<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 41-45


Stage 41.
She's my cousin.






"Good morning!"

Bago ako dumilat may bumati na agad sakin.

Napatalon talaga ako sa bigla. Nakayakap ako sa abs ng damuho! Kaya pala mainit! Jusko! Ginawa ko pang unan ang dibdib niya hindi ko kinaya kaya agad akong tumayo.

"What the f-ck!" Sigaw ko. "Good morning mong mukha mo!" Sinapak ko siya ng unan.

Nakangisi at mukhang kanina pa gising.

"What?" Tumawa pa.

Bad trip ako sa umaga! Leche!

"Ikaw itong yakap nang yakap sakin! Harassment! Pasalamat ka hindi ako nagreklamo." Humalakhak ulit siya.
"Reklamo? Ikaw pa ang mag rereklamo eh yun naman ang gusto mo!"
"Hindi kita hinawakan! Ikaw itong nagpumilit kaninang madaling araw na yakapin ako."

Sinapak ko ulit. At nag walk-out. Tawa siya nang tawa. Hindi ko matanggap na may tendencies talaga akong mangyakap dahil sa malalaking unan na nakapaligid sa kama ko sa bahay. Nasanay na akong may yayakapin gabi-gabi. Tuwang-tuwa ang mokong na parang solb na ang araw niya. Kainis.

"Denisssse!" Naaninaw kong nagtitimpla ng kape si Eliana sa kitchen.

Parang walang nangyari. Buti at 7:00am pa kaya di ako natataranta. Thursday ngayon at may pasok talaga.

"Natulog ka with Bench?" Kasing evil ng smile ni Bench ang smile niya ngayon.
"I have no choice."

Nakangiti parin siya habang uminom ng kape.

"Anong nangyari?" Sabi ko.

Agad nag mood swing ang lola niya.

Inayos niya ang buhok niya.

"I have a class at 10am." Sabi niya na para bang yun ang dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin sakin.
"Mag absent ka today, then."

Kumuha ako ng tubig sa malaking ref ni Bench. Pagkabalik ng mga mata ko kay Eliana, nakatunganga na siya at parang iiyak na.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Yuan Tan?" Tanong ko.

Sinabi niya sakin ang lahat. Talagang nagpaloko siya. Ako na walang karanasan sa mga lalaki ay alam na naloko siya. Pero ganun pa man, hindi ko kayang ipangalandakan kung gaano ka tanga ang mga pinaggagagawa niya. Naaawa din naman kasi ako sa kanya.

Si Yuan Tan ay ipinagkakanulo sa isa pang chinese na kaibigan kong si Tanika Uytingco. Ang sabi ni Yuan ay ayaw niya kay Tanika at gusto niya si Eliana. Which I doubt kasi kung totoong gusto mo ang isang tao, hindi mo itatago ang relasyon niyo. Yes. Pumayag si Eliana na parang more than friends sila pero tinatago lang ito dahil magagalit ang parents ni Yuan. Very childish na gusto kong sumuka. Yinaya ni Yuan si Tanika for the upcoming ball dahil utos ng parents niya. And suddenly, finally, Eliana got fed up. Ayaw niya ng tinatago-tago siya. Sinorpresa niya si Yuan sa bahay nila pero pinagtabuyan siya ng pamilya ni Yuan... ang sabi ay hindi siya pwede kay Yuan dahil anak lang siya ng kabit! THAT'S THE WORST THING! Hindi siya anak ng kabit, diosmio!

Pero may mas worst pa pala... tinaboy din siya ni Yuan Tan!

Kawawang Eliana na ang nagawa ko na lang ay yakapin siya. Humanda ang lahat ng makakasalubong ko mamaya at masisipa ko talaga. Nagngingitngit ako sa galit ngayon.

"Ba't di mo kasi sinabi sakin para matulungan kita?" Tanong ko.
"Ayokong may makaalam, baka kasi ayaw niya na sakin kung may pagsasabihan ako."  Sabi niya sa gitna ng paghikbi.

Nakita ko si Bench na mukhang kanina pa nakatayo at nakatingin sa amin.

I'm gonna ruin Yuan Tan... and I know the master devil is on my side. Pero hindi ko alam kung bakit ito ang sinabi niya...

"Don't make your moves yet, Denise. Hayaan mo na ako dito. She's my cousin." Sabi niya.

Ha! Kaya ko na 'to, Bench.

"She's my friend." Tinaas ko ang isang kilay ko at umiling na lang siya.

Nanggigigil na akong pumunta sa school. I can't effin wait!





Stage 42.
Miss me?






Walang nagawa si Bench. Hinatid niya na lang ako sa bahay at umuwi din. May nakalimutan akong itanong sa kanya kanina...

"See you later..." Sabi ko pagkababa ko sa sasakyan niya.

Awkward.

"Yes... maybe, later."

Bakit nga ba sabi niya pag mawawala si Eliana, ako na lang mag isa? Bakit?

"You slept with Bench?" Pataas ang tono ni Daddy nang sinalubong niya ako.

He made it sound so disgusting.

"NO! Natulog ako sa condo niya with Eliana. Sleepover!" Sabi ko na nagpapanic sa tanong niya.
"Oo! Kaya nga sabi ko... you slept with him kasi sleepover."

DAFUQ did he just say?

"Whatever, dad." Nilagpasan ko siya.

Humalakhak naman si Daddy.

"Nga pala... yung mga sapatos at kung anu-ano pa, nandun sa kwarto mo. Yung galing kay Bench."

Oh right! Meron pa pala akong problema dun. Now now... mukhang okay na kami pero not exactly okay. Ayoko paring makareceive ng kahit anong gift sa damuhong yun.

Pagkabukas ko sa kwarto, tumambad sakin ang lahat ng pinamili niya. May tatlong bags pa ng Aldo doon.

May note:
Thought you didn't like the Louboutins, this ones one of your favorite brands.

God! Ano 'to!? This is madness! Sana di niya alam yung size ko para di niya ako basta-bastang mabilhan ng mga ganito. Should I return this or something? It creeps me out.

Siguro diyan lang yan at maghihintay ako ng tamang tyempo para ibalik sa kanya. Hindi ko na tinignan kasi baka ma tempt lang akong gamitin.

Ngayon, kailangan kong mag plot ng plan for Yuan Tan...

"Yo! Denise, what's up!" Sabi ni Nina nang nagkita na kami sa cafe ng school bago pumasok sa klase.
"Do you know Yuan Tan?"
"Of course! Mukhang boyfriend niya na yata si Tanika eh! Saya kasi ni Tanika kagabi. Nagkatuwaan nga kami. Eh parang shock pa siya. Di ko nga maintindihan kasi months ago pa nagpahiwatig si Yuan na gustom niya si Tanika dahil dun sa pag anyaya niya sa Ball diba? Eh teka, may date ka na ba sa Ball? malapit na din yun! I suspect you'll be with Renzo?"

Hmmm. Mukhang dahil sa sobrang supportive ni Nina kay Tanika, di ko siya magiging kakampi. Pero... magagamit ko siya!

Tsaka pinaalala niya pa sakin ang rapist na si Renzo kaya iniba ko ang usapan...

Pagkapasok namin sa classroom, wala parin si Bench! BAKIT WALA SIYA? Eh hindi na ba siya papasok EVER?

Text ko:
Where are you? Di ka ba papasok?

Bench:
Miss me?

Denise:
No. I'm just wondering kung gusto mo pa ng degree ngayong sa iyo naman yung kompanya.

(rich kid problems) Me? I need the degree. And soon I'll take up Law... Business? No! Hindi kami ganun ka yaman para mag fund ng business. Maybe small businesses but not my thing.

Bench:
Of course, gusto. But the company needs me more.

Denise:
So you dropped out?

Bench:
No. I'm taking special classes.

Denise:
Is that even possible?

Halos matapon ko ang phone ko sa basurahan! Pera, pera! Pinapaikot ang mundo!

Nagreply si Bench pero di ko na binasa... nakita ko kasi si Nina.

"Hey, Nina!" Tawag ko kay Nina na papunta na sana sa next class niya.
"Yes?"
"Alam mo ba kung nasaan si Tanika ngayon?" Tanong ko.

Nagtaka siya pero sinagot niya rin naman.

"Siguro nasa cafeteria... or locker room."

Agad akong nagpunta sa locker room. Tama si Nina, nandito nga si Tanika at kinukuha ang ilang books niya. Para siguro sa next class. Nilapitan ko ng dahan-dahan at siniguradong walang tao sa paligid.

"Tanika..."
"Denise!" Nabigla siya nang nakita ako.
"Can we talk?" Tanong ko.

Una, kay Tanika muna ako pupunta. Kukumbinsihin ko siya na lumayo kay Yuan hindi para magkatuluyan si Yuan at si Eliana kundi para iligtas ang kanyang sarili. Yuan is a freakin liar! Gusto kong maging impyerno ang buhay niya.

"Sure!" Sabi niya.
"It's about Yuan."

Sumimangot siya at alam kong di magandang senyales yun.

"What about Yuan?"
"Alam kong gusto mo siya. But I just want to let you know that he's a liar."
"anong proweba mo?" Mejo napataas ang boses niya at tumaas pa ang isang kilay.
"Si Eliana. I don't know kung alam mo pero pinaasa niya si Eliana na magiging sila. He told her that he loves her pero yun naman pala, sinungaling!"
"What made you think na nagsisinungaling siya sakin?"

Napanganga ako sa tanong niya.

"Sinabi niya sakin na mahal niya ako, period!" Pinipigilan niya ang mga luha niya.
"Alam mo bang ganito ang nangyayari all along?"
"Oo!" Pinunasan niya ang luha niya. "Pero hinayaan ko. Kasi alam kong kahit na maghanap siya ng iba, sakin parin ang bagsak niya. Tanga lang si Eliana. Naniwala agad kay Yuan. Yuan's just dating her for fun! She's the type of girl you date before you get serious! Tsaka, nagmana lang siguro si Eliana sa kabit niyang mommy!"

NASAMPAL KO NA! Kanina pa kumukulo ang dugo ko eh ngayon ko lang nailabas!

Nanlaki ang mga mata niya at natigilan sa sampal ko.

"Hindi anak sa labas si Eliana. Itatak mo yan sa kukote mo! Kaya ka pala nagpapakatanga diyan kay Yuan kasi totoong tanga ka! Ikaw itong tanga, Tanika! Alam mo pero hinahayaan mo. And worst tinanggap mo pa ulit!Kung nagawa niya ngayon, gagawin niya ulit yun."
"Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan Denise? Wala kang alam! Hindi ka pa nagkaboyfriend at alam kong hindi ka pa nagmamahal! Paano ka magmamahal eh hindi mo kayang magpakatanga?"
"Oh my! Can you hear yourself? So okay lang sayo na mambabae si Yuan basta kayong dalawa ang magkakatuluyan? What kind of love is that!? Oh my god! Get a god damned life and love your self sometimes!"
"Ang sabihin mo, Denise! Plano mo 'to! Gusto mong iwan ko si Yuan para sila ni Eliana ang magkatuluyan. Well, you'll never succeed!"

Tapos nagwalk-out siya. Napasigaw ako sa gigil!

What the?! Hindi ko kailanman papayagan si Eliana na makipagbalikan o makipag-usap man lang ulit sa Yuan na yun. He's gonna learn his lesson freakin well this time!

May biglang nahulog na mga aklat sa kabilang lockers at nakita kong pinupulot ito ni... Jenny!!!

"So-Sorry!" Sabi niya.
"Didn't you know that its rude to eavesdrop?"
"Hindi ko naman sinasadya." Pinupulot niya parin ang mga books niya.

Ano 'to? Intermission number niya! Ilang dekada ko na siyang di nakikita and here she is, back to being nerd. Away from Bench. Wala akong pakealam kung narinig niya yun. Its none of her business. >:( >:( >:( >:(



Stage 43.
The devil will never play fair.





Hinanap ko na agad si Yuan. Binalewala ko na si Jenny dun sa locker. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin kaya ang ginawa ko muna ay hinanap ko ang sasakyan niya.

Ilang minuto akong naghintay bago ko siya nakitang papalapit sa sasakyan niya. He knew I was there to scold him and slap him for what he did but he faced me bravely.

"I know why you're here." Sabi niya.
"You should! Ngayon, gusto kong malaman mo na I'm gonna-"
"Ruin my god damned life? Its already ruined, Denise. Di mo na kailangan pang dumagdag." Sabi niya.

For some reason, biglang sumulpot si Tanika at sinampal ako.

PAK!

Napatingin lahat ng tao dun at natigilan.

"Tigilan mo na 'to!"

Langya! Pwede namang sinabi niya lang na tigilan 'to at di na ako sinampal. Nahighblood ako sa ginawa niya kaya sinampal ko din. Magkakalimutan na ang magkakalimutan. Kainis!

"Ikaw ang tumigil, Tanika! Are you blind? Tsaka, wa'g kang makealam dito!" Sabi ko.
"Bakit? May karapatan akong makealam dahil relasyon namin ni Yuan ang pinag-uusapan dito. Wa'g ka ngang kakabit at papapel."

Nagbulungan ang mga tao sa paligid. May narinig pa akong... "Kabit si Denise?"

Sige, eto na ha! Kainis na kayong dalawa!

"Kakabit at papapel ako dahil sinaktan niyo si Eliana! Alam mong, inosente siya, Yuan." Sigaw ko. "At ikaw naman, Tanika... My goodness, magkaibigan tayo pero ni hindi mo sinabi na alam mong may ganung nangyayari. Ano ba kayo? Nagtatangatangahan!?-"
"Anong pinagsasabi mo?" Sinubukan ni Tanika ang pagpapatigil sa bunganga ko dahil hiyang-hiya na siya sa mga nakakarinig.
"Wa'g kang mag maangmaangan. Wag mong ipalabas na ako ang ginawang tanga, si Eliana ang ginawa niyong tanga!"
"HINDI KO SIYA GINAWANG TANGA!" Sigaw ni Yuan sakin.

Nabigla naman ako dun. Galit na galit siya at pulang pula ang kanyang pisngi.

"Eh anong tawag mo dun? Minahal ng totoo-"
"WALA KANG ALAM, DENISE!" Sigaw niya.
"Ewan ko sainyo Yuan, ang alam ko lang ay niloko niyo si Eliana. Kayong dalawa ng GIRLFRIEND mo! Niloko niyo siya! Ang kakapal ng mukha niyong lokohin siya!"

Hindi ko na alam kung anong iniisip ng dumadagsang mga taong nakatingin.

"HINDI KO SIYA NILOKO! HINDI! MINAHAL KO SIYA NG TOTOO!"
"Minahal? HAHAHA>:D

Sa sobrang inis niya sa pagtawa ko hinawakan niya na ang magkabilang braso ko at niyugyog ako.

"Oo! YUN ANG TOTOO! WALA AKONG MAGAW-"
"Excuse me pare pero mukhang nasasaktan na si Denise." Biglang sabi ni Lance.

Saka ko nakita si Tanika na umiiyak at wasak na wasak. Matagal na siyang wasak. Binalaan ko siya pero hindi siya nakinig.

Hinawakan ni Lance ang braso ko.

"Ang ibig kong sabihin ay bitawan mo siya."

Huminga ng malalim si Yuan at umiling. Humupa naman ang mga tao dahil umalis si Tanika at si Yuan naman ay pumasok sa kanyang sasakyan.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin habang yumuyuko at tinitignan ako.
"Okay lang." Sabi ko na parang naiilang.

Touched ako dahil nag-alala si Lance pero nanghihinayang din kasi nawala ko si Yuan at Tanika.

Nagkatitigan kaming dalawa ng halos sampung segundo nang biglang may umubo sa likuran.

"I'm kinda late but I think I still deserve the right." Bigla akong hinila ni Bench papunta sa kanyang mga bisig.

Parang tumigil ang oras at nag slow motion ang lahat. Nakita kong natigilan ang mga taong naglalakad sa carpark at sa field.

Bench is back with a vengeance. >:(

Akala ko matatameme si Lance pero hindi... Kalmado lang siya pero parang nainsulto.

"The girl is mine."

Ngumisi si Bench na parang may masamang mangyayari sa susunod na makita niyang hawakan ako nino man.

"You always say that, but its not your decision Bench."

Pero may pasabog din pala tong si Lance!

"Until that decision is made..." Tumingin si Lance sakin. "Saka mo siya makukuha."

Nakiliti naman ako sa ilong ni Bench na inamoy ang buhok ko sa likuran. Ngayon ko lang na realize na nakapulupot parin ang isang braso niya sa baywang ko. Si Lance naman, mukhang nabadtrip sa ginawa niya.

"The devil will never play fair." Sabi ni Bench.

Parang gusto kong magsalita... Pero seryoso silang dalawa at takot ako sa mangyayari...

"And they will never win." Sagot ni Lance sa kanya.

Hinila ako ni Bench na parang tuta. Inis yata sa linya ni Lance.




Stage 44.
Sit here.







"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nag di-drive si Bench ng sasakyan.

"ARE YOU CRAZY!? DIBA SABI KO SAYO WA'G KANG GUMAWA NG KAHIT ANO?" Biglang sigaw niya.

Parang nag burst out ang prinsipe niyo sa inis.

"Wala namang nangyari ah? Anong problema mo-"
"Kung di ako dumating, baka nagkasabunutan na kayo ni Tanika... O baka na harass ka ni Yuan."
"Anong 'kung di ka dumating'? Eh si Lance yung unang dumating-"
"Dont you talk to Lance again." Sabi niya.



"Huh? Wait- What?:o :o :o :o :o

Pumikit siya at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan niya.

"Mamamatay tayo dito, Bench!" Sigaw ko habang kinakabahan.

Leche tong mokong na 'to. Kung mainit ang ulo niya eh pagbuntunan niya yung iba, wa'g ako.

"Ano bang problema mo?" Nakapark kami sa tapat ng building nila.

So he's working. Pero bakit niya ako isinama?

"You are my problem!"

Lumabas siya at hinila na rin ako palabas ng sasakyan. Hinagis niya kay Kuya Joe ang keys at dirediretso siyang pumasok sa loob.

"Bakit ako?"

Halos madapa na ako sa kakahila niya.

"Bench, tigilan mo nga. Ugh!" Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.

"G-Good morning, Sir!" Nag-aalangang bumati ang mga tao sa kanya dahil sa mukha niya siguro.

"Mood swing ba yan? May dalaw ka at bakit bigla ka na lang galit diyan?"

Nakapasok kami sa elevator. Sinarado niya at ni-press ang 17 sa buttons... 17th floor.

"What's wrong-" Bigla niya akong tinulak sa elevator wall.

Seryoso ang mukha niya at kay lapit lapit. Naamoy ko na ang mabango niyang hininga. Kahit galit siya, may bakas parin ng dimple niya sa mukha. Sobrang gwapo talaga. Andyan na naman yung makamundong pagnanasa ko. Hindi tuloy ako makatingin sa mga mata niya. Hay nako! Hidden desires :(

"I know I won't ever get you with my words or mere actions. Right?"
"Hu-???
"So this time, I'm gonna own you."

Hindi ko maintindihan ang lokong 'to. Anong 'get you-get you' na sinasabi niya? Siguro atat na talaga siyang makapaghiganti sakin at alam niyang di ko hahayaan 'to.

"Sa ayaw at sa gusto mo."

*TING!*

Bumukas ang elevator kahit nasa parehong posisyon kaming dalawa. Ang laswa tignan na napatalon ang mga papasok sana. Hindi sila tumuloy at sila pa yung nahiya...

Bigla akong hinila ni Bench. Binigyang daan kami. Laglag ang panga ng lahat. Nahiya tuloy ako dahil yung iba professional-looking talaga.

Parang giraffe na nagtataasan ang leeg ng mga employees nina Bench kung makatingin sakin.

"Ba't mo ba ako dinala dito? Huy!" Sigaw ko.

Panay parin ang hila niya sakin papunta sa isang double-door at glass na pintuan. Ilang segundo lang ay nakapasok na ako at tumambad sakin ang mukhang nag bo-boardmeeting na mga stock holders, sa gitna ay ang kanyang Daddy.

Ginalaw lang ng daddy niya ang kanyang glasses at umubo ng konti tapos ngumiti sakin...

"My son's back..."

Nakatingin na sakin lahat ng stock holders.

"With someone... Pakilala mo sa board, son."

Tumango si Bench at pumula ang pisngi. The devil!





"This is Denise Gozon, by the way, my girlfriend and future wife."




 :o :o :o :o :o :o


Believe me... mas gulat ako sa inyo!



Sa sobrang tahimik ng mga tao gusto ko na lang lumiit at magtago at magkunwaring langgam.

WHAT THE EF? What did he just say? Gusto ko siyang sigawan pero umuurong ang boses ko dahil sa mga taong nasa harapan.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakanganga at hindi humihinga.

Tinignan niya ako at hinawakan ang aking kamay.

"Sit here." Aniya at pinaupo ako sa kanyang upuan.

"Congrats!!" Saka pa bumati ang mga nabiglang board members...

Ayoko ng marinig ang kanilang mga sinabi. Hindi ko talaga magawang umapila dahil yung daddy niya ay parang na carried-away. Hindi ko alam kung masaya dahil sa wakas ay mukhang matatali na ang kanyang anak o dahil eto rin ang plano niya.

Naka face-palm ako nang natapos ang 'congratulations' ng mga tao at nag resume ang meeting.

Why am I even here?

Tinanggal niya ang kamay kong kanina pa naka face-palm.

Naaninaw ko agad ang nakangisi niyang mukha. Ibang-iba sa ipinakita niya kanina sa sasakyan. Ngayon, masayang-masaya na siya. Kainis nga eh.

Now I know, the devil... will never... ever play fair.

Kawawang Lance. Pero ganun pa man, I won't give him the satisfaction of my defeat! Hinding-hindi siya makakapaghiganti sa akin kahit na alam kong mahal ko na siya. I won't let him!

Napapikit ako. Ngiti niyang sobrang nakakatukso... paano na 'to ngayon? ??? ??? ???



Stage 45.
Iuuwi na!





"What the hell, Bench? What the hell?!" Sigaw ako ng sigaw pagkalabas namin sa building nila.

Uuwi na yata siya.

"Shall I send you home?" Tanong niya.

Di parin maalis ang ngisi sa mukha niya. Sinapak ko na.

"Aray naman!"
"Ano bah!!! Ano ba 'tong ginagawa mo?"

Papalapit kami sa sasakyan niya.

"Bukas, papasok ka ulit diba? Kahit anong porma ang gawin ni Lance sayo at kahit wala ako, wala na siyang magagawa. Its over, Denise." Ngumisi ulit.

"Over mong mukha mo, Bench! Kung paghihinanti lang yung balak mo, di mo ako madadaan sa mga pakulo mo, noh!?"

Natigilan siya sa harap ng sasakyan niya at humarap sakin bago pumasok...

"So... Kung tunay 'to, papayag ka na?" Tanong niya ng seryoso.
"Uhhh..."

Titig na titig siya sa aking mga mata. Ako tuloy yung naiilang at di makayanang tignan ang mata niya.

Ano ba 'to, ba't ko pinapatagal ang pagsagot at bakit pinag iisipan ko pa? ::) ::) ::)

"Syempre hindi rin! Ano ka ba, Bench. You dated at least hundred girls... you expect me to believe you?" Tumawa ako pero seryoso parin siya.
"That's my point, Denise... You won't believe me in anyway... kaya pipikutin kita hanggang sa sumuko ka."

Tinignan ko ang mga mata niya at kinabahan. Alam kong mangyayari talaga yun... ngayon pa lang sumusuko na ako. Yung pride ko na lang ang nakatayo.

Nagkatitigan kami. Tapos ilang sandali ay nakita kong nakatingin ang mga mata niya sa... lips ko? Kinabahan ako. Kinabahan ako hanggang sa naisip kong hindi na kaba 'tong nangyayari sakin. So... nangyayari pala talaga yun? Yung sabi sa TV at ibang books na pag inlove ka, maririnig mo talaga yung puso mo? Pinagpawisan ako ng todo.

Akala tumigil ang pag-ikot ng mundo.

"Ah!" Ginulo niya ang buhok niya at pumikit. "Now you get in."

Kinagat niya ang labi niya at linagay ang kamay sa noo. Binuksan niya ang pintuan at agad akong pumasok ng walang imik.

A.n.o.y.u.n.g.n.a.n.g.y.a.r.i? :o :o :o

OMG!

Huminga siya ng malalim pagkapasok sa driver's seat at hinarurot agad. Sobrang awkward. Or is it just me?

Maturn-on nga yung iPod niya para may music naman. Pipindutin ko na sana nang daliri niya ang napindot ko... Nagkahawakan tuloy kami ng kamay.

"Sorry!" Sabay pa talaga kami!

Tinignan ko siya at pinaglaruan niya ang kanyang mga labi para maitago yung ngiti.

Oh my god! Kinikilig ako! you wish its true, Denise! Sige mag assume ka para masaktan ka. And in the end, ikaw lang pala yung naaapektuhan! :-[ :-[ :-[

Nabuksan niya yung iPod...

*Cause there'll be no sunlight if I lose you, baby... There'll be no clear skies if I lose you, baby...*

Parang ako naman ngayon ang gustong ngumiti ng pagkalaki-laki dahil sa naririnig kong kanta.

Napatingin ako sa kanya at nag pout para maitago ang ngisi kong halos di ko mapigilan.

Sumulyap siya habang nagd-drive...

"Don't look at me like that..." Balik ulit ang tingin niya sa kalsada. "Ayokong dalawang gabi kang di natutulog sa inyo. At pag nangyari yun baka di ka na ulit makakauwi sa inyo."

Tumawa siya at binatukan ko na.

"Iuwi mo na ako!!!" Natawa na rin ako.

Jusko, ayokong bumigay!!!

"Heto na nga! Iuuwi na!" Tawa ulit niya.

Kainis. Dimple pa lang nanghihina na ako, paano na kaya kung ganito? Hanggang kailan ako makakapagtimpi?




Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText