<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Q-arcs


Q1.Tequila






Pinayagan akong lamabas ni mama at papa sa gabi para makapagbar. Kaya lang, yun nga, pag umabot na ng 12 midnight na hindi pa ako nakakauwi, susunduin nila ako. Nakakahiya pero okay lang sakin yun dahil ayaw ko rin namang mag bar. Nahihiya lang akong tumanggi sa teammates ko. Sino ba kasing may pakana ng bar na victory party?

"Andito pala si Chad?"

May narinig ako sa isa kong teammate.

Ano daw? Napatingin ako sa paligid. Papasok na kami ng bar.

May malaking lights sa itaas ng building! CORE. Sa tabi ng building na `to, ay mga bar na naman. Pero ito ang pinaka mamahalin, kasi dito nagpupunta ang mga artista at mga mayayaman. Nasa itaas pa nito ay isang casino.

"Ay wala... Dumaan lang daw yung sasakyan ni Chad."

Nakita kong nagmamadali si Chloe. Nagkatinginan kami pero inirapan niya lang ako. Hanggang ngayon kaya di parin sila nag iimikan ni Chad? Malamang! Matindi parin ang galit niya sakin eh.

Pagkapasok namin, napansin kong may bineso agad si Chloe. Kakilala yata.At ang iba ko namang teammates, halatang nakailang beses na sila dito sa Core dahil alam na nila kung anu-anong gagawin etc.

"One shot, tequila..." Sabi nung isa.

Maingay. May mga sumasayaw. Naghihiyawan ang mga tao sa bawat kanta ng DJ. Oo. First time ko `to, kaya heto at tulala ako sa tabi. Iniwan ng teammates na sanay na dito.

This was a bad idea after all.

Pagkatingin ko sa relo ko, 9:00pm.

"Wala pa masyadong tao, mamaya pa siguro `to." Narinig ko sa isang teammate ko.

Tumingin ako sa paligid, nakita ko si Enzo Santos. Minsan niya akong yinaya sa prom noon.

"Malapit na nga pala ang Year-end dance ng school, ano?"
"Yup! I'm sure bongga na naman yan. That's why I like our school."
"Of course, it should be classy."

Napatingin ako sa kabila, nakita ko na naman si Yael Escudero, ka teammate ni Brent sa basketball noon. At hanggang ngayon, sikat na sikat parin. Minsan din akong yinaya nito sa prom. May kasama siyang babae. Girlfriend niya yata.

"Maxine..." Tawag nung isangteammate ko.
"May date ka sa Year-end?"
"Year-end? Ano yan?"
"Ay oo nga, di mo pa pala alam. Sa year-end dance ng school. Malapit na rin yun. 2 weeks na lang. Di naman kailangan ng date eh pero usually ganun ang nangyayari."
"Ah, wala... hehe. Siguro ako na lang pupunta."
"Yeah, I remember! You were alone nung sa JS prom natin sa high school. So, ngayon, ikaw parin mag isa?"
"Siguro. hehe."
"Tsaka... diba pati si Brent Cruz ay mag isa din nun- and inspeaking of him." Nginuso niya si Brent sa dance floor.

Hindi siya sumasayaw, naglalakad lang, para bang may hinahanap.

Ang gwapo niya talaga.

"Ang gwapo niya talaga, punyeta!" Sabi nung ka teammate ko.

WHAAAAAAT? At talagang naisip ko rin yun minus the bad word!

Ininom ko yung one shot tequila niya na nasa table.

Nabigla sila sa ginawa ko. Sinenyasan kong babayaran ko din yun at magsi-CR lang muna ako.






Q2.Get out of here




Halos sampung minuto din ako sa loob ng CR. Una tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nag retouch. Underage. Hindi dapat ako nakapasok sa bar na `to. Kaya lang hindi naman kailangan ng ID o birth certificate para makapasok kaya nakapuslit ako. Iilan lang samin ang 18 na. Di naman nahahalata eh.

Yun nga lang, nandito si Brent sa bar na `to. Palagi siguro siya dito... Naalala ko yung sinabi niya na nagkakilala sila ni Kitchie sa bar na `to.

*1 message received*

Galing kay Chad...

Chad:
Nag bar ba ang vollayball team? Sumama ka?

Hindi ko na nireplyan. Pumunta lang naman ako dito para makisama. Di rin kami napagsabihan ng coach kasi bago pa lang yun. Mas nasunod yung captain.

Umalis ako sa CR. Pagkabalik ko nandun parin yung teammates ko. Yung iba nga lang ay sumasayaw na at dumami na rin ang mga inumin sa table.

"Wa'g mo ng bayaran yun, Max. My treat!" Sabi nung inagawan ko ng tequila.

Tinulak niya naman palapit sakin ang isa pang shot.

"Ikaw yata ang nagpanalo sa team natin!"

Ngumiti na lang ako at ininom ulit ang isang shot. Hindi ko alam kung bakit. Mukha akong sanay na uminom kahit ito ang unang nakainom ako ng tequila. Sa tuwing nasa bahay kasi, wine, sparkling juice, at Cali lang ang usong inumin kapag may okasyon.

"Totoo pala talaga yung bulung-bulongan, ano? Akala ko talaga eh si Maxine at Brent yung magkakatuluyan. Pero..." Nginuso ulit nung teammates ko ang kabilang table.

Wala akong nakita. Una, nakita ko si Chloe na dumaan, papuntang dancefloor galing sa kabilang table. Pero kalaunan... si Kitchie!!! At si... Brent!

Nag ngingitian sa kabilang table. :o

Nainom ko ulit ang pangatlong shot ng tequila.

"Easy lang, Max! Di ka pa naman sanay uminom..."

Dapat wala ako dito eh.

Ooooppps! Napatingin si Brent sa bandang table namin at nagkatinginan kami habang nakangiti pa siya.

Patay! Kinabahan ako! Ewan bakit!

Tumayo siya sa table at ako naman lumagok ulit ng isa pang shot. Ano ba? Aalis ako dito or what? Uuwi na lang ako? Nakita ko ang crowded na dancefloor. Dumarami na ang tao... shall I get lost?

Nakita kong may kumausap kay Brent na dalawang babaeng magaganda. Papunta siya dito sa table namin pero natigil ang paglalakad dahil dun... eto na ang magandang tyempo!

"Max? Saan pupunta yun? Sasayaw?"

Hindi na ako nagpaalam...

Pumunta muna ako sa dancefloor para mawala ako sa paningin ni Brent at makalabas ako ng bar.

Ang sikip-sikip. May lalaking sumayaw pa talaga sakin. Kinabahan tuloy ako pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Halos di na ako makalabas dahil nagsasayawan sila at sumisikip na...

Sa wakas!!! Air! Nakalabas ako dun sa dancefloor.

Ang una ko namang nakita ay ang naghihintay na si Brent. Seryoso ang mukha.

"Let's get out of here..." Sabi niya sabay kuha sa kamay ko.

Tinanggihan ko ang kamay niya.

"Hindi, ako lang... Dito ka na muna... Uuwi na ako."
"Tayo na..." Sabay kuha ulit sa kamay ko at hila sakin.

"Whoaa! Brent, easy lang! Hinahanap ka ni Kitchie, oh." Sabi nung isang teammate niya na nakakita samin pero binalewala niya lang `to.

"Oo nga, Brent! Dito ka na muna. I'm fine... Ba't mo ba ako hinihila?"
"Underage ka diba? Tsaka, this isn't you. Hindi ka pumupunta dito..."
"Bakit? Ayaw mo ko nandito? Ayaw mo siguro makita kita na nakikipaglandian? Tanggapin mo na kasi, hindi ako magpapaloko sayo! Makipagharutan all-you-can ka dun, la akong pakealam!"

Ooooppps! Masyado naman yata akong madaldal at nasabi ko yun?! What's wrong!? Siguro dahil sa tequila!

Inamoy niya ako.

"Tequila? Uminom ka pa talaga? Max, let's go..."

"Brent! Nandyan ka lang pala!"

Magkasabay kaming napatingin kay Ktchie.

"And Max! Oh! Oo nga pala! Victory party niyo! Wow! Lika dun, Max! Sayaw tayo!" Sabi ni Kitchie.
"Ahh, hehe, pauwi na ako eh. May curfew kasi... So... uh, alis na ako ah? Kayo na lang ni Brent..."

Umalis ako ng walang pag-aalinlangan.
 :(
Di ako makapaniwalang di ako sinundan ni Brent!




Q3.Sober up






Pagkalabas ko, at paglakad ko ng maayos, saka ko naramdaman ang epekto ng tequila sa sistema ko.

Nakapaglalakad naman ako ng maayos pero yung paningon ko, disaster! Parang umiikot yung mundo. Ang straight-straight ng daanan pero nahihilo ako kaya hayan at naapektuhan na yata ang paglalakad ko.

Nasa parking space ako ng Spotlight Square kung saan pinapalibutan ng mga malalaking bar dito sa syudad.

"Ahhhhhh!" Napasigaw ako ng may biglang humarurot na sasakyan sa harapan ko.

Hinarangan nito ang dinadaanan ko. Si Brent!

Lumiko ako para makadaan at makalayo sa sasakyan. Ngunit agad siyang lumabas ng sasakyan, hinabol ako, at hinila papasok.

"God, Max?! Ano bang pumasok sa kokote mo?"

Nakasandal ako sa upuan sa sasakyan niya. Nakalimutan ko kung paano niya ako hinila ng papasok. Bakit ako napunta dito at ba't di ako nanlaban?

Matino pa ako, yun nga lang gusto na talagang pumikit ng mga mata ko kaya heto at nakasandal lang ako sabay pikit. Ang ingay ni Brent. Teka, ba't siya ang kasama ko?

"Makipag party ka muna dun kay Kitchie..."

Hindi pa umaandar ang sasakyan.

"Alam kong ayaw mo pang umalis... sige..."

Umayos ako at nakita ko sa labas si Lia... Lia Evangelista. Yung last na nalink sa kanya. Girl friend niya raw, di umano.

"Ayun pa, may isa pa dun. Go on with your girls. Bakit mo ba ako pinagtitiyagaan dito? Nananahimik yung tao."

Weird naman nitong feeling ko. Daldal ako ng daldal pero hindi ko naman iniisip.

"Let's go."

Pinaandar niya ang sasakyan.

"Saan mo ko dadalhin? Wa'g Brent! Wa'ggg!!! Huwaggg! Itigil mo `to!"

Sabay sapak ko sa braso niyang nakahawak sa manibela. Lumikong bigla ang sasakyan at napaliko din ang nasa likuran namin.

Buti nalang at di kami nabunggo. Para akong natauhan dun ah!? Pati si Brent ay kinabahan dun sa nangyari na nakapagpark sa 7-eleven kung saan malapit lang dun sa pinangyarihan.

"I'm sorry." Sabi ko nang narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya.

"I went there to fetch you."
"Bakit? inutusan ka ni mama?"
"Hindi. Dahil gusto ko. You can't go there, Max?"
"Bakit? Dahil makikita kitang makikipaglandian? you know what, Brent? Kahit di ko na makita, alam ko na yun. Kaya no worries."

Kinabahan na naman ako dahil tinitigan niya ako, seryoso-look. Lumabas siya ng sasakyan at binuksan ang pintuan para sakin.

Sa sobrang bad trip ba niya sakin ay paglalakarin niya ako pauwi?

Mali.

Kinuha niya ang kamay ko at hinila papasok sa 7-eleven.

"Coffee, miss." Sabi niya sa babae.

Hila siya ng hila sakin. Hinila niya ako papalapit sa fridge, sabay kuha ng dalawang litro ng mineral water.

"Sober up, Max." Sabay lapag sa kape at mga mineral water sa table. "And don't be drunk again."


Ininom ko yung kape.

"Aray!" Napaso pa ako.

Kainis naman! Sakit ng dila ko. Nakakabadtrip.

"Mag ingat ka nga."

Kinuha niya ang kape ko at hinipan.

Uminom ako ng tubig. Grabe, uhaw na uhaw ako.

"Amoy alak ba ako?"
"Hindi naman masyado. Don't worry, pag maayos ka na, di na yan mahahalata."

Napabuntong-hininga ako.

"Sorry."

Hindi siya nagsalita.

Tiningnan ko lang siya habang hinipan ang kape. Kung ang habol niya sakin ay ang titulong girlfriend, bakit hanggang ngayon nandito parin siya. Honestly, alam kong pinagmumukha ko siyang tanga at gag0 sa tuwing pinagtatabuyan ko siya. Pero may magagawa ba ako, ayokong masaktan. Ayokong masaktan ng isang playboy.

Hinalikan ko siya. 3rd time?

"Max, you're just drunk." Sabi niya pagkatapos.

Hindi niya binalik sa akin ang halik ko.

Max, what the hell are you doing? Hindi niya binalik ang halik ko dahil may iba na siyang gusto. Naaawa lang siya sakin ngayon.

Ininom ko ang kape at tubig.

"Uuwi na ako."

I'm all screwed up. 

I'm falling for him
In the wrong time.

Q4.Nanghihinayang




"Gusto mo na siya ano?" Tanong ni Emily.

"Hindi naman sa ganun..."
"Pero ganun din yun. Kung disappointed ka dahil feeling mo may iba na siya...ibig sabihin nun, gusto mo siya."
"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon... siguro."

Siguro makasarili lang ako, ngayong may gusto na siyang iba, at di na ako ang gusto niya, naiinis ako. Dahil kahit di ko siya gusto, gusto ko paring ako ang magustuhan niya. Ayy ewan! Nakakalito.

"Well, ewan ko sayo Max pero sa tingin ko, ganun yun."

Eto namang si Emily, parang ina-analyze lahat ng moves ko. Genius eh. Pero genius din kaya sa pag-ibig?

"Teka, asan ba si Jason?"

Nag iba naman yung tono ng boses niya. Kanina'y masigla, ngayon...

"Ewan."

"O! Ayun pala siya!?!" Sabay turo ko kay Jason na papalapit.
"Asan!?!"

Ngayon parang nataranta na.

"Hi Max! Hi Emily!" Kaway ni Jason.

Katahimikan. Awkward moment. ???

"Alam niyo, lahat siguro ng tao alam na may gusto kayo sa isa't-isa. Kayo na lang yung walang alam."
"H-Huh?" Sabay silang dalawa.

"Emily? Diba gusto mo siya, pero ang alam mo si Ara ang gusto niya?"
"H-Ha?"
"At ikaw naman, Jason? Diba gusto mo rin siya, pero di ka lang sigurado. Ayaw mong aminin kasi ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyo?"
"H-Huh? O-Oo!"

HAHAHA! Umo-o ba naman?

"Sige! Diyan na kayo! Alis na nga ako. Mag usap kayo. Walang uuwi hanggang di nagiging kayo, okay?"

Umalis na ako agad.

Galing kong magsalita dun ah? Pero pag ako naman ang nasa hotseat, natatameme naman.

"Ngayon pa natapos ang ball gown na susuotin mo sa Year-end?"
"Oo eh. Masyado Kasing maarte yung designer ko."
"Talaga? Sakin kasi inorder ko lang, Chanel yun. Pinadala lang ni Mommy."
"Wow."

Napatingin ako sa bulletin board.

"All students are cordially invited to the Year-End Dance 2011, Theme: Masquerade, A Night of Mystery."

"Excited?"

Napatingin ako sa katabi ko. Si Chad.

"Kanina ka pa?"
"Hindi naman masyado. Nakita kitang naglalakad at huminto dito, kaya pumunta ako dito. Excited ka na sa Year-End?"
"Di ko nga alam na next week na yan. Hindi siguro ako makakasali, wala pa akong damit."
"Sad to say, pero compulsory yan."
"Talaga?" 

Shet
.
"Oo, Year End Dance is the only time that the students here assemble. Kaya compulsory. Alam yan ng parents mo. They were informed bago ka pa inenrol."

Ngek! Alam ko din `to, pero last month ko lang nalaman.

"Di ko naman alam na next week na pala. Patay!"

Makauwi na nga at makahanap ng gown sa mall. Haha! Masquerade.

"Need help for your dress?"
"Huh? Uh, wa'g na, Chad. kakahiya naman. Hehe! Wa'g na. Mukhang may sinasabi si Mama nung isang araw about this dress..." Sinungaling ka Max!

Kakahiya naman kasi. hayan, namumula tuloy ako. :-[

"Uhm, so do you have a date for a dance?"



Nashock ako sa tanong ni Chad. Shocked. At may konting panghihinayang.



"Uh, wala pa eh."
"Ehem... wil you be my...date?"



Nanghinayang ako kasi alam kong di ko siya matatanggihan. Paano si Brent?




Q5.Too late





"Uhmm."

Naghihintay ng sagot si Chad.

"Hi Chad! Hi Max!!!"

Biglang nagpakita sa picture si Kitchie.

"Hello!" Kaway namin.

"Hoo! Hoo! Kinakabahan ako." Sabay paypay sa sarili niya.
"Bakit naman?" Tanong ni Chad.

"Yinaya ko si Brent Damien Cruz na maging date ko for the dance!!!!! AYYY!" Kilig na kilig pa.
"Talaga? Wow!" Sabi ko. :D ;D

Napa tingin si Chad sa reaction ko. Masyado yatang na exaggerate yun kaya heto at nag mukhang plastik.

"Pero ba't ka kinakabahan? Eh tapos mo na palang na tanong."

Ba't naman `to tatanggihan.

"Kasi di pa niya ako sinasagot."

Ouch! Sakit nun! Parang nanligaw lang ah? Sagot? Naunahan ako.

"Huh? Weird! That guy... I'm sure papayag yun." Sabi ni Chad.
"Talaga? Sure ka?"
"Oo naman! I think he likes you!" Dagdag pa ni Chad.
"Aww!"

"Hey Kicth!!! Kumusta? Napapayag mo bah?" Tawag nung friends niya.

Nagmadali naman si Kitchie na pumunta sa mga kaibigan niya at nag share ng kilig moments kung paano niya yinaya si Brent na maging date sa Year end.

Tumingin ako sa wrist watch ko.

"Oh, naku! Late na pala. Uuwi na ako Chad, Sabi kasi ni Mommy sabay daw kami uuwi ngayon, baka kanina pa yun nag hihintay..." Sabi ko.
"Oh! Sure! T-teka nga pala... Uhm..."

Napatingin ako sa kanya.

"Bout what I asked you... Uhmmm"

OMG! Oo nga pala! Yinaya niya akong maging date! Pero si Brent??!? Di daw niya matatanggihan si Kitchie... HE LIKES YOU! HE LIKESSS HEEEEEEEEER! AHHH!

Tseh! Sure ka ba jan Max? This is not what you want. Si Brent ay isang kumag na linalandi ka para mas lalong dumami ang babae niya. Kaya hindi niya agad sinagot si Kitchie ay dahil isa yun sa strategies niya. Mas magugustuhan siya ng babae pag mejo hard-to-get siya.


Yes!


Bakit ngayon ko lang yan naisip!

"Uh, sure!"

Katahimikan. Ngumiti siya. Napangiti narin ako.

"Thank you!"
"Lang anuman, so... uhh, mauna na ako?"
"Sige, sige! See you, Max!"

Tumango na lang ako at nagmadaling maglakad palayo.

Ang sakit ng puso ko. Parang kinukurot. Di ko alam kung bakit at alin sa mga nangyari ang nagdulot nito.

"Max, are you okay?" Tanong ni Mommy nang kanina pa ako tahimik sa sasakyan pauwi sa bahay.
"uh, yes ma. Kailangan ko po ng damit para sa year-end."
"Ah! oo nga pala... Who's your date? I hope it's Brent."
"Po?"
"Ayoko namang pangunahan yun si Brent pero mabait na bata eh, at kilala na namin ng Papa mo. Kaya mas maigi kung siya."
"Hindi po siya. Yung school buddy president po nung high school kami ang date ko."
"Ahh!"

Tahimik ulit.

Tiningnan ko ang phone ko.

WTF? 61 messages?

15 missed calls!

From Brent!

Messages:
Max, why are you not replying or answering my calls?

Will you be my date for year end?

You have to be my date for the year end.

Max, I'm waiting.

Magbibilang ako ng hanggang 20. Reply ka before mag 20.


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
19.
19.
19.
19.
19.
19.
19.
19..................


May tumawag! :'(

"Hello?"
"Max, ba't ngayon mo lang sinagot?"
"May date na ako."

Katahimikan.

"Sino?"
"Si Chad."
"Aryt then."

Binaba na.
  :'( :'( :'(
Chineck ko ang oras ng mga texts niya. Kanina pang umaga ang 'will you be my date for Year-end?' At yung nagbilang siya up to 19 ay yung kausap ko si Chad.

Ang sakit ng puso ko. May tumulo na luha sa pisngi ko. Agad ko namang pinunasan. Tumingin ako sa labas. Ba't iba ang nararamdaman ko ngayong umiiyak ako para kay Brent dun sa umiyak ako para kay Chad noon? :'(






Q6.Birthday





Imbes na magcelebrate kami sa bahay ng birthday ko, pumunta kami sa mga pagawaan ng dress para bumili ng susootin. Alas otso pa ng umaga. Binaha ako kagabi ng text messages na happy birthday. Pero wala ni isang Brent akong nakita.

*Krriiiing*

"Hello?"
"Happy birthday, Max!" Si Chad!
"Salamat Chad."

"Maxine, bilisan mo na, bumaba ka na."
"Opo"

"Uh, ang aga-aga ah? Nakakaistorbo ba ako? May ginagawa kayo?"
"Kasi naghahanap kami ng maisusoot sa year-end."
"Ahh! Aryt! I'm sorry. Maybe sa Year-End ko na lang ibibigay ang surprise ko."
"Haha! Naks! Wa'g ka ng pa surprise-surprise jan! Nakakahiya sayo."
"Haha! Sos! Aryt? Happy birthday again! I guess I'll have to put my phone down."
"Haha! Sige, sige... :) Bye..."

Habang naghahanap kami ng dress, tingin ako ng tingin sa phone ko. Nagbabakasakaling si Brent ay mag text.

"Ginugutom ako." Sabi ko.
"Naku, Max! Kanina pa tayo dito, la ka paring mahanap? Paano ba kasi tingin ka nang tingin sa phone mo." Sabi ni Mama.
"Kasi naman, maraming gumigreet sakin ngayon. Birthday ko kaya."
"Hmmm..." Binigyan niya ako ng sarcastic na expresyon. "O siya, sige, kumain muna tayo."

Pagkatapos naming kumain, naghanap ulit kami ng isusoot ko.

At sa wakas, nang tumungtong ng alas singko sa hapon, may naibigan din ako. Kulay champagne ang tube dress. Flowing lang siya, simple at di bongga.

"Ang ganda! Wow! Ngayon ko lang nakitang sinoot yan at di ako makapaniwalang ganyan pala yan kaganda." Sabi nung bading sa boutique.
"Kukunin namin." Sabi ni Mama.

Nagandahan din siguro siya kaya di na niya hiningi ang opinion ko.

"Hay salamat naman at meron na akong dress! Nakakagutom. Ma, Pizza Hut muna tayo."
"Ay naku, wa'g na. Umuwi na tayo..."

Ewan ko ba kung bakit nagmamadaling umuwi si Mama. Pero nasagot din ang tanong ko pagkauwi namin.

"Happy biiiirrrrrrrrrrrthdddddaaaaaaaaayy Maxx!!" Sigaw sabay sabay ng mga kaibigan ko sa volleyball team, sina Emily at Jason at si Ara.

Napatili ako dahil nabigla talaga ako sa nangyari.

"Thank you!:-[

Isa-isa ko silang yinakap. May dala silang balloons, confetti, at cake. Kinabahan naman ako pagkayakap ko kay Ara. Sa likuran niya kasi, nakatayo si Brent.

Awkward moment. Yinakap ko silang lahat except kay Brent. May dala siyang white roses.

"Happy birthday, Max!"
"Thanks!"

Katahimikan.

"O sige na! Kain na tayo!" Sabi ni mama at agad silang pinapunta sa table.

Grabe, pinaghandaan `to. Catered food. Lechon!?

Umupo lang ako sa sofa, nawala yung gutom ko lalong lalo na nung nakita ko ang gifts nila. Hinanap ko yung gift ni Brent, pero wala doon.

"So ano? Nakahanap ka na ng dress?" Tanong ni Ara na umupo naman agad sa tabi ko habang kumakain ng lasagna.
"Oo. Hehe. Natagalan nga kami."

Tumingin siya sa palagid.

"Wow! I can't believe I'm with this people! Anyway... I'm so excited for the year end!"
"Sino ang date mo?" Tanong ko. Curious.
"Uhmm, si Sam Beaufort."

Sam Beaufort. French soccer player na kinuhang model ng kilalang clothing line dito. Syempre, si Ara Cruz kaya yung pinag uusapan natin. Hindi si Ara ang worthy na maging date ni Sam. Si Sam ang worthy maging date ni Ara.

"Asan nga pala si Co-este Paul?"
"Working. Pero darating yun mamaya. He'll fetch us."

Oo nga pala. Walang dala si Brent na sasakyan.

"Thank you, Max!" Sabay sabi ng mga taga volleyball team na kaibigan ko.

Alas otso na sila natapos kumain at nagchikahan.

KAIBIGAN KO! Ibig sabihin, wala si Chloe. In speaking of Chloe, asan na kaya yun.

Hinatid ko ang mga kaibigan ko sa labas.

"Disappointed, eh?"

Napatingin ako sa nakangising lalaki sa likuran ko.

"Disappointed, Brent?"

"Max, dito lang ako uupo ah? Nasa subdivision niyo na si Paul. I'll wait for him."
"Okay! Ipagdinner mo na rin muna siya."
"Yezzz!" Tumingin si Ara sa kabilang bench kung saan nandoon si Emily at Jason nakaupo magkatabi, parang nagkakaigihan. Umiling na lang siya.

"Bakit naman ako madidisappoint?"

Pumasok ako sa loob at hinakot ang mga regalo. Sina mama at papa nandun sa kusina kasama si yaya. Si Carlo naman hayon at naglalaro na naman ng Dota.

Tinulungan ako ni Brent sa pagkuha ng mga regalo. Bigla namang nagkahawakan kami ng kamay habang kinukuha ang isang regalo. Parang scene lang sa isang movie... errrr.

Ngumiti siya.

"Kasi wala siya?"
"Sino?"

Hindi siya sumagot. Ngumiti lang.

"Whatever Brent! Hindi ko naman iniexpect `to. Ba't ko naman iiexpect na nandito si Chad?"

"Maxxx?! Nandito na si Paul!!!" Sigaw ni Ara pagkapasok namin ni Brent sa kwarto ko. Agad akong lumabas para makita si Paul.

"Happy birthday Max!"
"Salamat!! Kain ka muna!"
"Ako na ang bahala!" Kumindat pa si Ara at agad hinila si Paul sa kitchen.

Hindi sumunod si Brent. Nandun lang siya sa kwarto ko. Naabutan kong nakahiga sa kama ko.

"Sino nga pala ang date mo for Year end?" Umupo ako sa tabi niya.

Tiningnan niya ako habang nakahiga.

"Catherine San Juan."

Tumango ako.

"Sabi na nga ba!"
"May date ka na kasi..."
"Ako pa yung may kasalanan? Alam mo namang di ko matatanggihan si Chad eh! Hindi mo naman kasi agad ako tinanong! Kung sana hinanap mo ako nung araw na yun! Edi sana, tayo!"

Grabe! Ang strong ko! Ang init ng pisngi ko. Samantalang siya, nakangiti lang at nasiyahang nakita akong sinabi yun.

Umupo siya. :-[ :-[ :-[

"I know you like her, Brent. Diba nga pinormahan mo siya nung high school kayo? Kinantahan mo ng Crazy for this Girl sa birthday ni Chad?"

Nag isip siya sandali.

"Ah? Siya pala yun? Kaya pala familiar."

Sinapak ko na!

"Aray! Eh hindi ko nga yun naalala. Kaya pala kung makapagsalita si Kitchi parang nagkakilala na kami somewhere."

Sinapak ko ulit.

"Flirt!"
"Aray naman! Sorry na!"

Ngiting-ngiti ang haliparot.

"So, you wanna be my date?"
"Anong date? Wala na! May date ka na, may date na ako! Huli ka na!"
"No I'm not asking you to be my date... Ang tanong ko, ay kung gusto mo bang maging date ko?"

Katahimikan. LOL! HINDI! Syempre...

"Uh..."

Naghihintay siya sa sagot ko.

Pumikit ako, "Okay lang."

Ang lakas ng tawa niya.

"Ayaw mo parin talagang magpatalo, huh?"

Sinapak-sapak ko ng marami.

"Leche! Wa'g mo nga akong pag laruan!!! AHHH! Haliparot kaaa! feeling mo!!! pangit! Eto! Eto pa!"

Inis na inis ako! naiisip ko yung hinalikan ko siya nung na lasing ako, tapos yung mga texts niya! Pagkatapos nung mga nangyari ganito lang parin siya. Akala ko naman indifferent na siya sakin, pero nagagawa niya pang magbiro!? Grabe yung pinagdaanan ko! Nakakalito yun! Tapos bibiruin niya lang ako ng ganito.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Alam mo ba kung ano ang gift ko?"
"Wala ka namang gift!>:( >:(

May kinuha siya sa ilalim ng unan ko. Isang box. :o

"Hindi ka kukunin ng date mo dito sa bahay niyo. Sa venue na kayu magkikita. No. Hindi kayo magkikita. Dahil yun ang rule. Masquerade." Sabay open niya sa box.




Nandun sa loob ang isang mask. Kulay gold na vintage. Madetalye ang design. Halatang mamahalin at isa lang ito sa buong mundo. Inayo niya ang buhok ko at sinoot sa akin ang maskara. :o :o :o

"Makikilala din kita kahit wala nito dahil kilalang kilala ko ang mga mata mo. Pero you should wear this to indicate that you... are mine."







Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText