fiftysix-sixty
FIFTYSIX
Celestine Herrera: Oo. Salamat.
Sa gabing iyon, hindi ko na pinansin si Gabriel at Gianna kahit harap-harapan na nila akong pinagseselos. Si Jana at Dexter lang ang kinausap ko hanggang sa papauwi na ako. Hindi ko alam kung napapansin ba ni Dexter na mejo wala ako sa sarili pero alam ni Jana na talagang lumilipad ang utak ko.
"Cel, labas tayo bukas?"
"O-O sige bah!"
"Ano, susunduin kita??"
Nag-isip pa ako bago sumagot.
"Wa`g na... kita na lang tayo."
Nahihiya na kasi talaga ako kay Dexter eh, hinahatid niya pa ako halos araw-araw sa bahay tapos magpapasundo pa ako kung lalabas kami? Hay, wag na!
"O sige... uhmm, two o'clock, afternoon, tomorrow!" Sabi niya habang nasa loob na siya ng sasakyan at nasa labas lang ako.
Magpapaalam na ako sa kanya dahil uuwi na raw siya. Maaga siyang umuwi kung ikukumpara sa ibang teammates niya at ibang bisita. Aniya, may gagawin pa raw siya kaya ganun.
"Uhmm. Saan?"
Nabigla pa ako nang sinabi niya kung saan kami magkikita. Paano ba naman, sa isang bago, sikat at mamahalin ang restaurant yon.
Sa gabi ding iyon, narealize kong kailangang iwasan ko na si Gabriel at Gianna. Ayoko ng makialam sa kanilang dalawa. Isa pa, naiinis ako sa mga ginagawa ni Gianna. Nalilito na rin ako kay Gabriel. Kaya mas lalo kong igugugol ang oras at atensyon ko kay Dexter.
Ngayong OKAY na OKAY na sila, wala ng Dino si Gianna at masaya na si Gabriel, siguro naman hindi na nila ako kailangan? E-exit na ako sa buhay nila para mas masaya na sila.
"Uy, hija! Narinig ko yooon ah?!" Sabi ni Jana habang sinisiko ako.
"Ha? Alin?"
Umalis na si Dexter.
"Yung sinabi ni Dexter! Aray naku naman!!! Grabe... feeling ko magco-confess na siya sayo bukas! Pustahan tayo, kayo na bukas?"
Natigilan ako.
"Huh? Bukas?"
"Oo! Asus kunwari ka pa! Alam kong alam mo na may gusto siya sayo. Plus, sa ganung place ka pa niya dadalhin! Sigurado na yan!!!"
Tawa siya ng tawa sabay tili.
"Nukaba! Impossible!"
"Imposible ka jan! Hmp!"
Sabado ng umaga, nagising akong parang sinakluban ng langit at lupa ang ulo ko.
Anak ng balyena, isang galaw ko lang, alam na alam ko na kung anong nangyayari sa sistema ng katawan ko. EHEM. Hindi pwedeng ganito!
Hindi ako naniniwalang may lagnat ako kaya ginawa ko lang ang mga normal na gawain ko. Kumain, naligo, nakipagkulitan kay Kuya... at kung anu ano pa. Hindi pwedeng ganito, may lakad kami ni Dexter mamaya eh. Alas dose na kaya, ayokong mag back-out bigla no!
"Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Kuya habang tinititigan ako.
"Huh?"
"Bakit ganyan ang mga mata mo?" Agad niyang linagay ang palad niya sa noo ko.
Tinanggal ko agad yung palad niya kasi natatakot ako sa sasabihin niya.
"May lagnat ka ah!" Pero wala akong takas.
"Wala!"
"Meron! Oi! Teka lang!" Pumunta siya sa kwarto niya.
Patay! Kukunin niya yata yung mga gamit niya sa med school. O baka naman kukunin niya ang temperature ko.
Mabait na kuya si Kuya Sky, pero hindi ko siya kayang sundin sa mga ganitong pagkakataon.
"38! Lagnat nga yan!" Sabi niya habang binabalik ang thermometer sa lalagyan nito. "Mag pahinga ka nga!"
Humiga ako sa sofa.
Umalis ulit siya ng nagmamadali. Bumalik siya ng nakabihis na at may dala-dalang kumot.
"Sa kwarto ka kaya magpahinga no?" Sabay balot sakin ng kumot.
"Nukaba kuya! Okay lang talaga ako. Mejo sumasakit lang ang ulo ko. Dito na ako sa sofa para makapanood pa ako ng TV!"
"Shatap ka nga diyan! Oi! Magiging doctor na ako, baka nakalimutan mo? Ang hina mo talaga! Konting ulan lang kagabi eh ganyan ka na. Kailangan mo yata ng vitamins eh!"
Inirapan ko siya. Hindi ko na rin alam kung bakit pati pag-irap eh nahihirapan ako. Sumakit tuloy lalo ang ulo ko.
"O, dito ka lang! Wala si mama at papa, mamayang gabi pa ang uwi ng dalawa... wa`g kang aalis ah? May lakad ako, uuwi ako agad."
"Oo na!"
Linagay niya ulit ang palad niya sa noo ko.
"Inumin mo `to ah?" Sabay abot ng gamot.
"Oo. Salamat." Tapos, umalis na siya.
Ininom ko ang gamot, pero wala akong planong di tutuloy sa lakad namin ni Dexter. Itutulog ko na lang siguro itong sakit ng ulo ko. Makapagpa alarm nga ng 1PM.
*TINGTINGTINGTINGTING-TINGTINGTING-*
Walanya! Alarm na agad? Parang saglit lang yung tulog ko eh! Naku naman oh.
Bumangon ako at ramdam ko parin ang sakit ng ulo ko. Di ko na lang siguro iisipin `to. Ininom ko ang gamot tapos nagbihis.
Nakita ko sa cellphone ko ang apat na text message galing kay Dexter.
Dexter: Good morning!
Dexter: Tuloy ka mamaya?
Dexter: Tuloy ka mamaya?
Dexter: Sigurado ka bang di ka magpapasundo?
Patay! Ang dami niya palang text tapos ako dito, tulog lang nang tulog.
Celestine: Oo. I'm coming na.
Ilang saglit lang, may reply na agad siya.
Dexter: Okay. I'll be waiting for you.
Makaalis na nga sa bahay, baka mamaya makauwi na yun si Kuya eh di ako palalabasin.
FIFTYSEVEN
Celestine Herrera: Mag aapologize lang naman ako eh!
Umalis ako ng bahay. Hindi pa ako dumarating sa tapat ng bahay nina Gabriel, mejo naisipan kong bumalik dahil masyado na akong nahihilo.
Grabe, sana pala nagpasundo ako. Umiikot na ang lahat eh.
Umiikot na ang lahat sa paningin ko. Umiikot. Umiikot. Umiikot.
Nagising ako ng nasa loob na ng kwarto ko.
"O! Ingat!" Sabi ni Gab habang may linalapag sa mesa malapit sa kama ko.
Mabango yung linalapag niya, nakakagutom tuloy. Pero wala ako sa posisyong mag-isip ng kung anong gutom. Bumangon ako at naramdaman ang linsyak na sakit ng ulo ko.
"Umaapoy ka sa lagnat, tapos nagbabalak ka pang umalis?"
Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit.
"Anong oras na ba-"
"Tinawagan ko na si Sky, pabalik na daw siya. Nag-aalala yun. Pagagalitan ka nun pagbalik, sigurado." Kinuha niya ang soup na kanina ko pa naamoy. "Eto oh." Umamba siyang susubuan ako.
Pero kinuha ko ang kutsara at sinubuan ko ang sarili ko.
"Ang arte." Umupo siya sa kama ko habang tinitingnan akong kumakain.
"Sinong nagluto nito?" Tanong ko.
Masarap!!! Hindi ko alam kung masarap ito dahil masakit ang ulo ko o sadyang masarap lang ang pagkakaluto nito.
Napakamot si Gab sa ulko niya. Agad ko namang nakita ang nakapulupot na bracelet sa wrist niya.
"Ako. Hehehe. Masarap bah?"
Oo! Masarap! WOW! Si Gabriel pala ang nagluto nito, kaya masarap. Pupurihin ko na sana siya pero nang tinitigan ko ang bracelet na soot niya, nakita kong hindi yun ang binigay ko.
"Ayoko na." Sabay bigay sa kanya ng bowl.
Hindi ko pa nauubos pero nawalan ako ng gana.
"Huh? Bakit?"
"Di masarap!"
"Huh? Kani-kanina lang eh higop ka ng higop at sarap na sarap ka... tapos ganyan ka ngayon?"
Humiga ulit ako.
"Nahihilo ako." Sabi ko.
Linapag niya ulit sa mesa ang linuto niyang soup habang linalagyan ako ng kumot.
Sumulyap ulit ako sa bracelet niya.
"Asan yung bracelet na binigay ko?" Tanong ko.
Ba't di niya soot-soot? Di niya ba nagustuhan?
"Ahh. Nasa bahay lang." Tinago niya ang wrist niya.
"Kanino yan? Patingin!"
"Ahh. Bigay to ni Gianna eh." Sabay pakita niya sa bracelet.
Tumango ako. Pero hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ibinigay ko sa kanya. Mabuti na lang at mejo linalagnat ako kaya hindi siguro siya magtataka kung mejo pangit ang mukhang naipakita ko.
Kay Gianna naman pala ang bracelet na sinusoot niya. Syempre, di naman pwedeng dalawang bracelet ang isusoot niya, baka magduda pa si Gianna. At syempre, nararapat lang na yung kay Gianna ang susootin niya dahil siya ang girlfriend. Tsaka, pareho pa kami ng binigay ni Gianna huh? Hmp.. ang malas talaga.
Katahimikan.
"Ikaw talaga! Ba`t ka umalis ng bahay ng ganito? Hay naku-"
"Hala!!! Oo nga pala! Anong oras na?" Napatingin ako sa wallclock ng kwarto ko.
Lintik na pag-ibig! Alas singko na!
"Patay! Si Dexter!" Bumangon ako.
"Oops! Anong Dexter? Dexter ka jan!" Pinahiga niya ulit ako.
"May lakad kami ni Dexter! May usapan kami..."
"Ganun na ba talaga ka importante si Dexter sayo? Na okay lang na magkasakit ka basta mapuntahan mo lang yung lakad niyo?"
"Hindi naman kasi ako bastos para mang-indian! Asan na ba yung cellphone ko?"
Binigay niya ang cellphone ko. Pero bago ko pa nahanap ang pangalan ni Dexter sa phonebook ko, naglowbat na ito.
"Shucks!"
"O kita? Pati ang tadhana, ayawng pumunta ka dun!"
"Bakit? Sinabi ko bang pupunta ako? Mag aapologize lang naman ako eh! Sigurado naman akong wala na yun don. 2PM kaya ang usapan namin."
"Yun naman pala eh. Bukas ka na mag apologize."
Hindi na ako sumagot. Pakiramdam ko kasi, naubusan na ako ng enerhiya. Humiga nalang ako at ang tanging naiisip ko na lang bukod sa pang-iinis ni Gab eh ang pagtulog.
Ilang sandali ang nakalipas, tahimik na ang linsyak na si Gab. May mga kung anu-ano siyang orasyong ginagawa tulad ng paglalagay ng basang tuwalya sa noo ko at ang pagdadala ng mga gamot at maiinom. Minsan, naiisip kong ang sarap mag paalaga sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili kong mag-isip na naman ng kung anong meaning sa ginagawa niya sa akin ngayon. Dahil sa huli, alam na alam ko parin na WALANG MEANING tong lahat ng to.
Pinikit ko ang mga mata ko habang dumadapo ang palad niya sa noo ko. Nakikita ko din kasi yung bracelet na lumalapit sa mga mata ko. Malamig ang palad niya at nakakagaan ng loob.
Nakapikit parin ako ng narinig ko ang buntong-hininga niya.
"Cel, sorry. Kasalanan ko `to. Iniwan kita sa ulan kagabi."
Ano ba `tong sinasabi niya? Sinasadya niya ba ito para marinig ko talaga o akala niyang tulog na ako?
"Ikaw kasi eh... di mo na ako hinintay. Napahamak ka tuloy. Matuto ka na kasing maghintay..."
Didilat na talaga ako pramis! At bubugahan ko siya ng apoy. Pero marami pa akong gustong marinig sa kanya kaya gusto ko pang magtulog-tulugan.
Naramdaman kong tumayo siya nung narinig niya ang bosina ng sasakyan. Kay Kuya Sky siguro yun.
"Cel?"
Didilat na ba si Celestine o hindi? Paano kong dapat pala tulog ako? Diba may ganun sa movies? Sinasabi lang nung lalaki ang mga ganyan dahil akala niya tulog na yung babae? Dapat marinig ko lahat eh... kaya tulog nalang muna!?
Bumosina ulit ang sasakyan ni Kuya Sky.
Narinig ko ang tahimik na halakhak ni Gab, "Ang tanga ko naman. Tulog na pala `tong kinakausap ko."
Dumilat agad ako para ipakitang GISING PA AKO! Kaya lang nakatalikod na siya sa pintuan at lumabas na para buksan si Kuya sa ibaba. LINSYAK! Gabbbbb, narinig ko yun! Di ako tulogggg!
FIFTYEIGHT
Celestine Herrera: puntahan mo na lang kaya?
Pagkatapos akong icheck-up ni kuya, nakatingin lang sila sakin na para bang disappointed at may nagawa akong kasalanan.
"Buti nakita ka ni Gab sa daanan." Sabi ni Kuya. "Kung hindi ka niya nakita, magmumukha kang pulubi diyan sa tapat ng bahay nila na walang matutuluyan. Mahihimatay ka na eh, tapos lalabas-labas ka pa?"
Ayan, sermon ni Kuya ang inabot ko.
"Eh... importante lang talaga eh-"
"Yung lakad niyo ni Dexter?"
"Dexter? Sinong Dexter yan?"
"Yung teammate kong manliligaw niya."
Ay naku, si Gab sabat nang sabat. Para bang sila lang ni kuya ang nag-uusap jan at wala ako sa harapan.
"Ano? Sino yan? Paano kung kasama mo siya nung nahimatay ka? Naku! Ikaw talagang bata ka!!!"
"Kuya! Ano ba yang mga iniisip mo? Hindi naman masama si Dexter eh."
"Kahit na! Malay mo naman diba? Baka pag nahimatay ka't kasama mo siya...-"
"Tama na nga yan! Di naman ganun si Dexter eh!"
Nakakahiya naman yung mga iniisip ni Kuya. Lalong lalo na't hindi totoo ang mga ito.
Nakita kong umiling si Gabriel habang pinagmamasdan ang ekspresyong pinakita ko.
"Di bale na nga! Sige na, matulog ka na diyan at magpahinga ka na."
Inirapan ko si Kuya at hiniga ng mabuti ang masakit kong ulo.
Liniligpit niya ang gamit niya habang nakatingin lang si Gab at nakahalukipkip sa tabi.
"Aray, ang sakit ng ulo at lalamunan ko." Sabi ko ng wala sa sarili.
"Baka magkaka ubo ka." Sabi ni Dr. Gab.
"Hindi baka, talagang magkaka ubo at sipon yan!" Singit ni kuya habang liniligpit parin ang mga gamit niya. "Ikaw ba naman yung linakad ang ilang kilometro habang umuulan? Tsss..." Nakita kong umiling si Kuya.
"Eh kasi naman... nakakainip eh." Sabi ko.
Mukhang binalewala ng dalawa ang sinabi ko. At...
"Gab, iwan muna natin siyang nagpapahinga dito. Lumabas ka na muna at may pag-uusapan tayo."
Tumango naman si Gab at walang pag-aalinlangang lumabas.
Inisip ko sa kama kung ano ang maaring pag-usapan ni Kuya at ni Gab sa labas, kaya lang, nakatulog na ako.
Ang himbing ng tulog ko kaya pagkagising ko, akala ko malilate na ako sa school. Agad akong bumangon pero naramdaman ko ang sakit ng ulo ko at ang mabigat na kumot sa katawan ko.
"Patay... School." Sabi ko habang nakapikit pa ang mga mata at nakahawak sa ulo.
"Anong school? Linggo kaya ngayon." Narinig ko ang halakhak ni Gab sa tabi habang inaayos ang soup na mukhang siya ulit ang nagluto.
"O, ba't andito ka pa?"
"Psst, Celestine... nukaba, dapat magpasalamat ka kay Gab." Biglang pumasok si Mama sa kwarto.
Sumulyap akos a wallclock at Alas diyes ng umaga na pala.
"Ha? B-Bakit? Dito ka ba natulog?"
"Hindi. Pero maaga siyang nagpunta dito para lutuan ka ng soup at hinintay ang paggising mo."
Mejo natigilan ako sa sinabi ni mama.
"Masakit ba ang lalamunan mo?" Tanong ni mama habang linalagay ang palad sa leeg ko.
"Mejo..."
"Tama si Sky, baka nasa ilalim ang ubo mo."
Napansin kong nakabihis si mama habang tinutulungan si Gab na ihanda ang soup para sakin.
"Gab, ikaw na muna bahala dito. Di naman yun lalabas si Sky eh..."
"Opo. ako pong bahala!" Sabay pa cute.
"Tawagan niyo ako kung meron kayong kailangan..."
Umupo si mama sa tabi ng kama habang hinahaplos ang noo ko.
"Pagaling ka. Aalis kami ng papa mo. Pumunta yun dito kanina pero tulog ka pa raw... ano? payag ka bang umalis kami?"
Tinanggal ko ang kamay ni mama sa noo ko. Nakatingin kasi si Gab eh. Feeling ko may kung ano... ano? HAHA
"Mama naman, okay lang kaya no! Nukaba... di na po ako bata. Tsaka, konting lagnat lang `to. Andyan naman si Kuya."
"...at si Gab."
"H-Huh? Oo! Kaya... oo nga... okay lang!" Ayun, ang awkward ng sinabi ko.
"O sige..." Hinalikan ako ni mama sa pisngi. "Kumain ka na."
Umupo ako ng maayos habang inabot sakin ni Gab ang soup.
"Gab, kayo na muna ang bahala dito ah? Tawagan niyo ako kung may problema."
"Opo. No problem!"
"Ambait talaga ng batang `to, naku!" Sabay gulo ni mama sa buhok ni Gab.
Kamuntik ko ng maisuka ang unang subo ko sa soup niya dahil sa sinabi ni mama.
"Sige, Cel! Pakabait ka... Wa`g kang makulet!"
"Opo!"
Tsss? Makulit? Umalis na si mama at ngayon, kami naman ni Gab ang naiwan. Ba't ba siya laging nandyan kung kelan wish kong sana mag-isa na lang ako para wala na akong ibang maisip. HAAAY
*Krrrriiing*
Subo parin ako nang subo sa soup.
"Hello?" Linagay niya ang cellphone niya sa tenga niya.
Habang ginawa niya yun, napansin ko ulit yung bracelet - na hindi akin.
"Good morning din! Oo..." Sumulyap si Gab sakin. "Nasa bahay nina Cel... hindi parin eh... oo... kumakain... oo..."
Pwede i-loudspeaker yan? Gusto kong marinig eh. Mukhang ako yung topic.
"Ngayon na?" Tumingin siya sa wallclock. "Di pwede eh... sorry..." Sulyap ulti sakin. "Salamat... Okay... See you... I love you too."
Maiisip ko na sanang hindi girlfriend niya yung kausap niya, kaso I LOVE YOU TOO ang huling salita eh.
Binaba niya ang phone.
"Si Gianna?"
"Oo eh."
"Anong sabi?"
"Wala."
"Anong wala?"
"Kinamusta ka lang..."
"Ako?" Di ako naniniwala. Baka siguro IKAW yung kinakamusta.
"Kumain ka na nga lang diyan, lalala ka niyan eh."
Sumubo ako pero binigyan ko siya ng mga inis na titig.
"May usapan ba kayo or something ngayon?"
"Wala naman..."
"Bakit may 'Hindi pwede... Sorry' akong narinig?"
"Ahh wala yun. Ano ka ba!? Wa`g ka ngang mag-isip ng mga kung anu-ano. Kumain ka na lang diyan para gumaling ka na!"
Pagkaubos ng soup na masarap pero di ko na lang pinapakita para di ma-overwhelmed si Gab, pinagpawisan ako ng todo-todo.
Mukhang napansin niya iyon kaya humanap siya ng tuwalya.
Pero lanya, bumangon ako at tumayo, GUSTO KONG MALIGO. SERIOUSLY.
"Saan ka pupunta?"
"M-Maliligo."
"Maliligo? Eh inaapoy ka ng lagnat?"
Sorry. Nakikita ko lang na mukhang kailangan kong maligo dahil baka mabaho na ako tapos andyan pa si Gab. Nakakahiya naman.
"Di ka pwedeng maligo!" Seryoso ang pagkakasabi niya.
"Pero..."
"Hindi pwede, Celestine. Magpahinga ka nga diyan sa kama mo. Wa`g ka ng mag-isip ng kung anu-ano."
"Oi, anong kaguluhan `to." Biglang pumasok si Kuya.
"Gusto niyang maligo, pero hindi ko pinapayagan."
"Naku, Cel! Sige maligo ka diyan at baka maospital ka niyan."
"Ang OA niyo naman... hindi naman siguro yun mangyayari."
"OA na kung OA, naninigurado lang naman tayo eh!" Sabi ni Gab.
"Oo nga! Cel naman! Humiga ka na sa kama mo. Eto na ang gamot mo..." Umalis ulit si Kuya.
Pahiga na ako sa kama nang nakita kong busy si Gab sa pagti-text.
"Gab, sigurado ka bang wala kang lakad or something?"
"Wala naman. Si Gianna kasi, gusto niyang pumunta ako sa bahay nila ngayon din. Ang weird."
Weird? Tsaka... agad niyang pinapupunta si Gab sa bahay nila? Bakit kaya?
"Baka may lakad kayong nakalimutan mo?"
Linagay ni Gab ang palad niya sa noo ko habang binababa ang cellphone niya.
"Wala nga eh."
"B-Baka..." Nakakainis naman o, ang caring naman masyado ng mokong na `to. Sapakin ko kayang bigla? "B-baka..."
Sasabihin ko ba ang mga BAKA ko? Baka umalis siya kung sasabihin ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Seryoso siya at mukhang seryoso din naman ang pinapakitang mukha ko.
Hinihintay niya ang idudugtong ko.
"Baka... nagseselos yun kasi nandito ka."
Nagkibit balikat siya. "Ba't siya magseselos, eh siya naman ang girlfriend ko."
"Oo nga naman!" Leche. "Bestfriend lang ako."
Katahimikan.
O sige na Gab, tama na yan kasi titigil na rin ako. Inaantok na rin ako at sumasakit ng sabay ang ulo at puso ko dito eh. Matutulog na ako... superrr.
Inabot niya ulit ang cellphone niya, "... Baka nga... nagseselos yun."
"Huh, bakit naman?"
Tiningnan niya ako habang umiiling. Nagtext siya.
"Sabi ko na eh, puntahan mo na lang kaya?"
Huminga siya ng malalim.
"Baka eto pa ang maging dahilan ng pag-aaway niyo."
Katahimikan.
Biglang pumasok sa utak ko... at naitanong ko sa sarili ko, kung bakit nasabi niyang magseselos nga si Gianna kahit siya naman ang girlfriend nito. Bakit kaya?
"Worth it na dahilan naman." Binaba niya ulit ang cellphone niya. "Matulog ka na. Di ako aalis, promise."
Tama na. Yun na yun. Yun lang yun. Yun lang ang gusto kong marinig. Ayoko ng magsalita baka may marinig pa akong di kanaisnais at masira pa yung mga huling salita niya. Gusto ko lang matulog ng may ngiti sa labi... ngayon.
FIFTYNINE
Celestine Herrera: can we talk?
Ang ganda ng feeling ng makaligo na. Sa wakas, okay na ako. Hindi na masakit ang ulo ko kahit mejo inuubo pa ako.
"Wa'g ka ng magpaulan ah!" Sabi ni Gab paglabas namin ng sasakyan niya.
Sumabay ako sa kanya ngayon kasi mapilit siya eh. Kahit mas maaga ang pasok ko sa kanya, talagang sinikap niyang magkasabay kami. May magagawa pa ba ako kung talagang mapilit siya? Haaay.
Masaya nga ako dahil siya masyado siyang concern. HIIIII. Loko ka talaga, Cel! Baka maisipan ko na namang may gusto `to sakin. Concern lang talaga `to dahil... concern lang. Wala ng ibang dahilan. Pinipigilan ko na ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano, kaso minsan... di ko maiwasan eh.
"Opo."
"Hirap mo pa namang alagan pag nagkakasakit ka." Evil smile.
"Sino ba kasing nagvolunteer na alagaan ako? Di naman kita pinilit." Inirapan ko siya.
"Wala! Joke lang noh! Sige na...-" Napansin naming papunta dito si Gianna. "-baka late ka na."
"Okay, sige bye!"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya't umalis na agad ako. Wala naman kaming ginagawang masama, umiiwas lang ako sa gulo.
Pagdating ko sa classroom. Nagsimula agad ang klase kaya wala na akong time para makipagchikahan kay Jana o kahit kay Dexter.
Pagkatapos ng klase, linigpit ko ang mga gamit ko.
Nabigla ako ng nagmamadaling umalis si Dexter ng wala man lang sinasabi sa akin. Hindi niya man lang ako tiningnan at pinansin.
"Anong nangyari dun?" Tanong ko kay Jana.
"Huh? Bakit?" Tumulong siya sa pagliligpit ko.
"Ba't walang imik?"
Kinabahan ako. Baka dahil hindi ako sigurado sa inasta niya. Tsaka, ba`t parang expected ko ng papansinin niya ako? Di naman ako espesyal... siguro. Anong nangyari dun?
Umalis ako sa classroom para sundan si Dexter, pero nawala na siya.
Umiiling si Jana habang papalapit sakin.
"Ano ba kasing nangyari?"
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na mapigilan ang kaba ko, "Eh kasi... hindi ko sinipot yung date!"
"Huh?"
"Yung date kahapon. Di ko sinipot kasi nagkasakit nga ako diba?"
"So? Galit siya?"
"Ewan ko."
"Nagpaalam ka ba? O nag apologize man lang?"
"Hindi... Argh... Kasi nag lowbat na yung phone ko. Ngayon pa sana ako mag-aapologize eh."
"Kaya naman pala! Edi habulin mo na. Walang duda, galit yun. Syempre." Umiling ulit si Jana. "Pero... hmmm. di man lang niya tinanong sa`yo ngayon kung anong nangyari sayo't ba`t di ka nakapunta? Hmmm, galit nga siguro. Sige na, hanapin natin siya."
Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Dexter kaya nga kinakabahan ako.
Hinanap namin ni Jana si Dexter. Kung saan-saan na kami napadpad pero hindi namin siya nakita. Kanina ko pa tinitext at tinatawagan pero walang sumasagot.
"Galit talaga yata siya, Jana." Sabi ko kay Jana.
Ang bitter ng tono ko.
"Weh, bahala siya! Eh hindi niya naman alam kung bakit di ka sumipot! Gaano ka importante ba yung date niyo at parang mas concern pa siya dun kesa sa kaligtasan mo. Lika na nga sa cafeteria, inuuhaw na ako sa kakahanap sa imbisibol na yun eh."
"Try mo kayang tawagan si Cid?" Sabi ko habang hinihila niya ako papuntang cafeteria.
"Oo na..." Kinuha niya ang celphone niya.
Pero bago pa yata sinagot ni Cid eh nakita na namin si Dexter sa loob ng cafeteria.
Para akong nabunutan ng tinik. Sa wakas, makakausap ko na siya.
"Shet. Sino yang kasama niya?"
May kasama si Dexter, babae. So?
"OMG. They are so close!!!-"
"Shhh! Grabe ka namang makaside-comments jan, Jana!" Sabi ko.
Ano? Lalapitan ko ba siya o baka istorbo lang ako sa kanilang dalawa? Nagtatawanan pa kasi at, gaya ng sabi ni Jana, close na close ang dalawa.
"Lika na, alis na lang muna tayo?" Hinila ko si Jana pero ayaw gumalaw nito.
Yun naman pala, papunta samin si Gab!
"Oy Cel! Andito ka?" Naka evil smile pa ito.
Napansin kong nakuha niya ang atensyon nina Dexter. Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi siya ngumingiti at parang may something.
Inakbayan ako ni Gab at, "Hayaan mo yang iba jan! Ambilis makahanap ng kapalit! Sayang naman. Noh?" Nakangiti parin siya habang inaakbayan ako.
"A-Anong sinasabi mo, Gab?"
Nagkatinginan si Gab at si Dexter. Nakikita ko na naman ang tensyon sa mga mata ni Dexter habang ngingiti ngiti lang ang unggoy na si Gab.
"Lika na nga!" Tapos hinila ako ni Gab papalabas ng cafeteria.
Sumunod narin si Jana.
"Hoy Gab! Ba't ngingiti-ngiti ka dyan? Ano bang nangyari? May ginawa ka no?"
Tinanggal ko ang braso ni Gab sa balikat ko.
"O-Oo nga! Ano ka ba-"
"Ano? Wala ah! Totoo naman eh! Nakahanap na ng ibang liniligawan yung mokong? Cel, wa`g kang mag-alala. Galit ka ba sa kanya? Di bale, andito naman kami... cheer up!"
"Heh! Anong pinagsasabi mo diyan!" Ano kaya talaga ang ginawa ni Gab at bakit parang may naamoy talaga akong something sa ngiti at kilos niya?
"Cel!"
Napalingon kami kay Dexter. Sinundan niya pala kami?
"D-Dex? S-Sor-"
"Ahhh. Andito na yung mabilis makahanap ng kapalit..."
Nagkatitigan ang dalawa. Lalo akong kinabahan ngayong nakita kong nawala na yung ngiti ni Gab at seryoso na siya.
"Dex, can we talk?" Sabi ko para mabawasan ang tensyon sa dalawa at mabaling ang atensyon sakin.
SIXTY
Celestine Herrera: Anong sasabihin mo?
"Ano pa bang pag-uusapan ninyo-"
"Wa`g ka na ngang makealam, Gab?" Sabi ko kahit agad ko namang pinagsisihan ang sinabi ko.
"Gab, there you are!" Biglang sumulpot si Gianna kung saan at kumapit sa braso ni Gab. "Anong nangyayari dito?"
Mejo natigilan pa ako sa kay Gianna, pero agad ko namang binawi ang tingin ko sa kanila.
"Dex," Hinila ko si Dexter palayo at sinenyasan si Jana.
Kumaway naman si Jana at tinaas ang cellphone, para bang sinasabing magti-text lang siya, kaya tumango ako.
Hayun, iniwan ko si Gab at Gianna dun. As if naman big deal ang pag-iwan ko sa kanila dun. If I know, wala lang kay Gab yun. Ay ewan, ano naman kung wala nga lang kay Gab yun.
Umupo kami ni Dexter sa isang bench sa school malapit sa soccerfield.
"Dex, sorry." Naglakas loob na akong magsalita.
Nakakatakot kasi dahil tahimik lang siya at parang binabalewala ako. Para bang may mabigat akong kasalanan.
"Sorry kasi hindi ako nakapunta."
Hindi parin siya tumitingin sakin.
"Sorry dahil nakalimutan kong magtext o tumawag sayo na-"
"Tinawagan naman ako ni Gab." Sabi niya.
Tinawagan siya ni Gab? Eh yun naman pala eh... edi ba`t ako nagso-sorry dito?
Tinitigan niya ako, "Ang sabi niya, hindi ka makakapunta dahil magkasama kayo at may date kayo. Mas importante pa daw ang date niyo kesa sa lakad natin."
Gumuho ang mundo ko pagkatapos sinabi ni Dexter iyon. Sinabi yun ng linsyak na Gab na yun? LANGYANG GAB! Kaya pala parang naiinis si Dexter dito?
"Huh? Hindi yun totoo!"
"Okay lang naman, Cel. Alam ko namang siya lang talaga ang gusto mo."
"H-Huh?"
"Kaya lang, naghintay ako dun eh. Hinintay kita. Tatlong oras akong naghintay tapos tinawagan lang ako ni Gab para sabihin yun? Cel," Huminga siya ng malalim at parang pinipigilan niyang magsalita ulit.
"Dex! I'm sorry!!!"
Ewan ko. Galit na galit na ako. Galit na galit ako sa ginawa ni Gab. Anong klaseng dahilan ba ang nagtulak sa kanya para paniwalain si Dexter na may date kami? Ba't di niya na lang sinabi ang totoo. Nakakainis naman... Nakakainis si Gab. Naiinis ako dahil nagalit si Dexter sakin. Naiinis ako dahil nagsinungaling si Gab. At higit sa lahat, naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa!
"Hindi totoo yung mga sinabi ni Gab. Pasensya na." I tried to calm myself.
Ayokong lumabas na kasalanan ni Gab ang lahat dahil ayokong mag-away silang dalawa. At isa pa, hindi lang naman si Gab ang may kasalanan dito eh, ako din naman. Kung bakit ko pa kasi hindi siya tinext o tinawagan kahapon, edi sana naliwanagan siya. WALANG HIYA! Ang malas naman!!!
Nakatingin siya sakin at parang willing na willing makinig sa idadahilan ko.
"Wala kaming date ni Gab kahapon... pero magkasama kami." Huminga ako ng malalim habang iniisip kung paano ko titirisin si Gab. "Nagkasakit ako kahapon. Nawalan ako ng malay kaya hindi na ako nakatawag. Sorry talaga! Alam kong mali yun. Pero wala akong nagawa kasi wala na talaga-"
"Nagkasakit ka?"
"Oo."
Nakita kong mejo namula siya.
"Pasensya ka na talaga, Dex. Naiintindihan ko kung magagalit-" Bigla niya akong yinakap.
OMG.
"-ka.-"
"I-I'm sorry."
Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim.
"H-Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari."
"Okay lang. Pero kasi... kasalanan ko." Bumitiw siya sa pagkakayakap at nakita kong pulang-pula na ang kanyang mga pisngi.
Kakaloka naman ang scene na `to, hindi ko tuloy alam kung pati ba ako eh namumula na rin.
"Di kita tinawagan. Tsaka," Nag-iiba na naman ang ekspresyon ko pag naiisip ko `to. "kasalanan din ng lintik na unggoy na yun! Kung bakit ka pa kasi niya tinawagan at gumawa pa talaga siya ng rason na isa namang malaking kasinungalingan! GRRR."
Mejo nawala naman yung pag-iinit ng ulo ko ng nakita kong ngumiti si Dexter.
"Okay na. Wa`g ka ng magalit sa kanya." Sabi niya.
"Ahehehe. Hindi ko mapigilan eh." Nginitian ko din siya.
Hindi ko talaga mapigilang di ngumiti pag nakangiti siya.
"Tsaka... uhm. Sorry talaga! Hindi ko alam na tatlong oras kang naghintay dun. Sorry, sorry."
"It's okay. Kung hindi nga siguro ako tinawagan ni Gab eh baka hinintay kita buong araw."
"Huh? Naku. Sorry talaga. HUHU Sorry..."
"Okay lang. Importante din naman kasi sana yung sasabihin ko sayo eh."
"Huh? A-Anong sasabihin mo? Sorry talaga. Importante pala."
Naku, Cel! Sasapakin kita kung di mo pa ma gets yung ibig sabihin ng importanteng yan. Hindi naman kasi ako manhid no. Syempre, di ko naramdaman `to kahapon. Ngayon ko lang kasi nalamang importante pala ang date na yun dahil may importanteng sasabihin si fafa Dex eh. Alam ko na yan, pero ayoko namang maging assuming masyado...
"Uhm," Tumawa siya ng bahagya at halatang naiilang. "Awkward masyado eh. Hindi ko napaghandaan `tong ngayon."
"Uhm, ano ba kasi yun?"
"Cel, I love you. Can you be my girlfriend?"
Laglag ang panga ng lola niyo ng biglang kinuha ni Dexter ang mga kamay ko at binanggit ang linyang iyon.
Kahit na sinabi kong mejo alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin, iba parin pala pag sinabi na sa iyo, nakakalaglag panga. At habang nalalaglag ang panga ko dito, nag-iisip din naman ako. Mahal ko parin, hindi ko ma deny eh, si Gab. Gusto ko naman si Dexter. At naniniwala akong matututunan ang pagmamahal. Pero ayoko namang sagutin siya ngayong di ko pa naman siya mahal.
Alam ko... Feeling ko... wala na talaga akong pag-asa kay Gabriel. Nakikita kong wala akong pag-asa sa kanya ngayong nakita ko na siyang umiyak dahil sa girlpren niyang mahal na mahal niya. Pero hindi ko rin naman kasi mai-di-deny na sa mga ginagawa niya sakin, meron paring konting posbilidad na gusto niya rin ako. WAAAAAAAAAAA Paano na ito ngayon? Hindi ko na alam ang gagawin ko!!!
Labels: Just That
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;