<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 6-10


Stage 6.
Paano mo yun ginagawa?

 

 

 

Laganap sa Facebook ang tsismis tungkol sakin.



Inaway ko daw ng sobra sobra si Candice San Juan. Ang walang hiya, nagpost pa ng video sa Youtube na sinasabing hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.



"That... b1tch!"



Tinype ko sa status ko:

Poor girl. Can't accept that his boyfriend likes someone else. Now attacking me to conceal the truth.



HAHAHA! Sumali na rin yung mga kampon ko sa status at iba pang supporters! Isang minuto ko pa lang na post, ang dami na nagcomment! GRABE! Hindi na ako nagcomment ulit. Hula daw nila si Candice ang pinariringgan ko. Wala naman akong sinabing pangalan kaya bahala kayo diyan.



Kahit na di naman totoo na may ibang babae si Bench. Bahala na!



*Kriiing-Kriiing*



"Hello?"



Si Eliana.



"Where are you?" Tanong niya.

"Coffee Bean. Oorder lang ng frappe tapos babalik ng school para sa last class namin ni Bench." Sabi ko.



Habang kinakausap ko siya, kumaway si Barbie Cortez sakin. Isang Brazilian model na kakilala namin ng bff kong si Ara.



"Call you later, Eli. Oorder lang ako." At binaba ko ang telephone.



"Hey!" Pumunta siya sakin.

"Hi! Kumusta?" Tanong ko.



Part na naman ng social climbing. Ang social niya kasi. Tumataginting na Balenciaga'ng bag at heels na Jimmy Choo ang napuna ko agad.



"Buti nakita kita!" Sabi niya.

"Bakit? You need something?" Tanong ko.

"Kasi... I need Bench for a shoot.:o



Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. I know! She's using me to get to Bench.



"Shoot? What shoot?" Tanong ko. ??? :o

"Sa isang clothing line for beach wears. Sa bora yun. Call me if he's available next Saturday."



Now that she mentioned it... pwedeng pwede! May plano ako. At kasing baho ng plano ko ang dagang nabubulok.



Ngumisi ako.



"Okay, I'll contact you."



Kinuha ko ang frappe ko at umalis na. Kamuntik na pala akong malate sa klase.



Nag quiz kami agad pagdating ko kaya di na nakahirit si Bench sa pagtatanong sakin.



"Who got the highest score?" Tanong ng Professor.



"Saan ka galing?" Tanong ni Bench.



Hinahawakan niya pa ang ballpen niya nang tinanong ako. Di ko siya agad sinagot. Hinintay ko pa ang sagot ng mga kaklase ko sa tanong ni Prof.



"Denise Gozon." Sabi ng mga kaklase ko. 8)

"What's her score?" Tumingin ako sa kaklase kong nagcheck ng papel ko.

"No worng."


Nagtinginan silang lahat sakin. Ngumisi na lang ako.


"Pass your papers. Dismissed."


"Paano mo yun ginagawa?" Tanong ni Bench sakin habang kinuha yung mga books kong nakalatag sa desk.


Nagkibit-balikat ako. ::)


"Just like how you do it... but better." Ngumisi ako sa kanya. " Isang wrong lang yung sayo.>:D


Ako kasi nag check sa paper niya. Umalis kami ng room. Habang papunta kami kina Eliana... yinaya ko na siya sa offer ni Barbie.


"Whoa! You sure?"
"Yep! Weekend lang naman eh. Pumayag ka na!" Sabi ko.
"Bakit?" Tanong niya.
"Basta!"
"Sasama ka?"
"Oo! At... isama mo si Candice." Sabi ko.
"Huh? Baka mapuno lang ako sa catfight niyo. Kuntento na ako sa'yo." Tumawa siya. ;)
"Isama mo siya." Iginiit ko.


Ngumisi siya.


"I smell something fishy..."


Ngumiti na rin ako.


"Aryt!"


I'm soooo excited! HAHAHA! Halos mapatili ako sa pagpayag ni Bench! Let the hunger games begin! nyahahaha!


Stage 7.
Why are you so hot?





"You're late." Sabi ni Bench sakin.

Pareho kaming dalawa naka Wayfarer. Si Candice, nalaglag ang panga nang nakita niya akong dumating.

"Ba't siya nandito?"
"Of course. Ako ang nagyaya sa kanya, ako pa yung aabsent?"

Halos umusok yung ilong niya at di na mapakali.

"Let's just go. Hayaan mo na yang si Denise." Hinawakan ni Bench ang baywang ni Candice at nagsimulang maglakad sa isa sa mga plane nila.

Oo. May ari ang mga Jimenez ng isa sa mga matagal ng airlines dito sa Pilipinas.

Umupo ako sa likuran nina Bench. Silang dalawa nasa harapan ko, naglalampungan.

"Respeto naman, Bench." Sabi ko nang tinanggal ko ang Wayfarers at lumipad na ang airplane. >:(

Natawa siya. Tumayo siya at mukhang magC-CR yata... yun pala... bumalik siya na may inabot sakin. Walang imik lang na inabot niya sakin ang isang pares ng Reef na tsinelas.

"Thanks. I need it.:-[

Tumango na lang siya at nagsimulang makipaglampungan ulit kay Candice.

Umiling na lang ako at tumingin sa mga ulap na parang cotton candy. Mabuti na lang di matagal yung byahe. Dumating kami agad sa bora. Tumanggi si Bench sa alok ng Dad niyang sa resthouse na nila kami tutuloy. Aniya, mas maganda daw yung malapit lang sa lugar kung saan isho-shoot yung photoshoot nila.

"Alam mo ba kung bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Candice.

Pinagpatuloy ko parin kahit alam kong inis na siya... ang totoo pala... pinagpatuloy ko kasi alam kong naiinis na siya.

"Oo!" Sabi niya na may tonong parang sinasabing ako yung walang alam.
Ngumiti ako, "Wa'g kang magseselos ah?"
"Ba't ako magseselos? Duh?! I'm not like you."
"We'll see about that."

Lumapit ako sa paparating na si Barbie at nakipagbeso. Nagbeso din siya kay Bench.

Alam kong may hidden desire tong si Barbie kay Bench at yun ang gagamitin ko laban kay Candice. Pababagsakin ko siya...

"Candice, this is Barbie. Yung model na tinutukoy ko. Barbie, Candice, my girlfriend." Sabi ni Bench.

Natawa si Barbie at pinagtaasan ng kilay si Candice. Naglahad ng kamay si Barbie pero di 'to pinansin ni Candice! Nakakatawa nga eh! HAHA! Awkwaaaard!

"Uh... Mag chi-check in lang kami." Sabi ni Bench.

Inspeaking of that... ibig sabihin ba ng check in na yan ay ako sa isang kwarto tapos silang dalawa sa isang kwarto din?

"One room for three. Yung pinakamaganda." Sabi ni Bench sa frontdesk ng resort kung saan nakacheck in din si Barbie.

Ang mokong nakaevil smile at nakatingin sakin! Kung anu-ano tuloy ang pumasok sa isipan ko.

"Miss. Pwede yung two separate beds an room? Thanks." Pinandilatan ko ang manyak na tingin ni Bench sakin.

I'm used to it. 8)

Agad kaming nagpunta sa kwaro. As usual, high end na kwarto talaga ang pinili ni Bench. Ganun naman talaga parati. Palibhasa mayaman. Ako dito nagpapalibre lang. Kahit 'tong soot kong tsinelas na mamahalin, galing pa sa kanya. Who cares, as long as di ako humihingi ng kahit ano sa kanya. Siya lang 'tong bili nang bili para sakin.

"Nice." Sabi niya nang nakitang soot ko ang binili niya.

"Mas nice sana ang trip na 'to kung tayo lang dalawa, Bench." Singit ng walang alam na si Candice.

Napawi tuloy yung saya ko sa ibinigay niya.

"Wa'g kang mag-alala, just pretend that I'm a ghost." Umirap ako at lumabas na para makasagap ng preskong hangin. Umupo ako sa buhangin at pinaglaruan na lang ang Instagram ng phone ko. Ang daming tao! Pero di na ako makapaghintay sa shoot nila ni Bench. At sa... 'scene' kung meron man.

Ilang sandali, napatayo ako nang nakita ko si Barbie na naka twopiece na at may dalang surfboards. Anlaki ng boobs niya, kaya siya lapitin sa mga ganitong shoot. Si Bench naman, perpekto ang katawan. Triceps, abs... name it he has it.

"Ready?"

Akala ko naman ako yung tinanong ni Barbie, yun naman pala, si Bench nasa likuran ko naka boardshorts, topless, kumikinang yung katawan. Halos malaglag ang panga ko. Imbis na titigan ko siya, inalis ko na lang agad ang mata ko sa kanya kasi alam kong ngingisi lalo yun sakin pag nakita akong nakatitig sa kanya.

Nilagpasan nila ako at sumunod na kay Barbie. Nakahawak siya sa balikat ni Candice.

Napabuntong-hininga ako, iling at nagkagoosebumps.

Bakit? Ang gwapo kasi talaga ng mokong! Ang gwapo gwapo gwapo niya na hindi ko kayang di siya tignan. Makisig siya, malakas ang dating, sagad sa buto ang pagiging matipuno.

"Aryt! That's good! Great!"

Halos walong photographer ang nandun at nakapaligid sa kay Bench at Barbie.

Nacurious tuloy ako sa reaksyon ni Candice nang nakitang ang boyfriend niya ay mukhang sinusuyo at kumakarinyo sa ibang babae.

"Alam mo..." Tinabihan ko siya at naisipang gatungan. "May HD si Barbie kay Bench."
"Anong HD?" Mata niyay nakatuon parin sa dalawa.
"Hidden desire."
"Wa'g mo nga akong lokohin."
"Hindi kita niloloko no. Sinasabi ko lang ang totoo. Nung highschool pa lang." Sabi ko.
"Ano naman ngayon, ilang years na ang nakalipas noh!"
"Hmmm. Well, may point ka. Mukhang 4th year highschool tayo nang nakita ko sila sa corridor ng school nila na naglalampungan. Akala ko nga sila eh, di naman pala. Sabi ni Bench... hindi niya daw kaya ligawan si Barbie. Siguro dahil totoong mahal niya ito."

WAAHAHAHA! Sobra na to! Halos sumabog ang bibig ko sa tawa kaya tinikom ko 'to ng maayos pagkatapos kong magsalita. Totoong nakita ko ang dalawang naglalampungan noon pero dagdag lang yung iba. HAHA! Si Candice umuusok na talaga ang tenga! Totoo! Nakita kong gumalaw ang muscles niya sa pisngi na para bang gusto niyang tadtarin ang dalawang tinutukso ang isa't isa sa harapan niya.

Umalis siya sa galit. Ako na lang ang natira dito at di ko mapigilang tumawa. Para akong baliw. HAHAHA!


"Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Bench sa gitna ng isang break.
"Wala lang."
"Ba't ang saya mo yata?"
"Bawal ba?"

Tinaas ko ang isa kong kilay. Kanina ko pa napapansing di mainit ang araw ngayon. Cloudy. Kaya sasamantalahin ko 'to para makapagswimming sa dagat. Tapos na ang misyon ko, at malalaman niyo ang resulta mamaya.

"Bench, will you hold this for me?" Sabay abot sa cellphone kong dala.

Kinuha niya naman. Hinubad ko ang soot kong dress. May two-piece kasi sa loob nito.

"I'll just take a dip."

Yung mga mata niyang mapupungay ang agad kong namatyagan paghubad ng dress ko. Unti-unti siya ngumiti.

"Sama ako?" Sabi niya.

Binatukan ko na!

"Wa'g mo nga akong manyakan, please?"

Tumawa siya nang papalayo na ako. Sinigawan pa talaga ako...

"Why are you so hot?"

Sarap mag dirty finger sa kanya nang sinabi niya yun. Bistado ko na ang lahat ng diskarte niya. Alam na alam ko ang pasikot-sikot sa utak niya. Kabisado ko ang hasang niya kaya, bukod sa mga barkada niyang lalaki, ako lang ang sinusunod at palagi niyang sinasamahan.



Stage 8.
Let's party tonight?





Pagkabalik ko galing swimming, narealize kong nandun na sila sa isang seafood restaurant, kumakain. Pero si Bench, inabangan ako para ibigay yung dress ko.

Inakbayan pa ako ng mokong. >:(

"Tigilan mo nga ako. Una ka na sa resto. Magbibihis lang ako sa kwarto." Sabi ko.
"Sama ako->:D
"Tseh!"

Iniwan ko na siya. Buti at sinunod niya naman ang utos ko.

Nagbihis ako at nagmadali ng pumunta sa resto. Ginugutom na ako. Paano ba kasi ang tagal natapos nung shoot. Halos makarating na ako sa kabilang isla sa paglalangoy ko, joke, OA. haha! halos dalawang oras. Alas kwatro na ngayon-este-alas singko. Isang oras pala ako sa banyo.

Pumasok ako sa resto, parang pista lang yung mga pagkain. Uupo na sana ako nang nakita ko ang scene na hinahanap ko.

"You're purposely doing this!" Sigaw ni Candice.

Dinig na dinig ko ang music sa resto na highclass pero mas dinig ko yung sigaw niya. Nakahawak si bench sa isang braso niya habang nanggagalaiti si Candice. Si Barbie naman ay nakangisi sa harapan niya.

"Wa'g kang ngingisi ngisi diyan! Alam kong matagal mo ng gusto si Bench!"
"Stop it, Candice! You're making a scene." Seryosong sinabi ni Bench.
"Ba't di siya ang sinasabihan mo ng stop?!" Tumingin si Candice kay Barbie. Halos mangiyak-ngiyak na! "Monthsary namin ni Brent next week! Mag dadalawang buwan na kami! Matagal na kami! Wala pa siyang sineryoso... ever!"

Nabigla ako sa sinabi ni Candice. Parang may naalala agad ako. ever.

"At ikaw, isa ka lang sa obstacles ng relasyon namin!"

Hindi na talaga napigilan ni Barbie ang kanyang tawa! Sumabog siya sa kakatawa. Natigilan na halos lahat ng tao sa resto para tignan ang commotion.

Kinuha ko na agad ang iPhone ko para mapicturan ang hinihintay kong scene. Lumapit ako.

"How dare you!" Sasampalin na sana ni Candice si Barbie nang napigilan ni Bench ang kamay niya!

"Gotcha!" Bulong ko sa sarili ko.

Humalakhak pa ako. Hindi nagpahalata! NYAHAHA!

"Kinakampihan mo ba siya, Bench?!" Mas lalong tumaas ang boses ni Candice.

Umiling si Bench. Seryoso ang mokong. Naapektuhan din naman pala siya. LOL! Oo naman, syempre alam kong may feelings din siya.

"Then why are you defending her?!"

Napabuntong-hininga si Bench. Ako naman, busy sa pagfoforward ng picture kina Tanika, Abby at Nina.

Text:
Ipakalat niyo. Candice, crying... Ipinagpalit ni Bench sa isang Brazilian model. Kawawa naman. Here in bora. So Sad. NYAHAHA >:D

Tinago ko talaga yung phone ko nang nakita kong tinitigan ako ni Bench sa kalagitnaan ng commotion.

"Sumagot ka! AHHH!" Umalis si Candice sa humiliation.

Nabadtrip din yata si Bench kaya umalis. Si Barbie lang at ako ang natira para kumain. Agad kong inubos ang pagkain ko.

Abby (text):
Nakalat na sa net. Grabe maka react yung mga tao!

Tanika (text):
You're in bora?

Nina (text):
Grabe sila! Kakampi mo na sila!

Halos matawa ako, kundi ko lang nakita si Bench sa harapan ko habang naglalakad at hinahanap siya.

"You look happy." Seryoso niyang sinabi.

"Hinahanap kita. Saan ka nagpunta?" Tanong ko.

Agad kong sineryoso ang mukha ko at linagay ang cellphone sa bulsa. ;D

"Got slapped by Candice, twice. Kinausap ko siya."
"Tapos? Anong nangyari?::)
"I don't know. Nandyan lang siya sa tabi-tabi, umiiyak."

Its not like its the first time na nagpaiyak siya ng babae. Ilang beses na nga diba? Nung highschool pa, tapos ngayong nasa college na kami, 18 years ng nabubuhay, ganun parin ang ginagawa niya. Naguilty naman ako sa mukha niya ngayon. Parang biyernes santo lang. Kawawang Bench. Utos ko pa naman yun. Guilty din ako no! Pero wala na akong magagawa kasi nangyari na.

"I'm sorry.:o

Nagpacute ang mokong at umaliwalas ang mukha.

"The sun is setting... Gabi na maya-maya. Let's party tonight?" Ngumisi siya.

"Sure!!!"





Stage 9.
Call me.





Nagpunta kami ni Bench sa isang Beach bar. The Tavern. Ang daming tao! May mga kilala pa si Bench dun. Kilala naman kasi yung pamilya niya. Ngumingiti din sakin kasi kasunod ng pangalang Bench Jimenez ay ang Denise Gozon.

Sayawan dito, sayawan doon. Inom dito, inom doon. Heto si Bench at nakailang lagok na. Hindi pa lumalagpas ng isang oras ay halos maubos niya na lahat ng inumin.

Ganyan siya. Sa tuwing may makikipagbreak o ibi-break niya, tri-triple ang iniinom niya.

"Para ka lang iniwan ng mahal mo ah?" Humalakhak ako.
"It's a hobby." Ngumisi siya at lumipad agad ang mata sa mga babaeng nasa dancefloor.

Umiling na lang ako. World record talaga at umabot sa halos dalawang buwan sila ni Candice. Ako naman yung may pakana kasi inutos ko sa kanya yun.

"In love ka ba sa kanya?" Pabirong tanong ko.

Tumingin siya sakin.

"Alam mo naman ang sagot, tinatanong mo pa." Linagok niya ang isa pang shot.

Alam kong hindi. ;D

"Don't get too excited, ayt? Makikipagsayawan lang ako. wa'g kang aalis at sumama sa kahit sino dito."

I gave him a ridiculous look then he pinched my nose.  ::) ::) Umalis ang manyak at hayun, nakipagharutan sa halos tatlong babae sa dancefloor.

Well of course, sino ka para tumanggi kay Bench Jimenez eh tagapagmana yun ng mga Jimenez, hot, magaling dumiskarte at sikat. Kapag katabi mo siya, kahit na isa kalang malaking kuto, bigla kang magiging balyena! Big fish! Maswerte ako at ipinanganak akong si Denise Gozon, hindi ako nahirapan makipagsabayan sa ibang malalansang isda na nagkukunwaring balyena. Dahil si Denise Gozon ako, na malapit sa mga Jimenez, nagmumukha akong kagaya nila.

Nakita kong may tumitingin sakin kanina pa, nasa dancefloor pero na sakin ang mata. Ang pangit naman kaya inirapan ko na lang. Feeling naman! Kala niya naman papatulan ko siya. HAHA! Ang sama ko talaga! Di ko na lang papansinin. Sana wa'g na lang akong gambalain.

"Hey Denise, where's Bench?" Linapitan ako ni Barbie.

Plunging neckline pa. :o

"Nasa dancefloor..." Sabay nguso ko kay Bench na mukhang may amats na.

"K, thanks!" At umalis para puntahan si Bench.

Ilang sandali, sumasayaw na silang dalawa. Busy ako sa pagpipicture, naka Instagram sabay edit pa para mas maganda. Hayan! Nasend na sa lahat ng taong pwedeng magpakalat nito. Kawawang Candice. In speaking of her, nasan siya?

Madaling nabore si Bench. Alas nuwebe pa lang ay nagyaya na siyang umalis sa bar. Halos dalawang oras pa kami dun. Pagod siguro sa mga ginawa niya ngayong araw.

"Let's go!" Inakbayan ako ng manyak papalabas ng bar.

Hinayaan ko na. Ta's bigla kaming hinarangan ni Candice sa daanan.

"Bench... can we talk?" Sabi niya.

Tinignan ko si Bench na di parin maalis yung ngiti sa mga nangyari at nakasayaw niya sa bar.

Di pa nga nakakasagot yung tao, nasampal na agad! PAK!

Napawi tuloy yung ngiti niya! >:( >:( >:( >:( >:(

"What the eff? Candice! Stop that!" Sarap ng sakalin ah!?

Nagtimpi ako kanina nang sinabi ni Bench na dalawang beses siyang sinampal, ngayong pangatlo at sa harapan ko pa, na highblood talaga ako!

"Wa'g kang makealam! Di ikaw ang girlfriend niya!" Sinigawan pa ako!
"Hoy bruha ka! Wa'g mong masampal sampal tong si Bench at pagsabihan ako ng ganyan!" Inalis ko ang kamay ni Bench sa balikat ko para maharap ko si Candice ng maayos. "Binalaan na kita, ikaw tong go lang nang go! Kasalanan mo yan. Know your place, dog!-"
"Stop it, Denise. Stay in our room. Mag uusap lang kami ni Candice." Seryosong sinabi ni Bench sakin at umalis na.

Sinundan siya ni Candice.

"Pasalamat talaga siya at ayokong maging tulad niya na sa harap ng maraming tao ay nagwawala! Bwesit! Sana di ko na lang hinayaan si Bench dun sa babaeng yun!" Sigaw ako nang sigaw sa phone ko.

Tumawag kasi si Eliana. Halos gigil pa ako.

"Ano? Nagsisisi ka?"
"Mejo... Pero hindi rin! Ngayon, balik ulit siya sa putikan. Kala niya naman sineryoso siya nun!"
"Hay nako, Denise. Kawawa naman si Candice. Dami niyang pics sa Facebook." Napabuntong-hininga siya.
"Dapat lang no! Sana na-share mo! Tatlong beses! Tatlong beses niyang sinampal si Bench ngayong araw!-"

Nadistract ako nang may narinig na parang music sa Project X at mga taong bumabati.

"W-Wait, where are you?"

Humalakhak si Eliana.
 :o :o :o
"Try ko lang. Mag isa lang akong pumunta... dito sa Core."
Napanganga ako at naalala ang nangyari noon. "What the?!-"
"Pumuslit ako. Wa'g kang maingay ah?"
"NOOO! Umuwi ka na!!!" Mahahigh-blood na yata ako!

*TOT-TOT-TOT*

Walang hiya!

Text ko kay Eliana:
Uwi ka na. Or I'll tell tito drew.

Napahiga ako sa kama. Sa dami kong iniisip di ko namalayang nakatulog na pala ako. Pero wala nang mas sasama sa sumunod na umaga!

"Good morning!" Habang umiinom ng kape sa harapan ko.

Nasa kama ako, ganun parin ang posisyon ko kagabi nang nakatulog ako. Si Bench naman, naka sleeveless, exposed ang triceps, biceps at iba pa. Kahit mug lang yung props, para na siyang model.

Masama kasi nakadungaw ang manyak sakin. Halatang kanina pa ako pinagmamasdan. Nung tulog pa ako!

Agad akong napatalon! Tumawa naman siya!

"Easy..." Inom ulit ng kape.
"What happened?"
"Purple... undies." Tumawa siya. >:D

"Bwesit ka!" Binato ko ng unan. Nakailag naman. "Manyak mo. Yiii! Di ka ba nandidiri? Eww!"
"Kumain na tayo." Binalewala ba naman yung sinabi ko.
"Anong nangyari kagabi? Where's Candice? Saan ka natulog kagabi?"
"Of course in this room." Evil grin. "And I saw your purple undies...peepin-"

Binato ko ng unan kaya di natapos magsalita.

"Ewww, Bench!" Tumayo ako at inayos ang sarili ko.
"Kiddin'!" Sabi niya habang tumatawa.
"Kidding ka jan! Alam kong totoong nakita mo kasi purple ang undies ko! Tseh!"

Tumawa pa siya ng mas malakas. Kadiri talaga tong isang 'to. Puro sex yata laman ng utak.

"Hmmm. And... Candice... went home last night."

Natigilan ako at tinignan siya. ??? ??? ???

"She broke up with me." Ngumiti siya.

Tumango ako. ??? ??? ???

Akala ko talaga seryoso yung usapan namin... seryoso naman pero... :-[

"Uh... hey! Good morning! Denise." Sabi ni Barbie na mukhang kakabihis lang.

Nasa pangalawang bed pala siya! WHAT THE HECK?

"I-I'll go now..." Ngumiti si Barbie.
Si Bench kumaway lang, "Call me." Kumindat pa ito.
"Yeahhh~" Pumula ang pisngi ni Barbie. "And...uhmm.. thanks for last night!"

Nag tiptoe siyang umalis sa room namin.

FACE PALM. :-\ :-\ :-\

"Ikaw na talaga, Bench." Umiling ako.

Humalakhak naman siya. Akala ko pa naman...





Stage 10.
It's okay.





Nakauwi na kami ni Bench. Hinatid ako nila ako ni Kuya Joe sa bahay.

"Bench." Sabi ko pagkalabas ko sa sasakyan niya. "I'm worried about Eliana. Lumabas siya kagabi, mag-isa."

Tumawa si Bench. Akala ko nagiging heartless ulit siya. Walang pakealam.

"Akala niya naman mag-isa siya, pinasundan ko siya kay Kuya Joe para siguradong walang mangyaring masama." Kumindat pa talaga siya.

"Aryt! K. Bye! Stalker!" Umirap ako at papasok na sana sa bahay.

"What's the plan now?" Tanong niya. ;D

Lumingon ako sa kanya.

"Anong plan? Wala akong plano. Ikaw tong pinangungunahan ako eh."

Then his evil grin again. >:D

Nagkibit-balikat ako.

"Ipagpatuloy mo na lang yan nang mas lalong masaktan si Candice."
"Aryt!"

Tapos umalis na.

Haaay si Bench talaga. Sagad na naman sa buto ang pagkahaliparot niya. Kahit ganyan siya, parang di na siya nasanay sa mga nakikipagbreak sa kanya. Kaya naman pagkatapos ng break up, dadami ang inom niya. Parang affected lang... akala mo naman affected talaga... pero hindi naman pala. Nakahanap agad ng iba.

"Kumusta yung lakad niyo ni Bench sa boracay?" Sabay halik ni Daddy sakin.

Yinakap ko siya sabay abot ng sandamukal na pasalubong ni BENCH para sa kanya at kay Mommy!

"Okay lang! As usual..." Tapos hinalikan niya ako sa noo.

Tinignan niya ako ng mabuti sa likod ng kanyang eyeglasses.

"He's modeling for this... clothing line. Kasama namin yung girlfriend niyang si Candice San Juan sa bora."
"Girlfriend? Di yon nag gi-girlfriend diba?"
"Oo nga po pala. Ano... uhmm. fling lang sila." Tumawa ako.

Seryoso parin si Daddy. ???

"Joke. Girlfriend niya yun."

Umalis na lang ako para di na maraming tanong. If I know, nananagap ng balita si Daddy sa kabulastugan ni Bench para malaman ng Dad ni Bench kung anong pinaggagawa ng anak niya. Only child si Bench at first born sa mga Jimenez kaya natural na sa kanya ang halos kalahati ng yaman nila. Busy din ang parents ni Bench sa negosyo. Aside sa airlines, marami silang farm tapos nag aangkat pa ng mga produkto sa ibang bansa. Big time!

Ako naman... Only child din pero walang yaman. NYAHAHA! Mga kapatid ni papa nasa States lahat. Bukod sa ilang squaremeters na lupa at ginawang commercial building at tong bahay namin, wala na kaming ibang pag-aari. Buti at parehong abogado si Mommy at Daddy kaya ayun, sosyal parin ako.

Si Eliana naman... May half brother at sister. Anak nung Step mom niya. Twins yun. Pero bata pa. Inspeaking of twins, may pinsan pa silang twins, si Brent Cruz at Ara Cruz. Mayayaman din yun kasi anak ni Governor. Daming lupain din. May-ari ng isang food corp. Oh well, Jimenezes.

"Eliana!" Yinugyog ko si Eli nang makita sa school.

Kahahatid lang ni Daddy sakin dito tapos si Eliana agad ang nakita ko.

"Hindi mo na ako tinawagan ulit! Di ka pa nag text! What happened???"

Ngumiti siya. One creepy smile. I know may tinatago siya.

"Wala naman..." Creepy smile ulit. :o

Alam ko talaga pero hinayaan ko na muna.

"Where's Bench?" Tanong niya at sinuyod ang paligid.

Nagtataka siguro ba't di ko kasama.

"Idun-"
"Ahh! Ayun!" Sabay turo kay Bench na pinagtitinginan ng mga tao!

Si Barbie naman ngayon ang kaakbay niya. Kumaway pa ito samin!

"Denise! Ano bang pinag-uutos mo diyan sa pinsan ko. Nakakahiya na siya ah? Iba-ibang babae na lang talaga." Umiling si Eliana.
"Wala akong inutos. Tsaka... masasanay ka rin."

Umalis din si Eliana para sa klase niya. Ako naman, pumasok na sa class namin ni Bench. Nakangisi na yung baliw sa upuan niya pagdating ko. Pinaglalaruan pa ang signpen niya.

"Yes, thanks to you... Nasa halos lahat ng blogs na ako. Napalitan na ang mukha ni Candice. I owe you that... Pero kadiri na talaga yang inyo ni Barbie ah." Sabi ko ng pabulong sa kanya. >:(
"So ano? Titigilan ko?" Ngumisi ulit siya. :P
"Titigilan? Yun ay kung mapipigilan mo yang libido mo!"

Tumawa pa ito na nakatawag pansin talaga sa mga kaklase ko. Kinurot niya ang pisngi ko. Sinapak ko agad yung kamay niya.

"Tigilan mo nga ako. Eww!" Umayos ako sa pag-upo, pagdating ng professor namin. >:(

Natahimik. Kaya naman dinig ko agad yung nagtsismisan sa likuran...

"Di kaya si Denise at Bench naman talaga ang mag-on?"

Hindi na ako nahiya! Lumingon ako sa likuran para tignan at TITIGAN ng sampung segundo ang mga nagtsismisan! Natahimik talaga sila at nagkunwaring walang sinabi.

Pagkatapos ng klase... nagpaalam agad si Bench. Aniya, magkikita daw sila ni Brent. Pero di pa siya nakakaalis... Nasabuyan na siya ng juice... nino? Di ko kilala!

"Sorry! Sorry!" Agad kinuha nung babae ang panyo niya at pinunasan ang damit ni Bench.

Si Bench naman parang na badtrip!

Tahimik siya habang tinitignan ang babae. Hindi makagalaw.

"Bakit mo ginawa yun." Tinulak ko yung girlet.

Nerdy style! Maganda pero di sexy. Mukhang minor de edad pa. Freshmen yata. Maiksi ang buhok... parang... familiar yung aura.

"Sorry... Sorry talaga!" Yumuko-yuko pa siya.

Nagkalat yung gamit niya sa sahig, di pa nakukuha kasi pinunasan niya pa ang damit ni Bench.

"It's okay." Sabi ni Bench.

Sabay pa silang pumulot ng parehong notebook kaya hayun, nagkabanggaan ang kamay at nagkatitigan.


 :o :o :o


Wait a minute... kapeng mainit... Ngumiti si Bench na parang naiilang sa girlet! Weird!!! Ano yun?! :o :o :o :o :o :o :o


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText