23rd
23rd~
Summer: Stop it!
Papalubog na ang araw at nakaupo kaming dalawa sa buhangin. Sinabi ko sa kanya ang mga nangyari except sa mga signs dahil may
ginawa akong box kung saan nandun lahat ng mga alaala tungkol dun. Sana lang bago ko ipakita yun, maalala niya na ako.
"I'm not sure how much you loved me... or if you really do.." Sabi ko paghuli sa buong sinabi ko tungkol sa mga nangyari.
"So that's all that happened?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Kung ganun, totoong sobrang mahal kita." Sabi niya sakin.
Kulay orange ang dagat dahil sa papalubog na araw.
"Sa iksi ng panahon na yun, halos imposible kong maisip na maiinlove ako sayo. Pero kung talagang sinabi kong mahal kita...
ibig sabihin, hindi lang kita mahal, sobrang mahal na mahal kita."
Nakatunganga ako sa harap niya na parang bata. Yinayakap ko ang mga tuhod ko habang tinitignan ang seryoso niyang mukha, may
repleksyon ng papalubog na araw.
"Pero..."
Tumingin siya sakin...
"Kung ganun nga kita ka mahal, bakit di kita maalala? Bakit ikaw ang nabura? Sa lahat ng alaala ko, ba't ikaw?"
Gusto kong umiyak sa mga tanong niya.
"Hindi ko rin alam." Sabi ko.
Gumuhit na lang ako ng kung anu-ano sa buhangin.
"It's so hard to believe... when all I can remember is the first time we met. The rest are just feelings... I feel like I forgot something important pero kahit anong alala ko, wala akong maalala. I can't remember saving you from a foreigner, hiring you in my hotel, playing a piece for you, and even bringing you to my father's birhday...like what you said."
"Hindi naman kita pinipilit na maalala yun! Sinabi ko lang kung ano yung nasa alaala ko nagbabakasakaling maalaala mo rin!" Sabi ko.
Ayokong iparamdam niya sa akin na para bang ipinipilit ko sa kanyang alalahanin ang lahat.
"I know, its just... unbelievable." Sabi niya habang umiiling.
"I know, right." Tumayo ako. "That's why I told you to just forget it." At umalis.
Nagkulong ako sa kwarto... Naligo... Umiyak hanggang sa nakatulog.
Ayokong pinaparamdam niya sakin na pinipilit ko siyang makaalala. At lalong ayokong sinasabi niyang imposibleng mainlove siya sakin. Its like he's insulting me.
Alas onse na nang nagising ako. Namumugto ang mga mata. Nakalimutan kong nasa Sortee pala ako at nagdrama!
"Pssst! Dalawang oras siyang kumakatok sa kwarto mo kanina." Sabi ni Kyla.
"Anong 'pssst'? summer ang pangalan ko no."
Pinandilatan niya na lang ako.
Pagkalabas ko kasi sa kwarto ko, nagutom ako kaya pupunta na sana ng resto nang mapadaan ako sa front desk.
"Asan siya?" Tanong ko kay Kate.
"Natulog na ata. Sabi niya sakin, matutulog na siya at dalawang oras siyang kumakatok sa pintuan mo sabi ng isang room boy. Pagnagising ka raw, kumain ka sa resto."
Tumango ako at tumungo sa resto. Kumain mag isa.
Eto na naman ako at nangungulila sa syudad. Ilang oras kasi akong natulog kaya ayan tuloy, dilat na dilat ako ngayon. Lumabas ako sa resto at may nakitang beach party malapit sa bar nila.
Ito lang ang pinagkaiba ng Sortee noon sa Sortee ngayon. Ang Sortee noon, mejo wala masyadong turista. Ang Sortee ngayon, sa sobrang daming turista, di na nagkasya ang mga nagbar hop sa tatlong bars ila kaya inilabas ang party! May DJ sa labas at nag fa-fire dance! Sobrang saya!
Pero syempre, wala ako sa mood. Ganun pa man, ayokong magkulong na lang. Mas mabuti nang maging malungkot sa magandang lugar kesa maging malungkot sa isang sulok.
Eto talaga, seryoso, limang shot lang ng tequila, tapos na ako dito. Ni ayaw kong sumayaw o makihalubilo. At sa sobrang bored ko talagang napansin ko si Derek Ramsay at iba pang artista. WHOA!
Ilang sandali ay naubos ko na ang limang shot. Tumayo ako at aalis na sana nang may naapakan akong parang malaking coral kaya mejo na out-balance ako. Agad naman akong inalalayan ni LEX!
Ayan na talaga! Yung pagiging OA nya, naaalala ko yung noon!
"Based on what you told me, alam ko na talaga kung saan ka pupunta tonight." Sabi niya habang OA na inaalalayan ako.
"I'm not drunk."
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko. He's stealing the attention of the crowd. Pati yung mga artista.
Agad akong umalis at sinundan niya ako.
"Leave me alone... just for tonight."
"No!" Hinawakan niya ang braso ko na agad ko namang binawi at naglakad palayo.
Hinawakan niya ulit kaya hinarap ko siya.
"Just stop doing this! Stop it! Stop it! Stop doing it like you remember anything!" Sinigawan ko siya sa harapan ng hotel.
Tutulo na talaga yung luha ko. God no! God, please!
"I'm sorry sa sinabi ko! Thats just how I think! And don't tell me that I don't remember anything... because I do!"
"Anong naaalala mo? yung hat kong galing Taiwan?! Yun lang ba?" sigaw ko.
"No! I brought you here coz though I can't remember anything about you... I remember my feelings! My feelings! JUST THAT! Nothing else! Dinala kita dito dahil gusto kong maramdaman kung paano at bakit ganito kabigat ang pakiramdam ko sayo ngayong hindi naman kita kilala!"
Natahimik ako at mahinahong tumulo ang luha ko. Agad kong pinunasan ang mga ito.
"Rest for tonight. We'll go to the white island tomorrow. Rest in your room. Pag nakita kitang lumabas ulit, I'll drag you inside my room."
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;