<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Kabanata 1-5



Kabanata 1.
Bahay ni Lola

I hate being poor! Ngayon, parang sinampal sakin ang katotohanang wala kaming pera. Wala kaming sariling bahay. Nangungupahan lang kami. At ngayon ay aalis na. Nag arkila sina mama at papa ng elf truck para magdala ng gamit namin sa bahay (na di na namin bahay ngayon). Dala ko naman ang laptop at ibang gamit ko sa packbag ko at sasakay na kami ni Maggie at mama sa bus (sumama si papa sa elf).

Siyam na oras ang byahe patungong Alegria. Tatlong beses kaming magpapalit ng bus bago makarating doon. Tatlong beses lang din kaming nakapunta ni Maggie doon. Huling punta namin ay nung grade six pa lang ako kaya di ko na matandaan kung anong meron doon. Ang alam ko, nandun ang bahay ng lola at lolo ko. Si auntie Precy lang ang nakatira doon, ang tanging kapatid ni papa. Wala siyang anak (di nakapag-asawa).

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Maggie na ate ko.

Kanina pa siya iyak nang iyak habang nakadungaw sa bintana ng bus, tatlong oras na siyang ganito. Lumingon ako kay mama bago magsalita (tulog si mama kaya okay lang).

"Hayaan mo na lang si James. Mauunawaan niya rin yun." Sabi ko.

Si James ang boyfriend ni Maggie. Limang buwan pa lang sila at patay na patay si guy sa kanya. I must say, patay na patay talaga! Hatid-sundo si Maggie sa university na pinapasukan niya at minsan pumupuntang bahay para magdala ng pagkain. Dalawang beses yun binasted ni Maggie dahil ayaw niya sa mga gwapo at mayayaman, pero pursigido talaga si James. Naku! Kung si Callix yung inayawan, siguradong masisira yung buhay mo.

"Kainis! Ang hirap natin!" Sabi niya ng halos pabulong. "Pwede naman tayong lumipat sa mas murang bahay, yung 3 thousand a month, naghanap talaga kami ni James..." Sabi niya.

Kahit na balisa si Maggie, di niya kayang sabihin yun sa parents ko dahil ayaw niyang masaktan ang mga ito.

"Sabi ni James sakin bibisitahin niya raw akong next week. Di ako pumayag! Baka gamitin niya yung sasakyan niya, 9 hours sis, 9 hours! Imagine?! Baka ano pang mangyari sa kanya sa kalagitnaan ng byahe." Aniya.
"Magg... Sabihin mo na lang sa kanya na mag bus siya para di ka na balisa diyan."

Pagkalipas ng siyam na oras, nakarating na kami sa Alegria!

The hilllllls are alive with the sound of musiiiic! Grrrr! Kainis! Parang gusto ko na lang tumakbo at magpagulong-gulong sa mga bundok na nakikita ko. Puro green at walang kahit isang building. May makikita kang bahay pero halos nipa naman!

Pero loko lang, may 'bayan' doon sa malayo kung saan nakatirik yung BAHAY NI LOLA. Pagkarating namin sa sentro ng Alegria, nakita ko na ang iba't-ibang lumang bahay, simbahan, playground o parke (na may mga nagdi-date), mga bahay na mukhang may kaya sa buhay ang may-ari, at ang BAHAY NI LOLA.

"Adele! pasok kayo!" Sabi ni Auntie Precy kay mama habang tinuturo si papa sa loob.

Unang nakarating sina papa. Syempre dahil walang stop over yung inarkilang elf. Nakalatag na ang mga box na may nakalagay na mga pangalan namin. Si Maggie hayun at nagmano at excited din palang pumasok sa bahay. Parang di umiiyak kanina ah?

"Nako! Ang laki-laki na nina Margaret at Roseanne!" Niyakap ako ni Auntie Precy.

Tinanggal ko ang earphones ko at agad tinignan ang blackberry kong cellphone. Salamat Auntie Precy at di mo na mispronounce ang pangalan ko. Mas gusto kong tinatawag akong 'Rosie', yung Roseanne kasi maraming nagkakamali sa pagbabanggit. Minsa Rose-Anne, minsan Roseen, minsan Rosyan, ang totoo Ro-shan! Napabuntong-hininga ako.

ABA! May signal dito! Di naman pala kami malayo sa sibilisasyon!!! Ayun si Maggie at nakita akong tumitingin sa cellphone kaya hinablot na rin ang cellphone niya at agad tinawagan si James.

"Roseanne, Margaret! Likayo! Tulungan niyo ako sa kusina!" Sabi ni Auntie Precy.

Ang BAHAY NI LOLA ay may iilang cobwebs. Nirepair ito ni Auntie Precy nung grade six ako, nasemento ang haligi sa baba, pero yung nasa taas, kahoy parin. Yung mga bintana, French windows old version. Maliit lang ang palamuti kahit na malaki talaga ang BAHAY NI LOLA. Isang cabinet lang na may mga lamang libro, sofa at table, TV, frame na may picture ni lola at lolo, yun na yun!

Ang kusina naman, may sink, aparador at ref na luma.

"May kuryente na pala dito!" Sabi ko pagkapasok sa kusina.

Ngiting-ngiti na si Maggie. "Lam mo sis? Pupunta siya dito! Mag bu-bus daw. Sabi ko after 2 weeks na. Bigyan niya ako ng time para makapag-explain kay mama at papa na may boyfriend na ako."

Ngumisi ako pero di niya na nakita kasi nakatoon na ang pansin niya sa nilulutong manok ni Auntie Precy.

Saya ng lovelife nito samantalang ako? Jusko lord! Buti na lang at nandito ako sa the-hills-are-alive!

"Share kayo ng kwarto ni Maggie, Rosie." Sabi ni mama. "Kung gusto mong magbihis, punta ka na lang dun." Sabay turo niya sa itaas.

WALA BANG MULTO DITO? Parang katakot eh!

"Wa'g mo nang patulungin tong si Rosie diyan, Prec. Disaster! Muntik niyang masunog yung bahay noong nakaraang pasko nung nag attempt siyang mag bake ng cake, nako!"

Umiling na lang ako at pumuntang kwarto. Nandun si papa sa kabilang kwarto kaya okay lang, walang multo!

May double deck bed sa kwarto at nandoon narin ang study table at mga cabinet namin ni Maggie. Umupo ako sa bottom-bunk at tumingin sa malaking bintana at tinitigan ang labas.

Papalubog na ang araw. I can't believe I'm in this place! Parang kailanlang buildings ng Maynila, traffic, Facebook, Twitter, Tumblr ang inaatupag ko, ngayon, parang gusto kong itapon ang laptop ko. No use here... Tsk tsk tsk.

Mabuti na rin ito. Malayo kay Callix. Isang buwan na lang pasukan na ulit at 6th year na ako, tingin niyo marerealize niyang nawawala ako? Wala akong kaibigan kaya wala akong napagsabihan. Si Maggie naman, si James lang yata ang sinabihan. Kawawang Maggie, natigil tuloy sa pagko-kolehiyo dahil sa the-hills-are-alive adventure namin. Makakabalik pa kaya kaming Maynila? Hay nako!

The most important question is... may paaralan kaya dito? Mababang Paaralan ng Alegria? LOL!

Ugh! Its really frustrating. Yung mga dala ko shorts, dress, at iba pang kay gandang damit na pinag-ipunan yun naman pala, dito ko lang sa Alegria masasalida. Nakakabanas! Sisikat siguro ako dahil sa blackberry at laptop ko ano?

Umiling ako sa sarili ko.

"Its not bad." Biglang sabi ni Maggie pagkapasok ng kwarto namin. "Ang tanging bad thing lang sa nangyari ngayon ay magkakalayo kami ni James. Yun lang. As for you, mabuti ng nagkalayo kayo ni Callix kasi freak siya... Kalimutan mo na yun-"
"Paano ko makakalimutan yun eh lagi mong binabanggit." Sabi ko at umirap. "And that's the first good thing you ever told me. Lagi ka lang, 'baka may reasons siyang iniwan ka niya', 'baka bitter siya dahil mahal ka pa niya'..." Umiling ulit ako.

Sa sobrang bait ni Maggie, lahat ng tao tingin niya'y mababait. Di niya alam na may iba diyan, mapagkunwari at manggagamit.

Niyakap niya ako.

"Kaya natin 'to sis... Mag-aaral ka na sa new school mo! Excited ako para sayo!" Malaki ang ngisi niya nang nakita akong magkasalubong ang kilay. "Cheer up!"
"May private school ba dito?" Tanong ko.
"Silly girl! Di ito Maynila. Walang private school dito, pero ayaw mo nun, may experience kang public school." Kumindat siya.

Ngayong nandito na ako, narealize kong di naman pala talaga ako zero sa kaibigan. May ibang nakikipag-usap at nakakabiruan ko sa school pero wala talagang friend circle na laging kasama. Hay. I think I'm depressed. May wifi ba dito? Wala naman akong kaibigan sa Maynila pero seriously may wifi ba? Grrrrr...


Kabanata 2.
Tigkal ng Putik


Sa sumunod na araw, pinasyal kami ni Auntie Precy sa mga bagong lugar sa Alegria. Una pumunta kami sa farm ng JA foods - ang pinakamalaking farm dito sa Alegria at maging sa buong lalawigan. Ang alam ko, nag-aangkat sila ng produkto sa loob at labas ng bansa...

Boring sa farm na ito pero enjoy sina mama at papa dahil sa simoy ng hangin. Ako naman, inis na inis sa putik na nakakabit sa flats ko. Gusto kong tanggalin ang mga putik pero di ko magawa kasi lakad kami ng lakad.

Si Maggie naman, ayun at picture nang picture. Saan mo yan iuupload? Walang wifi diba? Wala! Pinandalitan ko na lang siya habang ni-click ang camera.

"Sunod sa Tinago falls tayo!" Sabi ni Auntie Precy. "Ibang-iba na yun ngayon, mas lalong gumanda!"

Tama si Auntie Precy. Nung grade six ako, undeveloped pa ang Tinago. Ngayon naman, sobrang ganda na. Umuusok yung tubig sa tip ng falls at marami ng cottages na nakapaligid.

"Dito na muna tayo?" Tanong ni Mama.
"Gusto niyo ng maliliguang mainit diba? Malamig dito eh. Doon tayo sa Alp Spring!"

Nakarating kami doon tapos ng labing limang minuto sakay ang tricycle.

May grupo ng mga kaedad kong naliligo sa 6-feet deep na hot spring sa kabila. Kitang-kita ko ang mga lalaking nagba-back-tumbling habang tumitili ang mga babae. Umuling na lang ako at tinignan ulit ang flats kong puno ng putik.

"Rosie! Ligo tayo!" Sigaw ni Maggie sakin.

Ngumisi na lang ako ng plastic at sinenyasan siyang siya na lang!

Mga teenager dito, kala nila ang gagaling nila! Kala nila nasa tuktok na sila at the best na ang tinatamasang buhay nila dito, ang totoo, taga-bukid silang lahat at puro probinsyana. Umiiling ako sa kawalan.

"Rosie, di ka ba maliligo?" Tanong ni papa.
"Di na, pa. Naligo na ako sa bahay kanina."

Tapos narinig kong nag-uusap sina Mama at Auntie Precy.

"Si Juan Antonio din yung may ari nung bagong farm at adventure zone sa unahan ng Alp Spring."

Umalis ako doon sa cottage at tinignan si Maggie na naliligo doon sa 5-feet spring at si papa nasa 6-feet spring.

"Sarap!" Sabi ni Maggie pagkatapos sumisid.

Naghanap ako ng kahoy or kahit anong stick para tanggalin yung putik sa flats ko. Napaupo ako sa isang malaking kahoy at kinuha yung ilang stick doon sa kabila para tanggalin ang putik. Struggle talaga! Kainis ang bukid! BUKID WORST! Sa inis ko, halos masira ko ang flats ko...

Isang malaking tigkal ng putik ang tinusok ko sa flats ko at talagang pumasa-ere at naglanding doon sa sparkling moreno abs ng naaninaw kong lalaki. Basa sa tubig ng spring ang katawan niya at itim na shorts lang ang soot. Basa ang buhok na sinuklay niya gamit ang kamay niya. Tapos na realize kong di na pala natanggal yung mga mata ko sa abs niya.

"Sayo ba 'to?" Tanong niya sa tigkal na putik sa abs niya.
Sumimangot ako, "Tingin mo may may ari niyan?" Di ko maiwasang magtaray sa tanong niya.
"Ang sungit mo! Ikaw na nga 'tong may atraso, ikaw pa itong masungit." Aniya at tinanggal niya ang putik sa sparkling abs niya. SPARKLING.

Umiling ako at tinanggal ang mata ko sa katawan niya at nagpatuloy ako sa pagtatanggal ng putik sa sapatos ko.

Katawang may sparkling abs? Dito sa bukid? Siguro hinubog yun ng pagiging magsasaka niya. Sa araw-araw na pag-aararo kaya mayroon siyang katawan na ganun. That explains his being moreno! Of course! Sayang lang yung kagwapuhan niya eh mas mahirap pa pala sila sa daga. LOL! Ang sama ko pero ang suplado niya eh!

Umiling din siya at napabuntong-hininga. Naglakad siya papunta sa likuran ko na mukhang nandoon ang shower atsaka CR.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?" Tanong niya at tumigil sa likuran ko para tingnan ulit ako. ANAK NG TETENG! Ang gwapo niya masyado lalo na nung nasinagan na ng araw! Di hamak na mas gwapo pa sa mestisong si Callix huh!? Etong sang 'to, moreno, matangkad, sarap ng hubog ng katawan, matangos ang ilong at mukhang may kamukha pa talagang Hollywood na artista.

"Jacob!" Sigaw nung iba pang mga lalaki at babae sa malayo.

Sila pala yung mga nag ba-backtumbling kanina.

"Hintayin mo kami!" Sigaw ulit nila sa lalaking nasa harapan ko. Tumango lang siya at tumingin ulit sakin.

Napabuntong-hininga ulit siya, "Pangit pa... masama pa ang ugali..." Bulong niya sa sarili niya pero mukhang nilakasan ng konti para marinig ko.

Sobrang naramdaman ko ang pag-agos ng lahat ng dugo ko sa katawan papuntang pisngi. Napatayo ako at pinigilan ang sarili kong sumigaw habang naglalakad na siya palayo.

WALA PANG TAO SA MUNDONG ITO ANG NAGSABING PANGIT AKO! Salamat kay mama at papa at pareho silang may hitsura... Kay mama na maputi, kay papa na gwapo at matangos ang ilong, kay mama na mapupungay ang mga mata at maganda ang buhok, kay papa na matangkad, kay mama na makinis, mapupula at mala-angelina-jolie ang labi at sa mga kanunu-nunoan namin ni Maggie na puro magaganda at gwapo! Si Maggie na maraming nagkakandarapa... at sakin na si Callix del Rosario lang ang EX - ang pinaka gwapo sa buong campus namin doon sa Maynila! Alam kong marami ng naging girlfriend si Callix pero puro magaganda iyon at ako ang pinakamaganda!

HA! HA! HA! At yung lalaking iyon? Tinawag niya akong pangit?

Bakit ako napapalibutan ng mga lalaking masahol ang ugali! Kahit aso di kayang kainin ang ugali nila!

LALO NA YUNG JACOB NA YUN!?

"Kala mo rin ang gwapo mo? Di ako nagsosorry sa mga pangit at suplado!" Sigaw ko at nagpray na sana ay narinig niya iyon.


Kabanata 3
Nagbubuhat ng Kahoy



Natapos ang araw na yun ng nabobored ako sa cottage. Umuwi kami sa BAHAY NI LOLA at natulog agad si Maggie. Exhausted siguro dahil sa pagsi-swimming. Ako naman, tumitingin lang sa kanya at pinandidilatan ang lahat ng tumititig sa kanya. Maganda kasi siya at purmadong-purmado ang hubog ng katawan kaya di nakapagtataka kung may mga magkakandarapa sa kanya dito sa bukid.

Kinaumagahan, nagpakulo na ulit si Auntie Precy at Mama na mamasyal sa Kampo Juan. Gusto kong maiwan na lang sa BAHAY NI LOLA pero ayaw ni Maggie. Gusto niya ay kasama ako nang may mag picture sa kanya.

"Rosie, magpi-picnic lang naman tayo dun." Sabi ni mama.
"Tinatamad ako eh." Sabi ko.
"Alam mo, malapit na ang pasukan. Magsisisi ka kung di ka mag enjoy ngayong bakasyon."

Wala akong magawa kundi sumama sa kanila. At hayaan si Maggie na utusan akong mag picture sa kanya. Minsan naman, ako yung pinipicturan niya. Halos lahat doon stolen kasi wala ako sa mood ngumisi.

"Rosie, ngumiti ka naman! Ano? Nami-miss mo na si Callix?" Tawa ni Maggie nung malayo sina mama.
"Hay nako, Maggie! Tingin mo may taong mami-miss si Callix? Ang saya ko nga dahil malayo na kami, mami-miss ko pa? Sana lang wa'g tayo dito sa bukid... boring masyado eh!"

May malaking barn house sa Kampo Juan na may malaking naka-ukit na KAMPO JUAN malapit sa bubong. Halatang pinaghirapan at ginastosan ang developing adventure park na ito. Natry namin yung hanging bridge na halos di ko matapos dahil masyadong mahaba at matayog (matatakutin ako sa heights), may kaonting zipline, meron pang extreme bicycle na magbibisikleta ka sa isang wire. Di ko iyon sinubukan, si Maggie lang ang sumubok.

Ilang sandaling paglalakad sa park doon sa Kampo Juan (na puno ng pine trees), nakita namin ang isang malaking mansyon na kulay puti. Napapalibutan din ito ng pine trees.

"Maggie! Picture ko kayo!" Sabi ni mama at nag pose na kami ni Maggie, background yung mansyon.

Naglatag ng banig si papa at linagay na doon ang mga pagkaing dala nina Mama at Auntie Precy. Umupo na rin si Maggie doon sa banig.

"Okay lang ba talaga na dito tayo, Ma?" Tanong ko.
"Oo naman!" Sagot ni Auntie Precy. "Hindi pa 'to nadedevelop pero tumatanggap na sila ng bisita. May mga dayo pa nga dito galing Maynila eh. Sigurado akong magiging sikat ito kung tapos na. Si Juan Antonio kasi, determinadong pagandahin ito ng mabuti."

Tumingin si Papa kay Auntie Precy at napansin ko ang pagpula ng kanyang pisngi.

"Ehe-Ehem... Kain na tayo?" Sabi ni Auntie Precy.

"T-Teka lang. Naiihi ako, samahan mo ako Rosie? Auntie, saan ba dito yung CR?" Tanong ni Maggie.

PATAY KANG MAGGIE KA! Siguro sa damuhan ka lang mag c-cr! Bukid 'to eh. LOL

"Nandyan sa tabi nung barn house. Actually, tanggapan at hotel yan na di pa nadedevelop. Mukha lang barn house sa labas para mag blend-in sa buong Kampo Juan."

Tumango si Maggie at hinila na ako pabalik sa barn house.

"Dito ka lang." Aniya nang nakita yung CR sa isang pintuan.

Sobrang ganda pala sa loob! Totoo nga yung sinabi ni Auntie Precy! Wala sa labas ang mukha nito sa loob. Puno ng palamuting vintage (black, bronze, gold ang kulay). May nakita pa akong parang isang gong na puno ng makukulay na bato. Meron pang isang barkong pampiratang nakalatag sa halos lahat ng mesa. Kulay gold ang kurtina at may couch na kulay gold din.

Tapos, may nakita akong paparating na may dalang iilang kahoy, nakalagay sa balikat ng isang matandang nagtatrabaho siguro dito sa Kampo Juan. Yeah right! Undeveloped parin ito. Pagkatapos ng mga limang tao sigurong naghahakot ng kahoy papalabas nitong barn house, nakita ko nanaman yung sparkling abs. Sa kanilang lahat yata, ito lang ang di naka t-shirt. Hobby niya sigurong isalida ang abs niya. Nagkatinginan kami habang nasa balikat niya yung mga kahoy.

I looked away... Parang nagkabuhol-buhol ang tiyan ko at gusto kong tumawa ng pagkalakas-lakas. I was right! Isa nga siyang magsasaka! Nakakahiya! Ang gwapo niya pa naman sana pero nakakaturn-off yung ginagawa niya (pagdadala ng kahoy na nakalagay sa balikat at puno siya ng sparkling sweat).

"Dito ka pala nagtatrabaho?" Sabi ko habang pinipigilan ang sariling tumawa.
"Ano ngayon?" Sabi niya at patuloy parin sa pagbubuhat ng mga kahoy.

Hindi ako masamang tao at di rin ako nang-aaway at nagtataray sa strangers pero dahil na rin siguro sa first impression ko sa kanyang suplado ay gusto ko na lang siyang inisin palagi.

"Ang yabang mo!" Sigaw ko habang tumatawa at papalabas na siya ng pintuan. "Kung makapagsalita ka, akala mo ang yaman mo!" Sigaw ko at nagpray ulit na sana ay narinig niya at nasaktan ko siya sa sinabi ko.

"Huy! Anong sinisigaw-sigaw mo diyan?" Sabi ni Maggie pagkatapos umihi.


Kabanata 4.
Bakit at paano?


Naalala pa pala ni Maggie yung chika ko sa kanyang tungkol dun sa may sparkling abs pero suplado.

"Asus! Baka yan na ang pamalit mo kay Callix!" Sabi niya at kinurot ang pisngi ko.
"Hindi no!"

Pagkaisip ko dun sa sinabi niya, kinalibutan agad ako. Eww. Taga bukid, pamalit kay Callix? Pwedeng si Callix na lang ulit? Well, alam kong gwapo talaga yung suplado na yun. Sayang nga lang dahil isa siyang magsasaka dito sa bukid. Hindi ako ganun ka bobo para mainlove sa isang taong tulad niya. Una kong titignan ang panlabas na anyo (including bank account. lol). Alam ko kasing mahirap lang kami at ayokong dumagdag pa sa kahirapan namin.

"Naku! Kaya kayong dalawa girls?" Sabi ni mama isang linggo ang nakalipas nung lumipat kami sa BAHAY NI LOLA. "Okay na okay lang sakin kung mag boypren kayo! Ang importante mayaman!" Aniya habang kumakain ng adobong manok.

Kakarating ko lang sa hapagkainan sa umagang yun at bumugad na agad ang sermon ni mama tungkol sa mga lalaking papakasalan namin.

Nakasimangot na si Maggie pagkarating ko at nakatingin kay mama.

"Ba't ka nakasimangot eh mayaman naman si James?" Bumulong-bulong ako habang tinitignan siya sa harapan ko pero bago ko pa matapos ay sinipa niya na ako sa ilalim ng mesa.

"Ansabeh mo?" Nakatoon ang pansin ni mama sakin ngayon.
"Uhh, w-wala." Habang tinitignan ang mukha ni Maggie na halos sasabog na sa hiya at inis.

Si mama at si Maggie ay magkalaban sa pananaw na ito. Kung si Maggie ay may ayaw sa mga mayayaman at gwapo, importante naman kay mama ang mayaman at ang hitsura!

"Dapat gwapo! Sayang naman yung kagandahan ng mga ninuno ko at kagwapuhan ng mga Aranjuez kung mahahaluan lang ng... hmm... hindi naman sa nanlalait... pero yung mga... alam niyo na... pangit." Sabi niya na parang nandidiri pa sa salitang iyon.

Umiling si Maggie sa kawalan.

"At higit sa lahat, dapat syempre mayaman! Kasi naman, aanhin ang kagwapuhan kung walang bahay, kotse at pera di ba?" Si mama lang talaga ang nagsasalita sa hapag. "Pinaka importante ang pera... Besides, kung hindi masyadong... alam mo na... gwapo... pwede naman nating ishare yung kagandahan natin at magiging gwapo o maganda parin ang anak niyo." Ngumisi siya kay Maggie.

Si Maggie naman, kumakain parin ng seryoso.

"Kaya ikaw Maggie, sayang lang yang kagandahan mo kung di ka maghahanap ng mayaman at gwapo. Sana nga ngayon meron ka ng prospect eh twenty ka na at dalawang taon ka na sa kolehiyo." Si mama naman ang umiiling ngayon.
"Oo nga! Tsaka maganda pa huh? Matangkad, makinis, maputi, bagsak ang buhok, matangos ang ilong, at mahubog ang katawan... pero tingin ko Adele, kailangan mahal mo rin yung taong pakakasalan mo." Ani auntie Precy.
"Pwede rin. Pero tingin ko, mamahalin mo yung tao kung gwapo at mayaman siya." Tumango-tango pa si mama.

Hiyang-hiya na si Maggie sa mga pinagsasabi ni mama. Tinititigan niya ito at sa tuwing napapansin siya ni mama ay umiiling agad siya. Alam ko ang ibig sabihin ni mama tungkol sa gwapo at mayaman, yan naman talaga ang unang magugustuhan mo, pero syempre dapat mahal mo rin tulad ng sinabi ni Auntie Precy. Tsaka di naman kailangang ipangalandakan iyon ni mama na yun ang gusto niya. Para tuloy kaming 'gold-digger' (tulad ng tinawag ni Callix sakin).

"At ikaw naman Rosie... Naku at mag-ingat ka sa bagong eskwelahan mo. Kay bata-bata mo pa. Kaka-eighteen mo lang noong January at 6th year ka pa. Naku! Nandito pa tayo sa bukid... baka magkaboypren ka riyan ng anak ng magsasaka o yung anak ni Aleng Doleng na mejo may pagkabuang-" Sabi ni mama.
"Di na yun nag-aaral, Dele. Di yun nakapagtapos ng highschool." Sabi ni Auntie Precy.
"Nakuuu! Basta ha, Rosie! Doon ka na lang maghanap sa Maynila at marami doon. Wa'g dito!"

Natahimik sa wakas ang hapagkainan nung sinabi ni Auntie Precy...

"Enrolment na nga pala ngayon sa Alegria National High School, Rosie. Nasabi ko na ba yun sayo? Pupunta tayo mamaya pagkatapos kumain. Mabuti na yung maaga at sa magandang section ka ilalagay."

WHAT? IS THIS REALLY HAPPENING?

Oo at nangyayari talaga ito dahil ngayon ay nandito na kami sa Alegria National HS. Si Auntie Precy ay isang guro sa elementary school dito sa Alegria. Di na siya nag Maynila kasi 'happy' na daw siya dito sa mga bukid ng Alegria. What's so happy here? LOL

Ang Alegria National HS ay may tatlong dalawang palapag na building. Malapad ang eskwelahang ito, hula ko mga 5 hectares. May soccer field at basketball court (na hindi covered court), may iilang pine trees na kahoy na nakapaligid at kitang-kita na ito lang ang kapatagan sa susunod na dako kasi napapalibutan ito (saan ka man lumingon except sa gate) ng bukid at burol.

"Iyan ba yung pamangkin mo Precy?" Titig nung babae na nakaupo sa isang desk na pang 'enrolment'.
"Oo! 6th year mare! eto nga pala si Rosie." Sabay pakita sakin.

Nakanganga ang babae at ni-head to foot ako. Malamang ihe-head to foot kasi naka polkadots ako na sleeveless top at nakashorts lang.

"Ang kinis at ang ganda! Sayang ka Precy at di ka nagkaanak! Naku!"

Tumawa na lang si Auntie Precy.

"Hija, ilagay mo lang ang pangalan mo at pumili ka ng subjects mo para mailagay na kita sa isang section..." Tumingin ulit siya kay Auntie Precy. "Taga Maynila?"
"Oo." Sagot ni Auntie Precy.
"Naku! Pagkakaguluhan ka ng mga bata dito, hija." Aniya.

Ngumiti na lang ako habang nagsusulat.

"Rosyan?" Tanong niya nang nakita ang pangalan ko.
"Uh.. Ro-seanne." Sabi ko.
"Mare, san ba yung sa 6th year dito?" Tanong ni Auntie Precy.
"Diyan sa ikatlong building, second floor."
"Rosie, dito ka muna. titignan ko lang dun." Bago ko pa napigilan si Auntie Precy, umalis na siya.

"Oh hayan na pala yung mga kaklase mong panigurado hija!" Sabay tingin niya sa likuran ko.

Naaninaw ko ang isang batalyong mga taga bukid. Sina Jacob! Yung sparkling abs?! Naka t-shirt siya at mukhang desente ang mukha dahil sa wakas ay nagkasaplot. Sa gilid niya at isang babaeng may malaki at makapal na eyeglasses na naka fishtail braid ang buhok. Sa likuran niya ay may isang makinis, maputi at magandang babae na nakataas na ang kilay at may mga kasamang alipores na lalaki at babae. Mukhang dalawang dosena silang lahat ah!

Binilisan ko ang pagfi-fill-up pero di ko nagawang matapos bago pa sila nakarating. Hula ko yung makinis at magandang babae yung girlfriend niya.

"Mrs. Mendoza, mag eenrol po kami." Sabi nung magandang babae, tinitignan pa ako.
"Oo naman! Sure!" Sabay bigay sa kanila ng form.

Natapos din ako at tinignan silang lahat at nakatingin pa talaga sila sakin. Nagkatinginan kami ni Jacob. May nakita akong tatlong lalaking anghahalakhakan at nagsisikuhan sa lukran nila habang tinitignan ako.

"Sixth year ka?" Tanong ni Jacob.
"Oo." Sabi ko at umalis na papunta kay Auntie Precy.

Bago ako tumalikod ay nakita kong nakatingin silang lahat kay Jacob.

Pero kahit umalis na ako narinig ko ang bulung-bulungan nila.

"Ang ganda tol! Parang ngayon lang ako nakakita ng ganun ka gandang babae! Kilala mo pala?" Sabi nung isa sa tatlo.
"Hmm. Oo. Roseanne Aranjuez. At Hindi naman siya maganda. Di ganun ka ganda para magustuhan ko."

NAKS! Kay gwapo mo naman tol! I'm fighting the urge to look back! Parang ang gwapo gwapo mo para sabihin iyan! Oo na! Gwapo ka na pero di ka rin kasing gwapo ng inaakala mo at magsasaka ka lang kaya tumahimik ka na lang! Kainis...

Pero sa kalagitnaan ng galit ko, narealize ko na... kilala niya ako. Bakit at paano?


Kabanata 5.
May Kaya

Kinwento ko kay Maggie ang nangyari at narealize na sana hindi ko na lang sinabi.

"Oh my god! Alam mo kung ano ang ibig sabihin niyan, sis? May hidden desire siya sayo!" Sabay tawa niya. "Alam ko na yan! Ganun din si James sakin noon!" Sabi niya.

Umiling na lang ako sa kanya.

"Kelan ba ang punta dito ni James?" Tanong ko.
"Hay nako! Sa unang Sabado na siguro ng June. Inis pa ako kay mama dahil sa mga sinabi niya tungkol sa mahihirap. Grabe naman talaga. Baka akala niya si James ang boypren ko kasi gusto ko din ng mayaman. Haay! Kaya nagpapalamig na muna ako. Atat si James pero naintindihan niya naman nung sinabi ko na inaatake si mama ng pagiging mapanghusga."

Well, mabuti nga si Maggie at may inaasahan siyang boyfriend na mayaman at in love na inlove sa kanya. Ako, imbis gusto ko ng mayayaman, ako tong di napagpapala. Ganyan talaga ang buhay!

Nagdaan ang isang boring na linggo sa pag-iisip ko na sana ay may makilala akong mayaman sa school o sana mayaman yun si Jacob (na alam ko namang hindi dahil sa trabaho niya). Let's admit it, shall we? Talagang gwapo si Jacob at kung sana ay normal lang ang buhay niya (kahit di na mayaman, basta di siya nagsasaka), ay magugustuhan ko na siya. Pero oh well, suplado at masungit siya kaya turn off na rin.

Pinakain ko ang mga manok (na siyang gawain ko dito sa bukid). Pagkatapos nun ay nagpaload sa kapit bahay. Pwede ring magpaload dito ng internet kaso di ko na pinatulan dahil dalawang bars lang yung signal sa bukid ng Alegria at minsan iisa lang.

"Saan ka ba galing Rosie?" Sigaw ni mama galing sa kusina. "Magbihis ka na at punta tayo ng pamilihan. Bibili tayo ng notebook mo para sa school at iba pang gamit."

WHATTTT? And true enough, ilang saglit lang ay nandoon na kami sa isang mukhang china town sa Alegria. May pamilihan ng mga prutas, gulay, karne at isda doon. Mayroon ding mga damit at kung anu-ano pa. Hindi ko maatim tignan ang mga notebook na puro artista ang cover.

"Wala bang National Bookstore?" Sabi ko at siniko ako ng nakikiusyuso at sumamang si Maggie.
"Eto na lang oh." Sabi niya nang pinakita sakin ang mga notebook na kulay brown na parang recycled paper.

Tama siya at mas mabuti ngang iyon na lang kesa sa dun sa mga mukhang artista.

Habang namimili kami, naaninaw ko ang pagmumukhang pamilyar sakin. Siniko ko ulit si Maggie nang nakita ko si Jacob, the sparkling abs na may saplot ngayon at naglalakad sa china town. Namimili din siguro.

"Yan yung sinasabi ko sayo, Magg." Bulong ko.
"Whoa! Kay gwapong bata nga! At tama ka diyan sis, mukha nga siyang suplado pero di naman siguro. Ang arte mo kasi kaya siguro nagalit sayo."

Pinagmasdan ko siyang mabuti at nakitang marami siyang kilala sa mga nagbebenta ng karne, prutas at gulay. Pa kaway-kaway siya at binabati ng lahat ng naroon.

"Auntie Precy..." Sabi ko nang napunta kami sa bakery at busy si Mama at Maggie sa pamimili ng tinapay na bibilhin. "Sino po yun?" Sabay turo ko sa kay Jacob.
"Bakit? Gwapo noooo?" Tukso ni Auntie Precy. "Aha!!! Crush mo!"
"Di po! Kasi naman... nakita ko siya sa school." Defensive ano? "At 6th year din yata siya. Nakita ko rin siya sa Kampo Juan, nagsasaka." Sabi ko.
"Nagsasaka? Di yan magsasaka no!" Sabi ni Auntie Precy.

AHA! Hindi naman pala! NORMAL LIFE PLEASE?

"Marami lang siyang kilala sa mga magsasaka kaya tinutulungan niya ang mga ito." Sabi ni Auntie Precy. "Mabait na bata. At may kaya ang pamilya niya." Sa tono ng boses ni Auntie Precy, para niyang tinutuldukan at pinigilan ako sa pagtatanong pa ng kahit ano.

Pinagmasdan ko na lang si Jacob na ngiting-ngiti na naglalakad doon.

So! Confirmed! Hindi siya magsasaka! Okay lang kung di mayaman diba? 'May kaya'... okay na yang description na yan! Teka nga lang... ba't ko ba iniisip 'tong bagay na 'to? Eh suplado kaya iyon. Pero tanggap ko namang naging mataray din ako at mapanghusga sa simula eh. At kilala niya ako... baka crush niya ako?

Hindi ko alam saan nagbunga ang lahat ng mga iniisip ko sa linggong iyon... Siguro sa boredom. Pero dahil sa iniisip kong iyon, na motivate ako sa pag-aaral sa Alegria National High School. Lumipas ang isa pang linggo at nagising ako sa umagang magdadala sakin sa loob ng classroom namin... I've never been this excited to go to school. Kahit na nandito ako sa the-hills-are-alive!

FIRST DAY, IT IS!




Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText