<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Step 11-20


[STEP #11] BRIDGETTE REAH FRANCISCO: Ba't kasi...dito...



Nakarating din kami sa wakas. HMP. Dito sa pinakamalaki at pinakasikat na gym at spa dito sa syudad namin. HMMM. Nung pumasok kami, nabigla ako kasi...

"Rico!! Napasyal ka?!" Sabi nung isang lalaking instructor ata dun.

???

"Rico!! Kamusta na?" Sabi nung babaeng instructor ata sa aerobics.

"Okay lang!" Ngiti ng ngiti ang NERD na si Rico.

Out of place ba ako?

"Uy Rico! Girlfriend mo?"
"Sya na ba si Sandy?" Dumagdag pa ang dalawang babae.

SANDY? Ako?

"Hindi ah!" I rolled my eyes. ::) Sabay cross-arms at pinakita ang Louis Vuitton na bag.

"Ay! Hindi nga! Di naman sya mabait! Tayo na nga!" Umalis ang dalawang ingrata!

"Langya! Sapakin ko kayo mga pangeeet! Naghahanap ng away ah! NAKU!"
"Gette! Tama na nga!"
"Kasi, how dare they compare me with Sandy! NAKU!"
"Oo nga!"
"Anong Oo nga? Talaga!"


Sinapak ko sya. GRR. >:(

"Aray naman!" Sabi nya.
"Uy Sir! Ano yan? Under ka ni HONEY?" Sabay tawa nung matandang janitor.

"Po? Ano po?" Tanong ko.
"UHH.. Manong! Di po kami!"
"AAAH. Naku! Kayong dalawa! Sa lagay nyong yan di pa kayo? HAHA. Nung araw, ganun din kami ni misis eh! Sya na ba si Sandy?"
"Po-?"
"Hindi po! Si Bridgette po!"
"Ahhh! Sino ba yan? Di mo pa nabanggit yan ah!!!" Linapitan ni Rico ang matanda.

Ako naman, andito lang, tumitingin-tingin sa paligid. Ang laki ng gym. May spa pa dito huh? Tsaka, bakit ang daming kaibigan ni Rico dito? Akala ko ba ako lang ang tumanggap sa kanya bilang kaibigan? Ang NERD na yun! SINUNGALING!

"Hoy Rico!" Lumingon ako, kaaalis lang nung matanda.
"Ano?"
"Loko ka ah! Kala ko ba wala kang kaibigan?" Tanong ko.
"Na ka age. Puro matatanda ang andito eh. >:( Tsaka, di ako makapagshare ng mabuti."
"Huh? Kailangan pa bang maging ka age para..."
"Hindi naman sa ganun, iba yung paningin nila dito sakin. Sa paningin nyong lahat doon sa skul. :( "

Tumango ako.

"NERD ang paningin nyo sa akin doon, samantalang dito...HARI."
"Hari?"

Umalis sya at kinamusta ang lahat ng tao dun.

PAPANONG HARI? PRINSIPE? LOL.

"Alam mo kasi, sya ang may-ari ng gym at spa na to..." At umalis ulit ang matanda.

ANOOOO? SYA? MAY-ARI? Kaya palaaaa. Kaya pala ang daming pera ng mokong na NERD! Kaya pala ang ganda ng hubog ng katawan! Kaya pala ayaw ng mag-gym! Kaya pala! ANG NERD NA YUN!

Linapitan ko ulit sya at sinapak!

"Hoy! Ikaw pala ang may-ari ng gym na to!"
"Oo!"
"Ba't di mo sinabi?!"
"Tinanong mo ba?"
"PILOSOPO!"

Nakuuu.. Ang NERD! Ang daming datung nito! Kaya pala hindi namomroblema sa pera. Ilang sandali...
"Gette! Bukas na ako magsisimula dito sa gym. :) Mag gym ka rin kaya?"
"Ano? Ayokong magka muscles no!"
"Edi magpa spa ka kahit minsan para sabay na tayo!" Ngumiti sya.

Nagkatinginan kami.

Ayan na naman... Ayan na naman ang feeling! Di maari to! Ba't di ko maalis ang paningin ko sa guwapong pagmumukha ng NERD na to? HUH? WAAAAH. Ayoko na! Di pwedeng ganito ko sya iniisip. Baka, nasobraan lang ako ng kape kanina. Yoko na!

"Ehem.. UHM. Ginugutom ako." Sabi ko para lang maistorbo ang katahimikan.

"Ahh! Sige! Bili tayo ng makakain!"

OKAY! Sana sa restaurant! O sana sa bahay nila. Siguro malaki ang bahay nila at maraming maid. Alam ko na! Sa bahay nila kami pupunta! YEHEY!

"Oi Rico! Sa bahay nyo na lang kaya tayo kumain?"
"Huh? ba't naman?"
"Kasi...uhm... lagi kang pumupunta sa bahay namin, pero di pa ako nakapunta sa inyo!"
"Pero, malayo eh!"
"Sige na please???!" Sabi ko sabay pa cute sa kanya!

"O sige na nga! Bili muna tayo ng pagkain!"
"YES!" Abot langit ang kasiyahan ko!

I'll be meeting his parents! Kasal na lang ang kulaaang! LOL. GETTE! Anong hangin na ba ang pumapasok sa utak mo? Ayoko sa kanya! Ayoko sa NERD! Ayoko! AYOKO! Di maaring magkagusto ako sa OUT-OF-THE-LINE ng taste ko. NO WAY. I can't afford to fall in love for the FIRST TIME sa isang lalaking di ko gustong magustuhan!

"Uhh. Gette?"
"Huh?"
"Dito ka muna huh? Bibili lang ako ng makakain sa loob!" Sabay turo sa isang lumang karinderya. Anong?
"Ba't dito ka bibili?"
"Masarap dito!"
"Huh? Anong masarap? Itsura pa lang nakakasuka na!" Hinawakan nya ang shoulder ko at tinapik.

"Gette! Don't judge the book by its cover kasi!!!" Sabay pasok sa loob.

"Hah! Theres no way na papasok ako sa mumurahing mabahong lugar na yan! HAHA. Langya, kala nya siguro susundan ko sya para magpaimpress? Magpaimpress na kaya kong pumasok sa mga ganyang lugar! Di ako plastik no! HAH."

Dito na lang ako sa labas. Ang pangit ng lugar na to! Squaters area siguro to. HMP. Rico talaga! Napaka kuripot!

"Hello Miss beautipul! Kanina ka pa dito ah?" Sabay hawak sa legs ko.
"SY1T!" Tinulak ko sya kaya lang malakas ang matanda.

"O! Pare, inaayawan ka! HAHA >:D " Sabi nung isa.

Amoy alak ang dalawa! Mga lasiing! NOOO! Uh... Kaya kong takbuhan o sapakin ang dalawang to! Di ako hihingi ng tulong sa Ricong yun noh! GRR.

"Ano Miss? Aayaw ka ba?" Sabay hawak sa magkabilang braso ko. HUHUHUHU.
"Ano ba!!" Tinulak ko pero ayaw talaga.
"Ambango mo miss." Sabi nung isa at inamoy pa ang buhok ko.

OH NOOOO! RICOOO. Binabawi ko na ang sinabi ko.

"Bitiwan nyo ako!"
"Bitiwan??? Alam ko namang aayaw-ayaw ka lang eh!!" sabi nung isa...

Oh my gosh. I DON'T KNOW WHAT TO DO.

"RICO!!!--Bitiwan nyo ak-"

At ngayon, yinayakap na ako ng isa... Di ko mapigilan ang mga luha ko. Katapusan ko na ata?? NOOO!

Nagtawanan ang dalawa nung biglang...

*SUNTOK*

Si Rico.

Tumilapon yung isa at napatulog nya ata sa ISANG SUNTOK.

"Loko ka ah!" Umamba ng suntok ang pangalawa pero nasangga to ni Rico at sinuntok ng isang malakas na suntok.

Kung bakit ko alam na malakas ang suntok? Kasi tulog agad!!!

Yumakap ako sa kanya, mahigpit na yakap.

Yumakap din sya sakin.

"Rico! Akala ko... akala ko.. *hikbi* Rico..."
"Shhh. Tama na Gette! Andito lang ako!!!"

Patuloy ako sa paghikbi. Yumakap ako at ang ulo ko'y nasa dibdib nya. :'( Naririnig ko ang mabilis na pintig ng puso nya, kasabay to sa mabilis at malakas na pagpintig din ng puso ko.

"Rico... Walang hiya! Ba't-" Hikbi ako ng hikbi. I'm catching my breath. "Ba't kasi...dito...mo...pa...ako...dinala..." Iyak parin ako ng iyak.

Yinakap nya ako ng napaka higpit. Sya ang kauna-unahang lalaking yumakap sakin ng ganito ka higpit.

"Andito lang ako. Wag kang mag-alala!"

I feel secured in his arms. :'(
He made me feel secured in his arms. :'(



[STEP #12] Bridgette Reah Francisco: mahal mong si Sandy


“Bakit kasi yan ang sinusuot mong damit?” Napatingin ako kay Rico.
“E ano naman ngayon kung ganito ang damit ko?” ::) I rolled my eyes habang yakap ko ang unan sa sofa nila.
“Dapat kasi, konserbatibong mga damit ang mga sinusuot mo eh!” Sabay tingin sa damit ko.
“Konserbatibo? Eh sa komportable ako sa ganito eh!” GRRR.>:(

Tahimik kaming dalawa nung nagsimula syang ihanda ang pagkain namin. Oo, andito na kami sa bahay nila. Malaki, as expected, pero di mansion. Napansin ko ang nakaparking na sasakyan sa labas. May sasakyan pala ang nerd na to? Ah, siguro sa papa nya.

“UHH. Rico, asan nga pala ang mama at papa mo” Tanong ko.

“Huh? Ahhhh. Ang totoo, hiwalay na si mama at papa, pareho silang may sariling pamilya na. :) “ ngumiti sya.
“Ano? Ibig sabihin, ikaw lang mag-isa sa bahay na to?”

Tumango sya.

“Ha? Kelan lang? I mean, papanu nangyari?” Mas marami pa akong tanong.
“UH, college na ako nung magsimula akong mamuhay mag-isa. Tapos, sa Australia ako nag highschool kung saan dun din si Papa nakatira kasama ang pangalawang pamilya.”
“Kung ganun, ikaw lang mag-isa ang nagmamanage nung gym at spa? Papanu mo yun nagagawa? Ang bata-bata mo pa ah?”

Hindi sya sumagot. Panay ngiti lang ang binibigay nya sakin hanggang sa...

“Kain na tayo, Gette!”

Tiningnan ko ang pagkaing binili nya dun sa pipitsuging karinderya. Lumapit na ako sa dining table at...

“Kung wala ako dito, ikaw lang ba mag-isa ang kumakain?”
“Oo.” Ngiti ulit.

Papanu nya nagagawa ang lahat ng yun? Samantalang ako, umiiyak ako pag kumakaing mag-isa kaya pinapapunta ko sina Anya kung may business trip sina mama. O di kaya sa labas ako kumakain kasama sila.

"Kaya nga, gusto ko sa inyong bahay eh, kasi kumpleto ang pamilya mo! :) "
"Uhhh. Ganun bah?"

Naku. Kawawa naman pala sya! HMMP. Nagkamali ako. Dapat di ko sya inaaway kasi napakamiserable pala nung buhay nya.

"UH. Kung gusto mo, pwede ka naman dun sa bahay kung nalulungkot ka. O, pwede na rin ako dito kung kailangan mo ng kasama."

Naku. Gette! Ba't mo yun sinabi? GRRR. Baka lagyan nya ng malisya yan. Isipin pa nyan na may gusto ka sa kanya. Tapos, lalaki ang ulo. Tapos paglalaruan ka! TEKA! Ba't nya ako paglalaruan? Di ko naman sya sasagot! HEH! Gette! Ano ba yang iniisip mo!

"Este...wag ka ngang drama! Kain na tayo!" Binawi ko.

Kumain na kami. Habang kumakain kami, tinitingnan ko sya. Kawawa talaga sya, di ko maisip ang buhay nyang mag-isa. Tapos, sa eskwelahan binubully pa sya. >:( Ba't kasi di sya lumalaban eh. May katawan naman sya pero pinapalambot nya ang kanyang sarili! GRRR. Di marunong lumaban! O baka naman bading ang isang to? HMP.

Pagkatapos naming kumain, may nakita akong gitara sa tabi ng malaking tiger na figurine nila.

"Ehe-ehem. Marunong ka bang mag gitara?" Sabay turo ko sa gitara.
"Oo!"
"ANOOO? Marunong ka? How about the electric guitar??? Base?" Tanong ko.
"Oo!" ???

"Kung ganun! Ba't di mo sinabi sakin!! Ang cool-cool mo na pala eh! Kulang ka nga lang sa direksyon! >:D "
"Kaya ka nga andito diba?" Sabi nya with those eyes again.

Rico naman! Wag ka masyadong ganyan pwede? Naiirita na ako sa pagpapacute mo...HUHU Tigilan mo nga yan at nahuhulog ako sayo.

"Yun na nga ang step four!!!! Dapat ipakita mo sa lahat na marunong ka nyan! Sumali ka sa isang banda!"
"A-ano? Di-di ko kaya!"
"HA? ano ka ba? Ang duwag-duwag mo talaga anoh?"
"Huh? Di ako duwag ah!"
"Siguro may stage fright ka nohhh? HAHAHA >:D "
"Wala no!!!"

Napaisip sya...

"Baka kasi di ako magustuhan ni Sandy eh."

YUN YUN EH!

"SH1T! Ang tanga mo naman! Sinong di magkakagusto sa mga ganyan? HUH? Naku talaga..." GRRR..
"O--O sige, pero saka na, sasabihin ko muna kay Sandy. :) "

GOSH! Batukan ko to ngayon noh! Masyadong conscious sa sasabihin ni Sandy! G@GO pala sya eh!

"OHHH SYA. Wala na talaga akong magagawa sa mga ka chakahan mo dyan sa mahal mong si Sandy! SIGE! Bilisan mo na yung pag ji-gym mo at yung date nyo...HMP."
"Okay. :) "

Di ko talaga ma gets. Habang tumatagal ko syang kinakausap mas lalo ko syang nakikilala at the same time, mas lalo kong nakikitang gustong-gusto nya si Sandy. Habang tumatagal akong nakatitig sa kanya, mas lalo kong iniisip kung crush ko na ba sya o ano na?

Di naman siguro, infatuated lang...kasi, PAMBIHIRA, di ako pwedeng magkandarapa sa lalaking di ko naman DAPAT type!



[STEP #13] Bridgette Reah Francisco: Tingnan mo tuloy!


He started the car engine.

"May sasakyan ka pala!!" Sabi ko as I fastened my seatbelts.
"Pero, loko-loko ang makina nito eh."
"ANO?" Humalukipkip ako.

"Oo! Mapilit ka kasi eh! Bahala ka!"

Then the car started. HMP. Oo! Pinilit ko syang ihatid ako sa bahay namin! GOODNESS! Sa ganitong oras, ipapagtaxi nya ako? WAW naman Rico! Batukan kita ngayon! NAKUUUU Talaga tong lalaking to.

Hindi na ako umimik habang nasa loob ng sasakyan nya. Mabango ang sasakyan, mukhang bago kaya di ako makapaniwalang nag loloko to. NAPAKA BORING! Binibilang ko na lang ang mga sasakyang dinadaanan namin para at least di ako ma bore to death. Hanggang sa biglang tumigil. Akala ko traffic, kaso hindi eh.

"OH." Sabi nya at napabuntong hininga pa.
"Why? What happened? Don't tell me..."
"Oo!" Ang sama ng tingin nya sakin. >:(

"Hoy! Sinisisi mo ba ako?"

Lumabas sya at tiningnan kung ano ang sira.

"So ano? Maglalakad tayo?" Tanong nya.
"Anong maglalakad huh? SH1T!"
"Eh sabi ko naman kasi sayo eh..."

Binatukan ko sya.

"At bakit? Malay ko bang ganito pala talaga?" Tiningnan nya ulit ang soot ko hanggang sa matataas kong takong.

"Mahal to no!" Singit ko habang pinapakita ang takong ko.
"Nagtatanong ba ako?"
"Come on Rico! Ano na? Wala ng jeep dito! Panu na? Malayo pa tayo!"

"Mag lakad na lang kasi tayo eh! O, tawagan mo ang Papa mo!"
"Naku! Tulog na ang mga yun! Tsaka, baka akala nila nasa bar ako."

*KRIIIINGGG...*

Agad kong binuksan ang cellphone ko.

"Di natin pwedeng iwan ang-"
"SHHH! Hello?"

Tumatawag si Hiro.

"Gette? Asan ka? Wala ka sa 1720 ah?"
"Ah eh...nasiraan kami eh."
"Huh? Sino ba ang kasama mo? Saan kayo?"

Narinig ko ang malakas na tunog ng motor nya.

"Huh? Ah..."

Pinatay ko ang phone ko.

"GHAD! I can't believe I almost told him we are here! Sh1t!"

Umiling si Rico at itinuro ang isang inn.

"Dun na tayo magpalipas ng gabi!"
"ANO?"

Sa mga sandaling yun, di na ako nakapagreklamo. Kahit pangit tingnan na sa isang inn kami pupunta para ngayong gabi, wala na talaga akong ka wala!

"Buti pa si Hiro...di nya siguro hahayaang ganito ang mangyari!" Bulong ko.
"Edi si Hiro na lang sana ang pinasundo mo!" Singit nya.
"Alam mo namang di pwede diba?"

Tumahimik kaming dalawa. Pagdating namin sa inn... wala masyadong tao. CREEPY nga eh. Kung di lang talaga mailaw, mapagkakamalan ko tong haunted house. Kumuha kami ng isang kwarto at agad pumasok.

"I can't believe we're here!" Sabi ko habang nakatayo sa pintuan at nakita ko syang hinubad ang TSHIRT at humiga sa kama. "A-ano ka ba!" Sabay lingon ko sa labas.

"What?" Tingin nya sakin.

Kumurap-kurap ako. "You're displaying your..." Heavenly body! WHAT?
"Huh?"
"Yeah right, whatever!"

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis o kung kanino ako naiinis. Di ko rin alam kung bakit parang gusto kong tumawa ng tumawa na lang buong gabing yun.

"Di ba mag-aalala ang Mama at Papa mo?" Tanong nya habang nangalumbaba sa kama. Pumasok na ako at sinarado ang pinto.

"I ti-text ko na lang!" Habang hawak ko ang cellphone ko, ay nakita kong tumatawag ulit si Hiro.

"Hello?" Tumingin si Rico sakin.
"Where are you?"
"Ah! Okay na ako! Nasa bahay na!"
"Sinong kasama mo kanina?"
"Ah! Bestfriend ko!"
"Sino?"
"Si..Uhm..Arianne."
"Okay! Ingat ka!"

Sabay patay. Arianne---bestfriend kong wala sa syudad na to. sige! Sinungaling ka talaga Gette!

"Si Hiro?"

OH MY. I can actually smell his scent na parang lalakeng lalaki. Ba't di ko yun naaamoy pag may damit sya? Di man lang ako makatingin ng maayos.

"Uh, yeah?"
"Wow. He is so caring!" Sabay ngiti.
"yeah! TSSS. Too bad..." di ko na tinapos. Too bad I don't feel anything when I'm with him.
"HAY. Kayo na ba ulit?"
"Huh?" I chuckled. "Di ah!"
"GOOD."

GOOD?

"Huh?" Ibinaling kong mabuti ang paningin ko sa kanya.
"Don't settle for someone you don't like!" Tumango ako.

Tumayo ako at bubuksan ko sana ang kurtina ng bintana sa harap ng madulas ako sa di malamang kadahilanan.

"Gette!" Sabay salo sakin.

In just one snap, nasa bisig nya na ako. Its...just...so...fast...

As fast as my heart beat. >:(

At dahil di naman sya si superman, sumalpok kaming dalawa sa sahig at nahalikan ko sya ng disoras. I touched my lips at nakita ko syang napapikit sa sakit ng kanyang likod.

"A-are you..fine?" Tanong ko at umayos. Agad ko syang inalalayan.

It's a kiss. NO MEANING AT ALL. But why am I losing my control? SYIT! This can't happen to me! This can't! I mean, ni hindi ko nga na feel ito ever since kahit ang dami kong lalaki. Di pwedeng sa kanya ko to maramdaman! HELL!

"Ang sakit ng likod at siko ko!" Agad kong nakita ang mga sugat sa siko nya.

"SH1T. Bakit mo ba kasi yun ginawa? Tingnan mo tuloy! Kung hinayaan mo na lang sana akong namatay sa sahig e di sana nagkaganito?!" I'm worried! Of course, he saved me.
"I don't want you to be hurt!"

I know. I know what he means. WALANG MEANING. Ayokong lagyan ng meaning pero namfutsa bakit parang diksyunaryo ang utak ko ngayon? Nagbibigay ng maraming meaning? AHHHH


[STEP #14] Bridgette Reah Francisco: this close


"I don't want you to be hurt!"

SH1T. Inalalayan ko sya para makaupo ng maayos at tiningnan ko ang kanyang sugat. Di naman masyadong masakit (siguro) pero dumugo talaga sya. Mahapdi.

"Ayan tuloy!!" Kinuha ko ang alcohol sa loob ng bag ko at kumuha ng bulak sa first aid kit ng kwarto namin.

"Sa susunod kasi mag-ingat ka!" Sabi ko ulit habang linalagyan ko ng alcohol ang sugat nya.
"Aray!" Sabi nya habang hinawakan ang braso ko.

"You're hurt!" Sabay tingin ko sa braso kong may konting gasgas. >:(

Hinawakan nya to at binawi ko agad.

"Loko ka ba? Ikaw na nga yung nasaktan sa likod at nasugatan tapos ako pa ang inaalala mo?" Umupo sya ng maayos at nakikita ko sa kanyang mukha ang sakit na nadarama nya sa kanyang likod.
"You're hurt too." Sabay kuha ng bulak at alcohol para gamutin ang kapiranggot kong sugat.

"Rico. Wag ka ngang masyadong---uh..." Dahan-dahan nyang ginamot ang sugat ko at binalewala ang mga sinasabi ko.

SWEET.

Bakit ganyan na ito ngayon sa paningin ko?

"Ang mas mabuti pa, yung sugat mo ang unahin natin!" Sabi ko habang palihim nyang sinuntok ang likod nya.

Bakit parang naiinis ako? Naiinis ako dahil malapit sya? Naiinis ako pero di sa kanya! Naiinis ako pero di sa sarili ko? Naiinis ako sa nararamdaman ko kapag malapit sya. >:(

"May masakit ba sa katawan mo? Nabalian ka ba?" Tanong nya.
"Ano ka ba! Binobola mo ba ako? Ba't ganyan ang mga tanong mo? Anong tingin mo sakin, made-out-of-glass?" Sasapakin ko na talaga to ngayon!

Nakita kong palihim nya ulit na ininda ang sakit sa likod nya.

"Sige na! Tumalikod ka! Imamassage ko ang likod mo!"
"Ha?"
"Wag ka ngang tumunganga riyan! Bilis na!"

Pasalamat nga sya't nag offer ako! Kung di lang kasi nya ako sinagip eh. HMP. Tumalikod naman sya.

"Anong malay ko, baka nabali ang likod mo o ano---tapos pag namatay ka, ako pa ang sisisihin mo at hindi matatahimik ang kaluluwa mo!"

Minasahi ko ang malapad na likod nya. Anak ng... hindi ko talaga maiwasan ang pag-iisip sa kanya. Ang bango-bango at ang lambot-lambot pa ng balat. Purmadong-purmado ang mga muscles at wala kang maipipintas sa kanyang katawan. ANG KISIG-KISIG.

Pinuk-pok ko ang ulo ko. Ano ba kasi ang iniisip ko... baka lumala lang ang infatuation ko neto!

"Gette!" ARAY NAKU. Lumakas ang pintig ng puso ko.
"Huh?" Sabi ko habang minamassage ang likod nya.
"Unang halik ko yun!"

Para akong binagsakan ng malaking bato pagkasabi nya. Nalimutan ko ang parteng iyon! Nalimutan kong nahalikan ko sya. CRUSH KO, NAHALIKAN KO. Ghad!

"Unang---halik?" Tumango sya.
"Sa iyo ko naibigay."

Sumalpok na naman ang mga bato sa ulo ko pagkatapos nyang sabihin yun. I bit my lower lip! Nag simula na namang magwala ang puso ko.

"So? Should I say sorry or what?" Yeah, alam kong di nya balak sakin ibigay yun.

Haller! What's the big deal ba? Kung first kiss? Smack lang naman yun eh! Ano ba tong isang to.

"Bading ka ba?" Biro ko.
"Huh?"
"Bakit big deal sayo ang ganun? Sa babae lang ata yun big deal eh! Bading ka ata eh?" GRR...

Hindi sya nagsalita. Napailing ako at minamasahe ko parin sya.

"So...masyado mo siguro talagang dinibdib yun? Kung sa bagay, NERD ka eh... kaya siguro. Sige, ganito na lang... ERASE that thing on your mind okay? Isipin mo na lang na di yun nangyari!"

Habang sinasabi ko yun, bigla kong naramdaman na pabigat ng pabigat na ang kanyang katawan. Hanggang sa sumandal na sya sakin!

"RICO! Ano ba!" Sabi ko.

Nakatulog na pala ang NERD. Ang himbing ng tulog, parang walang kausap kanina. Kung nakatulog sya sa halip ng pag-iisip tungkol sa unang halik nya, ibig sabihin---it was not a big deal!

"Aray!" Di ko maigalaw ang katawan ko dahil ang bigat nya, umayos ako pero di ko talaga makuha ang kanang kamay ko na sinasandalan ng ulo nya.

Hahayaan ko na lang bang ganito kami buong gabi? NO!? Pero, di ko na maigalaw ang braso ko at mukhang wala na akong magagawa. Kung gisingin ko to makikita nya ang kalagayan namin ngayong daig pa ang bagong kasal sa pagkakatabi sa kama.

Ilang sandali, lumingon sya sa akin (pero nakapikit parin ang mata). OH LORD. His lips is almost touching my cheeks. I can't move for even 1degree kung ayaw kong mahalikan sya. Halik?

"Rico. I hate it when you're this close!"

At parang di na ako dinadalaw ng antok sa kakaisip sa halik nya! Bakit parang ako pa ngayon ang nagkafirst kiss kanina? Bakit ako ang nag-iisip sa halik at hindi makatulog, bakit di sya?

"My first kiss was with you."

ANAK NG NYETANG DAGA. Gising ang NERD? Napalingon ako sa kanya at nahalikan ko ulit ang NERD. Uminit ang pisngi ko, pati ang ulo ko nung nakita kong patay sa tulog sya.

"Rico! Wag mo nga akong biruin dyan!!! Gising ka ba?" Sigaw ko. HALA. Narinig nya kaya yung pinagsasabi ko kanina?

Di sya nagsalita, natulog lang sya ng mahimbing.

Dont tell me this NERD is thinking about it kahit tulog na sya. And oh my ghad 'my first kiss was with you'.



[STEP #15] Bridgette Reah Francisco: Si Rico?


"Parang ayoko na!" Pabulong kong sinabi ang tunay na laman ng aking ISIPAN---Hindi puso!
"Huh? Anong sabi mo?" Tanong ni Rico sakin habang inaayos ang kwelyo niya at sinuklay ang buhok niya sa harap ng salamin namin.

Isang linggo. Tama, isang linggo akong nag-isip simula nung nastranded kami sa hinayupak na inn na yun nang na REALIZE kong mahal ko siya. HINDI KO SIYA MAHAL. Kasasabi ko lang pero, hindi yun ang ibig kong sabihin. Mas tumpak sabihin na---may nararamdaman ako sa kanya. Okay. Tama iyon! May nararamdaman ako sa kanya at di ko iyon maipaliwanag. Unang pinagdudahan ko na mahal ko siya pero langya papanu ko mamahalin eh naiinis nga ako sa pagmumukha niya.

"Gette? May sinasabi ka ba?" Sabi niya habang inaayos ang three roses na dadalhin niya para sa date nila ni Sandy.
"Sabi niya, parang ayaw na daw niya!" Napalingon ako at bumulaga sakin si Mama at si Papa na nakatayo sa gilid ng pintuan.
"Ma... Ano ba? Akala ko ba aalis kayo?"
"Hay naku, bukas pa no!" Sabi ni Mama.
"Alam mo Gette, dinig na dinig ko ang sinabi mo kanina kaya wag mong iwala ang usapan okay?" Singit ni Papa.

Tinitigan ko sila ng parang di na natutuwa sa mga sinbi nila.

"Okay, okay, aalis na kami. Di na kami makikialam! BABAYOOOO!" Agad namang umalis ang dalawang asungot.

Linock ko na ang pinto para masiguradong di sila makapasok.

"Gette? Ayaw mo na? Ng ano?" Tanong ng manhid na si Rico.
"Ha? W-wala." Palusot ko.

Inayos niya ulit ang buhok niya sa salamin.

"Ayaw mo ng makipagdate ako kay Sandy?"

TUMPAK. Este, ba't naman ako aamin aber? My pride men. I can't tell him that! Baka masira lang ang pagkakaibigan namin. Pagkakaibigan. Kailan nga ba nasisira ang pagkakaibigan? Kapag may na inlove ng isa? Pero, kapag in love ang isa at in love din ang isa---inlove sa isa't-isa ibang usapan na iyon. MAS MAGANDANG USAPAN. Pero, hindi eh. He loves that NERDY-Sandy.

"Hindi ah! Ba't naman magiging ayaw ko nun? Wala, pagod kasi ako ngayon!" Napabuntong-hininga ako.

Lumapit siya sa akin at... "Gette! Wag ngayon! Eto na ang pinakahihintay nating sandali! Ngayon ka pa susuko?"

Hinihintay mong sandali. Hindi natin. Impyerno kaya to para sa nananahimik kong puso noh.

"Oo alam ko! Kaya nga andito parin ako." Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang pagngiti niya. "O sige na! Bilisan mo na! Tandaan mo yung mga sinabi ko ah!" Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "Yung tanong ah? Tanungin mo kung gusto ba niya ng ganoong lalaki---the banda dude or something like that! Wag mo muna siyang tanungin tungkol sa panliligaw mo ah? Kundi lagot ka sakin."
"Oo na." Sabi niya ng walang kabuhay-buhay.

Alam niyo. Mahirap talagang aminin ang tunay na nararamdaman. Kasing hirap ng pag-amin na kaibigan ko ang NERD na Ricong ito. Kaibigan ng isang sosyal na gaya ko. GRRR...

"Aray!" Naman, ang hirap namang bantayan ang dalawa! Nakapagtago nga ako dito sa isang silya ng isang table.

Ang dami namang tumitingin sakin. Nagtataka siguro kung bakit ganito ang itsura ko dito sa tabi. Itinaas ni Rico ng palihim ang thumb niya para senyasan akong okay na silang dalawa roon at pwede na akong LUMAYAS. alangya. Okay fine!

Padabog akong tumayo sa pagkakasquat ko para lang magtago sa silyang yun. Tumalikod ako at bumulaga sakin si... "Anong ginagawa mo riyan?" Tanong ni Hiro.

Si Hiro. Namfutsa. Anong gagawin ko? Nakita niya? Si Rico? Lumingon ako kay Rico at Sandy ng nakita kong mabuti ang kalagayan ng dalawa habang hinahawakan ang menu. Napansin kong tumingin din si Hiro sa banda nila kaya hinila ko siya papalabas ng restaurant.

"Teka. Gette! Anong ginagawa mo dun?"
"Wala. May sinundan lang ako. :) "

Come on Gette! Let your brain work! Anong pwedeng palusot? Anong mas magandang palusot ang pwede?

"Ah! Lika. Punta tayo sa 1720 ngayon. Hinahanap ka na nina Anya at Sam. Di ka na raw masyadong nagpapakita eh."
"Ha? O sige!" Isang beses ko pang liningon ang table na kinaroroonan nina Rico at umalis na rin kasama si Hiro.

Ano kaya ang gagawin ng dalawang yun? Ano ang sasabihin ni Rico? Di kaya siya ma-torpe? Di kaya niya mabulilyaso ang plano? Ano ang mangyayari sa kanila?

"Sh1t. Penge pa nga ng isa!" Sabi ko habang inilagok ang panglima o pang-anim na baso ng tequila.

Nakangangang nagmamasid si Anya at Sam sakin.

"Akala ko ba kami ang papainumin mo ngayon? Bakit ikaw ang umiinom riyan? At parang ikaw pa ata ang uubos ng inumin mo?" Tanong ni Sam.
"Edi uminom din kayo! Simple." Inilagok ko ulit yung pang-pito.

Ang sakit-sakit na ng ulo ko. Ang anghang na rin ng hininga ko pero ewan ko kung bakit gusto kong lasingin ang sarili ko sa gabing iyon.

"Oo nga pala, asan na ba si Hiro? Kanina pa siya wala ah?" Tanong ni Anya habang tiningnan ang bawat sulok ng bar.
"Isa paaa!" Sabi ko. Wala na ako sa sarili? O talagang gusto kong mawala sa sarili?
"Ayan na pala siya!" Sabi ni Anya habang nakikita si Hirong binigwasan ng isang lalaki.

Naghiyawan ang lahat ng nakita nilang bumagsak si Hiro. BUMAGSAK SI HIRO?

"WOOOOOOOO. Sino yun? Di ko siya kilala ah? Pero, ewan ko. Mukhang... si Rico?" Sabi ni Sam na pumukaw sa naglalasing-lasingan na damdamin ni ko.
"Si Rico?" Sabi ko habang tiningnang mabuti kung si Rico nga.

Nakita kong umamba ng suntok na di na-tuloy si Hiro dahil agad siyang sinuntok ni Rico. Napatayo ako at nawala ang pagkalasing ko.

Bago umalis si Rico linagok niya ang isang bote ng alak. Sa pagkakaaalam ko, malakas ang tama ng alak na iyon.

"Wow. Rico is cool!" Sabi ni Anya.

Nagkibit-balikat si Sam nung nakita niya akong umalis sa table.

"Tutulongan mo si Hiro?" Tanong nila.
"H-ha? Uhhh.. Hindi." Susundan ko si Rico. Pero, di ko masabi. "Magc-cr lang ako."

Umalis ako para sundan si Rico. Anong nangyari?




[STEP #16] Bridgette Reah Francisco: Sabi ko nga.


"RICO!" Ang bilis ng lakad niya.

Hilong-hilo pa ako, kaya di ko siya maabutan! LINSYAK.

"RICO! SANDALI!"

At sa wakas, tumigil siya sa paglalakad. Doon pa sa harap ntg park kung saan ko nakita ang makabagbag-damdaming eksena nila ni Sandy noon. Humarap siya sakin sabay turo sa 1720 at tumigil ako sa paglalakad.

"Sabihin mo dyan sa boyfriend mong panggulo na wag niya ng ulitin yung ginawa niya kanina!!!" Sabi niya. Sa mukha niya, inis na inis siya sa nangyari.

"B-Bakit? Anong ginawa niya? Tsaka, di ko siya boyfriend! Pwede bah."

Dalawang Rico na ang nakikita ko. Epekto ng alak. SIYET. Papanu to? Ewan, nakokontrol ko pa naman ang isip ko at sinasabi ko. Kaya lang, iba na ang paningin ko.

Pakiramdam ko, kapag naglalakad ako para akong nasa walkalator. At saka, mukhang gusto kong dumuwal. Kaso, pinipigilan ko. ARGH. Naparami ata ang inom ko.

"Kanina, bigla na lang siyang sumulpot sa date namin ni Sandy. Tapos na ang date namin nung sinabihan niya si Sandyng pangit ang soot at napaka-jologs. >:( " Umiling siya at bumuntong hininga. "Walang hiya talaga yung walang modong lalaking iyon. Umiyak tuloy si Sandy. Akala pa ng ibang tao na ako ang nagpaiyak sa kanya. Agad kasing umalis yung boyrfiend mong yun eh!"
"Di ko nga sabi siya boyfriend eh! >:( "
"Ahh basta. Si Hiro. Nakakainis talaga. Di na ako nakapagpigil. Pagkatapos kong hinatid si Sandy, dumiretso na ako dito para bigwasan siya. Tsaka, kung di mo pa siya boyfriend, wag mo siyang sagutin ah? Napakawalang-hiya niya! Di ka nababagay sa kanya."

Ewan ko kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya. Magiging masaya ba ako dahil concern siya? O baka umiyak ako dahil puro Sandy ang lumalabas sa bunganga ng NERD na to na MAHAL ko na. Lintik na pag-ibig.

Parang naduduwal na naman ako kaya kinuha ko yung isang pakete sa bag ko. Minsan ko lang to ginagamit. I mean, ngayon ko lang to gagamitin. Nagagamit ko lang to kapag ganitong naduduwal ako sa maling pagkakataon.

"Nakainom ka ba?" Tanong ni Rico habang pinapanood akong naghahanap ng kung ano sa bag ko.
"Sh1t." Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit kasi.

At sa wakas, nakuha ko na ang hinahanap ko.

"O.. Ano yan?"

Di na ako nakapagsalita. Basta ko nalang sinindihan ang sigarilyo. DEMN IT. Eh sa naduduwal ako at kelangan ko ng ganito sa pagkakataong ito.

DEPRESSED PA.

"Akin na nga yan!" Sabay kuha sa sigarlyo at tinapakan pa.

Kinuha na rin niya ang buong pakete at tinapon sa pinakamalapit na basurahan.

"Ano ba?" Pinandilatan ko siya. Bakit ba kasi masyadong pakealamero. Sino ba siya? Boyfriend ko ba siya? WALANG HIYA.

Bakit ko siya susundin? Bakit ako matatakot. Sino ba siya? Ano ngayon kung mahal ko siya?

"That's bad."
"I'm bad!" I crossed my arms.
"Gette! Ano ka ba! Nakainom ka ba? Amoy alak ka na! Naninigarilyo ka pa! Sinisira mo ang buhay mo eh!"
"Di ah!" Pinandilatan ko ulit siya.

Di na nga ako makatingin ng diretso dahil hindi ko na makontrol ang mga mata ko.

Tumalikod siya at iminuwestra ang likod niya.

"Huh?" Bakit ba?
"Sige na. Sumakay ka na dito sa likod ko. Di ka makakauwi sa inyo dahil ganyan ang kalagayan mo! Sa bahay ka na lang magpalipas ng gabi."
"Ha? Ano ka? Baka akala mo dahil ganito ako pwede mo na akong pagsamantalahan? EXCUSE ME! Matino parin ako noh!"
"Huh? Sinong nagsabing pagsasamantalahan kita?" Tumawa siya. "Come on! I already have someone I love."
"Sh1t. Ano naman ngayon? Eh lalaki ka naman! Ganyan ang mga lalaki. Kahit di nila gusto yung babae, they can always do it! Nature na nila iyon! Kaya nga dapat sa mga lalaki ay sinasaktan! HAHAHA."

Loko. Traydor ang bunganga ko. Iba na ang tono ko. Iba na ang lumalabas sa bibig ko. OH NO! Di naman siguro ako magsasalita ng mga about LOVE ano? Di ko naman siguro maaamin sa kanya. HINDI! Hinding hindi ko iyon sasabihin. Kahit na magunaw ang mundo.

Siya na lang ang dapat makaisip na may gusto ako sa kanya! Di ko pwedeng sabihin sa kanya! HINDING HINDI. HINDI. HINDI. HINDI NGAYON? Este. Hindi talaga. As in NEVER.

"Haha. You're funny. Male species are like that! Natural na sa kanila ang ganun. Kaso, iba na kapag may minamahal na. Ibang usapan na."

Sandy. Na naman.

"Ngayon, halika na at alam kong di ka na makakalakad ng diretso at malayo pa ang sasakyan ko dito!"

Lumapit ako ng padabog at pinukpok ang ulo niya.

"Aray!" Sigaw niya.
"Sasakyan mo? Baka masiraan na naman tayo?"

Linagay ko ang mga braso ko sa leeg niya at inayos niya ang mga paa ko. Ang lapad ng likod niya. WHEW. What do I expect? May ari siya ng isang gym. So, probably dun niya nakuha ang mga muscles and all stuffs. Nagsimula na siyang maglakad. Amoy na amoy ko ang buhok niya. AWWW.

"Di na tayo masisiraan. Pinaayos ko na yun. Natuto na ako noong nastranded tayo sa mukhang haunted house na inn."

Hanggang sa naramdaman kong nakarating na ako sa sasakyan niya. Agad siyang nagdrive. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang nasa daanan kami.

"Gette?"
"Hmmm?"
"Ang ganda ni Sandy kanina no?"
"Hmmm." So what? I'm still hotter than her. SHHH.. Gette! Hold back.
"Alam mo? Pumayag na siyang ligawan ko. MAY PAG-ASA AKO."
"The hell I care!"

Biglang tumigil ang sasakyan. Napatingin ako sa paligid.

HAY AKALA KO GALIT SIYA.

"Traffic lang pala." Nasulyapan ko si Rico na tumitingin sa akin. "Ano na naman ba?" Pumikit ulit ako.
"Gette naman! You should be happy for me!"
"OO!" Binuksan ko ulit ang mata ko at nakita ko siyang nakasandal sa manibela habang nakatitig parin sakin.

Pumikit ulit ako... "Oo na! Sige na! Masaya na ako! ACHIEVEMENT. Whatever."
"Bakit parang napipilitan ka lang!"
"HAHAHAHA. Anong gusto mo? Magpasagasa ako sa tren dahil sa tuwa na nagpaligaw na rin sa wakas yung...walang hiyang...nerd na yun?"
"Wag mo nga siyang tawaging ganyan!"
"Eh sa, totoo naman eh! NERD NERD NERD."
"NERD DIN NAMAN AKO AH!"

Binuksan ko ulit ang mata ko at nakita kong kumunot ang noo niya habang pinaandar ang sasakyan dahil green na ang traffic light.

"Oo nga! Sabi ko nga!"

NATATAKOT AKONG MAGALIT SIYA SAKIN. :'(



[STEP #17] Bridgette Reah Francisco: ang lalaking pinaka gusto ko... ay...


"Gette?"

Naamoy ko yung linuluto niya pero di parin ako gumagalaw sa pagkakahiga ko sofa ng sala niya. Nakapikit na rin ang mga mata ko pero ayoko pang matulog.

"Gette. Tulog ka na?" Sabi niya ulit habang mas naamoy ko na ang luto niya. "Kumain ka!"

Dumilat ako. "Kape na lang pwede?" Pumikit ulit ako.
"Di pwede."

Dumilat ako at kumunot pa ang noo ko.

"Bakit di pwede?" Aray ang sakit ng ulo ko.
"Ma dedehydrate ka niyan!"

Nakita ko siyang naka-squat sa harap ko habang pinapanood ang pagidlip ko sa sofa. Bumuntong hininga ako at pumikit ulit.

"Sige na! Pinagluto kita! Kumain ka na! Sabay tayo. Malungkot kumain mag-isa."

Pinandilatan ko siya nung nakita ko ang mga mata niyang hindi ko matatanggihan. Pero, kaya ko paring mag inarte.

"Sh1t. Kumain kang mag-isa mo! Di mo ba nakikitang gusto ko nang matulog?"
"Hahayaan mo ba akong kumain ng walang kasabay?" Lambing niya.

Kaya, tumalikod ako sa kanya at hinarap ang kabilang bahagi ng sofa.

"Kung gusto mo ng kasabay, tawagan mo si Sandy!"

*I NEED YOU BOO...I GOTTA SEE YOU BOO...-*

Tunog ng cellphone kong nasa bag ko sa mga sandaling iyon. "Hello?" Sinagot ng NERD.

Pinilit kong bumangon at umupo sa sofa. Light-headed. Ang galing. Sa puntong ito, inaamin ko sa sarili ko na LASING na ako. Ni hindi ko na maayos ang paningin ko, pati ang ulo ko di ko na matuwid ng maayos. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kay Rico.

"Si-Si Gette?"
"Rico, si Mama?" Tanong ko habang ilinagay ang ulo sa sofa.
"UH. Wala, uhm. Wala siya rito."

Ba't niya dinideny na andito ako? Si Mama lang naman iyan ah. Nakita kong in-off niya ang cellphone ko.

"Ba't di mo sinabi?" Tanong ko.

Inilapag niya ang cellphone ko sa mesa na nasa harapan ko at nagpunta agad siya sa kitchen.

"HOY! Rico!" Sigaw ko.
"Halika na dito! Kumain na tayo! Ambagal mo talaga."

Tiningnan ko muna ang cellphone ko. Nakita kong si Hiro pala ang tumawag kanina. Kaya napilitan akong tumayo at maglakad ng wala sa tono. Buti na lang at di malayo ang kitchen.

Nakita ko siyang tulala habang may limang french fries sa bibig niya na. OH. Kahit ganito ang pag-iisip ko, I still find him cute.

"Hoy! Anong sabi ni Hiro? Sinabi mo bang Rico ang pangalan mo?" Umupo ako sa harapan niya sabay twist sa leeg ko.
"Hindi." Nginuya niya ang kanina pang nakatambak na french fries sa bibig niya. "Inumin mo iyan." Sabay abot ng isang tasa.

"Anong sinabi niya?" Tanong ko.

Binigyan niya ako ng isang malagkit na titig kaya kumunot ang noo ko.

"Boyfriend mo na pala siya, ba't di mo sinabi?"
"Huh?" Napahawak ako sa leeg ko. "Boyfriend?"

Pumikit ako.

"Sige na! Saka na lang, inumin mo na ang tsaa mo. Tsaka, kung ayaw mong kumain, wag na lang. Amoy alak ka. Kailangan mo ng magpahinga."

Ininom ko ang tsaang ibinigay niya. Ang init, ang sarap sa tiyan.

"Anong sabi ni Hiro? Di ko nga kasi siya boyfriend!"

Tumambak na naman ang french fries sa bibig niya. HE IS SO CUTE with that look. Parang bata na pinaglalaruan ang french fries.

"Ganyan ka na ba talaga ka lasingera? Bakit parang ayos ka pa rin kahit amoy na amoy ko ang alak sa kinauupuan ko?"

AKALA MO LANG YUN! Ang totoo... sumandal ako sa mesa.

"HAAAY naku." Linapitan niya ako at binuhat patungo sa kwarto niya. "Isa lang ang kwarto ko kaya pagtiyagaan mo na!"

Ay naku. Na feel ko na ang lambot ng kama niya. Ilang sandali, umalis siya at bumalik din agad na may kasamang kape (naamoy ko kasi).

"Rico."
"Hmmm?"

Nakapikit ako pero ayoko pang matulog. Marami pa akong gustong itanong.

"Anong sabi ni Hiro?"
"Hmmm. Boyfriend mo daw siya at sino raw ako. Nagtanong din siya ko asan ka. Andami niyang tanong kaya binaba ko na!"
"Ganun ba? Hindi ko siya boyfriend, gag0." Sabi ko habang humarap sa kasalungat na direksyon kay Rico. "Asa siya."
"Ba't ka nga ba walang boyfriend ngayon?" Tanong niya.
"Ay ewan."
"Sino ba ang gusto mo ngayon?"
"Hmmmm?" Patay, pinagsasamantalahan ata ako nito, VERBALLY.
"May gusto ka ba ngayon? O baka naman, may taong seryosong gusto mo pero natatakot ka lang magseryoso?"
"Hmmm? Ha. Ha."
"Meron noh? Kasi, milagrong wala kang boyfriend ngayon. Tsaka, ba't wala akong alam tungkol sa lovelife mo?"
"Samantalang ako... alam ko ang lovelife mo?" Sabi ko.
"Oo. Sino ba ang gusto mo, Gette? Sino ba ang mahal mo?"
"Gusto mo ba talagang malaman, Rico?" Tanong ko.
"Oo."
"Ayoko. Hehe. Baka mailang ka! Baka magalit ka! Baka di mo na ako kaibiganin?"

Humarap ako sa direksyon niya at nakita kong seryoso siya habang lumalapit sakin at inilapag ang tasa ng kape sa isang mesa.

"Hindi ako magagalit. Hindi ako maiilang. Tsaka, ba't naman ako maiilang at magagalit? Masisiyahan siguro!" Kumunot ang noo niya.
"Kung ganun... ang lalaking pinaka gusto ko, at mahal ko na yata ay..."


Lumapit pa siya kaya ngumiti ako.


"Si Piolo Pascual."


HAHAHA. Asa siya, never. Hinding-hindi niya malalaman.




[STEP #18] Bridgette Reah Francisco: Kunin mo siya.


"Gising na, Bridgette!" Narinig ko ang boses ni Rico at may amoy kape ulit.

"WALANG HIYA! May pasok ba!?" Agad akong bumangon.
"Wala! Sunday!" Sabay abot sa cellphone ko. "Tinawagan ko na yung Mama at Papa mo."

I rubbed my eyes.

"Kamusta na si Piolo? HAHA" Tumawa siya.
"Wag mo nga akong biruin!" Gumalaw ako para tingnan kung sumakit ba ang ulo ko. "Abaaa. Di na masakit ang ulo ko ah!"
"Siyempre! Yung tsaang ininom mo kagabi, pampawala iyon ng hang-over."

Tumango ako habang pinagmamasdan siyang naka white na long-sleeve na para bang ang cool ng dating. Binuksan niya ang isang pintuang may kurtina sa gilid at nakita ko ang araw. May balkonahe pala dito? Tsaka, may nakita pa akong duyan at sumakay siya doon habang hawak ang tasa ng kape.

Pumunta na rin ako doon at linanghap ang sariwang hangin. Ang ganda ng view. Kahit malayo talaga sa city itong bahay nila o niya, at least may ganitong tanawin diba? Di tulad samin, subdivision - boring. Puro mga bahay lang ang makikita mo.

"Kamusta na si Piolo?" Lumingon ako sa kanya at nakangiti siya.
"Ano bah! Binibiro lang naman kita eh!" Sabi ko.

Hindi naman siya nagsalita.

"Kamusta ang date niyo?" Tanong ko.
"Hmmm?"
"Maayos ba? Except sa part na umepal si Hiro?"
"Ayos naman. Actually, nabigla siya nung nalaman niyang sasali ako sa isang banda at mukhang mas naging interesado pa siya sakin."
"Ganun?" Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin.

Lumingon ako at humarap sa kanya.

"Mga low-profiled people talaga oh, gagawin na ang lahat para lang mapasali sa mga 'IN'" Bulong ko habang humalukipkip. "I mean, siya... Nanliligaw ka sa kanya, saka ka lang niya sasagutin kung naging 'in' ka na. Para maging 'in' na rin siya." Napabuntong hininga ako.

"Kung ganun? Sasagutin niya ako kung sasali ako?"

OMG. Sasapakin ko na talaga siya. Bakit puro Sandy na lang talaga? Bakit ganyan siya? Bakit parang ang tanging goal niya ay ang mapasagot iyong NERD na iyon? Bakit di niya problemahin ang major subjects niya. Kung sa bagay, matalino naman siya.

"Gette, kung sasali ba ako sasagutin niya ako?"
"ABA EWAN KO BAH. Di naman ako si Sandra. Kababawan yung isang iyon." Pinandilatan ko siya.

Naalala ko, isang banda lang ang sikat na sikat at malakas ang dating sa aming skwelahan. Kumakanta sila ng rock at kung nasa mood ay slow. ISANG BANDA LANG.

"Kung ganun... Sasali ako sa 'HERO'."

Nanlaki ang mata ko habang nanggigigil. OH HINDIIIII! NO WAYYYY.

"Sh1t. Ano bah! GUNG-GUNG KA BA? Wa'g mo nga akong biruin ng ganyan!" Tinitigan niya ako. Seryoso siya.

Halatang madidisappoint siya kapag di ako pumayag.

"Wala ka bang tiwala sakin, Gette?" Tanong niya sakin.

Linapitan ko siya at sinapak. Nagulo ang buhok niya at inayos lang niya sa pamamagitan ng mga daliri.

"TIWALA? Like duh!!!? HERO? Si Hiro ang vocalist dun! Di porke't nangangailangan sila ng base ngayon magpapataas ka na lang ng kamay at magvovolunteer."

Oo! Hero ang pangalan ng banda nina Hiro. Papaano siya makikihalubilo dun? Naloloko na ba siya?

"Okay naman ako ah? Di na ako NERD sa pananamit. Marunong naman akong mag guitar. Nag-gi-gym na ako. Ano pa ba, Gette?"
"Ay, Rico. saan mo ba linalagay ang kokote mo?" Tanong ko habang sinapak ulit siya.
"Ano ba! Wa'g mo nga akong i-harass!" Sagot niya. "Gusto ko lang talaga si Sandy!" Dagdag pa niya.

Linagay ko ang mga palad ko sa noo ko at nagpabalik-balik sa paglalakad.

"Mabu-bully ka lang doon! Mas lalo kang mapapahiya!" Sabi ko.
"Gette, nag desisyon na ako. Wala ng urungan `to."

Na lintikan. Ba't ba kailangan ko pang gawin ang mga sinasabi niya. Oo! Ako na ang bahala sa lahat. Para sa kanya. JUST TO SEE HIM SMILE. This is not about my feelings for him. Ayoko siyang isali sa grupo kasi alam niyo naman di ba? It's not that I don't want Sandy to be impressed with him. It's not about that. I just don't want him to be bullied.

"Gette, sigurado ka ba talagang sasabay ka sa pag-uwi ko?" Tanong ni Hiro habang nakaupo ako sa isa sa maraming upuan sa school theater namin. Nasa stage siya, ngayon gaganapin ang audition para sa base nila. And Rico... "Gette," Napatingin ako sa pagmumukha ni Hiro. "are you okay? Sino nga pala yung sumagot sa phone mo last call ko?"
"Huh? AHHH. Yun ba? T-taxi driver y-yun. Naiwan ko kasi yung phone ko nun. Pero naibalik na sakin."

Tumango siya.

"So... Are you sure you're going out with me tonight?" Tanong niya.
"GOING OUT?? HUH?" Lumingon ako sa mga nagdagsaang mag au-audition.

Nakita ko si Rico. Sa likuran niya, si Sandy.
Ba't kasama pa niya ang NERD na iyan. OMG. Baka di siya makuha!

"I just thought, akala ko may bagong boyfriend ka na. Kasi, pamilyar yung boses nung sumagot-"
"Wala nga eh! Tapos, sinong nagsabing I'm going out with you tonight!"

Makikichika pa ako kay PIOLO---Este, Rico.

Di niya pinansin ang sinabi ko at natuon ang tingin namin sa kay Rico at Sandy na dumaan sa gilid para umupo sa pinaka unang upuan.

"LOOK WHO'S HERE! The two nerds!!!" Tumawa ng malakas si Hiro.

Ayan na naman ang pambu-bully niya.

"O, Sandy, I didn't know that you two are going out!" With his evil smile.

Kumapit ng mabuti si Sandy sa braso ni Rico. Yumuko si Sandy at nagtago sa likuran ni Rico.

"Okay lang iyan Sandy." Sabi ni Rico.

"HAHAHAH >:D So? Mag o-audition ka? Marunong ka palang humawak ng gitara? So, you think patatawarin kita sa ginawa mo sakin sa 1720?"

Sumulyap si Rico sakin at nakita kong mangiyak-ngiyak na naman si Sandy.

LIKE DUH? What's her drama bah? Ba't ganyan siya. SH1T. Alam kong binubully sila ni Hiro. Pero masyado naman ata siyang OA.

"Oo. Mag o-auditon ako. At sisiguraduhin kong mag mumukha kayong baguhan." Bago siya umalis, nakita kong inabutan niya si Sandy ng panyo.

:'(

"abaaa. Tingnan natin! Di ko siya kukunin. HAH!" Bulong ni Hiro.

Hinawakan ko ang kamay ni Hiro.

"Kunin mo siya!"

Yumuko ako. Sumikip ang dibdib ko habang sinulyapan ko ulit na pinupunasan ni Rico ang mga luha ni Sandy at nakikita kong tinatahan niya si Sandy.



[STEP #19] Bridgette Reah Francisco: Ayoko nga!


"I take, one step away from you..."

Nasa chorus na si Rico habang ako dito nakatayo at nakanganga sa kanya. Ang lambot ng boses niya....

"...I find myself coming back... to you.... My one and only, one and only..... you.."

AWWWWWWWW. Feeling ko ako ang kinakantahan niya. Kaso, nakatingin lang siya sa gitara.
Si Sandy naman, feel na feel din ang kanta at parang natutunaw sa boses niya ang mga babae dito.

"NEEEEEEEEXT." Sigaw ni Hiro. "Rock music ang gusto kong mapakinggan ngayon, hindi drama!"

Ibinaling ko ang mga mata ko sa kanya at panay ang titig niya sa akin kaya tinitigan ko siya at tiningnan niya si Rico.

"Sige na!!" Umalis naman si Rico sa harap at parang binuhusan ng mainit na tubig ang mga nagandahan sa performance ni Rico--kasama na ako.

Kinuha ko na yung bag ko at umalis. ALANGYA. Ayaw niya talaga? Ang tigas ng ulo.
OH EM GEEE. Alam kong di niya kukunin si Rico. Napahiya tuloy si Rico sa mga tao.
Okay naman yung performance niya eh. Si Hiro talaga!!!

Papalabas na ako ng theater nung narinig ko ang pag strum ng guitar at... "Take time to realize...that your warmth is..."

SI RICO!!?!?!?!?

Napalingon ako at tumingin sa stage at nakita kong siya nga! Ano ang ibig sabihin nito?

"Just realize what I just realize..."

"Rico?" Bulong ko hanggang sa may narinig akong bumulong sakin... "Now, I can date you again!" Si Hiro pala.

Tinigasan ko ang nanlalambot kong sarili dahil sa boses ni Rico.

"No you can't!"
"Kung ganun? Ano ang kapalit kung tatanggapin ko si Rico?"
Umiling ako, "Papansinin kita."
"Papansinin mo ako? Pinapansin mo naman ako ah?"
"Hindi kita papansinin kong di mo siya kukunin!" Sabi ko.
"Ano ba? Bakit ba? Ano ba si Rico sayo? Mag kaibigan ba kayo?" Tanong niya.
"H-Hindi ah! Paano naman kami magiging mag kaibigan? Ts-tsaka...-"
"Kung ganun? Bakit mo siya tinutulungan!"
"Kasi, alam kong may potensyal siya!" Palusot ko.
"Kelan ka pa naging judge sa mga may potensyal at wala?"

Di ko na sinagot. Umalis na lang ako.

SYEEEEEET. Panu kong malaman niya? Paano kung may makaalam na kaibigan ko si Rico? Paano kung may makahalata? Paano kung malaman nila na may gusto ako kay Rico? At paano kung malaman ni Rico na may gusto ako sa kanya?
Sino na lang ang magiging kaibigan ko? WAAAAA.

Muntik na akong nalunod sa bath tub habang nag-iisip sa mga possibleng mangyari kung nalaman ng lahat ang secreto ko. Linaro ko ang rubber duckie sa harap kong lumulutang lutang sa bubbles.

"GEEEEEEEEEEEEEETTE!"
"Ay, walang hiya!" Nabigla ako. "MA!! Ano???"
"Andito si Rico!!!"
"HA??!---oh emmm geee. Sh1t. Ang walang hiyang NERD na yan! Ba't andito?" Bulong ko.
"Geeette! Bilisan mo riyan ha? Naghihintay siya." Sigaw ulit ni Mama.

Kaya binilisan ko na ang mag kilos ko.
Ba't ko bibilisan?
Di ako excited na makita siya ah! At lalong di ako defensive.
Ay ewaaan. Bilisan ko na lang talaga.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako at nakita ko siya.

"WOW. So cool." Bulong ko.
"Ano, Gette?"
"H-Ha? W-Wala! Ano? Kasi? Ano bah? What are you doing here?" Lumingon ako para hanapin si Mama at Papa pero wala naman sila doon.
"Nandun sila sa garden niyo. Mukhang nag gagardening." Sabi niya.
"Hindi iyan ang tinatanong ko!"
"Andito ako para mag pasalamat sayo!" Sabi niya sabay sandal sa sofa.
"Para saan?"
"Dahil natanggap ako! At alam kong dahil yun sayo!"

Natanggap siya? Akala ko nagbibiro si Hiro nun? Akala ko di niya tototohanin?

"Labas tayo, Gette?"
"H-ha???"
"Oo! Sige naaah!" Sabay hila sa kamay ko.

DATE?

LOL.

Hindi Gette! Are you crazy? Why am I thinking about these things?

"Bakit ba?" Tanong ko.

I'm hesitant, of course. And I don't know why! Bakit kaya? Natatakot ako dahil baka mas lalo akong magkagusto sa kanya habang mas lalo siyang nagkakagusto kay Sandy.
Ngayong natanggap na siya, siguradong mas lalong magkakagusto si Sandy sa kanya.

"Wala si Sandy eh." Sabi niya.
"Ahhhhh!" So ganun? Kung wala si Sandy, ganito?

Papayag ba ako o hindi?

"Ayoko nga!" Sabi ko habang papabalik sa kwarto ko.

"Gette naman!" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

Like duh! I don't wanna be the second choice. As in, I've never been the second choice. And I'll never be a second choice.




[STEP #20] Bridgette Reah Francisco: si Sandy.


"...Naisip mo na ba iyon?" Tanong ni Rico sakin habang nakaharap sakin at ako naman ay pumipili sa menu. Kanina pa siya nagsasalita, pero di naman ako nakikinig.

Kanikanina lang tinatanggihan ko siya. Pero sa isang iglap lang, andito na kami.

Nasa restaurant kami. Sa restaurant kung saan una kaming kumaing magkasama. At parehong waitress pa ang nag-se-serve samin ngayon.

"Miss, tubig na lang!" Sabi ko sabay bigay sa menu.
"Gette, ano bah! Uh miss, yung order ko, yun na rin yung order niya!"

Tumango naman yung waitress at mukhang kinikilig na naman saming dalawa. Umalis siya at hinayaan kami.

"...Asan na nga ba ako? AHHH. Oo, kaya siguro madali kaming nagkasundo ni Sandy dahil pareho kaming mahilig sa musika. HMMM. Ang ganda talaga ng boses niya no! Na gulat ako nung sinabi niya sakin na gustong-gusto niya ang boses ko..."

Tumingin siya sakin at nakita niyang pinag lalaruan ko ang cellphone ko.

"Gette, may problema ba?"

MERON, IKAW!

"W-wala naman."
"Ba't parang wala kang gana!?"
"At may gana ka pang itanong iyan! Alam mo namang ayaw kong lumabas diba!?"

Pero, pinilit niya parin ako! And worst, he is holding my hand hanggang sa umupo kami dito para lang kaladkarin ako at maging proxy ng pinakamamahal niyang si Sandy!

"Chill! Gusto ko lang namang makasama ka eh!" Sabi niya.

Makasama ako? Wala si Sandy diba? Akala ko ba mag papasalamat siya sakin kaya ganito? Akala ko rin proxy ako?

"Di kita maintindihan!" Sabi ko habang linalaro ang cellphone ko.
"Wa'g ka ngang mag tampo! Utang ko sayo ang lahat ng mga tagumpay ko!"
"Like duh! You don't need to tell me that you and Sandy are like soulmates or what!" Tumunganga siya. "I mean, bakit siya lagi ang pinag-uusapan natin?" Pinandilatan ko siya at sumunod na ang pagsisisi sa mga pinagsasabi ko.
"Oh, sorry." Sabi niya na may halong pagtataka. Tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong ngumingiti siya. "Nagseselos-"
"HINDI AH! Hindi lang talaga ako interesado sa pangit na Sandyng yun!" Sabi ko bago siya natapos sa pagsasalita.
"Gette naman! Masyado ko talagang harsh! Wa'g mo nga siyang tawaging pangit! She is beautiful!" Sabi niya.
"I'm more beautiful!" Sabi ko.
"I know!"

Di na ako nag salita.

Agad dumating ang pagkain at... "Enjoy your meal!" Sabay ngiti niya samin.

Di ako masyadong ganado kumain. Ewan ko kung bakit. Siguro, masama pa ang loob ko.

"Gette, alam mo ang dami ko ng kaibigan ngayon! Halos lahat ng kakilala ko pinapansin na ako! Everything has change!"
"Talaga? Good!" Sabi ko sabay subo sa pagkain kahit wala talaga akong gana.
"O, ba't ang tamlay mo ata ngayon?" Tanong niya.
"Wala,"
"May dalaw ka ba?"

Tumigil ako sa pagkain at tinitigan siya.

"WALA!"

GRR! Batukan kita ngayon.

"Kung ganun..."
"Gusto kong kumain ng manga!" Bigla ko na lang naisip yun.
"Huh? O-Okay."

Bumuntong hininga ako.

"Kung ganun, ubusin mo muna yan! Anong manga ba ang gusto mo? Matamis o maasim?" Tanong niya.

OMG. Bakit niya ako tinatanong ng ganito? At bakit nagugustuhan ko? Mukha kaming bagong kasal at para akong buntis na naglilihi. Ayoko neto, kahit naki-carried away na talaga ako sa mga nangyayari. PLEASE RICO! STOP IT.

"Maasim." Sabi ko.
"So, kumain ka muna! Pagkatapos natin dito, maghahanap tayo ng maasim na manga!" Sabi niya sabay ngiti.

Hindi ko na alam kung ano ang irereact ko sa mga ginagawa namin. Teka? Ano nga ba ang ginagawa namin? May masama ba sa ginagawa namin? Of course, for him, wala. But for me, mahirap. Pero, wala namang mahirap kung walang aamin diba?

But how long can I keep this feelings? Dapat kasi di na lang ako pumayag at the first place. But since andito na ako, I can't escape. HAAAY, Rico, you got me.

"HAAAAAAY. Busog na busog ako!" Sabi niya habang naglalakad kami sa labas at naghahanap ng manga. "AYUN!"

Hinila na naman niya ako. Magka hawak kamay kami. Di pwedeng ganito na lang palagi. NOOOOO~!

"Gette, eto o!" Sabay abot sakin ng maasim na mangga na kabibili niya dun sa aleng nagbibenta.

Linantakan ko na agad. Umupo kami sa tabi kung saan makikita mo ang lake na nakapaligid sa buong syudad.

"Gette, alam mo?" Tanong niya.

Nginuya ko ang napakaasim na mangga.

"Naiinggit si Sandy sayo!" Sabi niya at muntik pa akong nabulunan.
"H-huh? B-bakit?" Kumain ulit ako ng isa.
"Kasi, maganda ka raw, mayaman, maraming naghahabol na lalaki sayo at marami kang kaibigan. Nasasayo na ata ang lahat."


Mas binilisan ko pa ang pag subo sa maaasim na mangga.

"Gette, dahan-dahan lang! Para kang mauubusan jan. Bibilhan kita kung gusto mo pa. Tsaka, wa'g mong sabihin sakin na buntis ka?" tumawa siya.
"Sh1t." Sabi ko.
"Biro lang! Alam kong di ka ganun kahit ganyan ka manamit at umasta, I know a lot about you."
"Sh1t." Sabi ko ulit.
"Ba't ba sh1t ka ng sh1t?"

Di ako makapagsalita. Com'on! Kailangan pa bang itanong iyan? Sa tingin niyo, ano ang sagot? HA?

"Wala. May na realize lang ako." Sabi ko habang yumuyuko at sumandal sa wall ng lake habang nakaharap siya sa lake at linalanghap ang sariwang hangin.
"Ano ang narealize mo?" Tanong niya.

Ang sarap palang kumain ng maasim---kapag nasasaktan ka!

"Uh," Tiningnan ko ang soot kong puro mamahalin at kung paanu ko ipinaghalo ang colors ng soot ko. Walang duda, fashionista. "ang ganda ng damit mo ngayon. Binago ko na sa wakas ang fashion mo!"
"Ahhh! HEHEHE."
"P-pwede naman niyang uhhh baguhin ang pananamit niya eh, I mean, si Sandy." Sabi ko.
"Di tulad mo, kailangan niya pang mag part time sa 1720 sa pagkanta para lang may allowance siya." Sabi niya.


I don't know what to say. I don't know what to do.

"So... you've gone that far with your conversations huh?"

Ewan ko kung magseselos ba ako o magseselos talaga. NAKAKAINIS, I made him the man that I want----pero sa iba siya napunta.
Kahit na sabihin kong I like him unconciously since then, wala parin akong magagawa.

Plus, Sandy's life made it worst. I looked like a b*tch and a witch between them.
And that Sandy will look like a real-life Cinderella.

ANONG GAGAWIN KO?

"Oo! At mas lalo ko pa siyang nagugustuhan."

Napasinghap ako.

"Alam mo yun, she is so open. Sinasabi niya ang lahat tungkol sa kanya without hesitations---and I like it. She feels comfortable with me, Gette."

Tumingin na lang ako sa langit at may nakita akong mga bituin.
At least, kahit pala sa mga puntong pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko sa pamamamagitan ng pag tingin sa langit, may makikita parin akong maganda.

THIS IS BAD.
I CAN'T FALL IN LOVE---LIKE THIS.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText