<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

T-arcs


T-arcs


T1.Galit




Nagsimula na ang training para sa volleyball this year.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ.

Alam ko. Matagal na yung birthday na yun, at alam kong hinahanap ninyo kung anong nangyari. Walang nangyari! Hinatid ako ni Chad sa bahay, tapos! Hindi kami masyadong nag imikan. Lahat ng conversation-attempts niya ay pinapatay ko. Wala akong ganang makipag-usap non at halatang naramdaman ni Chad. I felt sorry for him.

At si Brent? HINDI KO ALAM! Wala akong pakealam! Actually, tinext niya ako nung birthday niya...

Brent: Can we talk?

Hindi ko nireplyan! At yun na lang yung text niya. Di na ulit siya nag text, Nabasa ko sa fb na 'In an Open Relationship' si Kitchie. At may nag post sa wall ni Brent, mga limang tao, 'Congrats pare! Don't hurt her!'

Di naman ako pulis para kailangan pa ng pag-amin bago ako maniwala. Andyan na ang ebidensiya, nagbubulag-bulagan ka pa?

"Aray naman, Maxine!" Sabi ng senior na napunterya ko sa mukha pagka spike ko.
"Oopps! Sorry!"

Kainis lang!!! Kainis ako eh! Alam kong playboy yung tao, nagpaloko pa ako. Kaya ngayon, kahit anong mangyari, di ako magpapaloko! Ano ako, bobo? Sige, bobo na ako dahil na gustuhan ko siya NOON, pero pasensya't di ako tanga! Alam niyo kung bakit ako galit ngayon? Kasi... may text siya!!!

Brent: Kausapin mo naman ako, Max...

For what? Gag0 talaga! Kainis lang! Kahit anong mangyari, di ako magpapaloko sa kanya.

Nakikita ko ang parating na bola, inisip kong mukha iyon ni Brent. PAAAAAAAAAAAAAK! After 18 years, yun na yung pinaka malakas kong spike. World record!

"AAAAAAAAH!"
"Kitchie..."
"Kawawa naman si Kicthie!"

"Ay naku, Maxine Alvarado, anong ginawa mo?"
"Ha?"

Pumunta lahat ng tao kung saan napunta yung inispike kong bola.

"Si Kitchie, natamaan mo!"
"Anooo?"

Napatakbo ako agad don. Pero actually, gusto kong tumakbo palayo at iwan lahat ng tao dito.

"So-Sorry!" Sabi ko.

Nakita ko si Brent sa crime scene. Salamat ha? Sana pala talaga tumakbo ako.

Tinitigan niya ako. Parang galit at may kung ano.

Si Kitchie, naka handusay sa lupa at walang malay.

"Tabi!"

Agad kong linagay si Kitchie sa braso ko, umaambang bubuhatin ko.

"Ako na..." Sabi ni Brent.
"Ako yung may-"
"Ako na!"
 :-[
 :-\
 :(


T2.Nasabi ko rin





"Nahimatay lang siya. No severe damage..." Sabi nung nurse.

Grabe! Sobrang kinabahan ako. Di kaya ako makasuhan ng kung ano nito? HUHU! Harassment? lol!

"Ms. Alvarado, paki bantay muna ah? I'll call her family doctor."
"Okay po."

May doctor naman sa school namin, marami, pero ayun sa records ni Kitchie, call the family doctor daw. Katakot tuloy, di kaya may sakit `to?"

"Ba't ang lakas ng mga spikes mo this past few days?"

Biglang nagsalita si Brent pagkaalis ng nurse. Kami lang tatlo dito sa room. Si Kitchie, na tulog, ako at si Brent.

"Ano bang pakealam mo?"

Nakadungaw lang ako kay Kitchie. Ang ganda! Sobra! Kaya di na ako magtataka kung bakit nagkagusto si Brent sa kanya. Pero nakakainis na rin kasi bakit nga nagkagusto si Brent sa kanya? Akala ko ba sakin? SIGE NA MAX! Awat na ako! Di nga kasi siya nagkagusto sakin, joke lang yun!

"You know may pakealam ako."
"Tumahimik ka nga, Brent!" Inirapan ko siya.

This time, walang halong pagdududa. Alam na alam kong bola iyon!

"Ano bang kasalanan ko sa'yo at bakit galit na galit ka?"

Tiningnan ko siya nang may mas halong galit at poot ngayon.

"Tanungin mo ang sarili mo!"

Lumapit siya sa akin. Lumayo ako.

"See? It was you! I made all the efforts, Max! Ikaw yung lumalayo."
"Tumahimik ka, Brent! Let's just be friends, okay?" Sinabi ko yun dahil pagod na ako.

Pagod na akong makarinig ng pambobola galing sa kanya. Lahat ng sinasabi niya, nirereject na lang ng pandinig ko. Wala na! Wala ng halaga.

Anong effort ang sinasabi niya? Yung pagti-text sakin? Oh come on!

Tumahimik siya. Tiningnan ko siya at nakita ko ang mukhang miss na miss ko ng talaga. I miss you, Brent, but you're not mine to miss.

"I'm sorry that I thought sinagot mo si Chad. You told me di mo siya kayang tanggihan, and I know you like him so much."

Kaya ba linigawan mo si Kitchie?

"Brent, alis na ako? Ikaw na magbantay sa kanya?" Pero di niya ako pinansin.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"And this whole thing about Kitchie and me? Kung ano man yung naririnig mo, they're simply rumors. I know its hard to believe, pero totoo... walang kami... hindi ko siya mahal. At alam kong alam mo kung sino ang mahal ko, Max. Don't deny your beliefs, coz I know you know it. Di mo lang alam kung bakit ito ang nangyayari. Galit ka dahil akala mo I failed you. Galit ka kasi akala mo binobola lang kita. Galit ka kasi nagseselos ka. Pero sa ayaw at sa gusto mo, Maxine, mahal kita, at di yon mababago kahit ilang beses mong sabihin sakin na di mo ako gusto."

Huminga siya ng malalim habang ngumiti. Ako naman ay di makaimik.

"Nasabi ko rin."

At akala niya naman maniniwala ako?

Bigla niyang hinalikan ang noo ko. :o

"Ano ba, Brent!" Tinulak ko siya palayo.

"Alis na ako, bago ka pa mas lalong magalit sakin... See you, Max." Ngumiti siya. Para bang ang saya niya. Parang lahat ng pasan niya kanina nang nagkita kami ay nawala na bigla.

Pambihirang buhay `to. Ano ba talaga? pero kung ano man yun, di na ako magpapaloko. Isa lang yan sa mga kalokohan niya. Parte lang yan sa mga plano niya para mapaibig ako.




T3.Karibal




"Gising ka na pala." Nabigla ako nang nakita kong dilat ang mga mata ni Kitchie.

Halos trenta minutos na akong nakatulala sa nangyari.

"I-I'm sorry... nga pala." Napatayo ako at biglang kinabahan sa blankong expresyon na ipinakita niya.

Sinikap niyang umupo, tinulungan ko.

"A-Asan si Brent?"
"Uhh, umalis..."
"Nandito siya kanina?"
"Oo."

Ngumiti siya.

"Uh, pasensya na talaga ah? Ano ba yung masakit sayo? Teka lang, tatawagin ko ang nurse."

Hinawakan niya ang kamay ko bago pa ako makaalis.

"Wala naman `to. Dito ka na muna para may kasama ako."
"O-O sige... Sorry talaga."

Katahimikan.

"Saan daw pumunta si Brent?"
"Hindi ko alam eh, bigla na lang siyang umalis."
"Talaga? Bakit naman kaya..."

Kinuha niya ang cellphone niya. Maraming messages. Di ko na lang inusisa kung nagtext ba si Brent.

Ilang sandali, mukha siyang disappointed.

"You think Brent likes me?" Tanong niya.

Nawindang naman ako dun.

"U-Uhh... Hindi ba kayo na?"

Aray naman. Dahil sa panic ko, naging tanong yung sagot ko.

Tumawa siya ng mahinahon, "How I wish..."

Tiningnan niya ako gamit ang pagod niyang mga mata.

"Hindi ba? Balitang-balita eh."

Ayan na, nakikiusyoso na ako.

"Hindi... Ewan ko kung saan at kanino nanggaling ang mga rumors na yan. Pero sana naging totoo na lang siya."

Kung ganun, kung totoong hindi talaga, paano naman kaya nabuo ang rumors na mga yun? Baka masapak ko ang mga gumawa nun. Pero imposble... kasi naman pati si Jason ay kumbinsidong sila na nga... Pero sino ba ang paniniwalaan ko, heto na si Kitchie at sinasabing hindi sila, edi hindi sila.

"I know he's a playboy..." Sabi ni Kitchie sabay ngiti sakin. "Pero I don't know why I'm so into him." Sabi niya sa kawalan. "Alam mo bang playboy siya?"
"Ah! Oo naman! Magkakilala na kami since highschool. Alam kong playboy siya. Sasaktan ka lang nun."

Nyek!!! Ano daw?

"Bakit, Max, nasaktan ka na ba niya?"

Buffering...

WHATTT A QUESTION! Ngayong tinanong niya, wala akong maalala.

"Hindi naman..."
"Hindi naman kasi di mo naman siya gusto diba? I'm wondering why di ka niya pinormahan."

At ngayon, di ako makatingin sa mga mata niya.

"Maganda ka... mabait... hmmm."

Tahimik lang ako at di makapagcomment.

"Di niya lang talaga ako type... hehe."
"Ikaw ba, type mo siya?"

Natagalan ako sa pagsagot.

"Di rin naman..."

WHAT THE? :(

"Mabuti naman. Kala ko karibal na kita..."
"Haha! Di noh..."

Ano baaah! Pero talagang sa sitwasyon kong ito, nakakapanic na. Ako yung may atraso eh.

"May gusto ba siyang iba?"




T4.But why?






Umalis na ako agad pagkatapos naming mag-usap ni Kitchie. Napapaisip parin ako sa mga sinabi ko. Nagsisisi... Pero wala akong magagawa. Nasabi ko na iyon. Kung ikaw din ang nasa sitwasyon ko, sa totoo lang, yun din ang una mong sasabihin kahit kasalungat nito ang tunay mong nararamdaman.

Walang sigurado sa mundong ito. Kaya mas mabuti pang wa'g na lang sumugal.

"Maxineeeeeeeee!" Sabay hug sakin.

Nabigla naman ako kay Ara nang ginawa niya yon.

"Miss na miss na kitang talaga! Ay nakooo! Marami akong pasalubong sayooo! Sobra! Tapos na ba yung class mo? kung di pa, hintayin kita. Punta tayo sa bahay namin!"
"Ah, tapos na!"
"Kung ganon, lika na!"

Hinila niya na agad ako papunta sa sasakyan at dumiretso na sa kanila.

"Nagkita na kayo ni Brent?"
"O-Oo."

Habang nasa loob kami ng sasakyan papunta sa kanila, panay ang bato niya ng mga tanong tungkol kay Brent.

"Anong sabi?"
"Ah wala naman... Kasi, mabilis lang yun. May nangyari kasi."
"Anong nangyari?"
"Na... na tamaan si Kitchie ng spike ko. Dinala namin sa clinic kaya di kami masyadong nakapag usap."


Grabe! Tumawa nang tumawa si Ara sa narinig.

"Buti nga sa kanya! Haha!" Hiningal pa siya sa kakatawa. "Hah! Tapos? Nahimatay ba?"
"Uh, oo. Hiyang hiya nga ako eh."
"Hay nako. Dapat sana tinuluyan mo na yun. Inis na inis ako sa babaeng yun. Such a flirt! Masayang masaya pa siya nang akala ng lahat ay sila na ni Brent. Kung sino mang nagpakalat nun, ewan ko. Its not true ah? Don't tell me naniwala ka don."
"Uh... Me-Mejo. Kasi naman, yun yung narinig ko sa buong school."
"Well, hindi yun totoo. Nag fe-feeling lang yung isang yun."

Kung ganon, bakit yun kumalat? Sinong nagpakalat? At bakit may nag 'congrats' kay Brent sa Facebook?

Hindi na ako nagtanong ng marami kay Ara. Nakarating din naman kami agad sa bahay nila.


"Let's go to my room." Hinila niya na naman ako.

Marami siyang pinamigay sakin. Hindi ko alam na nagpunta pala sila ng Europe nina Brent. Sa Gibraltar, Paris at etc. Ang dami niyang pinamili para sakin. Scarf, dresses, at iba pang kung anu-ano.

"So pagkatapos niyo ng Palawan, nagtour kayo sa Europe?"
"Yes..."

Tumango ako.

"With my family. FA-MI-LY. With my mom and dad, Brent, tita and tito and cousins. No Kitchie allowed. Si Kitchie kasi, nakita lang namin sa Palawan and Bora. Di naman talaga namin siya kasama. Gross!"

Tumango na lang ako at tiningnan ang pinamigay ni Ara.

"Hay, nakakalungkot nga. Tingnan mo yung mga pinamili ko kina Lia, Ashley at Tasha." Sabay turo sa mga malalaking box na may nakalagay na pangalan nila. "Ang dami. Tapos sayo eto lang... Si Brent kasi..."
"Bakit?"
"Wa'g daw kita bilhan ng shoes, bags, etc. Siya nadaw bibili. Actually, ang dami niyang pinamili sayo. Ayaw niya lang na may ibibigay kaming parehas... Where's my phone?"

Lumabas siya sa kwarto at hinanap yung cellphone niya. Lumabas din ako at sinundan siya.

"Brent, where are you?" Tinawagan niya si Brent. "Max's here-"

Pinutol niya agad nang nakitang pumasok si Brent sa living room. Kararating lang...

"Hi, Ara! Max, you're here!"

Nakita kong pinandilatan ni Ara ang kasama ni Brent.

"Ah, oo eh. Sinama ako ni Ara."

Si Kitchie... >:(






T5.Huli




"Ayan! Ang dami ng sayo, Max!" Sigaw ni Ara.

Para bang nananadya nang binigay ni Brent sakin ang mga pasalubong niya.

Nakita kong sumulyap si Kitchie sa pasalubong ko at sa pasalubong niya naman...

"Dami ng sayo, Max! Sigurado ako ang gaganda niyan! Halos lahat kasi galing kay Ara."

Nakita kong pumula ang pisngi ni Ara.

"Sinasabi mo bang pangit ang mga pinamili ni Brent?"

Nagkatinginan kami ni Brent.

"And are you saying na mas marami akong pinamili kay Max kesa sa kay Brent? Are you blind? Isang bag lang yung binili ko for her, and look at Brent's pasalubong~"
"Shh! Ara, stop it."
"Kitchie should stop it, Brent! Ilusyonada!"
"Shhhh! Ara! That's enough! Sumusobra ka-"

Nagwalk out si Ara bago marinig ang lahat.

Nakita kong mangiyak-ngiyak si Kitchie habang tumatayo. Nasa awkward situation ako. Anong gagawin ko? Errr.

Nakita ko ang pagcomfort ni Brent kay Kitchie. Lumapit din ako sa kanila.

"I'm sure di yon sinasadya ni Ara." Sabi ko kay Kitchie.

Guilty ako masyado. :(

"I know ayaw niya talaga sakin."
"I'm sorry bout her. May ugali lang talaga siyang ganyan."

Tumulo ang luha niya na pinahiran niya agad.

"Lika, ihahatid na lang kita sa inyo. Shhh... Let's go?" Sabi ni Brent kay Kitchie.

Wulang hiya! Parang kinurot nang husto ang puso ko! Para akong nanonood ng teleserye kung saan ako yung extrang maldita na nagseselos sa bidang gusto ng leading man.

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.

"Max, sumabay ka na." Sabi ni Brent.
"Uh, wa'g na-"
"C'mon."

Wala na akong nagawa. Sinigurado kong hindi ako mapapel masyado. Nang nandoon na kami sa labas ng gagamitin niyang sasakyan, hindi ako pumunta sa front seat agad. Nasa likuran lang ako dala-dala ang mga pasalubong. Tinitigan ako ni Brent saka niya binuksan ang pintuan sa front seat kung saan agad pumasok si Kitchie. Binuksan ko nalang din agad yung pinto sa likuran. Kaya ko namang buksan yun, ba't pa ako maghihintay ng magbubukas.

"Una tayo kina Max?" Tanong ni Kitchie nang pinaandar na ni Brent ang sasakyan.
"Ikaw ang unang ihahatid." Sabi niya habang nakatingin sa pabukas na gate.

Di ko naman alam na di pala ako yung tinutukoy niya kay sabi ko, "Okay."

Tumingin siya sa likuran... sa akin.

"Kina Kitchie muna tayo, huli ka na."

Aray naku! Una nga kasi sabi si Kitchie! Hindi ako! Sabi ko na nga ba! Max, wa'g kang tatanga-tanga.

"Hindi, okay lang naman na kina Max yung una." Ngiti ni Kitchie.
"Ah, hindi. Kina Kitchie na. Okay lang naman. Akala ko kasi ako yung una."

KATAHIMIKAN. :-\

Ano ba yun! Masyadong malaman ang sinabi ko na parang gusto ko na lang lumabas at maghanap ng taxi.

"Una tayo sa inyo, Kitchie. Max, you're the last."

Hindi ko alam kung alin yung mas maganda - yung una o yung huli.







T6.Sugal



Kanina pa sila nag uusap sa kung anu-anong bagay. Pilit akong sinasali ni Brent pero wala naman akong masabi kundi, "Ahh. Talaga?"

Sana nga hindi na lang ako sinasali ni Brent. Mas nagmumukha kasi akong tanga sa tuwing hinihingan nila ako ng opinyon sa bagay na wala naman akong alam.

Alam ko! Umeepal ako dito. Nagkakaigihan na tong dalawa, nakikisawsaw pa ako.

"Dito na lang." Sabi ni Kitchie.

Hinalikan niya si Brent at agad binuksan ang pintuan.

"Thanks Brent!"

Para akong nabigla. Si Brent, haatang nabigla! Tumingin pa talaga sakin. Inayos ko ang mukha ko para di magmukhang basang sisiw.

Ang laki ng ngisi ni Kitchie nang nakalabas na sya sa sasakyan.


"Pasok muna kayo, Brent." Sabi ni Kitchie sabay ngiti kay Brent.
"W-Wa'g na. Maybe next time. Ihahatid ko pa si Max."

Para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko. Ginawa pa akong dahilan? Sana kasi di mo na lang ako hinatid!

"Ah hindi! Pasok ka Brent, makakahintay naman ako dito. Or pwede naman akong tumawag sa bahay at magpasundo."
"Di na talaga, Kitchie. Max, come here." Sabay alok sa front seat.

Di ako gumalaw.

"Bakit?"
Tumawa si Kitchie, "Magmumukha siyang driver mo pag diyan ka uupo."

Nahiya naman ako sa sinabi ni Kitchie. Dali-dali akong pumunta sa front seat. Hiyang hiya ako na naramdaman ko talaga ang pag init ng pisngi ko.

"Uwi na kami, Kitchie."
"Okay! Bye Brent! Bye Max!"

Saka ako nakahinga nang nakaalis na kami! Halik pa lang nakakapigil hininga na. Naisip ko tuloy si Ara. Galit yun kay Kitchie nang iniwan namin sa kanilang bahay.

"Why so quiet?"
"Ba't naman ako dadaldal?"
"Ba't ka galit?"
"Di ko galit! Asa ka pa!"

Hinawakan niya ang pisngi ko, agad ko namang sinapak ang kamay niya.

"Aray naman! Sakit ah?!" Tumawa siya.

Kainis! Tatawa-tawa pa siya.

"Ang saya mo yata?"
"Di ah!"
"Weeeh? Naka iskor ka lang naman kasi sa chix!"
"Edi nasabi mo rin! HAHA! Hindi ako yung nakascore sa kanya. Siya yung nakascore sakin!"
"Shut up Brent! Yung tunay mong kulay nakapinta na naman sa mukha mo!"
"Di naman ako yung humalik ah?!" Nagseryoso siya.
"Yun yung laging sinasabi ng mga tulad mo!"
"Di parin ba nagsisink in sayo yung mga sinabi ko? Na ikaw ang mahal ko?"

Katahimikan.

"Alam mo Brent? Nevermind. Pagod na akong makipag talo sayo. Alam ko naman kung saan to patungo."
"Ako, di ako napapagod. Kahit di ko alam kung saan to patungo. Sugal parin ako nang sugal."

Halos matawa ako  at di makapaniwala sa naririnig ko.

"Kay Kitchie ka nalang sumugal. Mananalo ka dun... Sa kin? Wala kang makukuha."
"Is that really what you want?" Sabay tingin niya sakin habang huminto ang sasakyan sa traffic light.




T7.liliko







Hindi na ako umimik. Wala din siyang imik hanggang makarating kami sa bahay.

"Thank-" Halik agad siya sa lips ko. Saglit lang.

Tumingin na lang ako sa kanya habang humingang malalim at sumandal sa manibela.

Pagod na akong magreklamo sa ginawa niya. Pagod na pagod na ako.

"Alis na ako."
"Is this really what you want?"
"Anong ibig mong sabihin?" Natigilan ako.

Maharap nga.

"Si Kitchie ang gusto mo para sakin?"
"Kung sino yung gusto mo, edi yun!"

Katahimikan.

Tumawa siya.

"Nakakalito ka talaga! Edi ikaw!" Tawa niya.
"Ilang beses ko bang sinabi sayo na kilala kita. Alam ko kung anong mga pinaggagawa mo."
"Bakit? For the past years, may narinig ka ba tungkol sakin?"
"Meron! Marami! Hello Brent!? Paano naman yung issue niyo ni Kitchie? kela ba yon? 3 years ago?"

Natahimik siya. Napabuntong hininga. Para bang may gusto siyang sabihin pero di niya masabi.

"Tapos ka na?" Sabi ko. Nang-iinis.

"Pag dating sayo, useless talaga ang words. Pati pa nga yata ang actions. Or maybe it isn't enough." Sabi niya.

Mukhang malalim ang iniisip niya.

"Wa'g ka nang mag aksaya ng oras para sakin dahil kahit kailan, di na mababago ang isip ko."

Paano ba naman kasi. Hindi lang sa narinig ko yung nangyari sa kanila ni Kitchie, nasaksihan ko din.

*Krriiiing*

Tumatawag si Ara.

"Hello?"
"Max? Where are you?"
"Uh, nasa lbas na ako ng bahay namin.-"
"Ano? Sinong naghatid sayo? Si Brent?"
"Oo." Tumingin ako kay Brent. Malalim ang iniisip.
"Akala ko kasi hinulog ka ni Kitchie kung saan. Anyway, is she there? Pwede mo bang i-loud speaker?"
"Uh-"
"Nevermind! I don't think she deserves that. That flirt! Dapat di ako nagagalit sa kanya kasi alam kong mahal ka ni Brent."

Wala akong masabi. Di naman pwedeng sabihin kong ayaw ko sa kapatid niya.

"Wala naman siya dito."
"Oh! Ganun ba? hihihi! Sige, baka pala nakaistorbo ako. Bye bye!"
"Bye-"

Agad niyang pinutol ang linya.

"Alis na ako Brent." Sabay lagay ng phone ko sa bag. "Salamat! Bye!"
"Max, I'll never stop." Sabi niya nang binuksan niya ang salamin.

Ngumisi siya. Tumindig ang balahibo ko.

"Stop it na! Si Kitchie na lang ang gawin mong goal, wa'g ako dahil nasa kabilang kanto ako, samantalang ikaw, diretso sa kanya."
"Haha! Hindi no! Pero... kung ganun sa tingin mo, Liliko ako, dumiretso lang ako sayo."

Kumindat siya kasama ang ngiting nakakapanindig balahibo.





Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText