<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

C&♥1-5


C&♥1
New City, New Life







"Hindi ka na ba talaga mapipigilan?" Tanong ng pinsan kong si Bench.

Kinalas ko ang pagkakayakap ko kay Denise - siya lang yata ang kaibigan ko simula pa noon. Nasa ilalim kami ng private plane nina Bench nang dumating siya kakagaling yata sa office niya. Hinalikan niya ang noo ni Denise at ngumiti. Ang bestfriend ko at ang pinsan ko, finally together.

"Hindi na." Sabi ko.

Kinakabahan ako pero kakayanin ko 'to. Sila lang ang naghatid sakin papunta dito dahil ayokong makita si Daddy sa pag-alis ko. Pakiramdam ko uurong ako sa desisyon kong pag-alis kung nandito siya. At syempre pipigilan din ako for sure ni mommy (step-mon ko). Umiyak yun kagabi kasi di niya pa nasasabi sa mga kapatid (step brother/sister, kasi twins) kong aalis ako. :'( :'( :'(

Ayoko din namang umalis, pero kailangan. I'm gonna miss this big city, my home. But all my life I've been inside my comfort zone, I need to get out of it cuz a bigger world is out there waiting for me.

Malakas ang ihip ng hangin dito sa airport. Nasa plane na ang baggage ko at hinihintay na lang ako ng pilotong sumakay.

"Joe, yung mga files, ipagpatuloy mo na lang lahat." Sabi ni Bench sa cellphone niya at binaba agad, tinuon ulit ang atensyon sakin.

Si Bench na pinsan ko pero parang kapatid na rin at ang girlfriend niyang si Denise na mangiyakngiyak na naghatid sakin, mami-miss ko sila. Si Denise lang ang maituturing kong kaibigan ko dahil buong buhay ko, pinrotektahan ako ni Daddy sa 'real world'. Halos di ako pinapalabas sa bahay not unless kasama ko ang family ko. Bakit niya ginawa yun? Siguro sa sobrang pagmamahal. At ngayon, binibigyan niya na ako ng kalayaan. Pumayag siyang umalis ako dito sa syudad na 'to.

"You sure you won't go for Paris, instead? Masyadong malapit yan..." Sabi ni Bench.
"Hindi na. I'm good with Cebu." Sabi ko.

Hindi pa ako nakakapunta dun pero susubukan kong mamuhay dun ng normal. Kalimutan ang lahat ng sakit na dinulot sakin ng syudad na 'to. Huminga ako ng malalim, trying to take it all in. Every corner of this city reminds me of him. All the memories came back.

Yuan Tan is his name. :-[

Almost a year ago, nakilala ko siya sa unang skwelahang pinasukan ko. I was home schooled the whole grade and high school years. College ako at fresh eighteen nang pumasok ako sa school at nakihalubilo sa ibang tao bukod kay Bench at Denise. Masaya. Free. Si Yuan Tan ang nagturo sa akin ng maraming bagay. Kung paano maging isang normal na teenager. To have fun. But most of all, he taught me how to love.

But he wasn't free. :'(

"I want to love you." Sabi niya sakin isang gabi sa loob ng sasakyan niya. "But my parents... won't understand."

May dugong chinese si Yuan. At may ipinangakong chinese na girlfriend na na si Tanika Uytingco. At syempre, nilihim namin ang feelings namin sa lahat. Nung nabuko kami, ipinagtabuyan ako ng parents niya sa bahay nila. Pati siya nagawang ipag tabuyan ako. It broke my heart into pieces.

Last week nung 19th birthday ko, niyaya niya akong makipag tanan, lumabas ng bansa, kaming dalawa lang. Hindi ako pumayag. Six months, di kami nag-usap tapos bigla na lang siyang susulpot na ganun? Akala ko nung tinaboy niya ako wala na talaga kaming dalawa. It made me happy to see that he still wants to be with me after six months of pain. Pero mahirap para sakin ang six months na yun. I was broken and irrepareable. At di pwedeng bigla bigla na lang siyang susulpot sa harapan ko pagkatapos ng mga ginawa niya at mga pinagdaanan ko!

Touchdown, Mactan International Airport.

New city, new life... I hope my past won't haunt me anymore. :o :o :o



C&♥2
Handsome and Gentleman






"Nasa Cebu na ako." Sabi ko sa cellphone kay Daddy.
"You should stay in a hotel! Nagpabook na ako sa Waterfront, just ride a taxi and tell the driver!" Sabi ni Dad.
"Dad, wa'g na. Kukuha ako ng apartment or something here. Don't worry. Tsaka, tatlong araw lang ako sa hotel. Nagpabook na si Bench sa isang hotel dito. Icancel mo na yung Waterfront na sinasabi mo. Don't worry too much about me." Sabi ko.
"I can't help it! Bakit ba kailangang diyan ka pa tumira? If you want to get into an open school, pwede naman dito ka na lang sa bahay-"
"Dad, sige na po! Birthday present nga diba!? Don't worry, kung di ko na kaya, uuwi ako diyan agad-agad! Okay? Don't worry please. Bye!"

Nasa harap na ako ng paradahan ng taxi sa labas ng airport. Papara na sana ako nang biglang may lumapit sa akin, nakauniform galing sa isang Audi na SUV.

OH GOD, NO! >:(

"Miss Eliana Jimenez, eto na po ang hinandang kotse ni Mr. Bench Jim-"

Napamura talaga ako sa nakita ko at tinawagan agad ang pinsan kong sa sobrang yaman namimigay na lang ng pera! Kung anu-anong naiisip! Hindi iniisip kung ano ang pakay ko sa paglayo sa Manila!

"Bench!"
"Eli-"
"Bench, my God! Drop it! Gusto kong mamuhay ng normal dito, ba't nagpadala ka ng SUV?"
"Hindi ko pinadala yan, binili ko diyan-"
"Ibalik mo na yang Maynila kasi magtataxi lang ako. Halos ayawan ko nga yung pag hohotel ko ngayon dahil masyadong galante, papadalhan mo pa ako ng driver at SUV? Wa'g na... you know what's normal life? NORMAL! Yung tulad ng buhay ni Denise nung wala ka pa. That's normal life! Not freakin rich kid life!"
"Wait... hindi normal ang buhay ni Denise kung wala ako-"
Napabuntong hininga na lang ako at... "Bench, magtataxi ako. Send this SUV back to Manila. Okay?"
"Okaaaay!" He said lazily.

Binaba ko ang cellphone ko at mukhang tinawagan niya ang pinadalang driver at ilang sandali ay umalis na din.

May nakita akong taxi... papara na sana ako pero biglang may kulay neon green akong nakikita sa gilid ng mata ko.

Neon green ang kanyang t-shirt kaya mas lalong umitim ang kulay ng kanyang balat. Mohawk ang buhok at agad kong naramdamang baklush siya nang naglahad siya ng kamay at nagsalita...

"Ang ganda-ganda mo naman, girl! Half-american ka ba? I'm Adrienne, by the way."
Tinanggap ko ang kamay niya, "Eliana Jimenez, di ako half american."
"Jimenez? Probably may dugong espanyol!" Aniya. "I'm working for this underwear company at nag s-scout kami ng pwedeng mag model sa isang ad dito sa Cebu."

May kinuha siyang credit card galing sa wallet niya.

"In case you need money, you may want to try." Binagay niya ang calling card niya sakin.
"Ah... di ako pwede." Sabi ko agad.

Oo, kailangan ko ng pera. Magtatrabaho ako habang mag-aaral sa open university ng school namin tulad ni Brent na sa internet lang nagmemeet sa prof at di na kailangang pumasok pa sa school. Magtatrabaho ako dito sa Cebu. Maghahanap ako siguro secretarial jobs para magkaroon ng apartment, mamuhay ng simple at hindi umaasa sa iba. Independent.

Hindi ako pwede sa modeling jobs dahil ayaw kong malaman ng kahit na sino na nandito ako sa Cebu. Natatakot akong malaman ni Yuan at sundan niya ako dito.

"Ba't naman?" Tinanong niya ako pero nakatingin siya sa likuran ko at nakangiti.
"Uh..."

Lumingon ako at nakita ko ang isang matangkad na lalaking naka blue button-down shirt. Matangos ang ilong, pula ang labi, maliwanag ang mga mata at malinis ang gupit ng buhok. Nagmamadali siya pero mukhang matitigil sa paglalakad dahil kay 'Adrienne'.

"CHASE!" Tili ng mukhang kinikilig na Adrienne.
"Adrienne! Kaw pala! Sinusundo ko si Mama."

Ayun si Adrienne at hindi na ako pinansin at naka aligid na dun sa lalaking tinilian niya.

"Nakarating na pala si Madame?..."

Tinitigan ko silang dalawa at nakita kong sumulyap at tumitig din yung lalaki sakin. Awkward. Tinoon ko na lang ang pansin ko sa taxi na hinahanap ko.

"Ah eto ba?" Biglang hila ni Adrienne sa braso ko na para bang matagal na kaming magkakilala. "Hindi ko siya kaibigan. Dito kami nagkakilala... yinaya kong mag model. Maganda diba?"

Tinitigan ulit ako ng lalaki, ngayon nakangiti na.

"I trust your taste, Ad..." Nilagay niya ang kanyang index finger sa baba at tinignan akong mabuti.

Never in my whole life did I blush this much. Oh God and I don't know why!

"Oh she's blushing! Girl! Pulang-pula ka na! Naiilang ka kay Chase?" Sabi ng INGRATITANG si Adrienne!

God! At di pa ako napahiya ng ganito! Nakakahiya! SINABI NIYA PA KASI!

Tumawa si Chase! Relax lang Eli... Relax! Ba't namumula ako eh tinitignan lang naman ako nitong lalaking 'to.

"Chase Martin Castillo." Naglahad siya ng kamay.

Tinanggap ko pero halos sumabog na ang ulo ko sa init ng pisngi ko at sa sinasabi ni Adrienne...

"Blush ka nang blush girl ah?! Si Chase na kasi... syempre!"
"Uh... Eliana... Jimenez. Aalis na ako." Sabi ko at halos out-of-focus na ako na tumitingin sa dumadaang mga taxi at pinapara kahit alam kong may tao na sa loob.

"Ako na." Sabi ni Chase.

Pinara niya ang taxi para sakin at nilagay ang bagahe sa likuran ng taxi.

"S-Salamat." Sabi ko.

HE IS SO HANDSOME THAT I CAN'T BELIEVE HE'S A GENTLEMAN! :-[ :-[ :-[




C&♥3
Hired





Nakarating na ako sa isang hotel dito sa Cebu. Radisson Blu na tulad ng sabi ni Bench ay malapit lang sa isang mall. Maganda ang Cebu at di tulad sa Maynila, kahit syudad siya, malinis ang hangin lalo na nang napadaan ako sa Marcelo Fernan Bridge. This is a new life I'm sure.

"Miss Jimenez?" Tanong nung babae sa reception.

Pagkapasok ko sa room agad kong nilapag ang bag ko. Nandito na kasi yung bagahe ko dinala nung room boy. Brown at cream ang combinasyon ng mga furniture at wall.

Tinanggal ko ang sapatos ko.

"Presidential Suite, huh?" Napailing ako sa kawalan.

Si Bench talaga.

*Phone ringing*
YUAN CALLING!

Agad kong pinatay ang cellphone ko at tinanggal ang sim card sa sobrang kaba.

Oo nga pala, dahil di niya na ako tinitext noon, akala ko di niya na ulit ako ititext! At dahil naospital siya sa aksidenteng nangyari isang linggo pa lang ang nakararaan, hindi siya nakakapagtext o tawag sakin. Ngayon, siguro nakalabas na siya ng ospital. Tinawagan niya ako agad!

I love him but we can't be together. Hindi alam ni Dad na ganito ang nangyari kaya ako umalis. Pinagtakpan na ako ng pinsan kong si Bench sa lahat ng nangyari. Siya din ang nagkumbinsi kay Daddy na payagan ako sa paglayo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Daddy pag nalaman niya. Baka mas lalong magkagulo.

Binuksan ko ang laptop ko para makapag Skype kay Denise dahil yun ang payo niya sakin pagkarating ko raw dito sa Cebu.

"Tagal kong naghintay huh!?" Pambungad niya sakin nang nag online na ako.
"Tinawagan ako ni Yuan-"
"SHHH! No-Yuan-allowed-conversation please? You want to move on or not?" Nakataas ang isang kilay niya.
"Okay. Okay..."
"Una sa lahat, itapon mo yung sim mo." Aniya. "Bumili ka ng bago diyan sa mall, I'm sure meron. Don't dress to much dahil sabi mo sakin gusto mo ng simpleng pamumuhay, diba?"
"Oo. Tatlong araw lang ako dito, maghahanap lang ako ng apartment na mura tapos maghahanap din ako ng trabaho ngayon."

Nagkasalubong ang kilay ni Denise.

"Oh Eli... Are you sure you're doing this? Ang yaman niyo, pwede kang pumuntang Europe dun mag-aral kahit di ka na magtrabaho, ba't yang buhay na yan pa ang gusto mong mangyari sayo?"
"D,  gusto kong mamuhay ng simple."
"Hay! Okay. May tatanggap ba ng highschool graduate? Anong klaseng trabaho ang gusto mo? Siguro sa mga fastfood chains?" Sabi niya habang tinitignan ang mga papel na mukha niprint niya para sakin. "Heto... May waitress... tsaka marami pa... See?" Pinakita niya sakin sa webcam.
"Kahit ano, okay lang." Sabi ko kahit natatakot ako dun sa sinabi niyang 'waitress'. "Email everything."
"Huh?"

Ayokong malaman ni Denise kung saan ako mag aapply ng trabaho dahil baka sabihin niya 'to kay Bench at makikialam pa si Bench.

Nilista ko lahat ng mga ads nagbihis ng mejo promala pero simple at pumunta na sa mall na tabi lang ng hotel. SM Cebu. Kumain ako sa isang fast food (trying to be simple) pero mukhang di ako nagtatagumpay ewan ko kung bakit pero maraming tumitingin sakin. HUHUHU. May soot siguro akong di simple, magtatanong ako kay Denise mamaya. Bumili din ako ng bagong simcard at nitext agad si Daddy, Mommy, Denise at Bench tungkol sa pagpapalit ko ng number.

Sinuyod ko ang pinakaunang nasa listahan. Inuna ko yung mga secretarial jobs, huli na yung mga waitress - last resort.

Nakakatatlong kompanya na ako nang natanggap ako sa isa.
Castillo Pharamceutical Incorporated. Matayog ang building ng isang 'to at may CPI na kulay navy blue sa rooftop. Sa I.T. park Cebu ang building nila, isang business center dito sa Cebu.

Marami kaming naga-apply at naghihintay tawagin ng HR nila dito. Nang tinawag na ang pangalan ko, pumasok ako agad sa office ng HR na si Celine L. Reyes.

"Eliana Jimenez?"

Nabigla ako nang nakita kong si Ma'am Celine L. Reyes ay halos kasing edad o mejo matanda lang sakin ng konti. Mahaba at straight ang buhok niya. Mejo chinita ang mga mata at kulay pink (dahil sa lipstick) ang labi. Maputi siya at payat.

"How are you related to the owner of Jimenez Brewery Incorporated?"

Halos mabilaukan ako sa tanong niya at napanga-nga na lang. Nag-hang ako buti at tumawa siya-

"Joke! i'm sure you're not related! Kung related ka sa mga yun I'm sure you won't be here applying for this job."

WHAT? Muntikan na yun ah! Pilit akong tumawa.

"Highschool ka lang?" Tapos tinabi niya ang resume ko.

Thank God di niya nakitang homeschooled ako!

"Oo. Pero sinubukan kong mag college, ayun, kapos kaya eto... Pero plano kong mag-aral din. Gusto kong makatapos."

Tumango siya.

"Kawawa ka naman. Ang ganda mo pa naman tapos di ka makakatapos kung magtatrabaho ka agad. Ilang taon ka na?"
"Nineteen." Sabi ko.
"I'm twenty five. Pero kakatapos ko lang ng college last year alam mo ba yun? Parang naaalala ko ang sarili ko sayo. Rebelde ako, alam mo ba yun?"

Hindi... malamang hindi ko alam. err.

"Gusto kong mag boypren pero ayaw ng mga magulang ko kaya bagsak yung mga grades ko, tinigil ko ang pag-aaral at nagtrabaho, buti nga natapos ako, pero kami parin ng boypren ko." Hinarap niya sakin ang frame na nakaharap sa kanya. Isang lalaking chinito din na nakabihis ng kulay puti. Parang doktor. "Gwapo diba? Doktor siya. Natanggap din naman kami ng mga magulang ko. Kaya mejo okay na ngayon. Love conquers all talaga!" Mangiyak-ngiyak na siya ngayong nag sasalita. "Sana malaman ng pamilya ko na si Luke ang dahilan kung bakit nagsikap ako sa pag-aaral at ngayon HR na dito sa CPI!"

Hindi ko alam kung anong magagawa ko. She is starting to sob! WHAT THE? Ganito ba talaga ang interview? Di naman ganito yung tatlong nag interview sakin ah?

Kumuha ako ng isang basong tubig dun sa water dispenser na nakita ko.

"Salamat. Sorry." Patuloy siya sa paghikbi. "H-Hindi ko lang talaga mapigilan."
"Okay lang po yan, Ma'am. Ako nga rin eh, ayaw sakin ng pamilya ng ex ko. Pinagtabuyan nila ako kaya nag break kami." Sabi ko.
Kuminang ang mga mata niya at mas lalo pang umiyak. "OMG talaga! Dapat pinaglaban ka niya!" Hindi na siya makapagsalita ngayon ng maayos sa pag-iyak. "Hindi ka niya mahal kung di ka niya pinaglaban! YOU ARE HIRED! DAMN IT!" Sabi niya habang pinupunasan ng panyo ang mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya!

"Talaga ma'am? OMG! Talaga po?! Salamat ma'am!"
"Don't call me 'ma'am', just Celine." Aniya.

OMG. I'm hired! Secretary to the president of CPI! I'm hired! Hindi ko alam na yung heart aches na dala ko galing Maynila ang makakaahon sakin dito sa Cebu! Weird HR, though. Sabi ni Denise sakin dapat pormal ang mga HR, etong sang 'to mukhang binase lang sa love life.




C&♥4
Oh na na... What's his name?






Ang sabi ni Denise sakin, extremely weird daw yung nangyari sakin sa CPI. Imposible daw na ganun yung HR. Kung ganun daw, baka mumurahing kompanya lang daw yung napasukan ko. Nilarawan ko naman sa kanya ang building ng CPI na halos kasing tayog ng building ng Jimenez sa Maynila. Hindi siya makapaniwala. "Baka na scam ka lang huh?" Aniya.

Dinelete ko ang Facebook account ko dahil puno iyon ng wall post ni Yuan na pinagpyestahan ng mga tao.

Friends ni Tanika: Kabit! Sana wa'g ka ng bumalik dito. Kung saan kaman sana mamatay ka na.

Hindi yun nabasa ni Denise kasi aniya'y mag dadalawang linggo na siyang di nag-oopen ng account niya. Buti dahil baka na pektusan na niya ang mga iyon at kinasuhan ng kung anong pwedeng ikaso.

Hindi matanggal sa isip ko si Yuan. Di ko nga namalayang di pala ako nag dinner nang nakatulog akong umiiyak sa Hotel room. Hay buhay! Mahal ko talaga si Yuan. Noon, nagdasal ako na sana kaya niyang ipaglaban ako. Anim na buwan din akong naghintay, maiksing panahon pero para sakin ay mahaba na yun. Araw-araw, minu-minuto ko siyang iniisip. Iniisip at binubuhay muli ang mga alaala naming dalawa, hanggang sa halos parang panaginip lang lahat na nangyari samin.

"Eliana?" Sakmal ni Celine sakin.
"P-po?"
"Anong nangyayari sayo? Spacing-out? What's your problem?" There's that concerned look in her face again.

Para bang uhaw siya sa mga problema ng mga tao.

"W-Wala. Dito yung table ko?" Tanong ko.
"Oo..." Pumalakpak siya at tinawag ang mga tao sa paligid.

Lumapit naman yung iba, yung iba hindi na...

"New?" Tanong nung isang lalaki na kasing tangkad ko at may malalaki at 'expressive' na mga mata.
"Yes, Marc." Sabi ni Celine. "Eto nga pala si Eliana Jimenez, yung bagong secretary ni Madam, hope you treat her well-"

Tumango yung iba at sa mga mukha nila ay parang kagalang-galang talaga si Celine. Hindi ko naman sinasabing di siya kagalang-galang pero... hindi parin talaga matanggal sa isip ko yung nangyari sa interview.

"Hmm? Ano na naman yan, Celine." May matangkad at mala diyosang babae ang dumaan at napa-balik talaga lahat ng lumapit, except kay Marc, sa kanilang mga mesa.

Etong girlet na 'to, matangkad, maputing-maputi, as in para siyang bond paper sa puti at mukhang mahinhin at di ngumingiti.

"Bago?" Nihead-to-foot niya ako.
"Wala kang pakealam, Britt. Back off. Balik ka na lang sa marketing department, di ka welcome dito."

Nung nagkalapitan na silang dalawa ni Celine, narealize kong mukhang ka-age silang dalawa, magkasing tangkad at parehong magaganda.

"Brittany, dun ka na lang sa Marketing, hayaan mo na si Celine-" Sabi ni Marc.
"No, Marc. Mula nung naging HR siya dito puro palpak ang niha-hire niyang empleyado. Palibhasa ginamit lang yung boyfriend niya para maging HR siya dito. At ikaw naman, hija, anong pangalan mo? Kita ko sa resume mo di ka pa pala nag co-college sana inuna mo ang pag-aaral mo. Celine, may mga graduates na dun sa nag apply bakit siya pa?" Nagkatagpo ang kilay niya na para bang diring-diri sakin.

Uh-oh? Anong gagawin ko? Mukhang ifa-fire na yata ako di pa nga ako nakakaupo sa mesa.

"Ano? Ikaw na lang kaya ang mag HR? Palit tayo ng trabaho? Anong pake mo?!" Tumataas na ang tono ng boses ni Celine. "Ikaw na lang magdesisyon kung sino! Insecure ka yata eh!"
"Girls... girls... tama na..." Awat ni Marc sa dalawa.

Huminga akong malalim at kinabahan sa tinginan ng dalawa.

"Uhh... Aalis na lang muna-:o
"No... you're not leaving." May boses akong narinig sa likuran.

Tumingin lahat ng tao sa paligid pati si Marc, Celine at 'Britt' sa likuran ko.

"What's wrong here, Celine?"

O.M.G. ITS HIM! YUNG LALAKI! SA AIRPORT! WHAT'S HIS NAME AGAIN? I CAN'T REMEMBER! :o :o :o

"Si Brittany, nangengealam sa new secretary ni madame!"

HE WORKS HERE!? :o :o :o

Nakapamaywang siya habang tinitignan ng seryoso si Celine at tuminginulit sakin. Umaliwalas ang kanyang mukha at tinignan si Brittany.

"Okay... okay... Whatever, but I'm warning you, girl!" Sabi ni Brittany sakin. "You better be good." Umirap siya at tinalikuran kaming lahat.
"What's her problem, bro? Pinaiyak mo?" Tumawa si Marc at hinampas ang dibdib nung lalaki.

WHAT IS HIS NAME? :o

"By the way, eto si-" Sabi ni Celine.
"We've met, Celine."

OMG! Patapusin muna si Celine please?! Hindi ko maalala ang name... A? B? C? D? E? Ffff? Which letter? G? H? I? Jjj? K? L?

"Oh? Really? What's the girl's name, then?" Nakataas ang kilay ni Celine.
"Eliana, right?" Sabi nung lalaki.

Tumango ako at uminit na naman ang pisngi dahil alam ko kung ano ang susunod na tanong!

"Anong pangalan niya, Eliana?" Tanong ni Celine sakin habang nakaturo sa lalaki.

Natahimik ang paligid. Pati yata yung security guard sa elevator ay inabangan ang sagot ko. Gosh! This is the hardest question I have ever heard!

"Mmm." Sabi ko habang tumitingin sa itim na ballet flats na soot ko.

("Do not wear pumps or anything heeled. Secretary ka, 'Eliana, kuha ka ng kape... bili ka ng ganito... ganyan... takbo doon...' kaya mas convinient kung flats. AT! Pagmakita ng mga taong tulad ko ang pumps mong Aldo, Louboutins at iba pa, hindi ka na tatanggapin kasi malalaman nilang mayaman ka at ayaw nating mangyari yun, diba?" Yun lang ang naiisip ko na sinabi ni Denise kagabi.)

I have no hope. Magpakatotoo ka girl.

"Na-Nakalimutan ko..."

Nalaglag ang panga ng lahat at may nakita pa akong mga papel na nabuhusan ng tubig sa bigla. Tinignan ako ni Marc na parang may kasalanang nagawa. Naka perfect O naman ang bibig ni Celine.

Yung lalaki sa harapan ko, nakanguso na para bang gustong ngumisi pero pinipigilan ang sarili.

"Everyone, back to work!" Sabi niya.

Limang segundo siguro bago siya sinunod ng lahat.

"OMG!" Tumatawa si Celine at Marc. Walang tunog yung tawa nila at namimilipit sa tiyan. "Over confident na kilala, di naman pala..." Tumakbo si Celine papuntang elevator, di parin kayang huminga ng maluwang sa kakatawa.
"Congrats, bro." Tumatawa din si Marc palayo sa lalaki.

Nung kami na lang dalawa ang naiwan...
"You, Eliana, come with me..." Itinuro nung lalaki ang opisina ng BOSS ko...

Akala ko ba madame? WHAT THE? HE'S MY BOSS? OMG! And who is he again? Pls God! Tulungan niyo po ako! Please! Magsisimba na ako sa linggo! Please! Help! What's his name! OMG! OMG! OMG! :'( :'( :'(





C&♥5
Chase Martin R. Castillo






Pumasok ako sa loob ng office ng diumano'y boss ko. Yung lalaki yung nauna at umupo dun sa upuan ng 'boss'.

"Chase Martin R. Castillo."  Sinabi ko agad nang nakita ko ang isang close-up painting ng mukha niya (mula labi hanggang mata lang ang ipinakita), sa baba nun may nakalagay na Chase Martin R. Castillo.
Napabuntong hininga siya. :P

"Now you finally know, eh?"
"Sorry po. Di ko talaga naalala. Dami ko kasing iniisip eh." Sabay kamot sa ulo ko.
"No. Its okay!" Tapod ngumiti siya. One dangerous smile.

Para bang tinititigan niya ako at nababasa niya ang isip ko kaya siya ngumingiti. Bakit? Anong iniisip ko? Na ang bobo ko talaga dahil di ko naalala ang pangalan niya tapos manghang-mangha pa nga ako nung nagkakilala kami dahil ang gwapo niya diba? Siguro dahil masyado akong preoccupied sa lahat ng nangyayari.

"So... tinanggap mo ba yung offer ni Adrienne?"

Tapos nagloading na naman ako at napatingin sa chandelier sa itaas at sa malaking glass window sa gilid na nagpapakita ng iba't-ibang building sa buong I.T. Park.

"Adrienne?" Sabi niya ulit. "You don't remember?"
"Ah! Hindi! Yung... Hindi ko tinanggap. hehe." Tumatawa ako na parang krung-krung sabay kamot ulit sa ulo ko.

My God Eli! Yung bading nga pala yun na nag-offer sakin ng modeling job! Actually, ngayon, mejo nararamdaman ko ng pwede ko yung gawin tapos sabihin kay Adrienne na sana hanggang Cebu lang ang ad na yun. Pu-pwede kaya yun?

"Okay. That's good." Sabi niya nakatitig parin sakin.

Ayan na naman ang ngiting pilit niyang pinipigilan kaya ngumunguso siya.

"By the way, this is the office of my mother... the President and CEO of CPI. In case di mo alam, her name is Marie Elizabeth Castillo. Everyone calls her madame, you should too." Aniya habang pinaglalaruan ang ballpen ni 'Madame'.

Napabuntong-hininga ako. Tapos tumaas ang kilay niya na para bang kini-kwestyun ang pag buntong-hininga ko.

"A-Akala ko kasi ikaw yung boss ko..." Sabi ko bigla, avoiding his stare.

Another one of his supressed smile flashed. Ugh! Pakiramdam ko umiinit na naman ang pisngi ko. No doubt, I'm blushing!

"Why is there a problem with me? Ayaw mo ba akong boss?"

Ngayong tinanong niya na iyon, naitanong ko na rin sa sarili. Struggle na naman ako sa sagot dahil di ko rin maintindihan kung bakit takot akong maging boss siya.

"Uh... hindi...po..." Ngumiti na lang ako ng plastic.

Kelan ba ako makakalabas at makakapagtrabaho? Diba ngayon na dapat!? Ba't nandito pa kami sa office eh di ko naman pala siya boss?

Niluwangan niya ang neck-tie niya at tumingin sa relo.

"Kung ayaw mo akong boss... Sorry to tell you, Eliana, but I'm the Chief Operating Officer of this company. Boss mo rin ako..."
Nanlaki ang mga mata ko pero ngumiti parin, "O-Okay po Sir! Nice meeting you!" Sabi ko kahit na mukhang sarcasm yung pagkakasabi ko.

Hindi niya na napigilan ang pagngiti. Naririnig ko na yung pintig ng puso ko! Kinakabahan ako. Will I get fired?

"Come over here, Eliana." Sabi niya sabay tayo. "You should arrange these papers first... then magtimpla ka ng kape."

Agad akong pumunta dun sa kanya at i-aarrange ko sana yung papers at mga folders nang sabay naming kinuha ang mga iyon kaya nahawakan niya ang mga kamay ko.

Limang mahahabang segundo siguro kaming nagkatitigan bago binitawan ang papers at folders dahil may biglang pumasok sa opisina... Isang maputi, kulay-brown ang buhok at malalaking gold earrings na babae ang pumasok at may dalang Louis Vuitton bag...

Pagkapasok niya, nakanganga na ang bibig niya at tinanggal ang sunglasses at mukhang nakita ang scene bago kami lumayo sa isa't-isa ni Sir Chase.

"M-Ma..." Sabay halik ni Chase kay 'Madame'. "I thought you'll be here in an-"
"Bakit? Nahiya ka sa nakita ko?" Kumindat si madame sakin! "Eliana, my new secretary?" Ngumiti siya.
"Opo..." Sabi ko.
"Paki timplahan mo ako ng kape." Patuloy niya.
"Okay po..." Sabi ko habang umaalis na sa opisina...
"Oh wait..." Ngumisi si Madame. "You don't know how I like my coffee."

Tumigil ako para dinggin kung paano yung kape niya.

"Chase... will you teach her how to do it?" Hindi na tumingin si Madame kay Chase o kahit sakin, doon na nakatoon ang atensyon niya sa mga papel at folders.
"Sure, Ma."

Nakatingin na si Chase sakin at naglakad na rin patungo sa kitchen ng office.

"Put your bag on your table." Aniya nang nakitang dala-dala ko parin ang bag ko.

Pero bago ko pa nagawang ilagay ang bag ko sa table, kinuha niya na ito at tinanggal sa balikat ko.

"Here..." Sabi niya. "You should start to put things here..." Ngumiti siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Gutom ba ako? Naisip ko ang tanong na yan dahil habang naglalakad kami, parang ang gaan ng mga paa ko. Para bang anytime, pwede akong madulas dahil sa gaan nito. Pero sa layo ng kitchen, narealize ko kung ano o sino ang nagdudulot sakin ng pakiramdam na 'to, si Sir Chase. I don't know why.


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText