<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Fall 46-50


46th fall

Serene Cruz: we'll sit far from them.


"Hello, Nico?"

"O, Serene."

"Asan ka?"

I called Nico. Of course, I need to apologize! Hindi niya sinagot ang tanong ko at bigla siyang sumulpot sa harapan ko kaya binaba ko na ang phone.

"S-Sorry."

"Bakit?"

"Uh... Sa ginawa nina Crayon sa'yo."

"Uh?"

"I mean... yung kanina, nakita kong tinitigan ka niya at mukhang masama pa ang tingin nila."

"No, that's okay. Ginawa niya lang yun dahil nagdududa siguro siya sa akin. Pero... that Dae is..."

"Huh?"

Si Dae daw.

"Uh... mas nakakatakot pa siya kay Crayon eh. Naisip kong baka magkagulo at mag-away pa kami, ang angas kasi, kaya umalis na lang ako."

"Ah, ganun ba? Pasensya ka na ah."

Umupo kaming dalawa ni Nico sa pavilion. Pinapanood ko ang mga tao sa paligid.

"Dalawang subject lang ata tayo classmate this sem." Sabi niya.

"Oo nga eh."

I find it weird to be sitting with a guy. Ang ibig kong sabihin eh, sa isang lalaking tulad ni Nico. At si Nico mismo. Kasi sikat siya. I find him intimidating sometimes, but I guess Dae is more intimidating.

"It's better than last sem." Sabi ko. "Sa Philosophy lang tayo classmate last sem eh."

"Yeah right!" He sighed.

"Wala ka bang shooting or something?" Tanong ko.

He laughed at my question, "Wala naman. Usually Saturday ang mga schedule ko ng ganyan. Inaayos ko naman. Inuuna ko ang school."

"Ahhh." I smiled.

Wow. May kaibigan na nga akong artista! Yehooo. Para naman akong ignorante dito.

"Bakit?"

"Wala lang, it's just amazing."

He smiled again. Nico's aura is so relaxing. And I like it.

Nakita ko si Francine sa malayo. At mukhang nakita niya rin ako kaya pinilit kong magtago kay Nico. Feeling ko nga mejo na weirduhan si Nico sa akin.

"Bakit?"

"Shhh." Sinilip ko si Francine.

"Serene!" Shucks andyan na siya sa harapan namin.

Napaka useless ng pagtatago ko. Bakas sa mukha ni Francine ang pagkainis sa akin. Bakit? Eh sa kanya naman si Dae ah.

Pinandilatan niya ako bago nagsalitang uli, "Kasalanan mo kung bakit di kami nagkabalikan ni Dae."

Ay nakanang. Di daw sila nagkabalikan! Edi buti nga sa kanya! YES! I mean, bakit? Gusto ni Dae si Francine diba?

"You ruined our mood that time!" Sabi niya habang pinapakalma ang kanyang sarili.

So, anong gusto mong gawin ko? Tutulungan ko ulit kayong dalawa? GET LOST! Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Gusto kong magmura pero hindi na naman ako makagalaw.

"Excuse me, Francine." Sabi ni Nico.

Tiningnan ni Francine si Nico at mukhang magkakilala sila.

"Sorry for involving myself with something that doesn't concern me, but I think its wrong to blame Serene." He looked at me.

"She likes Dae, Nico! She's a pathetic los-"

"Francine, don't talk like that. Ikaw yung magmumukhang pathetic loser kung ipagpapatuloy mo pa ang paninisi kay Serene."

Francine sighed. Umalis din siya pagkatapos niyang makitang dumarami na ang tao.

"Nico, uhhh, sorry ulit at salamat." Shucks. Dumarami na ang atraso at utang ko kay Nico.

"Hindi, okay lang." Sabi niya habang pinapanood si Francine na papalayo.

"Magkakilala pala kayo?"

"Uh, yes. We're classmates since highschool."

Tumango ako.

*DING-DONG-DING*

"Let's go! Baka ma-late tayo." He smiled.

OHHHH Nico, your so gwapo and so mabait. Haaay, ang swerte ng babaeng magugustuhan mo. Paano kaya siya manligaw noh?

Habang papunta na nga kami sa room, naisipan kong magtanong sa kanya ng mga personal na tanong. HEHEHE.

"Uh, Nico..."

"Hmm?"

"May linigawan ka na ba o liniligawan?"

"Uhhh, hmmm, wala pa."

"HA?" I am seriously shocked. "Bakit?"

"Pero di ibig sabihin na hindi pa ako nagkakagusto o crush ah! It's just that, I want to be deeply interested at a girl before I court her."

We're here na. Hindi pa kami pumapasok dahil sa maselang pinag-uusapan namin.

"Really? Wow. Nga naman, ganun talaga dapat! Naku, ang swerte ng liligawan mo!"

"You think so?" He smiled and entered the room.

Fortunately, wala pang professor. May kaonting estudyante pa. Maaga ata kami. And guess who's there?

Andun si Sophie at Crayon, magkatabi. Si Dae naman, nasa likuran ni Crayon. Yes, we are classmates! At si Francine? Tumabi kay Dae!!!! OH MY.

"Saan tayo uupo?" Tanong ni Nico.

Nagkukulitan si Crayon at Sophie habang malagkit ang tingin ni Francine kay Dae. At ang mga mata ni Dae? Nasa kay Nico! Napailing ako.

"I think it's better if we'll sit far from them." Sabi ko kay Nico.

"Hindi, okay lang kung-"

"Uh, miss. I mean, Francine, may nakaupo na kasi diyan eh. Umalis siya." Napalingon ako kay Sophie na kinakausap si Francine.

Dae and Crayon's eyes were on Nico.

"Ah! She's right there!" Tinuro ako ni Sophie.

WHAT?

"Serene. Dito ka sa tabi ni Dae tapos si Nico naman ang sa tabi mo. Sorry, Francine."

"Wha~ Wait. T-teka." I said. I'm panicking.

Tumayo naman si Francine at umupo sa likuran ni Dae. Kumaway si Sophie sa akin at tinuro ang upuang katabi ni Dae. So that means, this is Nico-Me-Dae. Laugh out loud.

Dumating sina Mina, Chyna, the rest of the band then the prof. Geeez, is it really okay like this?

47th fall

Serene Cruz: I don't need the scores.

"Serene... Late na ata tayo." Sabi ni Nico.

Shucks, mukhang oo! Andito kasi kami sa library at naentertain ako masyado ng mga pictures ng kinuha kong libro. Hindi rin ata namalayan ni Nico ang oras kasi nagbabasa siya.

Agad kong linigpit ang mga gamit ko at nagmadali kaming umalis sa library.

"Diba ngayon ibibigay ang exam results?" Tanong ko kay Nico.

"Oo."

OMG. I'm scared. It's been two months since the first day of school. Tapos na rin ang midterms! At oo, mejo parati kaming magkasama ni Nico. You know, MWF - Philo class to Accounting lang naman pero I'm loving his company so I'm sticking to him. Wala rin naman sina Sophie sa Philo class kaya yun nga.

Naabutan namin ang prof na binibigay ang mga test papers at tinatawag ang mga last name. Lumalapit naman ang mga tinatawag sa harapan para kunin ang testpaper.

Habang umuupo ako sa tabi ni Dae, nararamdaman ko ang titig niya samin ni Nico. We arrived late so it's expected. He was sitting there and playing with his ballpen. I glanced at his table and saw his testpaper. Okay, malaki ang kuha niya. Asan na kaya ang akin.

"Lee." Sabi ng prof.

Tumayo naman si Nico at kinuha ang test paper. Napasinghap ako at OMGOLAY I'm getting nervous. Habang papabalik na si Nico sa kanyang upuan, binasa ko ang ekspresyon niya at nagbabakasakaling magkaroon ako ng clue kung pasado siya. Pero bakit ko pa yun iniisip eh talagang papasa yan. He smiled when he caught me staring at him. OMG, he is so, so, so cute. I-I think I'm crushing him.

"Serene, tawag ka." Bulong ni Dae sakin.

Ayun, tumindig ang balahibo ko. Ewan ko kung bakit. Di ko na tiningnan si Dae dahil baka bumagsak ako. Naglakad ako sa harap at nakakatense na paghawak mo na ang test paper. Lalong lalo na pag nakita mong may malaking Letter EF.

"O my."

"Patingin-" Kinuha ni Crayon ang testpaper nang nakalapit ako sa kanya at binalik niya agad. "Wanted: Tutor."

Para akong nakalutang habang umupo sa upuan ko. I failed! I d@mn failed! Sabi ko na nga ba, I can't make it without Dae... I mean, errr, tutor.

Sa kasagsagan ng aking pagdadalamhati sa upuan ko, may nakita akong note sa mesa.

And it goes like this:

"Do you need me?"

Who the hell is this?

Lumingon ako kay Nico. He was staring at me then, "How's your score?"

I shook my head and I feel like crying. My gooolay, marami pa kaming Accounting subjects and I can't afford to fail one.

"I can help you, if you want." Sabi ni Nico.

Oh yeah! Di ko na siya kailangang tanungin kung pwede niya ba akong tulungan. Pero di parin ako makasagot...

"Uhh, you can still make it, midterms pa naman." He looked worried so I cheered up.

"I hope so. Tulungan mo ako, ah?"

"Sure. I was actually asking you."

"Talaga, Nico?" Confirmed, so I smiled a big smile. "Yes!"

Tapos na ang klase, at sa kasamaang palad di ko na makakasama si Nico dahil iba nga yung sched niya sa akin except for two subjects.

"So, text-text na lang ah!"

May naramdaman akong mga lumingon sa amin habang tinulungan niya akong iligpit ang gamit ko. Linapitan naman ako nina Sophie habang mukhang kinikilig sa aming dalawa.

"Oo, thanks talaga ah!"

"Sige! Bye, Serene." He glanced at my friends then he went out.

Nagmamadali yun dahil may klase ulit siya. Hmmm, ako naman mamaya pa.

"UUUYYYY." Siniko ako ni Mina. "Showbiz ka ah!"

Nagtilian sila habang kinuha ko ang mga libro sa table. Andun pa sina Crayon pero di ko na lang pinansin. Laging ganito ang nangyayari eh, minsan pa nga nagmamadali pa kami nina Sophie papalabas ng room eh.

"Oy ano, Serene. Tutorial session na ba?" Crayon smiled then he glanced at Dae.

"Huh?"

"Kelangan mo ng tutor diba? Mr. Tutooor, are you there?"

Nakita kong nagwalk-out si Francine. Oh come'on. Alam ko kung anong ibig sabihin ng pinsan kong `to kaya sinenyasan ko na sina Sophie na kailangan ko na namang tumakas sa kanila kaya naunsa na si Chyna at Mina sa labas ng room.

"OH NO~" Pinulot ni Crayon ang note.

OH MY, oo nga pala ang NOTE! Sinong naglagay dun? It's either Dae or Nico.

"Don't tell me..." He smiled an evil smile. "AAAAWCHHHH~!" Crayon shouted while trying to sound like he was hurt. "Ang sakit nun ah~" He glanced at Dae.

Then almost everyone in the band laughed. Sophie was laughing too. Bakit? Dae snatched the note.

It was...?

"Parang dart! OUCH, sakeeet, pre." Sabi ni Crayon habang tumatawa. "Biruin mo, di pinansin?"

It was... Dae's note? Oh my funny goat! I can't believe this. I need time to compose myself. Para akong nabasag sa tuwa at excitement.

"Like I cared. Gusto ko lang namang makatulong, kung ayaw niya di wa'g. Madali naman akong kausap." Dae said.

Aray.

"Bakit, couz, mago-overtime ka na lang ba sa pag-sstudy?" Tanong ni Crayon.

"Hindi... may nagvolunteer eh." Sabi ko.

"Ha? So... you're accepting Dae?"

"Nope. Nauna siya eh."

Their expressions turned blank.

"S-Si Nico."

"OWW~" Hindi ko maipaliwanag ang mukha ni Crayon.

Hindi ko na rin nabasa ang mukha ni Dae kasi tumalikod siya't, "Mas mataas naman ang scores ko sa lalaking yun, tssss."

Aray nako! Ang sarap batuhin ni Dae ng bag.

"I don't need the scores..." Nag walk out ako at sumunod si Sophie sakin na pinipigilan ang kanyang sarili sa pagtawa ng malakas.

Sumunod na rin si Mina at Chyna sa akin na tumatawa na at mukhang narinig nila ang lahat. I'm sooooo mad! HUMILIATING na naman! Si Dae, Dae, Dae - humiliating.

"Biruin niyo~ nagawa niya yun?"

"And kay Dae!"

Matulin ang paglalakad namin hanggang sa napagod ako at umupo sa isang bench.

"Smile ka naman diyan! HAHAHAHA"

Hindi na ako makahirit dahil grabe na ang pagtatalo at tawanan nina Mina, Chyna at Sophie. Nakasimangot parin ako hanggang sa nag sink-in na sa akin ang lahat ng nangyari. I smiled. SUCCESS!

48th fall

Serene Cruz: wala ng iba, gets?

Tama ba yun? Di naman si Nico ang nauna eh. Kung tutuusin, mas una kong nabasa ang note ni Dae sa pag vo-volunteer ni Nico. Pero... what, Serene? Don't tell me may gana ka pang tanggapin si Dae kahit ang dami niyang mga kayabangan sa katawan?

"Oist, Crayon tigilan mo na nga yang kakulitan mo diyan!" Pinandilatan ni Sophie si Crayon nang nakita nitong papalapit sa amin.

Friday na at nagkasundo kami ni Nico na magkita pagkatapos ng klase niya. Pero may pasok pa siya ngayon kaya't andito kami nina Sophie, Mina at Chyna sa pavilion. Sabi nila, sasamahan muna nila ako dahil wala pa naman si Nico.

Kaya lang, andito na sina Crayon kaya nagsialisan yung ibang tao dito malapit sa amin dahil umupo sila.

"Wala pa naman akong ginagawa ah?" Umupo si Crayon sa tabi ni Sophie.

"Tse, malayo ka pa lang eh ang laki laki na ng ngisi mo't parang may masama ka nanamang binabalak kay Serene."

Lumipat si Crayon sa tabi ko. Nakakainis naman `to oh. Seryoso ako dito sa pagbabasa at pag-aanalyze ng lesson namin para naman di ako mapahiya kay Nico mamaya tapos guguluhin pa nila ako.

"Hi, couz."

Tumingin ako kay Crayon at kinindatan pa niya ako.

"Ano?" Nasa libro ulit ang mga mata ko.

"Kala ko ba may tutor ka? ba't parang self-study lang-"

Sinarado ko ang libro.

"Hindi naman kasi ibig sabihin na may tutor ka eh, di ka na mag-aaral mag-isa."

Tumango naman ang mokong.

"Ano na naman ba kasi yung hindi mo naiintindihan, ha, Serene?"

Linipat ko ang tingin ko kay Dae nang nagsalita siya. Naramdaman ko namang kinitusan ni Sophie si Crayon ng palihim.

"Marami, Dae eh. Mababa IQ ko. Mababa masyado." Sabi ko habang pinapandilatan siya.

"Ay grabe naman yan, tinatarayan nang tinatarayan ni Serene ang pinakamamahal niyang si Dae ah?"

Linipat ko na naman ang mata ko kay Grey na naabutan kong tinatakpan ang kanyang bibig at sinisiko ni Valen.

Napailing ako't binuksan ko ulit ang libro ko para magbasa kahit di naman talaga ako makapagconcentrate dahil sa ingay nilang lahat.

"Naku... kung tuturuan ka rin ng isa pang mababa ang IQ, baka mas lalo pang bumaba ang IQ mo." Sabi ni Dae habang tumatawa.

"Hindi mababa ang IQ ni Nico." Sabi ko.

YIIIII. Nakakainis na talaga siya. Ang sarap niyang tirisin. Ang sarap niyang batuhin ng libro. My goodness. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayaw kong matawag na unethical.

"Marami namang genius sa tabi-tabi-" Tinitigan ko siya. "-yung mga kilalang kilala mo na noon."

"Hindi na, Dae. Si Nico na lang." Sabi ko while cutting his irritating statements.

"Yun nga eh." He smiled. "Si Nico NA LANG! Kawawang Nico. tsk tsk." Ay jusmiyo, ba't pati yun? NA LANG? Iniisip pa niya?

I'm holding my muscles. Ayokong may bigla na lang akong matapon sa kanya at matamaan ko pa siya ng bongga. Kahit nakakabuwisit yan... Bakit niya nga ba ako kinukulit ng ganito? Tsaka, asan ba si Francine sa mga oras na `to? Alam kong di nga sila nagkabalikan, kaya lang ba't di na lang nila ipagpatuloy yun diba? Para naman magkaroon siya ng pagkakaabalahan ngayon.

"Si Nico LANG kasi ang GUSTO kong magtutor sa akin at wala ng iba, gets?" Sabi ko sa kanya.

Natahimik naman silang lahat habang liniligpit ko ang gamit ko.

"Ehem... Crayon, lika na nga." Sabi ni Sophie habang hinihilahila si Crayon.

Linigpit na rin ni Sophie at ng iba ang gamit nila.

"Serene... uh..." Nico's here!!!! Lumingon ako sa kanya at kumaway siya agad.

Umiling si Dae.

"Uyyy, Nico! Lika dito!"

Sinenyasan ko si Crayon na umalis sa tabi ko.

"Lika na! Aalis na sila ngayon. Kaya dito mo na lang ako turuan kasi wala ng istorbo." I smiled.

He was hesitant when Dae stared at him.

"Ha? Sinong nagsabing aalis kami?" Sabi ni Dae.

"Oo nga-" Kinurot ni Sophie ang tenga ni Crayon. "-Oo naaaa."

"Dae, ano? Di ka ba sasama? Dito ka lang talaga?" Sabi ni Drake habang tumatayo at nag-uumpisang umalis.

Aalis na talaga sila.

"Sige, Serene, Nico, aalis na kami!" Sabi ni Chyna habang kinikindatan na ako.

Inakbayan ni Crayon si Dae at... "Lika na, Dae." Sabi niya habang hinihila papalayo sa amin si. "Hahanapin na lang natin si Francine. Naku, mag-eenjoy ka talaga....." Habang papalayo na silang lahat.

Sumulyap pa si Crayon sa akin at naabutan niya akong nakatingin sa kanila.

"NAKUUU~! Si Francine, mahal na mahal ka nun! Di ka ipagPAPALIT sa KAHIT SINONG ARTISTA!"

GRRR. Pakealam ko ba kung may Francine siya diyan? GRRRRR. Nakakainsi talaga. Grrrr.

"uh. Did I disturb...-"

"Hindi ah." I tried to smile.

Totoo namang di siya nang-aabala, sila ang nang-aabala!

"Let's start?"

Tumango ako at kinuha ang mga libro. Kaya lang, hindi ako makapagconcentrate.

Noon, di ako makapagconcentrate dahil si Dae ang nagtuturo sa akin, ngayon, di na naman ako makapagconcentrate dahil hindi si Dae ang nagtuturo sakin. Ack~!

49th fall

Serene Cruz: may kontrata nga pala

Nanonood ako ng TV habang inaayos ang buhok ko. Si Nico ang pinapanood ko. Lately, dumadami na ang ads niya. Pati guestings at loveteam. Haaay, iba na talaga pag artista. Pero mas iba na talaga pag tutor mo isang artista. Pinatay ko na ang TV at bumaba na ako.

"Ney, may lakad ako. Sinabi ko na kina mama at papa kanina bago sila umalis. Aalis ka ba?"

"Hindi." Sabi ng kapatid ko. "Pero pupunta sina Shin at Rain dito mamaya."

Tumango naman ako. Akala ko ganun na talaga ka bored ang kapatid ko ngayon.

"Sinong kasama mo?" Tanong ng kapatid ko.

"Bakit?"

"Baka may tumawag sayo at maghanap, anong sasabihin ko?"

Napalingon ako sa kanya at nagkibit-balikat.

"Oh ehhh sabihin mo si Nico."

Tumango naman siya at kinuha ang kanyang PSP. Yinaya ako ni Nico na lumabas. Date? Hindi date noh! He didn't call it a date. Pupunta lang kami sa bookstore at titingnan namin kung may magandang libro na ba. At pagkatapos nun, maglalakad-lakad na kami sa buong mall.

Lumabas na ako sa bahay nang nakita ko ang kanyang sasakyan sa labas. Umikot pa siya para lang buksan ang pintuan sa frontseat kaya agad naman akong umupo. Wow. Ang gwapo niya ah. Ang gwapo niya ngayon. WAHAHAHA OYYY tutor ko yaaan! HAHAHA.

"Hmmm, buti na lang at agad mong nahanap ang bahay namin." Sabi ko.

"Sinabi mo naman ang street diba? Madali lang yun." He grinned.

"Ang galing mo!"

Pinaandar na niya ang sasakyan. Excited na ako kasi kasama ko na naman ang artistang `to. Pero, mejo may halong kaba ako. Natatakot kasi akong baka magkaroon siya ng issue o masira yung career niya dahil may kasama siyang... wooot, ano ba Serene? Ang feeling mo ah! Ang OA ko talaga.

"Si...na..."

Nabigla ako nang nakita ko ang buong banda sa labas ng bahay nina Crayon at nakatambay lang. Grabe, panay pacute rin ng mga kapitbahay naming babae sa kanila. Parang gusto kong bumaba at pagsabihan silang magtago naman sila para...

"Ah." Tinigil ni Nico ang sasakyan. "Wanna greet them?" He smiled.

Nakita kong nakatingin si Crayon sa sasakyan namin, si Dae naman eh parang nakikipag-usap kay Crayon. Si Valen naman at Grey panay ang tawanan at parang may pinag-uusapan. Si Drake naman eh nagpapacute sa isang kapitbahay namin.

"No. Tayo na." Sabi ko.

"Uh, okay." Then he started the engine.

Hindi na ako tumingin sa kanila. Para di na ako makapag-isip ng kung ano.

"Alam mo naman ang mga yun, mga pasaway."

Nang nakarating na kami sa mall, agad na kaming pumasok sa bookstore. Hmmm, feeling ko masyado kaming carefree. Nag-aalala na nga ako dito kasi marami talagang tumitingin sa kanya. Pero siya sa mga libro lang tumitingin. Sometimes, I find him mysterious. Di ko alam kung ano ang iniisip niya kahit lagi naman kaming magkasama. Tinitigan ko siya habang binabasa niya ang likod ng mga libro at mukhang naghahanap talaga ng kanyang babasahin.

Di pa siya nagdisguise, paano na lang kung may media dito o journalist o writer sa showbiz section eh di huling-huli kami? Teka nga, ang OA ko talaga. So what kung mahuli kami? Wala naman kaming ginagawang masama eh. Oo nga naman, ba't naman mag-aalala si Nico eh wala naman kaming ginagawang masama.

"May dumi ba sa mukha ko?" He caught me staring.

"W-Wala." I looked away.

"Hmmm, why are you looking away?"

"Ah. Wala lang."

Mejo lumayo ako at nagsimulang maghanap ng libro. Geeez, ba't ko nga ba siya tinitingnan? Crush ko siya. Yeah, we know it. Tsaka iniisip ko lang ang mga pwedeng mangyari kung may media ngayon.

"You know what?" Lumapit siya sakin at naghanap ng sarili niyang libro. "You are sooo mysterious."

Natigilan ako. I was actually thinking that he was mysterious too.

"Hindi ko alam kung anong iniisip mo. Minsan naman, iba ang iniisip mo sa sinasabi mo."

Tingin ko ang ibig niyang sabihin eh yung ilang beses kong sinabing naintindihan ko ang tinuro niya kahit absent-minded ako nun.

"Sorry." Sabi ko.

He smiled, "Why are you sorry? That means I'm actually interested with your thoughts." He laughed.

Napatingin ako sa kanya. WHAAA~ WHAAA~ WHAAA~ Walang ganyan si Dae!

"Ha? HEHE." OMGEE, wala akong masabi.

Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti. Para bang natutuwa siya sa akin na ano... ewan!

"Labas muna tayo." Tiningnan niya ang paligid at mukhang nahalata niyang pati ang mga security guards ay nakakakilala na sa kanya.

Lumabas kami sa bookstore at naglakad-lakad. It's awkward! Andami talagang nakakakilala sa kanya, pero hindi niya pinapansin ang mga tingin nila. Para bang kami lang talaga dalawa ang naglalakad sa mall.

"Excuse me, you're Nico Lee, diba?" May tatlong babaeng lumapit sa amin.

"Oo." He smiled.

"Uh... pwede pa-picture?"

"Sure."

Then the girl turned to me, "Miss, can you-"

"Sure." Ngumiti pa ako.

Syempre, okay lang na ako. Hindi niya namana ko GF at wala naman akong dapat ikainsulto kahit mejo nainsulto nga ako. Wala naman kasing ganito nung magkasama kami ni Dae eh? Hindi pa pala kami nagsama sa mall? LOL. Ba't ko ba ikinukumpara?

"Thanks!" Kinuha na niya ang camera pagkatapos nilang makatatlong picture. "Ang gwapo mo pala sa personal!" Sabi ng babae.

Umalis naman sila agad at umalis na rin kami agad.

"Sorry, Serene ah?"

"Okay lang yun, nu ka ba!"

"Etong ayaw ko eh."

"It can't be helped. Artista ka eh."

Tumango siya. Pumunta ulit kami sa Shakeys. At tulad noon, libre niya na naman! Sabi niya, may trabaho daw siya kaya okay lang. Pumayag ulit ako.

"May show ka ba?" LOL. Ang awkward ng tanong ko. Para akong host.

"Oo. Next week, magshoshooting kami para sa Your Song, lam mo yun?"

"Oo, talaga?"

"Oo. Kaya nga, mejo magiging busy ako next week. Pero tuturuan parin kita!" He smiled.

"Ha? Nukaba! Okay lang noh! Tapusin mo na lang muna yang shooting mo! Mas importante yan. Kaya ko naman eh."

Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. May nasabi ba akong mali? Alin dun? AWWW, ayokong magalit siya sakin!

"Bakit?" I asked.

"Wala lang. Para kasing ayaw ko na." He said.

"Ayaw mo nang-?"

"I'm bored with my life before so I joined PBB, pero ngayon parang gusto kong ordinaryo ulit."

"Huh? Ang dami nga diyan gusto ng ganyan eh! Hindi ba pwedeng magresign ka na lang diyan?" Napaisip ako. "Ay oo nga, may kontrata nga pala, kaya mukhang mapipilitan ka. Pero, ano ba, wa'g na noh! Sayang naman."

Nakatitig lang siya sakin habang nanghihinayang ako sa mga sinasabi niya.

"You know what, I like you."

50th fall

Serene Cruz: Thank you.

"HA?"

He smiled, "I like you."

Napangiti ulit ako. I think I'm blushing! Papaano ako magugustuhan ng isang katulad ni Nico? He is Mr. Perfect!

"B-bakit?"

Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti at nakapangalumbaba. Oh, he is the most beautiful creature I'd ever seen. Grabe!

"You're my escape from reality. And you're also real!" He smiled.

WHA~WHA~WHA~ Hyperventilate. Wow. Wow. As in? He likes me? I'm his escape from reality!

"I hope you don't mind." Sabi niya habang pinaglalaruan ang baso sa harapan niya. Halatang takot dahil mukhang naiilang ako.

"H-Hindi ah! I-I-I mean..." Ewan ko.

Huminga ako ng malalim nang nakita kong nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng sagot.

"Kasi... first time kong nakarinig ng ganyan." Finally, the words came out.

"Really? That's Impossible!" He is not doubting, he is wondering.

"Oo! Swear."

He smiled, "Papaano nangyari yun eh... you're beautiful, mabait, you're... amazing."

Isasali ko sana sa usapan si Dae at si Crayon kaso naiilang ako at natatakot ako.

"Oh well, I think I know the reason behind." Di ko na pala kailangan i-explain. "Pero wala bang naglakas loob?"

"Ikaw pa." I smiled.

Ang laking bagay nito sakin ah. Syempre, una `to kaya ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan.

Tumango naman siya pero mukhang di parin siya makapaniwala.

"Hi couz!"

Ay anak ng palay. Si Crayon!

"Oh, ba`t ka andito?"

Sumunod na sina Dae, Grey, Valen at Drake. Umupo sila sa tabi ng table namin. Umupo na rin si Crayon.

"Wala lang, ginutom kami eh."

"Ahhhh."

Nasulyapan ko si Dae at naabutan kong nakasimangot siya o nagagalit habang nakatingin sakin.

Tapos na rin naman kaming kumain ni Nico kaya... "Nico, alis na tayo!" Sabi ko.

Tumango siya at tumayo kami.

"O, o teka! Hindi pa nga namin naririnig ang pinag-usapan... este... di pa nga kami nakakakain tapos aalis na kayo?" Sabi ni Crayon.

"Pakealam ko ba? Eh tapos na kaming kumain eh."

Tumayo na rin sila.

"O, saan kayo?" Tanong ko.

I can smell something fishy! Mga walang hiya kayo! Pinutol niyo ang usapan namin ni Nico?! Tapos mukhang susundan pa nila kami ah.

"Ay, we change our mind. Hindi naman pala kami gutom." Sabi ni Dae.

"Oo nga... Bakit? Saan kayo pupunta?"

"Bakit? Pupunta rin kayo kung saan kami?" Lumingon ako kay Nico at nagkibit balikat na lang siya.

Sorry Nico! Pwede pahiram? Sorry.

"Hindi ah! Kapal ng mukha nito." Sabi ni Dae.

Ay leche. Nakakainis talaga! Nicooo, I need you!

Kaya kumapit na ako agad sa braso ni Nico. YAY. Bahala na si Darna, basta mapatameme ko lang `tong mga mokong na `to.

"Ewan ko. Mag-iisip pa kami ni Nico. Saan nga ba magandang pumunta ngayon?" Lumingon ako kay Nico.

First, he looked shock. Pero dahil artista siya, kaya niyang umarte!

"Labas na lang muna tayo dito. Hmmm, ikaw, kung saan mo gusto. Okay lang sakin." He smiled.

"Ganun ba? O sige. Uhh, Crayon, Dae, Grey, Valen, Drake... ingat na lang kayo ah! Aalis na kami ni Nico."

Kapit Serene! Kapit kay Nico!!!!

"See yah!" Kulang na lang kumindat ako.

At umalis na kami ni Nico sa Shakeys. Walang sumunod, walang nagsalita. OKAY! Ang galing ko nuhhh?

"Sorry." Agad kong tinanggal ang kamay kong nakakapit kay Nico.

"Okay lang, naintindihan naman kita eh."

"Sorry talaga!" Napabuntong-hininga ako. "Nakakahiya. Ginamit pa kita." I'm disappointed.

"I want to help you in any way. And I'll always be here if you need me."

Yeah right! Tumango ako. At tumingin ako sa kanya, he was just staring at me with his sincere eyes. He was serious.

"Thank you."

He gave me his sweetest smile.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText