<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

30th



30th~
Summer: Of course!


Sinalubong ako ni manang Alicia sa Sortee. Gulat na gulat ako nung hinintay ako ni Rocky at ni Kate sa labas ng resort.

"Wala ka bang bagahe?" Tanong ni Rocky - yung lifeguard.
"Wala. Bakit?" Sagot ko.
"So you're not staying here?" Tanong ni Kate nang nakitang isang beach bag lang ang dala ko.
"Aalis din ako bukas. Pagkatapos kong sabihin kay Lex ang lahat."

Nagkatinginan silang dalawa. Di din nila alam kung sasabihin ba nila kay Lex na nandito ako o hindi.

"Manang, wa'g mo ng sabihin kay Lex. Ako na ang bahala sa lahat." Sabi ko.

Tumango si Manang Alicia.

"Summer, k-kung gusto mo sa dorm ka muna namin tumuloy." Sabi ni Kate.

Kagulat talaga ang kabaitan ng mga tao ngayon! Siguro mabait na sila kasi alam nilang kawawa ako at masasaktan ako sa huli. Touched naman ako dun! Pero masakit ah?

"Sige... Salamat..." Sabi ko at sinamahan ako sa dorm nila.

Ayoko ng abalahin si Lex. Kitang-kita sa Sortee na ang daming tao. Talagang busy siya ngayon... alam ko. At pag mang-aabala pa ako, baka masira lang lahat.

"Salamat talaga..." Sabi ko nang umupo sa ibaba ng double deck na kama ni Kate.
"Okay lang... coz honestly... I'd rather choose you to be my Sir Lex wife than... Kyla." At umalis siya.

Anong ibig niyang sabihin? Mejo matagal akong nag-isip sa sinabi niya pero binalewala ko na rin. Iniisip ko at inoutline ang lahat ng sasabihin ko kay Lex. Ayoko ng may nakakaligtaan ako. Gusto kong sabihin na ang lahat.

Ang aksidente, ang dahilan kung bakit yun nangyari, ang pagsisinungaling ni Kyla, at na mahal ko siya hanggang ngayon... sobrang mahal kaya ako nandito at halos magmakaawa na. Ibibigay ko ang lahat kahit buhay ko, maalala niya lang ako.

Sa mga movies, bakit ang bilis makaalala ng mga bida kapag naamnesia sila? Ako? Bakit ganito? Bakit ginagago pa ako at nagpakatanga pa ng sobra... tapos di parin maalala?

Nagbihis ako ng isang simpleng damit para sa party mamayang 5pm. Ginugutom na rin ako buti't dinalhan ako ni Manang Alicia ng lunch. Ayoko kasi ng aaligid-aligid ako sa Sortee. Natatakot akong makita ng mama at papa ni Lex at ni Kyla. Lalong lalo na si LEX! Hindi ko alam kung bakit umuurong ang sikmura ko sa tuwing naiisip kong magkikita kaming dalawa ngayon.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Manang sakin sa loob ng dorm ni Kate.

Nandun din si Kate nagbibihis ng mas pormal na damit.

"Okay lang. Wa'g kayong masyadong mag-alala. Kaya ko 'to." Sabay ngiti ko.
"By the way, Summer, di makakapasok ang walang invitation. Pero dahil isa ako sa usherette. Papapasukin kita. Sabihin mo lang sakin kung pupunta ka na ah?"
"Uh... okay... salamat."

Kinabahan tuloy ako lalo. Di pala ako invited sa party. Syempre! Hindi ka nga niya kinontak hanggang ngayon, invited ka pa sa party?

Pain in the ass ang paghihintay mag alas sinko. Sobrang kaba ko na halos masuka na ako.

"Summer, nandun na si Lex. Di ka pa ba pupunta?"

Nabigla ako nang sinabi yun ni Kate, 4:30pm pa lang.

"Huh?"

Agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at inayos ang buhok, nagmake-up...

"Marami na ring tao."

Sobrang kaba ko na. Lalabas na yata ang puso ko sa dibdib ko. Parang nagkabuhol yung bituka ko. Nanginginig ang pa ang paa ko.

"Sige, tayo na."

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito!

Nung nasa pintuan na kami, nakasalubong ko ang mama ni Lex!

"T-Tita." Sabi ko.
"Summmerr!" Niyakap niya ako. "I'm glad you came."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"I told your mom. Sinabi ko sa kanya na baka gusto mong pumunta dito... nang magkaliwanagan kayo ni Lex." Bulong niya sakin. "Thank God you came!"

Ngumiti siya pero may halong lungkot sa ngiti niya.

"Eto." May binigay siya saking papel. "Tell him the truth." At pumasok siya sa loob.

LALO AKONG KINABAHAN! Yung binigay niyang papel ay isang article sa newspaper, one year ago. Isang Yellow Lamborghini na binangga ang tenwheeler sa kabilang lane. Kritikal ang driver ng sportscar. Si Lex Andrew Santos. Alam niya ang lahat ng ito... Ang di niya alam... ay kung bakit siya nag d-drive sa kabilang lane.

Dinig na dinig ko ang puso ko.

Nauna si Kate sakin sa loob. Huminga ako ng malalim at naaninaw ang loob ng function room. Maraming tao at halatang mas bongga 'to sa birthday ng papa ni Lex.

Ang sumalubong sakin bukod sa mga nag gagandahang chandelier ay ang kislap ng mata ni Lex. Tinignan niya ako habang may kausap na negosyante.

GRABE! Nakita ko ang nakangiti niyang mukha na unti-unting natanggal ng nakita ako. Sobrang sakit! Parang nag slowmotion lahat para sakin. Gustong umurong ng mga paa ko. Ang puso ko na lang ang kulang. Walang kakampi pero siya ang nasusunod.

Iniwan niya ang kausap at agad pumunta sakin. Nakita ko si Kyla sa likuran niya. Unusually pretty. Napawi din ang ngiti ni Kyla, pero imbis na lumapit sakin, umalis siya, di ko alam kung saan pumunta,

"S-Summer." Nakita ko ang pagbuo ng luha sa gilid ng mga mata niya.

Gusto ko siyang sampalin pero mahal ko siya. Nyetang buhay! Sana may maexplain akong matino kesa sa 'mahal ko siya'.

"Makinig ka." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Maraming tumitingin samin.

"No. Ikaw muna ang makinig sakin." Sabi ko. "I came here... not to ruin anything. I came here to tell you the whole truth."

Di ko na mapigilang umiyak.

"Bushet na luha! Sabi na nga ba eh! Kaya ayoko ng ganito." Sabi ko.
"Shhh... let me explain-"
Di ko siya pinatapos. "Mahal kita sobra!" Sabi ko ng pabulong. "Mahal ako ni Lex... si Lex na... hindi ako sigurado kung ikaw. Alam ko yun. Inubos niya ang halos lahat ng signs ko, because he was desperate to be with me. Until the end... he was desperate." Inabot ko sa kanya ang kapirasong article sa newspaper.

Binasa niya ito.

"That night. I chased you... Sa gitna ng kalsada. Coz I thought you'd never come back to me. I rejected you... Sinaktan kita. But in the end, ako yung naghabol. Niliko mo ang sasakyan mo, at hinarurot papunta sakin. No... hindi papunta sakin... papunta sa tenwheeler truck na sana ay ako ang mababangga. You saved my life... Masaya ako at di ka namatay. Kasi kung nangyari yun, di ko mapapatawad ang sarili ko. As punishment... I guess... ngayon, wala kang maalala tungkol sakin. Ganun pa man, kontento na ako dahil buhay ka. Kung ano man ang desisyon mo, okay lang sakin. Ang importante... nasabi ko lahat!"

"Ladies and Gentlemen, may we call in, the ever handsome and successful yound CEO of Sortee Beach Club... Mr. Lex Andrew Santos!"

Pinunasan ko ang luha ko. Panirang emcee!

Halos di alam ni Lex ang gagawin. Tumingin siya sakin tapos sa mga taong nakatingin at naghihintay sa kanyang umakyat sa stage... pabalik ulit sakin.

"Stay here... give me a minute." Sabi niya.

Pero ang totoo, gusto ko ng umalis. Sobrang kinakabahan ako at umiiyak pa... Okay na siguro yun! Basta na sabi ko diba? Pero again, di sumusunod ang puso ko.

May bumulong sa emcee habang papaakyat si Lex sa stage.

"And oh!!! our soon to be Groom pala! Tonight... is also the engagement of Mr. Lex Andrew Santos and Ms. Kyla Marquez!

Nakita ko si Kyla na mas nauna pang umakyat kay Lex at kumapit sa braso nito. Si Lex naman... tumingin sakin. Yung ibang tao, napatingin na rin sakin.

O. M. G. Time to exit na talaga! I'm uninvited! I'm the other woman.

Tumakbo ako sa dorm nina Kate. Sa sobrang bilis ng pangyayari... di ko namalayang umiiyak na ako sa loob ng taxi...

"Manong may byahe pa po ba?" Tanong ko.
"Oo... hanggang 8pm yung barge." Sagot niya.


Umalis ako dun dahil sa kahihiyan na tinamo ko. I get it! Engagement party nila yun! Tama si Kyla! Pati si Kate may alam sa engagement nila. Ako lang yung nagbubulag-bulagan! Uninvited ako! Tumulong na nga yung mama ni Lex dahil naawa na siya sakin. Syempre, pinaasa ako ng anak niya sa wala!

Bumili ako ng ticket at nagmamadaling sumakay sa barge. Umihip ang malakas na hangin at natangay pa ang nilapag kong ticket sa mesa. Walang hiya, sinundan ko kahit kaya kong bumili ng bago.

Sa pagsunod ko... may nakita akong ilaw... ilaw na parang noong muntik akong masagasaan ng tenwheeler. Bumusina pa ito ng pagkalakas-lakas!

"AHHHHHHH!" Sigaw ko habang pinupulot ang ticket at nakitang may taxi na sasagasa na sakin.

Napaupo ako sa gitna ng kalsada nang nakitang binangga ng bahagya ng isang SUV ang taxi... SUV... SUV ni LEX!

"Summer! Are you okay?!" Tanong niya sakin pagkalabas niya.

Lumabas din ang reklamo nang reklamong taxi driver. Natahimik agad nang nakitang si Lex pala yung nag drive sa SUV!

Niyakap ako ni Lex.

"I remember everything now..."

Yun lang ang gusto kong marinig. Salamat Lord! Pero higit pa ang ibinigay niya...

Ipinakita niya sakin ang isang Tiffany and Co. na lalagyan ng alahas. Akala ko necklace... yun pala.. eternity rings!

"Just now!" Pumikit siya at napahawak sa ulo. "Nung binangga ko ang taxi... Naalala ko ang lahat ng tungkol sayo." Tumulo ang luha niya

Hindi ko parin matanggap ang lahat.

Suddenly, he kissed me.

"I love you so much!" Sabi niya.

Kinuha niya ang eternity ring at kinuha ang kamay ko para isoot ito. Di ako makapaniwala.

"T-teka! Baka para kay Kyla yan!? Diba engagement niyo?" Tanong ko.
"Hindi ko alam yun! It was her idea! And I bought this ring in Thailand... with your name and mine, carved in it. Kahit nung di pa ako nakakaalala, sigurado na akong ikaw ang pakakasalan ko. AT LALO NA NGAYONG NAAALALA NA KITA!"

Sobra ang ibinigay ni Lord sakin. Sobra pa sa sakit na dinanas ko sa isang taon na paghihintay na makaalala siya. Sobra dahil dalawang beses siyang na inlove sakin. Yung Lex na walang amnesia at yung Lex na meron... ay mahal ako.

"Hindi kita tinawagan because of this party... I want everything to be cleared. Gusto ko, settled ang lahat bago kita yayaing magpakasal. Ang negosyo, ang airport, si papa... lahat! That was all part of my plan. You just couldn't wait." Ngumisi siya kahit na may luha sa kanyang mga mata.

"Wheeew." Singit nung taxi driver. "Mukhang malapit na ang kasalan ah." Tumawa ang mga taong kanina pa pala nakatingin samin ni Lex.

Tumawa din si Lex! Sobrang saya niya na parang naging sobrang saya na rin ako!

"Let's go!" Naglahad siya ng kamay. "Bumalik tayo... para malaman ng lahat... kung sino ang tunay na bride."

Binigay ko ang kamay ko sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Sa wakas! Naalala niya rin ang lahat tungkol sakin. Pero useless pala yun. Kasi maalala niya man ako o hindi, ako parin ang pipiliin niya.

"Di mo pa nga ako tinatanong eh." Sabi ko ng seryoso.

Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko.

"Hindi ko kasi na ready ang speech at fireworks ko. Ni wala pang decoration sa yate eh... Pero sige na nga... Will you marry me?" Sabi niya.

Ang atat ko kasi! Nasira tuloy ang diskarte niya! HAHAHA

"Of course! Pero gawin mo ulit yung proposal na sinasabi mo sa yate ah? HAHA PLEASE?"

Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Kahit sa kwarto... gagawin ko yun." Kumindat pa siya.

"Tseh!"

"Please? Gusto na ni papa ng apo."

Sinuntok ko na! HAHA! ANG SAYA KO!

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText