28th~
28th~
Summer: He's in Cambodia,
March 22. Its almost Summer again. Almost Summer kasi birthday ko na. I was named after that season nga. Arriane Summer
Romero.
Hinipan ko ang candle sa cake.
"Happy birthdayyyy couuuuuz!!!" Sigaw ng mga pinsan ko.
Sa bahay lang kami nag celebrate. Parang gusto ko kasing wala masyadong tao sa birthday ko. Ibang-iba na talaga ako noon.
Noon, sa bar ko naheheld ang birthday ko. Ngayon, sa bahay na lang. May inuman pero iniwasan ko. Natakot akong baka magpakita
si Lex tapos lasing ako.
"Bye Summer!" Sabi ng ibang kaibigan kong pumunta. "Happy birthday ulit."
Hinatid ko sila sa gate namin.
Pag-alis nila, di na ako nakapasok ulit. 11pm na. Magtatapos na ang March 22, tapos ni wala akong signs na igegreet ako ni
Lex.
Eto na! Pakapalan na talaga ng mukha. Tinawagan ko siya pero out of coverage area ang phone niya.
Napabuntng-hininga ako.
"He's probably still in Cambodia." Sabi ni Aliyah sa likuran.
Naabutan pala nila akong nakaabang sa gate.
"Pumasok na lang tayo sa loob at mag movie marathon? Sleep over kami ni Nadine ngayon." Ngumiti silang dalawa.
Tumango naman ako.
"Or he probably did not remember that its my birthday. May amnesia nga, diba?" Tumawa ako.
Pumasok kami sa loob ng bahay pero di parin maalis sa isip ko ang nangyari.
Nakatulog na lang ako sa panonood ng American Pie... wala paring ni text niya.
At ilang araw ang nakalipas, wala parin akong clue sa kanya. Nakatunganga ako sa cellphone ko habang iniimom ang frappe ng Starbucks. Nakaupo ako sa Starbucks kung saan kami huling bumili ng frappe noon.
"Where are you? Lex?" Pabulong kong sinabi.
Nababaliw na yata ako dito eh.
"Waiting for him?"
Tumingala ako at naaninaw ko ang mukha ni Kyla. Naka-puting dress siya at ang taas ng Louboutins.
"He's not gonna come for you anymore." Sabi niya.
Napakunot ang noo ko. Parang sino kang nagsasalita ah! Eh tinanggihan ka naman niya.
"He's in Cambodia, so di ako mag eexpect na pupunta siya." Sabi ko.
"Nope... he's in the Philippines na." Sabi niya.
"Why would I believe you? Ilang beses mo na akong niloko."
Ngumiti siya at ipinakita ang cellphone niya.
"He's here... tatlong araw na." Sabi niya.
Si Lex, nasa airport, arrivals... Kuha 3 days ago. Andito na siya! Simula pa nung birthday ko... PERO BA'T DI NIYA AKO KINONTAK?
"See, Summer? He can't face you anymore." Sabi niya. "Ayaw na niya because he knows walang patutunguhan! Hindi niya lang alam kung paano sasabihin sayo! Kasi naaawa siya sayo! You believed! Umasa ka na magiging kayo sa huli... pero truth is, wala naman talagang pag-asa!"
Sasampalin ko na sana siya pero agad niyang pinigilan ang kamay ko.
"Wake up, Summer! I'm just helping you! He's not your Lex anymore! He never was! 2 days ago, he went to see his doctor! NORMAL BRAIN ACTIVITY NA SIYA! Walang signs na makakaalala pa siya. Just normal! anim na buwan na siyang walang headaches. Your relationship was just for summer. Its just a fling. At di ka na niya maaalala pa."
Gusto ko siyang sampalin pero wala na akong lakas. Ni di ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas para punasan ang mga luha kong lumandas na sa pisngi ko pag-alis niya.
I can't take this.
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;