<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Fall 56-60


56th fall

Serene Cruz: Aray, Dae! Ano ba!

"Ano naman ngayon kung nagpasundo ako sa kanya?"

"Marunong ka na palang manlandi ngayon? Sinong babae ba ang magpapasundo sa isang lalaking di niya naman boyfriend?"

"Excuse me, DAE!" Eto na. Nagtatalo na naman kami at ang lakas-lakas na ng mga boses namin. "HINDI KO SIYA LINALANDI! Tama lang namang magpasundo na ako sa kanya, dahil nakakaasar na dito. Nakakaasar na ang pagmumukha mo." Sabi ko.

Tinulak ko siya at umalis sa harapan niya. Kukunin ko na yung pouch ko tapos magpapaalam.

"Tita, aalis na po ako ah." Sabi ko sa mama ni Dae habang nakatingin ako kay Ate Bloom na mukhang nag-eenjoy sa party. "Naparami po kasi ata yung kain ko eh, kaya sumakit ang tiyan ko."

"Naku, talaga? O sige, sasabihin ko na lang kay Bloom mamaya." Tiningnan niya ako. "Okay ka lang ba? Baka... anong mangyari sayo?"

"Hindi, okay lang po ako. Uh, uuwi na lang po ako para makasigurado."

"Kung ganun..." May hinanap siya sa likuran ko. "Dae~"

OMG. No!

"H-Hindi... Wag na po, Tita."

"H-Huh?"

Nakarating na si Dae, "Ma? Bakit po?"

"Ihatid mo si Serene."

"Po?"

Parang ayaw pa niya ah. Ayaw ko rin naman eh! Feeling siya ah.

"Wa`g na po. May maghahatid na sakin."

"Ah, ganun ba? Si Crayon?"

"Di po."

"Boyfriend mo?"

"Di rin po, kaibigan lang." Sabi ko.

Tumango naman ang mama ni Dae at buti na lang naintindihan niya kaya hinayaan niya na lang ako.

"O, Sige... mag-ingat ka ah!? Dae, ihatid mo siya sa labas."

"Po?"

NAKUUUU, kung ayaw mo eh di wa`g! Di naman ako mag susumbong eh.

"Wa`g na po..."

"Anong 'wa`g na'? Sige na." Sabi ni tita at umalis naman siya agad. Parang natatakot siyang umangal pa ako ulit.

Napabuntong hininga ako habang naglalakad pabalik sa table namin. Nasa likuran ko naman si Dae at nakasunod.

"Magpapahatid pa, ba`t di niya na lang kaya papuntahin si Nico para malaman natin kung..."

"May sinasabi ka ba, DAE?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Wala naman... May narinig ka ba?"

"Kung ayaw mong ihatid ako, aba, mas lalong ayaw ko no! Kaya wa`g mo na lang akong ihatid, pwede? Pakiusap lang, Dae." Sabi ko.

Pinandiltan ko siya bago nagpatuloy sa paglalakad at padabog na kinuha ang pouch sa mesa.

"O, O... Ano na naman ba ang nangyari sa inyong dalawa?" Tanong ni Crayon.

SIYA ANG MAY KASALANAN EH! Kung di niya lang kasi sinabi kay Dae na nasa CR ako eh di sana `to nangyari!

"Wala! Uuwi na ako, masakit ang tiyan ko. NEY..." Lumingon ako kay Ney na nakatitig lang sa PSP, "Aalis na ako, sumama ka na lang kay Crayon..."

Sinulyapan niya lang ako at tumango ng bahagya.

Naramdaman kong nasa likuran ko ulit si Dae kaya naglakad na ulit ako papalabas bitbit ang pouch. Sumunod naman ang impakto.

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko habang mas lalong binilisan ko ang paglalakad ko.

Nasa likuran parin siya. Nakakaasar na.

Hanggang sa nakalabas na ako at andun na ako sa driveway. Dito ako maghihintay kay Nico para madali niya akong makita.

Hinawakan ni Dae ang braso ko, "Ano ba?"

"Ako na lang kasi ang maghahatid sayo!"

"HA?" Totoo ba ito? "Ayoko nga! Si Nico yung nangako sakin no! Di ko naman siya iindianin, di tulad ng iba diyan." Nagpaparinig ako.

"Sige na kasi, wa`g ka na ngang pakipot!"

"Ang kapal mo talaga kahit kelan no?"

Narinig niyo yun? Nakakahighblood! Baka ma-stroke na ako dito dahil sa inis! Bwisit.

Nakita kong may nagpark na sasakyan sa harapan namin. Sasakyan yun ni Nico!

"Nico..." Binaba ni Nico ang salamin ng front seat.

Mas lalong hinila ni Dae ang braso ko at kinaladkad niya pa ako papalayo sa sasakyan.

"Aray, Dae! Ano ba!"

"Serene~!" Bumaba si Nico sa kanyang sasakyan.

57th fall

Serene Cruz: makikipaglandian?

"Aray, bitiwan mo nga ako!"

"Tama na, Dae." Sabi ni Nico habang hinahawakan ang braso ko at binabawi kay Dae.

Nakatitig lang si Dae kay Nico at para bang isang kalabit na lang at susuntukin niya na si Nico.

"Bakit? Sino ka ba?" Hinila niya parin ang braso ko. "Halika na nga, Serene! Wa`g kang sumama sa mga di mo kilala!" Hinila niya ako.

"DAE, nasasaktan ako!" OUCH! Pulang-pula na ang braso ko at halatang masyadong mapwersa ang pagkakahila ni Dae sakin.

"DAE, TAMA NA SABI EH!" Umaamba na ng suntok si Nico.

"Nico, wa`g---"

Humanahon siya. Mabuti na lang at nakawala rin ako sa wakas. Hinila naman ako ni Nico sa likuran niya.

"Ba't mo siya pinigilan, ha Serene? Ayan tuloy! Natatakot atang maintriga kaming dalawa!" Sabi ni Dae.

Umamba na naman ng suntok si Nico at alam kong nanggigigil na siya kaya pumagitna na lang ako sa kanilang dalawa. Dae's just standing there. Parang naghihintay lang masuntok ni Nico.

"Dae, umalis ka na nga. Bumalik ka na dun sa loob. Nang-aasar ka lang eh!"

My gosh, I can't blame Nico - wala siyang kasalanan. At di ko siya masisisi kung bubugbugin niya si Dae dito dahil pagod siya sa taping nila.

"Ayoko nga."

"Ano ba! Naghihintay ka bang mabugbog ka ni Nico, ha? Sa asal mong yan, sigurado."

"Bakit? sinong nagsabing magpapabugbog nga ako? Halika nga dito!" Hinila niya ulit ako.

"Aray, Dae! Bakit ba? Nakakaasar ka na ah!"

"Eh ikaw? bakit ka ba sasama diyan sa di mo naman kilala?"

"Ano ba kasi ang pakealam mo kung sasama ako sa kanya!? Tsaka, FYI kilala ko sin Nico. Di hamak na mas mabait siya sayo."

"Di mo ba nakikita? Artista yan? Pwedeng umaarte lang siya-"

"At pwedeng hindi!"

"Dito ka lang kasi!" Sabi niya habang pinipilit kong inaalis ang kamay niya sa braso ko.

"Ano ba talaga ang punto mo, Dae?" Biglang nagsalita si Nico at inalis niya ang kamay ko sa braso ni Dae.

Pagod parin ang boses niya at may halong pagkainis. Nakakainis naman kasi si Dae eh. Ba't ba ganyan ang asal niya ngayon? Bakit siya ganyan ngayon? may gusto na ba siya sakin? Impossible naman ata.

"Bobo ka pala eh-"

"DAE, Tama na nga sabi yan eh."

Nainis ata siya sa sinabi ko.

"Tama na? O sige, makikipaglandian ka sa lalaking yan habang buhay, yun ba ang gusto mong mangyari?"

"Anong makikipaglandian?"

Nawala ang LBM ko.

"Bakit ba, Dae? Ano bang pakealam mo kay Serene?"

Natahimik ako. Gusto ko rin kasing marinig ang sasagutin niya. Alam kong nahalata `to ni Nico pero bahala na.

"Eh bakit, ikaw? Ano ba ang pakealam mo sa kanya?"

NYETA. Di niya sinagot! Tahimik na rin si Nico.

"Kita mo na-"

"May pakealam ako sa kanya dahil liniligawan ko siya! DAHIL GUSTO KO SIYA! At ikaw? Anong pakealam mo sa kanya?"

Nanlaki ang mata ko pagkatapos kong marinig yun mula kay Nico. Pati rin ata si Dae, natigilan. Bakit niya sinabi yun?

"Serene... ihahatid na kita." Lumapit si Nico sakin at hinawakan ang kamay ko. "Lika na." He smiled a gentle smile.

Sumunod naman ako sa kanya. Hindi parin umiimik si Dae. Hinubad ni Nico ang soot niyang jacket at sinoot niya sakin. Bago pa ako makaramdam ng lamig, may ginawa na siya. He's so thoughtful.

Lumingon ako kay Dae. I assume na yung sinabi ni Nico kanina ay para lang may maisagot siya sa tanong ni Dae. Ang galing din ng sagot niya ah, kasi napatunganga niya si Dae. Errr, pero ba't naman ata tutunganga si Dae kung yun naman ang sagot ni Nico. Ano nga ba talaga ang pakealam ni Dae sakin?

Nga naman, wala siyang pakealam kay wala siyang isasagot.

Pumasok na kami sa sasakyan. Sa huling pagkakataon, lumingon ulit ako sa kinatatayuan ni Dae. Ang akala ko makikita ko ulit siyang nakatayo lang dun pero nadatnan kong naglalakad na siya pabalik.

Wala nga ata siyang pakealam sakin.

"Serene, uhmm, sorry." Lumingon ako kay Nico.

58th fall

Serene Cruz: O-MY-GOSHHHHHH!

"Sorry kung nabigla kita." Sabi ni Nico habang nakatingin lang ako sa kanyang nagd-drive.

"Okay lang noh." Sabi ko. "Alam ko namang sinabi mo lang yun para mawindang si Dae."

Tahimik lang siya habang nagd-drive. Ano kaya ang iniisip ni Dae ngayon? Sana ma process niyang mabuti ang mga nangyari. Anak ng pusakal ka Serene ba't mo parin siya iniisip? Si Nico na lang muna...

"Nico, ginugutom ka ba?" Tanong ko.

Lumingon siya ng bahagya habang ngumingiti.

"Bakit mo naitanong?"

"Wala lang. Y-You look tired."

"Ang totoo... Oo." He smiled.

Pumayag akong magpark na lang muna kami sa isang fastfood, dahil nawala na rin naman yung sakit ng tiyan ko at maaga pa naman.

He was eating slowly, hindi halatang gutom siya. Hindi na rin ako umorder ng pagkain. Natatakot na kasi akong kumain ulit dahil baka sumama ulit ang pakiramdam ko. Nakatingin lang ako sa labas dahil iniiwasan ko ang mga tingin ng mga taong nasa loob ng fastfood.

"Mommy mommy, si Nico!" Sabi ng isang mukhang nasa highschool pa na babae.

Kaya mas lalo kong inintindi ang tanawin sa labas.

"Serene,"

"Hmmm?" Nakatingin parin ako sa labas.

"Tungkol sa sinabi ko kanina-"

"Ano ka ba, okay lang sabi yun eh." Lumingon ako sa kanya at naabutan kong pinupunasan niya na ang bibig niya. "Tapos ka na?"

Ang liit lang nung kinain niya. Diba galing siya sa taping nila? Pagod siya at gutom?

Tumango siya.

"Pero, marami pa-"

"Shhhh... Serene, may sasabihin lang sana ako."

Bigla siyang nagseryoso tapos ngumiti ulit. Anong sasabihin niya?

"Okay lang kasi yun, Ni-"

"Serene, totoo yun."

Wait. err, what`s TOTOO?

"I-I like you."

"Ha?"

"I want to be a part of your life. Naiinis ako pag nakikita kang nasasaktan, gusto kitang alagan. Ayaw kong nakikita kang inaalala si Dae at nababalewala ka lang."

He sighed. I'm still speechless at parang nakatunganga lang ako.

"I want to show you how it feels to be the one cared too, because I love you and I know your worth."

LOVE?????? :D OMG

Narealize kong may mga nakarinig at nakakita sa amin. Napalingon ako sa paligid.

"Nico, tama na, wa'g ka ngang magbiro. Baka ma issue ka pa!"

"I don't care. First time kong magmahal ng ganito kaya I'll try my best to make you feel that you are loved."

AY JUSKO. Totoo nga?! Hindi nga.

"Serene, I want to be your boyfriend." He paused. "And I will wait."

Napalunok ako ng pitong beses. Hindi ko parin malaman kung anong mga salita ang dapat kong sinasabi, first time ko ring magkaroon ng manliligaw.

"I know I'm too fast. Pero, sa sitwasyon mo ngayon... I can't stand it any longer. Di ko kayang nakikita kang sinasaktan lang ni Dae. Mahal kita at kaya kitang alagaan, if you'd let me."

OMGEEE. TOTOHANAN NA NGA `TO. OMYYYYY. Errrrm. OMYYYY.

Nico's sitting there and smiling like he mean it.

"Now, I won't apologize for my real feelings."

Hinatid niya na ako sa bahay, pero bago ako umalis sa sasakyan niya...

He sighed, "Bye, Serene."

"Uh..." Di ako makatingin sa kanya, "Nico, nanliligaw ka ba sakin?"

Tumawa siya, "Oo!"

"Ahhh." Napangiti na rin ako.

He's so adorable! Siguro, eto na ang sign? SIGN NA BA `TO NA KAY NICO, AT DI KAY DAE, NA TALAGA AKO?

"Sige na... pumasok ka na."

Tumango naman ako at pumasok na sa gate ng bahay at dumiretso sa loob. Sumilip ako sa bintana para tingnan kung nakaalis na siya. Ilang sandali, pinaandar niya na ang sasakyan at umalis na.

Napaupo ako sa sofa.

"HAAAY, NICOOOOO~!"

Buti na lang maaga parin kaya wala pa si Ney. Binuksan ko ang pouch ko at kinuha ang camera.

"Ang vain naman!"

Una kong nakita ang mukha ni Dae! Mga 20 pictures na siya lang mag-isa! Siya mismo ang kumuha ng picture sa sarili niya! Kasunod ang tatlong picture nila ni Crayon at ang banda...

"O-MY-GOSHHHHHH! MAY NAIUWI AKONG PICTURE NI DAEEEEE!"

At siya pa ang nagpicture sa sarili niya! ARGHHHHH~!

59th fall

Serene Cruz: maiilang ako sayo

"Pero di naman siguro ganun ang ibig sabihin nun, Serene!" Sabi ni Chyna sakin habang umuupo ulit kami dito sa cafe.

"Pero, duh, it`s a sign!" Sabi ni Mina. "Si Dae ang kumuha diba, it's a very big sign!"

"Tse, wa'g ka ngang magpapaniwala sa mga sign-sign na yan."

"Ano ba kayo, wa'g niyo na ngang pag-usapan si Dae. Di niyo ba nakikitang nabu-bwisit na si Serene?" Sabi ni Sophie. "So, ano, Serene? Liniligawan ka na ba ni Nico? AYYYI!" Tumili pa silang tatlo.

"Uh... sabi niy-"

Di ko na narinig ang boses ko dahil nagtilian na sila.

"Serene..." Napalingon ako, t'was Francine. Natigilan sina Sophie.

"Uh... Oh?"

"Can we talk?"

Napalingon ako kina Sophie at sumunod na kay Francine.

"Ano?" Tanong ko nang nakarating na kami sa isang lugar sa cafe na wala masyadong tao.

"Nanliligaw si Nico sayo, diba?"

"O-Oo." So?

"K-Kasi," She sighed.

Napansin kong namumugto ang kanyang mga mata.

"Last night was the-" She sighed again. "-fifth time."

"Fifth time?"

"M-My fifth attempt-" Napasinghap siya at para bang sa bawat salita niya eh may linulunok siyang pride. "-to make up with Dae."

Napatango ako na para bang sinasapian. Anong koneksyon dun sa panliligaw ni Nico?

"Do you still love him?"

Napalunok ako at, "Hindi na ah." Ngumiti pa ako para decoration.

"Kung ganun, sasagutin mo si Nico?"

"I-I'm not... I don't know?" PATANONG.

"Sa bagay, who would dump him." Sabi niya na para bang hindi pa talaga nanliligaw ng kahit kanino si Nico at masyado siyang mataas para sa lahat ng babae, kaya dapat kong sagutin.

Nagkibit-balikat ako.

"C-Can you help me with Dae?"

OH. OH. OH.

OMGEEE. Oh no! Serene, why not?

"Eh kasi..."

She sighed, "Yeah, I know that I'm such a loser kasi inaaway-away kita noon tapos ngayon... It's understandable if you're still mad."

"Di naman sa ganun, pero..."

Nangangapa ulit ako ng eksplenasyon.

"pero kasi... As much as possible, I want to avoid him..." I sighed.

Tumango siya at mukhang kumbinsidong-kumbinsido siya sa sinabi ko.

"Limang ulit na akong nakikipagbalikan sa kanya. I've realized that I can't make it without him."

Ngayon mo lang yan narealize? Eh ako, noon pa!

"Sorry talaga. Don't worry, I'll try my best... if ever..."

Tumango ulit siya, "Sige, I'll try my best too. Sa cellphone lang kasi ako nakikipagbalikan sa kanya kasi natatakot ako na kahit sa personal eh aayaw parin siya."

WHAT? OH MY. Kaya naman pala. Eh kung makikipagbalikan si Dae, bahala na siya sa buhay niya.

"Uhh, i-try mo na lang sa personal... baka sakali..." Sabi ko. I was hesitant. Natatakot akong magkabalikan... sila?

Sa malayo, nakita ko si Nico na papalapit sa table namin.

"Sige... uh, okay lang ba sa inyo na sasama ako pag may mga gig sila, para naman... kahit papaano?" Sabi niya. "May gig ata sila sa isang Te beach Resort diba?"

HINDI KO ALAM EH. SORRY AH.

"Ewan ko. Pero... sige, sumama ka. okay lang naman."

Ba't ba ang bait ko.

"Sige, Francine. Andun na kasi si Nico eh."

Tumango naman siya at umalis na ako't bumalik sa table. Umupo na ako agad at hinanap si Nico.

Kainis naman si Francine... Ay bahala siya sa buhay niya... Ewan ko sa kanila ni Dae. Asan si Dae? GEEEZ...

"Anong sinabi nung bruha?" Tanong ni Chyna. "Ay, mamaya na lang kasi..."

"ANDYAN na siyaaaaaaaaa~" Tumili ulit sila nang nakita nilang papalapit na si Nico.

Grabe, sa lakas ng dating niya parang nagslow-motion na ang lahat dahil paparating na siya. Naramdaman kong tinutulak-tulak na ako ng mga kaibigan ko.

"Hi Chyna, Mina, Sophie at Serene!" Ngumiti si Nico.

"Hello!" Tumili ulit sila.

"Errr, lina kayo!" Hinila ni Sophie si Mina at Chyna.

"Naku, Nico. Ayus-ayusin mo yang si Serene ah, boto pa naman ako sayo." Sabi ni Chyna.

"Huy, wa'g namang ganyan." Nakakahiya naman.

"Ay basta. Ayaw ko sa Dae na yun eh."

"Heller, as if naman nanliligaw si Dae." Sabi ni Mina.

"Ah ey basta."

"Tayo na nga!" Sabi ni Sophie habang hinihila silang dalawa.

Tumawa lang si Nico.

"So-sorry." Sabi ko nang nakaalis na sila.

"Okay lang."

"Yung tatlong yun talaga, tuturuan mo lang naman ako ngayon eh." Sabi ko habang papunta kami sa pavilion. "Wala namang malisya `to."

Nagkibit-balikat lang si Nico at ngumiti.

"Nukaba, Nico. Wa'g ka ngang ganyan, maiilang ako sayo niyan eh."

"Eh paano ba naman, alam mo nang may feelings ako sayo." Ngumiti ulit siya.

OEMMGEEE, I think I'm blushing.

"Serene..." Napalingon ako bago umupo sa pavilion.

60th fall

Serene Cruz: B-Bakit? P-Paano? Ano?

"D-Dae?"

Nakita kong mukhang napailing si Nico.

"Dae, kung andito ka na naman para manggulo-"

"Ano naman ngayon, paalisin mo ako?"

Seryoso ang mukha niya. Anong problema nito?

"Masyado mo atang kinacareer ang pagiging tutor mo? O baka naman...-" Tinitigan ni Dae si Nico.

Nagtitigan na talaga ang dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"-o, baka naman ang... panliligaw mo?"

"DAE! Tigilan mo na nga yan!"

Hinila ako ni Nico sa likod niya.

"O, o... ba't mo siya tinago? Bakit? may karapatan ka na ba sa kanya? Kayo na ba?"

Hindi nakasagot si Nico pero ramdam na ramdam ko na ang pagkainis niya. Pinipigilan niya lang ata dahil sa mga nakatinging mga mata sa paligid.

"Ano ba talaga ang problema mo?" Tanong ni Nico na mukhang seryoso na rin.

"Ba't ko naman sasabihin sayo?"

"Nakakaasar ka na ah! Ba't mo ba kami ginugulo."

"Kami? Bakit? Kayo na ba?" Tanong ni Dae in a sarcastic tone.

"Eh ano ngayon kung kami na, ha Dae?" Sumingit ako.

Natatakot na naman kasi akong baka may mangyari kapag pinabayaan kong mag-usap lang silang dalawa.

Umalis na rin ang mga tao sa pavilion. Natatakot na ata silang magkagulo. Nakakahiya naman.

"Bakit? Kayo na nga ba?" Tanong niya.

Alam kong alam niyang nagsisinungaling ako kaya ayaw kong magsinungaling. Kaya lang, ayaw ko ring bumigay na lang ng basta-basta.

"Kung sagutin mo na lang muna kaya ang tanong ko?" Sabi ko.

Tinulak ni Nico si Dae dahil mejo lumalapit na siya sakin.

"Loko ka ah-"

"DAE, tama na nga yan!" Buti na lang at napigilan ko bago magsuntukan. "Bwisit, ikaw naman yung nauna tapos naiinis ka diyan?"

"Naiinis ba ako?"

Bwisit talaga. Hinawakan ko na ang kamay ni Nico at hihilahin ko sana siya papalabas ng pavilion kaya lang kinuha ni Dae ang kamay ko.

"Kayo na ba?"

I was shocked when he got my hand really fast.

"Ano naman ngayon kung kami na nga?" Sumingit si Nico.

"Kung kayo na, edi kukunin ko siya sayo."

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?? Errr, Serene, next time... araw-arawin mo na ang paglilinis ng tenga mo.

"Ba't mo siya kukunin?"

"Dahil akin siya."

ANO? Hinila ko ang kamay ko. Hindi parin kasi niya binibitawan yun.

"Dae, tama na. Di ako sayo~"

"Serene, hayaan mo muna siyang magsalita." Sabi ni Nico.

And they're both serious.

"Ba't mo siya liniligawan, ha? May masamang balak ka sa kanya no?" Sabi ni Dae.

Ang g@gong `to. Ba't niya sinasabi yan? Kawawang Nico.

"Liniligawan ko siya dahil MAHAL KO SIYA AT KAYA KO SIYANG ALAGAAN. May problema ba?"

"Wala, kasi ako naman ang mahal niya diba?"

Nagkatinginan ang dalawa. Hinila ko ulit ang kamay ko.

"At liligawan ko rin siya at tatapatan kita. Hihigitan pa! Wala namang problema diba?" He smiled an evil smile.

OMG. HA? Errr, liligawan? ako? ni? Dae?

Hinila niya ang kamay ko, "Liligawan kita, narinig mo?" Binulong niya sa tenga ko.

OMGEEE. Confirmed.

"B-Bakit? P-Paano? Ano?" Wala na, brain damage.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText