<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

C&♥46-50


C&♥46
Eliana's Secret









Nagdrive si Chase papuntang Riala pagkatapos naming kumain. Sinadya niyang daanan ang commercial dahil curious daw siya dun. Kinakabahan naman ako at baka di niya magustuhan.

Pagkaliko namin, nakita kong tumitig siya sa bigscreen sa taas. Seryoso ang mukha at ilang sandali ay ngumuso para pigilan ang pagngiti.

"Mababangga tayo nito." Aniya bago itinigil at nag park sa harap ng building ng Matryoshka.

Lumabas kaming dalawa at nakita ko nga ang big screen na mabilis nag fa-flash ang mukha ko... Close up... tapos nakahawak ng bola. Iniikot ang bola tapos minsan ay nagtatago sa bola. Half-open ang bibig hanggang sa ngumiti. Nag flashback sakin ang shoot at kung gaano ka tahimik yung mga tao sa paligid nun.

Naramdaman ko ang kamay ni Chase sa baywang ko habang tumitig ako sa bigscreen.

"Nice work. Unfortunately, I want you for myself... only..." Hinila niya ako sa katawan niya.

Nakasandal na siya sa sasakyan niya habang nakapulupot yung braso niya sa baywang ko. My heart is racing. Hindi ko talaga alam kung bakit palagi na lang akong kinakabahan. Parang di na yata ako babalik sa dati. Parang forever na yata akong kakabahan pag nandyan si Chase. I'll never get used to this.

"Sorry, Eli. Pero mawawala na 'to sa Friday." Wika niya. "Is that... okay with you?" Napalunok siya.
Ngumiti ako, "O-Of c-course..." Sabi ko. Kalma lang, Eli.

Kung ganito ba naman kami kalapit paano ako makakapagsalita ng maayos? Ngumuso ulit siya at napabuntong hininga.

"Am I being too selfish with you? Nasasakal na ba kita?" Nakita ko ang takot sa mukha niya.

Takot na baka iwan ko siya dahil sa ginagawa niya? Now I get why he said he's selfish... Hindi siya perfect dahil selfish siya. Ganito na talaga siguro pag mahal mo ang isang tao, alam mo yung mga imperfections niya pero parang hindi siya kumpleto kung wala ito... parang lahat ng characteristics niya, pati ang imperfections niya, ay ang dahilan kung bakit mahal mo siya. Nakakalito pero yun ang nararamdaman ko. Mahal ko talaga siya kahit saan tignan - sa imperfections man o sa good qualities.

"Eliana?" Aniya nang di ako nagsalita.
Ngumiti ako, "Nope. Kailanman di mangyayari yan."
"You sure?" Tumaas ang isang kilay niya at ngumiti.
"Yes." Ngumiti ulit ako.
"Good. Cuz I think I've fallen harder for you. And that means I'm going to be more and more selfish..." He pulled me in for a kiss.

Hindi talaga ako yung tipong PDA pero gaya ng sabi ko, pag si Chase ang kasama, wala akong pakealam kung nasa gitna kami ng kalsada naghahalikan. Yung inaalala ko lang ay mejo sikat talaga siya dito sa Cebu at di ako magtataka kung magkakabillboard siya dito dahil masyado ng successful ang CPI at kailangan ng ipakilala ang bachelor na namamahala dito... pero mukhang di rin naman siya inaalala eh.

Buong linggo palihim niya akong sinusundo sa Riala at inuuwi doon. Lagi siyang nagtatanong sa past life ko. Kung anong nangyari kay mama at bakit siya namatay... at humantong kami sa akala ng pamilya ni Yuan na anak ako sa labas kaya di nila ako matanggap.

"Good thing nagkamali sila. Kung hindi, 'di ka mapupunta sakin. Di ka mapapadpad sakin."

Ilang araw ang nakalipas ay mukhang na gegets na rin ng buong office ang relasyon namin ni Chase pero walang nangangahas na magtanong dahil alam nilang malalagot sila kay Chase. Napalitan na rin ng isa pang model yung big screen ng Matryoshka. Hindi makapaniwala si Adrienne sa nangyari. Hindi na rin masyadong nagpupupunta si Natalia sa CPI except sa araw na tinanggal na ako as model.

"Happy now? Grabe ka! Ilang milyon para sa commercial mo? Stup1d, Chase!" Aniya.
Nalaglag ang panga ko. "HUH?" Binayaran ni Chase ang commercial ko?
"Matutuklasan ko rin ang baho mo! I know girls like you... You're just using your..." Nihead to foot niya ako. "To get to him!" At umalis na siya.

Tinanong ko si Chase tungkol sa milyon na sinabi ni Natalia pero sabi niya ay nag invest siya ng milyon sa kompanya nila kaya di na dapat ako mag worry kasi investment naman daw iyon. Hmmm...

Araw-araw pinapadalhan niya ako ng pagkain, bulaklak, chocolates at iba pa. My god... Naiisip ko tuloy kung paano sila noon ni Ophelia. Habang iniisip ko naman yun ay nagseselos ako. Sino ba kasi yang Ophelia na yan? Panigurado'y gurang na yun ngayon... Ilang taon na kaya ang nakalipas? Twenty-seven na si Chase ngayon at Seventeen siya nung nagkakilala sila. Let's just say she's probably forty-seven or something right now.

Hindi ko alam kung itinadhana ba ni Lord Jesus pero halos maitapon ko yung panghuling module ko nang nakita ko ang pangalan niya sa buli.

PROF. OPHELIA DE LOS REYES

"WHAT?"

Tinitigan ko 'to for straight five minutes. Nasa kwarto ako at maaga pa... tulog pa siguro si Chase ngayon. Mamaya pa kami magkikita.

"OH MY GOD!" Tinapon ko yung module. "WHAT?" Para bang may dala itong sakit.

Hindi ako makapaniwala! Hindi ko alam kung anong gagawin ko? Tatawagan si Chase? Tatawagan si Denise? Tatawagan si Bench?

Nang naisipan kong tawagan si Denise nang makakalap ako ng impormasyon, nag ring naman agad ang cellphone ko. Di ko na tinignan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Badtrip ang boses ko.
"Eliana... Nasa labas ako ng condo mo."
"DAD?"

Napatalon ako sa kama.

"WHAT?"
"Yes! You promised Yuan, Eli! Sabi niya sakin uuwi ka last week at anong nangyari't di ka pa umuuwi? He wanted to come back here for you, again. Pero alam kong useless na! Kaya eto ako at ako na mismo ang pupunta dito-"
"DAD! Uuwi ako. Just not now...okay?"
"Then what do you want me to do right now? I'm outside the building, Eli. Halika na dito!" Galit si dad. Dinig na dinig ko sa boses niya yung galit na hindi ko alam kung para ba sakin o para sa ibang tao. "Marami kang ipapaliwanag sakin... marami."
"Okay, dad. Wait."

Binaba ko ang cellphone. Patay! Ano na ang gagawin ko? Sunday na ngayon at kung pupunta ako ng Manila ngayon tapos uuwi mamayang gabi, sigurado akong di ako papayagan ni daddy. Gugustuhin niyang manatili ako doon ng ilang araw. Paano yun? Mag le-leave ako sa trabaho? Paano si Chase? Isasama ko? Paano yung trabaho niya? ARGH! Ano na?

"Denise?" Sabi ko.
"OMYGOD, TITO DREW IS IN CEBU!" Yun ang salubong niya sakin.
"Yep..." Sabi ko.
"Tapos? Kumusta? Uuwi ka na ba?" Tanong niya.

Habang tinatanong niya iyon may naririnig akong malakas at monotonous na tunog sa background. Alam ko mismo kung anong klaseng tunog yun.

"Chopper? Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Nope... Monday bukas... I have class. Si Bench lang. Pupunta diyan sa Cebu-"
"WHAT?" Naiiyak na talaga ako. Ano na ba itong nangyayari sa buhay ko?
"Yes. Naalala mo yung lupa sa Cebu na bibilhin ni Tito Drew, yun ang aasikasuhin nila. Actually dapat daddy ni Bench yung pupunta pero nasa Palawan pa eh. Yung daddy mo kasi masyadong pabigla-bigla."

Naubusan na talaga ako ng sasabihin. First, nandito si Dad. Second, papunta si Bench dito. Who's next? Si Mommy?

"Hey, D..."
"Hmmm?" Nakalayo na yung chopper. Nawawala na sa background.
"I need you to find someone..."
"Hmm? Really? Who?"
"Ophelia de los Reyes. Professor yata ng Business Administration."
"Okay. Hindi ko pa naririnig yung pangalan niya. Bago ba yan? Para saan?" Tanong niya.
"No time to explain. Dad's outside. I need to get ready. Basta. Prof ko sa module 8. Please, pretty?"
"Okay!"

Now, I should get ready for an appointment with Mr Andrew Jimenez, my dad. Ugh! Kinakabahan ako. Hindi niya naman siguro ako kakaladkarin pabalik ng Maynila diba? Tsaka nakalimutan ko talaga yung sinabi ko kay Yuan na babalik ako ng Maynila last week. Ganun na ba ako ka preoccupied kay Chase para makalimutan yun lahat?

"Dad." Napaface palm ako sa nakita kong sasakyan na nakapark sa labas.

Nakatayo pa si daddy sa harap nito. Seryoso at galit ang mukha. Niyakap ko parin siya at hinalikan niya naman ako sa noo.

"What's with the limo?" Sabay tingin ko sa sasakyan.
"Eliana... I know everything. Bakit mo inilihim sakin ang lahat?" Marahan pero firm ang boses niya nang sinabi niya ito.

Kinabahan ako. Tumingin ako sa paligid at pumasok na sa loob ng limo.

"Dad, not here."



C&♥47
She's a Wh0re






Hindi ako yung nagkwento kundi si Daddy. Galit siya at sinabi niya lahat ng nangyari at lahat ng sinabi ni Yuan sa kanya. Aniya'y di pa sinasabi ni Yuan sa parents niya ang totoo dahil hindi rin naman siya papaniwalaan ng mga iyon kaya nagpatulong siya kay Dad. Galit siya dahil di ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Yuan. Ayaw niyang magkaboyfriend ako pero ayaw niya rin akong masaktan. Galit siya dahil nasaktan ako nang di niya nalalaman. Mas naintindihan niya ang pagpunta ko sa Cebu pero ngayon ay gusto niya ng bumalik na ako ng Maynila.

"Eli, that's enough." Wika niya pagkatapos naming kumain sa restaurant ng hotel na pinapasukan niya.
"Dad, wa'g muna. Gusto ko dito sa Cebu-"
"Bakit? Dahil ayaw mong makaharap ang pamilya ni Yuan o si Yuan man lang? Give them a chance to apologize pero di ko naman sinabing magkabalikan kayo agad. I want them to apologize. Ako ang may kasalanan kasi tinago kita at di ko alam na yun ang tingin ng mga tao sayo..." Napabuntong-hininga si Dad.

"Excuse me, Mr. Jimenez." May binulong ang isang body guard niya sa kanya.
Tumango si daddy, "Bench is here."
"Dad, para saan pa ba si Bench? Ba't nandito kayong dalawa?" Umiling ako. "Sabi naman sayo diba, ayokong umalis ng Cebu."
"Kahit sandali lang, Eli! Just a couple of days or tatlong araw... Ano bang gusto mo dito sa Cebu?"

Natahimik ako. Gusto kong sabihin sa kanyang may nakilala ako at mahal ko na siya pero parang naiilang ako. Kakabanggit lang namin kay Yuan. Baka ilayo niya pa ako kay Chase pag nalaman niyang may pamalit agad ako.

"Basta gusto ko dito sa Cebu. Gusto kong dito tumira. Gusto ko lahat ng nandito. I fell in love with this city." Sabi ko.
"Just for a week, Eli! Sige na naman! Yung mga kapatid mo, yung mommy mo, yung mga tito at tita mo, sige na!"

Tapos biglang dumating si Bench at hinalikan pa ako sa pisngi habang ngumingisi.

"Tito, ano, nakumbinsi mo na ba?" Ngisi ni Bench kay daddy.
Umiling si Dad at kinuha ang cellphone, may tinawagan.

Umupo si Bench sa tabi ko at nakangising tinitigan ako. Wa'g mo akong pestehin ngayon at wala ako sa mood makipag usap. Sinimangutan ko na at inirapan pero nakangisi parin siya. Humilig siya sakin at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Tutulungan kitang makatakas kung hindi ka nila papabalikin ng Cebu. Deal?"

Nanlaki ang mata ko sa bulong niya. Itong isang 'to kung makapag deal parang negosyo nila ang pinag uusapan namin.

"Promise yan, couz... Though I don't think your boyfriend needs my help but I assure you, tutulungan kita kung kinakailangan." Ngumisi ulit siya.
 YOUR BOYFRIEND? Okay... sige na... wa'g na tayong mabigla sa mga impormasyon niya.

"Okay, Daddy. Uuwi ako. Limang araw lang." Sabi ko.
"One week?" Tumawad pa talaga siya.
"No, dad, 5 days lang."
Napabuntong-hininga siya, "Seriously, Eli... what's with Cebu?"

Kinabahan ako. Alam ko ang iniisip niya ngayon at sigurado akong nananalaytay sa dugo niya ang parehong dugo ni Bench... actually ang pinagmulan ng dugo ni Bench... Mag ha-hire siya ng imbestigador para imbestigahan ako.

"Tito, shall we go? Yung lupa na bibilhin?" Sabi ni Bench.
"Ah, yes..." Tumingin ulit si Daddy sakin. "Eli, we'll stay here till tomorrow. At sasama ka bukas ng hapon pag uwi namin."

Tumango ako at ilang sandali lang ay umalis na sila dala ang mga body guards. Kinumbinsi niya pa akong magdala na rin ng sarili kong body guard pero binalaan ko siyang di ako uuwi kung gagawin ko yun.

Pinindot ko agad yung pangalan ni Chase Martin sa cellphone ko at ilang sandali ay dumating na siya sa hotel na pinapasukan ni Daddy at ni Bench.

Mukha siyang kinakabahan at takot nang dumating. Tumingin pa siya sa paligid at para bang nag aabang sa pagsulpot ni dad at ni Bench.

"Bumili sila ng lupa sa Cebu, umalis..." Sabi ko nang nakitang balisa siya.
Napabuntong-hininga siya, "I expected the worst. Akala ko di ka na magpapaalam at aalis ka na lang bigla."
"Hindi ko yun magagawa, Chase. Pero pinagbigyan ko si daddy, uuwi ako bukas. For five days."
Natigilan siya at naupo sa inupuan ni Bench kanina.

"I'm sorry." Sabi ko.
"No, its alright. Alam ko namang nandoon talaga yung pamilya mo at uuwi at uuwi karin doon."

Gusto ko siyang isama pero natatakot akong mag complicate ang mga bagay pag isasama ko siya. Natakot din ako at baka magkita sila ni Ophelia. Gusto ko ring umuwi para hanapin yung Ophelia na yun at ayaw kong malaman ni Chase yun.

Napansin niya ang pagiging tulala ko kaya niyakap niya ako, "I really hate letting you go..."

At bigla kong naalala yung nangyari sa kanila ni Ophelia. Ayaw niya ng long distance relationship kaya niya iniwan si Ophelia.

"Just 5 days, Chase." Sabi ko.
"Baka di ka na bumalik sakin." His voice broke...

It broke my heart. Suddenly, I don't want to leave. Magtago na lang kaya ako nang di ako mahanap ni dad? Pero alam kong kahit saang sulok ako magtago, mahahanap at mahahanap niya rin ako.

"No, Chase. Babalik ako sayo. Dito ako uuwi. Hindi doon. Aalis ako dito at babalik ako para umuwi sayo." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng mga salitang iyon.

Ang alam ko lang gusto ko siyang bigyan ng assurance. Hinding-hindi ko magagawang iwan siya kahit anong mangyari sa Maynila. Honestly, sigurado akong walang makakapag pa-change ng mind ko sa pag balik dito sa Cebu. Hindi ang deals ni Yuan o  deals ni Daddy o ang deals ni Bench ang makapagpigil sa pagbabalik ko dito... ang deals ni Chase Martin ang masusunod.

Hinarap niya ako at ngumiti siya, "I will let you go, okay? I will wait for you to come back. Kakayanin ko na wala ka basta bumalik ka lang sakin."

He pulled me in for a kiss. Wala na talaga akong pake kung saan niya ako hinahalikan. Anyway, smack lang naman yun pero wala akong pake kung tumagal yun o ano basta wala akong pake sa lahat... Siya lang ang gusto ko at walang makakapigil sakin.

"Ipapakilala kita kay dad." Sabi ko.
Napalunok siya at napangiti ako sa ipinakita niyang kaba.
"Never seen Chase Martin so tense."
Napanguso siya at pinigilan ang pag ngiti, "Talaga? Hindi ba halatang na te-tense ako pag nandyan ka?"
Uminit ang pisngi ko at tingin ko'y nakita niya ang pamumula ko kaya hinalikan niya ako sa pisngi.
He chuckled, "Lagi kitang nakikitang tense. You shouldn't be, baby. Kung isasama mo ako sayong habang-buhay..." Hinalikan niya ang balikat ko. "hindi pwedeng kinakabahan ka na lang lagi."
I narrowed my eyes at him. Nangilabot ako sa ngisi niya. Hindi ako makapagsalita sa kaba.
Kinurot niya ang pisngi ko at pinulupot niya ang braso niya sa katawan ko, "You... are mine. There's no need to be shy, no need to be intimidated cuz I am yours. Just yours."

I've never felt this crazy. Parang siya lang yung naiisip ko. Lahat ng problema sa pamilya, kay Yuan, kay Ophelia, blurry lahat. Yung main idea ng buhay ko ay si Chase Martin. Siya lang. Thank you, Lord at nagkakilala kami. Thank you at sa kabila ng sakit na dinanas ko ay binigyan mo ako ng tulad niya.

Damn, I'm so in love with him.

Nang naglunes na, tinawagan ako ni Dad kung nag impake na ba ako pero sinabi kong di ako mag iimpake dahil babalik din naman ako dito. Naisip ko ulit na isama na lang si Chase dahil mamimiss ko talaga siya ng sobra pero ayoko namang makaistorbo sa trabaho niya at isa pa... gusto kong puntahan si Ophelia nang hindi niya nalalaman. Hindi ko alam kung bakit curious na curious ako.

"Ba't ka nga ba uuwi ng Maynila?" Tanong ni Celine sakin sa opisina.

Nag half-day ako ngayon sa office. Nag baka sakali akong maisama ko si Chase ngayong lunch kung saan kasama ko si daddy at Bench bago kami lilipad ng Maynila.

"Namimiss ko na ang parents ko tsaka relatives ko."
Tumaas ang kilay ni Celine, "Talaga? As in? Now na talaga?"
Tumango ako at biglang may nag sisigaw palabas ng elevator... si Mary!

"Ma'am Natalia! Please! Wa'g po kayong manggulo!" Sabay hawak niya sa braso ni Natalia.
"NO!" Sigaw ni Natalia at tumingin siya ng diretso sakin.
"Ma'am-"

Napatingin kami sa nagmartsang si Natalia papunta sa table ko. May dala-dala siyang mukhang isang rim ng bond paper na may pictures.

"SHE'S A WH0RE! KABIT SIYA NG ISANG MATANDANG BUSINESS MAN!" Sabay turo niya sakin.

Nanlaki ang mga mata ko at tinapon niya sa ere ang kalahati sa bond paper na dala-dala niya. Doon ay may picture naming dalawa ni daddy. Yung eksaktong eksenang hinalikan niya ako at yinakap sa labas ng Riala.



C&♥48
Eliana's True Identity






Pinagkaguluhan ng mga katrabaho ko ang pictures. Nakita kong talagang nanlaki ang mga mata nila nang nakita ang pictures. Nag bulong-bulungan sila... wala akong nagawa kundi ang makinig at tumingin sa mga mukha nilang sumulyap-sulyap sakin.

"Hindi ako makapaniwala. Akala ko si Sir Chase?"
"Baka mas mayaman pa yan kay Chase?"

"Mary, call Chase." Narinig ko ang bulong ni Marc sa likuran ko.
"YES! You should call Chase! Nang malaman niya ang mga ginawa ng babaeng ito." Sabay turo ulit sakin ni Natalia.

Kinabahan ako, baka mabunyag na ang sekreto ko. Alam ko namang okay lang kung mabunyag yun, pero hindi sa ganitong paraan. Napalunok ako habang tinitignan ang nakataas na kilay ni Natalia at ang kanyang ngiti.

"Anong nangyayari dito?" Humupa ang bulung-bulungan nang nakita naming lumabas si Chase sa opisina.

Naka gray tux siya at sobrang gwapo na naman. Kahit ilang metro ang layo namin amoy na amoy ko agad ang perfume niya. GRRR! Ang gwapo niya talaga. Parang mali yata kung yun ang iniisip ko samantalang nandito ako sa isang weird na sitasyon.

Ang alam ko may board meeting siya mamaya. Yung mga kameeting niya ay galing pa sa US at Vietnam para pag usapan ang isang branch ng Pharmaceutical company nila sa Netherlands. Napalunok ako nang nag katagpo ang tinginan namin. My god! Ang perfect niya talaga! Ako lang yata ang nakakapagpapangit sa life niya. Para bang seryoso dapat ang buhay niya kung wala ako. Kung wala ako, wala sanang gulong nangyayari dito.

Tinuro-turo ulit ako ni Natalia. "Chase Martin, is this the girl you wa-"
"ANO TO?"

Nakatingin ako kay Chase nang narinig ko ang pumutol sa pagsasalita ni Natalia. Nakakaagaw pansin. Silang lahat napatingin sa nagsalita. Samantalang di ko na kailangang tumingin dahil kilalang kilala ko ang boses niya.

Tahimik ang lahat habang tinitignan si Dad na tinitignang mabuti ang iilang pictures sa sahig. Footsteps lang ni Bench at ng body guards na pumalibot sakin ang naririnig. Huminga ng malalim si Chase at nakita ko si Natalia na nalaglag ang panga.

"Chase! Its him! Yung... yung..." Nakita ko sa mukha ni Natalia ang takot nang nakita si Chase na galit na galit.
"Stop it, Natalia-"
"Kabit siya!" Sabay turo ni Natalia sakin.

Nagbulung-bulungan ulit ang mga katrabaho ko sa paligid.

"ARE YOU SAYING THAT MY DAUGHTER IS A MISTRESS?" Ipinakita ni Daddy ang mga pictures.

Pinunit niya ito sa harapan ni Natalia. Napalunok si Natalia at mangiyak-ngiyak na.

"Kaninong mistress siya, miss?" Mas mahinahong tanong ni Daddy.

Lumipad ang kamay ni Natalia sa bibig niyang nakanganga.

"OH MY GOD!"

Tumawa si Bench. Tawa niya lang ang ingay sa buong opisina. Tinitigan siya ng mga katrabaho ko... nina Celine, Mary, at Marc. Nagkatinginan silang tatlo with the what-expression.

"Oh my God... I'm sorry." Yun lang ang nasabi ni Natalia bago tumulo ang luha niya.
"Dad, okay lang... Di nila alam. Di ko sinabi." Sabi ko nang naguilty sa pag iyak ni Natalia.
"What?" Umiling si Daddy.

Mas lalong lumapit sakin ang mga body guards na para bang kakaladkarin na ako palabas ng opisinang ito.

Tumingin si Daddy kay Natalia, "Eliana Jimenez is my daughter, miss."
"I apologize for her actions Mr Jimenez." Napalingon si daddy at kaming lahat kay Chase. "Sigurado akong misunderstanding lang ang lahat-"
"My daughter is being bullied here!"
"Dad!" Kinabahan ako sa tonong pataas ni daddy.

Hindi pwedeng ganito ang first meeting nila ni Chase.

"This is Chase Martin Castillo our CEO." Sabi ko.
"I know..." Sumulyap si Daddy kay Bench at pabalik kay Chase.

Tinignan ko ang titigan nilang dalawa. Katakot! Shet! Naglahad ng kamay si Chase. Ilang sandali itong tinitigan ni daddy bago tinanggap at nakipag shake hands.

"Is she your employee?" Sabay tingin ni Daddy kay Natalia.
"No, sir. She's Natalia Rama of Rama Industries."
"Ba't siya nandito kung ganun at bakit niya hinaharass ang anak ko?" Tumaas ang kilay ni dad kay Chase.
"I'm sorry, Sir." Sabi ni Natalia habang humihikbi. "Hindi ko alam, I swear, hindi ko alam na anak niyo siya. She's a secretary here... she's just." Umiling si Natalia at umiyak ulit.
"THAT DOESN'T GIVE YOU THE RIGHT TO HARASS HER, MISS!"

Tumawa si Bench pagkatapos sumigaw ni daddy. Inirapan ko na. May tumatawa ba sa mga ganitong pangyayari? Nagkibit-balikat na lang siya sakin nang nakita akong nakatitig na sa kanya.

"I went here, Chase Martin..." Tinignan ni Dad si Chase at naglakad ng kaonti at tinignang mabuti ang opisina. "To check if my daughter is treated well here-"
"I assure you Mr Jimenez that she is treated very well here." Nabigla si daddy nang sinabi yun ni Chase.

Natigilan siya at tumango.

"Kung ano man yung ginawa ni Miss Rama, its her personal problem... At kung alam kong may gagawin siyang ganito hindi ko hahayaan na lang na mangyari ito. I apologize for this mess. I'm sure Miss Rama realized things for sure." Sumulyap si Chase sa umiiyak na si Natalia.
"Its my fault, dad. Hindi ko sinabi ang tunay kong pagkatao. Kung sana sinabi ko yung tunay kong identity tulad ng sabi ni Chase, di sana 'to nangyari." Sabi ko.

Tumingin si daddy kay Chase at pabalik sakin. Hindi ko alam pero naramdaman ko ang konklusyon sa utak niya.

Sa sobrang tahimik ng opisina, dinig na dinig ko ang pag bukas at sarado ng pintuan ng opisina ni Chase.

"Andrew!" Tumambad sakin si madame at ang ate Fiona ni Chase na bihis na bihis. "Jimenez!" Excited na sabi ni madame. "May business ba tayo ngayon?" Naglahad ng kamay si madame.

Tinanggap ito ni daddy at nakipag shake-hands pero halatang mas lalong na badtrip.

"Marie... I'm not here for business. I'm here for my daughter. Eliana. Alam mo bang anak ko siya?"
Nalaglag ang panga ni madame at ni Fiona nang tinignan ako. Ilang sandaling katahimikan pa bago binasag ni dad.
"Obviously, di niyo alam." Umiling si Dad at tumawa tapos nagkasalubong ulit ang kilay. "Eto ang nangyayari kung di mo sinabi kung sino ka, Eliana." Sabay tingin sakin.
"Dad I have no problem with it... Okay lang naman ang life ko nang di nila alam na anak mo ako. Okay lang. Masaya ako. I'm sorry, madame." Sabi ko at tumingin sa confused faces ni madame at ni Fiona.
"I don't understand, Andrew... Can we have coffee or something in my office?" Sabi ni madame.
"Next time, maybe. We have to go back." Sabi ni daddy. "I'll set an appointment, soon, dito sa kompanya niyo. We really have to go."
"Andrew! Oh my! Kaya naman pala pamilyar itong si Eliana!" Ngumiti si madame nang mukhang naliwanagan na.

Tumalikod na si daddy kasama ang dalawa pang body guard. Si Bench na lang ang natira at ang dalawang body guard sa tabi ko.

"Sorry, madame." Sabi ni Bench kay madame. "Galit si tito. I apologize, miss Rama." Ngumisi si Bench at dinagdanan pa, "that was hilarious! But really? You don't investigate by yourself... you are lucky my cousin's really kind." Sabay punit sa isa pang picture namin ni dad.

Saka pa lang nakita ni madame at Fiona ang mga pictures at hula ko matatagalan pa sila bago malaman ang tunay na ginawa ni Natalia.

"BENCH!" Tumigil si daddy at lumingon saming dalawa. "Let's go!"
"Let me lead you, Mr Jimenez." Biglang sabi ni Chase at naglakad papunta kay daddy. "Your chopper is waiting on our rooftop."

Tumingin si daddy kay Bench. Narinig ko na naman ang bulung-bulungan ng mga tao. Halata rin ang pagtutol ni daddy kay Chase nang sinabi niya yun.

"Ah, tito!" Nakangisi na naglakad si Bench papunta kay Chase at daddy. "Yung chopper ay pinaghintay ko sa rooftop nila. Luckily, Eliana's... uh..." Tumingin pa si Bench sakin at ngumisi bago dinugtungan ng tanong,"boss? was very kind... Nag offer po siya sakin nun, so I grabbed the opportunity." Nakangisi parin si Bench.

Tumingin si dad kay Chase at napabuntong-hininga.

"Well then, Chase, lead us."

Ngayon lang talaga ako huminga ng normal. Ngayon ko lang din narealize na kanina ko pa pinipigilan ang pag hinga ko. Grabe! Akala ko magmamatigas si Daddy kay Chase. Well, hindi pa siguro siya masyadong mag mamatigas ngayon dahil di niya pa alam ang tunay na relasyon naming dalawa. Ang alam ko lang, sa ngayon, wala akong pakealam kung malaman yun ni daddy at kung tumutol man siya. Wala akong pakealam. Hahamakin ko ang lahat makita lang si Chase muli.

Sa elevator, panay ang bato ni Dad ng questions kay Chase.

"Saan ka gumraduate?"
"Nag MBA ka na ba?"
"Paano nakakaapekto ang pagiging Castillo mo sa pananaw mo sa buhay at negosyo?"


Sa huling tanong ni dad nakita ko ang pagnguso ni Chase at pagpipigil ng ngiti. I want to hold his hand so much pero ayoko namang idistract siya sa pagsagot kay daddy kaya hinayaan ko na lang. Grabe naman kasi makapagtanong si daddy, pang Miss Universe.

Umaandar na ang chopper nang dumating kami sa rooftop ng CPI. Hindi pa ako nakakapunta dito. Napalingon ako sa nakatitig na si Chase sakin. Hindi ko naman siya kailangang titigang mabuti dahil sigurado akong uuwi ako sa kanya at maiksing panahon lang ang limang araw pero kinailangan kong titigan siyang mabuti sa harap ni daddy, Bench at mga body guards dahil paniguradong mababaliw ako sa pananabik sa kanya sa Maynila.

"We'll go now, Chase, Thank you. Eli, let's go." Tinalikuran kami ni daddy at naglakad na papuntang chopper.

Umalis na rin si Bench nang nakangisi.

Kaming dalawa na lang ni Chase ang naiwan (at yung dalawang body guard sa gilid ko).

"I think I fell in love with a princess." Ngumiti siya kahit malungkot ang mga mata niya.
"That princess will surely come back for her prince." Sabi ko.
Ngumisi siya at naramdaman ko ang pagpipigil niya sa pagyakap at pag halik sakin.

Ngumiti din ako. Nagpipigil talaga siya dahil nakita kong nag step-back siya at umiling. I took a step closer.

"Baby, don't tempt me too much-"
Nakita ko ang pagkabigla niya nang pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at nag tiptoe para halikan siya ng matagal... sa harap ni daddy.

"Eliana!" Sigaw ni daddy.

Saka ako bumitaw at ngumiti. Bakas parin ang pagkabigla sa mukha ni Chase.

"I'll come back. Text and call me..." Sabi ko kay Chase.
Ngumiti siya, "That won't be enough for me, baby. See you in Manila."

Napatalon ako sa huling sinabi ni Chase at tumakbo na papuntang chopper. YES! Pero bago siya pumuntang Manila, magkikita muna kami ni Ophelia. Siguro itetext ko siya mamaya na after 3 days or so na siya pumunta doon. I'm just so happy! Kahit na naaaninaw ko na ang nakasimangot at nag aalburotong mukha ni daddy sa chopper. I don't care.



C&♥49
Grown Up






Pinapagalitan ako ni daddy sa buong byahe pero halos di ko naman yun marinig dahil sa ingay ng chopper. Ilang sandali lang ay nag touchdown na kami sa Maynila. Sinundo kami ng SUV namin at dumiretso na sa bahay kung saan nandoon ang buong pamilya.

Si Mommy, ang kambal kong kapatid, mommy at daddy ni Bench, ang kambal kong pinsan at ang kanilang mommy at daddy rin. Isa-isa nila akong niyakap.

"I'm not done with you, yet, Eli." Banta ni daddy nang nalamon na ako sa kwentuhan at kamustahan ng lahat.

Namiss ko silang lahat. Ultimo picture frames namin sa bahay namiss ko ng sobra. Nanibago pa nga ako dahil syempre, ilang buwan ko ding di naaninag ang lahat ng ito. Maraming nagbago. Si mommy kasi mahilig sa papalit-palit ng mga furnitures kaya aniya ay dalawang beses na itong napalitan mula ng umalis ako.

"Binago ko na rin yung bed mo. I hope you're staying here for good... Wa'g ka ng bumalik dun. I heard... from your dad of course." Sabi ni mommy habang dumidikit ang dalawang kapatid ko sa magkabilang gilid ko.

Hinalikan ko silang dalawa at itinoon ulit ang pansin ko sa step mom ko.

"Kailangan kong bumalik, mom." Sabi ko.
"Para kay Chase, Eli?" Biglang sumulpot si dad.

He crossed his arms. Nakita ko ring lumapit si Bench sa sofa na inuupuan namin. Kanina lang ay nag-uusap sila ng mga kapatid niya malapit sa piano at ngayon nandito na siya sa tabi ko.

"Dad..."
"Ano ba talagang relasyon niyong dalawa?" Tanong niya.
"Who's Chase?" Tanong ni mommy.
"Her boss. How old is he, Eli?" Tanong ni daddy.
"He's 27. He's a good man." Sabi ko at nagbabadya na ang luha sa mata ko.

Please, wa'g kayong tumutol. I'm tired... Ayoko na. Puno na ako sa mga pagtutol ng mga tao sa paligid. Pinagbigyan ko na ang mga magulang ni Yuan noon at di ko alam kung kaya ko na namang ma involve sa bawal na relasyon.

"But you're just nineteen!" Lumiit ang boses ni daddy.

Natahimik silang lahat. Tahimik din ang bakulaw na si Bench. Sana tawagan niya na lang si Denise at papuntahin dito dahil gusto ko ng feedback. Baka sakali sa iksing panahon na ito ay may alam na siya tungkol sa Ophelia de los Reyes na yun.

"I'm nineteen. I'm not a child, dad!" Noon ko pa 'to gustong sabihin pero ngayon ko lang nasabi talaga.

Nalaglag ang panga ni mommy at daddy. Maging si Bench ay nanlaki na rin ang mga mata at ngumisi.

"You've grown. A lot." Yun lang ang nasabi ni daddy.

Natulala ako. Hindi ko alam na marami na palang nagbago sakin. Ngayong si dad na ang nagsabi, parang namulat ako sa mga pagbabago. Simula akong nagbago nung nag desisyon akong umalis ng Maynila. Nung dumating ako sa Cebu, mas lalong maraming nagbago sakin. Natuto akong tumayo sa sarili kong paa. Natuto akong magmahal muli. Natuto akong mag move-on. Natuto akong mabuhay.

"I'm not going to give this up, Eli. Not until I prove that he's worth it." Aniya at tinalikuran kami.
"Ella, Logan, go with your dad." Sabi ni mommy sa kambal.
"Yes, mom." Buntong hininga ni Logan at umalis na sila para sundan si daddy.

"Eliana," Sumulyap siya kay Bench bago nagpatuloy. "Wa'g mong sabihin sa daddy mo na sinabi ko sayo... there's a party coming. Tatlong araw mula ngayon. The opening branch of European flights ng joint company ng magkakapatid. Are you going to stay until that party?"
"Yes, po."
Sumulyap ulit si mommy kay Bench na parang kinakabahan.
"I'll be here for five days." Sabi ko.
Tumango siya, "That's great!" Niyakap niya ulit ako at may binulong kay Bench bago umalis.

Wala akong pakealam sa party na yun ang gusto kong malaman ay kung nasaan na si Denise at sino si Ophelia de los Reyes! Errr...

"Bukas na! Gabi na, couz. You should sleep." Ngisi niya.

Well, sige bukas na at nang matawagan ko na nga pala si Chase. Agad akong nagpunta sa kwarto ko at naisipang magswimming sa pool at tawagan si Chase mula doon.

"Hello." His voice is husky.
Napangiti ako sa boses niya, "Hello... I'm here." Sabi ko habang nasa pool.
"Nasa pool ka ba?"

Natigilan ako at napalingon sa paligid. NANDITO SIYA?

"Hello?" Humalakhak siya.
"P-Paano mo nalaman?" Nag panic agad ako at tumingin ulit sa kay manang na naglalagay ng juice sa table.
"Naririnig ko yung tubig." His laugh is sexy. "I'm still here in Cebu, baby. Don't worry."
Napahinga ako ng malalim, "Akala ko may imbestigador sa paligid." Tumawa ako.
"Damn," Mahinahong sabi niya.
"What? Why?"
"I-I miss your laugh."

Natahimik din ako at di ko mapigilang ngumiti. I bit my lip. Gosh! Sana pwedeng tumeleport.

"I miss you, more..."
He chuckled, "I wouldn't dare send my detectives and investigators near you right now. I'm guessing you have your bikini on."
Tumawa ulit ako. "Chase, not the red bikini." Sabay tingin ko sa soot ko.
"Really? May bikini ka palang hindi red?" Tumawa ulit siya.
"Of course! I'm not really a fan of red bikinis." Napangiti ako.
"I don't want you to wear bikinis, actually."
Napangisi ako lalo. "WHAT?" Tumawa ako.
"Oh, baby, don't be too green! I mean, kung pwede sana ay mas balot pa sa bikini."
"Akala ko kasi..." Tumawa ako at di ko matapos yung sinasabi ko.
"Ohh! Don't tempt me too much." Suminghap siya. "Kailan ako pupunta diyan?"

My goodness... Ang saya ko talaga kahit na nasa phone lang kami nag uusap. Syempre mas maganda parin yung sa personal. Pero bago kami mag kikita, dapat nakita ko na si Ophelia.

"I'll just tell you." Sabi ko. "Marami ka bang business meetings?"
"Yep... You're my stress reliever."
"Hmmm, sabihin mo na lang ako kailan ka free." Sabi ko habang naglalaro sa tubig.
"Aryt, baby."
Tapos naalala ko yung nangyari kanina. Nabunyag na pala ang tunay kong pagkatao! "Hey, kumusta diyan?"
He sighed, "Si mama parang baliw sa kakatanong sakin kung bakit di ko sinabi sa kanya ang tunay mong pagkatao."
Hindi ko alam kung bakit sa sinabi niyang ito ako sobrang nasiyahan. Siguro dahil alam kong kahit di alam ni madame na makapangyarihan din ang pamilyang pinanggalingan ko, natanggap niya parin ako as someone close to Chase.
"Galit na galit siya kay Natalia. Halos mag file siya ng temporary restraining order sa galit niya. How bout you? I expect your dad's angry. After that little stunt you pulled on our rooftop." He laughed.
"Oo. Don't mind him. He's just overprotective."
Napasinghap siya, "No, baby, I've got to win your dad's trust."
"You will, Chase. I know you will. I love you."
"I love you, more, baby."

Natahimik siya at yung paghinga niya lang ang naririnig ko.

"I want you to be always by my side, baby." Aniya.

It breaks my heart. Pagkatapos nito, pangako, hindi na ulit kami magkakahiwalay.



C&♥50
The First Love






Ayaw na ni Chase patagalin ang pagpunta dito pero pinigilan ko siya. Marami siyang dapat gawin sa kompanya nila at marami din akong gagawin kay Ophelia (kahit na di ko naman sinabi iyon).

Pinaulanan ako ng text ni Celine at Mary tungkol sa tunay kong pagkatao.

Celine:
Kaya pala! Ang yaman mo pala. Ba't di mo sinabi sakin? Kainis ka huh! Kailan ang balik mo? Bumalik ka ah?

Mary:
Bumalik ka na dito. Laging bad mood 'tong si Sir Chase eh. Kailan ang balik mo?

Naiisip ko na agad ang pagiging masungit ni Chase sa CPI dahil wala na naman ako. Napangiti ako habang naglalakad sa isang mall kasama si Denise.

Aniya ay after lunch na kaming pumunta kay Ophelia dahil mag sho-shopping pa siya. Hinayaan ko na lang siya dahil walang kasama. Busy si Bench ngayon sa negosyo kaya di masamahan. Okay lang din naman sa kanya, halos araw-araw din kasi silang nagkikita.

"Maganda ba 'to? Hay! Excited na talaga ako sa party! Tingin ko daming paparazzi..."

Nawala na ako sa sarili. Nawala ako sa pinasukang naming department store. Kung saan ako nawala? Hulaan niyo!

"Huy! Anong ginagawa mo dito?" Nagkasalubong ang kilay ni Denise nang nadatnan akong wala sa sariling tinitignan ang bawat suits, neck tie at marami pang iba na nakakapagpaalala sakin kay Chase. "Akala mo di kita napapansin! Kanina titig na titig ka sa isang Calvin Klein na grey suit tapos ngayon hanggang dito sa Rustan's ito parin yung mga tinititigan mo." Humalakhak siya. "Okay ka lang ba?"
Uminit ang pisngi ko, "O-Okay lang naman."
"Tsk tsk tsk." Umiling siya. "Bull's eye."

Hinila niya ako palayo sa mga suits para tignan ang iilang dress na binili niya para sa party bukas.

"Si Ophelia de los Reyes ay isang 30-year old MBA graduate ng Dartmouth College. Nagtatrabaho siya abroad at ngayong nandito siya sa Pilipinas-"
"WHAT? She's what? 30? Ba't ang bata niya pa?" Nalaglag ang panga ko pagkatapos naming kumain.
"Anong bata? Matanda kaya yan! Nineteen pa tayo-"
"Bata siya! Akala ko 40s or 50s-"
"Huh? Teka, teka... para saan ba 'to at ba't mo pinaparesearch sakin?"

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng tungkol kay Chase. Hindi naman siguro masama kung banggitin ko yun kay D gayung di naman ito lihim at mapagkakatiwalaan naman si D.

"Really?! Wow! May dirty little secret pala 'tong boyfriend mo-"
"Pero wala na sila." Sabi ko.
Umiling ulit siya, "Tsk tsk tsk. We should go now. As in now..." Ngumisi siya at hinila ulit ako papuntang sasakyan namin para dumiretso na sa school at nang ma meet na si Ophelia.

Grabe yung kaba ko. Halos tumakbo na ang puso ko sa kaba habang lumiliko kami sa street ng school. Shemay! Lord, tulungan niyo po ako! Kaya ko 'to! Kaya ko 'to!

"Darthmouth College, not bad talaga. Mayaman siguro itong si Ophelia de los Reyes. Ano kayang nangyari at bakit nandito siya sa Pilipinas? Siguro may negosyo or something. She graduated as summa cum laude nung kapanahunan niya at the age of nineteen. Really good, huh? Twenty na ako next January, ibig sabihin gagraduate akong 20 this March. Kahit na summa cum laude akong gagraduate parang walang makakatalo sa kanya kasi nineteen siya nung gumraduate siya-"
"Denise, stop it. You're making me nervous."
Ngumisi siya, "Don't be..."
"Naiinsecure ako sa mga sinabi mo tungkol sa kanya." Napalunok ako.

Ito yung mga salitang hindi ko kayang sabihin sa harap ni Chase. Kaya kong sabihin kay Denise dahil matagal na kaming magkaibigan... Ayoko ding malaman ni Chase na naiinsecure ako sa ex niya.

Nalaglag ang panga niya nang nakita akong nagpapanic nang nagpark ang sasakyan.

"You are Eliana Jimenez, ba't ka maiinsecure?" Sabi niya.
"Because she's mature. Because she's great. Because she's smart. Ivy League kaya yung pinanggalingan niya!" Napahinga ako ng malalim. "At anong maipagmamalaki ko? Na anak ako ni Andrew Jimenez? Ituturo ko ang family crest namin sa mga produkto ng kompanya. Tagapagmana lang ako samantalang pinaghirapan niya ang estado ng tinatamasa niyang buhay. Anong laban ko?"

Nanlaki ang mga mata niya at parang tatawa pa sa sinabi ko. Ngumisi siya at umirap...

"That's not what I meant, Eli... Ang ibig kong sabihin ay ikaw si Eliana Jimenez, mahal ka ni Chase. Kung tunay na deserving siya sayo, kahit ilang medalya pa ang ipakita ng Ophelia na yan, ikaw ang pipiliin niya dahil ikaw ang gusto niyang makasama. That's that. You don't love someone because of material things. Natanong mo na ba kay Chase kung bakit ikaw ang minahal niya? ask him."
Natulala ako sa sinabi niya.
"You've grown a lot, Eli." Ngumiti siya.

Naintindihan ko ang sinabi ni Denise. Tama siya. Pero hindi ko naman maiwasang mainsecure talaga. Maaring habang tumatagal ay matutunan kong mas maging mature at maiwasan ko ang pagiging insecure. Sa ngayon, hindi ko pa yun natututunan. Kung matutunan ko man yun hindi agad-agad. One step at a time...

"Pasok-" Sabi nung secretary sa labas ng faculty room ng Business Department.

Pumasok ako sa loob at naaninaw ko ang mga opisina ng mga naging professor ko noon. Naabutan pa ako ng fifteen minutes bago ko mahanap ang opisina ni Ophelia de los Reyes.

Kumatok ako. Kasabay ng pagkatok ko ay ang kabang nararamdaman. Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at agad kong nakita ang isang makinis, matangos ang ilong, maputi, at napakagandang babae.

Oh my God! Baka sakaling hindi ito si Ophelia de los Reyes. She looked at me through her eye glasses.

"Nandito po ba si Ophelia de los Reyes?" I'm not even sure why I'm here right now.

Tinuro niya ang nasa harapan niyang may nakalagay na 'Dr. Ophelia de los Reyes, DPA, MBA...'

Napalunok ako at ngumiti siya.

"Ako si Ophelia de los Reyes. Bakit, miss?"

Bakit di sinabi ni Chase sakin na bata pa pala itong si Ophelia de los Reyes? Bakit di niya sinabi saking maganda si Ophelia? Bakit di ko alam?! Bakit ako nandito?! Ano ang sadya ko dito? Uuwi na nga lang ako! Kainis! Bad moves! Akala ko gurang na siya? Akala ko kulubot ang balat? Akala ko... Ang dami kong maling akala!!!



Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText