18th
18th~
Summer: Nga pala sir
Ilang weeks na ang nakalipas at anun parin kami ni Lex. And today is another day... buong session siyang naglecture. Malapit na din kasi ang finals.
"Class... this is probably my last class. I've decided to stop teaching." Sabi niya na ikinabigla naming lahat.
"Ha??? Bakit?" Sabay sabay na tanong ng mga kaklase ko.
"I haven't found a reason to stay." Sabi niya.
Shet! Parang nabilaukan ako sa sinabi niya. Ano? Summer? Yun na ba talaga yun? You came all the way here to chase him pero in the end you'll give up?
Pero kung tutuusin, mag aanim na buwan na at wala parin siyang naaalala. Hindi niya naman ako nagugustuhan. Sinabi pa nyang wala na siyang rasong magpatuloy dito. :(
Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko... pagkatapos ng klase, nagpahuli ako at inabangang umalis siya at hinabol sa labas.
"Lex... Lex!" Tawag ko.
Lumingon siya sakin.
"Uh, Summer, here's my paper. Don't forget to give it to Mr. Sebastian." Sabi ni Lindsay na naka hawak sa braso ni Dave.
Pareho silang na weirdohan sa pakikipag-usap ko kay Lex. Kakausapan nga sana ako ni Dave kaso tinoon ko ang buong atensyon ko kay Lex na di na nila nagawang magtagal sa harapan namin.
Nagtitigan kami ni Lex. Pero wala pa ngang nagsalita, naramdaman ko na ang pagbuo ng luha sa gilid ng aking mga mata.
"What?" Sabi niya.
Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi.
"I don't want you to go..." Sabi ko.
Suminghap siya.
"For what reason? Weeks ago you told me to forget it forever!"
Lumandas ang luha ko at sinuntok ko ang kanyang dibdib. Di siya natinag sa suntok ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para makasuntok ng ganun. Malakas sa umpisa, pero nang dumapo na sakanya, nawalan ng lakas.
"Bakit ba kasi di mo maalala! Please naman! Wake up! It's me Summer!"
Umiyak ako sa harapan niya habang siya ay tinitignan lang ako. Walang magawa. Anim na buwan na ang nakaraan ng nagising siya at wala parin siyang maalala.
"Sobrang di ko na kaya 'to." Tinignan ko siya.
Halatang naaawa siya sakin pero wala siyang magawa.
"Bakit wala kang magawa!!! Lex!!!"
Nakita kong may mga dumaang mga tao kaya umalis na ako, iniwan siya sa ere.
Hindi ko na kaya 'toooo! :( Umupo ako sa bench at tinawagan si Aliyah.
"Hello?"
"Hello! Mag tataxi na ako pauwi. Wa'g niyo na akong daanan dito. Sabi ko."
"Aryt then! See you later!" Sabi niya at agad kong binaba ang cellphone ko.
Hikbi ako nang hikbi sa isang bench habang hinahawakan ang papers ng kaklase ko for Mr. Sebastian. Dumidilim na at nagpasya akong maya-maya ko na ipasa tong papers kung wala na si Lex sa faculty.
Pag dating ng alas syete, pumunta na ako sa faculty. Kumatok at nakitang wala si Lex. Si Prof sebastian na lang ang natira.
"Sir, eto na po yung papers." Sabi ko sa pintuan.
"Oh, come here. Pasok Ms. Romero." Tinanggal niya ang glasses niya.
Lumapit ako ng konti sa table niya...
"Upo ka." Sabi niya.
Umupo naman ako.
"Nga pala sir, I'd like to see my midterm grade." Sabi ko.
Di kasi nirelease yung midterm grade ko. Di ko alam kung bakit.
"That is what I want to discuss with you tonight..." Sabi niya.
"Bakit po?"
Natahimik kami habang tinignan niya ang grade ko sa isang folder.
May pumasok na isang professor.
"Sir Seb, kaw na lang talaga maiiwan, kami lahat my klase at this time eh. And si Sir Lex pero mukhang umalis na." Tumawa siya at lumabas agad, may kinuha lang sa table niya.
So, may ibang mga professors pa pala pero may inaatupag na klase.
Tinitigan ako ni Sir Sebastian.
"You're failing."
WHAAAAT? Paano nanggyari eh nag aral naman ako!
"Bakit po?" Sabi ko.
Tumayo siya at lumapit sa upuan ko.
"But I'll give you an option..." Hinawakan niya ang braso ko. "Ganito kasi talaga dito, my subjects are one of the worst subjects. You're not the only one failing in your class... Actually madami, pero ikaw ang napili kong bigyan ng option coz I know you'll do it..." Ngumisi siya at tinignan...
Tinignan ang boobs ko!
Now I think this is wrong!
Agad akong napahawak sa celphone ko at di na nagsalita.
Hinawakan niya ang legs ko nung umambang tatayo ako.
"Just once!" Sabi niya at hinawakan na talaga ang boobs ko!
OMG! Is this the part where I should shout... "Rape!!!"?
"Walang makakarinig sayo dito!" Sabi niya.
I tried to run pero hinawakan niya ang heel ko kaya nadapa ako. Sabay ng pagkadapa ko ang pagpindot ko sa number ni Lex...
Calling...
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;