<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Sign 41-45


SIGN 41~
Summer: alis na muna ako ah.







Umabsent ako ng dalawang meeting sa Philo dahil sa inis ko kay Lex at dahil sa takot ko.

"Summer," Tawag ni Kevin sakin galing sa likuran.
"O?"
"Ba`t di ka na pumapasok sa philo?"
"K-Kasi... sumakit yung tiyan ko nitong nakaraang araw eh. LBM." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"T-talaga? Wala ba itong koneksyon sa kay Sir..."
"Wala!" Sabi ko.

Umismid ako sa sarili ko. Masyado ko yatang na lagyan ng emosyon ang sagot ko.

"Mag... kakilala ba kayo ni Sir?" Tanong niya sakin ng seryoso.
"Hindi." Tiningnan ko rin siya ng seryoso at... "Tayo na Kev, baka mahuli tayo sa Philo."

Naglakad na kami patungong classroom. Marami na namang nakatingin sa akin. For sure, kaya ganito makatingin ang mga taong `to dahil nakita nila si Lex na hinahabol ako. Shucks.

"Summer," Humihingal pa si Nicole at sumabay samin.
"Ano?"
"Binigyan ka raw ng balloon ni Sir Lex? Bakit? Totoo ba yun?"
"Ahhh. Yun ba? Ehhh kasi... Yung pamangkin ko kasi, may birthday. Eh kilala niya, kaya binigyan niya ako ng balloon para iabot sa pamangkin ko."
"Kelan ba ang birthday ng pamangkin mo? Diba last last week lang dinadala ni Sir yung balloon?"
"Ahhh. Yun ba..." Wala na akong maisip na palusot. "Ehhh ewan ko. Basta."

I ignored them until we arrived at our classroom.

"Uyyy. May birthday pala yun sa pamangkin ni Summer kaya ganun."

Kay lakas ng boses ni Nicole habang nakikipagkwentuhan siya sa ibang kaklase ko.

I glanced at that Princess-girl na nagbigay ng number kay Sir Lex. And my God, nakatingin siya sakin. Nakakatakot naman.

"Ewan ko. Siguro hilig lang talaga ni Sir ang mga bata... AYYYY..." Sobrang kilig ang nadarama ng mga kaklase ko habang pinag-uusapan si Lex.

Napailing na lang ako.

Napansin kong kanina pa tumitingin si Kevin sa akin habang pinaglalaruan ang ballpen niya.

"OKAY CLASS!"

Para akong napatalon sa kinauupuan ko habang tinitingnan kung saan galing ang nagsalitang iyon. Syempre si LEx. Napalunok ako.

Lumingon ulit ako kay Kevin at nakita kong nakatingin parin siya at parang binabasa ang mga galaw ko. I acted normal.

"Since this is my last day... I`ll check your attendance na lang..."

Nag rollcall siya.

Napalunok ulit ako ng ilang beses para lang ma maintain ang state of mind ko.

"Reyes, Angela... Ro-mero, Arriane Summer." Tumigil siya sandali. "Present ba?"
"Yes."

Natahimik ang mga kaklase ko.

Tumango siya kaya napabuntong-hininga lang ako nang pinagpatuloy niya na ang rollcall. Akala ko may mga comment na naman siya.

"Santiago, Princess Mae..." Tumigil ulit siya at hinanap yung nasabing Princess.

Nagpataas ito ng kamay at ngumiti. Nginitian din ito ni Sir Lex.

May kaonting hiyaw akong narinig sa likuran galing sa mga kaibigan yata nung Princess. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Nagpatuloy siya sa rollcall.

"Gag0 tong Lex na `to, kung paano kung may makahalatang- ARGH!" Sabi ko sa sarili ko.

Paano kung may magsumbong na ganyan yung trato niya sa mga estudyante? Shucks.

"Di ako magtatagal, class. Marami pa akong aasikasuhin. Uhhh, Dismiss."

Nagkagulo na at marami nang lumalabas. Ewan ko kung bakit ayaw ko pang lumabas.

"Uh, by the way...." Tumigil yung mga kaklase ko at nakinig kay Lex.

Sobrang masunurin yata ng klase pag si SIR LEX na?

"Ms. Santiago, please remain." aniya.

Nagpatuloy sa pag-alis ang mga kaklase ko pero ako, wala parin... di parin nakakatayo.

"Summer, di ka pa ba aalis?" Tanong ni Nicole.
"Hindi."
"Bakit?" Si Kevin naman.

Nakatingin parin ako kay Lex. Lumingon naman ako kay Princess at nakaupo parin siya mag-isa sa upuan niya.

Nagkasalubong na talaga ang mga kilay ko.

Ano bang plano ni Lex? Papatulan niya ba yung babaeng yan? Eh... pucha naman... Di ba niya nakikitang pwede siyang ipatapon sa school. Sa bagay, di naman siya talagang teacher dito pero napaka walang hiya niya naman yata kung ganun ang gagawin niya. Kapal ng libag niya para pumatol ng estudyante.

"Summer?"
"O!" Nalagyan ko ulit ng maraming emosyon ang sagot ko.

Si Lex, Nicole, Kevin, Princess at ako na lang ang natitira sa room.

"Ehe-ehem..." Lex broke the silence.
"Ah. Yeah, tayo na..." Sabi ko.

Para kasing sinasabi ni Lex na 'leave us alone...' or what. Okay! Kung di niya yun kayang sabihin, edi ako na ang magsasabi.

"We are going to leave you alone." Sabi ko. Masyadong clear ang pagkakasabi ko.

Pero pagkatapos ko `tong sabihin, may napansin ako sa sarili ko, may mga naitanong ako sa sarili ko.

Sobrang bilis yung lakad ko papalabas at para akong pumutok na bulkan. BAKIT BA, SUMMER? O SIGE! MAHAL MO SIYA! SELOS KA LANG.

Ganun ba yun? Peste naman o. Last day niya na ngayon, paano niya makokompleto ang signs?

KITA MO NA? Yan pala yung tunay na iniisip mo, ang galing ah? HAHAHA. Nabubuang na yata ako.

"Summer?"

Kanina pa pala ako tinatawag ng dalawa.

"May problema ba?"
"W-Wala."
"O sige, alis na muna ako ah. May semi-final exam ako sa isang subject ko." Sabi ni Nicole.

Umalis siya na parang may halong weird-look sa mga mata niya.

"Summer, seryoso `to..." Napasinghap si Kevin. "Magkakilala na ba kayo ni Sir Lex noon?"









SIGN 42~
Summer: Siguro... kaya mo ko pinipilit






Ilang sandali ang nakalipas, lumabas si Lex sa classroom. Magkasabay pa sila ni Princess. And then again, dumaan siya sa gitna naming dalawa ni Kevin.

"Sir! Wala bang excuse?" Sabi ni Kevin.

Napalingon ang ibang mga tao sa hallway.

Naabutan ko ring nagwalk-out si Princess at parang umiyak yata. Anong nangyari dun?

"Sorry." Yun lang ang sabi ni Lex kay Kevin.

He glanced at me then left afterwards.

Anong nangyari dun?

Anyway, I`ll escape. ;D

"Sige Kev, alis na ako ah... magkikita pa kami ng mga pinsan ko." Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko.

"Summer, di mo pa sinasagot yung tanong ko."

Di ko na siya pinansin. Nagtataingang-kawali ulit ako para di mabuking.

Tinext ko ang dalawang pinsan ko pero walang nagreply.

Kainis. Kaya ako lang mag-isa ang naglalakad-lakad.

Hanggang sa natapos na ang whole class ko for today, aalis na sana ako pero may nagtext.

Kala ko naman sina Aliyah at Nadine na pero mali ako. T`was Lex.

Lex: Puntahan mo ko sa parking lot.

Kapal muks ng matandang ito. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Me: Why would I?
Lex: Arte mo ah. Lagi naman eh. Diba nga, may sasabihin ka?


Anong sasabihin ko? Tse!

Lex: O baka naman... di mo kayang sabihin?

Abahhh! Mapuntahan nga`t sasabihin ko sa mukha niya yung 'di kita mahal, kaya tigilan mo na ako.'

Pumunta na agad ako sa parking lot at sinigurado kong walang nakasunod na estudyante dito. Di bale nang gabihin ako tonight, Sabado din naman bukas eh. Malayo pa lang siya, amoy na amoy ko na ulit.

May psychological effect kaya sakin yung perfume niya? Parang lumalambot ako eh.

He was leaning on his sportscar and he was waiting for me.

Tumayo ako sa harapanb niya at sinasabi ko sa sarili kong sasabihin ko na talaga.

Kaya lang, bigla niya akong tinulak papasok sa sportscar niya tapos umikot na siya`t nag drive bigla.

"Lex! Ano ba!"

Ambilis niyang mag drive, siguro dahil sa sportscar `tong dinadrive niya o baka naman nagmamadali siya? :o

"Saan tayo pupunta?"
"Kung saan mahal ang pagkain..." Sagot niya.

Lumingon siya sakin...

"Ang tagal mo, kailangan ko tuloy magmadali..."
"Huh?"
"Seatbelt mo..." Paalala niya.

Di ko naman ginalaw ang seatbelt ko.

Bigla na lang siyang nagbreak at... sinuot niya para sakin ang seatbelt ko.

"Ano ba... Sabi ko, nagmamadali tayo, seatbelt mo." Sabay lock sa seatbelt ko.

Pinaandar niya ulit ang sasakyan niya. Grabe, feeling ko kung di ako nagseatbelt eh baka tumilapon na ako somewhere. Ambilis niyang magdrive.

"Bakit ba? Saan ba tayo pupunta?"

Grrrr.

"Tsakaaaa.... Anong nangyari kay Princess kanina?" Ack~ Ba`t bigla ko yung naitanong.

Di siya sumagot.

"Siguro... kaya mo ko pinipilit sabihin sayo yung di kita mahal kasi may nakita ka nang ibang babae no?"

WAH! Ano daw? HAHAHAH Ba`t bigla ko yung nasabi? :-\

Tinigil niya ang sports car sa isang mamahaling restaurant.

Huminga siya ng malalim at...

"I am not... like that..." Tinitigan niya ako.
"Huh?"

Tiningnan niya lang ako. Tinitigan. Ano ba `to?

"Summer, I have never been this selfish in my life, and it scares me."

Parang napatili ang sistema ko. ??? :'( :D

"That`s why I`m doing everything this way."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"That`s why I cheated..."

May mas gagandang dahilan pa ba sa pagcheat sa sinabi niyang iyon?



SIGN 43~
Summer: Ba`t po kayo nandito?







Pumasok kami sa restaurant. Inakbayan niya pa ako. Umismid na lang ako saka niya tinanggal ang kamay niya sa shoulders ko.

"Lex," Tawag ni Aliyah.

Ang mga pinsan ko? ANDITO!

Nakangiti pa ang dalawa habang tinitingnan kami...

"Sorry, Summer. Si Lex kasi..."
Tumango na lang ako kay Aliyah. :-\

Siguro nang blackmail siya... Errrr. Desperado... ever...

Kaya lang. Okay na sana ang lahat eh. Kaso, sa malayo...

"Kanina pa sina Tita... Grabe, Lex... nahirapan kami ni Nadine dun ah."
"Onga! Stricto kasi sila. Siguradong galit si Tito ngayon..." Nadine said.

Sa malayo... nakikita ko si Mama at Papa na nakaupo sa isang table. WAAAAH~ Talaga palang desidido siyang tapusin? OH MY GOD!

Kinabahan na ako. Sobrang kaba ang nadarama ko lalong lalo na nung nakita ko si Papa na nakatingin sa akin. Tinuro ako ni papa at lumingon narin si Mama sa akin.

Agad akong pumunta sa kanila, dahil sa kaba ko.

"Ma... Pa... Ba`t po kayo nandito?"
"Summer, sabi kasi nina Aliyah na gusto daw kaming makausap ng prof mo. Hindi ko nga alam kung bakit sa ganitong lugar pa. Di ba pwedeng sa school na lang kami pumunta?" Tanong ni Papa habang umiinom ng tubig.

PATAY! LAGOT! LAGOT NA TALAGA...

Si Lex naman, nakikipag-usap pa kay Nadine at Aliyah.

"Ma, Pa... alis na po tayo...." Sabi ko habang kinukuha ang mga kamay nila.

"Bakit? May problema ba, Summer?" Tanong ni mama. "Siguro may kalokohan ka na naman sa school no kaya natatakot kang makaharap namin ang prof mo?"
"Ano ba yun, Summer?" Tanong ni papa.

Joskopo. Pinagpapawisan na ako ng malamig dito. Di ko na yata kaya itong nangyayari.

"Wala po. Pramis, wala akong ibabagsak..."
"Kung ganun, bakit parang natatakot ka?"
"Wala naman po kasing problema-"

Nakita kong papunta na si Lex sa amin.

"Kung ganun, ba`t nga kami pinatawag?" Tanong ni papa.

"Excuse me, Mr. and Mrs. Romero." Sabay lahad ng kamay ni Lex sa papa ko. "I`m Lex Andrew Santos..."

OMY GOODNESS. Ano `tooooo?

Nakataas ang kilay ni mama at papa habang inaabot din ni papa ang kamay niya.

"Santos... Lex... The owner of Sortee Beach?" Tanong ni papa habang tumatayo at nakikipagshakehands.

Napabuntong-hininga na lang ako, umiling, at umupo sa tabi ni mama.

"Yes, Sir. Ako po yung boss ni Summer sa SBClub."

Pinaupo ni papa si Lex sa harap ko.

"Your father and I are good friends..." Sabi ni papa.
"Oo nga po. Kilala din po kayo ni Dad."
"Ikaw ba yung binanggit ni Manang Alicia na pinagbilinan niya kay Summer?" Tanong ni mama habang nakataas parin ang isang kilay.
"Opo."
"Etong anak ko kasi, pinauwi ko na noon. Imbes na 8 months dapat siya sa Sortee, pinauwi ko kasi may nagustuhan daw at nainlove..."

SHET. SHET. SHET. MAAAAAAAAAA~!

Tinitigan ako ni Lex. Tumaas narin ang kilay nito at para bang gusto pa nitong tumawa. GRRRR.

"Nga pala... Summer, asan na yung prof mo?" Lumingon si mama sa paligid.
"Ahhh. Oo nga po pala. Ako po yung prof ni Summer. Substitute Teacher po ako sa school nila."
"Ha?"

Napanganga si mama at papa.

SHUCKS! Tapos, Lex? Sige... magsalita ka pa. Di ko na alam ang gagawin ko. Nagkakagoosebumps na ako.

"Ahhh. Ilang taon ka na nga pala hijo?" Tanong ni mama habang umiinom ng tubig.
"Twenty-four po."
"Oowww. I thought you`re nineteen or twenty..."
"Bakit, Lex? Ano bang problema sa anak ko?" Tanong ni papa.

Napainom ako ng tubig sa kaba.













:-[ :o












:-\

"Kasi po... I like your daughter."








SIGN 44~
Summer: Hindi po siya... prof...







Muntik ko nang maibuga ang tubig na ininom ko sa mukha ni Lex. Paano niya biglang nasabi yon? Di ba niya nakikita o naririnig sa tono ng mga magulang ko na ayaw nila na magkaboyfriend ako?

Hindi nagsalita si mama at papa.


Walang nagsasalita. OMG. WALA.

"Uh...-"

Tumango si papa, "Ikaw ba yung nagustuhan ng anak ko habang nasa Sortee siya?"

Napalunok ako ng limang pusa. AHHH!

"Hindi po ako sigurado." Tumingin si Lex sa akin.

Lumingon din si papa sakin at...

Tinanong niya ang pinakanakakasira ng dignidad na tanong...

"Siya ba yun, Summer?"

Napapikit ako.














:-[

Hindi po. Yung lifeguard, yung securityguard, yung waiter, yung manager, yung receptionist... hindi yung may-ari!

"Uhh--"

Nakatingin si Lex sakin. Pati na rin si Mama.

Bumuntong-hininga si papa.

"Alam ko na ang sagot... Ngayon, bakit gusto mong makipag-usap sa amin?" Tanong ni papa.

Umiinit na ang usapan. Kulang nalang kurutin ni mama ang hips ko dahil sa gigil sa akin. Ako naman, magbibigti na yata.

"Gusto ko lang po sanang, ipaalam sa inyo." Sabi ni Lex, seryoso.

Tumango si papa.

"Alam mo ba kung bakit ko pinadala si Summer sa Sortee?" Tanong ni mama.

OMG. Si mama naman ngayon. Matalas pa naman ang dila neto.

"Opo." Sabi ni Lex.
"Ilang beses nang nasira ang buhay niya dahil sa pag-i-pag-ibig na yan. Walang kwenta yan para sa kanya dahil masyado pa siyang bata para umibig... noon... Pero, wala parin akong tiwala sa kanyang mga gusto hanggang ngayon."

So, Ma? Ano po ba ang ibig sabihin nang sinabi mo?

"Alam kong hindi parin ako makakasiguro kung seryoso ka sa anak ko... at di ko rin masasabing payag ako sa inyo."

Tumingin si Lex sakin...

"Po? Ma... Di po kami... or what..."

Lumingon si mama at papa sakin. :-X

"Summer`s eighteen. Maybe she can decide properly now. Siya na ang bahala. Kung gusto ka niya, then... Kung ayaw niya naman, it`s her choice. I`ll try to believe in her now since she`s been through a lot." Tiningnan ako ni mama.

Tumango si Lex.

"Ikaw... ang prof niya? Diba bawal sa school yun?" Tanong ni papa. "Hindi ako papayag."

OMG. LOL. Ano daw?

"Hindi po siya... prof... I mean, substitute lang..." Ayun. Ako pa ang nanindigan.

Tiningnan ako ni papa.

"Sorry." Scary naman.

"That is something we should discuss as family... at home."

Biglang uminom si papa ng tubig at... "Maiwan na muna namin kayo. Pagod ako sa trabaho... pati na rin ang mama mo. Sasabay ka ba?" Tanong ni papa habang tumitingin sakin.

Tumayo si Mama at naghanda sa pag-alis.

"Po?"

Sasama ba ako?

Tumayo si Aliyah at Nadine at kinawayan kami sa malayo. Parang sumisenyas na aalis na sila. At nakita ko ngang lumabas na sa restaurant ang dalawa. Takot yatang mapagbuntunan ni mama at papa.

"Ako na lang po ang maghahatid sa kanya..." Sabi ni Lex kay papa.

Tumingin si papa kay Lex at umiling.

"Before 12midnight." Naglahad ng kamay si papa tanda ng pamamaalam.

Pagpapaalam nga ba?


"Opo." Tumayo narin si Lex para makipagshake hands.

Napabuntong-hininga ako.

"Summer, usap tayo sa bahay." Pahabol ni mama bago sila umalis.

Shucks. shucks. Scary.

"O-opo."

Then I looked at Lex. He was looking at me too.

Uminom siya ng tubig at pinagmasdan ang pag-alis ni mama at papa.

"Pumasa ba ako sa mama at papa mo?"


Ano? Pumasa kaya siya?
LEX CAN PERFECTLY CONTROL EVERYTHING!


::)


SIGN 45~
Summer: Nagjeep na po ako...






Nakatingin lang ako sa kanya habang tinatapos niya ang pagkain.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya.

Umiling na lang ako.

"Natatakot ka ba na baka pagalitan ka ng mama at papa mo?"

Umiling ulit ako.

"Lex, ano ba `tong ginagawa mo?"

Nakatingin lang siya sakin at naghihintay sa mga idaragdag ko.

Tinitigan ko na lang rin siya.

"Bakit ka nga pala nag absent ng dalawang meetings?" Sabay inom niya ng tubig. "Buti wala akong quiz sa mga time na yun..."

Napahinga ako ng malalim.

"Lex, don`t talk to me like everything`s okay."
"Bakit? Ano pa bang problema, Summer?" Tanong niya.

Katahimikan. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">


"I completed the signs... I talked to your parents... I did everything to get you back... ano pa ba ang problema?" Tanong niya.

Ano nga ba? Maybe I`m just scared. Natatakot akong sumugal ulit. Sumugal ulit sa pag-ibig... sumugal ulit sa kanya.

Ayokong mabigo ulit ako sa pag-ibig.

Ayokong masira ulit ang buhay ko.

Natatakot ako... dahil mukhang seryoso siya. At seryoso din ako... pero paano kung wala rin palang mangyayari? Ano na ang gagawin ko pag mabigo ulit ako?

"The last sign? Ba?"

Napalingon ako sa kanya.

"Kailangan pa ba yun?"

Anong last sign? Di pa ba niya nakokompleto lahat?

"Sign twenty-four... Pupunasan ko ang luha mo kapag iiyak ka..." Tiningnan niya ako. "I don`t wanna make you cry..."

AWWWW. AWWWW.

"Hi-Hindi yan ang ibig sabihin ko..." Sabi ko.

"Kung ganun, ano?"
"Paano ako nakakasigurong di mo ko sasaktan?" Tanong ko sabay duda-looks.

Bwusit ka, Summer! Ayan ka na naman. Parang sasagutin mo yata yan bigla ngayon ehhh. Alam kong kahit natatakot ako ngayon, sigurado ako sa sarili kong mahal ko nga siya.

Hindi siya umimik.

"Nga naman... paano ba yun? Hindi naman ako makakasiguro eh, kahit ikaw... di ka rin makakasiguro nun." Sabi ko.

Tumayo ako at nagbalak umalis, pero hinila niya ang braso ko.

"Why do you always have to ask for something so ideal?"

Binawi ko ang braso ko.

Naglakad ako paalis ng restaurant.

Di niya naman ako sinundan...

Bakit nga ba? Bakit nga ba... ganito na lang ako kahigpit ngayon?
I love him... and I don`t wanna be hurt anymore.

Padabog akong pumasok sa bahay. Nag jeep na ako. Di talaga ako hinabol ni Lex eh. Siguro, may inisip din siyang mabuti. Siguro... ayaw niya na sakin at naiinis na siya dahil masyado ko siyang pinapahirapan... Pero... KASALANAN KO!

Di ulit ako pwedeng umiyak dahil kasalanan ko.

Kasalanan ko dahil masyado akong takot.

"Summer," Nabigla ako dahil si mama at papa ang tumambad sakin sa sala.

Nagmano ako.

"Po..."
"I can see that that Lex is a good man. Tsaka, matured na siya.... Bagay sayo ang mga matured na lalaki dahil masyado kang immature." Sabi ni mama.
Tumango ako.
"Hinatid ka ba niya?" Tanong ni Papa.
"Hindi po..."
"Bakit?"
"Nagjeep na po ako..." Sagot ko nang walang kabuhay-buhay.

"Ay naku, Summer! Gusto mo ba siya o hindi. Kung ayaw mo, edi wag. Kung gusto mo siya... tapos ganyan ka... mabuti pang wa`g na lang! Sinasabi namin `to ngayon dahil ayokong masira ulit ang buhay mo. Kung sisirain din ng Lex na yun ang pag-aaral mo, ako na mismo ang maglalayo sa inyo! Naiintindihan mo ba yun?"

Ayan. Napuputakte tuloy ako dahil sa ka-walang-gana kong sumagot.

"Opo.." Tumuloy na ako sa kwarto at magdamag nag-isip.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText