<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

C&♥51-55


C&♥51
The Picture






Grabe yung adrenaline rush ko. Agad kong sinarado ang pinto at nakapag isip ng paraan para maging okay ang usapan. Naiintimidate ako sa diretsong tingin niya na para bang nag hihintay siya ng sasabihin ko.

"I'm one of the... uh, open university students."
"Uh-huh." Tinanggal niya ang glasses niya at sinuklay ang mahaba at maitim na buhok niya gamit ang mga daliri.

Ngumuso siya nang tinignan ang mga files sa harap ng table niya.

BAKIT PARANG LAHAT NG MOVES NIYA NAAALALA KO SI CHASE?Ngumunguso siya pero hindi dahil gusto niyang pigilan ang pag ngiti.

"What's your family name?" Tanong niya.
"Jimenez." Sabi ko.

Napa second-look siya sakin at kinabahan naman ako. Nilapag niya ang files sa table niya. Humilig pa siya lalo sa table niya at tinuro ang upuan sa harapan.

"Please, sit down." Aniya at ngumiti. "Of course you won't be Benjamin, obviously, so you're Eliana?"
Umupo ako at tumango.

Pinaglaruan niya ang tip ng eyeglasses niya at ilang sandaling pagtitig sakin ay kinagat ito.

"Anong problema mo?"
Halos malaglag ako sa upuan ko nang itinanong niya ito...
Tumawa siya at, "I mean... May problema ka ba sa module ko?" Ngumisi siya.
"Wala naman. Last module ko kasi yun kaya chineck ko kung sino ang huling prof ko bago mag second semester." Buti at di niya namamalayan ang kaba ko.
Tumango siya.
"So? What do you think? I mean, what do you think about me as your professor?"
Natahimik ako. Hindi ako sigurado sa isasagot ko.
"Kumusta yung module? Good? Was it difficult?" Tanong niya.
Umiling ako. "Hindi naman. It was okay."
"Hmmm. Maybe I should improve that module, after all. Its supposed to be really difficult, well unless you chose mediocrity. I will fail you if you do that to my module."
Napalunok ako, "I don't really like mediocrity, Miss de los Reyes." Sabi ko.
Tumaas ang kilay niya, "Oh of course you don't like mediocrity. Kasi nasanay ka na palaging the best ang nakukuha mo para sa iyong sarili. Your an heiress of a big company!"

Hindi ko alam kung paano naging masyadong personal ang sagutan namin. Its uncomfortable.

"Well, you can have all the best you want, Miss Jimenez." Humilig pa siya lalo para bumulong sakin, "But not the best man." At ngumisi siya nang nakataas ang isang kilay.

Napatayo ako nang biglang uminit ang ulo ko. Alam ko ang ibig niyang sabihin! Kilala niya ako simula pa lang kaya siya nakipag bangayan sakin!

Tinalikuran ko siya habang nag s-struggle maging desente sa kabila ng inis ko.

"Aryt? Or I'll fail you." Dagdag niya.

Napalingon ako sa kanyang sinabi. I can't believe her! Akala niya ba'y papayag ako sa sinabi niya. Ibagsak man ako sa lahat ng subjects ko hindi ko isusuko si Chase. No way!

"I'm his first love. His first and only... You're just a rebound." Sabi niya bago ko sinarado ng padabog ang pinto.

I swear to God I'm hyperventilating! Bakit ganun yung babaeng yun? Mahal yun ni Chase diba? I mean, noon. Pero bakit ganun siya ka selfish?

Naiiyak ako habang naglakad pabalik ng parking kung saan naghihintay si Denise. Wala akong pakealam sa mga nalalaglag ang pangang schoolmates ko habang nakikita ako. Syempre, ngayon pa lang ulit nila ako nakita.

"Eliana!" Sigaw nung isang kaibigan ko.

Pinilit kong ngumiti pero di ko magawa kaya patuloy akong naglakad.

Pinunasan ko ang luha ko nang tumulo na ito. Hindi ko maitangging successful talaga sa buhay ang babaeng yun. Hindi ko maitanggi ang kagandahan niya. Hindi ko rin maitanggi na kahit ilang taon na ang nakalipas nang naging sila ni Chase, nandoon parin ang actions at mannerisms na maaring nakuha nila sa isa't-isa. I hate everything right now!

Kahit na galit ako, kailangan kong maging okay. Kailangan kong maging desente. Kailangan kong magpaka mature para sa sarili ko.

"Eliana! You're back!" Nakita ko ang nakangiting si Yuan sa harapan ko.

Sa sobrang saya niya yata ay niyakap niya ako at inikot.

"Yuan!" Nabigla ako sa ginawa niya.

Napatigil ang mga estudyanteng naglalakad para tignan ang reunion naming dalawa.

Kinalas niya ang yakap niya. Naramdaman ko naman yung kamay niya sa batok ko. Tinulak niya ang ulo ko sa ulo niya para magkahalikan kaming dalawa.

Nanlaki ang mga mata ko habang napapikit siya. Sa panlalaki ng mga mata ko, nakita ko si Ophelia de los Reyes sa likuran na may hawak na cellphone at pinipicturan kami.

Tinulak ko si Yuan.

"I'm so glad, Eli! Akala ko di ka na babalik sakin. Akala ko kinalimutan mo na ako! I knew it! Mahal mo parin ako sa kabila ng lahat..." Nakita ko ang luhang lumandas sa pisngi niya habang hinahaplos ang pisngi ko. "Imposible. Imposibleng maka move on ka sa ganun ka daling panahon."

Nakita kong nagmamadaling umalis si Ophelia. Sinundan ko pero pinigilan ako ni Yuan. Hinila niya ang braso ko.

"Eliana,"
"Stop it, Yuan." Sabi ko.
Nabigla siya sa sinabi ko, "How many times, Eli? Ilang beses mo ba akong ipapatigil? Mahal kita at di ko mapigilan yun."
"Nagawa mong pigilan ito noon, diba? Para pagtakpan kayong dalawa? Pwes pigilan mo yan ngayon dahil obvious na hindi ka na niya mahal." Nabigla ako nang naaninaw ko si Denise sa paligid.
"No! You liar! Denise!" Sigaw ni Yuan.
Tumawa si Denise at inirapan ko na lang siya.

Alam kong tama yung sinabi ni Denise pero hindi tama ang approach niya. Masakit na nga yung katotohanan, lalo mo pang sasaktan sa pagkakasabi mo.

"Yuan, I didn't come back here for you..." Sabi ko habang umiiling. "Excuse me." Hinila ko si Denise palayo sa mga taong nakapaligid samin... palayo kay Yuan.

"We need to find Ophelia de los Reyes! Pinicturan niya ako nung hinalikan ako ni Yuan. Chase is really really selfish. I'm sure magwawala yun pag nakita niya. At... baka... iwan niya ako, D! Please, help me!" Sabi ko at nagmadali kaming pumunta ulit sa faculty.
"Another picture, Eli?" Sabi ni Denise na mukhang natauhan. "Diba yung nangyari sa Cebu ay dahil din sa isang picture?" Hinila ako ni Denise palabas ng faculty room. "Hayaan mo na. Kung mahal ka ni Chase, kahit di niya maiintindihan ang picture na yun, mahal ka parin niya. Hayaan mo siya. Kung makita niya yun at may tiwala siya sayo, di ka niya iiwan. Kung maniniwala siya sa ex niya, ibig sabihin mas may tiwala siya sa babaeng yun... at ibig sabihin na naman dun ay di siya deserving sayo kaya hayaan mo na talaga."

Tama si Denise pero talaga bang hahayaan ko na lang yun?

Kinakabahan ako.


C&♥52
Frustrating






Kinagabihan, panay ang party sa bahay namin. Naroon ang buong pamilya. Balisa ako pero di ako hinahayaang maging free ni daddy o ng kahit sino sa buong pamilya. Parati akong may kausap at busy sa kanila. Pero yung nasa isip ko lang ay si Chase.

"Ano ba! Tuliro ka na lang buong gabi?" Umirap si Denise.
"D, kailangan ko siyang makausap." Sabi ko pagkatapos naming mag usap ni Maxine na girlfriend ng isa ko pang pinsan.
"O, edi kausapin mo na! Itext o tawagan mo!" Umiling siya at nakipag usap kay Ara sa tabi niya.

Umalis ako sa couch at agad hinarangan ni daddy para makapag picture kami buong pamilya. Nang finally ay nakawala na ako sa kanilang lahat, kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan siya.

"Hello?" Babae ang sumagot. Kinabahan ako.
"Hello..."
"Ma'am Eliana, si Mr Castillo po ba hinahanap niyo? Naiwan niya kasi yung cellphone niya sa dining table." Si manang pala ang nakasagot.
Napapikit ako sa kaba, "U-Uh... Nasan siya? Lumabas ba?" Tanong ko.

Shet. Kabang-kaba na ako. Sobrang kaba! Paano kung nagpunta si Ophelia sa Cebu? Tapos nagkita sila kaya niya naiwan yung cellphone niya at nakalimutan ako. Oh my gosh!

"Nasa kwarto po, natutulog."

Napasinghap ako pagkatapos sumagot ni manang.

"Gusto niyo po bang gisingin ko siya?"
"Wa'g na." Sabi ko. "Uh, pag nagising siya paki sabi tumawag ako at sana tawagan niya ako, salamat."

Matagal kaming natulog dahil sa party sa bahay. Bukas na kasi ioopen ng Jimenez siblings yung European flights ng airline company namin. Naisip ko tuloy kung airplane ba namin yung ginamit ni Ophelia papuntang Cebu o di kaya ay umiinom ba siya ng alcoholic beverages ng kompanya namin. Kainis lang!

Kahit na naiinom ko na yung paborito kong Dom Perignon ngayon parang may kulang parin sa buhay ko. Damn, I miss Chase. I miss him so much!

Tinype ko ang huling text ko sa kanya bago ako matulog:
I miss you. I love you.

Tinanghali ako ng gising dahil madaling araw na nung natulog kami. Napatingin ako sa paligid. Dalawang araw na akong natutulog sa kwarto kong ito pero parang di parin ako sanay. Malaki ito kumpara sa kwarto ko doon sa condo ni Celine. Tinignan ko ang cellphone ko. May isang text si Chase dun...

My heart skipped a beat!

Chase:
Good morning. I saw something last night.

Napaupo ako sa kama sa kaba. I typed quickly.

Eliana:
Saw what?

Chase:
A picture of you and your ex.

Napalunok ako. Hindi na ako nag aksaya ng panahon at tinawagan ko na agad siya.

"Chase." Sabi ko nang narinig ko ang linya niya. "Your ex..." Napabuntong-hininga ako. "Kinuha niya yun at hindi ko ginustong makipaghalikan kay Yuan."
He groaned, "I know, baby. I just don't... Is this why you didn't want me around just yet? Kaya ba ayaw mo pa akong pumuntang Maynila to finish your unfinished business with him?-"
"No!!! Chase! Hindi! Wala na kaming unfinished business ni Yuan."
"Kung ganun ba't ka nandun sa school mo?"
"Pinuntahan ko si Ophelia." Sabi ko.
"For what?"
Hindi ako makasagot.
"Damn! I shouldn't have let you go there without me." Napabuntong-hininga ulit siya. "Hey, I need to drop this. I'm busy... really busy right now."

Grabe halos gumuho ang mundo ko pagkasabi niya nun. Gusto kong umiyak at di ko alam kung bakit. Alam ko baka nag ooverreact lang ako pero gustong-gusto ko siyang makausap. Alam ko ring busy siya sa negosyo nila kaya di ko pwedeng irequest sa kanya na makipag usap muna sakin.

"Oh, okay... Sige... Bye." Sabi ko.

Ang bitter ng tono ko.

"Bye, I love you. And I miss you, too."
"I love and miss you, too." Napapikit ako. Dapat masaya ako eh dahil naririnig ko ang boses niya. Pero parang mas lalo akong nafu-frustrate.

This is it! I therefore conclude na ayaw ko ng long distance relationship. Nakakadalawang araw pa lang kami halos maloka na ako sa frustration ko.

Habang niyayakap ko yung tuhod ko at umiiyak sa frustration, narinig kong kumatok si mommy.

"Eli?"
"Pasok po." Sabi ko.

Pumasok siya at pinunasan ko ang luha ko. Nang nakita niya ako, sumimangot siya.

"You okay?"
"Yep." Napasinghap ako.

Tahimik lang siya at tumabi sakin.

"Let's go... Kailangan mo ng mag kumain at mag prepare. Pipili pa tayo ng gown na sosootin mo mamaya."
Tumango ako kahit wala naman talaga akong gana.

Si Denise at si mommy ang kasama kong mamili ng gown.

"Sabi na eh, hindi talaga siya tumaba ng kahit konti tita." Sabi ni Denise kay mommy. "Yung stats mo noong last party ang ginamit sa pag gawa ng tatlong gown na ito, Eli. Vera Wang lang naman kaya ayusin mo ang pag pili."

Wala talaga akong gana kaya tinignan ko na lang isa-isa.

"Isukat mo." Sabi ni Denise.
"What's wrong, Eliana?" Tanong ni mommy.
"Nothing."

Buong araw akong malungkot. Sobrang lungkot ko pero si Denise sobrang saya naman. Parang tuwang-tuwa siya sa nangyayari samantalang sobra pa sa biyernesanto ang mukha ko. Yung kulay blue-green na gown ang napili ko dahil simple lang. Ayaw ko kasing makaagaw ng pansin.

"Huy! Umayos ka nga! Umayos ka!" Aniya.
"Paano ako aayos, D? Hindi kami nakapag usap ni Chase ng maayos." Sabay tingin ko sa kanya sa malaking salamin sa harapan namin.
"Alam mo kung may tiwala ka sa relasyon niyo, kahit na matagalan pa kayo sa pag uusap, okay parin yan."
"Madali sabihin pero mahirap gawin. Ang maganda sa inyo ni Bench ay hindi kayo nagkakahiwalay ng matagal. My god we own an airline company after all." Sabi ko habang umiiling.
Tumawa si Denise, "You're right." Ngumisi siya. Probably the most devilish smile I have ever seen.
Tumaas ang kilay ko sa ngisi niya pero wala siyang sinabi.

Nang nag alas singko na at kinailangan na naming pumunta sa Venue, sinundo kami ni Bench with another limo at sangkaterbang body guards. Wow, really?

Naghalikan pa yung dalawa sa loob ng limo. Naputol lang nung sinabi ni D na baka daw masira yung make up niya. Napailing ako habang naaalala yung mga halik ni Chase sakin. I suddenly want more. Ugh! At wala pa talaga dito yung cellphone ko huh? Nasa bahay yata naiwan ko. Lechend buhay! Kainis! Napapamura ako sa inis.

"Oh my, D." Sabi ko paglabas namin ng limo.

Nandoon na sa entrance ang dalawa ko pang pinsan kasama ang significant others nila habang pinipicturan ng press. Nalaglag ang panga ko nang nakita ko kung sino ang pinipicturan sa kabila.

"What?" Tanong ni Denise pero agad nalaglag ang panga nang nakita kung sino ang nakita ko.
"Nandito ang mga Tan, of course." Sabi ni Bench.
"Bakit sila nandito?"

Nakatingin ako sa ngiting-ngiti na si Yuan soot ang tuxedo na nagpapaalala sakin kay Chase kasama ang mommy at daddy niya. Marami pa silang ibang kasama. Nandun yung tita at tito niyang nagtaboy sakin noon. Nandoon din yung mga pinsan niya, maging yung na meet ko sa Cebu ay narito rin. Pareho silang nakasoot ng ngiti habang humaharap sa press.

"Sh1t! What the hell is happening!?" Sabi ko.

Sa wakas at narealize ko na kung bakit kakaiba ang reaksyon ni mommy nang nalaman niyang dadalo ako sa party.



C&♥53
Marry Me






Pumasok ako sa loob kahit na kinakabahan ako sa nangyayari. Mas lalo akong kinabahan nang nakita ko si mommy na malungkot na nakangiti kasama ang twins na bihis na bihis na rin.

"Are you sure you want to do this?" Tanong niya sakin ng pabulong.

Sumulyap si mommy kay daddy na nakikipag-usap kay Governor Cruz na tito ko at sa daddy ni Bench. Seryoso silang nag uusap habang tinitignan ang mga guests. Nakipagkamayan sila sa ibang mga foreigner na dumating.

Nasa malayo at kahulihulihang table si Yuan kasama ang pamilya nila. Nagtatawanan at nagbabatian. Hindi ko naiintindihan kung bakit nandito sila. Nagkatagpo ang mga mata naming dalawa at nakita kong ngumiti siya. Hindi ako makangiti at tumingin ulit kay mommy.

"Ano po ba kasing mangyayari?" Tanong ko.
"Eli-" Bago niya pa masagot ay tinawag na siya ni daddy.

Napabuntong-hininga siya at pumunta kay daddy.

"Denise... help me. What's happening?" Tanong ko pero ang dakilang bestfriend ko ay hinila lang ako para mag posing sa isang paparazzi kasama ang pinsan kong si Ara.
"Just wait and see, Eli." Sabi niya sa gitna ng picture-picture. "There." Sabay turo niya sa nakatayong si Yuan.

Nakalapit na siya samin at nakangiti.

God, I don't believe this! Si Denise na ayaw kay Yuan noon ay parang ibinibigay na ako ngayon? Hindi ko maintindihan.

"Just go with him, Eli. Nandun si Benjamin sa table nila." Sabay nguso kay Bench na nakikipag-usap sa daddy ni Yuan.

"Eliana." Finally at nakalapit na si Yuan sakin.

Nakatingin silang lahat saming dalawa. Si Denise ay nakangisi, si Ara naman ay umiiling, si mommy ay malungkot at si daddy ay mukhang galit. Ano ba talaga ang nangyayari?

"Sumama ka sakin, please." Naglahad si Yuan ng kamay.
Hindi ko 'to tinanggap. Ayokong bigyan ang mga tao ng malisya saming dalawa. Ex ko siya at hanggang doon na lang yun. Kahit hindi ako sigurado kung okay kami ni Chase ngayon, kahit na nafu-frustrate ako sa relasyon naming dalawa ngayon, siya parin ang gusto kong makasama.

Habang naglalakad kaming sabay ni Yuan papunta sa pamilya niya, narinig kong nagsimula ang isang pamilyar na kanta sa background. Yung kantang narinig ko sa sasakyan ni Chase. Instrumental lang pero dinig na dinig ko yung violin. Secrets by One Republic. Yun yung mga panahon kung saan sinisekreto ko pa sa mga taga Cebu ang pagkatao ko. Pero I'm sure, that time, alam na ni Chase kung sino ako. Hinihintay niya lang na sabihin ko sa kanya. Kahit kailan hindi niya ako pinilit sa kahit ano. Kahit pagmamahal niya hindi niya na kailangang ipilit dahil buong puso ko 'tong tatanggapin. Mahal na mahal ko siya at di ko kaya itong ginagawa ko ngayon. Pakiramdam ko niloloko ko siya kahit naglalakad lang naman ako kasabay ni Yuan sa red carpet.

"Mom, Eli is here."

Napawi ang ngiti ng buong pamilya ni Yuan. Si Bench na lang yung natirang ngumingiti. Yumuko pa yung mommy at tita ni Yuan nang nakita ako. Para bang kulang na lang ay lumuhod sila sa harapan ko.

Nang tumingala ulit ang mommy niya para tignan ako ng diretso, nakita kong mangiyak-ngiyak na siya.

"I'm sorry, Eliana. I'm sorry..." Umiiling siya at lumalapit sakin.
Niyakap niya ako pero di ako makagalaw. Hindi ko siya kayang yakapin.
"I'm sorry, hindi ko alam! Hindi ko alam na may anak pala si Andrew sa first wife niya. Akala namin pagkatapos nilang magpakasal ay biglang naaksidente yung mommy mo. Kaya hindi kami makapaniwalang..." Umiling siya at di na nagpatuloy dahil sa paghikbi.
"I'm sorry, Eliana." Sabi nung pinsan ni Yuan na nanggulo sakin sa Cebu.

Humingi rin ng tawad ang mga tita at tito ni Yuan. Maging yung daddy niya ay naiyak sa paghingi ng tawag.

"Kung alam lang sana namin noon ay sana di namin pinagbawalan si Yuan." Sabi ng mommy ni Yuan.
"What's wrong with being an illegitimate child? Kung totoong anak ako sa labas, huhusgahan niyo parin ako diba?"

Natahimik sila. Umiling ako at tinalikuran sila dahil may luha na sa mga mata ko. Nasaktan ako sa ginawa nila noon. Masyadong masama yung nagawa nila sakin. Kaya kong magpatawad pero hindi ko makakalimutan na ganun ang ginawa nila. Hindi ba pwedeng magmahal ng malaya? Hindi ba pwedeng mag mahal ang isang tao sa isa pang tao na 'less deserving'? Alam kong walang 'less deserving' na tao. Lahat deserving kaya ibang klase ang galit na nararamdaman ko sa ginawa ng pamilya ni Yuan sakin. Paano kung hindi yun ako? Paano kung ibang tao? Ibang babae na anak sa labas? Kawawa naman. At least ako kahit kinawawa minsan, sila ang umuwing luhaan!

Nagsimula ang party habang nag bubulung-bulungan ang press at ang mga tao tungkol sa ginawa ng pamilya ni Yuan sakin. Kahit na hindi nila alam kung ano ang tunay na nangyayari, marami silang speculations.

"Hayaan mo na yung mga tao." Sabi ni Denise nang nakitang di ako kumakain.

Kahit na ganun, hindi parin umalis ang pamilya ni Yuan. Nagtatawanan sila at parang masayang-masaya sa nangyayari.

"Eliana," Nabigla ako nang nakita si Yuan na nakatayo sa tabi ko. "pwede bang umupo sa tabi mo?" Tanong niya nang nakitang walang nakaupo sa tabi ko.
"Sure, Yuan." Sabi ko ng wala sa sarili.
Umupo naman siya nang nakangiti, "I was asked to bid for the European flights?"
Halos mailuwa ko yung mga kinain ko.
"What?" Tanong ko.
Humalakhak siya, "Yes. My family wants to buy stocks from the European flights."

Napatingin ako kay Bench na nagkibit balikat lang sakin. Laglag parin ang panga ko nang ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Yuan.

"Galing no?" Sabi niya nang nakangiti parin.
"Talaga?" Tanong ko.
Tumango siya.

Nag speech si daddy ilang sandali ang nakalipas. Pagkatapos niyang mag speech ay inanunsyo niya ang pagpapabidding sa 30% shares ng European flights. Syempre amin ang 40% ng stocks at yung 30% naman ng stocks ay nasa german stock holders na.

"Eight airplanes were named after my precious daughter, Eliana." Sabi niya.

Tumayo ako. Naglahad si daddy ng kamay para sakin. Nagpalakpakan ang lahat. Umakyat ako sa stage kung saan nag speech si daddy para tanggapin ang kamay niyang nakalahad. Mejo mangiyak-ngiyak siya nang tinanggap ko ito.

"I'm sure yung iba sa inyo di pa nakakakilala sa kanya. She's, again, Eliana Jimenez, my daughter. Anak namin siya ni Diana, my first wife." Umiiyak na si daddy ngayon. Naiiyak na rin ako.

Tinignan ko yung crowd kung saan nakatingin lang saming dalawa ni daddy. Si mommy ay umiiyak narin. Si Bench at Denise ay parehong nakatitig sakin at nakangisi.

"Diana Jimenez, my first wife was comatosed while Eliana was in her womb. Three months, huh? Tatlong buwan. Tatlong buwan pa si Eliana nang na comatose si Diana. It broke my heart. Natakot akong baka silang dalawa ang mawala sakin. We did everything! In the end nakaya ni Diana ang pag deliver kay Eliana, safely. She's a miracle. After a year, Diana died. From then on, hindi ko na kailanman pinayagan si Eliana na lumabas sa comfort zone niya. She's too precious for me. I can't lose her for anything." Umiling si daddy. "But now..." Tumingin siya sakin habang lumalandas ang mga luha sa mga mata niya.

Nakita ko ng umiyak na rin si Denise at si Ara habang pinapakinggan si dad.

"She's all grown up. I can't keep her anymore. She's free. I want the European flights to be the symbol of her freedom. She's free to fly. To go anywhere..." Hinalikan ako ni daddy at yinakap.

Nagpalakpakan ang lahat pero itinaas ni daddy ang kamay niya. Humupa ang palakpakan.

"Hindi ako makapaniwala." Tumawa si dad. "Na may mga taong kayang husgahan ang pinakamamahal kong anak. Hindi ako makapaniwala." Umiling siya.

Kinabahan ako. Nakita kong nagsiyukuan ang pamilya ni Yuan.

"I can forgive but not now... I'm sorry but she's too precious for me. Hindi ko kayang kalimutan kung paano siya nasaktan. Hindi ko kaya."

Lumapit si mommy para icomfort si daddy. Lumapit na rin ang mga tito at tita ko kasama si Bench at Denise para yakapin ako. Napaiyak ako sa yakap nila. Napaiyak ako dahil na touch ako kay daddy. Napaiyak ako kasi wala na akong mahihingi pa. This is the best family in the world. Kahit hindi ko na nakita si mommy, hindi yun naging hadlang sa pagiging masaya ko sa pamilyang ito.

"I love you, Eli." Sabi ni Denise sakin.
"I love you." Napahikbi ako.

Nakita kong si Bench na ang nasa microphone. Tanging narinig ko na lang ay ang sabi niyang, "Let the bidding begin!"

Agad may mga tumayo...

"100 million pesos!" Yun ang unang bid galing sa kilalang may-ari ng isang cell network.
"500 million!"
"700 million!"

Tumaas ng tumaas ang bid. Hindi ako makapaniwalang aabot sa billion ang bidding!

"1.5 billion pesos!" Tinaas ni Yuan ang kamay niya.

Nabigla ang lahat. Nabigla kaming lahat. Nakita kong nalaglag ang panga ni mommy at daddy habang tinitignan si Yuan. Narinig ko ang palakpakan ng kapamilya niya sa likuran.

Ilang sandali pa bago may nad bid ulit.

"3 billion pesos!"

Napatingin si Yuan sa nag bid ng 3 billion.

Ngumisi siya at tinaas ulit ang kamay, "5 billion pesos!"

Nagpalakpakan ang mga tao.

"10 billion!" May sumigaw pa sa kabila.
Ngumisi ulit si Yuan, "12 billion!"
"13 billion!"
"15 billion!" Si Yuan na yata ang mananalo!

Kinakabahan ako lalo. Anong mangyayari kung magkakaroon ng stocks si Yuan sa European flights? Kay laki na ng 15 billion pesos! Grabe!

"18 billion!"
"20 billion!" Sigaw ni Yuan.

Narinig ko ang pag ungol ng mga guests. Parang wala na talagang ibang bibid.

Tumayo si Yuan at parang alam niya na ring siya ang mananalo.

Umiling si dad pero di niya pinigilan ang paglapit ni Yuan sa stage... ang paglapit niya sakin.

Napatingin ako sa likuran ko. Masyadong malayo ang buong pamilya ko sakin. Para bang binigyan talaga kami ng privacy kahit na nasa publiko naman kami. Panay pa ang click ng camera ng mga paparazzi. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang nakangiting mukha ni Yuan sa harap ko.

Napatingin ako sa paligid... hoping against hope that a miracle will happen! SANA DUMATING SI CHASE NGAYON DIN!

Pero wala akong Chase na nakita. I want him to drag me! Gusto ko hilain niya ako pababa ng stage na 'to, palabas ng venue na 'to at pabalik ng Cebu. I want to be with him... no one else.

"Close the bid, Bench." Sabi ni Yuan sa nakangising si Bench.

Nakatingin parin si Yuan sakin. Nasa loob ng pockets niya ang dalawang kamay niya at nakangisi.

May narinig pa ako sa crowd na sumisigaw, "Close the bid, Benjamin!"

"Okay... The bidding is now officially-"
"Not so fast."

My heart skipped a beat. Nanlaki at nalaglag ang panga ko nang nakita ko kung sino ang sumigaw nun. Naglalakad siya with his black tux on. My Chase Martin! Naglalakad siyang mag isa sa red carpet. Napahinga ako ng malalim habang tinitignan siyang mabuti. I'm struggling. Halos gumalaw na mag isa ang mga paa ko para salubungin siya ng yakap pero dahil masyado akong nabigla sa nakita ko, hindi na ako nakagalaw.

Nakita ko ring nalaglag ang panga ng buong pamilya ko sa nakita nila. Lalo na si daddy!

"20 billion." Sabi ni Chase ng nakangisi.
My heart sank... Hindi niya ba narinig ang bid ni Yuan?

Tumawa si Yuan at nakita ko ang pagpula ng pisngi niya. Nakangisi parin si Chase at naglalakad patungo sa stage... patungo sakin. Lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko.

"Dude, my bid is 20 billion-"
"20 billion dollars for the stocks." Tumaas ang kilay ni Chase at ngumuso sa pagpipigil ng ngiti habang tinitignan ang nalalaglag ding panga ni Yuan.

Nag bulung-bulungan ang mga tao. Halos di ko na marinig ang sinasabi ni daddy sa likuran. DOLLARS? Hindi ko alam na ganun yun kamahal, Chase! Mukhang mali yata yun pero siya ang mananalo, my goodness!

"No." Sabi ni Yuan na ngayon ay pulang-pula na.

Nakita kong nagmartsa ang buong pamilya niya sa red carpet at parang pupunta na rin ng stage.

May kinuha si Yuan na pulang box galing sa bulsa niya at unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko.

"The bidding is now officially closed. Chase Martin Castillo has the stocks." Sabi ni Bench nang nakangisi.

Nang ibinaling niya na ang tingin niya sa stage, nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Lahat yata ay natigilan sa ginawa ni Yuan.

"Eliana Jimenez, I know we've been through so many painful things, I'm sorry... I love you, till now... and I will always love you. You know that. We promised each other. You love me too. We were meant to be from the start. I'm your first love, you are mine. Will you marry me?"

Nailagay ko talaga ang dalawang kamay ko sa bibig ko. Sobrang shock ang naramdaman ko. Hindi ko alam na may ganitong mangyayari ngayong gabi. Napatingin ako sa engagement ring sa loob ng pulang box na inilahad ni Yuan.

Naramdaman ko yung luha sa mga mata ko. Luha... luha dahil ayaw ko siyang saktan. Alam ko kung sino ang pipiliin ko kahit na complicated ang relasyon namin... alam na alam ko kung sino ang sigaw ng puso ko. Kilala ko siya at nandito siya sa harapan naming dalawa ni Yuan.






Nang ibinaling ko na ang tingin ko kay Chase, may binunot din siya sa bulsa niya at lumuhod na rin sa harapan ko.

Inilahad niya ang pulang box na may lamang engagement ring.

"I'm gonna confuse you, baby. Will you marry me?" Wika niya.

Halos himatayin ako sa harapan ng lahat ng tao. Hindi ko kaya ito. Chase Martin is asking me to marry him!?





C&♥54
I Don't Share





Hindi ako agad sumagot. Napaiyak pa ako habang pinagmamasdan kong mabuti si Chase na nakaluhod sa harapan ko. Nang sa wakas ay natauhan na ako...

"Yes, Chase, I'll marry you."

Tumayo siya at pinunasan ang mga luha ko. Nakaluhod parin si Yuan at kita ko sa mukha niya ang pagkabigo. Dumagsa ang buong pamilya niya sa stage at hinila siya para tumayo. Nakita kong umiyak ang mommy niya habang nagkatitigan naman si daddy at ang kanyang daddy.

"Let's go, Yuan." Sabi ng daddy ni Yuan.

Nakita kong umiyak narin ang mga pinsan ni Yuan pati na rin ang mga tita niya.

"Eliana..." Wika ni Yuan.

Humarap kaming dalawa ni Chase kay Yuan. Nakita kong umiiyak na siya habang tinatahan ng mga relatives niya.

"Bumabawi ka lang ba sa lahat ng ginawa ng pamilya ko sayo? Bumabawi ka ba dahil sa lahat ng nagawa ko sayo? Kung oo, please tigilan mo na 'to!" Aniya. "Nagmamakaawa ako sayo, tigilan mo na 'to!"

Lumapit si Yuan sakin at linagay ang magkabilang kamay niya sa balikat ko.

"Eliana, we loved each other! Alam kong mahal mo ako. You risked everything to be with me... hindi maaring in love ka na sa iba pagkatapos ng pinagdaanan natin!"
"Yuan, no, sorry pero hindi kita sinasaktan para maghiganti... ito talaga ang desisyon ko."
"NO!" Panay na ang hila ng mga relatives ni Yuan sa kanya.

Awang-awa na ako sa kanya. Alam kong kung sana hindi ako umalis ng Maynila at di kami tinutulan ng pamilya niya ay maaring kami parin hanggang ngayon. Pero kahit kailan alam kong di ako magsisisi na umalis ako at pumuntang Cebu kasi doon ko nakilala si Chase Martin.

"At ikaw naman!" Tinuro ni Yuan si Chase. "Pare, ginulo mo ang lahat! Kita mong NAGPOPROPOSE AKO SUMAWSAW KA PA!" Nakita ko talagang nanlaki ang mga mata ni Yuan habang sinisigawan si Chase.
"I think it was just fair-"
"FAIR? KUNG WALA KA EDI SANA KAMI PARIN!" Tumulong na pati ang mga bodyguards namin sa pag awat kay Yuan.
"Nagpropose ka diba, nagpropose din ako. Its her choice in the end." Sabi ni Chase.

Hinawakan ko na lang ang braso niya para sabihing itigil niya na ang pakikipagtalo kay Yuan ngayong awang-awa na ako sa kanya.

Umalis din sina Yuan ilang sandali. Nagpatuloy ang party pero alam kong nakakati na si daddy na tapusin ito para makausap si Chase.

"Sorry, di ko sinabing dadating ako." Aniya nang nakaupo na kaming dalawa.

Nakatingin parin ang iilang mga tao at maging mga relatives ko saming dalawa.

"Akala ko galit ka." Sabi ko. Lumiit yata yung boses ko dahil sa mga nangyari.

Hinawakan niya ang kamay ko at ipinakita ang isinoot niyang singsing kanina.

"No, baby... See? I trust you." Sumimangot siya. "Kahit na ganun yung nakita ko. I don't really like you with anyone else. Please, mag ingat ka naman." Hinaplos niya ang mga labi ko.

My heart skipped a beat. Gosh! In front of everyone, really? Kahit na hinahaplos niya lang ang labi ko, feeling ko hinahalikan niya na ako eh.

"Kung sino-sino na lang ang nakakahalik sayo eh. You know I don't like that, right?"
Tumango lang ako. Speech-effin-less.
"Ayoko ng may mga nakikita akong ganun. Ayokong halikan ka kahit nino..." He sighed.
"Sorry. Hindi ko lang talaga namalayan si Yuan kaya bigla niya akong nahalikan. Tsaka... uh, si Ophelia ba ang nagsend ng picture na yun sayo? O nagkita kayo at ipinakita niya sayo?" Sana nga send lang kasi ayaw kong magkita sila.
"Kailangan mong pangalagaan ang labi mo, Eli. You should know by now how selfish I am especially when it comes to you. I don't share, baby. Kahit na aksidente, kahit di sinasadya, kahit di namalayan."

Ano nga yung tanong ko? Nakalimutan ko na kasi sa mga nakakahilong sinabi ni Chase. I just wanna hug him and forget about his ex. Forget that maybe they had seen each other.

Pero nang itatanong ko na ulit sana sa kanya...

"May I have a word with you, Chase Martin." Sabi ni daddy.
"Of course, Mr. Jimenez." Sumulyap si Chase sakin at sumama na kay daddy para makapag usap silang dalawa.

Humahanga talaga ako kay Chase, sa trust niya sakin. Kung ako siguro ang makakita ng picture niya na kahalikan yun ex niya baka naiwan o nasaktan ko na siya. Maybe I should do the same... maybe I should stop the Ophelia-issue.

Natapos na ang party hindi parin nakakabalik si Chase. Nang sa wakas ay nakabalik na silang dalawa ni daddy. Kinabahan ako pero nakangiti naman siya kaya okay lang siguro.

"Bench, ihatid mo si Eliana sa bahay." Utos ni dad sa pinsan ko.
"Why me, tito?" Tumawa si Bench at sumulyap kay Chase.
"Ihatid mo si Eli, Bench. Eliana, go with Bench." Tapos nag walk-out si daddy ng walang pasabi.

Ngumuso si Chase sa pagpipigil ang ngiti.

"Anong sabi ni dad?" Tanong ko sa kanya.
"Marami. Tungkol sa kompanya... sayo, satin."
"Okay ba siya satin?" Kinabahan ako.
"Dapat lang maging okay siya. The launching was about you being free, baby... Free to choose who you want to love right?" Ngumisi siya.
Sinapak ko ang dibdib niya, humalakhak naman siya pagkatapos ko yun ginawa. "Saan ka nag-s-stay?" Tanong ko.
"Hmm. I'm staying in a hotel near your place."
"Huh? Bakit ka nag hotel eh may bahay kayo dito sa Manila diba?" Tanong ko habang iniisp yung ate Fiona niya.
"Yep. But its too far from you, baby. I won't risk that again."

Ugh! Hindi ko talaga mapigilan ang pagiging speechless tuwing humihirit si Chase.

"YON NAMAN PALA EH! Fire away, bro!" Tumawa ang nakikinig na si Bench sa likuran namin.

Uminit ang pisngi ko. Maaring hindi yun nagets ni Chase pero gets na gets ko yun dahil kilalang kilala ko ang pinsan kong si Benjamin Jimenez.

Ngumisi din si Denise na inaakbayan ni Bench.

"We have to go, then. Good luck sa first night together?"
Tumawa na rin si Chase nang sa wakas ay narealize niya ang pagiging dirty-minded ng pinsan ko.

Tumingin siya sakin at ngumuso ulit nang nakita ang pamumula ng pisngi ko. Di ako makatingin sa kanya.

"Not yet, Bench. Don't worry, shotgun ang wedding naming dalawa nang hindi na matagalan pa."

OMYGOD! Nag tawanan silang tatlo habang nanliliit ako sa hiya. I can't believe he said that! Its too embarassing! Ugh! But still, he makes my heart leap too much. I love you, Chase Martin Castillo.





C&♥55
Little Girl






"Good morning, Eliana!" Sabi ni daddy nang dumaan ako sa dining room para batiin ng magandang umaga ang pamilya ko.
"Good morning! Uh, dad, puntahan ko lang muna si Chase sa hotel na tinutuluyan niya-"
"What?" Natigilan si daddy.

Pilit siyang tumango...

"For breakfast?"
"Of course, dad!" Sabi ko habang umiinit ang pisngi.
"Kung dito mo na lang sana siya pinatuloy..."
Napaubo si mommy sa sinabi ni dad.
"Sure? Okay lang sa inyo?" Tanong ko.
"Of course. Wala ba silang bahay dito sa Maynila?" Tanong ni dad.
"Meron po... pero gusto niya yung malapit sakin."
Si daddy naman yung napaubo ngayon.

Tumawa si mommy.

"Okay, sige, you go..." Nakita ko ang hirap sa mukha ni daddy habang sinabi niya yun.

Hindi na ako magtataka kung pinasundan niya ako ng isa pang bodyguard. Sumakay ako sa sasakyan namin. Driver lang ang kasama ko pero for sure may nakabuntot na bodyguard.

Pinark nang driver ang sasakyan sa tapat ng hotel. Excited akong makita si Chase! Tinignan kong mabuti ang engagement ring na ibinigay niya sakin habang pumapasok sa hotel.

Agad akong lumiko sa restaurant ng hotel na kaonti lang ang tao. Hinanap ko si Chase. Una niya akong nakita. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako.

Hindi ko kasi sinabi sa kanyang pupunta ako ngayong breakfast at gusto ko sana siyang isurpresa siya. Mukhang effective naman pero ilang sandali ang nakalipas, hindi ako sure kung effective ba talaga. Dahil for sure, nanlaki ang mga mata niya dahil... kasama niya si Ophelia sa table. Lumingon si Ophelia sakin ng nakangisi at may binulong kay Chase.

Napalunok ako. Tumango si Chase kay Ophelia. Tumayo si Ophelia at umalis dala yung bag niya. Mukhang aalis siya ng tuluyan sa restaurant.

"Oh, Eliana, don't be silly, little girl." Bulong niya sakin nang nakalapit na at nilagpasan ako.

I'm stunned! Pakiramdam ko lumagapak ako galing sa matayog na lipad. LITTLE GIRL!? Alam kong kita sa mukha ko ang pagseselos kaya niya nasabi yun. Alam kong hindi pa ako ganun ka mature tulad nila na kayang hindi magselos... na kayang pakinggan ang side ng isa bago mag conclude ng kahit ano pero My God its too much! Okay... relax, Eli!

TRUST CHASE, TRUST CHASE, TRUST CHASE.

Lumapit ako sa table niya. Tumayo siya habang lumalapit ako.

"That w-was..." He's panicking, I'm sure.
"Ophelia. Alam ko. Nagkita na kami."

Try hard, Eli! Sige... Wa'g kang agad mag conclude ng kahit ano.

Umupo kaming dalawa. Nakaupo na ako ngayon sa inupuan ni Ophelia kanina bago siya umalis.

"I'm sorry, hindi ko alam na bibisitahin niya pala ako ngayon. Nabigla ako nang pumasok siya dito sa restaurant habang nag b-breakfast ako..." Tinitigan niyang mabuti ang mga mata ko habang sinasabi niya yun.

I'm speechless. Maniniwala ako kay Chase. More more faith! Kahit na umiinsert sa isipan kong nandito na si Ophelia kagabi. Sige, hindi... hindi ko yun iisipin kasi sabi ni Chase ngayon lang sila nagkita.

"Eli, please don't be mad. She's a friend."
"She's your ex." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Matagal na panahon na yun." Aniya.
"Siya ba ang nag pakita ng picture namin ni Yuan?"
"Oo. Of course, she's just concerned. Hindi niya alam kung anong mga nangyayari."
"sinisiraan niya ako to get to you. again." Bitter yung tono ko pero yun ang nararamdaman ko.

Alam kong na prove ko na yung panunuya ni Ophelia na 'little girl'... Yes, I'm just a little girl!!! Madali parin akong magselos! Alam kong hindi na dapat. Alam kong may singsing na ako ni Chase. May tiwala ako kay Chase pero wala akong tiwala kay Ophelia.

"Baby, listen, this afternoon, bago ako bumalik ng Cebu-"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya... uuwi siya agad? Bukas ng gabi babalik na akong Cebu, hindi ba pwedeng sumabay na lang ako?
"-I know... May kailangan lang talaga akong asikasuhin sa opisina." Aniya nang nakita ang ekspresyon sa mukha ko.

Huminahon ako at kinagat ang dila para pigilan ang sarili sa pagsasalita.

"Let's meet her... Let's meet Ophelia, okay?"
"Huh? Bakit?" Nabigla ako sa offer niya.
"Cuz I don't want you to be paranoid. She's just a friend. Niyaya niya akong magpakasal noon at tinanggihan ko na siya. Kuha niya na yun. I don't want her... I don't love her anymore. Its you, baby. I love you, okay?"

Okay, dahil si Chase ito, okay! OKAY! Pero oh my god, I really can't deny my insecurities... Dagdagan pa ng mga panunuya ni Ophelia. Gusto kong magsumbong na ibabagsak niya ako kung di ko iiwan si Chase pero ayokong maging masyadong desperada. Sige, I'll give her a chance.

Tumango ako at niyakap ako ni Chase. God, kahit na kinakabahan ako sa lahat ng nangyayari at pwedeng mangyari, kumakalma parin ako dahil sa yakap niya.

I need to be more mature. For myself. For him. For our relationship.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText