Fall 81-85
81st fall
Serene Cruz: Happy birthday, Dae.
Kumakain kami ni Nico ng icecream sa isa pang cafe nang beach resort na yun. It's 11:00pm. HMMM, or maybe 11:15pm. HAHA Ewan, basta seryoso ako sa hindi-pagreet-kay-Dae movement.
"Hindi ka ba nag-aalalang di ka makagreet kay Dae?"
"Hindi na~" Sabi ko at nagconcentrate ulit sa icecream.
"Talaga? Gusto mo, punatahan natin sila dun sa kwarto?"
KWARTo-KWARTO-KWARTOOOO? Oo nga noh? Anong ginagawa nila doon? HA?
Tumayo agad ako at para bang ready nang pumunta doon.
"Serene, umupo ka... andito na sila." Nico whispered.
"Ha?" Umupo na ako agad kahit di pa nag-iisip.
He wiped my cheek with a tissue then smiled. Siguro part lang yun ng plans niya-slash-namin kaya... di na ako nabigla.
"Psst, act." He whispered again half laughing at me.
"Aw... right."
Tumango ako at ngumiti.
"Thank you."
"Hi, Serene!" Sabi ni Francine.
Ewan ko kung nagpapasikat ba siya o yun nga, nagpapasikat lang sakin.
"Hi!" I smiled.
"Wow. Ice cream! Dae, gusto mo?"
"Sige!"
"Saan tayo uupo?" Tanong ni Francien kay Dae.
"Dito na lang sa table nila." He said.
Binalewala ko na lang. Di man lang talaga siya nagtanong kung okay lang ba. HMMP.
"Anong tawag diyan?" Sabi ni Francine habang binabasa ang menu.
"Uhhhm, doon kasi namin `to binili eh." Sabi ko habang tinuturo ang mga lalagyan ng selecta icecream. HEHE.
"Ahhh. Bibili muna ako, Dae ah?" Sbai ni Francine.
"Okay."
Umalis si Francine para bumili at kaming tatlo na lang ang natira sa table.
"Kamusta ang regalo ni Francine?"
"Ah. Maganda naman. Nagustuhan ko." Dae said without looking at me.
Tumango ako, "Ganun ba?" Heh! Wa'g kang mag-isip an igi-greet kita.
"Serene, labas muna tayo? Dumarami na angtao eh." Sabi ni fafa Nicong boyfriend ko sa paningin ni Dae.
"Oo nga eh. Sige. Tara!"
"O-O-Oi!"
"Okay lang yun Dae. Andyan naman si Francine, di ka nag-iisa."
"Ah. Oo nga, sabi ko nga."
OMG OMG. Di ko sasabihing bf ko si Nico ah. Basta wala akong kasalanan, period!
Nang lumabas na kami ni Nico.
"Nico, anong plano?" Tanong ko.
He was facing the cafe and I was facing the shore. Sa may puno kami nakatayo habang iniisip niya ang plano.
"Dae's watching us." Sabi niya habang nakatingin sakin. "Si Francine, nasa table na rin."
He put his hands on my head and smiled.
"Tumayo na siya." He's holding his laugh. "Naglakad siya... and... and... he's heading this way."
"Wh-What?"
"Yeah. He likes you, I'm sure."
"Why?"
"He's effin jealous."
"Hah. Eh oo, alam ko na yan. Pero di naman yan ang sukatan."
"Shhhh." He put his index finger on my lips.
Unti-unti niyang linapit ang mukha niya sakin. What? What? He'll kiss me?
"Serene naman eh, loko lang yung kanina. R-Regalo ko sabi!"
Nabigla ako kay Dae kaya mukhang naging natural ang acting ng pagkabigla namin ni Nico.
"Nico, alam kong di kayo... kaya wa'g mo nga siyang pagsamantalahan!" Hinila niya ako sa likuran niya.
Nico was smiling.
"Dae, ano ba?"
"Ikaw talaga! Lintik ka. Yinakap mo pa, tapos hahayaan mo pang magnakaw ng halik? Di mo naman siya boypren."
"Akala ko ba sabi mo boyfriend ko siya? Kaya, kung boyfriend ko siya, diba dapat okay lang yun?"
"J-Joke lang yun... Diskarte. Wa'g mo namang seryosohin." Hinila niya ako papalayo kay Nico at papuntang somewhere near Sophie and Crayon.
"Tse. Diskarte?"
Nasaktan ako no!
"Luma na ang acting niyong dalawa. Pero syempre, pag di ako pumatol sa pagtatago niyo dito kanina, baka mahalikan ka niya ng tuluyan..."
Tahimik.
"K-Kaya... so, ano? Yung sabi mo kanina... na... uh... regalo?"
"Ah yun ba? Diskarte ko lang yun."
He looked at me. Annoyed.
"Gusto mong malaman kung ano ang regalo ko?"
His face lightened up.
"Oo." He smiled the cutest smile I've ever seen.
Kaya di ko mapigilang mapangiti din. Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya. OMYGOLAY. NOSTALGIA!
Kapag ganito kami kalapit, bumabalik sakin ang feeling ko bago pa ako umalis. May halong excitement, kaba, at sakit. Ganun parin, walang nagbago.
I acted like I'll kiss him.
"Dae~" Oh goodamn, t`was Francine, eh?
My lips landed near his ears and I whispered, "Happy birthday, Dae."
I can feel that he was still stunned. And that, Francine was behind me already.
"Good night."
Sabi ko habang iniwan silang dalawa.
"Hoy Serene! Sasama ka ba ulit sa Nico na yan? Di kayo magboypren ah!" Sigaw niya nang nakalayo na ako.
Kung mahal mo nga ako, sakin ka mapupunta. Lam mo bakit, Dae? Kasi, wala akong ibang mapupuntahan o gustong puntahan, ikaw lang.
82nd fall
Serene Cruz: busog na busog na ako...
"Ang bilis ng panahon, noh?" Sabi ni Crayon sakin. "Uuwi na tayo ngayon, tapos na ang birthday ni Dae. At malapit na ang birthday mo." He smiled.
"Oo."
Linagay ko ang gamit ko sa sasakyan ni Nico. Nasa loob na si Nico at handa ng umalis. Nasa loob na rin ng sasakyan ni Dae si Francine.
Nasa labas pa kami ni Crayon dahil kinakausap niya pa ako't hinihintay namin si Dae at ang iba pa. At sa wakas, andyan na siya't mukhang di nakatulog ng maayos kagabi. Sina Valen, Drake at Grey na lang ang kulang, aalis na kami.
"Uwi na tayo." Sabi niya habang linalagpasan kami - ako - at linalagay ang earphones niya sa tenga niya. Pumasok na siya sa sasakyan niya.
"Teka, ano bang nangyari sa birthday ni Dae? May regalo ka ba? Ba't parang nagtatampo siya sayo?"
"Wala. Wala akong regalo." Sabi ko.
"Kaya naman pala. Ang aga niyang natulog kagabi eh. Tsaka, walang imik nang pumasok sa kwarto namin. Kamusta sa kwarto niyo ni Sophie? Si Francine?"
"Uh, wala naman. Normal lang."
"Bakit ka nga ba walang regalo?"
"Bakit nga ba ako magkakaroon ng regalo?"
"Diba lagi kang may regalo sa kanya noon? Milagro!" He chuckled.
"Ewan ko. Wala namang pakealam yun kung may regalo ako o wala."
"Asan na ba sina Grey? Ang tagal naman." Nabigla ako nang nagsalita si Dae.
Lumabas pala siya sa sasakyan niya. Naku, baka narinig niya ang mga pinagsasabi ko.
"Oo nga eh." Sabi ni Crayon kay Dae.
Tiningnan ko si Dae kaso he looked away. Galit parin ata dahil iniwan ko siya't sumama ako kay Nico.
Crayon poked me.
"Excited ka na siguro sa birthday mo no? Kasi... manliligaw mo na si Dae ngayon. First time niyang mag care sayo!" He teased me.
Lumingon ulit ako kay Dae. Pero nakatalikod na siya samin at nakalagay ulit sa tenga niya ang earphones.
"Excited? Dalawang araw na lang at birthday ko na, eh di niya ako pinapansin ngayon. Gigreet kaya yan? Pag nagkataon, eto pa nga ang unang pagkakataong gigreet siya sakin, kung sakali." I whisepered.
"Edi, ibasted mo yan pagdi ka igigreet."
"Ha?"
"O, ano? Nagtatangatangahan ka na naman at di mo na naman kaya? Manliligaw mo yan no, nukaba!" Sabi ni Crayon sakin.
Ilang sandali na lang eh dumating na sina Grey, Valen at Drake. Pumasok na ako sa sasakyan ni Nico at umalis na kami. As usual, mukhang nakikipagkumpitesyon na naman si Dae kay Nico at sa bagong sasakyan ni Nico.
Nakauwi na kami. Si Crayon, Sophie, Dae at Nico na lang ang andito. Grabe, napagod ako dun. Pero masaya naman.
Ang bigat ng mga bag ko. Lalabas na sana si Nico pero pinigilan ko, "Wa'g na. Uh... Dae, paki kuha naman `to." Sabi ko.
Lumipas ang ilang segundo at lumipas ulit ang isang minuto, kahit nakatayo lang si Dae sa harapan ko, hindi niya parin ako tinulungan. Take note, walang earphones at malinaw ang pagbanggit ko sa pangalan niya. How bwisit.
Pinigilan ko ang sarili ko sa pakikipag-away sa kanya. Mejo napansin din ni Nico ang nangyari kaya umamba ulit siyang lalabas ng sasakyan pero, "Sige, Nico. See you on my birthday! And uh, good luck sa mga taping." Sabi ko.
"Thank you! Yeah, I'll see you on your birthday." He winked. Pero bakas sa mukha niya ang pagtataka.
Kumaway na lang ako para makaalis na siya. Umalis na si Nico. May appointment kasi ata yun today dahil nagmamadali.
"Uuwi na ako, Crayon." Sabi naman ni Dae habang papalapit na sa sasakyan niya.
Edi sige, Dae. Umuwi ka dun ng di pa ako pinapansin! Hala sige, GO! Kakainis. As in superrrr bwisit. Nadeadma ako? At manliligaw ko pa ang nangdeadma? Abah. Ang lakas ng loob. Humanda ka talaga't hinding hindi na kita papansinin. Akala mo ah?
Padabog kong inayos ang gamit ko, buti na lang tinulungan pa ako ni Sophie.
"Teka lang, Dae. Andito pa si Sophie. Sabay na lang tayo mamaya, ihahatid ko `to eh."
Natigilan si Dae at mukhang sang ayon siya sa gusto ni Crayon.
"Pahinga muna tayo sa bahay~"
"O-Okay." Tumango si Dae.
"Ah, uuwi na ako, Crayon. Inaantok pa ako." Sabi ko na halatang nagtatampo. Nagtatampo? Kay Dae syempre!
"Ha? Ikaw naman ang uuwi ngayon? Mamaya na. Dito ka muna sa bahay."
Nang naisipan kong maganda nga ang ideya ni Crayon, pumayag naman ako. Bakit maganda? Para makapagrevenge ako kung sakaling tatawagin niya ang atensyon ko ngayon, humanda siya't hindi ko siya papansinin o pakikinggan.
"Kain muna tayo, ginugutom ako eh." Sabi ni Crayon.
Wala ang mama at papa niya dahil may trabaho sila kahit bakasyon na. Kaya umupo na lang kami agad sa dining table.
"Crayon, dinadala mo siguro si Sophie dito no pag wala ang mama at papa mo?" Tanong ko kay Crayon habang kumakain.
"Bakit?" He laughed. "Anong masama dun?"
"Ehhh. Naku Sophie, wa'g kang magpaloko dito."
"Kaya nga eh. Sinisigurado ko munang andito sina Tita pag pupunta kaming dalawa dito. Wala akong trust sa lalaking yan." Pinandilatan ni Sophie si Crayon.
"Ayieeee~" HAHAHA. Kakatuwa at kakainggit sila.
Kilala na kasi si Sophie ng pamilya. Ipinakita ko sa mukha ko ang pagkainggit habang isinubo ang pagkain.
"Uyyy, si Serene, naiinggit samin." Sabi ni Crayon.
Oops. Nabulunan ako.
*ubo*
"Hi-" *ubo* "-ndi-" *ubo* "-ah!"
Agad kumuha si Dae ng baso at linagyan ng tubig at ibinigay sakin. Kahit na, jusko, gusto ko ng kunin yung baso't inumin ang tubig. Umiral parin ang pride ko. Kumuha ako ng sarili kong baso at linagyan ng tubig saka ininom.
Nakita kong parang natulala si Sophie at Crayon.
"Hindi no. Ba't naman ako maiinggit? Kung katulad mo yung magiging boypren ko, nakuuu." Sabi ko habang tumatawa.
Linagay ni Dae ang baso malapit sakin at para bang alam na niya kung ano ang feeling ko kanina. >:D
"Uh, Serene... Nakatul~"
"Nga pala, papalapit na ang birthday ko. Sabi ni mama imbitahin ko raw kayo." I ignored Dae. Successful. "Plurk Cafe and Restaurant daw. Pumunta kayo nina Chyna ah?"
Tumango lang si Sophie habang nakakunot ang noo't mukhang nabigla dahil di ko pinansin si Dae.
"Kasama ba-"
"Crayon, ikaw rin ah?" I smiled at Crayon habang mukhang mamamatay na siya sa pagpipigil sa kanyang pagtawa.
"Uh, Serene...-"
"Tapos na ako."
"Hoy, Serene. Ba't di-"
"Haaaay, busog na busog na ako..."
At hanggang sa pag-uwi niya, hindi ko siya pinansin. Totoo.
83rd fall
Serene Cruz: I thought t`was Dae.
"Happy Birthday, Serene!" Sabay beso ni Mina at Chyna sa akin.
Inabot nila ang kani-kanilang mga regalo.
Wala naman talagang program or whatever, simpleng salu-salo lang kasama ang mga kaibigan ko. And since konti lang ang mga kaibigan ko, konti lang rin ang andito.
"Thanks!" Sabi ko sabay ngiti.
Kanina pa ako ngiti nang ngiti at tanggap nang tanggap ng regalo.
"Serene, andito na ba ang mga kaibigan mong expected mong dumalo?" Tanong ni Papa.
"Uh. Oo, yata." Sabay tingin ko sa paligid.
"Serene," Lumingon ako at nakita ko si Nico. "Happy birthday."
He handed me his gift.
"Thank you."
I feel so good today. Kasi, simula nang umalis kami, ngayon lang ulit ako nakapagbirthday kasama ng mga pinoy friends ko. Pero kanina ko pa talaga nararamdamang hindi kumpleto. At alam kong alam niyo kung bakit ganito. Ganun pa man, di ko na `to iniisip.
"Serene, did you invite Dae?" Tanong ni Mama sa kalagitnaan ng kainan.
Tumango ako't di ako makasagot ng maayos dahil may pagkain pa sa bibig ko.
"Really? Crayon~" Tinawag ni tita (mama ni Crayon) ang anak niya. "Maybe you should text your friend already." Dagdag niya nang lumapit na si Crayon samin.
He glanced at me for a while then got his phone.
Tumayo ako't halatang di ako masyadong komportable sa table kong si Mama, Papa, Tita, Tito at iba pang matatandang kamag-anak ang nasa paligid.
"Pssst... Serene!" Kumaway si Mina.
Nakita kong mukhang enjoy na enjoy sila sa iisang table nina Chyna, Sophie, Nico, Valen, Drake at Grey. Umupo ako sa isang upuan malapit kay Nico.
"Grabe, ang sarap ng mga pagkain." Sabi ni Grey. "Happy birthday nga pala ulit, Serene."
"Salamat ulit." I made a face.
"Saan na nga pala si Dae?" Tanong ni Drake.
Nagkibit balikat nalang ako.
I saw Nico smiling beside me.
"Wala ka bang taping?" I asked.
"Wala naman."
"As in, the whole day?"
"Yup." He smiled again.
Napangiti na rin ako. "Mabuti naman. Thanks for coming."
"You're welcome."
I'm sure he waited for my reply but my mind was in the state of, uh, nothingness.
"May nangyari ba sa inyo ni Dae?"
"H-Huh?"
"Like, nag-away ba kayo?"
"Uh... hindi naman... mejo... lang." Sabi ko na mejo nahihiyang umamin.
Nakatingin lang siya sakin na parang nagtataka.
"Did you invite him?" Tanong niya.
Pati na rin ata sina Sophie at Mina ay nakinig sa tanong niya't naghihintay sa sagot ko.
"Mejo... rin."
Para silang nagunahan sa pagbuntong-hininga. Kaya pati ako, napabuntong-hininga sa sagot ko.
Actually, wala pa akong natatanggap na text sa kanya. At pakealam ko ba? Pakealam ko ba? Sana nga nasasabi ko pa `to ngayon, kaso mejo naguguluhan na ako at nagsisisi. Halata naman, kahit iniiwasan kong magsisi.
Then someone tapped me. Para akong napalundag sa kinauupuan ko.
"Oy, easy ka lang." Crayon laughed.
Bwisit, siya lang pala. He sat down beside me and beside Sophie also.
"Di ko siya macontact."
I stared blankly at him.
"Ikaw naman kasi, may pa deadma deadma ka pa. Nainsulto siguro yun."
"Tsss. Bahala siya. Kasalanan niya naman eh. Siya ang nauna."
"Tapos, di mo pa ininvite! Loko ka talaga! Ako yung hinahanapan ni tito at tita sa kanya."
"Hayaan mo na. Di naman nila mapapansin yun pagkatapos dito." Sabi ko.
Lumalalim na ang gabi. And my gosh. Ang ibang bisita... nakauwi na. Sina Sophie, Crayon, ako, Nico, at Ney na lang ang natira kasama ang mga elders.
"Pa, uwi na kami. Ihatid ko lang si Sophie." Sabi ni Crayon sa papa niya.
Pumayag naman ang papa niya. Ayaw pa nilang umalis eh kasi nag-uusap-usap pa sila at mejo bihirang mangyari ang ganito sa kanila.
"Serene, sumabay ka na!" Sabi ni Crayon habang hinihila ang ilang hibla sa buhok ko.
"Aray."
Nico was standing beside me.
"Ayoko... muna."
"C'mon. It's 11:00pm na! Di na dadating si Dae." Sabi ni Crayon ng naka evil smile.
Sa huling sinabi niya, mas lalo kong narealize ang katotohanang hindi na nga darating si Dae. At kasalanan ko.
"Sige na! May bagyo ngayon... Baka umulan pa mayamaya."
I wasn't moved.
"Serene, gusto mo ako na ang maghatid sayo?" Tanong ni Nico sa akin.
"Oo nga, Serene. Uh...~" Sabi ni Sophie. Speechless?
"Uh..." Halatang kanina pa inoobserbahan ni Nico ang mood ko ngayon. "Sige." Sabi ko. I don't want to refuse.
Tumango naman si Crayon at pumayag.
"Diretso sa bahay, Nico ah?" Sab ni Crayon.
"Sure."
Pinaandar na ni Nico ang bagong sasakyan niya't nauna na kami kina Crayon at Sophie. The silence was deafening inside his car.
*Someday... you'll gonna realize... One day... you'll see this through my eyes...*
Yun ang pinakaunang kantang narinig ko nang buksan niya ang 'soundsystem'.
"Oh~ my~ shhh" I can't help it.
Parang ang sarap saktan ng sarili ko. Kasalanan ko naman eh, yan tuloy. Nabubuwisit ako sa sarili ko.
"I know it means so much to be greeted by the one you love in your birthday." Sabi ni Nico.
I glanced at him and I think he noticed my teary-eyes. Hindi pa ako umiiyak. Papunta pa lang diyan. Naiiyak ako dahil sa inis sa sarili ko~!
"Dae!"
Sigaw ko nang nakita ko ang isang lalaking papunta sa isang park. Nico parked his car immediately. Agad naman akong lumabas at hinabol ang lalaki. Pero walang tao sa park. Wala. Nico was running after me.
I sighed then looked up.
"Serene, mukhang uulan ngayon. Umuwi na tayo?" Sabi ni Nico.
"Ah~." I laughed. "Oo. Sorry. I thought t`was Dae."
He sighed deeply, "I hate seeing you in pain."
Napalingon ako sa kanya at nakikita ko ang parehong mukhang naaninaw ko nang gabing umiyak siya sa harapan ko.
84th fall
Serene Cruz: I'm officially yours
Nico looked away.
"Pwede ba?" He smiled but his eyes were still sad. "Ayusin mo naman yan. Akala ko tuloy~" Napasinghap siya.
"Huh?"
Tinitigan niya ako at pinunasan ang konting luhang tumulo sa mata ko kanina.
"Dae,"
"Huh?" Why is he calling me Dae?
"Sinasaktan mo na naman siya. I really can't understand why she likes, loves, you so much. Kaya pag tumakbo siya sakin, hinding hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo." He smiled at me.
"I don't like your idea."
FROSTBITE. Di ako makagalaw when I heard someone say that. T`was Dae?! My God, I'm sure t'was Dae.
"Hmmm. Serene," Nico tapped my shoulders. "be true, tonight." He smiled.
Nakatayo lang ako't nakatingin kay Nico. Speechless. Motionless.
"I'll be going home." Pinakita niya ang susi ng sasakyan niya.
Tumalikod siya't naglakad pabalik sa sasakyan niya.
Darn, I looked up. the sky was bright. Hindi uulan. OMG. Then, I realized I can't move my feet. Parang nakapako lang siya.
Then I heard footsteps from behind me.
"Hi! Happy birthday!"
He hugged me from the back. Ang braso niya ay nakapulupot sa leeg ko.
"Just in time." Sabi niya.
Sa wrist watch niya, 11:57pm na. OMG. Just in time nga. Okay, kontento na ako.
Tinanggal niya ang braso niya't humarap siya sakin. May dala pa siyang roses. WHOA WHOA WHOA. Sobraaang speechless na ako. Ayokong may masabi ulit sa kanyang masama at baka maudlot pa ang kaligayahan ko ngayon.
"Ayieeeeeeeeeeeeeeeee~" May tumili pa. Sino ba yan?
"Leche talaga `tong si Crayon."
Crayon? Set up `to? May babae din akong narinig. It must be Sophie.
"O? Ang tahimik mo naman..." He smiled and handed me the roses.
"Errr, b-bakit di ka pumunta?" Tanong ko.
"Di ako invited eh." He laughed.
Ilang sandali ang nakalipas naging uneasy na ako dahil nakatitig lang siya sakin. Nagsimula na akong tumingin sa paligid upang hanapin si Sophie o Crayon man lang para mejo magkaroon ako ng state of mind. LOL
"Malayo na sila." Sabi niya nang napansin niya `to.
"Ahhh. Tapos? Anong gagawin natin dito?" Pinaglaruan ko na lang ang rosas na ibinigay niya.
"Hinanap mo ba ako kanina?" Tanong niya.
"Uhhh, hindi naman masyado."
Tiningnan ko siya.
"Bakit ka bumaba dito?" Sabi niya sabay tingin sa daanan.
"Ahh. Akala ko kasi, nakita kita... kay~"
"Ahh. Hinabol mo ako?"
"Mejo."
"Bakit? Mahal mo ba ako?"
"H-Huh?" Sinapak ko siya gamit ang boquet of roses na binigay niya.
"Aray! Ano ba? Ang sakit!" Sabi niya habang iniinda ang thorns.
Napatingin ako sa langit dahil sa fireworks. Grabe, ang ganda. Habang nakatingin ako sa langit, inakbayan ako ni Dae. Pagkatapos ng fireworks, hindi na natanggal ang ngiti ko sa mukha ko. Kahit nung pinaupo niya ako sa isang swing dun sa park.
Obvious na obvious na kaya andito sina Crayon at Sophie somewhere para sindihan yung fireworks. How amazing! May pa-fireworks-fireworks pang nalalaman ah?
Tahimik ulit ako habang nags-swing. Linagay ko na yung roses sa isang bench. Hinawakan niya ang swing ko para tumigil. Umupo siya sa harapan ko habang nakaupo ako sa swing. Feeling ko tuloy batang-bata ako sa lagay na `to. Errr, he's looking at me again.
"Ano ba, Dae! May sasabihin ka ba? Baka naman na totorpe ka?" I pushed him but he did not move.
"Oo. Natotorpe nga." He said.
"Wha~"
"And so weirded out."
"H-Huh?"
"You are my most... hated... girl." He sighed. "Kahit kailan, di ko naisip na magkakaganito ako sayo."
He is closer to me. Nakatitig lang ako sa kanya. At ang tanging naiisip ko lang sa ngayon ay ang mga salitang 'oo'.
"Kilala na kita noon at alam kong may gusto ka na sakin. Bakit ngayon lang kita nakita?"
"E-Ewan ko."
He laughed. "Simula noon sinasampal ka na sa mukha ko, pero ngayon ko lang talaga naramdaman yung sakit." Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam kong ilang ulit na kitang nasaktan. At alam kong hindi ka pa satisfied sa pananakit sakin hanggang ngayon."
Nasasaktan ko ba siya? waaa~
"Alam kong mahal mo ako noon, kaya siguro binabalewala lang kita dahil alam kong sakin ka parin. But when I saw you with someone else," Napasinghap siya. "hindi ko na nagustuhan ang ideyang may iba ka ng gusto. At first I'm telling myself that t'was competition. And I'm sure, ganun din ang akala mo. Pero, nakarma ata ako. T`was not competition kasi nasasaktan ako."
Parang ang bilis ng luha sa mga pisngi ko. I'm touched. Too touched. Si Dae ba talaga ang nagsasalita ngayon? Or am I dreaming?
"O, ba't ka umiiyak?" He wiped my tears.
"W-wala. Hindi ah."
"Ayan ka na naman. Dinedeny ang obvious!"
"Ba't mo ba kasi sinasabi yan?"
"I don't know, I can't help it. Ikaw, ba't ka ba umiiyak?"
"I don't know. I can't help it too!"
"Nareveal na ang feelings mo sakin through a loveletter... Naihi ka na sa harapan ko..." He laughed. "Ano pa ba?"
I punched him, "Wa'g mo na ngang iparemind yun!? Ikaw din naman eh, nagpabigay ka ng loveletter... and all that."
He laughed, "I guess I gave it to the right person?" Natahimik lang ako habang pinupunasan ang luha ko. Kulang na lang humikbi ako dito. "I am... in love with you. And I am willing to be committed."
Lord, Ma, Pa, Ney, Kuya, Crayon, Sophie, Nico, everyone? Sasagutin ko na talaga siya eh. Andito na talaga ako sa puntong OMGEEE ano pa ba ang hihilingin ko?
"Dae, one last favor?" Tanong ko.
Sumimangot siya at parang natatakot sa hihingin ko.
"Ano? Anong last? Kung pabor na namang iiwasan kita at mag-iiwasan tayo at titigil ako sa panliligaw sayo... ayoko nga. Ilang ulit mo na akong binasted, at kahit kailan di pa ako nabasted. Hinabol pa kita at hinayaan ko pang masaktan ako kahit di pa tayo... Ayoko nga!"
"Buang ka ba?" I laughed. "I'm not asking you that!" Sabi ko.
"H-Huh? Kung ganun, ano?"
"Can you sing a song... for me?"
"H-Huh?"
"Narinig na kitang kumanta ng ilang ulit. At sa lahat ng kanta niyo, wala akong naiisip na kinakantahan mo kundi si Francine... o si Charlotte... I don't~" I can't breath!
He smiled, "Shhh~" He put his index finger on my lips. "Okay po."
Kinalma ko ang sarili ko para di ko na masyadong malagyan ng pressure ang puso ko at para din matigil ko na ang pag-iyak ko.
"Thinkin' how the story goes. You're helpless and I'm wishin'... Put the film inside my mind. But there's a big scene that I'm missin'... As I re-read my lines I think I said this, I should've said that... Did you edit me out of your mind... 'Cos in a flash you had disappeared, gone... Before the curtain falls And we act this out again... Maybe I should risk it all and state."
Napangiti ako nang naisip kong ito ang unang pagkakataong narinig ko ang boses niyang malambing at malamig. Ang ganda ng boses niya, ang gwapo niya ngayong gabi, ang gwapo ng ngiti niya, ang ganda ng gabi... at lahat ng yan para sakin? Ang halos siyam na taon kong paghihintay sa kanyang matauhan siya't marealize niyang mahal niya pala ako ay sobraaaang worth it.
"I'm officially going on the record to say I'm in love with you... I'm officially everything you hope that I would be this time I'll tell the truth... I'm officially wrong I know, for letting you go the way I did... Unconditionally more than I ever was before. I'm officially yours."
He smiled again at me. For me. Only me. Hinawakan niya ang kamay ko.
"If you let me press rewind... I'll rehearse every word I should have said... 'Cos girl I'm ready to make things right..... This time I'm not letting go... 'Cos I'm officially yours."
Hindi pa niya natatapos ang kanta, hinalikan ko na siya. I really can't believe this. OMG. The feeling wasn't nostalgic anymore. Kasi sa tuwing malapit ako sa kanya, lagi kong naiisip yung hinalikan ko siya noon. Pero ngayon, it was a new feeling. Because he is already kissing me back.
"Why is it the last favor?" Tanong niya.
"The last favor before I say, I'm officially yours, too." Sabi ko.
85th fall
Serene Cruz: MAHAL AKO NI DAE
I'm officially wrong I know, for letting you go the way I did...
Unconditionally more than I ever was before. I'm officially yours.
Yun lang ang tanging naiisip ko kahit sa mga puntong ito. Naghihintay ako sa labas ng bahay kay Dae. Pupunta raw kasi siya dito ngayon. Pumayag naman ako dahil hinanap kasi siya ni mama at papa kagabi.
Pabalik-balik na ang lakad ko nang nakita kong paparating na ang sasakyan niya. He parked it near me.
"Good morning!" Sabi niya ng nakangiti.
HAHAHAHA~! I love it.
"Morning!" Di na natanggal ang ngiti ko.
Talagang unbelievable at napakadreamy ng nangyari sakin kagabi.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya.
"Uhmmm... Hindi." Sabi ko.
Syempre. Dalawang oras lang ata akong natulog eh.
"Ako rin." He smiled.
WAAA~! Bonggang bongga!
Inakbayan niya ako nang papapasok pa kami sa bahay.
"Alam na ba ni mama at papa - este tito't tita na tayo na?"
"Uh... uhmmm, yeah." I laughed.
"Talaga?"
"Oo. Bakit?"
"Wala... kinakabahan na tuloy ako."
"Asusss. As ifff..."
Tumawa naman siya sa rection ko.
"Bakit ikaw, sinabi mo naba sa mama at papa mo?"
"Di pa eh."
"Errrm. Okay~" Kinda disappointed? Grrr
He pinched my cheek, "Plano ko kasi, mamayang gabi sa bahay tayo magdi-dinner."
"H-H-Ha??" Whatta.....
"Yeah. Para talagang official na tayo."
Err. Okay, need I say more?
Nang makapasok na kami sa bahay. Agad talagang inentertain ni mama at papa si Dae na para bang expected na na magiging kami pagkatapos ng kaarawan ko.
"Akala ko talaga iindianin mo ulit ang Serene ko." My dad laughed.
"Hindi po. Pauso lang yun." Dae laughed also.
What a happy family habang nasa mesa kami at kumakain ng lunch. HAHA. Nakakatakot lang dahil masyado na akong masaya ngayon. Hindi ko pa nakakalimutang maari pang bawiin ang kasiyahang `to sakin. Si Charlotte, nagkita na kaya sila ni Dae? At talaga bang wala ng feelings si Dae sa kanya? Natatakot akong bumigay ng todo sa kaligayahang `to.
"Hoy, Serene..." Sabi ni Dae habang nakaupo lang kami sa upuan namin sa garden. Kanina pa ako nakaupo dito kasi pinalabas ako ni papa pagkatapos naming maglunch, (ang sama naman) dahil may pag-uusapan lang daw sila ni Dae.
"Ano? Ang harsh mo parin talaga."
He smiled an evil smile.
"Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?" Tanong ko.
"Wala lang... Sinabi kasi ni Papa na okay lang daw sa kanya na tawagin ko siyang papa." He laughed.
"What??? Pa~!?"
Tinakpan niya ang bibig ko, "Loko lang yun no. Syempre... di pa naman ako ganun ka sira para magpaalam sa kanya kung pwede ko na ba siyang matawag na papa.."
Tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko.
"Eh ano nga kasi ang pinag-usapan niyo?"
Umupo siya sa tabi ko at parang di ata ako sasagutin.
"Ayyy. Ano? Nahihiya ka sakin?"
"Hi-Hindi ah~"
"Ano nga?"
"Wala... eh... tinanong niya ako ng maraming tanong..."
"Like?"
"Bakit raw kita linigawan. Bakit ayaw ko sayo noon. Bakit ngayon lang." Hindi niya ako tiningnan.
Ewan ko pero natutuwa ako sa reaction niya.
"Anong sagot mo?" I'm almost laughing.
"Wa'g na... tatawanan mo lang ata eh."
"Sige na~!"
"Wa'g na kasi... alam mo na kung anong mga sagot ko dun..."
"Hindi eh~" Pinipilit ko na talaga siya't hinuhuli ang mga mata niya na ayaw tumingin sakin.
"Ang kornii!"
"Ehhh... Gusto kong malaman. Ba't mo ko linigawan?"
"Err. Kasi mahal kita."
"And uh... bakit ayaw mo sakin noon?"
"Hindi ako sigurado... pero siguro dahil alam kong mahal mo ko."
"Huh? Anong masama dun?"
"Ano yan? follow up question?" He was uneasy.
"Bakit ngayon lang?" I asked him and I really really want to laugh at this question.
"Kasi... ano... err. Kailangan pa ba yan?"
"Oo..." I pouted.
"Kasi narealize kong di ko kayang mawala ka... At uh, natatakot akong makita kang may kasamang iba..." His last statement sounded like there's still more.
Kaya lang di niya tinapos so I waited for the continuation.
"Ano baaa... tama na yun."
I pouted again.
"Korni talaga nito. Ang daya pa."
"Hmmp."
"Kasi... ngayon ko lang narealize na sa bawat sakit na ibinigay ko sayo, iniisip kita lalo. Habang iniisip kita, minamahal kita lalo. Pero iniiwasan ko lang ang pag-iisip na mahal kita..." He stopped then he looked at me. Yeah, Dae... Very corny. At mukhang ang tagal niyang inisip `to. Reflection. "...dahil ayaw kong aminin sayo. Dahil ayaw kong lumabas na nanalo ka sa laban."
"Whoa. Very deep. At anong laban ang pinagsasabi mo? Ha?" I laughed. "Sigurado ka bang sinagot mo yan kay papa?" I played around him.
Grabe halos umiyak na ako sa pagtawa at matanggal na yung panga ko.
Tumatawa ako dahil naloloka na ako, hindi na ako makapaniwala sa mga naririnig ko't, talagang korny ang mga sinabi niya. OMG. And it's all for me.
He sighed and laughed too. "Kita mo na~, o sige na! Talo na nga ako. Kinakantsawan mo na ako dito. Ginagawang clown. Eto ang ayaw kong mangyari eh."
HAHAHAHAHAHA. Kaya tinawanan ko na lang siya maghapon.
"Uyyy, si Dae... mahal ako." Kiniliti ko ang pisngi niya habang nagdi-drive papunta sa kanila.
"You are bullying me already. Stop that." Sabi niya.
Nagtatawa na lang ako sa loob ng sasakyan niya. HAHAHA.
"Oy Dae.. lam mo? May secreto ako. Pero di ko sasabihin..." I laughed. "Mahal mo raw ako? As in... mahallll na mahaaaal!" I laughed again while he is parking his car beside their gate.
Ang bilis niya nang lumapit siya sakin at linapit niya ang mukha niya sa mukha ko na siyang dahilan kaya natahimik ako.
"See. Stop that."
I smiled plus puppy eyes, "Opo~"
"-or I'll kiss you."
"MAHAL AKO NI DAE MAHAL AKO NI DAE. MAHAL AKO NI DAEEEEEE~!"
HAHAHAHA. Hindi ako titigil.
Labels: Downfall Chronicles
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;