<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

C&♥6-10


C&♥6
First time







Tinuruan ako ni Sir Chase paano gamitin ang coffee maker at kung anong mga ilalagay ko para magustuhan ni madam. Ngayon, inaabangan niya akong matapos sa pagbu-brew. Nakasandal siya sa sink habang pinagmamasdan ako.

"So you're not from Cebu, are you?" Sabi niya.

I'm fighting the urge to answer him in English! ("Stop the english, Eli! You're this normal girl unrelated to the Jimenez industries..." Sabi ni Denise)

"H-Hindi."

Ngayon naalala ko, paano ko sasabihing taga Maynila ako tapos dukha? Dapat pala pinag-isipan kong mabuti yung mga sasabihin ko bago ako nagpuntang Cebu.

"G-galing ako ng Maynila. Mahirap buhay doon eh tsaka gusto ko maging independent." Sabi ko while looking away.
"How bout your parents?"
"Nasa Maynila." Sabi ko at nawalan na ng maidudugtong.

Tumango naman si Sir Chase. Mabuti na lang. Natapos na rin akong magtimpla ng kape at ihahatid na sana.

"Gamitin mo 'to." Sabi niya sabay lagay sa cup and saucer sa isang tray. "Mas mabuti kung meron neto lalo na pag di ka sanay."

Nahawakan niya ulit ang kamay ko nang binigay niya sakin ang tray. Napatingin tuloy ako sa mukha niya ng dahan-dahan. Seryoso lang siyang tumutulong sakin... Bakit ba parang may weird akong nararamdaman.

Umiling na lang ako sa sarili ko.

"You okay?" Tanong niya nang naglakad kami pabalik sa office ni madame.
"Yeah... uh... Oo." Sabi ko.
Tumango siya at... "Got to go. Need to work. Lapit lang office ko dito. Straight ka diyan." Sabay turo niya sa unahan. "Tapos liko kang right... then you'll see my secretary. Dun." Ngumiti siya.
"O-Okay po, sir." Sabi ko habang nagcoconcentrate para di matapon ang kape.
"See you around!" Umalis din siya nang nakarating ako sa office ni madame.

Busy si madame. Yung mga folders sa mesa binabasa niya na at may eye glass na sa kanyang mga mata. Ngayong mas natutukan ko na siya, narealize kong nagmana si Sir Chase sa kanyang mga mata. Kulay brown.

"Ilapag mo lang diyan. Pag dumaan yung snack girl, bilhan mo ako ng dalawang turon."
"Okay po..." Sabi ko kahit wala akong ideya kung anong sabi niya.

Lumabas ako at umupo na dun sa table ko. Snack girl? Turon?

Ilang sandali, nakita ko ang isang babaeng naka apron na may tinutulak na cart na puno ng mga pagkain. Nagsilapitan ang iba sa kanya pati na din yung si Marc.

Nang nakarating na ang snack girl malapit sakin, nilapitan ko na rin para tignan kung anong meron at saan dun ang turon.

"C-CR muna ako." Aniya at kumaripas na sa CR.

Ngayon, si Marc at ako na lang ang naiwan kasama yung cart na may mga pagkain.

"Paborito ni madame ang turon." Sabi ni Marc.

Napakagat-labi na lang ako habang tinitignan ang maraming pagkain. ANO ANG TURON?

Tinignan ko si Marc hanag kumakain ng fresh lumpia at tumitingin din sa cart. Magkasing tangkad kami at may gel sa buhok na naka spike. Parang hedgehog. Tumingin siya sakin at natigilan.

"Ano? Gwapo ba?" Kumindat siya at ngumisi.
"Uhh..."
"Loko lang!" Tumawa siya. "Ano pang hinihintay mo? Kunin mo na yung turon."
"Uh... Okay!" Sabi ko at kinuha ang isang pack ng mukhang chips at tinignan ang reaksyon ni Marc.

Nanlaki ang mga mata niya at natigilan din.

"Joke!" Sabi ko at nilapag ulit yun at kinuha naman yung color violet na hugis bilog na pagkain.
"Don't tell me... di mo alam anong turon?" Sabi niya agad pagkakita ng pangalawang kinuha ko.

Napakagat-labi ulit ako at tinignang mabuti yung cart.

"Eto oh!" Sabay kuha niya sa mga mukhang nasa loob ng lumpia na kulay red, puno yata ng asukal. Ewan ko, basta mataba itong pagkain na 'to!

"Oh!" Kumuha ako ng tatlo, para sakin yung isa.

Umiling siya at tinitigan ako.

"Saan ka ba galing? Di ko alam may taga Pilipinas palang di alam yung turon." Aniya.
"Uh... Di kasi ako mahilig eh." Sabi ko sabay tawa.

Tumango siya pero nandyan parin yung weird look sa kanyang mukha.

Agad na akong pumunta kay Madame pagkatapos kong ilagay yung bayad sa lalagyan ng pera. Sabi ng snack girl pagkabalik niya, 10 pesos each.

Kinabahan ako dun ah? Kumain din ako ng turon, yun naman pala may banana sa loob nito at masarap
.



C&♥7
Eavesdrop







Nalaman ko na kailangan ko palang bumili ng planner para di ko makalimutan ang schedules ni Madame. Meeting dito, meeting doon... tapos may mga bumibisita pa sa office niyang mga investor, foreign atsaka local. Ang Castillo Pharmaceutical ay isang kompanya ng mga gamot at iba pa.

Nung 5PM na, umalis na si madame. Nag CR ako para mag-ayos at makaalis na rin. Marami pa pala akong poproblemahin: yung apartment ko.

"Bro, yung si Eliana? Yung bagong secretary ni madame?" Narinig ko ang boses ni Marc sa loob ng office.

Natigil tuloy ako. Tinignan ko ang loob. Halos katulad ng office ni madame! Over looking din ang buildings at black and white ang mga furniture. May mga paintings pero abstract! Nakita kong nakaupo sa office chair at nakikinig kay Marc si Sir Chase.

"Ang weird, niya bro! Kanina? Di niya alam kung alin dun sa cart ang turon! Sayang! Ganda pa naman!"

"WHAT ARE YOU DOING HERE?"

Napatalon ako nang may biglang nagsabi nun sa likuran ko. Lumingon ako at nakita si Brittany.

"Uh... Mag C-CR ako ma'am-"
"MAG C-CR?!" Sigaw niya at nanggagalaiti. Katakot! Para bang masama ang mag CR.
"O-Oo."
"Dito ba yung CR? Office to ni Chase!!!" Sigaw ulit niya at tinuro ang kabilang dako. "Doon ang CR!" Pinandilatan niya ako.
"S-sorry po."
"What's wrong here, Britt?" Tanong ni Sir Chase na lumabas na pala sa opisina niya.
"This girl here is eavesdropping!" Sabay turo niya sakin.

Napayuko na lang ako. Di kaya ako ma-fa-fire? Di ko naman yun sinasadya.

"Easy Britt." Sabi ni Marc. "High blood ka masyado."
"Baka spy 'to ng kabilang kompanya! Its a good plan, you know... Sending spies as secretary nang malaman kung ano-"
"Britt, will you come down." Sabi ni Sir Chase. "She's not a spy. Bakit mo pinag-iinitan ang mga bago?"

Pumula ang pisngi ni Ma'am Brittany sa sinabi ni Sir Chase.

"Cuz Celine has a tendency to hire incompetent-"
"Ano?" Nasa likuran na Celine nung sinabi iyon ni Ma'am Brittany.

Napalingon kaming lahat sa kanya.

"Be proffessional, Britt. Kung may problema ka kay Eliana, magreklamo ka kay madame! Wa'g mong pagbuntungan si Eliana."

Lalong pumula ang pisngi ni Ma'am Brittany.

"Celine..." Sabi ni Sir Chase kaya natahimik si Celine. "Britt, unang araw pa lang 'to ni Eliana, hindi siya pumalpak. Hindi siya spy at wala siyang ginagawang masama. I bet she's very good." Sabay sulyap ni Sir Chase sakin.

OMG! Halos mabali na yung mga daliri ko sa kaka-pisil ko dahil sa mga nangyari at lalo na nung nakatoon na ang pansin ni Sir Chase sakin. :-[ :-[ :-[

"Kung papalpak man siya, ako na mismo ang magtatanggal sa kanya sa trabaho. It's my discretion." Sabi ni Sir Chase.

Nagwalk-out si Ma'am Brittany na pulang-pula ang mukha.

Umiling si Celine at inakbayan ako palayo kina Sir Chase at Marc.

"Hinanap kita, dadating kasi si Luke ngayon, ipapakilala kita sa kanya." Aniya. "Susunduin niya ako eh."

Naglakad kami pabalik ng table ko.

"Kainis yung Brittany na yun! Wa'g mo ng pansinin. May gusto yun kay Chase eh. Kala niya ang ganda niya! Pag may maganda akong naha-hire agad niyang binubwisit kaya nag resign yung iba."

Tumigil kami sa paglalakad nang nakabalik na sa table ko. Iilan na lang kami sa office. Umuwi na yung iba.

"Saan ka ba tumutuloy, Eliana?" Tanong ni Celine at umupo siya sa upuan ko kaya heto at nakatayo lang ako sa harapan niya.

"Nagho-hotel ako ngayon eh kasi wala pa akong matutuluyan."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Mali kaya yung sinabi ko? Baka maling mag hotel? Hindi ba pwedeng maghotel ang mga mahihirap?

"Hindi kasi ako dito eh... Hirap nga ako sa pagbabayad kaya siguro magpaparttime din ako." Dagdag ko habang iniisip ang modeling at naaninaw ang paglaki ng mata at pagnganga ni Celine. "Pero uh, tatlong araw lang ang nabook ko sa hotel at naghahanap na ako ng apartment or something... kaya... uh... mumurahin lang din yung tinutuluyan ko."

LAGOT! Di ko alam kung mumurahin nga ba yung Radisson Blu na yun pero ang pinsan kong CEO ang nagbook dun kaya siguradong HINDI!

"WHAT?" Hindi parin natigil ang panlalaki ng mata niya at pagkabigla.

Pinagpapawisan na ako ng malamig at halos di na humihinga.

"YOU'RE AN ANGEL, ELIANA!" Sabi niya at napatayo sa tuwa.

Ngising-ngisi siya habang yinuyugyog ang balikat ko.

"Ikaw na! Ikaw na talaga ang hinahanap kong bedspacer!!!" Sabi niya. "Naghahanap ako ng bedspacer sa condo ko sa halagang 10 thousand per month!"
"Talaga!??" Nanlaki din ang mga mata ko! GOOD NEWS ITECH! "Ang mura! Sige kukunin ko!" Sabi ko agad kahit di ko alam kung anong bedspacer... yung naiimagine ko lang ay may kama ako sa halagang 10 thousand pesos.

Nagkasalubong ang kilay niya.

"Mura? Akala ko tatawad ka eh." Nag-isip siya.

OMG! Tatawad? Mali yung sabi kong mura! Lagot! :-\ :-\ :-\

"Maliit nga lang pala yung sahod mo. twenty thousand pesos lang." Tumingin siya sa kawalan. "Ang mahal pala ng 10 thousand kaya siguro wala akong costumer." Sabi niya sa sarili niya. "Okay, 4 thousand pesos per month? okay ba?"
"Okay! Deal!" Sabi ko agad bago pa ako makapagsalita ng kapalpakan ulit.
"YEY! Kailan ka lilipat? Sa Riala Towers yung condo ko! 15th floor! Sige na go!"

Kung saan man yun, hindi ko na alam. Ngumiti na lang ako para di niya mahalata.

"Excited na ako! Hmm." Tinignan niya naman ngayon ang mga drawer ko at biglang nagtanong galing sa kawalan... "May boyfriend ka na ba, Eliana?"

Nakikita ko sa mukha niyang tulad ng mukha ng bestfriend kong si Denise sa tuwing may binabalak siyang masama.

"W-Wala naman." Thinking bout Yuan. "W-Wala." Sabay tingin ko sa mga kamay ko.
"Oo nga pala. Yung tragic lovestory niyo ng ex mo. So... ano yung mga gusto mong lalaki?"
"Uh... Yung mature, uh, tsaka... matangkad... at syempre mabait." Sabi ko. "Professional, gentleman, gwapo... tsaka misteryoso."
"Parang si Chase Martin lang ah?" Tumawa siya.
"HUH?" Uminit ang pisngi ko.
"Kasi naman, kitang kita ko ang pambu-blush mo kanina. Hay... Lahat yata nagkakagusto dun eh. Wa'g kang mag alala... Normal lang yang nararamdaman mo. Crush mo siya?"
Di ako makasagot. Rude yata kung sasabihin kong hindi... nakakahiya naman kung u-oo ako. "Uh... mabait si Sir Chase... Gwapo, gentleman at..." Higit sa lahat kaya akong ipagtanggol, tulad nung ginawa niya kanina laban kay Ma'am Brittany, di tulad kay Yuan. "propesyunal..."
"So crush mo siya?" She smirked.
"Uhh... Uhmm. O-"
"Celine!" Biglang sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko.

Nang tinignan ko si Sir Chase na nakatayo ilang metro sa likuran ko, nasa bulsa ang mga kamay, at tinititigan ako...

Tumindig ang balahibo ko at mas lalong uminit ang pisngi!

NARINIG NIYANG LAHAT YUN!? AT MUNTIK NA AKONG UmOO! :-[ :-[ :-[ :-\ :-\ :-\



C&♥8
To model or not.





Natahimik kaming dalawa ni Celine ng lumapit na si Sir Chase samin. Di ako makatingin sa kanya. Ewan ko kung bakit kinakabahan din ako.

"Luke, texted me..." Sabi ni Sir Chase samin.

Narinig niya kaya yung pinag-uusapan namin ni Celine? Eh malamang kasi kanina pa siya nakatayo riyan!

"SURPRISE!" Sabi nung biglang dumating na chinito at may dimples (parang si Yuan lang).

Hinalikan niya agad si Celine sa pisngi at binigyan ng mga bulaklak. Si Celine naman pulang-pula at ngiting-ngiti.

"Sinabi mo ba sa kanya na di ako dadating Chase?" Sabay sundot sa likod ni Chase.

Si Luke ay naka puting button-down shirt din at mukhang doktor na doktor ang aura. Kaibigan pala sila ni Sir Chase? Sa pag-uusap nila parang gusto kong gumapang na lang palabas ng opisina eh. Out of place ako masyado dito.

"Hindi... ko nasabi." Sabi ni Sir Chase na parang walang gana at umiiling pa.
"Ano? Edi hindi 'to surprise?" Sabay tingin ni Luke kay Celine.
"Si Chase kasi nakikinig pa sa mga sasabihin nitong bago naming si Eliana kaya di agad lumapit sakin para sabihin yun." Sabay turo ni Celine sa kinatatayuan ni Sir Chase kanina.


OMG! So nakikinig pala talaga siya? :-[ :-[ :-[

"By the way, Luke... Eto si Eliana. Siya ang bago kong bedspacer at bagong secretary ni madame!" Sabi ni Celine.
"Hi!-" Sabi ni Luke... Parang may idudugtong pa siya pero parang pinigilan niya ang kanyang sarili nung tumingin siya kay Sir Chase.

Pagkatapos ng araw na yun at pagbalik ko sa hotel... agad kong sinabihan si Denise through Skype na may nakita na akong matutuluyan sa halagang 4 thousand pesos...

"Four thousand pesos? Okay. Saan ba yan? Baka sa mga liblib na lugar yan ah?" Aniya.
"Nope. Sa Riala Towers. Isang condo dito sa Cebu na malapit lang sa pinagtatrabahuan ko. Yung HR namin na si Celine Reyes ang nag offer skin na-"
"What? Di kaya scam yan o baka magnanakaw yan ng gamit mo? Bedspacer?" Tanong niya.

As usual, ayan na naman ang mga pagdududa ni Denise. Hinayaan ko na lang siyang magduda kasi tinatamad na akong maghanap ng ibang apartment.

Fifteen minutes kong hinalughog ang hotel room ko para hanapin ang calling card nung Adrienne...

"Hello?" Tinawagan ko na talaga.
"Who's this?" Salubong niya.
"E-Eto si Eliana Jimenez... Yung sa-"
"Airport?" Sabi niya na parang sumisigaw na.
"O-Oo. Pu-pwede bang-"
"Mag model sa offer ko?! SYEMPRE NAMAN!" Tumitili na siya. "Naku girl! Sabi na nga ba! Nakapili na kasi kami ng mag momodel para sa hosted basketball tournament ng company para sa launching ng new underwear at hindi parin talaga ako convinced sa napili... Ano? Gusto mo ba?" Tanong niya.

Underwear company nga pala yun, ano? UNDERWEAR? IBIG SABIHIN MAG PAPANTY AT BRA LANG AKO SA AD NA YAN? :o :o :o

"Underwear nga pala yan ano?" Sabi ko. Skeptical.
"Oo girl. Don't worry, this ad is at most 12 seconds only..." Aniya.

12 seconds? Meaning ad talaga siya tulad nung sa TV! Nako! Pag nagkataon sa TV yun ipapalabas at makikita yun ng mga kakilala ko, di na talaga ako pwede!

"Tsaka... don't worry, sa November pa namin ipapalabas ang ad na 'to." Aniya.
"P-Pero sa TV?"
"Huh? Ayaw mong ilabas ka sa TV?" There was a short pause. "Hindi ito sa TV. Well, not the nationwide TV. Diyan lang sa tabi ng billboard ng Bench malapit sa bulding namin sa Lahug. May parang malaking TV diyan sa tabi ng billboard, diyan ipapalabas. Di naman kailangang nationwide yung palabasan nung ad kasi target ng tournament ay puro taga Cebu lang na basketball team..."

So sa Cebu lang pala siya ipapalabas! NO PROBLEMO!

"Oh? Okay! Sige! I'm in." Sabi ko at kinagat ang labi. No. English. "K-Kailan ba yung shoot?"
"YEEEY!" Tili niyang nakakabingi at halos itapon ko yung cellphone ko para di marinig ang matulis niyang boses. "I'll just text you, okay!?"

Kinaumagahan narealize kong di pala ako kumain ng hapunan. LOL. Nag text din si Adrienne... Yung shoot ay 3 weeks from now. Tagal pa pala! Akala ko magkakapera na ako ngayong weekend para mabayaran ko na si Celine. Natetempt ako sa ATM na dala ko kung saan nandun ang pera ko galing kay Daddy... Haaay!




C&♥9
Selfish





Maganda ang condo ni Celine. Halos parehong design sa condo ni Bench. Brown and cream ang theme niya at may mga halaman pa sa loob. May nakita akong cactus na palamuti sa table. Sa kitchen naman, nandoon yung mga bulaklak na binigay ni Luke.

"Actually samin 'to ni Luke na condo." Aniya. "Yun nga lang, minsan sa bahay siya umuuwi kaya wala siya dito. Pero pag nandito siya, sa kwarto ko siya natutulog." Sabi ni Celine. "Kaya walang natutulog sa kabilang kwarto at naisipan kong pagkakitaan." Kumindat siya.

Maganda dito sa Riala Towers. Mas malapit ito sa CPI kesa dun sa Radisson Blu. Pagkalabas mo, I.T Park ang bubungad sayo. Kahit na di malapit sa SM (kung saan ako kumakain), malapit naman to sa mga fast food sa IT Park.

"Saan ka ba kumakain?" Tanong ni Celine isang araw nang napansin na ang paglabas ko gabi-gabi simula ng tumira ako dito. Magdadalawang linggo na at nag sweldo kami kanina.
"Saa... KFC." Sabi ko.
"Doon ka ba kumakain gabi-gabi?" Sabi niya habang nanlalaki ang mga mata.
"M-Minsan dun sa Moon Cafe-"
"What? Di ka ba nauubusan ng pera?" Lumiit ang mata niya sa pagdududa.
"Uh.. Nauubusan nga eh." Sagot ko agad. GOSH! Anong sasabihin ko? "Kaya lang minsan gutom na gutom talaga ako eh." LOL!

Tumawa na lang siya.

"I bet, di ka marunong magluto. Di pa kita nakikitang napapadpad sa kitchen eh. Hayy nako! Sasamahan kita kung di lang sana pupunta si Luke dito ngayon. Sa Sabado sasamahan kita sa SM! Mag go-grocery tayo!" Aniya.

Tumango na lang ako at nagmadaling umalis dahil baka kung ano na naman ang pagdudahan niya.

Tatlo ang elevators dito sa Riala. Sa iisang elevator lang ako laging sumasakay, may pagka OC kasi ako eh.

*Ting!*

Bumukas ang elevator. Sumakay ako at pinindot ang 'G'.

Pagkalabas ko sa Riala... Naka tsinelas lang ako, short pants at blouse. Halos di nga ako nagsuklay. Malapit lang kasi dito ang KFC. Lalakarin lang.

Nakita ko ang repleksyon ko sa double doors ng exit na mukhang may dumi sa mukha. Para akong pusa na may kung anong itim sa mukha. Kaya nang nakita ko ang pulang Fortuner na nakapark sa harapan, agad kong pinagsamantalahan ang salamin at tinignang mabuti ang mukha ko. Inalis ko ang dumi at inayos ng kaonti ang buhok at... unti-unting bumukas ang bintana nito.

"S-Sir Chase!" Napasigaw ako sa bigla.

Nakangisi siya pero may kung ano sa mga mata niyang nagpapaalala sakin kay Bench.

"Going somewhere?" Tanong niya.
"P-Po? Uhm... Diyan lang... Kakain." Sabi ko.

Tumaas ang isa niyang kilay at nihead-to-foot ako.

"Uh.. Diyan lang kasi... sa KFC." Sabi ko at kinakabahan. Halos mabali na ang mga daliri ko sa kakapisil ko.
Ngumiti siya, "Want a ride??"
"Uh... malapit lang yun, Sir. Di na..."
"Sige na." Sabay labas niya at bukas sa kabilang pinto.
Napatunganga ako pero agad na lang sumunod at pumasok.

Pero imbis sa KFC kami tumungo, sa Mooon Cafe kami pumunta.

"Uh.. Sir... Dito ka po ba pupunta? Doon po ak-"
"Upo ka..." Aniya at binalewala ang sinasabi ko.
"M-May date po kayo?"
Ngumiti siya habang kinukuha ang menu sa waiter. "Meron... Ikaw." Sabi niya habang dumudungaw sa menu.

Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabi niya na wala na ulit lumabas na salita gaking sa bibig ko. Ninanamnam ko ang kagwapuhan niya (na laging nangyayari sa opisina kung saan mejo snob siya doon). Normal kaya itong ginagawa niya? Nakikipag date sa employee? I should take note and ask Denise about this...

"Mooon steak, tsaka coke." Aniya sa waiter. Tapos tumingin siya sakin. "Anong sayo?"
"Uh...Uh..." Agad kong kinuha yung menu. "Pork Chop tsaka coke din..." Sabi ko. NERVOUSLY!

Pagkaalis ng waiter napabuntong-hininga siya.

"Hmm. Sir.. Pwede po bang magtanong?" Tanong ko bigla nang nakahugot ng lakas ng loob. "I-Ilang taon ka na po ba?"
Ngumisi ulit siya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Twenty-seven. Bakit?"
"Uh... Wala lang po... naitanong ko lang." Sabi ko. "Ang bata niyo pa at successful na."
"No, Eliana. That's because my parents own a good company. Pinagpapatuloy ko lang..."

Napalunok ako at inisip ang sariling kompanya ng parents ko. Habang iniisip ko iyon, na distract ako nang nakita kong nakatitig siya sakin. Agad kong inayos ang mukha ko.

"How bout you? Anong trabaho ng parents mo?"
"Uh... si Daddy uh... sa isang..." Pag sinabi kong brewery or airlines (na kina Bench) baka malaman niya... Pag sinabi ko namang shipping lines (lalo na yun!). "Sa opisina... pati yung mom ko... ng isang uh... companya."
Tumango siya pero bahagyang nakangisi. "Do I intimidate you?" Tanong niyang bigla habang umiinom ng tubig.

Napainom din ako sa tanong niya.

"Sa opisina at kahit sa labas... nakikita kong naiintimidate ka sakin..."
"Uhh... K-Kasi... Uhm..." Bakit nga ba, Eli? "Kasi mabait ka, gentleman, understanding na boss. S-Siguro dahil sa b-buong buhay ko di pa ako n-nakakakilala ng taong sobrang bait, tulad mo... po... Sir... Kaya naiintimidate at nahihiya ako sa inyo." Di ako tumitingin sa mga mata niya pero nang tumingin na ako, nakita kong seryoso siya at kumikinang ang mga mata, as reflected by the dim lights.

Narinig ko ang puso kong kumakabog sa kaba. Why?

Ngumiti siya, "From what you said, I think I should be the one intimidated. Hindi ako mabait tulad ng inaakala mo-"
"No... Di po sir... Mabait ka po. Tinutulungan at pinagtatanggol mo ako. Gentleman pa. Kung di ka mabait, I don't think you'll treat someone like me like this..." Di ko na napigilan ang pag e-engles.

Kita sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko at agad naman pumungay ang mga mata at gumaan ang pakiramdam. Habang nakikita ko ang pag gaan ng pakiramdam niya, naramdaman ko naman ang pagkabog ng mas mabilis at mas malakas ng puso ko.

"I'm selfish, Eliana."

Yun lang ang sinabi niya bago dumating ang pagkain. Hindi ko naman naintindihan pero one things for sure... habang tinitignan ko siyang kumakain, hindi ako mapakali at natutulala ako... I like him... Pero paano mangyayari yun? Isang buwan pa lang ang nakakaraan nung naaksidente kami ni Yuan.



C&♥10
Ghost of the Past






Hindi ko magawang itanong sa kanya kunga no ang ibig sabihin niya sa 'I'm selfish'... Natapos kaming kumain at agad-agad kong kinuha ang wallet ko para makapagbayad...

"Ako na.." Sabi niya at ngumiti.
"H-Huh? Uhm. P-pero..."

Kinuha niya ang bill at binayaran na agad.

"S-Salamat. Eh ang bait niyo talaga sir. Di ko makita bakit selfish kayo... tulad ng sabi niyo." Sabi ko. Sa wakas na open up ko ulit ang topic na kanina ko pa iniisip.
Tumawa siya at... "Cuz from what you said parang perfect ang paningin mo sakin... Just want you to know that I'm not."
"Nobody is perfect." Sabi ko at iniisip na kung selfish siya, sinungaling naman ako.

At nakita ko ang pagkislap ulit ng mga mata niya habang tinitignan ako.

*Kriiing*

Kinuha niya ang cellphone niyang nag riring at... "Excuse me."

Umalis siya para sagutin yung tumatawag. Isang minuto siguro ang nakalipas at bumalik na siya sa table looking stressed...

"Let's head back to Riala. I need to fetch Luke." Aniya at seryosong seryoso na ito ngayon. Parang yung boss na paminsan minsan ay nakikita ko sa office.

Si Madame kasi ang direct boss ko kaya di ko alam kung paano mamalakad ng kompanya si Sir Chase. Pero ang alam ko, he's friendly.

"O-Okay po, Sir Chase." Tumayo kaming dalawa at may nakita akong mga babaeng nakatingin samin at nagbubulung-bulungan na parang kinikilig.

He's popular!! Di na ako kailangang mabigla. Sa hitsura ba naman at yaman nila dito sa Cebu...

Tahimik lang siya nang pumasok kami sa pulang fortuner niya...

"M-May problema po ba?" Tanong ko.
Ilang sandali pa siya bago sumagot, "My dad's in the hospital."

Napanganga ulit ako... Tapos ba't pupunta kami sa Riala para kunin si Luke? Ay oo nga pala! Doctor si Luke! Baka doktor ng daddy niya?

"B-Bakit?" Tanong ko habang nakanganga at pinaandar niya ang sasakyan.
"High blood pressure." Sabi niya at di ko na alam kung anong sasabihin ko.

Napakagat na lang ako sa labi hanggang sa pinark niya na ang sasakyan niya sa harap ng Riala kung saan nandoon na si Luke at Celine na parehong naka jacket at nag-aabang. Si Sir Chase siguro yung naghatid dito kay Luke at sa kabilang elevator siya kaya di ko naabutan.

Aalis na sana ako pero sinalubong ni Celine ang pagbukas ng pintuan ko...

"You... stay... with us..." Sabi niya agad at sinarado niya ang pintuan ko at pumasok na sa likuran.
"Dude, don't panic." Sabi ni Luke habang tinatapik ang likuran ni Sir Chase.
"Di naman ako nagpapanic. Nagpapanic si mama." Tapos pinaandar na ni Sir Chase ang sasakyan.

Si Luke naman ay maraming tinatawagan sa cellphone niya at si Celine ay tahimik.

"Saan daw Chase?" Tanong ni Celine. "Sa Chong Hua Hospital?"
"H-Huh?" Napalingon ako kay Celine sa likuran at ang pagkabigla niya ang nagpamulat sakin na mejo weird yung reaksyon ko.

I'M NOT GOING ANYWHERE NEAR CHINESE PLACES, PEOPLE OR THINGS! :-[ :-[ :-[

Tumingin si Chase sakin at uminit ulit ang pisngi ko...

"S-Sorry, di ko narinig." Palusot ko.

Kumalma ako ng konti thinking its all paranoia... Pero nang nakarating na kami sa ospital... kahit na nag-expect na ako, hindi parin ako makapaniwala.

Limang doktor ang sumalubong kay Sir Chase para kausapin siya na okay lang ang papa niya at walang rason para magpanic pero kailangan siyang magpahinga, bantayang mabuti at painumin ng gamot. Dalawa sa mga doktor (isang babae at lalaki) ang tumitingin sakin at nagbubulung-bulungan.

"Chase, tignan ko lang si tito." Sabi ni Luke kay Chase.
"Mas mabuti pa nga, Dr. Rodriguez." Sabi nung head ng mga doktor na kausap ni Chase. "Mas maigi din kung every 30 minutes chinicheck yung Blood Pressure niya. May nurses ng naka station sa kanya. This is probably his worst high blood pressure record, Chase." Sabi nung doktor at walang imik ay umalis na si Luke at Celine patungo sa kwarto kung nasaan ang papa ni Sir Chase.
Tumango si Chase at kalmado lang.

"You're mom si planning to take a leave from the company to-"
"Excuse me doc..." Sabi nung dalawang doktor na kanina pa tumitingin sakin at nagbubulung-bulungan. "May I have a word with you, miss?" Sabi ng babaeng doktor sakin.

Pagkasabi niya nun ay agad ko siyang namukhaan. Pinsan siya ni Yuan! Oh my god!

Sinundan kami ng tingin ni Sir Chase pagkatapos kong tahimik na tumango at naglakad palayo sa kanila.

Tumigil sila sa paglalakad malapit sa pintuan ng ospital. Nakapulupot ang balikat ng pinsan ni Yuan at yung lalaki naman ay mukhang galit talaga sakin.

"So you're hiding here, criminal?" Nabigla ako sa pagkakasabi nung babae.

Hindi ko makita ang doktor sa aura niya ngayon. Pinisil-pisil ko ang mga daliri ko sa kaba.

"Pagkatapos mong gawin kay Yuan yun! Pinilit mo siyang sumama sayo, diba? You are such a disgrace to your family! Mabuti at naisipan mong lumayo! pero sana lumayo ka na lang talaga ng tuluyan! I mean... sana di ka dito sa Cebu namuhay at doon ka na lang sa ibang bansa!" Aniya.

Halos bulong ang pagkakasabi niya pero I can sense her rage.

"Hindi ko naman sinasadya yung nangyari. Tsaka... di ko naman siya pinilit-"
"Abah! Hindi pinilit? there's no way he'll go with you! In the first place, ba't ka niya pinagtabuyan sa bahay kung gusto ka niya diba? Pinilit mo siya! Such a disgrace to your father!" unti-unting tumaas ang boses niya.
"Tama na..." Sabi nung kasama niyang lalaki. "But i hope miss you will be gone in Yuan's life forever..." Dagdag niya.

Hindi ko namalayang mabilis pala ang pag tulo ng luha ko sa pisngi ko. Disgrace to my father? Pinilit si Yuan?

"You filthy illegitimate child! Kabit lang ang mama mo diba kaya inilihim ka ng ilang taon?"

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya.

"Wa'g ka ng mangarap na magiging kayo ni Yuan. We're not taking anyone like you. Disgraceful! illegitimate child! Anak ng kabit!" Bulong nung babaeng doktor.
"Hindi naman k-kabit si mommy..." Sabi ko habang umiiyak.

Hindi ko kailanman nakitang buhay si mommy. Comatose lang at kung iniisip ko siya, nasa higaan lang ang tanging naaalala ko. Namatay siya pagkatapos ng first birthday ko. Hindi siya kabit!

"Oh well? She's not, now? Anak ka sa labas! You are a disgrace! You should get out from this hospital and never show your face again or I'll call Yuan's mom and tell her the criminal is here. Pasalamat ka nga at di pa kita sinusumbong! Now! Get out!" Sabay turo niya sa pintuan.

Punong-puno na ang mga mata ko ng luha kaya di ko na makita ng maayos ang dinadaanan ko nang naglakad ako palayo.

"Eliana!" Sigaw ni Sir Chase. "Wha-"

Tumakbo na ako palabas ng ospital. Gusto kong lumingon at magpaalam dahil tingin ko ay rude yung ginawa ko pero di ko magawang ipakita sa kanya ang mukha kong puno ng luha.




Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText