya tiningnan ko na lang ang menu.
"Ayaw niya ng matao?" He chuckled. "I thought you're cousins? And you hang out a lot?"
"Well..." Nagkibit-balikat si Lex.
Napakamot tuloy ako sa ulo. So ano naman kung ayaw ko ng matao ngayon? Tsaka... damn! Kyla's coming? Parang kinakabahan ako or something. Pakiramdam ko na naman ang liit-liit ko kumpara sa kanilang dalawa.
Umupo na si Aliyah sa harap ko habang nginunguso si Lex. Umiling na lang ako.
"So, Summer, ba`t ka nga pala lumipat?" Tanong ni Dave pagkatapos naming umorder.
"Uhm..." At paano ko naman ito sasabihin? "I-I was bored?"
Lintik! Ano bang sasabihin ko? Sasabihin kong may sinusundan ako? Hindi naman pwede diba?
"Huh?" Bahagyang tumawa si Dave. "Hindi nga?"
"Uhmm, basta... gusto ko lang... talaga."
"Ohh. Are you running away or something?"
"Huh? Hindi naman. Talagang gusto ko lang ng bagong environment."
Tumango siya. I was relieved that he believed me, or at least accepted my answer.
Ilang sandali, dumating na ang order namin. Pagdating ng order namin, dumating na rin si Kyla.
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;