<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 51-55


Stage 51.
I've been waiting for you




May steak na inihain at kung anu-ano pa. May tumugtog pa ng acoustic.

"Akala mo street foods?" Nakangiting sabi ni Lance.

Tumawa na lang ako. I'm speechless.

"You are so beautiful, Denise." Sabi niya.

Tinitigan niya ako. Para bang isinasaulo niya ang bawat linya sa mukha ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi sa kahihiyan kundi dahil alam kong masasaktan ko lang siya sa gagawin niya. Assuming?

"Thanks, Lance. Nag abala ka pa talaga sa gabing ito." Sabi ko.
"Of course, its all for you."

Ngumiti siya. Nginitian ko na rin.

Oh God! Tulong! Anong gagawin ko? Sasagutin ko na siya!? Ibabasted? Paasahin?

Ilang awkward moments ang nakalipas...

Nagkatinginan kami tapos biglang nag ring yung Phone ko!

*Bench calling...*

I canceled his call. Nananadya na naman yata siya.

"Sorry." Sabi ko habang uminom ng wine.
"Okay lang." Ngumiti ulit siya.

Tapos biglang na-off yung lahat ng lights sa paligid, kaya naman ang dilim-dilim na! Akala ko nga sinadya yun pero nang nagkagulo na... Nagpakita na yung mga kaibigan ni Lance sa paligid.

"Anong nangyari?" Sabi nung classmate ko.
"Ewan ko, siguro may nakaapak sa wire o ano." Sabi nung isa.
"Diba wala namang tao dun?" Tanong nung isa.
"Baka may napadaan tapos biglang in-unplug?"
"Sorry, Lance ah? Gagawa na kami ng paraan." Tapos umalis sila.

Napaface-palm si Lance.

"Sorry, Denise." Sabi niya.
"O-Okay lang."

Nagdududa na talaga ako. I don't think its a natural phenomena! I think someone is behind it. Pestering me again... Napatingin ako sa palagid...

Pero nang nakita ko ang seryosong mukha ni Lance na nakatayo at naglalahad ng kamay sakin, para bang gusto niyang isayaw ako...

"I want to dance with you before the Ball, Denise."

Naputol din diumano ang wire na para sa guitar kaya lumapit yung kaibigan niyang nag-gi-gitara para marinig namin yung tugtog niya.

Tumayo ako at linagay ang kamay sa kamay niya.

Sana pala pinagpatuloy ni Bench ang panggugulo niya. Ayoko ng awkward moments. Hindi... Siguro hindi ko naman talaga ayaw ang awkward moments... ang ayaw ko ay ang puntong alam ko na hindi ko masasagot si Lance kung sakaling magtanong siya.

"Sa maikling panahon na nakasama, Denise... Minahal na agad kita."

OH EM GEE! Sa ngayon, di ko na maitsura ang mukha ko. Oh no!

Tapos may konting ingay sa pagbabalik ng mga kaibigan ni Lance. May dala dala silang kandila at may tig-iisang papel pa sila.

"I know its too early but I want to be the first one to ask you this..."

Pagkasabi niya nun ay ipinakita ng mga kaibigan niya ang tig-iisang letters...
W-I-L-L Y-O-U B-E M-Y G-I-R-L-F-R-I-E-N-D?

OMG! Masyado siyang nag effort para nito! I don't wanna mess things up!

Mahal ko si Bench pero maghihiganti lang siya sakin at ayokong masaktan. I like Lance, he's so good to me. In fact, he's too good for me. I don't deserve him. Pero sigurado akong di ako masasaktan sa kanya. Ayokong umasa sa wala.

Tumigil ako sa pagsasayaw.

Pero pag sinagot ko ba siya, sigurado akong di ako masasaktan ni Bench? Paano kung magseryoso na siya sa iba? Pero paano kung hindi? Either way masasaktan ako ni Bench. Kahit na maging kami pa ni Lance ngayon, masasaktan parin ako ni Bench, simply because I love him.

"Denise..." Worried na sabi ni Lance.

I can move on with Lance but I won't be over Bench...

"I-I'm sorry-"
"You don't have to answer me now." Aniya.

Nagbulung-bulongan ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko na alam kung anong sinasabi. Pero nang tinignan ko ang mga mukha nila, may isang babae dung umiyak tapos yung iba ang sama makatingin sakin.

"I don't deserve you Lance. I'm sorry."

Nagwalk-out ako kahit madilim. Tapos tumakbo na kasi di na ako makapaghintay na makaalis dun sa place. Halos maputol na yung takong ng pumps ko sa kakatakbo. Hindi ko ininda yung kadiliman. Nasasaktan ako para kay Lance. Gusto kong umiyak sa sobrang guilty.

Hanggang sa naaninaw ko na yung kalsada.

Tumigil ako pagkalabas ko. Hinihingal.

"I've been waiting for you." Binuksan ni Bench ang pintuan ng sasakyan niya.

And in the end, its not a battle of who can take me to better places... its a choice of who i want to be with.




Stage 52.
Do you love me






Pagkapasok ko sa sasakyan niya, pinaandar niya agad ito. Humarurot hanggang nag punta kami sa isang mall kahit gabi na.

"You hungry?" Tanong niya.

Lumabas kami pagkatapos niyang pinark ang sasakyan.

"Nope." Sabi ko nakatunganga lang.
"What do you wanna do? Want to buy something? Shopping? Movie? What?"

He looked worried.

Gusto kong tanungin kung mahal niya ba ako pero di ko magawa dahil umuurong yung bituka ko. Pride yata ang umiiral. :-[

"Sinundan mo ba ako?" Tanong ko.
"Why? You think its better if I was not there?" Seryosong tanong niya.

Umiling ako.

"Di mo sinagot, Denise?" Tanong niya at ngayon, hinarap na niya ako, nakatitig. "Bakit?"

I want to pull it out of him... pero ngayon, baliktad ang sitwasyon. Siya yung magpapaamin sakin. How evil! He's tempting me. He can read my mind. Alam niyang gusto ko siya kaya tinatanong niya ako dahil alam din niyang vulnerable ako ngayon.

"Because I don't love him. You see Bench, I'm not like you. Pinopormahan ang mga babae kahit di nila mahal."

Tumingin siya sa labas at nag-pout ng kanyang lips. Ilang sandali napabuntong hininga siya.

"I knew karma will get me one day but I never knew it'll be this hard." Sabi niya.

Napabuntong hininga ulit siya.

"I know its not going to work on you. You heard me say it so many times and you know those were all lies. Kaya ayaw kong sabihin sayo yun. Instead, I want you to feel it. Can you feel it, Denise? Can you feel me?"

Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari pero masyado palang close yung mukha namin sa isa't-isa kaya ramdam ko yung hininga niya. He smells really good. His eyes dark and shining. Hair so perfect. He's godlike. Even beyond. A temptation.

Kakagat ka ba talaga sa mansanas kahit alam mong bawal?

He's a playboy for god's sake. And he's up for revenge! And above all... he's evil!

Pero dahil hindi ako anghel. Kakagat ako sa mansanas. Hell will be better with you, Benjamin Jimenez.

We kissed. Its a mistake, I know.

Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi pa ako makahinga at nakatunganga lang sa loob ng sasakyan niya. Anong ginagawa ko? Nagpapaloko ako sa kanya?!

Tinignan ko siya. He's beyond happy! Sa sobrang ngiti niya ay napansin ko talaga ang dimple niya.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Do you love me, Denise Cordelia Gozon?"

Nagkagoosebumps ako. Hindi ko alam kung dahil ba kinikilig ako o dahil kinikilabutan ako. Bakit ako ang tinatanong niya? And hell, I won't say I love him yet! NOT TILL I PROVE THAT HE'S SERIOUS WITH THIS!

Pero ngayong tinatanong niya na ako. Saka nag flashback sakin ang memory ng pagsumpa niya sa akin sa araw na iyon. Ang 500 pesos na ibinayad ko sa tagapangalaga ng kabayo para maipalayas ang kanyang pag-ibig. Sigurado ako kaya siya playboy ay dahil nasaktan siya ng masyado. At ngayon, naisakatuparan na ang kanyang paghihiganti. Konti na lang at magtatagumpay na siya. Sa oras na sabihin kong, 'Oo', tapos na ang lahat!

Masasaktan ako, Bench. Pero sisiguraduhin kong hindi mo malalamang masasaktan ako. I won't give you the satisfaction of my defeat. Tama na ang masaktan ako, sobra na ang malaman mo pa.

Kinalas ko ang kamay ko sa kanya. Napawi agad ang ngiti sa mukha niya. His face darkened once more.

"Let's go home." Diretso ang tingin ko sa daanan.





Stage 53.
I love you.





Hindi na kami nag-imikan hanggang nakauwi ng bahay. He's giving up. Syempre, tama na dapat. Matagal na yung nangyari. Bata pa kami nun. Sana naman tigilan niya na ang paghihiganti sakin.

That night, I couldn't sleep.

Mahal ko si Bench pero sana tama na yun lahat. Kasalanan ko na. Masama na ako.

Kinabukasan... ang sakit ng ulo ko.

*Kring*

"D, papunta na ako ng school. Ikaw?" Sabi ni Eliana.
"Huh? Kakagising ko lang."
"What? Bilisan mo na."

Pinatay ko ang tawag niya.

Hay nako. Si Eliana talaga. Halos walang pasok today ano dahil bukas na yung ball.

Pagkatingin ko ulit sa cellphone ko may text doon ni Lance.

Lance:
I'll fetch you tomorrow.

Akala ko ayaw niya na akong makasama pagkatapos ng ginawa ko dun sa surprise niya. Mas lalo tuloy akong na-guilty. But what bothered me most? Walang ni isang text ni Bench. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya kagabi. Tapos parang mas lalo akong na-guilty sa mga sinabi ko sa kanya. Kung sana sinabi ko na lang na mahal ko siya edi okay na sana! Wala na akong pagsisisihan!

Pagkatapak ko sa gate ng school namin, weird kasi nakikita ko ang mga schoolmates kong tumitingin sakin at nagbubulong-bulungan.

"Denise!" Biglang hila ni Eliana palayo.

Para bang may iniiwasan kami.

"Bakit?" Tanong ko.
"Diretso na tayo ng classroom." Aniya.
"Huh? 'Tayo'? Eh di naman tayo magkaklase. Tsaka, may kukunin lang ako sa locker room."

She looks stressed and worried about something...

"Lika na!" Sabay hila niya.
"May problema ba?" Tanong ko.
"W-Wala!"

Hay Eli. Mukha mo palang alam kong may problema siya. Kaya imbis na sundin ko siya, pumunta ako ng locker room para tignan kung ano ang problema niya.

Pagkapasok ko napa-nganga ako sa nakita ko.

"Who the hell did this?!"

Grabe! Tumaas yata ang dugo ko. Maha-heart attack na ako.

May malaking vandal na nakalagay 'Denise Gozon is a B1tch' sa lockers!

Tinignan kong mabuti at may nakita pa akong 'Go To Hell Denise' sa pader.

Lumabas ako at pumuntang CR, may malaking Go to hell Denise sa salamin!

Pagkalabas namin ni Eliana sa CR, nakita ko si Renzo na nakangisi.

"Ikaw ang may gawa nito?" Agad kong ibinulalas sa galit ko.

Tinulak ko siya.

"Easy, Denise. Easy!" Nakangising sabi niya.

Naagaw ko tuloy ang atensyon ng mga tao sa paligid.

"Hindi ako ang gumawa niyan. Kung ako ang gumawa niyan, matagal na sana. Can't you see?" Tinuro niya ang mga nagbubulung-bulongang mga tao sa paligid.

Nakita ko sina Candice, Jenny, Tanika at iba pa...

"Maraming galit sayo. I don't know for what reason pero galit sila. Kung sana lang ay di mo sila ginalit."

"Jenny!" Sigaw ko.

Nakita kong umurong siya ng bahagya.

"Ikaw ba-"
"Hindi ako!" Aniya.

Nakita ko na rin ang galit sa mukha niya kahit na may luha na dito. Lumapit siya sakin.

"Pero bagay lang yun sayo, Denise! Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sakin! Inutusan mo si Bench na paglaruan ako! Napakasama mo! Kung sino man yung gumawa nito, magpapasalamat ako sa kanya! YAN ANG NABABAGAY SAYO!"

Tapos sinampal ako.

Napahawak talaga ako sa pisngi.

"Jenny! Tama na nga yan!" Sigaw ni Eliana.

Umalis din naman sila.

Kainis talaga! Sobrang nakakainis! Ano ba ang problema ng mga taong 'to? At sino ang gumawa nito?

"D! Sabi ko naman sayo eh."
"Argh! Ayoko na! Aalis na ako! Ayokong pumasok!" Aalis na sana ako nang nakita ko si Lance.

"Denise..." He looks sorry and worried. "Wa'g kang mag-alala, hahanapin ko ang gumawa sayo nito."
"Salamat kung ganun. But for now, I'll leave." Tapos nilagpasan ko siya.

Bago ako tuluyang makalagpas... hinila niya ang kamay ko.

"Please promise me you'll go with me tomorrow."

Tumango lang ako. Wala na akong lakas para magsalita. Napagod ako sa mga pangyayari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung wala si Eliana sa tabi ko, hindi ko alam kung anong mangyayari. Kung sasabihin ko to kay Daddy, sigurado akong maghuhuramentado yun at makakasuhan talaga ng harassment ang gumawa nun. Ayaw ko namang gumawa ng malaking gulo kaya tatahimik na lang ako.

Galit na galit ako! Galit na galit! Panirang Jenny sinampal pa ako! Kung makapagbulung-bulungan naman yung mga tao dun parang wala na silang maling nagawa ever! Nakakainis! SOBRANG INIS KO NA NAGKULONG NA LANG AKO SA KWARTO.

First time sa tanang buhay ko hindi ako excited para sa party.

*Krrriiiing!*

Bench calling...

Nakahiga ako sa kama ko nang tumawag siya. Gabi na. Buong araw na lang akong angkulong. Sinamahan ako ni Eliana kanina, pero umalis din nang dumilim na.

"Hello, Denise?"

His voice is warm. He gives me assurance and security. Pero sana kung nasa school parin siya di 'to mangyayari sakin. Without him, I'm vulnerable. :-[

Simula pa lang noon. Kahit na lagi ko siyang inaaway nung mga bata pa kami, siya parin ang pomoprotekta sakin. He's my shadow. I'm not me without him.

Its not just social climbing... its my identity. When he's with me, I'm Denise Cordelia Gozon.

"Bench..." Halos mabasag yung boses ko pagkasabi ko nun.

I don't know why I'm crying.

"Don't worry about it. I'll take care of it. Sleep tight for tonight. I'll see you tomorrow." Sabi niya.
"'mkay." Ayokong magsalita pa ng marami dahil umiiyak na talaga ako.







 :-[ :-[ :-[












 :'(















"Shhh. I love you."

OMG! Sinabi niya yun! Sinabi niya yun ngayong wala akong lakas para bigkasin ang mga salita dahil sa pag-iyak ko!? Bukas... sasabihin ko sa kanya. Di bale na yung mga doubts ko.

I'll not say it just because he's the only one I have now, I'll say it because I've decided to love him without expecting anything in return.

Nawala na siya sa linya paghikbi ko. I love you, Bench. So much.





Stage 54.
Hintay ka lang.






Tapos na akong mag-ayos nang nagdoorbell si Lance. Binuksan ni mama, agad naman akong umalis. Ayoko kasi ng maraming tanong kay mama o kay papa.

"You look so beautiful, Denise." Sabi ni Lance.

Hindi parin ako sigurado kung invited ba ako sa ball. Alam kong invited ako, syempre, pero yung mga tao dun galit sa akin.

"Thanks Lance, you look good too." Sabi ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya ng nagtraffic na.
"Okay lang. Makakalimutan ko din yun." Sabi ko.
"I'm not sure who did it, pero tingin ko sa Candice San Juan."

Napatingin ako sa kanya.

"Siya lang yung may sobrang galit sayo dun sa kanila eh. She's jealous of you."
"Kung siya ang gumawa noon, dapat noon niya pa ginawa yun. Matagal na yung issue ko sa kanya. I'm sure hindi siya." Sabi ko.

Tumango na lang siya at pinark ang sasakyan.

Agad siyang bumaba at binuksan yung pintuan sa akin at naglahad ng kamay.

Walang makakatanggi sa ngiti niya. Kay gwapo niyang talaga. Kung wala si Bench sa buhay ko makokontento na ako kay Lance, pero nandyan si Bench eh. Hindi ko makakayang pumili ng tao dahil lang alam kong di niya ako masasaktan. Simula pa noon, gusto ko na talagang sundin ang nakakapagpasaya sa akin.

Linagay ko ang kamay ko sa kamay niya. Pagkarating namin sa karamihan, sumalubong samin yung kanyang mga kaibigan. Iilan sa kanila ay nandun sa proposal ni Lance. Halos silang lahat naman ang nagbulung-bulungan nung nakita ako.

Napairap na lang ako sa kawalan. >:(

Si Lance naman ay busy sa pakikipagchikahan at pagsagot sa iba't-ibang mga tanong niya.

Tinignan ko ang soot ko. Simula pa kanina, namomroblema ako. Ni hindi ko na masyadong napagtoonan ng pansin ang soot at make-up ko. Niready ko tong damit ko simula pa last year. Excited akong sootin 'to pero di ko akalaing hindi pala exciting para sa akin ang araw na 'to.

All black ang peg ko. Kumikislap mula sa hips papuntang heels. Tube top at naka french bun ako. Smokey eyes na mas lalong nagpa-drama sa soot ko. :-[

May nakita akong isang babae sa gilid, nakatayo, mahaba ang buhok at parang nininerbyos.

Nakuha niya ang pansin ko kasi iba yung soot niya. I'm sure she's not from our ball. Besides, nasa gazebo pa lang kami at di pa nakakapasok sa function room, siguro may hinihintay siya.

Lumingon siya sakin at nagkatinginan kami.

I remember! She's the girl... What's her name? Yung maputi at magandang volleyball player na kinalolokohan ni Brent?

Nilapitan ko siya at agad naman siyang mas lalong na-tetense.

"Hi, I'm Denise." Sabi ko at naglahad ng kamay. "You are..."
"Maxine Alvarado." Ngumiti siya pero may halong tense yung mukha niya ewan ko kung bakit.
"Why are you here?" Diretsong tanong ko.
"A-Ah, hinihintay ko si Brent."
"Why? Are you both gatecrashing our ball?" Tinignan ko siya from head to toe.

True. Maganda talaga siya. Kasing haba lang naman ng legs niya ang legs ni Eliana. In speaking of Eli, hindi siya pupunta sa Ball. You know her... persona non grata sa school. Dapat nga pati ako di na nagpunta. Kasalanan ko bang kailangan ko talagang pumunta kasi sa gown kong noon ko pa pinag-isipan. Sayang yung pictures at lahat! Social climbing...

Yung soot naman nitong Maxine ay maiksing cocktail dress.

"If you are, then you're out of place. Long gowns yung sabi-"
"Denise!" May isang pamilyar na boses ang biglang humagkan kay Maxine.

He grabbed her hips and smiled. Brent Cruz, Bench's cousin. Anong ginagawa nila dito? At sila na pala nitong dream girl niyang wala daw siyang pag-asa?

"Talk about public display of affection... kayo na pala?"
"'to naman oh! Don't be like that. We're engaged." Ipinakita niya ang singsing sa kamay ni Maxine.

Eto namang si Maxine, pumula ang pisngi.

"Good for you! Congratulations, then!"
"Hay nako! You really suit that man. He needs a strong woman. Stronger, even." Ngumisi siya. "Stop being grumpy. Ganda mo pa naman, tapos parang laging galit at nagtataray."

Nagkibit balikat ako.

"Why are you here? Gatecrashing?"
"Yep!" Hinalikan ni Brent ang pisngi ni Maxine.

PDA talaga!

"May palabas kami. Hintay ka lang. Wa'g kang magwalk-out ah? Pinaghirapan niyang kopyahin ang mga diskarte ko." Tumawa siya.

What? Di ko alam kung ano ang ibig sabihin niya. Sino 'siya'? Si Bench? Palabas? Ano? These men... they creep me out.

"Smile!" Sabay pindot sa pisngi ko bago sila umalis.

O.M.G. Parang nagkabuhol-buhol yata ang sikmura ko sa kaba. Butterflies in my tummy. Ayoko ng pumasok sa kaba at sa excitement! Kung alam ko lang na may mangyayaring ganito, sana pala mas mahal at magandang damit ang pinili ko, tapos nagpamake up ako sa pinakamamahaling HMUA! OMG!

"There you are!" Sabi ni Lance nang nakita akong nakatingin sa kawalan.

For the first time that day, I smiled.




Stage 55.
all the sacrifices I'm making 





Nagenjoy ako sa mga nagpipicture na paparazzi. Binalewala ko na lahat ng mga nagbubulung-bulongan. Ang inisip ko na lang ay ang gagawin ni Bench. Si Brent kasi, sinabi pa! Sana sinorpresa na lang ako! Assuming naman ako diyan!? Parang naniniwala naman yata ako kay Bench ngayon.

Pagkapasok ko sa loob, wala akong Bench na nakita.

"Denise, here." Sabi ni Lance nang kinawayan niya ako sa isang table kasama yung ibang friends niya.

Umupo ako sa upuang inilahad niya. Alam kong nag-uusap-usap at nagrereklamo na naman ang mga friends niya dahil nandito ako.

"Diba binasted ka na? Hayaan mo na lang yan! Kainis na siya ah! Kapal ng mukha."

Well, sorry ka na lang girl, balewala ka na sakin ngayon. Maya-maya lang ay may pasabog si Bench kaya hayaan mo na lang ako dito at mamimiss mo rin ang kagandahan ko soon.

Pinagtanggol ako ni Lance. Ang akala nila ay di ko narinig kasi panay ang tingin ko sa paligid.

Ang sarap talaga ng pakiramdam pag may hinihintay ka.

Nagsimula ang engrandeng program at ang kainan. Four courses ang pagkain. Tapos kapag napapasulyap pa ako sa mga kaibigan ni Lance puro biyernesanto ang mukha.

"Sorry Lance." Sabi ko. "Di yata ako invited sa table na 'to."
"Hindi. Hayaan mo sila." Ngumiti naman siya.

Sobrang bait talaga ni Lance na minsan naiisip kong ang sama-sama kong tao. Parang ginagamit ko lang siya kasi wala si Bench ngayon.

"Guys, tigilan niyo na yan." Sabi ni Lance nang nakitang nag-bulung-bulungan na naman ang friends niya.
"Eh kasi naman Lance, ang tanga mo na! Sorry ba, Denise? Binasted mo na yung tao, pumayag ka pang sumama sa kanya? Pinapaasa mo ba siya?" Mejo tumaas ang boses nung kaibigan niya kaya napatingin ang mga tao.

Nakakawalang gana namang kumain. Binitiwan ko ang kutsara at tinidor ko dahil baka mabato ko pa sa kanya.

"Pasensya ka na ha? Si Lance lang naman kasi dapat yung kasama ko, hindi kayo..."
"Kita mo na, Lance!? Manggagamit!" Nagburst out na talaga siya at nagwalk-out.

Sinamahan pa nung dalawa sa kaibigan niya.

Tsk tsk. Wa'g mag paapekto. Just have fun. It's a party. Sana di na lang sila nag aksaya ng panahon kasi hindi ako matitinag sa ginawa nila. Ano bang problema nila? Hindi ko pinapaasa si Lance. Klaro yung sinabi ko sa kanya, 'I don't deserve him'. Siya din yung nag yaya sakin kahit dapat di na.

Umiling na lang ang ibang kaibigan ni Lance.

"Denise, excuse me. Susundan ko lang sila." Sabi ni Lance.

Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Ilang oras ang nakalipas, hindi parin siya bumabalik. I swear I can hear crickets in our table. Walang nagsasalita sa mga naiwan. Nagsasayawan na ang lahat at nagkakasiyahan. Pero ang mas disturbing? Wala parin akong Bench na nakita.

Naiinip na ako. First time in history na ganito ako kainip sa isang party.

"Denise!" Biglang dumating si Lance. "Pasensya ka na, natagalan ako."
"It's okay." Sabi ko.

I swear badtrip na badtrip ako dahil sa inip at sa inis. ASAN NA BA SI BENCH? ASAN NA YUNG SINASABI NI BRENT NA SURPRISE? Isang oras na lang tapos na ang party ah?

"Lance, sayaw tayo!?" Sabi nung isang girl na isa dun sa nag walk-out.

Nakabalik ka na pala, girl? Ano malamig na ba ang ulo mo? Hay! Kainis pa 'tong grupo na nasamahan ko.

"I'd have to ask my date first. I want her to be my first dance." Naglahad siya ng kamay sa harapan ko.

Sayang ang damit ko at make up ko ngayong gabi.

"Uh..."

Nakatingin silang lahat sa amin ni Lance. Naghihintay sa sagot ko at puro mga galit ang mukha.

"I'm sorry for being with you tonight, Lance. Sorry pero siguro mas maganda kung sila na lang ang isayaw mo para sa ika bubutio ng lahat." Umalis ako agad para mag CR.

Ayan! Ako na tuloy ang nag walk-out! Sa sobrang badtrip ko at inip sa paghihintay kay Bench eto na tuloy ag nangyari. Wala akong ganang sumayaw o kahit ano. Masyado akong nag expect sa wala. Siguro isa lang yun sa mga bola ni Brent sakin kanina. Pero ba't sila nandito kung bola yun diba? STOP DENISE! Ayoko ng umasa! Screw this party! The worst party ever!

"Denise-"
"Lance, wa'g mo na akong sundan." Sabi ko.
"But Denise-" Hinawakan niya ang braso ko.

Pagkahawak niya nun, nagsimula ang isang kanta. Kinanta ng isang pamilyar na boses. Nagpakaba sa akin at sobrang nag pasaya. Heto na!

Nagbulung-bulungan ang mga tao. Alam nilang hindi iyon boses ni Bruno Mars... Parang kakaibang rendition. Mas maganda at mas malamig. Pero ako, alam ko talaga kung sino ang kumantang iyon.

Natigilan ako at hinarap si Lance.

"I already love someone else, Lance. I'm sorry."

Nalaglag ang panga niya pagkasabi ko nun.

"I'm sorry I didn't tell you but it's true."
"Are you telling me this now cuz you think that its the only way to get rid of me? Denise, walang umaaligid na lalaki sayo, ako lang... don't expect me to believe-"
"Lance... mukhang nakalimutan mo. Walang ibang lalaking nakaaligid sakin... kundi si Bench."

"So keep in mind all the sacrifices I'm making to keep you by my side and keep you from walking out the door..."

Live band. Everyone was stunned cuz Bench is singing.


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText