<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 31-35


Stage 31.
old maid








Oo. malapit na ang kanyang birthday. Dec. 17. Mag De-december na. Ngayon, alam ko ng matatagalan pa siya sa pag-uwi dito.

Hindi ako sigurado kung kelan siya uuwi, pero isa lang ang alam ko... Desidido na ako...

Bago pa siya makauwi dito, dapat may lovelife na ako para hindi niya na ako mabibiro. HUMANDA KA BENCH! >:( >:( >:(

"So... you want to plan an exclusive party sa bar na 'to?" Tanong ni Hugo na event organizer at party planner ng bar na 'to. "When? On your birthday?" Aniya.
"Nope... earlier. Kung birthday ko pa ang hihintayin edi next year pa."

Umiling siya. :(

"Uh-oh, Denise. I'm afraid booked na ang bar na 'to for the whole December!"
"Whaat? Bakit?"
"M-Maraming events."

Nakakaduda naman ang pag-iiwas niya sa mapagduda kong mga mata.

"O sige, then book it next year." Sabi ko.
"Okay, when?" Napangiti siya at kinuha ang planner nya.

Umupo kami sa isang table sa bar na nakadungaw sa mga sosyal na nagsasayaw. Kung hindi lang talaga sosyal yung bar na 'to... naku!

"So I'm not gonna host the party, mag o-organize lang ako. I'll let my friends organize this too. And I want to send invitations to the most popular  guys sa lahat ng unibersidad. Pwede na rin yung mga young bachelors!"" Kumindat ako.
"So... Let's clear this up. No girls allowed?" Tanong niya.
"Hmmm. Meron din. At least 1 is to 6 ang ratio.;)

Tumango naman siya at pumayag.

This is all part of the plan. operation boyfriend-hunt! Gusto ko yung sikat, mayaman, gwapo at kayang-kaya si Bench! Sayang lang at hindi ko ma-book ang party earlier! Kainis at baka nakauwi na si Bench nun.

"Gosh! I'm so excited for that party!" Tili ni Abby.

Nasa bar ulit kami kasi gusto ko talagang makihalubilo. I drank my 5th shot of tequila and went to the dancefloor!

Agad akong nabigla nang nakita ko si Lance na nakatitig sakin at papalapit. Pero bago pa siya makalapit, may sumayaw na sakin...

"Hi my lady!" Malalim ang boses niya.

Matangkad, gwapo, matangos ang ilong, sa sobrang gwapo niya ay nakatingin ang mga tao sa aming dalawa. Palagay ko ay naudlot ang pagpunta ni Lance sakin dahil sa gwapong ito.

"You are?"
"Lorenzo de Ocampo." Naglahad siya ng kamay kaya natiglan ako sa pagsasayaw. "Or Renzo for short." Kumindat pa siya.
"Denise Gozon."

Ngumiti siya at sumenyas na umupo muna kami para makapag-usap ng maayos.

"You're from Affaires?" Tanong ko.
"Nope. We're schoolmates, Denise."
"Really?"

Weirdly, hindi ko siya nakikita sa school. Pero sa bagay, malaki ang school para makita siya.

"Hindi mo talaga ako makikita kasi sa psychology department lang ako palagi. But I know you..." Ngumiti siya.

Loading... Loading... ???

NOW I KNOW! Renzo de Ocampo! Yung basketball star player ng school namin!

Kalma ka lang Denise... Wa'g masyadong ma overwhelm at baka akala niya easy to get ka. HAHAHA. This is it, Bench! Bakit kaya sa tuwing wala si Bench parang may development sa lovelife ko, at pag nandyan siya, walang wala talaga? Ewan ko...

"Ba't mo ako kilala?"
"Sinong hindi makakikilala sayo?" Sabi niya sabay ngisi. "Nga lang... di ka malapitan dahil sa Benjamin Jimenez na yun."

What? Ba't nasali si Bench sa usapan?

"Huh? Bakit naman?"
"I... I mean, he's always around you. Para kayong magboyfriend... don't you know?"
"Na?"
"Nagpapaulan siya ng death threats sa mga nagtatangkang pumorma sayo."

JAWDROPPING! Hindi ko matikom ang bibig ko. :o

"He's just probably kidding..." Plastik na tawa ko.
"Nope. I heard the latest victim is Lance Ramos. Hindi ko nga lang alam kung anong ginawa ni Bench... Well... ako... I'm not a coward like Lance. Hindi ako natatakot sa Benj Jimenez na yan." Kumindat ulit siya.

Napalunok na lang ako. Wala akong masabi. Ngumiti ako... plastik.

"Although malakas talaga ang impluwensya ng pamilya niya, I still don't think may karapatan siyang magyabang."

Tumango ako. Speechless parin.

"I'm sorry. I'm talking too much." Tumawa siya at tinignan ako.
"It's okay-"
"Excuse me lang." Si Kuya Joe biglang sumulpot. Naka uniform pa talaga. "Ako ang naatasang magsundo sayo ngayong gabi." Sabi niya.
"Wha-What? Eh susunduin ako ng driver ni Daddy-" Sabi ko.
"Tinawagan ako ng Daddy mo na ako daw ang susundo sayo." Ngumiti pa siya at humikab.

Sa sobrang inis ko sumama ako kay Kuya Joe.

"Renzo... See ya around, I need to go!"

Tumango siya at umalis ako.

"What the heck! Alam ko 'to! Pakana na naman 'to ni Bench! That guy! Hindi niya talaga ako tatantanan. Ngayon lang ako sasama sayo kuya Joe ah! Hindi na 'to mauulit! Sa sobrang inis ko, hindi ko na kinayang ngumiti sa harapan ng potential boyfriend ko dahil sa kay BENCH! Ahhhh! Kung nasan man siya ngayon sana lamunin na siya ng lupa! Hindi niya na ako binigyan ng konsiderasyon! Magiging old maid na ako neto!"

Sigaw nang sigaw ako pag-upo ko sa sasakyan nila.

"Nah-uh!" Katabi ko pala si Eliana. Nagtatago pa talaga sa likuran ah. "You won't be an old maid, you future Denise Jimenez."

Isa lang ang naisip ko nun... KASABWAT SILA NI BENCH.


Stage 32.
I know what you did there...





Mabagal ang panahon. Araw-araw kong nadarama ang pagkawala ni Bench. Aray ano ba yan! Para naman akong namatayan. Minsan kasi pag may nakikita akong paparating na malakas ang dating pakiramdam ko siya yun. May pasulpot-sulpot pang tulad ng SUV nila, tinititigan ko tuloy yung plate number. Kainis bakit ganito?

Warning, DeniseToday is his birthday kaya wa'g kang mag Facebook o kahit ano! Alam mo yung kaninang madaling araw may natanggap akong balita na nagpost siya ng picture with Brent na nasa Hawaii silang dalawa? I bet with girls yun!

"Hey Denise!"

Nabigla ako nang naaninaw ko si Lance Ramos!

"Oh! Hi!" Shocked.
"Can I sit here?" Sabay turo sa upuan sa harapan ko.

Nasa loob ako ng Coffee Bean, kanina pa.

"Sure."

Ngumiti siya at parang nahiya.

"I-I'm sorry." Sabi niya. "Hindi na kita pinapansin-"

Handa akong makinig sa kanya nang biglang dumating ang hinihintay ko!

"Ehe-Ehem..."

Napatingin kami ni Lance kay Renzo na nakatayo sa harap namin.

"Nawala lang si Bench, pumuporma ka na ulit." Sabi ni Renzo.
"Pasensya ka na pare... ang alam ko kasi, ikaw din sumulpot lang pagkawala niya. Bakit kaya?"

Nagkatitigan silang dalawa. Tumayo pa si Lance para harapin ng maayos si Renzo. Ang mga chismosa naman, panay ang tingin sa table ko at sa reaksyon ng dalawa.

"Anong ibig mong sabihin?" Halos itulak ni Renzo si Lance buti at napigilan ko.
"Tama na, Renzo!" Sabi ko.

Grabe! Ang haba ng hair ko habang nagtitinginan ang mga tao samin. Pero hindi ako natutuwa sa nangyayari...

"I'll back off today... just today, kasi ayoko ng gulo." Sabi ni Lance. "And Denise, never trust players..." Tapos umalis.

Mukha tuloy na badtrip si Renzo. May usapan kasi kami na manood ng sine today. DATE! Tama! Finally at umaariba na ako! First time kong makaroon ng date! Syempre masaya ako! Pero somethings weird... Ewan ko lang kung bakit ko yun nararamdaman.

"Kainis yung Lance na yun, nanggugulo." Aniya palabas kami ng Coffee Bean.

Birthday ni Bench ngayon... andun siya sa malayo. First time itong malayo siya sakin kaya heto ako at nag eenjoy sa aking freedom! Yun ang naiisip ko, para namang di ako free noon.

"Never trust players? Ha!" Sabi niya.
"Hayaan mo na lang siya." Sabi ko.

Parang weird naman nito. Siguro dahil maliban kay Bench ay di pa ako nakakasama sa kahit sinong lalaki na kami lang dalawa. Almost 19 years na ako tapos kay Bench lang umikot ang mundo ko. Natural lang siguro na maweirduhan ako sa pagsama ko sa isa pang lalaki.

Lumapit kami sa sasakyan niya. First time ko ding makasakay. Yun ay kung matutuloy kami!!!

Bakit???

"Uh-oh! I think flat yung gulong ng sasakyan mo, Renzo."
"Huh?" Sobrang gulat yung mukha niya pagkasabi ko nun.

Dumungaw siya sa gulong ng Accent niya.

"What the?!"

Flat na flat! Sobrang flat ang gulong sa harapan.

"Kahapon ko pa 'to pinalitan, flat agad?"

Nakatayo lang kami sa labas ng sasakyan niya.

Hay nako! Napakamalas naman! Parang di meant to be! Nilapitan ko ang gulong habang may tinatawagan siya sa cellphone.

May isang malaking butas sa gulong. BUTAS TALAGA! Ewan ko lang kung bakit nagkaganun ha? Bakit nga ba may malaking butas?

"Uh.. There's a hole." Hindi ko na muna inistorbo si renzo na may kausap sa cellphone...

THERE IS A HOLE! Paano yun? Thumb tacks? Nail? Ewan!

May lumapit pa sakin. Naka black usual suit na uniporme ng mga tauhan nina Bench. Naka black Spyder shades pa.

"Ms. Denise... Pinapatawag ka ng Daddy mo-"
"Daddy?"

Unti-unting dumaloy ang init sa pisngi at ulo ko habang unti-unti kong narerealize kong ano na naman ito.

"Daddy ba talaga o yung boss niyo?!"

Hindi siya gumalaw. Nakita ko sa malayo ang nakaready na black SUV nina Bench.

Natapos ang phonecall ni Renzo.

"Renzo... I need to go... I'm sorry. Siguro next time na lang... May aasikasuhin lang ako.  I'll just text you." Sabi ko na may halong panghihinayang sa ekspresyon.
"Wha-" He sighed. "Okay.. I'm sorry! God ang malas!" Sabay suntok niya sa kanyang sasakyan.

Sumama ako sa mga goons ng walang hiyang Prinsipe ninyo. Pati ang tadhana dinidiktahan niya para lang malasin ako ng husto. Sumama ako... alam nio kung bakit?

"Let me talk to your boss..." Sabi ko sa sumundong tauhan ni Bench sakin.
"Hindi po-"
"I KNOW WHAT YOU DID THERE! Anong ginamit niyo para mabutas yung gulong ng sasakyan ni Renzo! God that Crazy manwhore! Let me talk to him!" Sigaw ko nang nakarating na ako sa sasakyan niya.



Stage 33.
It was no luck after all.





Hysterical ako sa loob ng bagong SUV nina Bench. Oo, bago. Yun talaga ang unang napansin ko.

"Asan na? Asan na? Yung boss niyo!?"

Walang imik ang dalawa habang nagdadrive at nasa headphone naman yung isa... may kinakausap yata.

"Target secured." Aniya sa kausap niya sa headphone.

"Where's Bench?!>:(
"Nasa Hawaii po." Sabi nung may kausap sa headphone.
"Is there anyway na makausap ko siya?"

I'm not dumb. Of course meron, this isn't 2000 years ago... May skype na. Pwedeng chat, pwedeng mag webcam, kahit ano... Pero ang ibig kong sabihin ay papayag ba siyang kausapin ko siya.

Binigyan niya na naman ako ng tulad nung binigay ni Brent sakin. Yung red envelop na may nakasulat...

"You choose. You talk to me. Or I talk to you..." What? "Is this some kind of game? May ganitong drama pa siya! edi syempre, kakausapin ko siya. Di bale ng di niya ako kausapin, ang importante ay masabi ko sa kanya lahat ng hinaing ko!"

Walang imik parin ang dalawa sa harapan ko. Mukhang papunta kami sa bahay nila. Ako naman gigigil na gigil at di na makapaghintay sa mga sasabihin ko kay Bench. Sa isipan ko, ibinalangkas ko ang lahat ng aking sasabihin sa kanya. Mula sa mura hanggang sa pagpapaalam sa kanya na nagustuhan ko ang pagkawala niya.

"Umupo po kayo dito. Hintay lang tayo ng signal tapos online na si Sir Bench." Sabi ni Kuya Joe.

Then I realized, stupid idea Bench! Ba't may palaru-laro ka pang ganito? Na ako lang pwede ang magsalita kung pinili ko... O kung ikaw lang ang magsasalita kung gusto ko... Ba't di na lang tayo mag-usap dalawa? What's this game? Ugh! Sige! Ikaw bahala!

"Miss Denise." Sabi ni Kuya Joe.

Nasa loob kami ng 'theater' sa loob ng mansyon nina Bench. Yes of course, what do you expect? He's a gazillionaire! May private plane nga, eto pa kaya.

Buffering... yun ang nakasabi sa malaking screen ng theater nila.

"Wa'g niyo pong kalimutang mag greet sa kanya ng happy birthday." Ngumiti siya na may halong kaba.

Umirap na lang ako pagkatapos ay umalis na siya.

Nabasa ko sa screen... Benjamin Jimenez - ONLINE!

"So you're there?" Sabi ko. "God I sound stupid! Una sa lahat... nakakairita itong laro mo. Kung ano man 'to, tigilan mo na. Ba't kailangan may pagpipilian pa... Ako magsasalita, o ikaw? Pangalawa, alam ko na kung paano mo ako binakuran simula pa nung highschool! Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala parin akong boyfriend! Nakakainis ka! Alam kong inis ka din sakin sa mga ginawa ko noon pa!"

Napatayo ako sa umaapaw kong emosyon.

"Pinaghihigantihan mo ako kaya ganito. I get it! But trust me... hindi ka magwawagi. Sooner or later, magkakaboyfriend din ako at wala ka ng magagawa dun. God damn it! You ruined my date with Renzo! 18 years, Bench! Eighteen years kong hinintay na may makipagdate na lalaki sakin tapos ipinagkait mo? Tigilan mo na 'to! I'm so happy that you're not here!"

Grabe, dinig na dinig ko ang puso kong ang bilis ng tibok. Umaapaw talaga ang inis at galit ko sa kanya.

"Sana diyan ka na lang kung saan ka man. Rot there with your girls so I can have my own happy ending with my own perfect prince charming. I don't need you here!" Pagkatapos kong sabihin ang huling pangungusap, natigilan ako.

Sumakit ang dibdib ko. Akala ko naman heart attack... pero di pala... May isang parteng gumuho sakin. Ang harsh ko yata sa kanya... Tapos naalala kong birthday niya nga pala ngayon at binanatan ko ng mga masasamang salita. Sa sobrang guilty ko, gusto kong mag walk-out sa theater. Pero ayaw gumalaw ng mga paa ko, parang naninigas sila. Kinabahan ako. :'( :'( :'(

Masyado akong na carried-away sa galit ko kaya hindi ko masabi ang magic words: I'm sorry.

Denise, your pride. That's not Renzo or Lance... Si Benjamin Jimenez yan. Pangalan pa lang tunog walang puso na. Kaya wa'g kang maguilty.

Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"I tried my best to make you miss me, Denise. Through this... One-way communication game."

You know it's effective! I miss you! So much na kailangan ko ng ibang kasama...

My subconcious betrayed me. Ni hindi ko alam na yun ang maiisip ko pagkarinig ko sa boses niya.

"And don't think I stayed away coz I'm being a coward. Nandito ako sa malayo coz Dad gave me the 70% authority of our company. This means I’m here to work and talk to some potential investors."

Hindi ako makapagsalita. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Halos di ako makalunok sa sikip ng dibdib ko.

Ang boses niya tunog seryoso at malungkot.

"And it turns out... I'm the one who's missing you instead... I know that I can barely stay away from you, yet I tried my luck. It was no luck after all." Napabuntong-hininga siya. "Now if you want me to stay far away from you till the end of this year, please, stop being with your 'prince charming'. Kung hindi mo magagawa yun, expect that you'll catch me trying to put a hole in you prince's car, the next day."





Stage 34.
Apology accepted




So the name is Benjamin Jimenez also known as The Stalker. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa yang pag s-stalk niya. Nagpapahire ba siya ng mga detective para i-stalk ako? Alam kong kaya niyang sweldohan ang mga ganun lalo na ngayong hawak niya na pala ang 70% sa company nila. Imagine taking over an Airline, Farms at iba pa... Hindi mag-iisang kusing ang sweldo niya sa mga detective na maari niyang i-hire. Pero sino naman ang lokong tatanggap ng ganoong klaseng trabaho? Para sundan lang si Denise Gozon-work?

Hindi ko talaga siya ma kuha-kuha. I wish I can read his mind. Natapos ang taong yun na walang development sa lovelife. As you wish, Bench Jimenez. LOKO LANG YUN! Akala niya sinunod ko siya? Nagkakamali siya!

"Hello Nina?"

Ang saya saya namin ng pamilya ko habang pinapanood ang fireworks at kumakain sa patio namin.

God I miss Bench. New year last year pinuntahan niya kami dito. May regalo siya sakin, meron din ako sa kanya. Pero ngayon biglang naglaho ang lahat. Natapos ang birthday niya ng hindi ko siya na gigreet at nag new year ng hindi siya nakakasama.

"Let's get it started." Sabi ko sa kanya.

I'm all fired up for my very own bachelor's-party plan. Kasi naman mangyayari yun the day before my birthday two weeks from now.

Naging busy ako sa invitations at kung anu-ano pa... Drinks, wines, food, etc. Para na ring birthday ko. Ayoko namang ipangalandakan kung paano ako nangangailangan ng boyfriend ngayon kaya di ko na ginawang birthday party ko.

*1 message*

Tumunog ang cellphone ko. Kasama ko na naman si Eliana sa paglalakad sa corridors. Gusto kong magtanong tungkol kay Bench. Babalik na ba siya? Eh January na ah? Pero bago lumabas ang tanong sa bibig ko, may nagtext na.

From Renzo:
Am I invited?

Ngumiti ako.

Reply:
Of course you are. Pero hindi ka rin siguro mag eenjoy, few girls lang eh. ;)

Bilis mag reply.

Renzo:
I know I'll enjoy it. I only need one.

OH EM GEE! Ni hindi pa nga niya ako na di-date ah? Kilig naman ako!!! Hihihi.

"Sino ba yan?" Inagaw ni Eliana sakin ang iphone ko.
"Sht!"

Nag-agawan pa kami.

"Ngiti ka nang ngiti, kinikilig ka ba?"

Hinayaan ko na at binasa niya ang text... PERO DI NIYA NABASA KASI MAY ISANG MENSAHE PA!

"'Bench Jimenez: Kahit yung mga text mo, alam ko.' What the f? It's just Bench naman pala." Evil smirk.
"What?"

Napatingin ako sa iphone ko. Bench Jimenez nga! HIS NUMBER! Does this mean he's back? OMG! Nevermind na yung pagiging stalker niya. Wait a minute, I think he hacked the telecommunications' company, eh?

"Is he back?" Tanong ko kai Eliana.

Nagkibit-balikat naman si Eliana. Hay nako, sabi na nga ba kasabwat itong isang 'to.

Reply ko agad:
Stop threatening me, I'm not scared.

Agad siyang nag reply na para bang inabangan ang reply ko.

Bench:
If you aren't, ba't di niyo inulit ang date niyo ng Prince Charming mo?

Ako:
Shut up, its none of your business. I'm busy.

Agad talagang nag rereply ang prinsipe niyong baliw. Napatigil talaga ako sa paglalakad, hindi ko na nakikita kung sinong nasa paligid.

Bench:
Busy with your upcoming hunt-for-mr.right-party?

PATI HIDDEN AGENDAS NA HACK NIYA! >:( >:( >:(

Ako:
You're not invited, sorry ka na lang.

TSEH! Guilty ako nung birthday niya at na miss noong Christmas at New Year pero ngayong alam kong nasa tabi-tabi lang siya halos isuka ko siya.

Bench:
Apology accepted... Challenge accepted, too. >:D


I hate the evil smiley. I know he'll gatecrash my party!




Stage 35.
You're not with him anymore...






Nasa party na ako. Uneasy. Paano ba naman kasi, I'm kinda expecting HIM to be here. Di naman siya invited. Patingin-tingin ako sa cellphone ko.

Sobrang saya ng mga girls! Paano ba naman, kay daming lalaki at kay gu-gwapo. Pinili ko talaga yan. Kahit na taga kabilang school nandito.

"Is that Richard Martinez?" Linapitan agad ni Abby si Richard Martinez.

I'm wearing a black shimmering smexy dress. Talagang binili ko 'to for this party. I curled my hair tapos make up, smoky eyes.

Halos lalaki yung mga nakikita ko. Si Abby, may tatlong lalaki ng kausap.

Nilapitan ako ng nakangiting si Renzo. Kakarating niya lang yata at kasama niya ang mga kaibigan niya sa basketball team.

"Hi!" Sabi niya at hinawakan ang siko ko.
"Hi!"

I think I blushed.

Sayawan na! Nasa background ang Lights by Ellie Goulding

Halos mapasayaw ako pero hindi parin maalis sa isip ko ang prinsipe ninyong maaring sa ngayon ay nakapasok na. Tumingin ulit ako sa cellphone ko.

"What's wrong?" Tanong ni Renzo nang nakikita akong tuliro at tumitingin sa cellphone.
"Wala." Ngumiti ako.
"Wanna dance?" Naglahad siya ng kamay.
"No, thank you. I think I need a drink." Ngumiti ako.

Nagkabuhol ang tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko din ilang sandali...

Kumuha si Renzo ng vodka.

"Cheers!" Sabay kami.
"Nagustuhan mo ba ang party?" Tanong ko.
"I like parties, pero syempre nagustuhan ko 'to kasi magkasama tayo." Ngumiti ulit siya.

Uminit talaga ang pisngi ko.

"Alam kong birthday mo bukas, kaya eto. Happy birthday!" Sabi niyang ikinabigla ko.

May gift siya!!!

"Whoa! Thank you!-" Tinanggap ko ng kinikilig! :D :D :D

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa dancefloor. Ayaw kong sumayaw pero sige na nga!

Daming tao at mukhang enjoy na enjoy silang lahat. Ako rin nag-eenjoy na sa ngiti ni Renzo. Nakahawak siya sa baywang ko at hinihila papalapit sa kanya habang sumasayaw. Ang sunod na namalayan ko ay nakangiti na rin ako sa kanya habang ang isang kamay niya ay nasa likod ng ulo ko. Pumiglas ako ng konti kasi nahihiya ako pero malakas ang tulak niya sa ulo ko.

AKALA KO TALAGA MAGHAHALIKAN NA KAMI SA DANCEFLOOR pero may bigla ng sumulpot, the uninvited.

"Denise!" Yinakap niya ako. Casual.

Napakalas talaga si Renzo, nabigla at mukhang nainis. Di niya naman ipinakita. Nasaktan din ako para kay Renzo, ang sakit sa ego nun ah!

Ako naman ay nabigla sa plastikang ipinakita niya sa harapan ko. PARANG WALANG NANGYARI AH!? PARANG DI MO AKO INIWAN SA ERE TAPOS INI-STALK!

"I missed you! I'm back!" Aniya.
"Oo. You are back." Tinitigan ko lang siya na nakangisi at hindi pinapansin si Renzo sa gilid. >:( >:( >:(

It's 11:30PM. Kaya naman pala sumulpot na ang mokong, aswang kasi siya eh. Shet bakit casual siya!? Kinabahan tuloy ako. Alam ko... Alam ng tiyan kong nagkabuhol-buhol na may planong masama ang evil dark prince ninyo.

"At ba't ka andito? I didn't invite you." Sabi ko at sumulyap sa nakangangang reaksyon ng madlang pipol sa pagdating ni Bench.
"Of course I'm invited, we grew up together at close tayo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakangisi parin siya.

"Wha-"

Hello, Renzo? Tulungan mo naman akong itaboy si Bench, please? Nakatunganga lang si Renzo.

SI ELIANA! Bigla kong naisip si Eliana, siguro siya ang nagpapasok sa mokong na 'to. Whatever, Bench. You wan to play this game? We will play this game!

"Okay... Maraming girls jan, you might wanna check. This is Renzo." Sabi ko.

Dali-daling naglahad ng kamay si Renzo na hindi naman tinanggap ni Bench, nagkukunwaring hindi ito nakita. Kaya ibinaba niya na lang ang kamay niya.

Inakbayan ako ni Bench. Stupid wh0re! Anong plano mo diyan sa show mo?

"I missed Christmas, New Year and tomorrow's your birthday! May regalo ako sa'yo pero nandun sa sasakyan, wanna see it?"
"No, Bench, nagpaparty ako and I'm with Renzo." Sabi niya.

Pinandilatan ko siya.

"Oh okay."

Akala ko susuko siya pero hindi...

"Sayang naman yun. So, Uh..." At last at tinignan niya si Renzo. "Kentou, pwede bang kumuha ka ng drinks? Gin and tonic tsaka vodka."

Bakas sa mukha ni Renzo ang pagkainis. Halos takpan ko ang bibig ni Bench.

"Renzo.>:( >:(
"Kentou, Retzo, whatever." Tapos tumingin si Bench sakin ng nakangisi.

Umiling si Renzo at umalis bago ko pa siya matawag at ipagtanggol. Shucks! Major major insult! Buti at hindi ka niya sinuntok! Walang hiyang Bench! Ibang klase kung mang-inis!

"You're not with him anymore..." Ngumisi siya. "Tara sa sasakyan!"

Hinila niya ang kamay ko at binawi ko naman ito.

"You ruined my date again! Wa'g kang magpupupunta dito kung ganun naman yung gagawin mo!" Pabulong na sinabi ko sa kanya maingat sa mga taong nasa paligid.

Naging seryoso ulit ang mukha niya at tinignan ang kamay ko. Para siyang nasaktan sa ginawa at sinabi ko. Agad namang nagbuhol ulit ang tiyan ko, na-guilty.

Di ako pwedeng ma guilty! TAMA LANG YUN SA KANYA! Ininsulto niya si Renzo tapos inagaw niya ako imbis na maghalikan kami ni Renzo sa dancefloor (mabuti na lang kasi ayokong mangyari yun). Crus ko si Renzo, but not crush enough para dun. Hindi ko alam! Naguguluhan na ako!

"Renzo is not the guy for you, Denise."
"Bakit? Anong problema sa kanya!? Ikaw lang yung may problema dito eh!" Napalakas yata ang boses ko kasi nakita kong tumingin ang mga tao samin.

Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko. GOOSEBUMPS! Ano yun? Some kind of electric effect sa pagkahawak niya sa kamay ko.

Napalunok ako. Sa sobrang banayad ng pagkakahawak niya kinabahan ako. Dinig na dinig ko ang puso ko.

"Bakit? Sino ang right guy para sakin?" Napalunok ulit ako!

Bakit parang nag eexpect akong sasabihin niyang siya?

"Let's get out of here, accept my gifts, be with me, and I'll tell you why."

Ano yun? Anong nangyari at bigla akong sumama sa kanya? ITINULAK BA AKO? NINO? KAYO? OH NO!

Denise Cordelia Gozon, you can't be... :-[ :-[ :-[


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText