thirtyone-thirtyfive
THIRTYONE
Celestine Herrera: Gianna, mga kaibigan ko.
"Gianna!"
Grabe, nanlaki ang mata ko habang nakikita ko ang pinsan kong si Gianna na nakatayo sa harapan ko at ngiting-ngiti.
Kasama ng kulot at kulay brown niyang buhok, makinis na kutis at Kulay blue na two piece. Yinakap ko siya.
"Sinong kasama mo dito?"
"Ah! Yung mga kaibigan ko, ikaw?" Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at umupo kami sa table.
Tumingin siya sa paligid.
"Yung mga kaibigan ko rin!" Ngiting ngiti parin siya ngayon. "Di ka ba maliligo?"
"Hindi eh." Napatingin ulit ako sa katawan niya. "Hanep ah, ang sexy mo talaga!"
"HAHA. Hindi naman." She blushed.
Grabe, isang taon lang kaming hindi nagkita pero parang ang laki ng pinagbago niya. Mas lalo siyang gumanda.
"Asan ang mga kasama mo?"
Tinuro niya ang dagat.
"Ahhh! Ako rin eh, andun din sila. Nandun nga rin si Jana eh."
Sinuyod namin ang dagat at nakita namin si Jana.
"Dami mong kasamang boys ah? Ano, may boyfriend ka ba jan?"
Ngumiti pa siya.
"W-Wala no! Hmmm, bestfriend lang."
"Bestfriend? Yung sinabi mo nun?"
"Ah oo eh."
"Nagkabati na ba kayo?"
"Mejo. Hehehe."
"Wow! Ipakilala mo naman ako!"
"O sige. Pag bumalik na yun."
"Gianna!" May tumawag galing sa likuran, tatlong babae.
"Mamaya na ako maliligo! Mag-uusap muna kami ng pinsan ko!"
"Okay!" Tapos umalis din naman yung tatlong kaibigan niya.
"Ba`t nga ba kayo nandito?" Tanong niya.
"Ahh, outing ng basketball team at ng cheering squad eh, sinama lang ako."
"Aww. Di ka sumali sa cheering squad?"
"Di eh! Di ako marunong! Ikaw ba, ba`t andito ka? Hmmm?" Nginitian ko siya.
"Ah... Farewell party ko lang `to. tss... Kainis nga eh. Kasi lilipat daw ako ng school kaya eto kami ngayon."
"Ha? Ba`t ka lilipat?"
"Ewan ko ba kay mama."
"Saan naman?"
"Hindi ko pa sure eh. Sana nga, kung lilipat man lang ako sa school niyo na lang para magkasama na tayo. Hmmm"
"Oo nga! Naku. Masaya yun!"
Mas masaya nga yun! O diba, madadagdagan ako ng ka-close!
"Sabihin mo kay tita na sa school ka na lang lilipat!"
"Oo! Sige! Sasabihin ko!" Excited pa ang pagkakasabi niya nito.
"Hmmm, kasama mo ba ang boyfriend mo? O... kayo pa ba?"
"Ah. Oo eh. Kami pa. Tsaka, di ko siya kasama. Mga babae lang kami dito. hehe."
"Anong reaksyon niya sa paglilipat mo ng school?"
"Hmmm, okay lang daw. Ang importante, magkikita din naman daw kami eh."
"Aww. Ipakilala mo ko sa kanya ah!"
"Oo naman!" Matamis ulit ang ngiti niya. "Okay din yung di kami masyadong nagkikita at di kami pareho ng school para makameet naman ako ng ibang boys! HAHAHA."
Tuamwa din ako.
"Gianna!" Naaninaw ko ang basang buhok ni Jana at excited na excited pa siyang bumati sa pinsan ko.
"Jana! Kamusta na!"
"Okay lang, ikaw!"
Tapos, nakita ko na rin sina Gab at ang iba pa na papunta samin.
"Andyan na pala mga kaibigan mo, aalis na ako, Cel ah?"
"O-Okay!"
"Uy! Sino yan?! Ganda ah? Kaibigan mo, Cel?" Tanong ni Jude.
"Huh? Hindi-" Hinila ko si Gianna. "Eto si Gianna, ang pinsan ko. Gianna, mga kaibigan ko."
Mga lalaki lang ang dumagsa samin, mejo natabunan pa nga si Jana eh. Yung mga babae naman, dumistansya ng konti. Ngiting-ngiti si Gianna habang pinapakilala ko sa team.
"Ehe-Ehem! I`m Gabriel Isaac Soriano. Ace player ng basketball team namin." Kasamang ngiti at pacute. "Bestfriend ng pinsan mong si Celestine. Nice meeting you!" Shet! Pati ako napangiti na dahil sa ngiti ni Gab.
Napawi lang ang ngiti ko nang nakita kong linahad niya ang kamay niya kay Gianna at nakipagshakehands din naman ito. Ngiting-ngiti din ang pinsan ko. Pareho silang dalawa, matatamis ang ngiti.
"Uyyyyy! Love at first sight?" Sabi ng teammates ni Gab at nagtawanan sila habang nakikipagkamay ang dalawa sa isa`t-isa.
THIRTYTWO
Celestine Herrera: Ilang segundo lang kayo nagkita nun
I snapped out of it. Hindi. Kitang kita sa mga actions ni Gab na gusto niya rin ako. In the end, we will end up with each other. Kahit matagalan man yan, sakin siya mapupunta kasi ako ang nauna. Sigurado akong pinagseselos niya lang ako ngayon. Tama, that`s it! Pinagseselos niya lang ako. Ang tanong: ipapahalata ko ba `to sa kanya? O hindi?
"Uh, aalis na ako ah? Hinahanap na kasi ako ng mga kaibigan ko eh." Nakangiti parin si Gianna habang tinitingnan ako. "Cel, alis na ako."
Kumaway siya samin at umalis na nga kahit na pinipigilan siya ng teammates ni Gabriel.
Hindi ko na rin siya sinundan at wala na rin akong sinabi kasi wala akong gana.
Napilitan lang akong sundan siya nung nakita ko sina Stacey at yung ibang kasama niya na nakatitig sa pinsan ko.
"Gianna, dito ka na lang dumaan." Sabay turo ko sa daanang malayo kina Stacey.
"Okay." Ngiti ulit siya.
Malayo na kami sa team kaya tumitigil siya sa paglalakad at lumingon ulit kina Gabriel.
"Siya ba yung bestfriend mo? Yung si Gabriel?"
"O-Oo."
"Ang gwapo gwapo niya naman! Wa`g mong sabihin sa kanyang may boyfriend na ako ha?"
"Ha?" Loading...
"Kung tatanungin niya lang naman eh! Kasi... you know, baka mag break na rin kami ng boyfriend ko dahil nga lilipat ako ng school."
"Ganun ba yun? Kailangan niyo bang mag break pag lilipat ka ng school?"
"Hmmm, basta... you won`t understand. Sige na, insan, aalis na talaga ako. Bye!" Tapos kumaway siya sakin at umalis na.
Tinalikuran ko na rin siya at humakbang patungo kina Gab.
"O! Grabe, pinagpipiyestahan yung pinsan mo, Cel ah? Haha. Ang ganda niya na kasi. Hawig mo siya ng konti pero kulot lang at kulay brown yung buhok niya tapos mas maputi pa siya sayo." Sabi ni Jana.
Tulala parin ako.
"Nu ba? Nung nangyayari sa`yo?"
"Wala naman. Hehe. Lilipat daw kasi siya ng school, baka sa school natin."
"Ahhh. wow naman. Bakit naman daw?"
"Uhm, hindi ko alam eh."
Ilang sandali ang nakalipas, kinailangan na naming kumain dun sa restaurant na inuupuan ko kanina. Ang daming pagkain at mukhang masasarap lahat. Kaya lang wala parin akong gana eh. Katabi ko si Gab at panay ang kain niya ako naman dito, halos di magalaw ang pagkain.
"Taga saan si Gianna? Saang school?" Tanong niyang bigla.
Napakain tuloy ako.
"Uh, hindi ko pa alam eh. Lilipat daw kasi siya ng school."
"Aww. Sana sa school natin siya lilipat. Sabihin mo sa kanya!" Napaka interesado naman ng boses niya.
"Sinabi ko na. Pero, ewan ko ba... di yata interesado eh." Sorry po.
"Huh? Bakit naman?" Natigilan si Gabriel. "Pero dahil nakilala niya ako, sigurado akong lilipat na yun sa school natin. HAHA."
Umirap na lang ako, "Feeling nito."
"Oo! Ang gwapo ko yata no, diba diba?" Dinamay pa ang ilang teammates niya at myembro ng cheering squad.
Umayon naman ang mga teammates niya at cheering sqaud. Yabang nito!
Buti nga wala si Stacey, nasa kabilang table eh.
"Hay, ang ganda niya talaga noh? Mejo hawig kayo, pero may something sa kanya. Ang sexy niya pa!"
Nakatitig na si Jana kay Gabriel. Ako naman, halos gutaygutay na ang pagkain ko sa kakahampas ko ng kutsara.
"Sexy lang yun kasi nakatwo-piece." Sabi ko.
"Oo nga! Kaya nga! Pero basta... ang ganda ng ngiti niya."
Hinanap ko na talaga si Stacey at nakita kong nagtatawanan naman sila ng mga ibang taga cheering squad.
"Ayun oh! Tumatawa si Stacey, ang ganda din ng ngiti niya." Tinuro ko si Stacey.
"Oo eh, pero iba si... Gianna."
Lintik! Pagkasabi niya ng GIANNA para akong linapitan ng isang milyong multo. Tumindig lahat ng balahibo ko at parang maloloka na yata.
"Anong iba? Eh kanina lang kayo nagkita nun eh? Si Stacey, ilang years mo nang kilala!"
"Ewan ko! Kaya nga iba diba?" Sabi niya sakin.
"Whatever." Galit na ba ako?
"Galit ka ba?"
"B-Bakit naman ako magagalit?"
"Aww. Wala lang. Ayaw mo kay Gianna?"
"Huh? Hindi! Pinsan ko yun eh!"
"Ayaw mo ba ako para sa kanya?"
"Huh? What are you talking about? Nagustuhan mo ba talaga siya ng ganun ganun na lang? Ilang segundo lang kayo nagkita nun eh. Sigurado akong nakalimutan mo na siguro yung mukha nun!"
Seriously, that fast? Eh kami nga, ilang years kaming bestfriends, enemies, strangers, friends, pero di niya ako NAKIKITA. Eh si Gianna? Ambilis naman yata!
Okay, Calm down Celestine! Tulad ng sabi mo kanina... may gusto si Gabriel sa`yo, at pinagseselos ka lang niya ng todo todo. Let`s go back to the MOMENTS! Yung mga pagseselos niya kay Dexter... yung pag-aalala niya, lahat.
"Hindi ko makakalimutan ang mukha niya no! Tumatak kasi agad sa isipan ko. Mejo hawig nga kayo eh. Kaso, iba talaga siya."
Sa oras na `to, gusto kong punitin ang pagmumukha ko.
"Pati yata sa puso ko eh, tumatak na rin yung mukha at pangalan niya." Ngumiti pa.
PUSO? PUSO ba yung sinabi niya?
Tinitigan ko na lang siya at binasa ang mukha niya.
"Nga pala, Cel, sila pa ba nung boyfriend niya noon?" Tanong ni Jana sakin.
Halos di ako makahinga sa tanong ni Jana!
Napatingin si Gabriel sakin at sumeryoso ang mukha niya.
"May boyfriend na siya?"
Unang tanong: Ipapahalata ko ba kay Gabriel na nagseselos ako o hindi?
Pangalawang tanong: Ano ang isasagot ko kay Gab?THIRTYTHREE
Celestine Herrera: Next time na.
"Meron!"
Sinubo ko ang pagkain ko at ipinakitang wala lang sakin ang pagsagot ko.
"Di nga?" Nakatingin parin si Gab sakin.
"Oo nga sabi eh! Sa ganda nun, panu mo naiisip na wala pang boyfriend yun?"
Katahimikan.
"Well, ganyan talaga ang buhay. Marami namang iba diyan..." Sabi ni Jana. "Sana nga lang di ka maagawan..."
"Naagawan na nga ako eh." Sabi ni Gab.
Natigilan tuloy ako. Ang sarap niya talagang sampalin. Kung pinagseselos niya ako, pwede bang tama na? Naiirita na ako sa mga sinasabi niya eh. At kung totoo man yun... hindi talaga pwedeng totoo yung mga sinasabi niya eh. Ilang minuto pa lang niyang nakilala si Gianna.
Ngayon, nakangiti na siya sa kawalan at para bang ang lalim ng iniisip.
"Di bale, boyfriend lang naman pala eh. May pag-asa pa ako. WAHAHAHA."
Nagkatinginan kami ni Jana.
Nagpatuloy na ako sa pagkain ko.
Napagdesisyonan kong hindi ko ipapahalata kay Gab na nagseselos ako. Hanggang sa umuwi na kami, hindi ko kailan man pinaramdam sa kanyang mejo dumidistansya ako dahil dun sa mga sinabi niya kanina.
Mejo, gumaan din naman ang pakiramdam ko dahil tumigil din naman siya sa pagtatanong tungkol kay Gianna. At sana din tumigil na ang pagseselos ko.
"Celestine," Bigla akong tinawag ni Stacey nung umalis ulit sina Gab para maligo.
"Bakit?"
Umupo siya sa tabi ko.
"Sorry ah pero, ang landi naman nung pinsan mo!"
Tulad mo siguro?
"Uh-"
"Taga saang school yun? Hindi naman sa naiinsecure ako pero..."
"Ewan ko, lilipat pa nga yata sa school natin eh."
Tumango siya.
"Stacey!" Tinatawag na siya ng mga kasama niya sa cheering squad.
"Andyan na ko!" At umalis din naman.
Akala ko si Stacey na ang pinakamalakas kong karibal kay Gab, mali pala ako. Sana lang di matuloy si Gianna sa paglilipat ng skul.
"Cel!" Tumabi naman si Gab sakin.
Basang-basa siya at linagay niya pa ang tuwalya niya sa leeg niya.
Kaya lang tulala ako para pansinin siya.
"Tulala ka na naman?"
"Uh, wala... hehe. Iniisip ko lang yung crush ko."
Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko sa sitwasyong ito.
Nag-iba ang ekspresyon niya.
"Ano ka ba naman... Mag-isip ka naman ng mas magandang dahilan ng pagiging tulala mo. Tsss."
Bakit, Gab? Pag sinabi ko bang tulala ako kasi nagseselos ako at iniisip kita, magugustuhan mo ba yun? Sa tingin mo ba matino yun?
"O sige, iniisip ko yung lessons sa school."
"Lessons? Eh sem break ngayon eh!"
Tahimik na lang ako hanggang sa tinawag siya ng mga kaibigan niya.
Bago siya umalis, "Cel naman kasi, dapat kasi naligo ka na rin para masaya tayo pareho. Ang lonely mo tuloy tingnan mag-isa dito..." Napabuntong-hininga siya.
"Okay lang naman ako dito eh. Di naman ako nagrereklamo." Diba? "Kasalanan ko rin naman eh."
Umiling siya at binigay sakin ang tuwalya niya, "O sige, hintayin mo ako ah?"
Tumango ako at umalis siya.
Ewan ko ba pero parang sumisikip ang dibdib ko sa mga sinabi ko sa kanya at sinabi niya sakin.
Gumagabi na nung pauwi na kami. Tahimik lang ako habang nakasandal sa mirror ng sasakyan ni Gabriel.
Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Jana ang nararamdaman ko kay Gabriel ngayon. Iniisip ko rin kung seryoso ba si Gabriel sa mga paglalandi niya kay Gianna. Iniisip ko ang lahat ng posibilidad at lahat ng bagay na pwedeng mangyari.
"Grabe, ang saya nga araw na `to!" Sabi niya. "Sobra."
Pinark niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
"Ano namang kinaganda ng araw na `to? Eh ang pangitpangit naman!"
May sagot akong ayaw marinig. Pero sana naman talagang hindi ko yun marinig. At kung marinig ko yun ng bonggangbongga, baka, sumabog na ang ulo ko sa inis.
"Kinaganda nito?" Inisip niya pa talaga. "Nakilala ko kasi si Gianna."
Bwisit na buhay naman o! Alis na nga ako. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya.
"Tse! OA ka naman. Alis na nga ako. Napagod ako dahil ampangit ng araw na `to. Hindi na nga ako nasiyahan sa beach, di ko pa nakita ang crush ko! Bye na, Gab! Tulog na ako!"
"Oi! Ambilis naman nito! Tambay muna tayo!"
"Wa`g na noh! Next time na. Gusto kong maligo sa banyo. Bye na!"
Umalis na talaga ako. Pero hinintay ko munang umalis ang sasakyan niya bago ako umakyat sa kwarto.
Lanya talagang buhay na `to. Kahit kailan ba, di gumanda ang araw niya dahil sakin? Leche talaga. Ang malas talaga. Ang malas malas ko. Ang malas niya dahil siya ang ang natipuhan ko! Ang malas niya sa bestfriend niyang may gusto sa kanya. Grrr.
THIRTYFOUR
Celestine Herrera: Saan naman tayo pupunta?
"Bilisan mo na diyan at baka iwan ka na!" Sigaw ni Kuya Sky habang inaayos niya ang sarili at ako naman ay nakahiga sa kama niya.
Sinabi ko namang ayokong sumama sa Family Reunion na `to eh, kaso lang mukhang kailangan talaga.
"Si mama kasi!" Reklamo ko sa loob ng kwarto ni Kuya.
"Ayaw mo ba nun? Isang araw lang naman eh. Makikita mo sina Tita at Tito... plus yung mga pinsan natin."
"Di ko naman close yung mga pinsan natin eh."
"Diba close kayo ni Gianna? O, andun siya! Move!" Sabay hila niya sakin.
Kaya nga kasi ayaw kong sumama sa reunion na yun dahil kay Gianna. Errr. Actually, magsasalosalo lang daw kami sa isang restaurant.
Sa huli, wala akong nagawa kundi sumama. Sapilitan na ito.
Lumabas ako ng bahay habang hinihintay si Kuya, si mama at papa na lumabas na rin at sumakay sa sasakyan ng...
"Pssst! Cel!" Si Gab!
"Oi!"
"May lakad kayo?"
"O-Oo." Smile.
Sa itsura niya, mukhang mag babasketball siya.
"Awww. Magkikita ba kayo ni Gianna?"
"Hi-Hindi eh." LOL.
"Aww. Akala ko naman. Nga pala... May pasok na next week ah? Alam mo naba kung saan mag-aaral si Gianna?"
"Hmm, di eh. Ewan ko."
Sana, hindi sa school namin! Please?
Tumingin si Gabriel sa mga dumarating na teammates niya yata.
"Oi Gab!" Lumabas din ng bahay si Kuya Sky.
"Oi! May laro ako! Di ka sasali?"
"Di muna. May lakad kami eh."
"Aw. Minsan ka na nga lang umuuwi dito, di ka pa naglalaro!" Biro ni Gab kay Kuya.
"Bukas na! Importante kasi `to. Lam mo na, family reunion."
Napaubo ako dun ah!
"Family Reunion?"
"Oo eh. Ayaw nga sumama ni Celestine. Kaso, di siya pinayagan ni mama. Ewan ko ba kung bakit ayaw sumama nito."
"Sumakit ang tiyan ko eh."
Nakatingin si Gab sakin. Ako naman, halos di makatingin sa kanya.
"Gabriel! Lika na!" Sigaw nung isang teammate niya.
"Andyan na!" Sigaw ni Gab. "Sige, alis na ko. Cel..." Ngumiti si Gab at umalis.
Buti na lang di niya tinanong kung makikita ko ba si Gianna o hindi. Hay naku naman o.
Pagdating namin dun sa restaurant, andun na nga ang mga tita at tito ko. Kumpleto din yung mga pinsan ko. Umupo na lang ako kung saan malapit sa pagkain. Si kuya Sky naman, umupo kasama ang ibang tita at tito ko.
"Hi Cel!" Kumaway si Gianna at lumapit sakin.
"Hello!"
Grabe, kulang nalang kuminang siya sa soot niya. Nakakainsecure talaga. Lalong lalo na kung naaalala ko yung araw na nagkakilala sila ni Gabriel.
Naging okay naman ang usapan namin ni Gianna. Halos dalawang oras kaming nakaupo dun at kumakain paminsan-minsan, pero sa dalawang oras na yun wala siyang binanggit na Gab o kahit anong tungkol sa bestfriend ko. Naisip ko tuloy na kabaliktaran silang dalawa ni Gabriel. Si Gab kasi, halos minu-minuto, binabanggit si Gianna. Si Gianna naman, wala talagang nababanggit na Gab.
"Enrolled ka na ba?" Biglang tanong ni Gianna.
"Oo. Ikaw? Saan ka nga pala mag-aaral?"
"Hehe. Enrolled na rin ako. Hmmm."
Hinintay ko ang idurugtong niya...
"Actually... hay, sige na nga! Dapat kasi sosorpresahin kita eh! Enrolled na ako sa school niyo!"
"What?" Mejo pangit yung reaction ko kaya binawi ko sa mukha, ngumiti ako. Pinilit ko.
Masaya ako, syempre pinsan ko siya. Pero... ewan ko ba. Ba`t marami akong iniisip na hindi maganda tungkol sa kanya. Ang sama ko naman!
"Oo! I`m so exciteddd!" Gigil siya pagkasabi niya nun.
"Hahahaha! Pero... ano? Yung boyfriend mo ba, okay na?"
"Uh, ewan ko eh. Cool off pa kami nun. Bahala siya sa buhay niya!"
"Huh? Bakit?"
"Di kasi makaintindi eh. Ayaw niya talaga sa ideyang lilipat ako ng school! Tsss. Bahala na nga siya. Marami pa namang iba diyan eh, diba?"
Sa mukha niya, inaasahan niya talagang a-agree ako sa sinabi niya.
"Nga naman... Pero sayang ah! Hindi mo na ba siya mahal?"
"Hmmm, mahal naman no!"
Tumango ako.
Hindi na lang siguro ako magtatanong kasi mukhang mas nalilito pa ako.
Pero parang na iwan yung pag-iisip niya dun sa huling tanong ko eh kaya dinagdagan niya yung sagot niya, "Ayyy basta! Ewan ko sa kanya! Kaya ko naman siyang iwan kahit mahal ko siya! As if naman..."
Tiningnan ko siya habang nakatingin siya sakin.
"Basta, di mo yun maiintindihan! Di ka pa kasi nagkaboyfriend eh."
Aray! The truth hurts!
"Anyway, kita mo ba yung car na yun?" Sabay turo niya sa Car na nakapark sa labas, kulay pula pa ito.
"Oo, bakit?"
"Car ko yun! HAHAHAHA."
"Wow! Talaga?"
"Oo, binilhan ako ni mama. Hmmm. Ang cool diba?"
"Oo! Sobra!" Kainggit naman!
"Gusto mo alis tayo dito? Boring na eh."
"Ha? Saan naman tayo pupunta?"
"Punta tayo sa bahay niyo! Di pa ako nakapunta dun eh! Dapat alam ko kung saan yung bahay niyo no! Syempre, future classmate na kita!"
"HA?"THIRTYFIVE
Celestine Herrera: Hah? Akala ko ba-
Dahil masyadong desidido si Gianna sa plano niya, siya na talaga ang nagpaalam kina mama at papa para lang payagan ako. Pumayag naman sila kaya natupad lahat ng kinakatakutan ko.
Lord, sana si Gab nasa basketball court pa! Sana di pa siya umuuwi hanggang ngayon!
"Sa kaliwa naman..." Sabi ko kay Gianna.
Siya ang nagdi-drive, ako ang nag na-navigate.
Tinitigan ko talaga ang bahay nina Gabriel nung dumaan kami at sinigurado kong wala siya sa loob.
"Dito lang." Sabi ko nang napatapat na sa bahay namin.
"Yes! Sa wakas! Alam ko na kung saan ang bahay niyo."
Lumabas kaming dalawa sa sasakyan. Siya naman, tumitingin sa paligid.
"Ang gaganda ng bahay dito ah? Marami sigurong cute dito. May kilala ka sa kapitbahay niyo?"
"Ah? Wala masyado eh... Di naman kasi ako gumagala dito. Uhmm, pero maraming kaibigan si Kuya Sky."
"Ahh, ganun ba?"
Napatingin ako kay Gianna. Para kasing wala siya sa sarili niya habang nakatingin kung saan.
"Sige `tol! Bukas ulit!"
"Sige bah! Maglalaro din si Sky bukas!"
"O sige..."
Kung minamalas ka nga naman oh! Si Gabriel!
"Gianna, pumasok na tayo? Naiinitan ako dito eh."
"Ow... Sige sige." Pero hindi parin niya matanggal ang mga tingin niya kay Gab.
Bilis na kasi! Bago pa tayo makita ni...
"Oh is that Gab?"
Oh come on!
"Uy Cel... Gianna!" Tumakbo si Gab samin.
Ang laki na ng ngiti nito kahit malayo pa.
"Cel, pupunta pala si Gianna sa inyo, di ka man lang nag text!"
"Aw... Kasi-"
"Pero okay lang!" Nakangiti na siya kay Gianna ngayon.
"Oh my! You play ball?" Nakatingin si Gianna sa soot ni Gab.
"Oo eh."
"Wow! I wanna see you play!"
"Talaga? Sayang, kakatapos lang ng laro namin eh."
Celestine, EXIT!
"Aww. Sayang naman. But... Okay lang! I`ll transfer in your school soon..."
"Wow!" Ngiting-ngiti na talaga si Gab ngayon.
Yung ngiting, kahit kelan eh hindi ko pa nakikita sa kanya.
"Makikita mo na akong everytime maglalaro ako ng basketball, varsity kasi ako eh."
"OMG! Really? Sige, I`ll try to be in your school`s cheering squad para mas lalo kitang makita! Hehehe."
Umubo ako, pero walang pumansin sakin. Nagkakatinginan lang yung dalawa at para bang may nagsasabi saking hindi ako pwedeng makealam sa kanila.
"Gianna, pasok na tayo sa loob? Gusto ko ng umupo eh. Inuuhaw pa ako."
"O sige, sure!"
Gianna lang ha? Wala akong sinabing, Gab! Kaya Gab, chupeee!
"Gab, wanna go inside?"
"Talaga? Okay lang ba?"
"Okay lang naman diba, Cel?"
"H-Huh?"
Lecheng buhay na `to! Okay lang ba? Tinatanong pa ako? Eh may magagawa pa ba ako?
"Okay na okay!" Sobrang sarcastic ng pagkakasabi ko pero walang nakahalata sa kanilang dalawa.
At sobrang inis ko pa kasi ako lang talaga ang tuluyang pumasok sa bahay namin. Silang dalaa, naiwan sa labas. Naiwan sa garden namin at umupo sa picnic table dun.
Bwisit! Kulang nalang magdadabog ako dito habang umiinom ng tubig. Omygulay!
What will I do? Nasa labas sila, talak nang talak at tawa nang tawa. Dapat lumabas ako dun, diba?
Lumabas ako at umupo sa tabi ni Gianna.
"Oh! Ako nga eh, nung nasa Japan ako, di talaga ako pumayag na dun na mag-aral kasi nahihirapan akong mag adjust! Grabe, ang galing mo! Nakapag-aral ka pala sa States! Grabe siguro yung pag aadjust na ginawa mo!"
Ano? Nakapag-aral din naman ako ah? Di nga lang sa labas ng bansa. Hindi pa nga ako nakalabas ng bansa. Ayan tuloy, out of place ako dito.
Pero di ako umalis, kahit OP ako. At least, alam ko kung anong pinagsasabi nitong pinsan ko at ni Gab. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext na si Jana... Oo, ganito ako ka bored ngayon.
Me: Jana, andito si Gianna sa bahay ngayon. Mukhang nagkakabutihan na yata sila ni Gab. Do u have any plan?
Pagkatapos ng limang minuto, saka pa nakapagreply si Jana.
Jana: Ba`t siya naryan? Anong nagkakamabutihan? No!
Me: Nag-uusap silang dalawa dito. Out of place naman ako. Wala akong masabi.
Jana: Ipauwi mo na yang si Gianna. Leche, masisira yung plano ko eh.
Me: Oh no!
Nawawalan na talaga ako ng pag-asa dito. At mukhang nag-iisip pa ng plano si Jana dun. Hindi ko na tuloy alam kung pinapaisip ko ba siya ng plano para matupad yung mission naming saktan si Gab o dahil naiinis lang ako pag nakikita kong may kasamang iba si Gabriel.
"Oh! Nga pala... so, panu na yung boyfriend mo?" Mejo sumeryoso ang nakangiting mukha ni Gabriel.
Gusto ko ang part na `to! Sabi naman kasi eh, may boyfriend na si Gianna! Kaya Gab, stop it!
"B-Boyfriend?" Sumulyap si Gianna sakin. "Wala na kami nun."
"Hah? Akala ko ba-" Cool-off?
"N-Nakita ko siyang may kasamang ibang babae." She frowned. "He lied."
Ha? Totoo ba iyan? Hindi ko alam yan ah? Di nga?
Totoo nga yata kasi, tumulo ang luha ni Gianna sa harapan namin ni Gabriel eh.
Agad naman itong pinunasan ni Gabriel.
"I loved him! Pero hindi niya ako minahal!" Gab reached for her hands.
Yumakap naman si Gianna kay Gabriel.
"Okay lang yan, Gianna. You`ll find someone better."
EXIT, Celestine!Labels: Just That
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;