sixtysix-seventy
SIXTYSIX
Celestine Herrera: Alis na tayo dito!
"Hello, Ate Cel? N-Nakauwi ka na ba?"
"Hindi pa. Nasa school pa ako, bakit?"
Maingay sa paligid ni Nica, naririnig ko yung malakas na tugtugin.
"Uhm... kasi si Kuya, nandito sa isang bar... naglalasing!"
WHOAAAAAAAAA?
"Ha? SAAN?"
Naramdaman ko ang kabog ng puso ko.
"Sa E50. Pinapauwi ko, kaso ayaw niya. Hindi pa naman siya ganun ka lasing, pero baka kasi malasing siya ng tuluyan, dala pa naman niya yung sasakyan niya."
"Huh? O... sige, pupuntahan kita diyan. Hintayin mo ako."
"Okay lang ba?"
"Oo. Sige, bye..."
Binaba ko ang phone habang natutulala.
Bakit naglasing si Gab? Dahil ba ayaw ko paring makipagbati?
"Uhm, Dex... pupuntahan ko lang si Nica ah? Sabay na daw kami pag-uwi eh. Okay lang ba na sa kanya na ako sasabay?"
Cel, ayan ka na naman. Nagsisinungaling ka na naman! Pasensya na, Dexter.
"Si Nica nga pala yung kapatid ni Gab..." Pahabol ko.
"Ah. O sige, nasaan ba siya?"
"N-Nandun malapit sa isang bar. Okay lang?"
Papunta na sana kami sa sasakyan niya eh, pero tumigil kami dahil dito.
Ngumiti siya, "Nukaba, okay lang syempre!"
"Si-Sige... Salamat ulit."
Gosh! Nagui-guilty ako dahil ako na nga yung nagpatulong sa kanya, nang-iiwan pa ako. Okay lang kaya talaga yun? Bahala na nga! Tsaka, isa pa, dapat sasagutin ko na sana siya eh. Kay dami-dami namang interruptions. Ngayon ko lang tuloy naalala ulit ang tungkol dun.
Dumating ako agad sa E50. Syempre, ano pa bang ini-expect mo, edi maraming tao. Madilim at maraming nag sasayaw. Nasa labas din ang sasakyan ni Gab kaya talagang mukhang nandito siya.
"Ate!" May tumawag sakin galing sa isang table.
Naaninaw ko si Gab, Nica at ang dalawang kaibigan ni Nica. Nakikita kong worried si Nica sa kinauupuan niya.
Linapitan ko sila at... "Ba`t ka nandito?" Yun ang sinalubong sakin ni Gab.
"Shut up, kuya! Pinahiya mo pa ako kay Ate Cel kanina! Naglakas loob pa akong tawagan siya dahil sabi mo, 'I need Cel!'"
Natigilan ako. I NEED CEL?
Lumagok ulit si Gab sa alak niya... At narealize kong hindi naman siya mag-isa, nandun din kasi ang ibang teammates niya sumasayaw.
"Kuya! Umuwi na nga tayo!" Sabi ni Nica habang hinihila ang braso ni Gab. "Ang hirap kayang pumasok dito! Umuwi na tayo, kuya!"
Nakatunganga lang ako habang nakikita siyang lagok nang lagok ng alak.
"Hoy!" Hinila ko na rin ang braso niya. "Huy!"
"Ano ba?!" Lagok ulit.
"Tama na nga yan!" Kinuha ko yung alak niya.
"Ano ba?! Pabayaan mo nga ako!" Sabi niya.
Pulang-pula na ang pisngi nito at halatang mejo natamaan na.
"Ate, pauwi na kami nung nakita ko yung sasakyan niya dito. Chineck ko lang kung anong ginagawa niya dito, pero naabutan ko siyang ganito."
Tumango ako.
"Nica..." Tawag ng isang kaklase ni Nica.
May lumapit saming waiter!
"Underage pa kayo, ano?" Tanong nung waiter sa kaklase ni Nica.
Halatang nagpanic silang tatlo at mukhang hindi nila alam ang gagawin.
"Oo! Umuwi na nga kayo! Ikaw, Nica... umuwi ka na rin." Sabi ni Gab.
Potek!
"Pasensya na, miss. Pero kailangan niyong lumabas." Sabi ng waiter kina Nica.
"P-Pero..."
"Sorry talaga, bilin yan ng management. Tsaka, hindi niyo ba alam yun?"
"Nica, sige na... ako na ang bahala sa kuya mo." Sabi ko kay Nica.
"Sigurado ka?"
"Oo. Umuwi ka na... susunod na kami... Tsaka... ano, wa`g mo siyang ilaglag sa parents mo ah?"
"O-O sige... Sorry ate..." Tumayo si Nica.
Hindi parin sila tinantanan ng waiter kaya tuluyan na silang umalis.
"Gab!" Kinuha ko ulit yung alak. "Tama na nga yan, lasing ka na!"
Tiningnan niya ako.
"Ba`t ka nandito? Diba galit ka sakin?!" Binawi niya sakin ang alak pero hindi ko binigay sa kanya.
"Wa`g ka ngang ganyan! Hinahanap mo raw ako, sabi ni Nica eh! Tapos, ganyan kang magsalita ngayon?"
Of course, Cel! Lasing na yan!
"OO, CEL!!! KAILANGAN KITA!"
HOOOOPS! Ano daw? K-K-Kailangan? Ni Gab... si Cel? Again, lasing siya Cel, wa`g kang engot diyan!
"Kailangan mo ko? Maganda naman ang girlfriend mo, ba`t kakailanganin mo pa ako?"
"Lintik na girlfriend na yan!!!"
Bakit? May problema sila?!
"Lintikkkk! Magsama sila!!!" Sigaw siya ng sigaw dito.
"Bakit?"
"May ibang lalaki siya! Two timer! B1tch!"
Anoooo? Si Gianna, buking na? Akala ko ba iniwan niya na yung isang boyfriend niya, yung si Dino? Napakawalanghiya talaga ng babaeng yun! BUUUUSHET! Akala ko iniwan niya na! Ayan tuloy, sinuportahan ko si Gab! Sinuportahan ko silang dalawa para sa isa't-isa! BWISIT NA GIANNA! SUMPAIN!
"Sabihin mo sa kanya yan pag magkikita kayo ah?!"
"B-Bakit?"
"Sinampal-sampal niya pa ako dito kanina!" Sabay turo sa pisngi niya. "Totoo naman yung sinabi ko! B1tch! All this time, akala ko ako lang? Cel!" Tumigil siya at mukhang humuhugot ng lakas para makapagsalita. "Cel, akala ko ako lang! Akala ko ako lang mag-isa! TWO TIMER! Ano pa bang gusto niya? Bakit kailangan niya pang..." Sumunghap siya. "mangaliwa? Panget ba ako!?!?! HA?!"
Ang ingay-ingay niya na at pinagtitinginan na siya ng mga tao.
"Gab, umuwi na tayo! Alis na tayo dito!"
"Cel, ano pa bang wala sakin? Bakit kailangan niya pa ng isa???!" Yinakap niya ako at naramdaman ko ang luhang lumandas sa pisngi niya.
Sa mga sandaling ito, kinukurot na rin ang puso ko. Naiinis ako sa ginawa ni Gianna, naiinis ako sa mga sinasabi ni Gab, at higit sa lahat, naiinis ako kung paano siya umiiyak sa pinsan kong wala namang ginawa kundi saktan siya. NAIINIS AKO! BAKIT HINDI NA LANG AKO YUNG INIBIG MO, GAB? HINDI KITA PAIIYAKIN! Lecheng Gianna na yan! Leche siya!!! Bakit niya ginaganito si Gab?! LECHE!!!!!
SIXTYSEVEN
Celestine Herrera: Akin na ang lahat
"Walang hiya!!!" Nakasandal si Gab sa manibela ng sasakyan niya habang nakaupo naman ako sa frontsit.
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko at kung saan ako magsisimula. Ang alam ko lang ay galit na galit ako kay Gianna. GALIT NA GALIT.
"Marunong ka palang uminom?" Bulong ko.
Hindi ko aasahan yung sagot niya. Gusto ko lang ibahin ng konti ang usapan habang iniisip ko kung anong sasabihin ko. Nakatingin ako sa labas. Nasa labas parin kami ng bar, hindi pa umaandar ang sasakyan, at nagda-drama pa si Gab.
"Of course, sa US ka siguro natuto." Sabi ko.
I assumed. Mukhang totoo naman.
Ilang sandali ang nakalipas, umayo siya sa pagkakaupo ngunit tulala parin. Basa ang pisngi niya at alam kong hindi ito pawis, kundi luha.
"Gab, ano ba kasing nangyari?"
Suminghap siya.
"Cel, hindi ko makalimutan! Kahit anong gawin ko, hindi ko nakakalimutan!"
"A-Ano ba kasing nangyari?"
"Nagkita kami ni Gianna kanina sa isang coffee shop. Nasa loob na ako, papasok pa lang siya at may kaholding hands pang lalaki."
"H-Huh? Si-Sino?"
"Ewan ko! BAKA KAIBIGAN?! Yun ang inisip ko. Pero alam ko sa sarili kong hindi yun kaibigan!"
Pati ako, kinakabahan sa mga nangyaring sinabi niya.
"Sinalubong ko siya... At ayun, guiltyng-guilty kaya agad binitiwan ang kamay nung lalaki."
Naiisip ko ang itsura ni Gianna. Siguro kinabahan ng todo yung bruha.
"Tinanong ko siya kung sino yung lalaki. Yung lalaki ang sumagot, at syempre... sinabi nung lalaki na siya ang boyfriend."
"WHATTTT? Nagsuntukan ba kayo?" Agad kong tinitigan ang pisngi niya.
Wala namang galos o kahit anong sugat.
Umiling siya, "Hindi!"
Ba't di mo sinuntok? LOL
"Umalis na lang ako. Hindi naman ako bastos. Kung gusto nilang magpakasayang dalawa, edi magpakasaya sila!"
Hindi ko na naman alam kung anong sasabihin ko. Dinamdam ko yata ng husto ang kinwento niya.
Napabuntong-hininga siya, "Sinundan niya ako... Sinundan ako ni Gianna."
"Ha? Kapal ng mukha!" Sorry, hindi ko mapigilan.
"Sinabi niya saking ako lang daw ang mahal niya! Heck?! Who'd believe her? Kung ako ang mahal niya, dapat ako lang diba?"
Kung ako ang mahal niya, dapat ako lang diba... diba, Cel?
"Lanya! Sinong maniniwala? Hindi ko siya pinansin! Pero sinabi niya saking may kasalanan din ako! Walang kwenta! Di ko na pinakinggan! Sinundan siya nung boyfriend niya at tinanong kung anong nangyayari, pero hindi siya sumagot. Iyak siya nang iyak, Cel! Awang-awa ako sa kanya. Iyak nang iyak sa harapan ko!" Naramdaman ko ang pagtitiis niya sa mga sandaling ito. "Pero hindi ko matanggap ang ginawa niya! I told her that we're done!"
Katahimikan.
Sa harap ng isa pang lalaki, sinabihan niya si Gianna na tapos na sila! OMG! So Gianna is... ruined? Both guys?
"Tinanong nung boyfriend niya kung fling-fling na naman daw ba yung napasukan niya!"
Katahimikan. Loading...
"A-Anong ibig sabihin niya?"
"Ka fling-fling ako ni Gianna!!! Sa galit ko... tinawag ko siyang b1tch! Muntik na akong masuntok nung lalaki, pero napigilan siya... kaya nasampal ako ni Gianna!"
Sa bawat tahimik na sandali sa amin ngayon, lumulunok ako. Pero hindi ko alam kung bakit habang tumatagal, nahihirapan ako. Something's stuck in my throat... I wanna cry for him...
"Ano pa bang explanation ang kailangan? Wala na diba? Kitang-kita na! Nangangaliwa siya, at ang masaklap, mukhang ako pa yung ka-fling! Potang-Ina! MAHAL NA MAHAL KO SIYA! MAHAL NA MAHAL!!!"
May luhang lumandas sa pisngi niya, pinunasan ko agad `to. Hinawakan niya naman ang kamay ko. At naramdaman kong iniiwasan niya talagang umiyak.
Yinakap ko siya, "Gab, sige lang. Iiyak mo yan lahat sa akin... Akin na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo."
Habang yinayakap niya ako, naramdaman kong tumutulo na rin ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan. Tumulo lang siya ng tumulo. Di bale na ang mga luha ko, ang importante, mapunasan ko ang bawat luhang lumalandas sa mga mata ng pinakamamahal ko.
Hindi ako makapaniwalang totoo pala talagang pag mahal mo ang isang tao, wala ka ng pakealam... At kung tunay ang pagmamahal mo sa kanya, tatanggapin mo ang lahat.
Ilang sandali ang nakalipas, kumalma na siya...
"Gabi na... papagalitan na tayo..."
Alas diyes na ng gabi. Mukhang hinahanap na kaming pareho, pero wala na akong pakealam.
Pinaandar niya ang makina ng sasakyan...
"Mag taxi ka." He rubbed his eyes.
"H-Huh? Bakit?"
"Tinamaan ako, baka anong mangyari satin. Buti na yung sigurado tayo..."
"'Tayo?' eh ako lang pinagtataxi mo!"
"Sige na..."
"Ayoko... kung wala ako dito, mas lalo kang magloloko sa pagdi-drive mo. Kung nandito ako, mas mag-iingat ka."
"Paano kung hindi? Paano kung madisgrasya tayo!?" Unti-unting tumataas ang mahinahon niyang boses.
"Wala akong pakealam, basta sasama ako sayo! BAHALA KA!" Sabi ko.
Umiling siya at pinaandar ang sasakyan. Tiningnan ko siya at nakita kong bumuntong-hininga at ngumiti...
SIXTYEIGHT
Celestine Herrera: U-Uh...
Hindi naman ako pinagalitan. Weird nga eh, halos alas onse na kaming umuwi. Nung nalaman nina mama at papa na magkasama kami ni Gab, parang nabunutan ng tinik ang mga ito at wala ng ibang sinabi.
Maaga pa akong nagising sa sumunod na araw. Sabado naman pero maagang-maaga akong gumising. Nag-aalala kasi ako kay Gab eh.
"Ba't kayo ginabi ni Gab kagabi?" Tanong ni Kuya habang umuupo kaming dalawa sa bench sa labas ng bahay.
"May problema kasi siya eh..." Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin.
"Problema? Ano naman yun at bakit kayo matatagalan?"
"Basta... hinintay ko na lang siya... Inayos niya lang yung problema nila ni Gianna."
"Si Gianna? Tapos? Naayos na ba?"
"Uhm... hindi ko pa alam eh."
Umiling si Kuya habang hinuhubad ang t-shirt niya at sinusoot yung jersey.
"Oo! Teka lang!" May sinigawan siya sa labas ng bahay, mga kaibigan niyang kapitbahay din namin.
Umalis din naman agad si Kuya para magbasketball.
"Ang tagal naman..." Tiningnan ko ang cellphone ko, wala paring message ni Gab.
Tumatayo-tayo na nga ako sa kinauupuan ko para lang matanaw ang balconahi ng bahay nila, baka sakaling nandun siya, pero wala eh.
AlaUna ng hapon, wala paring Gab na nagti-text o lumalabas sa bahay nila kaya napagdesisyunan kong magpalaboy-laboy malapit sa kanila.
Alam kong dapat kanina ko pa `to ginawa, kaso nakakatakot lang kasi yung mga aso. Baka mapagtripan na naman ako, mahirap na.
Umupo ako sa gutter sa labas ng bahay nila. Ilang sandali din akong tulala dun at kung anu-ano ang iniisip. Naiisipan kong kung makita ako nina Tita at Tito dito sa labas, papapasukin ako nun. Pero mukhang wala yata sila sa bahay nina Gab ngayon...
Ilang beses din akong bumuntong-hininga at iniimagine ang lahat ng nangyari kay Gab at Gianna... masakit na masakit siguro yun para kay Gab. Kitang-kita naman eh.
Ilang sandali ang nakalipas, natagpuan ko na lang ang sarili kong binubunot ang mga dami malapit sa gutter.
"Baka makalbo mo yan..." May boses galing sa likuran!
"G-Gab!"
Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko.
Pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ang tuwalya. Halatang, kakaligo lang. Ang bango-bango niya rin. LOL. Tutulo na ang laway mo, Cel! Tigilan mo na kasi yang pamumuri mo sa kumag na yan!
Seryoso na naman ang mukha niya, "Pinapansin mo na ako ngayon ah?"
Hindi ako makapagsalita.
"Akala ko wala na akong mapagsasabihan..."
"A-Ano... K-Kamusta na?"
Ang stuttering-syndrome na naman. HAY, kelan ba `to mawawala?
"Pinagalitan ka ba?"
"Hindi naman..." Umupo siya sa gutter na inupuan ko kanina.
"Mabuti naman..."
"Ikaw? Puntahan natin ang mga magulang mo?"
Pagkasabi niya nun, parang may dumaan sa utak ko. 'Puntahan natin ang mga magulang mo?' Hopeless, ever talaga! Naiisip kong parang linya ng namamanhikan or something!
"H-Hindi naman nila ako pinagalitan eh! M-Mukhang kumalma pa nga sila nang nakita nilang ikaw yung kasama ko..."
Amp! OO NA! Let's face it... Para bang okay lang sa kanila kahit ano, basta si Gab.
"Mabuti naman..."
Awkward silence.
"I-Ikaw ba? K-Kamusta na kayo ni Gianna?" Weird na tanong. "Nagkausap na ba kayo?"
Tinabihan ko siya sa gutter.
"Hindi pa nga eh. Ayokong sagutin ang mga tawag niya..."
"Huh? Tumatawag siya? Ba`t hindi mo sinasagot?"
"Ayoko na..." He sighed. "Masyado akong nasaktan eh..."
Ganun lang ba yun, Gab? Masyado kang nasaktan kaya ayaw mo na? Sana lang ako rin... Masyado na akong nasaktan, ayoko na, pero hindi ko mapigilan.
"Pero... mahal mo siya, diba?"
"Ah basta! Mainit ang ulo ko sa kanya, sa mga ginawa niya! Nakakainis!"
Tumahimik na lang ako. Ayoko namang sabihing 'makipagbalikan ka'.
"Nakakainis! Ba`t ngayon ko lang kasi nalaman `to?! Ang tanga-tanga ko tuloy!" Sabi niya.
Katahimikan.
"A-Anong plano mo ngayon?"
"Wala... Ignore her! I hate her!"
"Pano kung makikipagbalikan siya?"
"Ewan ko sa kanya!"
Galit nga yata siya. Masyado pang fresh ang sakit na naramdaman niya. Hindi ko tuloy alam kung ano talaga ang magiging reaksyon niya kung makikipagbalikan si Gianna.
Ano kaya kung kausapin ko si Gianna? Ang walang hiyang yun! Sasabunutan ko talaga ng todo-
Sumandal siyang bigla sa balikat ko.
"Salamat at nandyan ka, kahit galit ka pa..."
"U-Uh..."
Asus, Gab! Wala yun! Kalimutan mo na yung galit ko sa`yo... wala na yun! Okay na tayo.
Ang kawawang Gab ko, sinasaktan ng pinsan ko!? PESTE!? Ano pang gagawin ko, edi reresbak ng todo! Syempre... ako yata ang... BESTFRIEND.
JUST THAT.
"Of course, we're bestfriends right?"
PS, hindi ko pa pala kayang palitan si Gab. Kahit ganito siya, mahal na mahal ko parin siya. Kung hindi rin naman siya ang mamahalin, mabuti pang wa`g na lang magmahal.
SIXTYNINE
Celestine Herrera: sinisisi mo ba talaga ako
"Class dismissed." Sabi ng prof namin.
Kanina ko pa pinagmamasdan si Gab na nakikinig ng mabuti sa discussion. Hindi man lang ngumingiti kahit tira nang tira ng jokes yung prof namin.
"Cel, saan ka pupunta pagkatapos?" Aba, at ngayo'y naunahan niya pa si Dexter sa pagtatanong sakin.
"Uh-"
"Gab, can we talk?" Hirit ni Gianna.
Kanina ko pa din pinapanood si Gianna na tingin ng tingin kay Gab.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Sabi ni Gab ng hindi tumitingin kay Gianna.
"Gab naman, please?" Hinawakan ni Gianna ang braso ni Gab.
Ang sama pa ng tingin ni Gianna sakin.
"Cel, alis na lang muna ako ah?"
Tumango ako.
"Itetext na lang kita pag walang asungot..."
"O-Okay."
"GAB!" Sigaw ni Gianna.
Talagang nakuha niya pa ang buong atensyon ng mga kaklase kong natira sa classroom. Lumapit si Dexter sakin habang pinapanood ang eksena.
"Gab, let me explain!" Sigaw ni Gianna.
Wala eh, ang tigas ni Gab. Hindi man lang lumingon, parang walang naririnig.
Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko at kung nasa posisyon ba ako. Dapat ko bang tawagin si Gab para makapag-usap sila ni Gianna o hayaan na silang dalawa't baka mas lumala lang ang sitwasyon.
In the end, narealize kong mukhang mas mabuting tumahimik na lang...
Tiningnan ako ni Gianna...
"G-Gianna, narinig ko yung nangyari-"
"KASALANAN MO `TO! KASALANAN MO `TO, CEL! BWISIT KA! ANONG KLASENG PINSAN KA!?"
Nalaglag ang panga ko ng pagkatapos kong marinig ang hinaing niya.
"H-Huh?"
Inawat siya ng ibang kaklase namin. Hindi naman siya lumalapit sa akin o umaambang pagbubuhatan ako ng kamay, pero sa pagkakasabi niya, kulang na lang eh durugin niya ang mukha ko sa harapan nila.
Kinuha niya ang bag niya, kumalma at lumapit sakin...
"Cel, mag-usap tayo..." Sabi niya.
Namumugto ang mga mata niya at halatang naiiyak pa. Umalis siya sa classroom...
Galit ako sa kanya, pero naaawa rin ako. Napahiya siya sa ginawa niya kay Gab kanina, pero mas nangingibabaw parin ang galit ko dahil sinaktan niya si Gab. Pero bago ako pumutok sa galit dito, mukhang kailangan ko pang malaman ang side niya.
"Dex, kita na lang tayo mamaya..." Sinundan ko si Gianna.
Tumango naman si Dexter. Ngayon niya pa siguro nalamang naghiwalay si Gianna at Gab.
Naabutan ko si Gianna sa labas ng classroom, naghihintay sakin.
Sinundan ko ulit siya nang nagsimula siyang maglakad. Tumigil kami sa isang classroom na walang tao... Pumasok siya dun kaya pumasok na rin ako.
"Gianna, bakit mo ko sinisisi?" Tanong ko pagkapasok ko sa classroom.
Nakatalikod siya sa akin kaya nabigla ako nang nakita kong umiiyak na siya pagkaharap niya.
"Cel, hindi mo ba napapansin? Nitong mga nakaraang linggo, puro na lang CEL nang CEL si Gab! Pag magkasama kami, ikaw ang topic! Lagi niyang tinatanong sakin kung paano niya ulit mapapalambot ang puso mo dahil galit ka sa kanya!"
Natigilan ako sa sinabi niya. But that's not the point! Ang pinakamalaking issue dito ay ang pagkakaroon ng third party!
"Gianna, wa`g mo nga akong sisihin! Ikaw ang may kasalanan eh! Ikaw yung may ibang boyfriend!" Sinigawan ko siya dahil hindi ko mapigilan. "Akala ko ba hiniwalayan mo na yung boyfriend mo? O baka naman ibang lalaki yun?!"
Sinampal ako ni Gianna at mas lalo pa siyang humagulhol ngayon.
Wala akong lakas para sampalin siya... siguro dahil naramdaman kong wala ako sa lugar para dun.
"Ganun ba talaga ang tingin mo sakin?"
"Hindi! Pero yun ang pinapakita mo!"
"Okay, I was wrong! Sorry dahil pinagsabay ko si Dino at Gab noon. Pero nung sinabi ko sayong hihiwalayan ko na siya, hiniwalayan ko talaga siya! At tulad ng sinabi ko, nakakainis si Gab nitong mga nakaraang linggo..." Humikbi siya at natagalan pa bago siya nagsalita ulit. "...puro Cel! What's with you?! Masyado kang epal! Ang liit lang ng kasalanan ni Gab pero binabalak mong hindi siya pansinin forever! Masyado kang... papansin!"
Mas lalo akong nainis sa sinabi niya.
"Wa`g mo ngang isisi sa akin yan! Kung totoong mahal mo siya, inintindi mo sana siya! Bestfriend niya ako." Bestfriend niya lang ako, ba`t ka nagseselos diyan? "Bestfriend... kaya syempre, nag-aalala siyang baka hindi ko na siya papansinin. At wa`g mo ngang tawaging maliit ang kasalanan niya!"
Hikbi siya nang hikbi. May mga dumaan pang estudyante, nakakahiya tuloy.
"Kung titingnan mong mabuti, kung hindi ka nagloko, hindi kayo maghihiwalay! Sino ba kasi yung kasama mo nang nakita ka ni Gab?"
"Cel, I was so lonely! Laging wala si Gab, laging sumusunod at nagbubuntot sayo! Si Dino lang yung nakakasama ko-"
"Tapos ano? Nagkabalikan kayo?!"
Iyak siya ng iyak. Walang masabi. Nakakaisang sampal ka na sakin tapos hindi pa kita nasasampal diyan kaya wa`g kang iyak nang iyak!
"That's so unreasonable! Unfair! Ba`t hindi mo sinabi kay Gab na nabibitin ka sa oras na binibigay niya sayo? Ba`t kailangan mong humanap ng iba?"
Wala parin siyang imik.
Bwisit! Lonely daw siya kaya humanap ng iba? Eh ako, ilang taon na nga akong walang boypren hindi naman ako naaatat magkaron ng isa ah?
"Gianna! Mahal na mahal ka ni Gab pero sinayang mo lang yung pagmamahal niya! Nakakainis ka!"
Naiiyak na rin ako eh! Mahal kasi siya ni Gab pero parang siya naman yung gumagawa ng paraan para ayawan siya.
"Ano? Nagkabalikan ba kayo ni Dino? Anong plano mo ngayon? At..." Lumunok ako. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. "Mahal mo ba talaga si Gab?" Tanong ko.
PAK!
Sampal ulit ang natamo ko. NAKAKADALAWA NA SIYA!
"Pinagdududahan mo ba ako? Ano ba talaga ang tingin mo sakin?" Tanong niya.
"Gianna, guiltyng-guilty ako. Pinagtakpan kita dahil akala ko hindi mo siya sasaktan... pero ngayon..."
"Ano? Nagkamali ka? Kung tutuusin, nagkasama lang naman kami ni Dino dahil busy si Gab eh... BUSY SAYO!"
Ako talaga yata ang sinisisi niya!
"Siguro kaya ayaw mong pansinin siya dahil nagugustuhan mong sunod siya nang sunod sayo no? May gusto ka sa kanya ano?"
OH NO! This is going nowhere. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung hinahalungkat at sinasama pa yung pagkakaroon ko ng feelings kay Gab.
"Gianna, ano ba yang pinagsasabi mo... sinisisi mo ba talaga ako sa kasalanan mo-"
"Ano? GUSTO MO SIYA, DIBA? GUSTO MO SI GAB?"
PAK!
Pinagbigyan na kita kanina sa mga sampal mo, ako naman ngayon! Hindi ko maatim na sinisisi niya ako tapos mukhang pinapamukha niyapa sa aking kasalanan ko ang nangyari. Kasalanan kong gusto ko si Gab. EH POTAH, KUNG PWEDE LANG IBIGAY SA IBA YUNG PAGMAMAHAL KO KAY GAB EH MATAGAL KO NG GINAWA!
SEVENTY
Celestine Herrera: mahal na mahal mo siya...
Napahawak siya sa pisngi niya, iniinda ang sakit ng sampal ko. Isa lang yun pero katumbas nun ang lahat ng hinanakit ko.
"Bakit di ka makasagot?" Tanong niya.
Hindi ako nagsalita. Naiisipan ko pa ngang umalis na kaya lang ayaw kong iwan ang sitwasyon na ganitong hindi pa kami nahkakaayos.
"Gianna, ano ba yang pinagsasabi mo. Bestfriends lang kami ni Gab... hindi ko siya-"
"Wa`g ka ng magmaang-maangan!"
Hindi ako nakapagpatuloy sa sinasabi ko.
"Ano, masaya ka na ngayon? Ngayong bati na ulit kayo ni Gab at wala na kami, masayang-masaya ka na? Pabor na pabor na sayo ang lahat!"
"Hindi totoo yang sinasabi mo, Gianna!"
Tapos nag walk-out siya palabas ng classroom.
Dire-diretso ang lakad niya kaya hindi ko na siya sinundan. Umupo na lang muna ako sa isang upuan doon sa isang classroom hanggang sa...
"Totoo ba yung sinabi ni Gianna?"
Napatayo akong bigla nang narinig at nakaharap ko si Gab.
NAKIKINIG SIYA?
"H-Hindi totoo yun! D-Diba alam mo namang wala akong..." Sabi ko.
Hindi totoo yun! HINDI NA NGA LANG TOTOO YUN, nakakatakot kasi ang mukha niya at mukhang galit ulit.
"Hindi yun ang ibig sabihin ko!" Sigaw niya.
Natahimik tuloy ako.
"Pinagtakpan mo ba si Gianna???!"
Nanlaki ang mga mata ko! OH NO! Narinig niya pati yun?
"O-"
"Damn, Cel! Dapat sinabi mo yun sakin! Ba`t di mo yun sinabi sakin?"
Halos mangiyak-ngiyak ako habang nagpo-proseso sa utak kong narinig niya yun.
"K-Kasi... sabi niya hihiwalayan niya yung lalaki dahil mahal ka niya-"
"Eh kung mahal niya ako, dapat bago niya ako sinagot, hiniwalayan niya na yun diba?"
Wala akong masabi... Linagay niya ang palad niya sa noo.
"Cel! Dapat sinabi mo yun sakin!" Suminghap siya. "Akala ko ba bestfriends tayo?"
Sumisikip ang dibdib ko sa mga sinasabi niya. Alam na alam ko yung dapat isasagot ko sa kanya pero ayaw gumalaw ng bibig ko.
Nakikita ko yung panghihinayang sa mukha niya habang umiiling siya.
"Pare-pareho kayo, MGA SINUNGALING!"
Shucks!
"Sorry, Gab-"
"Sorry? Sorry?" Umiling siya. "Wala na! Pinagmukha niyo na akong tanga! Pinagmukha niyo akong tanga ng pinsan mo! Pareho kayong dalawa, mga manloloko!"
Tumulo ang luha ko pagkatapos niyang sinabi yun.
Guilty naman kasi ako. Totoong alam ko ang tungkol dun pero...
"Gab, hindi ko sinabi sayo yun kasi alam kong mahal na mahal mo siya..." Napahikbi ako. "... at alam kong masasaktan ka pag nalaman mo. Umasa ako sa mga sinabi ni Gianna kahit alam kong mali..."
Tumigil siya sa paglalakad palayo.
"Mas lalo akong nasasaktan ngayon... dahil hindi lang siya ang nagsinungaling sakin... pati ikaw!" Umalis siya ng tuluyan.
At gumuho ang mundo ko.
Labels: Just That
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;