Fall 85-90
86th fall
Serene Cruz: May bagyo ba?
"Pumasok na tayo." He said while looking at the sky.
"Hmm. May bagyo ba?" Tanong ko nang nakita kong mejo di masyadong clear ang langit.
"Oo."
Hinawakan niya ang kamay ko, kaya napangiti ako sa kanya.
Naglakad kami papasok sa bahay nila nang sinalubong kami ni... Francine.
Hinila ako ni Dae sa likuran niya at mas lalong humigpit ang hawak nito nang napansin ang mood ni Francine - kasing sama ng panahon.
"Dae,-"
"Ba't ka andito?"
"Don't ask me like that!"
Linapitan niya kaming dalawa. Mejo napaatras ako, ewan ko kung bakit.
Ngumiti si Francine at... "Eto na ba ang right time?"
Kumapit siya sa kabilang braso ni Dae. Anong pinagsasabi niya?
"What?" Sabi ni Dae.
Kinalas ni Francine ang kamay niya sa braso ni Dae.
"Anong pinagsasabi mo? Pagkatapos mong umamin sa ex mo-"
Linagpasan na ni Dae si Francine. Mabilis ang paglalakad niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko.
OMG OMG! Anong sinabi ni Francine? EX? Narinig kaya yun ni Dae?
"Dae! Hey! Dae! Wait~" Tumakbo si Francine at inabutan niya kami.
Kinalas niya ang kamay naming dalawa pero agad namang hinawakan ulit ni Dae ang kamay ko. Awww. Hindi niya ako pakakawalan! Behlat!
"Just what is the meaning of this?" Tanong niya habang tinitingnan ang kamay namin ni Dae na magkahawak.
Tahimik kaming tatlo nang parang 5 seconds.
"Alam na ng mama at papa mo na nagkabalikan tayo!"
HA? Umabot ulit ng limang segundo bago may nagsalita...
"Don't tell me..." Napailing siya.
Hindi nakapagsalita si Dae kaya mejo pinanghinaan ako ng loob at napakalas ako sa kamay niya, pero agad niya namang hinawakan ulit ng mas mahigpit ito.
"Anong nagkabalikan? Kami na ni Serene... what are you talking about?" Napailing si Dae at nagpatuloy sa paglalakad.
"Dae~" Hinawakan niya ulit ang braso ni Dae.
Malapit na kaming makapasok sa loob ng bahay nina Dae.
"Francine, umuwi ka na." He said calmly.
Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa dining area. Nabigla ako nang kahit dito'y sinundan kami ni Francine.
"O... Andito ka na pala, Dae. And... Francine, where did you go? Kakain na tayo?"
Sumambulat sa akin si Charlotte.
Si Charlotte. Charlotte's here. O-EMMM-GEEEE.
"O, Dae. Lika na, let's eat together. And... andito ka pala-" Sabi ng mama ni Dae.
Nabigla ako nang parehong nanghina ang mga kamay namin ni Dae at pareho namin itong kinalas.
"-Serene. Kumain ka na rin."
OMG~!
"Oh... Serene's here? Why? Di ka ba magseselos, Francine?" Nakangisi lang si Charlotte habang nakatingin kay Francine.
Dae's looking at Charlotte and he looked shocked. Shocked. Dahil ba sa pagka 'shock' niya eh nawalan siya ng lakas at nabitawan ang kamay ko? O dahil... dahil... may nararamdaman parin siya?
Ano kaya ang nararamdaman niya ngayon? Tulad kaya yun sa naramdaman ko nang nakita ko siyang muli noong galing akong America?
87th fall
Serene Cruz: Mukhang.. totoo...
"Nagkabalikan pala kayo ni Francine? Di mo sinabi..." Sabi ng mama ni Dae sa kanya.
"Hi-Hindi~"
"Ohhhh, bakit? Naghiwalay pala sila, tita?" Tanong ni Charlotte sa mama ni Dae.
Si Dae naman eh mejo tulala parin. Nanginginig na ang kamay ko't nararamdaman ko na ang pagiging extra ko sa scene na `to. Bakit ba kasi ako nandito? Anong ginagawa ko dito at sinong nagdala sa akin?
"Oo. Dae, Serene, Francine... Lina kayo."
"Uh, sorry tita, uh... may naiwan ako sa labas...~ excuse me." Sabi ko.
Agad kong tinalikuran silang lahat. Dae didn't even bother to call me. Nang nakarating na ako sa gate nila, saka niya lang ako tinawag.
"Serene~"
"Dae, may naiwan ako..." My voice broke.
"Huh? Saan?"
My tears fell.
Agad kong pinunasan `to at mukhang di pa naman napapansin ni Dae. Charlotte is already behind him.
"Dae," She called.
Dae was like stunned, that he can't even turn around and look at her.
Pinara ko na ang taxi na nakita ko. Agad akong pumasok at di na tumingin sa labas.
Hindi ko na alm kung ano talaga ang nararamdaman ko sa mga oras na `to. Nagseselos? Natatakot? Ano? Pakiramdam ko marami pang problemang hindi naayos si Dae. Naramdaman kong hindi pa siya ready sa isang relationship nang nakita niya si Charlotte. Sinampal ulit sa akin ang katotohanang hindi talaga para sa akin si Dae.
"Manong pakibilisan po." Sabi ko.
"Uh, saan po ba tayo pupunta?"
Hindi ko na alam kung saan pupunta. Kaya bumaba na lang ako. Maraming tao sa binabaan ko kaya imbis na manatili ako dun, naglakad ulit ako. Di ko parin alam kung saan ako pupunta.
Sa totoo lang, gustong-gusto ko ng umiyak, kaso pinipigilan ko dahil ayaw ko na ulit magmukhang tanga kahit sa harapan pa ng mga taong di ko naman kilala. Pero sigurado akong pag may bumangga sakin dito o kahit isang kalabit lang tutulo na talaga ang mga luha ko.
"Serene~?" I heard a familiar voice.
I turned around to look. Blurred na ang paningin ko dahil sa luhang bumaba na sa kanikanilang glands.
"Nic-" My tears fell.
"Ba't ka umiiyak?" Agad siyang lumapit sa akin.
Naramdaman ko na lang ang yakap niya pagkatapos kong punasan ang mga luha ko.
"Nico, 30 minutes lang ang break." Sabi ng isang lalaki.
"Opo." He said.
"Ni-Nico? Sorry." Kinalas niya ang pagkakayakap niya.
"What happened?"
"Nasa gitna ka ba ng taping?" Tanong ko.
"Oo. Saan ka galing?" He asked with his serious face. No smile.
"Hindi ko naman alam na dito pala kayo nagshoot. Anyway, napadaan lang ako." Lalagpasan ko na sana siya pero seryosong seryoso ang mga titig niya at halatang di ako pakakawalan hanggat di ko siya nasasagot.
"Asan si Dae?" Tanong niya.
"Ahhh." I smiled. "Nasa bahay nila."
"Ba't ka umiiyak?"
I can't talk or say anything like.... what? Ano naman ang sasabihin ko? Na iniwan ko kasi si Dae kasama yung first love niyang mukhang di pa ata niya nalilimutan?
"Serene... tell me, please? What happened? Kaibigan mo rin ako."
He stared at me in silence. Di ako umimik at di rin siya umimik.
"Totoo bang first love never dies?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot.
"Mukhang.. totoo..." I answered my own question. "Totoo sa akin... Kay Dae, totoo rin kaya?"
"Dae's first love?" He said gently. "Iniwan ka ba niya para sa first love niya?"
OMGEE~ He didn't, right?
"What happened?" His voice sounded like he's going to kill someone if i'd say so.
"Ser-" Narinig ko ang malakas at mabilis na paghinga ni Dae. He bended his knees as he catched his breath. "Serene."
Napatayo si Nico habang iniisip ko ulit kung paano ako lalayo kay Dae.
88th fall
Serene Cruz: -walang closure.
Sinuntok agad ni Nico si Dae.
Nagkagulo at mukhang nabigla ang mga tao sa shoot nina Nico.
"Dae, ano pa ba ang gusto mo? Nasasayo na siya ah?" He punched Dae again.
"Nico~" I held Nico's arms.
Inawat narin si Nico ng mga tao doon.
"You know I love Serene so much! Kaya nagawa kong magparaya... tapos anong ginawa mo?!?!" Nico shouted.
I've never seen him like that. Galit na galit siya at hindi kapanipaniwalang ganoon talaga siya kagalit ngayon.
Nakaupo si Dae dulot nang pagkakasuntok ni Nico kanina. Hindi siya umiimik at mas lalong hindi siya nanlaban.
"Nico, s-sor..."
I don't know what to do, I felt so guilty.
Dumami na ang tao at mukhang may nakiusisa na rin. Napansin ito ni Nico kaya... "Serene, lahat ng sinabi ko kanina-" I glanced at his face. Nakatitig siya kay Dae at hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. "-hindi totoo. Wa'g mo na yung pansinin."
Tumayo si Dae nang dumami na nga ang tao at may nakakikilala na sa kanya. Buti na nga lang at biglang umulan kaya nabasan ang nakiusisa at sumilong ang mga may dalang camera.
Gusto ko na ring sumilong kaya lang ayaw gumalaw ni Nico at nakatayo lang din si Dae sa harapan namin.
I got a weird feeling.....
Sa isang iglap lang kumidlat at alam na ng sistema ko na pagkatapos ng kidlat na iyon, ay ang... kulog na kinakatakutan ko!
"AHHHH~!"
Hindi ko alam kung paano yun ginawa ni Dae pero ang bilis niya at agad akong yinakap bago pa magsimulang kumulog. Yinakap niya ako na parang walang kahit anong pwedeng manakit sa akin. Wala na rin akong pakealam kung galit ako sa kanya ngayon, basta ang alam ko masaya na ako't di niya kinalimutang takot ako sa kulog. Ang babaw talaga, pero oo - talagang masaya na ako.
"Ba't ka biglang umalis? LOKO KA TALAGA!" Sigaw niya habang nasa loob kami ng kotse.
Umuulan sa labas at si Nico naman eh andun parin sa lugar ng shooting nila.
Hindi na ako nagsalita.
"Paano kung may nangyari sayo?! HA?!" Sigaw niya ulit.
Kahit na malakas ang ulan, malinaw parin sa pandinig ko ang mga pinagsasabi ni Dae.
"Hindi alam ni Nico na takot ka sa kulog, tapos sa kanya ka tatakbo!?"
Napatingin ako sa kanya... pero nakatingin siya sa labas at mukhang galit na galit talaga siya sa ginawa ko. Lumingon siya sa akin...
"Ano? Wala ka man lang bang sasabihin?"
Hindi parin ako makapagsalita. Ano kaya ang nangyari? Nag-usap na kaya sila ni Charlotte? What now?
"Serene! Ano ba? Nagseselos ka ba?"
I looked away. Humiliated. Pissed with his question.
Kahit mejo nanginginig na ako dito at basang basa parin sa ulan, nakakaya ko paring mag-inarte.
"Francine and I are done..." He said seriously.
"Charlotte and you..." Bulong ko sa bintana.
Naramdaman kong lumingon siya sakin. Nakita ko ang repleksyon niya sa bintana na nakatingin sa akin.
"-walang closure." Sabi ko.
Yeah! I want him to be pissed too. Hindi ko nga lang alam kung bakit.
He sighed and he looked pissed too.
Pinatay niya ang aircon - hindi ko nga lang alam kung dahil ba giniginaw na rin siya o dahil napansin niyang giniginaw ako.
"They're both my past, Serene~!" Sabi niya habang tinititigan ako.
Alam kong matutunaw ang puso ko kung titingin ako sa kanya kaya sinugurado kong sa harap lang ako nakatingin - at walang imik.
Sinapak niya ang manibela pagkatapos ng mukhang labinglimang minutong pagtitig sa akin at di ko man lang pinansin, di ko man lang kinausap.
Humupa na ang ulan at agad niyang pinaandar ang sasakyan. Mabilis at matulin ang takbo ng sasakyan, halatang galit siya. Pero gaano man kabilis ang pagtakbo nito, I still feel safe.
Kaya lang, di parin ako makangiti o makaimik. Pero di ko rin magawang magalit sa kanya, basta ang alam ko, nasaktan ako nang bitiwan niya ang kamay ko pagkakita kay Charlotte.
89th fall
Serene Cruz: What? Yeah.
Bumaba siya sa sasakyan nang nakarating na kami sa bahay nila. Umikot siya sa harapan at binuksan ang pintuan.
"Lika na..." Ilinahad niya ang kamay niya.
Nakatitig lang ako sa kanya at napansin kong basangbasa parin ang buhok niya pati ang soot niya. Mejo umuulan sa labas pero nakatayo si Dae at hinihintay ang kamay ko.
Biglang kumidlat. Alam na alam kong kulog na ang susunod kaya tatakpan ko na sana ang tenga ko pero hinila niya ang kamay ko't yinakap.
"D-Dae,"
"Pumasok na tayo. Di pa kita naipapakilala sa kanila." He said gently while holding my hand.
Sinarado niya ang pintuan ng sasakyan at naglakad papasok sa bahay nila hawak-hawak ang kamay ko.
Dumiretso kami sa dining room. Tapos na silang kumain at nag-uusap usap na lang sila. Tumayo si Francine para salubungin kami.
"O... Saan ba kayo nang galing?" Tanong ng mama ni Dae.
Mas lalong hinigpitan ni Dae ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Dae, kumain na ba kayo? Hindi mo ba nakikitang andito si Francine? Uh-" Tanong ng papa ni Dae habang nakatingin sa magkahawak naming kamay.
Hanggang ngayon nakatayo parin kami at hindi ko alam kung anong gagawin ni Dae dito.
"Ehemmm. Tapos na kaming kumain. Sige, kayo na lang muna dito. Sa labas lang kami ng mama mo-"
"Pa..."
Natahimik ang lahat.
"Ma, Pa..." Sumulyap siya sa akin. "Si Serene po ang girlfriend ko."
OMG.
"Ah~" His mom and dad laughed. Nagbulungan din sila kaya mejo na tense na ako. "Uh... Okay-" Pati ata ang mga magulang ni Dae eh naguluhan sa sitwasyon.
Tumayo sila at iniwan ang mesa. Napatayo din si Charlotte.
"Uh, hija... Sa labas lang kami ng tito mo ah? Diba gusto mong kamustahin si Dae?" His mom smiled at Charlotte.
"Opo. Sige po." Umupo ulit si Charlotte.
Francine looked confused. Umupo na rin siya sa upuan niya tulad ni Charlotte.
"Serene, sorry~..." Sabi ng papa ni Dae sakin ng pabulong. "Ikaw naman Dae... fix this. Kumplikado na ata ang sitwasyon..."
"Opo."
Kinurot naman ng mama ni Dae ang pisngi nito.
"Aw-"
"IKaw talaga... Ayusin mo yan!" She whispered in his ears.
Ewan ko pero gusto kong tumawa. Hindi na lang ako nagpahalata para di masira ang moment kong 'galit-daw'.
Umupo na kami ni Dae. Kaharap niya si Charlotte, kaharap ko naman si Francine.
"Kamusta, Dae?" Tanong ni Charlotte.
Hindi pa pala sila nag-uusap kahit galing na kami dito.
"Akala ko..." Sumulyap siya sakin. "Francine ang pangalan ng girlfriend mo?"
Katahimikan.
"Sinabi kasi ni Francine..." Lumingon si Charlotte kay Francine. "nang tinanong ko siya kung siya ba ang girlfriend mo, 'oo' daw."
"Totoo naman-"
"No you're not!" Charlotte laughed.
"Aba't talaga naman-" Francine pushed Charlotte.
Kaya nahulog si Charlotte sa kinauupuan niya. Agad namang tumulong si Dae kay Charlotte. Tinulungan niyang makatayo `to.
"Aww." Tumayo si Charlotte with Dae's hands. "Thank you."
"Sh-" Francine pushed her again.
"Francine! Tama na~!" Sigaw ni Dae.
Francine's almost crying. Ewan ko ba pero naawa ako kay Francine.
"D-Dae, tama na." Sabi ko.
Taena, oo gaga ako. Basta! Naawa ako sa kanya. At di ko maatim na walang gawin dito habang nagmomoment yung dalawa. Charlotte's still holding Dae's hand.
Bwisit.
"Nasasaktan na siya."
Binawi ni Dae ang kamay niya kay Charlotte at umupo na ulit ng maayos.
I sighed. Nakatitig lang at nakapangalumbaba si Charlotte sa akin habang pinapakalma ni Francine ang sarili niya.
"Nakakatakot pala ang EX MO!" Charlotte laughed. "And... hmmm, ang baet ng present!"
Tahimik parin. Dae? Say something!
"Walang closure yung relationship namin ni Dae, Serene eh. So, naiintindihan ko ang pagwo-walk out mo kanina. Mukhang natakot ka dahil andito ako."
'H-Hindi ah!"
"Aminin mo na kasi!" She winked.
Kay Dae na naman ang mga tingin niya.
"Kamusta?"
Katahimikan.
"Nothing has changed?" She laughed.
NOTHING HAS CHANGED? WTF? Okay. DIRTY MINDED. Sige Dae! Wa'g mong sagutin, iiwanan ulit kita.
"Everything has changed."
OWWW. Er..
"Oh. Interesting."
Sumulyap si Dae sa akin.
"Alis na ako..." Tumayo si Francine.
"H-Huh? Why?" Charlotte asked. The sarcasm~ >:(
Pinandilatan ni Francine si Charlotte.
"Sorry Serene ah?" Her tears are forming in her eyes again. "Sorry din, Dae."
Bago siya nakaalis ng tuluyan sa dining room...
"Ah. Francine, okay lang ba kung sasamahan kita paglabas?"
"Serene~!" Dae interrupted.
"Hindi ako aalis." I glanced at him. "Ihahatid ko lang siya."
"Pero~"
"What?"
Hindi niya ata kayang makipag-usap sa first love niya na sila lang dalawa.
"Mabuti na rin yung makapag-usap kayo at magkalinawan kayo kung ano man yung namamagitan parin sa inyo hanggang ngayon!" I said without thinking.
Tumayo ako para samahan na nga si Francine, hinila naman agad ni Dae ang braso ko.
"You know what?" OMG. "You have no idea how much I love you." Hinalikan niya ako sa pisngi. "And I don't want you to feel the insecurities you are feeling right now." Nakatitig lang si Francine habang kitang kita sa mukha ni Charlotte ang pagiging interesado sa ginawa ni Dae.
I feel... embarassed! HAHAHA. OMG.
"Uh~ What? Yeah." Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo kay Francine.
Speechless.
"Hey, you are not expressive! I know you... OMGEEE, you did that to her? Sooo kilig!" Yun na lang ang narinig ko nang papaalis na kami ni Francine sa loob ng bahay.
Sabay pa ang tili ni Charlotte na parang nanood ng isang kilig na love story. What?
I DON'T REALLY KNOW WHY IS SHE EVEN HERE AND I THOUGHT SHE'S STILL INLOVE WITH DAE?
HER ACTIONS DOESN'T SHOW. Lecheee. At iniwan ko pa silang dalawa doon.
Ehem... Okay lang. Sabi ni Dae eh, mahal niya daw ako.
90th fall
Serene Cruz: Akala ko ba di ka iibig sakin?
Kailangan kong marinig ang pinag-usapan nila! ERRRR. Kaya todo ang dikit ko sa dingding ng dining room nina Dae. Ayaw ko namang pumasok dahil baka istorbo lang-
"O, Serene..." Narinig ko ang munting halakhak ni Charlotte.
Andun na rin si Dae sa likuran niya.
"O-O... tapos na kayong mag-usap?" How embarassing.
"Oo." Tumawa ulit siya.
Tinitigan ko si Dae nang lumapit siya sakin.
"Anong sasabihin mo sa kanya?" Tanong niya kay Charlotte.
"Huh?"
"Wala ka na dun... Serene," Hinawakan ni Charlotte ang kamay ko't hinila ako papalabas ng bahay nina Dae.
Sumunod si Dae pero nang nakalabas na kami sa bahay nila, tumigil na siya't mukhang naging kontento na siya sa pagtingin samin sa malayo.
"Umupo ka." Sabi ni Charlotte habang itinuturo ang upuan sa garden nina Dae.
Tiningnan ko si Dae na nasa loob lang at parang di mapakali.
"O-Okay." Umupo ako. "B-Bakit?"
"May mga tanong ka ba?" Sumulyap siya kay Dae at mukhang may sasabihin siyang sikreto.
"A-Anong tanong?"
"Tanong... Tungkol kay Dae."
"Bakit?"
"Sige na! Tanungin mo na ako ngayon, babalik ako ng Canada bukas. Sige ka..."
"HUH? Babalik ka ng Canada? Akala ko-"
"Babalik ako ng Canada... Dun na ako for good. Tsaka, may boyfriend na ako dun, so..."
Teka lang ah? Sink in...
"Whatttt?"
Nakapangalumbaba ulit siya habang tinitingnan ang reaksyon ko.
"Akala ko ba di ka pa nakakarecover kay Dae? Diba sabi mo-"
"Loko lang yun. Gusto ko lang makita yung reaksyon mo."
"Huh? Pero... Bakit ako? Di naman ako ang girlfriend ni- I mean... That time..."
"Alam kong may gusto ka kay Daesimula noon, kaya tinitingnan ko kung may gusto ka pa nga sa kanya."
Katahimikan. I am relieved. SOOOO RELIEVED.
"Honest mistake lang talaga yung akala ko si Francine parin ang girlfriend ni Dae, tapos sinakyan niya naman ako kaya... don't blame me." She smiled.
"Kung ganun... wala ka ng feelings kay Dae?"
She chuckled, "Wala na... I got my hot boyfriend... Love him much."
Napabuntong-hininga ako. Grabe, supeeer inabangan ko ang mangyayari sa pagbabalik ni Charlotte, mabuti na lang talaga.
"So... Kung ayaw mong magtanong, hmmmm...-"
"Uh... Te-teka... Bakit kayo nag break ni Dae noon?" Tanong ko.
Sumulyap ako kay Dae at nandoon parin siya't mukhang malalim ang iniisip. Hindi niya naman siguro kami naririnig.
"Finally..."
Charlotte sighed.
"Bago kami umalis noon, usapan namin ni Dae na kakayanin namin ang long-distance relationship." She glanced at Dae. "Days before we parted, dumalas yung pag-inom niya..."
What? LOL. Listen, Serene! These are the things you missed.
"Isang gabi bago kami umalis, lasing na lasing siyang hinatid ko sa bahay nila. Nakahiga siya dun sa sofa nila, iiwanan ko na sana siya pero... ang sabi niya..." She glanced at Dae again.
BREATH, Serene.
"'Wag mo akong iwan....-'"
And?
"'-Serene.'"
"Huh?"
She laughed, "Yeah. he said that. At dahil masyado akong nasaktan sa sinabi niya. Alam kong maliit na bagay lang yun para makipagbreak ako sa kanya pero..."
"Bakit niya sinabi yun?" Tanong ko, at mukhang nagiging boba na naman ako.
"My God! Anong klaseng tanong yan? Eh syempre... di ko alam!" She said. "Tanungin mo kaya siya?"
Kaya siguro walang nakakaalam kung bakit sila nag break eh dahil... nonsense.
"Noong papaalis na ako, sa airport... Sinabi ko sa kanya na kayo ang magkakatuluyan. Pagbalik mo dito, sigurado akong mamahalin ka niya. Nagalit siya sa mga sinabi ko, kaya... nagtalo kami. Walang kwenta daw yung rason ko sa pakikipagbreak sa kanya..."
Katahimikan.
Speechless.
"Dahil sa galit niya, sinabi niyang hinding-hindi siya iibig sa'yo."
"I've heard that for a million times."
"Ako rin."
Awww. You can't escape me, Dae. You can't resist my love.
"Tanong niya sakin kanina kung kaya ko bang mapredict ang future. HAHAHA. Tsaka, infairness, ang expressive niya ngayon. Lam mo noon, kahit kami na, puro notes lang yung natatanggap ko. At parang bato siya pagkaharap mo na. Pero ngayon, hmmmm, siguro malakas ang kalaban nun kaya..." She laughed.
I don't know if I can still laugh. Masaya ako pero...- masyado na akong masaya.
"O, Ba't ka umiiyak?" She laughed harder.
I wiped my tears. OMG. Tears of joy. Nang nakita ni Dae ang nangyari, agad siyang tumakbo sa amin at...
"Ba't ka umiiyak?" Umupo siya sa harapan ko at pinunasan ang luha ko.
"W-Wala..."
Dae looked at Charlotte.
"Ano bang sinabi mo?"
"Wala ah! Kung ano man yun, di ko siya nasaktan ah!" Sabi niya.
"Wala, Dae. May napag-usapan lang kami."
"Oo nga. Hmmm." Charlotte sighed. "Binilang lang namin kung ilang ulit mong sinabi na di ka iibig sa kanya."
"A-"
"O... diba? Speechless ka!"
Ilang sandali ang nakalipas, ganun parin ang posisyon ni Dae habang binabantayan ang mga mata ko. Binabantayan ang pag-iyak ko. Pero kung ganun ang gagawin niya sakin, bakit pa ako iiyak, diba?
"Yo!"
"Crayon, Sophie-"
Biglang pumasok si Sophie at Crayon sa eksena.
Parang nabigla na rin ang dalawa ng makita si Charlotte. Nakita ko rin ang pag-aalala ni Sophie sa akin.
"O sige, gabing gabi na. My Dad's waiting for me." Tumayo si Charlotte at nagpaalam na.
Di naman siya pinigilan ni Dae at wala na ring nasabi sina Sophie at Crayon hanggang sa umalis na siya.
"What was that?" Crayon asked Dae.
Kinaladkad narin ako ni Sophie papalayo kina Dae at Crayon.
"Ano yun? Si Charlotte yun ah. Anong nangyari?"
Wala parin akong masabi kaya ngumiti na lang ako.
"Are you alright?"
"Oo." I smiled at Sophie.
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Malayo kami kina Crayon at Dae pero pagkatapos kong ikuwento kay Sophie ang lahat... pero narinig ko parin ang sinabi ni Dae kay Crayon...
"Maybe, I've hurted her so much - too much - that the only thing that I can do for her, right now until forever, is to love her."
Napalingon ako sa kanilang dalawa. Papunta sila sa amin ni Sophie.
"So, what now? Double date?" Tumawa si Crayon habang inaakbayan si Sophie.
"Sure!" Sabi ni Dae.
Tumawa si Sophie at Crayon at naunang maglakad sa amin. Nasa likuran kami ni Dae nang inakbayan niya rin ako tulad ng ginawa ni Crayon kay Sophie. I glared at him and watched him as he sighed.
"Akala ko ba di ka iibig sakin?" Tanong ko kay Dae, iinisin ko sana.
Dae smiled an evil smile for me as he whispered, "I didn't managed to escape from your love. So this time, I won't let you escape too."
I loved Dae. I'm loving Dae. And I will love Dae.
Kahit masyadong masakit ang mga sinapit ko sa kanya pagkatapos ng halos sampung taon, okay lang. Basta ba may kahit isang minutong ganito siya... Ang halos sampung taon na yun, eh binalewala ko na. Nakalimutan ko na ang mga sakit na nangyari... parang di niya ako nasaktan kahit kailan.
Labels: Downfall Chronicles
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;