<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

one-five


ONE
Celestine Herrera: Ano? Ha?







Hindi niya ba ako kilala? Ang maganda kong pangalan ay di niya alam... kaya malamang... di niya ako kilala. Nainis ako ng konti sa kanya, at sa sarili ko.

Ibig sabihin nito, kahit kailan hindi niya pa nasusubukang i-FLAMES ang mga pangalan naming dalawa. Isang masaklap na katotohanan. Samantalang ako, Gabriel Isaac Soriano - di ko na sinasali ang Middle Name para di masakit sa FLAMES.

"A-Ah. Ako si," Tinuro ko ang bahay namin. "Ce-Cel. Di mo ba ako kilala?"

Nag-isip siya at tumingin sa kawalan. "Cel... Celestine?"




*TUGDOG*




Lumakas ang pintig ng puso ko. It`s good to know that he knows me. YES!

Tumango ako.

"Ahh. Ikaw ba yung siponin nung kinder?" Tanong niya habang nagfa-flashback sakin ang mga siponin-days ko.

Pati yata pang-iinis ni Kuya ay naisip ko.

ACK~ Bakit ganun ang pagkakakilala niya sakin?

"Ahh. Huh? O-" Tanga mo, Cel!
"Yun ngang taga diyan?" Sabay turo sa bahay namin. "Yung kapatid ni Sky?"

Si Sky ang kuya kong kaibigan din naman nitong si Gab. Kaibigan sila dahil si Kuya ang EX team-captain ng basketball namin. Kaya lang, napasa kay Eiji ang trono nung naghighschool na siya.

"O-Oo." Ngumiti pa ako.
Tumango siya. "Akala siguro ng mga aso, buto ka. Buto`t balat ka eh."

Napatingin ako sa katawan ko.

Wait, insulto ba yun o ano?

Pagkatapos nun ay tinalikuran niya na ako. Di man lang siya nagpaalam. Tsss. Syempre, di naman kami ganun ka close para magpaalam siya. Ganun ba talaga yun? Di ba talaga nagpapaalam pag di close?

O baka naman... palusot ko lang yun para di magalit sa kanya? Ah basta! Dapat maging close kami para makapagpaalam na siya sa akin kapag aalis na siya.

Ganun lang talaga ang iniisip ko habang pinapanood si Kuya na naghahanda para sa basketball game niya dito sa subdivision namin - pag summer kasi, may basketball tournament talaga. Kasama niya si Gab and any time now, ay susunduin na siya ni Gab. Excited na akong mamansin sa kanya.

"Pasok ka lang, Gab!" Sigaw ni Kuya habang tinitingnan si Gab na nasa labas ng gate.

"May laro kayo, Sky?" Tanong ni papa.
"Opo..." Inaayos ni Kuya ang medyas niya. "GABBB! Pasok!" Sigaw niya ulit kay Gab. "Hoy Cel... papasukin mo nga yang si Gab."
"H-Ha?"
"Hindi yata ako naririnig eh. Bilis! Buksan mo ang gate!"
"A-Ak-"
"BILIS NA!"

Kainis naman `tong si Kuya... sinisigaw-sigawan pa ako. Kakahiya naman.

"G-Gab, pasok k-ka." Tiningnan ako ni Gab habang nag-a-ice sa gilid.
Tumango siya nang nakitang binuksan ko ang gate.

Ngumiti ako. Nagpacute pa. ::) 8)

"Pasok ka, Gab! Magkaibigan pala kayo ni Cel. Magkaklase ba kayo?" Tanong ni papa. "Naghahanda pa si Sky sa loob."
"Ahh. Di po kami magkaklase netong si Cel. Pero, kilala ko po siya..."

Yeah right! Ako yung siponin diba diba? :-\

"Sige, pumasok ka sa loob. Ang tagal kasing naligo ni Sky eh." Sabi ni papa pagkatapos ay umalis na siya para magtrabaho.

Nauna na akong pumasok sa loob. HEHEHE.



"Cel?" OMG! Tinawag ako ni Gab?











Tumawa siyang bahagya nang lumingon ako sa kanya.

"Ano?" :-[ :)








::)




:-*





"May pula sa ano mo..." Sabay turo sa likuran ng shorts ko.

"Ha?" Binibiro ba ako nito?
"May dalaw ka yata..." Tumawa siya.

DALAW? EH.. DI PA AKO~ :-\ :-X :o


"Tayo na!" Sabi ni Kuya habang palabas ng bahay.

Ako naman, parang tangang tinitingnang mabuti ang likuran ng white shorts ko.

"YUCK, CEL! May dalaw ka na? Ewwwww..." Sabi ni Kuya.
"HAHAHAHAHA. Sabi ko na nga ba eh. First time ba?" Sabi ni Gab.
"Magpalit ka nga dun."
"Ewwww!"

Tumakbo na ako sa kwarto! Mga walang hiya! Leche! Eh... argh! nakakainis! Bakit ngayon pa? First time ko nga.. pero... bakit si Gab pa ang unang makakakita! Tinawanan pa ako ni Kuya. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. SHEEEET!



TWO
Celestine Herrera: si-sigurado ka ba sa gagawin natin?








Tandang-tanda ko noon ang pagpupumilit ni Jana sa akin na samahan siya sa audition niya para sa isang pep squad nung tumungtong na kami ng high school. Lilinawin ko lang ah, hindi po ako marunong sumayaw. Kahit Macarena lang yan o Asereje, di ko talaga kaya. Paano na lang kung mag breakdance diba?

"Sige na naman, Celestine! Please... Please... Please... Back up ka lang naman eh. Pero may pag-asa kang masali sa pep squad." Todo ang luhod niya sa harapan ng table namin.
"Naku Jana... Tigilan mo ko. Magpapabitin na lang siguro ako ng patiwarik kesa sa sumali-sali sa mga ganyan."
"Sige na! Kung sasali ka, eh lagi mo na makikita si Gab! Ple-" Agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Jana naman! Banggitin mo pang pangalan niya, kukutusan na kita."

Tinanggal ko ang palad ko sa bibig niya.

"Baka may makarinig satin dito... naku!"
"Tsss. ano naman ngayon? Tsaka... sige na, sumali na tayo! Para naman magkaroon na ng development ang pagkakaibigan niyong dalawa."

Umismid ako kay Jana at nag-isip. ???



Dahil sa kagustuhan kong mapalapit sa kanya, tinanggap ko ang hamon ni Jana na mag audition sa pep squad na sinasabi niya.

Alam ko, it`s a matter of life and death. Malaki ang porsyento ng pagpalpak ko. Pero, ganun pa man... ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Buong buwan ng Hunyo kina Jana ako tumatambay para magpractice lang ng sayaw namin. Maganda ang tugtugin kasi halo-halo ito, remix ng mga bagong kanta at kung anu-ano pa. Ang galing sumayaw ni Jana eh... nag ti-tiyaga pa siyang turuan ako.

"Wow. Grabe! Nakita mo ba yung routine ni Stacey? Grabe. Ang galing pa niyang tumambling. Nag split pa talaga siya sa huli!" Sabi nung mga babaeng kaka-audition lang yata sa pepsquad.

Sa loob ng gym ang audition, at nasa labas muna kami ni Jana dahil kinakabahan daw siya.

ACK~ Yung tinutukoy nilang si Stacey ay yung seatmate ko? Yung maganda kong seatmate na mejo... uh, hindi friendly... snob. Magaling pala yung sumayaw?

Pinatunog ko ang mga buto ng daliri habang pinapanood ang pag-eexcercise ni Jana.


"J-Jana... Narinig mo yun? T-Tumbling daw! Split pa..."



Tumigil siya sa pagwa-warm up.



"Asus, di naman kailangan yun eh. Pasikat lang yung Stacey." Sabi niya.

Nakita kong pumasok na rin ang ibang mag-aaudition.

"Pasok na tayo?" Sabi ni Jana habang hinahawakan ang kamay ko.

Tumango ako pero sobrang gusto ko nang mahimatay sa kaba. Uulitin ko po, kahit na mas marami ang mga steps sa kamay kesa sa steps sa paa, nahihirapan parin ako. Kailangan ko pang tingnan si Jana para lang makuha ng tama ang mga steps.

Hiyawan ang naabutan ko sa buong gym. Tiningnan kong mabuti ang mga judges. Nakita kong mga junior at senior ang mga nandun. Kinabahan ako. Pero mas lalo akong naluray sa nakita kong mga manonood. Andun si Stacey, iba pang magagaling sumayaw na estudyante, at syempre ang basketball team!

Namutla ako nang nakita ko na naman ang tumatawang mukha ni Gab habang nanonood sa kasalukuyang nag a-audition. Tila kinakantsawan nila bawat mali ng sumasayaw. ARGH!

"Jana, si-sigurado ka ba sa gagawin natin?"

"NEXT!" Sabi nung isang senior na mukhang cheerleader nila.

"Cel, lika na!" Hinila niya ako sa gitna.

Mejo hindi pa nga humuhupa ang hiyawan ng mga tao sa loob. Saka lang sila tumigil nang pinatugtug na ang sasayawin namin. Sa mga unang steps, sisiw lang sakin. Kaya lang, nawala ang concentration nang nakita ko si Stacey sa gilid ng isang senior. Kahit na may sumusuporta pala sakin sa basketball team at sumigaw pa ng, "GO! HERRERAAA!" pumalpak parin ako.

Amfufu, kilala ko yun! Si Kuya yun eh!

Kaya lang... wala na. Walang wala na ako sa dancesteps ni Jana. Binibigyan niya pa ako ng mga maasim na mukha at parang pinapaalala niya sa akin ang hirap na pinagdaanan namin sa pagpapractice lang nito.

Para na akong batang tumitingin sa kanya at huling-huli sa steps niya.

Narinig ko ang hiyawan ng mga tao. Sobrang kantsawan at sobrang tawanan. Naiiyak na nga ako. Masyadong nakakawala ng self-esteem ang pangyayaring ito.

"ANO! Sige! Tumawa ka pa!!!" Nabigla ako nang may biglang sumigaw ng ganito.

Kahit di pa natatapos ang sayaw namin ni Jana, pinatay na ang stereo at napatingin kaming lahat sa nagkakagulo.

Linapitan pa ako ni Jana at hinawakan ulit ang kamay ko.

Nakita ko si Kuya Sky na tinutulak ang isang di ko kilala.

"Totoo naman eh. Di marunong sumayaw yun-"

Sinuntok ito ni Kuya. Mejo napaiyak ako nang nakita ko yun. Nagkagulo na rin pagkatapos inawat si Kuya.

Pero mas lalo akong nabigla nang nakita kong kinwelyohan ni Gab yung lalaki... "Sige, ipagpatuloy mo nga! SINONG DI MARUNONG SUMAYAW?! HA?" Nanggigigil at nagngingitngit sa galit si Gab.

Agad tumakbo ang lalaki.




THREE
Celestine Herrera: Tumigil ka nga!








To make everything worst, hindi ako nasali sa pepsquad. Panay ang cheer-up ni Jana.

Pero ang totoo, hindi na yun kailangan. Dahil mukhang sapat na saking nakita si Gab na pinagtatanggol ako. Sobrang saya ko. Hindi ko nga lang ipinapakita dahil nahihiya parin ako sa nangyari.

"Okay lang yan, Cel. Gusto mo libre kita? Libre kita ng kahit anong gusto mo... Anong gusto mo?" Sabi niya habang hinihila ako sa canteen.

Natanggap nga pala si Jana. Syempre, magaling yun eh.

"Wa`g kang mag-alala. Kahit ano, ililibre kita."

Papasok kami sa canteen nang naabutan naming nakatingin ang mga tao sa akin. Andun pa si Stacey na umiinom ng chocolate drink, nakatingin na rin sakin.

"Wa`g na lang dito..." Sabay hila pabalik ni Jana sakin.

"Hi, Ms. Dancer!" May nanginis pa saking freshmen din pero sinaway naman ito nang kasama niya.

Umismid ako at bumuntong-hininga.

"Ilibre mo na lang ako sa labas." Sabi ko kay Jana.

Nakatingin lang si Jana sa likuran ko.

"Hindi pa daw uuwi si Sky. Nakiusap siyang-"

Lumingon ako sa nagsalita.

"-sasamahan ko raw si Celestine sa pag-uwi."
"Ahhh. Ganun ba? Kasi, Gab... Ililibre ko pa si Celestine eh."
"Huh? Anong ililibre mo sa kanya?"

Tiningnan ako ni Jana, "Kung anong gusto niya."

Nag evil smile si Gab.

"Pero kung.. okay lang naman, Cel diba? Na... ano? Next time na lang kita ililibre? May meeting din kasi kami sa squad eh. Sige, Gab! Ingat kayo!"
"Ja-Jana!"

Aroy nomon. Grabeng Jana yun, ambilis mag-isip. Agad pa talaga akong pinagkanulo sa pinsan niya. Ngayon, kami na lang ni Gab ang natira. Naramdaman kong namumula ang pisngi ko.

Sumulyap pa siya sa canteen para tingnan kung sinong nandun.

"Sa labas ka ba talaga magpapalibre? Ba`t di sa canteen?" Tanong niya.

Ano raw? Ililibre niya ba ako?

"Uh... W-Wa`g na no. hehe." Pa-cute. "Di naman a-ako nagugutom eh."

Tumitingin parin siya sa canteen. Para bang... di siya nakikinig sakin.

"Gab!" Sabi nung teammate niyang si Jake na kalalabas lang sa canteen. "Yung crush mo, may gusto din pala sayo. Andun sa loob eh! Puntahan mo, dali!" Nagtawanan pa sila kasama si Gab.
"Talaga?" Lumingon si Gab sakin. "Cel, pumasok na tayo sa loob!" Sinasabi niya na parang excited nang pumasok.
"H-Huh?"

CRUSH NIYA? SINONG CRUSH NIYA? HINDI AKO? Malamang! Eh nasa loob daw eh. Nasa labas ako.

Mejo naramdaman kong nag-init ang mukha ko at di ko alam kung bakit unti-unti akong naiinis sa kanya.

"Sige, Gab! Uwi na ako. Next time na lang ah!"

Sabay walk-out ko.

"Oi, Cel!"

Tumakbo siya sakin.

"Bakit?"
"Sakit ng katawan k-ko eh."

Pinagpapawisan naman ako ngayon ng malamig. HAHAHA :D" title="" class="smiley" border="0"> Hindi niya talaga pinuntahan ang crush niya kuno... para lang habulin ako.

Linibre niya ako ng dirty icecream. May paniniwala kasi akong kung hindi malambot ang kakainin ko, baka di ko lang to malunok dahil siya ang kasama ko. Naglakad din kami nang nakarating na kami sa subdivision. Eto yata ang pinakamasayang araw ko. Sobrang saya--kahit na nakakahiya yung nagawa ko.

"Ang galing mo kanina ah?" Humalakhak siya. "Galing ng sayaw mo!"

Natigilan ako. :(

Bakit niya... binabanggit yan? GRRRR... Tiningnan ko siya with my angry face.

"AHAHAHA. Ano ba kasing talent mo?"

Kaasar naman pala siya. ECK~

"Talent? Wala..." Sabi ko. :-[

Mejo naasar ako dun sa mga sinabi niya. Siguro, ganito na talaga siya.

Napaisip din ako, ano nga kaya ang talent ko. Yung maari kong maipagmalaki. Yung maari kong ipagmalaki sa kanya, nang sa ganun ay di niya ako tawanan.

"Eh.. ikaw? Sino naman yung crush mo?" Tanong ko, alam kong off-topic pero wala lang. HEHE
"Crush ko? Ba`t ko naman sasabihin sa`yo?"
"Narinig ko kaninang nasa loob daw ng canteen ang crush mo? Sino ba kasi?"
"Bakit ko sasabihin sa`yo? Close ba tayo?"

Unti kong naramdaman ulit ang galit na naramdaman ko kanina. Pinipigilan ko ang sarili kong magalit sa kanya pero bakit parang nakakainis talaga siya?

Tsaka... ibig sabihin ba nun kapag nalaman ko na galing sa kanya ang pangaln ng crush niya ay close na kami nun?

"Siguro pangit siya no kaya ayaw mong sabihin?"
"PANGIT? Anong pangit? Ba`t naman ako magkaka-crush sa pangit?"
"Ba`t kasi ayaw mong sabihin? Ako ba?"
"HINDI NO! Si Stacey. Kilala mo ba siya?" Tanong niya.

Si... Si Stacey! Eh... ang ganda nun!

"AH.. Oo eh." I faked a smile.

Ang sakit nun. Yung... 'HINDI NO!'--feeling ko tuloy nandiri siya sakin sa mga oras na yun. :( Tsaka, kaasar din siya ah! Nakaka-turn-off ang ugali. Alam kong pilyo siya, pero hindi ko inaasahang pati sa akin ay ganyan parin siya.

"Ikaw, sinong crush mo?"
"A-Ako? C-Crush?"

Ikaw! ;D

Wish ko lang kaya kong sabihin yan.

"Ah... hehe. Yung si... hehe."

Tumaas ang kilay niya habang tinitingnan ako.

"Sino? Ang daya mo naman. Sinabi ko kung sino ang crush ko... tapos ikaw, di mo sinasabi! Bakit? Nahihiya ka kasi pangit no?"

Anong madaya? Siya yung madaya! Kasi... siya ang crush ko. Tapos, hindi naman ako ang crush niya! :(

"Nanonood ba yung crush mo kanina? Siguro iniisip nun nag titinikling ka sa sayaw mo. HAHAHA :D" title="" class="smiley" border="0"> "

Umapoy talaga yung mga tenga ko pagkatapos kong narinig ito kay Gabriel.

Feeling ko, namula ang pisngi ko. "Tumigil ka nga!" Nakakahiya. Siya pa ang nagsasabi niyan - eh siya yung crush ko!
"Nukaba! Loko lang yun... HAHAHA :D" title="" class="smiley" border="0"> "

Umismid ako sa kanya. Ganun ba talaga kapanget yung sayaw ko kanina? GRRR... Kakahiya naman o.

Nakapagtataka dahil pagkatapos nung asaran namin, di niya na ulit tinanong kung sino ang crush ko, siguro dahil... hindi naman talaga siya interesado... O baka... masasaktan lang siya pag marinig niyang di siya ang lalabas sa bibig ko. Pero... sana... yung huling rason na lang...



FOUR
Celestine Herrera: Nung firstyear pa lang ako.






Akala ko, pagkatapos nang araw na yun di na ako magkakacrush sa kanya - mejo nakakaasar kasi siya. Kaya lang, mukhang sa kakaisip ko sa kanya, mas lalo yata akong nagkakagusto. At lalo din siyang dumidikit sa akin. Sabay siya nang sabay sa pag-uwi. Kaya lagi akong masaya pag-uwi sa bahay. Dumadalas na rin ang daydream ko sa kanya.

Kaya lang nakakainis nang isang araw, nakita ko siya at ang kanyang mga teammate na sina Jude at Jake sa corridor...

"Hi Gabriel!" Sabi nung isang babae.
"Hello!" Sabay ngiti pa niya at ng kanyang mga kasama.

Lahat ng babae, binabati niya. Pero pag ako ang nakakasalubong niya... "Hoy Cel! May muta ka oh! Tsss." Sabay tawanan ng grupo. Nakakainis nga eh, pero di ko parin siya matanggal sa isipan ko. Pati rin yata sa puso ko.

Unti-unti kong narerealize na yung akala ko noong pilyo siya sa lahat ng tao, eh mali. Yung totoo pala... ako lang ang inaasar niya. Ako lang yung tinatawanan niya. Nakakainis isiping iba ang pakikitungo niya sa akin.

Napasinghap ako habang nakapangalumbaba sa isang bench.

"Celestine!!!" Sigaw ni Jana na para bang may sunog.
"Ano?"

Ambilis nang takbo niya habang dala-dala ang isang notebook na color yellow.

"Ano ba? Anong nangyari?"
"HAAH!" Humingal siya.

Linapag niya ang notebook at tinuro-turo ang isang question dito...

"Who is your bestfriend?"

Tinuro niya ang sagot.

"Celestine..."
"HAHAHA!" Nag evil-smile siya. "Kitams! Bestfriend na turing ni Gabriel sayo!"
"P-Patingin!" Sabay kuha ko sa autograph niya, tiningnan ko ang kabilang pahina at talagang si Gabriel ang nag sign nito - kanyang sulat-kamay.
"hahaha. Sobrang excited akong ipakita sayo yan. Pinasagot ko sa kanya nung pumunta sila sa bahay. Grabe... HAHAHA."

BESTFRIEND? :( 8)

Tiningnan ko ang baba nung question at sagot.

"Who is your crush? S.E." Initials lang ang nandun.

Stacey Enriquez. Napabuntong hininga ako.

"Ano ba! Crush lang naman yan! Malay mo... pa`g dating nang panahon eh... ikaw naman yung crush niya." Pampalubag loob?
"Jana, isang taon na yung nakalipas nung nalaman kong crush niya yang S.E. na yan... impossible na yata-"
"HELLER! Nukaba! O... eto... Tingnan mo!" Sabay turo sa ibabang question ng Who is Your Crush.

Suminghap siya.

"Who is your loved-one? GOD!" Sabi niya. "O... diba! Ibig sabihin nun! Di si Stacey yung loved-one niya...kaya mag saya ka na!"

Simula noon, pinagbuti ko na ang pagiging bestfriend ko kay Gab. Para nang sa ganun, magkaroon ako nang pag-asang mahalin niya. Dumating ang third year high school. Si Kuya Sky, nag med school. Namimiss ko na nga siya dahil nagdo-dorm na kasi siya. Minsan lang siya umuuwi sa bahay namin. Pag umuuwi naman siya... ganito ang lagi kong naririnig sa kanya...

"Kaya ikaw, Celestine~ Wa`g kang magbo-boyfriend. Maraming mga loko-lokong lalaki ngayon! Pinaglalaruan lang yung mga puso ng mga babae."

Sinabi niya `to nang nahuli ko siyang tinatawagan ang isang taong tinatawag niyang 'HONEY' at tinawagan ulit siya nang isa pang taong tinatawag niya namang 'BABY'.

"Kuya, nangangaliwa ka ba?" Tanong ko.
"D-Di ah! Ako? Ambait ko no!" Nag evil smile siya.

Umismid ako kasi alam kong ganun nga ang ginagawa niya.

"Hoy! Akala mo no! Akala mo di ko alam na may gusto ka sa bestfriend mo kunong si Gabriel?"

Muntik nang tumigil sa pagpintig nang puso ko nang sinabi niya yun.

"H-Ha? Wal-"
"HEH! Wa`g ka nang magmaang-maangan. Kala mo di ko nakita yung punit sa yearbook mo nung gradeschool? Mukha yun ni Gabriel eh. At pinalaminate mo pa talaga yung mukha niya ha?" Sabay pakita sakin yung laminated na picture ni Gab.

Oo, pinalaminate ko pa yung picture na pinunit ko lang sa yearbook namin. Ginawa ko yan nung first year kami.

"Akin na nga!" Sabay kuha ko sa picture.

Naramdaman kong namula ang pisngi ko habang pinapanood siyang nag-e-evil smile.

"Winawala mo ang usapan eh! Isusumbong kita kay mama at papa dahil pinaglalaruan mo yung-" Tinakpan niya ang bibig ko.
"O sige nga! Isumbong mo ko`t masumbong din kita kay Gab na may gusto ka sa kanya?"

Nagkatitigan kami ni Kuya.

Syempre, hindi ko kaya yung sinabi niya`t pumayag na lang ako sa deal namin.

"Sa bagay... okay din naman si Gab eh. Gwapo din naman siyang tulad ko..." Nag evil smile si Kuya. "Kaya... okay lang!"
"Ano bang pinagsasabi m-mo? Noon yun! Nung firstyear pa lang ako. Third year na ko no!"

Tumawa siya nang napakalakas.

"Basta... Wa`g kang magpaloko sa mga walang kwentang lalaki."

Sinasabi niya siguro yan dahil naniniwala siyang lahat ng mga ka gaguhan ng mga Kuya ay pasanin ng kanilang nakababatang kapatid na babae. Ibig sabihin nun, kapag may papaiyaking babae ang kuya ko, ako naman ang iiyak ng ganun para sa isang lalaki. And the cycle goes...

Pero... huli na ang lahat.



FIVE
Celestine Herrera: May sasabihin din ako sa`yo.






Binuksan ko ang locker ko at may nahulog na isang envelope. Stationery! Zashikibuta ang character! Sinong nagbigay nito?

Biglang may kumalabog na pintuan at nakita kong nagsialisan at nagtakbuhan sina Jake, Jude, Dexter at iba pang teammates ni Gab.

"To: Celestine Herrera."

Para sakin?

Binuksan ko `to at binasa...

"Cel," Dumating si Jana.

Pero di ko na pinansin yun dahil nakatunganga lang ako habang nanlalaki ang mga mata sa nababasa ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas nito... halos di ko marinig ang mga sinasabi ni Jana.

"Ano ba yan?"
"OH MY GOOOD! Secret admirer kuno!"

Sobrang tuwa ko dahil sulat kamay ito ni Gab at may nakasabing: Gustong-gusto kita... Pwede ba kitang ligawan?

Bigla kong yinakap si Jana at pareho kaming nagtalunan sa sobrang tuwa.

Hindi ako makapaniwala! SOBRA! He was like the moon, the sun... to me. Ang taas niya na hindi ko maabot! Kahit na magkaibigan kami at tinuturing niya akong bestfriend, akala kong hanggang dun na lang talaga kami. Kaya sobrang saya kong parang gusto ko na lang magtawanan kami ni Jana buong araw.

"Jana.. JANA! Anong gagawin ko?"
"Sigurado ka bang si Gab yan?"

Ganun din ang tanong ko... kaya lang... sa araw ding yun, naconfirm kong siya nga!

Habang magkasabay kaming umuwi. Tahimik kaming dalawa. Nahihiya akong magsalita. At mukhang ganun din siya.

"Uh, Cel... nabasa mo ba yung... letter?" Tanong niya habang nakangisi.
"H-Huh? Le-Letter?"
"Oo. Kasi... ako yung..."

Ngumiti ako. WAAAA~!

"AAAHH! Ganun ba~?" Nagkatinginan kami.

Katahimikan.

"Kelan ko malalaman yung sagot?"
"Ikaw talaga... ambilis mo!" Pa-cute.

Pa-cute lang ako nang pa-cute sa kanya.

Hindi naman nagbago yung pakikitungo niya sakin, unless kung pinapaalala ko sa kanya yung letter. Ang saya-saya ko. Balak kong sagutin siya sa prom para talagang memorable. HAHAHA. Sinabi ko na rin sa kanya na sa prom ko siya sasagutin. Kaya sobrang kinareer ko ang pagpili ng gown at kung ano yung hairstyle ko.


Sinabi ko nga pala kay Kuya na nanliligaw si Gab sa akin, kahit mejo secreto pa. Ayoko din naman kasing maglihim sa kanya. Pero two days before our prom night, may sinabi si Stacey sa aking sana`y di ko na lang narinig.

"Celestine." Tinawag niya ako.
"O.. Bakit, Stacey?"

Tumaas yung kilay niya at alam ko na - magtataray siguro siya sakin. TSSS! Crush niya si Gab eh, nakarating na siguro sa kanya yung balitang liniligawan ako ni Gab.

"Kamusta na kayo ni Gab? Sasagutin mo na ba siya?" Tanong ni Stacey na para bang may darkplans dahil sa ngiti niya.
"Okay lang naman kami... hmmm, ewan ko eh... titingnan ko pa kung sasagutin ko nga siya."

Umismid siya sakin, "Ang feeling naman."
"May sinasabi ka?"
"Wala naman..." Ngumiti pa siya at umalis.

Anong problema nung babaeng yun? Tss. Kahit kailan talaga ang chaka niya. Sobrang arte. Ano naman ngayon kung siya yung cheerleader nina Jana. Asus, kala niya naman kung sino siyang magaling. Kung magaling siya, dapat linigawan na siya ni Gabriel. Teka.. oo nga no? Crush ni Gab si Stacey, pero ba`t di linigawan ni Gab si Stacey? Siguro... kasi.. crush lang diba? HAHAHA Buti nga sa kanya. Inggit lang siguro yun!

"Celestine, baba na!" Sabi ni Kuya.

Hinatid niya kasi ako papunta sa venue ng prom namin. Sobrang excited na ako. Hindi lang dahil prom na namin, kundi dahil sasagutin ko na ngayong gabi si Gab!

"Opooo!" Bumaba ako at feel na feel ko yung gown ko.

Sinalubong naman ako ni Jana at iba pang kaibigan namin.

Pero eto ang talagang nagpanganga sa akin nun, nakita ko si Gabriel... ang gwapo gwapo niya sa soot niya. Sobrang gwapo niya ngayong gabi! Nakikipaghighfive siya sa kanyang mga kasama - kumikinang talaga siya sa kagwapuhan niya.

"Hoy Cel! Yung laway mo oh! Sayang naman yung make-up mo." Biro ni Jana. "Bilisan mo na`t nang masagot mo na yang pinsan ko! HAHA Excited na ako..."
"Ako rin! Natatakot lang ako kasi baka mautal ako mamaya kung sasagutin ko na siya. HAHAH"

Pumasok na kami sa venue at umayos. Maayos ang program. First prom ko `to ngayon kaya sobrang kinabahan ako. Nakita ko si Stacey, ang ganda niya tonight. Kaso, dikit siya nang dikit sa basketball team. Palibhasa cheerleader na kaya ganun na lang kung makadikit. Ganun pa man, di parin ako nagselos dahil ang alam ko, ako ang nililigawan ni Gab at hindi ang Stacey na yun.

"May I have this dance?" Ilang beses din akong yinaya ng mga kaklase ko para isayaw sila.

Pero hindi ako pumayag dahil nakalaan lang ang sayaw ko ngayong gabi para sa lalaking pinakamamahal ko.

"Cel..." Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ni Gabriel habang inaabot niya ang kamay niya sakin.

Kinabahan na ako nun, kasi naiisip kong pagkatapos ng gabing `to... may boyfriend na ako.

"May sasabihin ako sa`yo..." Sabi niya nang tinaggap ko ang kamay niya.
"May sasabihin din ako sa`yo." Ngumiti ako.

Kaya lang nakapagtataka yung ekspresyon niya. Nakatingin na rin ang ibang teammates niya sa amin. Pati si Stacey, nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay na nanonood sa amin.

Makikita niya! Sasagutin ko si Gab at tutulo ang laway ng stacey na yan.

"Bestfriend naman kita diba?" Seryoso ang mukha ni Gab ngayon habang isinasayaw ako.

B-Bestfriend?


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText