27th
27th~
Summer: O-Okay
Buti na lang at di ako nagtagal sa ospital. Naka enrol din ako sa 2nd sem at nagpatuloy sa pag-aaral.
Araw-araw akong hinahatid sundo ni Lex sa school. Di na siya nagtuturo dun. Negosyo na nila ang inaatupag niya.
Nandun padin si Prof Sebastian. Hay nako! Iniiwasan ko na lang. Buti di siya kailanman nakita ni Lex.
"Let's go?" Sabi niya.
Pumasok ako agad sa sasakyan niya pagkatapos ng klase. Hindi ko namalayang sinundan pala ako ni Dave. Nakita ko siyang tumitingin sakin pagpasok ko sa sportscar ni Lex.
Tinignan ko din si Dave.
Kung ordinaryong buhay ko lang sana eh siguro si Dave na ang kasama ko. Pero di eh... Pinili ko ang mahirap na landas. Pinili ko ang masaktan. Pinili ko ang hindi ordinaryo. Bahala na. Ganun naman talaga ako diba? Pinipili ko yung mga mahirap na daanan kahit di ako siguradong masisiyahan nga ako sa huli.
"You wanna hang out... with him?" Tanong niya.
I shook my head.
"Nagtaka lang ako ba't niya ako sinundan." Sabi ko.
"It's obvious he likes you." Sabi niya. "In fact, maraming nagkakagusto sayo... naririnig ko ang pangalan mo halos sa lahat ng klase ko."
"Naririnig mo lang yun kasi maraming naiinis o naweweirduhan sakin." Sabi ko.
Ngumiti siya at umiling.
"Let's go." Sabi ko.
Pinaandar niya naman agad ang sasakyan niya at umalis kami ng school.
Ganito lagi ang scene pagkatapos ng klase. Apat na buwan ng ganito. Minsan dumadaan kami sa restaurant of fastfood, minsan sa restaurant.
"Daan muna tayo ng Starbucks." Sabi niya at pinark ang sasakyan niya.
"Okay."
Bumili kami ng frappe.
Ang totoo... kinakabahan ako. Halos limang buwan na ang nakalipas nung nandun kami sa Sortee. At hanggang ngayon, wala parin siyang naaalala. Alam kong pati siyay nagaalala na sa kanyang sarili.
"I will be gone for about a month." Sabi niya sakin.
Something's weird sa kanya. Mukha siyang malungkot this past few days pero mas amlungkot siya today.
"Bakit?" Tanong ko.
"Kailangan kong asikasuhin yung negosyo. I will personally go to Cambodia and maybe Thailand to see furnitures and some products. May isla din akong pinapasurey dun, I'll see if it's an asset for me."
Sa tuwing naririnig ko siyang nagsi-share sakin tungkol sa business nila, parang nasisiyahan ako. Pero at the same time, nalulungkot. Third year college pa lang ako. Sana dapat 4th year na ako this year, pero dahil sa pagtigil ko nun, ayan tuloy. I feel like my life is a mess. Wala pa akong nagagawang remarkable. Walang trabaho. Unsuccessful. Pero siya, ang layo ng agwat namin. Malayo siya. Mas lumalayo siya sakin lalo na pag naiisip kong hindi niya ako maalala.
"O-okay!" Pinipigilan ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Buti di niya napansin.
HAPPY THOUGHTS PLEASE, SUMMER!
"Wow! So bibili ka ng island sa Cambodia? Lumalago na talaga yung negosyo niyo." Pinilit kong ngumiti. "Mabuti naman."
Di ko alam anong sasabihin ko. Buti na lang di niya ako tinitignan.
"Ingat ka dun ah?" Pahabol ko.
Tahimik siya hanggang nahatid niya ako sa bahay.
"My flight will be tomorrow." Sabi niya sakin sa labas ng bahay namin. "Ingat ka rin dito."
Tumango lang ako. Yoko ng magsalita, baka manginig ang boses ko at tuluyan akong mapaiyak. Ang drama ko! Kainis! Isang buwan nga lang siyang mawawala diba? Mejo nasanay kasi akong nariyan siya. Eto na nga ba sinasabi ko. Risk nang risk eh alam ko namang walang patutunguhan! Wala naman siyang nararamdaman sakin! I'm a stranger to him! Wala siyang maalala!
"Yes, I will..." Sabi ko.
Tumalikod siya para pumasok sa sasakyan niya.
"I..." Napalingon siya. "I'll wait for you." Sabi ko.
TUTULO NA TALAGA! AYAN NA!
Ngumiti siya pero may lungkot sa mga mata niya. Wala siyang sinabi at agad nang umalis.
Parang nagkabuhul-buhol ang tiyan ko sa nangyari. Lalo na nung umalis na siya. Nawala na ang sasakyan niya sa paningin ko.
Napaupo talaga ako sa labas ng bahay. Parang gusto kong sumigaw o umiyak man lang. Di ko kaya ang nararamdaman ko.
Natatakot ako. Pero di ko alam kung ano ang kinakatakot ko.
Today is February 22. I hope on my birthday... March 22, makita ko siya.
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;